Chapter 7: Solaire/Seance

"Sigurado akong babalik 'yan ng hotel, pare."

"Malamang sa Manila Hotel, malapit lang 'yun dito."

"Sa'n pa ba? May mas gagara pa bang hotel?"

"At mamahal."

"At mamahal. 5-star eh."

"Distansya pa ng konti, baka mahalata tayo."

Mula sa likuran ng Nissan X-Trail, naaaliw na nakatingin si Pauline sa dalawang naguusap na private investigators habang sinusundan nila ang itim na Range Rover ni Adelaine. Nakaramdam ng excitement si Pauline at konting pangamba na makasama sa isang clandestine na activity. Feeling niya, parang pelikula lang na mala-James Bond.

Pagkalabas ng Manila Cathedral ay kumaliwa sila sa Roxas Boulevard en route sa tinutukoy na hotel. Ang makasaysayang Manila Hotel na tinaguriang the "Grand Dame of Philippine Hotels" ay ang pinakasikat at kauna-unahang premyadong hotel sa bansa. Isipin mo na lang ang mga sikat na nag-stay dito throughout the century: Douglas MacArthur, Dwight Eisenhower, Bill Clinton, Prince Charles, Richard Nixon, John Wayne, The Beatles, at Michael Jackson. Hindi nakakataka na iyon ang nasa isipan ng dalawang P.I. 'Yun nga na lang, noon iyon. Napangiti na lang si Pauline sa obvious na pagka-old school lang ng dalawa. Lalo na nang makitang reaksyon nila nang lampasan nila ang Manila Hotel.

"Teka, do'n ang Manila Hotel a! Lampas na tayo!" turo ni Tiglao.

"May mas mahal pa po kasing hotel kesa d'on," nakangiting sabi ni Pauline.

"Ha? Saan?"

"Hula ko po, baka magka-casino sila. Hotel-casino ngayon ang puntahan."

Nagkatinginan sina Tiglao at Tony.

"May camera sa likuran sa bag na itim," senyas ni Tony.

Binuksan ni Pauline ang bag sa tabing upuan at kinuhang Nikon camera at kinabit ang mahabang lens at kanyang inabot kay Tiglao na tumanggi dahil hindi raw niya alam gamitin iyon, isa pa'y mahina ang mata niya sa gabi. Kaya't mula sa likuran, si Pauline ang gumamit ng camera para kunan ng litrato ang Range Rover ni Adelaine.

"'Yung plaka..." turo ni Tiglao.

Finocus ni Pauline ang lente at kinunan ang plaka, at muling nakita ang simbolo ng triangle na may mata sa gitna.

"Illuminati..." kanyang sabi.

"Illuminati?" narinig ni Tony.

Tinuro ng dalaga ang simbolo sa plaka na hula niya'y sa Illuminati—na pagkakaalam niya'y isang secret organization na ayon sa conspiracy theorists ay kinabibilangan ng mga makapangyarihang tao sa mundo, mga world leaders, na sa kanilang plano na magpalaganap ng tinatawag nilang New World Order, ay silang magpapatakbo ng buong mundo sa pamamagitan ng isang totalitarian government.

"Pa'no mong nalaman 'to?" tanong ni Tiglao.

Binanggit ni Pauline ang pelikulang Angels & Demons, saka napanood daw niya sa Youtube. Pero aniya, matagal na raw na hindi nae-exist ang mga Illuminati, na isa na lamang itong myth.

Napatingin sila sa kanilang kanan pagka't palubog na ang araw. Nabalot sa kulay orange ang kalangitan at dagat sa pagpapaalam ni haring araw. Ang paligid ng Roxas Boulevard sa baybayin ay napuno ng mga silhouettes ng mga taong huminto para panoorin ang magandang tanawin ng Manila Bay Sunset.

At tama sa hula ni Pauline, dire-diretso lang sila ng Roxas Boulevard, lampas pa ng Rizal Park, ng US Embassy, ng CCP, at ng iba pang magagarang hotel na 3-star o 4-star lamang, at lumiko ang SUV ni Adelaine sa Aseana Avenue hanggang sa nakarating sila sa:

"Solaire!" bulalas ni Pauline.

Gabi na, at ang sumalubong sa kanila'y ang maliliwanag na ilaw ng Solaire Resort & Casino. Nang tanungin, sinabi ng dalaga na nakapunta na siya roon para manood ng concert. Hindi na nagtaka ang dalawang P.I. na may concert hall doon pagka't malawak ang lupain kung nasaan ang entertainment complex na may world-class casino at 5-star hotel. Mahigpit ang security at dumaan pa sila sa isang mala-toll gate para inspeksyunin ng mga security guards ang kanilang sasakyan. Makalampas Doon ay sinundan nila ang Range Rover hanggang sa entrance ramp ng casino at nakitang pinagbuksan ng pintuan ng mga casino attendants si Adelaine. Kasunod niyang pumasok sa loob ang naka-barong niyang bodyguard. Nakunan ni Pauline ng litrato ang eksenang iyon.

"Bumaba na kayo ni Pauline, pare, para masundan n'yo," sabi ni Tony. "Susunod ako."

Iyon nga ang ginawa nina Tiglao at Pauline, habang nagdrive-on si Tony para i-park ang kanyang Nissan X-Trail.

"Good evening!" bati kina Tiglao at Pauline ng mga attendants ng Solaire, mga naka-white long sleeves na may kurbata, itim na pantalon at skirt.

Halatang ilang si Tiglao habang papasok sila ng casino pagka't naka-short sleeved polo lang siya at maong. Aniya'y dapat daw ay nag-boss jacket siya kung alam lang niyang magka-casino sila. Nalaman later on ni Pauline na ang sinasabing "boss" jacket ay hindi pala ang brand na Hugo Boss, kundi'y sinaunang tawag sa jacket na maraming butones.

"Siguradong tingin nila eh sugar daddy mo ako," sabi ni Tiglao.

Natawa si Pauline.

Sinundan nila si Adelaine while keeping their distance, habang nagpalakad-lakad ang babae sa loob, ang kanyang bodyguard sa kanyang likuran. Na-i-interrupt naman ang lakad nina Tiglao at Pauline pagka't mangha lang ang P.I. sa katitingin sa interior, ng mga naggagandahang chandeliers, ng nilalakaran nilang carpet na masarap sa paa. Aminado naman si Tiglao na noon lang siya nakapasok sa ganoong lugar, at naisip na pag nagkapera siya'y dadalhin niya roon ang asawang si Rose.

"Malay mo tamaan namin ang jackpot sa slot machine," sabi ni Tiglao.

Nakita nilang pumasok si Adelaine sa isang VIP room na for members only, bukod sa may dress code, habang ang kanyang bodyguard ay nanatili sa labas na nakabantay.

"Mukhang hanggang dito lang tayo," sabi ni Tiglao, habang pinagmasdan nila ni Pauline si Adelaine mula sa labas. Naupo ang babae sa isang card game table na may dalwang taong naglalaro na, mga foreigner, at may babaeng naka-red long sleeves na siyang card dealer. Maya-maya'y dinalhan ng waiter si Adelaine ng cocktail drink, at nag-deal ng cards ang babae.

"Ano po ba 'yung nilalaro nila?" tanong ni Pauline. "Black Jack?"

"Baccarat," sabi ng malalim na boses.

Paglingon nila'y nariyan na si Tony sa tabi nila.

"For members only, pare," turo ni Tiglao sa VIP bar room. "Wala na tayong magagawa dito, i-meet na lang natin si Greg."

"Pare naman, kapapasok ko lang," angal ni Tony na mukhang excited din na maglagi sa loob ng hotel & casino, lalo na't marami siyang naispatan na magagandang mga babae, bukod pa sa aniya'y cute na mga female attendants. Isa pa'y tinawagan na niya si Colonel Laxamana para doon na lamang sila mag-meet sa Solaire.

"Kumain na muna tayo, nagugutom na ako," aya ni Tony.

"Laki kasi ng bodega mo eh," iling ni Tiglao.

Natawa si Pauline, "Libre n'yo po?"

"Oo, 'wag lang sa sobrang mahal," sabi ni Tony.

Nakahanap sila ng restaurant na nagse-serve ng beer dahil iyon ang gusto ni Tony. Napakamot siya nang makita ang menu. Ang pinakamurang steak ay nasa P2k, ang pancit canton ay P520, ang Caesar Salad ay P580.

"Chicken Adobo, P560," basa ni Tiglao sa menu suot ang reading glasses. "May rice na kaya ito?"

"Ika-card ko na lang," paglunok ni Tony.

Umorder ang dalawang P.I. ng matatabang burger dahil may kasama ng dalawang beer at French fries na nasa P800+ isa, si Pauline ay nag-Carbonara na nasa P620.

"Dala mo naman senior card mo, 'di ba?" sabi ni Tony kay Tiglao.

Natawa sina Tiglao at Pauline.

Nang dumating si Colonel Laxamana ay mga busog na sila at naka-lima ng beer si Tony, medyo tipsy na't malakas ang boses, kung kaya't napapatingin ang ibang customers sa mga tabing mesa. Wala naman silang magawa pagka't malaking tao si Tony lalo na't dumating ang bisita na naka-military uniform.

"Pareee, ano gusto mo beer?" masigabong alok ni Tony na para bang birthday niya.

Tumanggi naman si Laxamana, conscious na identified siyang military at ayaw makitang may hawak na alak. Maaari naman na naka-civilian na siya, pero aniya'y mas kumportable siya kapag suot ang uniporme, bukod sa nakakapasok siya sa mga establisyimento ng libre ay sinasaluduhan pa. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Tiglao at pinagusapan agad ang tungkol kay Andy. Ang pangunahing gusto nilang malaman ay kung sino ang nag-email kay Pauline na nagpakilala lamang na "Friendly Stranger" na hula nila'y isang psychic na nagsabing buhay si Andy at nasa ibang planeta at isang araw daw ay magbabalik.

"Jang-Mi," sabi ni Colonel Laxamana. "Tama kayo, siya 'yung Koreanang psychic na hinire ko para tumulong sa amin ni Andy."

"Bakit niya sinabing magbabalik si pare?" tanong ni Tiglao.

"Hindi ko masasagot 'yan ng pinal," ani ng colonel. "Ang hula ko'y nagkaroon sila ng malakas na psychic connection ni Andy."

"S'an namin mahahanp itong Jang-Mi?"

Nag-pause si Colonel Laxamana at tumingin sa tatlo.

"Sabihin nating mahahanap ko siya," aniya, siryoso. "Anong binabalak n'yo?"

"Ano pa e 'di alamin ang katotohanan," agad na sabi ni Tiglao. "At isa pa..."

Sinabi ng P.I. ang tungkol kay Father Markus, ang gumuhong belfry tower, na maaaring may koneksyon iyon sa pagkaka-abduct kay Andy. Napaisip si Colonel Laxamana. Science and religion? Anong koneksyon ng dalawa sa isa't-isa? Ang teorya ni Tiglao ay maaaring ang nangyari sa Manila Catheral ay isa ring alien abduction.

"Hindi ba napaka-fantastic na ng sinasabi mo?" ani ng militar.

"Nung una ba naniniwala ka sa mga aliens?" balik ni Tiglao.

Natahimik si Colonel Laxamana, at huminga nang malalim.

"Maniwala kayo, gusto ko ring malaman ang katotohanan," aniya, at tumingin kay Pauline pagka't sa dalaga nakatuon ang kanyang guilt. "Ako ang nag-hire kay Andy. Ako'ng responsable sa nangyari sa kaniya."

"Kung ganon po, tulungan n'yo po kami," sabi ni Pauline.

Tumango si Colonel Laxamana. Sinabi niyang malakas na psychic si Jang-Mi. Na nagawa nitong makipag-communicate sa mga multo noong nag-séance sila sa simbahan ng Callejon. Na nagawa rin nitong ma-contact ang yumaong ama ni Andy. Isang bagay na maaaring gawin nila ay dalhin si Jang-Mi sa belfry tower ng Manila Cathedral at sa pamamagitan ng psychic abilities niya ay malalaman nila ang tunay na nangyari roon.

"That's a start," sang-ayon ni Tiglao, at bumaling sa katabi niyang si Tony. "Pare, anong masasabi mo?"

"Oookay," tango ni Tony, namumula't mapungay ang mga mata at kaya kanina pa tahimik ay lasing na pala.

Sinalinan ng tubig ni Tiglao ang kaibigang P.I., "Uminom ka ng tubig o..."

Pagkainom ay kinuha ni Tony ang dala niyang dslr camera at pinakitang mga nakuhang litrato. Naalala nila bigla kung bakit sila nasa Solaire in the first place.

"Sino siya?"pagtataka ni Colonel Laxamana habang tinitignan ang litrato ni Adelaine.

"'Yun ang isa pang gusto naming malaman," sabi ni Tiglao. "Sinundan namin siya dito. Bisita siya ng bishop ng Manila Cathedral."

Pinoint out ng P.I. na ang plaka ng sasakyan ni Adelaine ay foreign diplomat.

"Send n'yo sa akin ang litrato," ani ng colonel. "Tatanong ko sa koneksyon ko sa DFA."

"Ganda nooo?" ngiti ni Tony, papungay-pungay ang mata pero sige pa ring inom ng beer. "Alamin mo kung shingle..."

Natawa sila.

Nagpaalam si Colonel Laxamana at nangako na magkikita silang lahat muli sa loob ng 2 o 3 days. Naglagi pa saglit sina Tiglao, Tony at Pauline para pababain ang tama ni Tony. Nagpalakad-lakad sila sa loob ng casino hoping na makitang muli si Adelaine, nguni't wala na ito. Naglaro ng slot machine si Tiglao at nadisappoint na saglit lang ang P500 niya sa slot machine at wala siyang napanalunan. After 1 hour, nang okay na si Tony ay nilisan nila ang casino, at habang pasakay sa X-Trail ay hindi nila napanasin na sa kalayuan ay may lalaking kumukuha rin ng kanilang litrato.

#

Saktong alas 9:00 PM nang sinara nilang pintuan ng Dead Room para gawin ang seance. Nagbilin si Mayor Arteza kina Igor at Manong Guard na maging alerto sakaling kailanganin nila ng tulong. Ayaw nang maulit ng alkalde ang nangyari noon na hindi sila makalabas ng Dead Room at na-trap sa loob kasamang mga multo. Madilim sa loob ng parisukat na kuwarto na walang mga binata. Lalo pa't pinatay nila'ng nag-iisang bumbilya at nagsindi ng kandila sa bilog na mesa sa gitna ng kuwarto. May apat na mga upuan ang nakapalibot sa mesa para kina Jules, Hannah, Father Paul at Mayor Arteza. 

Panahon ng ikalawang digmaan nang mabuksan ang portal sa Dead Room sa kagagawan ng Japanese surgeon na si Dr. Nakadai sa pamamagitan ng pagaalay ng mga kaluluwa sa dimonyo. Sumara ang portal sa tulong ng holy artifact na rosaryo ni San Lorenzo Ruiz na gamit ni Father Markus para patalsikin ang dimonyong si Berith sa batang si Berta. Ang plano nila sa seance ay makontak si Father Markus na na-trap sa Netherworld para makatulay sa portal, nguni't alam nilang naririyan lang si Berith na nagmamatyag at nagaantay ng pagkakataon para ring makalabas. Para maisakatuparan ang plano, sinabi ni Hannah na kailangan niya ng personal na gamit ni Father Markus.

"Para saan?" curious na tanong ni Mayor Arteza.

"May mga multo na sobrang na-attached sa mga bagay sa mundo," paliwanag ni Hannah. "Tulad ng mga kagamitan, laruan, manika, damit..."

"Bahay o kaya mga lugar na lagi nilang pinupuntahan," dagdag ni Jules.

"Korek!" sabi ni Hannah sabay kindat sa parapsychologist na napailing. "Dahil sobrang attached ang mga multo sa mga 'to noong nabubuhay pa sila, ginagawa nila silang tulay para makatawid sa mundo."

"I get it," sabi ni Mayor. "Doon sila nakakapag-feed ng energy."

"Yes, Mayor."

Sa paraang iyon, ayon sa psychic ay masa-summon niya mismo si Father Markus at hindi ibang multo ang sasagot. Aniya, sa kuwarto'y may nakikita na siyang ibang multo na umaaligid-aligid.

"Pero, technically hindi multo si Father, 'di ba?" tanong ni Father Paul. "I mean buhay siyang pumasok sa portal at na-trap..."

"Well, technically," sabi ni Jules. "Ang kaibahan niya sa multo ay wala siyang katawan na babalikan."

"Weird," sabi ni Mayor. "So anong gamit ni Father ang gagamitin natin?"

Nilapag ni Father Paul ang itim na bag na parang sa duktor—ang bag ni Father Markus na gamit na niya ngayon at laman ang mga gamit pang-exorcism: bakal na crucifix, holy water at bibliya. Kinuha iyon ni Hannah at pinatong sa lap niya, pagkatapos ay sinabi niya sa lahat na sila'y maghawak ng mga kamay. Paikot mula sa kanan niya nakaupo sina Jules, Mayor then si Father Paul.

"Okay, game..." sabi ni Hannah, halos pabulong.

Sa gitna ng mesa, pinagmasdan nila ang kandilang nakasindi, pumikit si Hannah at nagsimula ang séance, ang itim na bag nasa kanyang lap.

"Father..." aniya. "Naririnig mo ba ako? Kung naririnig mo ko, give me a sign."

Nakiramdam sila. Katahimikan. Inulit ni Hannah ang sinabi, pero sa loob ng isang minuto ay wala silang nakuhang sagot. Dumilat muli si Hannah.

"Wala akong maramdaman..."aniya.

"Try it again," udyok ni Mayor.

Pumikit uli si Hannah at nag-concentrate.

"Father, si Hannah ito. Kung naririnig mo ko, give me a sign."

Nguni't lumipas ang isa pang minuto na naging dalawa, at after five minutes, wala pa ring sign ni Father Markus. Frustrated na dumilat si Hannah.

"Kailangan kong pumasok," aniya.

"Pumasok?" pagtataka ni Jules. "Anong ibig mong sabihin—"

Hindi na siya sinagot ng psychic kundi sinabi, "Tubig, kailangan ko ng tubig. Sa batya."

Mabilis na lumabas si Mayor Arteza ng kuwarto at nagpakuha kay Igor ng batya na may tubig.

"Para saan ang tubig?" tanong ni Father Paul.

"Water, father," sagot ni Hannah. "Ay natural na conduit between dimensions..."

"Huh?" react ni Jules. "Sa'n mo naman nalaman 'yan?"

"Basta."

Maya-maya'y dumating ang batya na may tubig na inabot ni Igor, tapos ay sinara nilang muli ang pintuan ng Dead Room. Nilapag ni Hannah ang batya sa kanyang paanan, hinubad ang kanyang Doc Martens at nilubog ang hubad na mga paa sa tubig. Tapos ay niyakap niyang itim na bag. Napapatingin si Jules sa makinis na legs ng psychic lalo na't naka-leather skirt pa ito.

"Jules, pumunta ka sa likod ko tapos yakapin mo ko," sabi ni Hannah.

"Ha?" gulat si Jules.

"Bilis, kailangan ko ng energy mo!"

Pumuwesto sa likuran ng upuan ni Hannah si Jules, pero hesitant siya.

"Ano ba, Jules? Yapusin mo ko!"

"Yapos talaga?"

"Gusto mo bang makontak si Father Markus o ayaw mo?"

Nagbuntong-hininga si Jules at ni-wrap ang mga kamay niya kay Hannah.

"Higpitan mo pa," utos ni Hannah.

"Paano ba?" hinigpitan ni Jules ang yakap. "Ganito?"

"Yan," ngiti ni Hannah.

Nang makita nina Mayor at Father Paul ang ngiti ni Hannah'y napangiti rin sila. Gets nila.

"Kailangan ba talaga 'to?" reklamo ni Jules.

Maya-maya'y natatawa na si Hannah. Natawa na rin sina Mayor at Father Paul. Inis na bumitaw si Jules.

"Wala lang, gusto ko lang," tawa ni Hannah.

"Fuck you, Hannah Claire," inis na sabi si Jules.

"Okay, serious na," sabi ni Hannah.

Pinaupo niya muli ang tatlo at pinaghawak ng mga kamay at sinabing kumapit sa kanya habang yakap niya ang itim na bag at ang paa sa tubig. Pumikit muli si Hannah at nag-concentrate.

"Father, si Hannah ito. Kung naririnig mo ko give me a sign."

Biglang gumalaw ang apoy ng kandila.

Bagama't walang hangin sa loob ng Dead Room.

"Father, si Hannah ito. Kung naririnig mo ko give me a sign!"

Gumalaw ang tubig sa batya. Mahina hanggang palakas nang palakas na animo'y kumukulo. Naramdaman nila ang malakas na ihip ng hangin sa kanilang uluhan at ang mesa ay nagsimulang umuga, nagtaasan ang kanilang mga balahibo, habang patuloy na tinatawag ni Hannah si Father Markus.

Maya-maya'y biglang nanigas ang katawan ni Hannah. 

"Hannah! Anong nangyayari?" pagpanic ni Jules. "Hannah, wake up!"

"No! Wait!" pigil ni Mayor. "Look!"

Tinuro ng alkalde ang mga mata ni Hannah, nakapikit ito pero kitang gumagalaw ang mga mata sa talukap.

"Nag-a-REM siya," sabi ni Mayor.

Nakita iyon ni Jules at alam niyang ibig sabihin noo'y active ang subconscious ni Hannah.

Which means nasa ibang plane of existence na siya. Ibang dimension.

Kadiliman.

Nang dumilat si Hannah ay nakita niyang nasa madilim na lugar siya. Sa Dead Room? Hindi siya sure pagka't ang kadiliman ay walang hangganan. Wala sina Jules, Mayor at Father Paul, pero naramdaman niyang hindi siya nag-iisa.

"Father?" tawag ni Hannah.

At narinig niya ang boses na matagal na niyang hindi naririnig.

"Hannah..."

At mula sa dilim naglakad palapit si Father Markus.

"Father!"

"Hannah..."

Hanggang sa nagtapat sila. Hindi napigilang maiyak ni Hannah nang makita ang pari.

"Bakit ka tumalon, Father?" lumuluhang sabi ni Hannah ang kanyang boses nag-k-crack. "Ba't mo ginawa 'yon? Ba't ka nagsacrifice?"

"Alam mong iyon lang ang paraan," sabi ni Father Markus.

"Pero..."

"Don't worry, Hannah," sabi ng pari. "Sa tulong mo, makakabalik ako uli. Kaya mong buksan ang portal. Nasa kapangyarihan mo. Isasama mo ako pabalik."

Napatingin si Hannah. Binuksan ni Father Markus ang kanyang mga kamay. Lumapit ang psychic at yumakap. Pero, may na-sense si Hannah nang yakapin niya ang pari. May kakaiba kay Father Markus. May pagbabago. Napaisip si Hannah.

"I miss you, Father," sabi niya.

"I know," sabi ni Father Markus. "Miss ko na rin kayo."

"A-actually, Father, hindi lang kita nami-miss," sabi ng psychic at tumingin sa mga mata ng pari. "Iniisip kita."

Napatingin sa kanya si Father Markus, at awkward na napangiti, tila hindi exactly alam ang ibig sabihin ni Hannah.

"Iniisip?"

"Hindi mo ba alam?" sabi ni Hannah. "Matagal na kitang mahal."

Kumunot-noo ni Father Markus.

"Anong ibig mong sabihin, Hannah?"

"I mean..." sabi ni Hannah. "I love you."

Napaindak si Father Markus. Hindi alam ang sasabihin.

"'Di ba mahal mo rin ako?" tanong ni Hannah. "We're meant for each other. Pareho tayong may powers."

"P-paano si Jules?" may pagkalito sa mukha ni Father Markus.

"Si Jules? Kunwari lang 'yon," sagot ni Hannah. "Ikaw talaga ang mahal ko."

"Hannah..."

"Kiss me, father."

Nilapit ni Hannah ang mukha niya. Napatitig si Father Markus sa mapupula at malambot na mga labi ng psychic, at nakaramdam siya ng pagnanasa.

"Kiss me..." pag-akit ni Hannah.

Yumuko si Father Markus at naghalikan sila ni Hannah. Naramdaman nilang init sa kanilang mga katawan. Ang kadiliman lalo pang pinapaigting ang kanilang pagnanasa. Mahigpit ang kanilang kapit sa isa't-isa na para bang matagal na nilang hinihintay ang pagkakataong ito. Ang mga kamay ni Father Markus ay naglakbay sa katawan ni Hannah, sa kanyang likuran, sa kanyang puwitan, sa kanyang dibdib. Ang kamay naman ni Hannah ay gumapang  sa ibaba ni Father Markus hanggang sa makapa ang kanyang ari. 

At maya-maya'y nakaramdam ng pananakit. Siya'y napaaray.

Pagka't pinisil ni Hannah ang kanyang ari, kanyang itlog.

Napaatras si Father Markus hawak kanyang maselang bahagi.

Ang mukha niya'y balot ng pagtataka.

"Hindi gagawin sa 'kin ni Father 'yan. Kilala ko si Father. Ang tunay na Father Markus," sabi ni Hannah habang naglakad paatras, palayo, at sumigaw: "Berith!"

Biglang nagbago ang anyo ng pari, ang katauhan ay naging kulay itim habang unti-unting tumatangkad. Ang mga mata niya'y nagkulay pula, umusbong ang matatalim na mga pangil, ang dalawang sungay sa kanyang noo, ang mahabang buntot sa kanyang likuran.

Nanlaki mata ni Hannah habang paatras.

Umungol nang malakas ang dimonyo at galit na humakbang palapit kay Hannah.

"Ang portal! Buksan mo ang portal!"

"Fuck you!" sigaw ni Hannah sabay ngarat ng dalawang mga daliri.

Lumapit si Berith para sunggaban si Hannah.

Pero, wala na ang psychic.

#

Humihingal si Hannah nang muli siyang dumilat.

At nakita ang mga alalang mukha nina Jules, Mayor Arteza at Father Paul.

"Hannah, anong nangyari?" tanong ni Jules.

Napasandal si Hannah sa upuan at hinugot ang kaha ng Marlboro Lights sa kanyang bulsa at agad na nagsindi ng stick, habang nakatingin ang mga kasama, naghihintay ng kasagutan.

"Well?" tingin ni Mayor.

Tumingin si Hannah sa kanila at bago bumuga ng usok, sinabi:

"Hindi safe dito."

NEXT CHAPTER: "Poolside"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top