Chapter 8: Poolside
"You did what?" malakas na sabi ni Karen, hindi makapaniwala sa kuwentong narinig niya.
Kinabukasan. Alas-8:35 AM. Nakahiga sa lawn chairs sa may poolside ng bahay ni Mayor Arteza sina Hannah at Karen, nagsu-sunbathing suot ang two-piece bikini. Ang maputi at makinis nilang balat ay tinatamaan ng maligamgam na araw habang ang kumikinang na tubig ng pool ay nagre-reflect sa kanilang sunglasses. Sa maliit na mesa sa gitna nila'y nakapatong ang dalawang glasses ng lemonade at ashtray na may nakasinding mga yosi.
"Hindi naman tayo magkaka-tan nito eh," angal ni Hannah at tinaas pang shades sa kanyang ulo para tumingin sa kalangitan. "Ang hina ng araw!"
"Kung mamaya ka pa sana nagyayang magswimming," iling ni Karen. "Ang aga-aga pa kasi!"
"Wala ng chance mamaya, friend," binalik ni Hannah ang sunglasses sa mata at humithit ng yosi't bumuga.
"'Yung kinikuwento mo, dali na," atat na sabi ni Karen na nag-puff din ng yosi.
Inabot ni Hannah ang lemonade sa tabing mesa at kaswal na nag-sip.
"I'm waiting..." tingin ni Karen.
Kinuwento ng psychic ang naganap noong séance kagabi sa Bahay na Bato, kung paano nagpanggap ang dimonyong si Berith bilang si Father Markus para i-lure sila na magbukas ng portal. Noong una'y paniwalang-paniwala si Hannah na si Father Markus nga ang kaharap pero nang siya'y yakapin nito'y may na-sense siyang kakaiba. At ang kaibahan ay ang kawalan—ang kawalan ng kabanalan. May kapangyarihan si Father Markus at ang ugat nito'y ang malakas niyang paniniwala, ang kakaiba niyang faith. Kapag hinawakan ka ni Father ay mararamdaman mo ito, na para bang biglang gumaan ang iyong pakiramdam. Halintulad ito for example, kapag nakaharap mo ang mahal na Papa ng Roma, psychological man o hindi, pero alam mong para kang napalapit mismo sa Diyos. May presence of the Lord, ikanga. Ganoon si Father Markus. At iyon ang hindi naramdaman ni Hannah nang kanya itong yakapin. Lalo na't may psychic powers pa siya.
"Isa pa, alam kong pabango ni Father, noh," dagdag pa ni Hannah. "Amoy Old Spice."
Natawa si Karen at nag-sip sa kanyang lemonade, "Mabuti pala at na-test mo."
"Mabuti na lang at malilibog ang dimonyo!" tawa ni Hannah. "At vain!"
"Masarap bang kumiss si Father?" pabulong na sabi ni Karen.
"Stop!" tawa ni Hannah at tinaas kanyang kamay. "'Wag tayong pumunta d'yan, friend."
"Can't wait na ikuwento mo 'yan kay Pam."
Si Pam ay ang maganda at sexing housemate ni Hannah na isang part-time waitress/promo girl, na ang boyfriend ay dati niyang manliligaw, si Dean na drummer ng isang Christian Rock Band. Kasama nila ang dalawa nang pasukin nila ang kuta ng mga Satanista sa kaso nila ng demonic possession ng dalawang kambal na lalaki.
"For sure, wild ang reaction n'un," naubos ni Hannah ang lemonade at sinubo ang yelo na kanyang nilaro sa bibig.
"Ano naman reaction ni Jules? Selos ba?" tanong ni Karen.
"Kanino? Sa akin o kay Father Markus?"
Nagtawanan sila. Maya-maya'y bumukas ang sliding door ng bahay at sumilip si Mayor Arteza na karga-karga si Chelsea.
"Chelseeeea!" kaway ni Hannah.
Pinatay nilang mga yosi at nilapag ang mga sunglasses habang lumapit si Mayor na naka-khaki shorts at polo shirt at inabot ang anak sa asawa.
"Time for her to get some sun," sabi ni Mayor at tumingin sa horizon. May araw pero hindi ito masakit sa balat. Naupo si Karen at pinatong ang baby sa kanyang lap habang pumuwesto si Mayor sa kabilang lawn chair. Masigla si Chelsea at panay ang tawa.
Maya-maya'y lumabas din ng bahay sina Jules at Father Paul na mga naka-swimming shorts at walang pang-itaas at ready na maligo. Napatingin si Hannah kay Jules habang lumubog sila ni Father Paul sa pool na modern ang design, square na may black granite tiles sa edges. Hindi na tulad ng dati ang parapsychologist na may pagka-chubby, ngayon ay lean na ito pagka't nag-g-gym, at minaintain ang kanyang semi-kalbo look at hindi na ang semi-Afro.
"So, anong plano na?" tanong ni Hannah kina Jules at Father Paul habang tumayo at bumaba sa pool. Naramdaman niya ang lamig ng bagong lusong sa tubig pero mabilis namang nag-adjust ang kanyang katawan sa temperatura. Binasa niyang kanyang mahabang bangs at brinush ng mga daliri papunta sa likod.
"Sa'n tayo maghahanap ng bagong portal?" tanong ni Father Paul.
Within earshot lamang sina Mayor at Karen na nilalaro si Chelsea.
"Are you thinking of other haunted houses?" tanong ng alkalde. "How about 'yung Bahay na Pula sa Bulacan?"
Ang Bahay na Pula o Ilusorio House hango sa pangalan ng dating may-ari, ang hacienderong si Don Ramon Ilusorio na naitayo noong 1929, ay isang ring kilalang haunted house sa San Ildefonso, Bulacan. Bahay na pula dahil sa kapansin-pansing pintura nito, ang bahay ay nakatayo malayo sa ibang kabahayan at may pagkakahalintulad sa Bahay na Bato ni Mayor pagka't noong unang panahon ay daan-daang babae rin ang ginahasa't pinatay dito ng mga sundalong Hapon, marami sa kanila ay edad 8 o 9 pa lamang. May mga mag-iina pa ngang sabay na hinalay, at ang mga tumanggi ay binayonete. Dahil doon ang daing ng mga biktima ang maririnig na nagmumulto sa Bahay na Pula, forever na humihingi ng hustisya.
"Well, of course, mas notorious pa rin ang Anlunan Residence," pagmamalaki ni Mayor sa kanyang pagmamay-aring haunted house sabay kindat pa kay Karen. "A certified tour-guided haunted house and I'm still making improvements..."
"Tulad na lang ng pag-hire mo kay Igor..." pag-roll ng eyes ng Karen.
"Well...yes..." ngiti ni Mayor.
Pero, ayon kay Jules, hindi porke't haunted house ay may portal na.
"Not unless may deranged Japanes surgeon na tulad ni Nakadai ang nagbukas ng portal doon by purpose, 'di tulad ng sa Bahay na Bato," aniya. "Wala doong portal."
Napakamot ng ulo si Mayor, "Well, y-you're right, Jules. Maybe not even the famous Laperal House have that kind of history."
"Laperal House..." pag-isip ni Father Paul. "Ito ba 'yung sa Baguio naman?"
"Yes," confirm ni Karen habang alaga si Chelsea. "Ito naman white house na ipinatayo ng mag-asawang Roberto at Victorina Laperal noong 1930s. Same story. Noong World War 2, marami ring tinorture at pinatay na mga Pilipino at ni-rape na mga babae dito. Legit ito na haunted house. Maraming stories ng mga nakarining ng mga disembodied voices. May mga spirit questors na nakakita ng tutoong apparitions. Mga naglalakad na white lady, mga reflections ng multo sa salamin. Dahil well-preserved ang bahay, exterior and interior furnishings, it's a certified tourist spot."
Umiral lang ang pagka-tour guide ni Karen. Napatingin sa kanya ang asawa sa mention ng "certified." Kaya't sinabi niyang gustong marinig nito.
"Of course, wala nang tatalo pa sa Anlunan Residence."
Napangiti si Mayor. Na-boost nanaman ang ego na number one ghost hunting spot ang kanyang Bahay na Bato, ayon na rin sa mga surveys at articles na lumabas. To boot, may documentary pa siyang dinirek mismo na pinamagatang "Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House" na mabibili sa shop sa Bahay na Bato for only P250.
"Hindi ko pa ata napanood 'yon," sabi ni Father Paul.
"I'll give you a free signed copy," sabi ni Mayor, at bumaling kina Jules at Hannah. "How about you two?"
Hindi sumagot ang dalawa, pagka't sa mukha nila ay parang nagka-eureka moment sila. May naalala sila nang mabanggit ni Father Paul ang Baguio.
"Jules, iniisip mo ba ang iniisip ko?" mulat na sabi ni Hannah.
"Y-yes..." sagot ni Jules.
Nagtaka ang iba.
"What?" kunot-noo ni Mayor. "Anong na-miss ko?"
Sabay na tumingin sina Jules at Hannah sa kanila, at sinabi:
"Banga!"
#
[SPOILER ALERT! Dear readers, below ay mga revelations sa story na mas maa-appreciate n'yo kung mababasa n'yo muna ang nobela kong "Ang Banga sa Silong." – inyong awtor.]
#
12:25 PM. Inabutan na sila ng tanghalian sa poolside kung saan nagpahanda ng pagkain sa picnic table si Mayor para doon na sila kumain, ayaw din naman niyang mabitin sina Jules, Hannah at Father Paul sa paliligo since after noo'y luluwas na rin sila agad pabalik ng Maynila sa hapon.
Uminit ang araw at ang pag-asang magka-tan nina Hannah at Karen ay nabiyayaan din. Happy naman si Father Paul na makaranas ng swimming pool pagka't ilang beses lang daw niyang na-experience iyon sa tanang buhay niya. Isa na iyong nakasama siya sa pagbibinyag ng mga Born Again Christians.
Barbecue ang lunch nila. Sa sobrang saya at excitement ni Mayor na pinayagan ni Karen na sumama kina Jules, Hannah at Father Paul para sa isa na namang adventure ay ginamit niyang outdoor grill. Siya pa mismo ang nag-g-grill ng steak at burgers. This time en route sila ng Baguio—kung saan ayon kina Jules at Hannah ay matatagpuan ang hinahanap nilang portal kung saan maaaring gamitin para makabalik si Father Markus.
"Okay, tell me more about this portal," sabi ni Mayor kina Jules at Hannah habang hawak ang spatula sa isang kamay, at tongs sa kabila. Naka-suot pa siya ng apron. "Sabi n'yo isang banga ang portal?"
"Manunggul Jar," sabi ni Jules. "Or the like, isang burial jar na gamit ng ancient Filipinos para ilibing ang kanilang mga patay."
Ganado sa pagkain sina Jules, Hannah at Father Paul, nakaupo sa lawn chairs at kanya-kanya ng hawak ng plato na may steak at burger smothered in barbecue sauce, at side dish na mashed potato, corn and vegetables. Hindi nila alam ang uunahanin, kumain o makipagkuwentuhan. Si Karen nama'y nilalaro si Chelsea na binihisan din niya sa cute na swimming attire at nilalakad-lakad sa artificial na turf grass.
"Tell me more," habang lumagok ng ice cold beer si Mayor Arteza at binaligtad ang mga gini-grill na meat.
Si Hannah ang nagpatuloy.
"According sa legend, ginagamit ang mga jars din para i-trap ang mga evil spirits," aniya.
"At nasaan exactly ang mga banga?"
Nagkatinginan sina Jules at Hannah, bago sinabi ni Hannah:
"Sa silong ng isang bahay."
Napaisip si Mayor. Napatingin pa sa malayo.
"Banga sa silong..."
"Correct!" sabi ni Hannah bago lumapang ng steak.
"...ng isang haunted house..." muni pa ni Mayor.
"Well, not exactly a haunted house, Sonny," sabi ni Jules, uminom muna ng lemonade, at: "Pero, may kakaiba sa bahay na ito..."
"Ano 'yon?" tingin ni Father Paul habang humiwa ng burger.
"Protected siya ng magic!" masayang sabi ni Hannah. Magkatabi sila ni Jules sa upuan at nagto-touch ang mga bare nilang hita na basa pa ng tubig ng pool, pero hinahayaan lang nila.
"Magic?" curious-look ni Father Paul habang tuminidor ng steak.
"As in David Blaine?" sabi ni Mayor Arteza.
"Uy! Crush ko 'yunnnnn!" sigaw ni Karen mula sa likuran nila.
"Ako rin, friend!" sang-ayon ni Hannah. "Papaanak ako sa kanya!"
Nagtawanan ang dalawang babae.
Nag-roll ng eyes si Jules. Pati rin si Mayor. Natawa lang si Father Paul.
"Hindi street magic, Sonny," sabi ni Jules. "Real magic. Witchcraft."
Napaindak si Mayor, lalong na-excite. Witchcraft, bulong niya.
Halinhinang kinuwento nina Jules at Hannah, in between kain ng steak at burgers, na una silang nagkakilalang dalawa sa Baguio mga six years ago, noong isang neophyte pa lamang na ghost hunter si Jules at iba pa ang kanyang ka-partner. Hinire sila para imbestigahan ang haunting sa isang lumang bahay sa hills sa Baguio na pagmamay-ari ng mag-asawang matatanda na napag-alaman nila later on na mga witch at sorcerer. At doon, ang naka-encounter nila'y walang iba kundi isang malakas na first heirarchy demon na nagngangalang Abaddon.
Nang mabanggit ang pangalan ng demon ay tila may gust of wind na dumaan. Nagliparan ang mga dahon na ikinagulat ng nagwawalis na maid sa tabi ng bahay, at saglit na natakpan ng ulap ang araw na para bang akala mo'y uulan. Napansin nila ito at saglit silang natahimik, pati rin si Chelsea na yumakap sa kanyang mommy. Maya-maya'y bumalik din ang araw.
"Tingin ko may personal na galit din si Abs kay Father..." bulong ni Hannah.
"Really?" react ni Mayor. "Why is that?"
At kinuwento rin nina Jules at Hannah kung paano nila nakilala si Father Markus pauwi ng Manila from Baguio. Na may nasiraang van ng mga madre na tinulungang palitan ng gulong ng pari; na naki-hitchhike ang pari sa Hi-Ace; na si Greg na ex ni Sam na kasama nila sa Hi-ace na na-possess ni Abaddon na akala nila'y magaling na ay hindi pa pala; na in-exorcise ni Father Markus si Greg at pinatalsik si Abaddon sa kanyang katawan. And the rest, as they say, is history.
"Interesting tale," muni ni Mayor.
"Parang fate na nagkakilala kayong tatlo," dagdag ni Father Paul.
"I guess," taas-balikat ni Jules.
"So, itong mga witches, they're the real deal?" paniniguro ni Mayor.
"Yes ," sabi ni Jules. "Malalakas na witches."
"Pero ang kailangan nating ma-kontak talaga ay 'yung apo nila na si Sam," punto ni Hannah. "Siya kasi ang pumalit na protector ng banga."
"Isang sorcerer," wari ni Mayor.
"Isang witch," pag-correct ni Hannah. "Babae si Sam. Short for Samantha."
"I see."
"Paano natin sila mako-kontak?" tanong ni Karen, si Chelsea na karga niya'y mukhang inaantok na. "May number kayo?"
"Si Jules," turo ni Hannah. "Ka-facebook niya 'yung batang pamangkin ni Sam. Parehong nerd kasi!"
"Thank you, ha," irap ni Jules. "Si Aaron 'yung sinasabi mo. And I don't think bata pa siya. 18 na siguro siya ngayon."
"Oo nga noh!" realize ni Hannah. "Sina lola at lolo kaya buhay pa?"
"Sina Lola Edna at Lolo Charlie," sabi ni Jules. "'Yan ang malalaman pa lang natin."
Maya-maya'y biglang nag-ring ang cellphone ni Jules.
"Ito na!" hudyat niya. "Si Aaron na siguro ito."
Sinuot ng parapsychologist ang kanyang eyeglasses para sagutin ang tawag. At tulad ng sinabi niya, hindi bata ang lumabas sa video call, kundi isang binata nang 18-year old na naka-salamin at tulad din ng sinabi ni Hannah, mukhang nerd na parang si Jules. May hitsura rin naman.
"Jules!" masayang bati ni Aaron sa video call.
"Aaron!" masayang balik ni Jules.
"See? Sabi sa inyo. Parang kambal lang sila," pang-asar na sabi ni Hannah, tapos ay nag-wave sa phone.
"Hi, Aaron!"
"Hannah!" balik ni Aaron. "Long time no see! So, what's up?"
Pinakilala muna ni Jules sina Mayor, Karen, Father Paul, even Chelsea na kumaway sa phone, bago niya sinabi ang sadya ng kanyang tawag. Gets naman agad ni Aaron na mahalaga ang mission nila na gamitin ang portal na banga. Tulad ni Jules, mahilig din siya sa paranormal at occult, lalo pa nang nakilala niya ang parapsychologist. Hindi nga lang siya naging isang parapsychologist tulad ng una niyang plano kundi'y kumuha ng Bachelor of Arts in History.
"Aaron, nasa Baguio ba si Sam?" tanong ni Hannah.
"Yes," sagot ni Aaron, na biglang naging siryoso ang mukha. "Pero, may problem sa mga banga..."
Nagulat sina Jules at Hannah.
"What?" tanong ni Jules.
"Mabuti pa si Tita Sam na lang magkuwento sa inyo," sabi ni Aaron.
Matapos ang konti pang kumustahan, at konting nerd talk, ay natapos ang tawag kay Aaron. Pinagpatuloy pa nila ang pagkain pagkatapos ay naligo uli sa pool, habang pinasok ni Karen si Chelsea sa loob ng bahay pagka't nakatulog na ito. Magaalas-Tres ng hapon, pilit na isinasantabi muna nila ang mga balakid na kanilang hinaharap para kahit paano'y makapag-enjoy, pero all the while, kanya-kanya sila ng iniisip sa mga mangyayari na may pangamba at anxiety.
Lalo pa silang naturete nang tumawag si Bishop Israel na may masamang balita.
NEXT CHAPTER: "Dark Exorcist"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top