Chapter 50: It's the End of the World As We Know It
....
She eyes me like a Pisces when I am weak
I've been locked inside your heart-shaped box for weeks
I've been drawn into your magnet tar pit trap
I wish I could eat your cancer when you turn black
Tumutugtog ang kanta ng Nirvana sa stereo ng Hi-Ace at sinasabayan ni Hannah habang nagmamaneho. Sa magkabila ng highway ay malawak at malayang mga palayan. Berde, ginintuan, tila walang hangganan. May malalagong kumpol ng mga puno na magkakalayo. Hilera ng nagtataasang mga poste na naghahatid ng kuryente sa Norte.
Hey, wait, I got a new complaint
Forever in debt to your priceless advice
"Hindi mo alam ang kanta na 'to?" tanong ni Hannah sa kanyang katabi sa passenger side, sa lalaking semi-Afro ang buhok at medyo chubby na umiling sa kanya. "Ang olats mo naman. Palibahasa..."
"Palibahasa ano?" tanong ni Jules na in-adjust ang salamin sa mata na may blue frame.
Hindi siya sinagot ni Hannah pagka't natanaw nito ang sign ng exit patungo ng Tarlac City at hininaan niyang volume ng stereo, pagkatapos ay tumingin sa rear-view mirror.
"Father Sebastiano, gising ka na ba?" kanyang tanong.
"Markus nga daw," pag-korek ni Jules.
Nagtaas-balikat si Hannah na may ekspresyon na "okaay."
"Father Mar..."
"Yes, gising ako," sabi ng boses mula sa likuran.
"Tarlac na, father," inform ni Jules.
Nag-inat ng kanyang leeg ang pari na nasa likurang upuan, at tumingin sa labas ng bintana. Sa kanyang tabi'y nakasandal ang maliit na vase, isang urn, na inipit niya sa sandalan ng upuan ng kanyang maliit na itim na bag na parang panduktor. Panigurado na na hindi ito matutumba.
"Jules, si Greg?" tanong ni Hannah na may konting alarma pagka't hindi niya masulyapan ang sinasabing lalaki sa rear-view mirror.
"Tulog," sabi ni Jules.
Sa kabila ni Father Markus ay tulog na tulog si Greg na nakasandal sa upuan, nakanganga pa'ng bibig at may mahinang hilik. Si Greg na ex-boyfriend ni Sam. Napabuntong-hininga si Hannah nang malamang payapang natutulog si Greg, lalo't sinabi pa ni Father Markus na huwag na silang mag-alala. Sa stereo, tumugtog naman ang kanta ng R.E.M.
"Fuck! Favorite ko ito!" bulalas ni Hannah sabay nahihiyang tumingin sa salamin. "Sorry, father..."
Napangiti si Father Markus sa likuran. Nilakasan ni Hannah ang volume at ganadong sinabayan ang kanta.
It's the end of the world as we know it
It's the end of the world as we know it
It's the end of the world as we know it
And I feel fine
Six o'clock, T.V. hour, don't...
Napahinto si Hannah pagka't mabilis ang lyrics sa verse at nagkakandabuhol-buhol kanyang dila tuwing ina-attempt niyang mag-sing-along. Gustong matawa ni Jules pero piniligan niya'ng sarili. Sa inis, inabot na lang ni Hannah ang kaha ng Marlboro reds sa dashboard at nagsindi ng stick. Nagbukas ng mga bintana kanyang mga kasama.
"Father Markus, naniniwala ka ba sa end of the world?" sabi ni Hannah without looking sa rear view mirror.
Nag-spark ang interes ni Jules at lumingon sa likuran.
"Book of Revelation?" ganado niyang dagdag. "The Apocalypse? Armageddon?"
"Wait, 'di ba pareho lang 'yun?" tanong ni Hannah.
Magkaiba ayon kay Jules. Ang kahulugan ng salitang Apocalypse na galing sa Greek word na apokalypsis ay "revelation" or "something uncovered." Sa bible, ito ang uncovering ng series of events sa Book of Revelation tulad ng opening ng Seven Seals, the Rapture, the Great Tribulation hanggang sa final battle between heaven, hell and earth. Armageddon naman'y hango sa Hebrew word na har (mountain) at Megiddo, na isang city sa ancient Palestine. Sa madaling salita, Apocalypse ay ang event at Armageddon ay ang lugar kung saan magaganap ang final battle.
"Yeah, Jules! Mr. Encyclopedia!" bulalas ni Hannah.
Napangiti si Jules. Tinukso na siya dati na ganoon. "Actually, puwede mong puntahan ang Armageddon, o ang ruins ng Megiddo. Isa siyang tourist spot."
"Talaga? Saan?"
"Israel," si Father Markus ang sumagot mula sa likuran.
"Nakapunta ka na doon, father?" excited na tanong ni Hannah, at kanyang hininaan ang volume ng stereo.
Lalo pang napabilib ang dalawa sa pari. Dagdag pa ni Father Markus na marami na siyang napuntahan na mga lugar sa ibang bansa, kasama na ang mga holy sites, aniya, dahil sa kanyang missionary work at dahil naimbitahan siya. Na-gets iyon ni Jules.
"Para mag-perform ng exorcism?"
"Yes."
"Father..." sabi ni Jules. "Anong pinaka-worst demonic possession na ang naranasan mo?"
"Worst?" singit ni Hannah. "May mas wo-worst pa ba sa nangyari sa Baguio?"
Base sa kunuwento nina Jules at Hannah kay Father Markus sa mga naganap sa Baguio, na involve ang demonic possesion, exorcism, witchcraft, at portal to another dimension, ay masuwerte raw na sila ay nag-survive. Ayon sa pari, marami na rin siyang naranasan na kasing worse.
"So, father, mabalik sa tanong," sabi ni Jules. "Naniniwala ka ba sa end of the world? Na kung anong nakasulat sa bible ay iyon ang mangyayari?"
Nakatitig si Jules kay Father Markus, si Hannah sumisilip sa rear-view mirror, kapuwa inaantay nila ang magiging kasagutan ng pari. Nasa 80 kph ang takbo ng sasakyan. Sa stereo, bagama't mahina ay dinig nila:
It's the end of the world as we know it
It's the end of the world as we know it
It's the end of the world as we know it
"Well, father?" tingin ni Jules.
Napangiti si Father Markus at sinabi:
"Why not?"
Nagtatakang nagkatinginan sina Jules at Hannah. Tapos ay natawa si Hannah.
"Why not, iyon ang sagot mo, father?" kunot-noo ni Jules. "Why not?"
"May mas maganda ka ba na ending para sa end of the world?" Nakangiting sumandal si Father Markus sa upuan.
"Well..." pag-isip ni Jules, wala siyang maisagot.
"Oo nga naman, Jules!" tawa pa ni Hannah habang nagmamaneho. "Ang exciting kaya non! Ano bang gusto mo, happy ending?"
Napa-roll ng eyes si Jules, "Well, why not?"
Sa likuran, umungol si Greg dahil sa ingay nila kaya't nanahimik sila para hindi ito magising.
"Itong proposal na sinasabi n'yo..." umpisa ni Father Markus sa mahinang boses at siryoso. Naging siryoso rin ang expresyon ng mga kausap.
"'Yung pagbuo natin ng team," confirm ni Jules. "Ako, ikaw at si Hannah. I think, magiging beneficial ito para sa ating lahat. Matutulungan natin ang isa't-isa."
"Pero, handa ba kayo? To go all the way? Kapag kinalaban n'yo ang dimonyo tulad ng ginawa n'yo, wala na itong atrasan," ani ni Father Markus.
Nagkatinginan sina Jules at Hannah, bago sabay na um-oo.
"Nagtatanim ng galit ang mga dimonyo, namemersonal sila, hindi nila kayo lulubayan," dagdag pa ng pari. "Ito ang magiging buhay n'yo."
"Natin, father," sabi ni Hannah habang humithit ng yosi.
"Natin," diin pa ni Jules.
Tumango si Father Markus. "Kung ganon, simula ngayon, ang kalaban ko ay kalaban n'yo na rin. Kalaban nating tatlo."
Napabuntong-hininga sina Jules at Hannah, pero tanggap nila.
"Alam n'yo, I think, fate na nagkakilala tayong tatlo," sabi ni Jules.
"Fate?" ulit ni Father Markus.
"Kasama kaya ito dun sa tinatawag na Divine Plan ni God?" tanong ni Hannah.
"Who knows?" taas-balikat ni Jules.
"Pero, bakit?" tanong pa ni Hannah.
"Para labanan ang evil," mabilis na sagot ni Jules at ngumiti, "Malay n'yo one day, iligtas natin ang mundo."
Nagkatinginan silang tatlo. Nag-echo sa kanilang mga tenga ang huling mga kataga.
Iligtas natin ang mundo...
Illigtas natin ang mundo...
Jules...
Iligtas natin ang mundo...
JULES!
JULES!
Dumilat si Jules at nakitang nakayuko sa kaniya si Hannah. Tanaw niya ang kisame at ramdam niya ang kahoy sa kanyang likuran, at na-realize niya na nakahiga siya sa sahig. Ramdam niya ang kamay ni Hannah sa sariling palad. Sa kasalukuyan ay ligaw ang isipan niya. Ang huli niyang naaalala'y nakasakay siya sa van ni Hannah kasama si Father Markus, ngayon ay hindi niya wari kung nasaan siya, o...
"Anong nangyari?" tanong niya.
"H-hinimatay ka ata," sabi ni Hannah.
Nagtaka si Jules. At nalaman niya kung bakit, dahil nang subukan niyang bumangon at tinukod kanyang kamay sa sahig ay napahiyaw siya sa sakit, at nakita na ang kanang kamay niya'y bali, nakalaylay sa may wrist. At biglang nanumbalik ang lahat. Nasa loob siya ng bahay nila Sam.
Nguni't may kakaiba sa bahay.
Madilim. May kakaibang dilim.
Tinulungan siya ni Hannah na makabangon.
At nang lumingon sa paligid si Jules ay nakita niyang ang buong bahay ay nawalan na ng buhay, grayish, ang mga pader at sahig na dati'y kulay dark brown ay ngayo'y wala na ang ningning, ang apoy sa fireplace ay hindi na dilaw at pula kundi'y gray na rin.
Nakita niya sina Sam, Lola Edna at Father Paul—mga possessed ng Trinity of Evil na sina Belial, Mephistopheles at Asmodeus na nakatayo sa gitna ng sala kung saan nag-form sila ng triangle. Sa gitna nila'y lumulutang sa sahig ang banga, at mula sa bibig nito'y umaagos palabas ang itim na usok. Ang dark dimension. Ngayon, mas malakas at walang tigil.
Nguni't ang talagang nagpanginig sa katawan ni Jules, ang nagbigay sa kanya ng matinding takot ay ang makita si Father Paul na possessed ng dimonyong si Asmodeus na hawak ang artifact na Moonstone Spearhead.
At na ginagamit niya iyon para magukit ng mga spells sa katawan ng banga.
"Shit," paglaki ng mata ni Jules. "Binubura niya ang mga protective spells ng banga!"
Callejon:
Dinig nilang mabibigat na mga yapak sa lupa, at sa bubungan.
Dinig nilang malalim na mga ungol. Parang mabangis na mga hayop.
Dinig nilang matalas na mga kukong kumukutkot sa pader at pintuan.
Ang wasiwas ng mga buntot sa hangin.
Ramdam nilang mga paggalaw.
Napaligiran ng daang mga dimonyo ang dating bahay ni Andy.
Hindi tulad sa labas, dito'y umaasa silang mapapatagal pa nila ang labanan.
Para kina Colonel Laxamana, Jang-Mi, Lt Esguerra, Sgt Mamawag, Pvt Rosalia, Pvt Tuason at ang tatlo na lamang na natitira pang mga sundalo, ang bahay ni Andy ang kahuli-hulihan nilang kanlungan. Ang last stand. Ang kanilang "Alamo" ayon kay Colonel Laxamana, hango sa tanyag na digmaan sa Texas noong 1836 kung saan higit sa 2,000 na mga kawal ng Mexican Army ang pumalibot sa isang fortress na naglalaman lamang ng 183 na magkahalong sundalong Amerikano at Tejanos. Tumagal ang labanan ng 13 days at nagwagi ang Mexican Army at lahat ng nasa loob ng fortress ay nasawi. Sa sitwasyon nila Laxamana, ito'y siyam laban sa daan-daang mga dimonyo, at masuwerte na kung aabutan pa sila ng pagsikat ng araw. Nangangahulugan na ang "Alamo" sa mga military ay tiyak na kamatayan.
Madilim sa loob ng bahay dahil pinatay nilang mga ilaw at ang bintana'y hinarangan din nila ng mga kasangkapan, kaya't ang liwanag mula sa labas ay mahina. Sa kusina at hapag-kainan, naroon sina Lt Esguerra at dalawang mga sundalo habang sa sala'y sina Sgt. Mamawag at isa pang sundalo. Sa pagitan ng dalawang kuwartong iyon ay sina Jang-Mi at Pvt Rosalia. Sa kuwartong tulugan naman nakapuwesto sina Colonel Laxamana at Pvt Tuason.
"Hindi sila dapat makapasok!" hayag ni Colonel Laxamana. "Kapag nakapasok kahit na isa, tuloy-tuloy na 'yan! Kailangan nating pigilan sila na makapasok hanggang sa dumating ang reinforcements!"
"Sir, yes sir!" sigaw ng lahat pabalik.
Sa kusina, kita ni Lt Esguerra ang silhouettes ng mga dimonyo sa bintana na mabilis na nagsisipagkilos. Mas maliwanag sa parte ng bahay kung nasasaan siya dahil sa mga spotlights na naroon sa bukid malapit sa Stargate.
"Tinyente..."
Napatingin si Esguerra sa kasama niyang sundalo. Aninag niya ang nanginginig na mga kamay nitong may hawak na M-16.
"Tutoo bang may reinforcements na dadating, tulad ng sabi ng colonel?" tanong ng sundalo.
Hindi makasagot si Lt. Esguerra. Alam niyang iyon ay isang kasinungalingan. Sinubukan na nila ni Colonel Laxamana na kontakin ang headquarters, maging ang lokal na kapulisan, nguni't hindi makapasok ang tawag nila. Malakas ang electrical interference na gawa ng Stargate. Walang darating na tulong mula sa military o pulis, they are on their own sabi ng colonel sa kaniya. Isa itong false hope.
"Hold the fort, soldier," sabi na lang ni Lt. Esguerra sa sundalo, at sa tagal na panahon, sa sarili niyang mga katagang binitawan, ay nakaramdam siya ng genuine na takot.
Ang pinipigilan nilang mangyari ay makaabot ang mga dimonyo sa bayan proper ng Callejon, at atakihin ang mga mamamayan na walang kalaban-laban. Kung kaya't wala silang choice kundi i-hold ang fort, ang kanilang Alamo. Na sa kanilang sakrispisyo ay mabigyan ng sapat na oras sina Tiglao at Pauline na mahanap si Andy, at maisara ang Stargate. At pumasok sa isipan ni Esguerra, nasaan na nga ba sila Tiglao at Pauline? Mahahanap ba nila talaga si Andy? Makakabalik pa ba sila? O ito ba'y isa ring false hope?
Hinigpitan ng tinyente ang kapit sa kanyang di-sabog. Ramdam niyang nalalapit na ang oras. Sasalakay na ang mga dimonyo.
At hindi na nga nagtagal.
Tatlo ang entry points ng mga dimonyo at ito'y ang mga bintana sa sala, kusina at kuwarto na kanilang sinimulang warakin.
"Make your bullets count!" sigaw ni Colonel Laxamana.
Nang makagawa ng butas ang mga dimonyo'y saka sila nagpaputok. Inaantay nilang may sumuot bago nila babarilin, sa ulo ang laging puntirya, at kapag nagkumpol-kumpol ang mga dimonyo'y saka lamang gagamitin ang di-sabog, ang mga shotgun na may bubog ng artifact, ang tangi lamang nakapapatay sa mga ito. Sa gayon ay napapatagal nila ang paglusong ng mga dimonyo sa loob.
Nguni't walang takot ang mga dimonyo na umatake at handa silang mamatay, at ang kinatatakutan nila Colonel Laxamana ay hindi naglaon ay nangyari.
Una'y isa ang nakapasok.
Na sinundan ng isa pa.
"BREACH!" sigaw ni Lt Esguerra. Dalawang mga dimonyo ang nakapasok sa loob ng kusina.
Pinaputukan nila ang mga dimonyo nguni't ang isa'y naabot ang isang sundalo na kasama ni Lt Esguerra habang ang isa nama'y si Jang-Mi ang sinugod. Binaril ng Koreana ang dimonyo at tinamaan niya sa balikat at ito'y patuloy pa rin sa pagsugod, at kamuntikan na siyang maabot kundi ito nabaril ni Lt Esguerra ng kanyang shotgun. Tapos ay binaril niya ang isa pa, at kapuwa dimonyo ay sumabog na parang abo.
"IN THREE, FRAG THEM!" sigaw ni Colonel Laxamana.
Sa bilang ng tatlo ng colonel ay sabay-sabay nilang hinagisan ng granada ang labas ng mga bintana, at lahat sila'y nagsipagyuko't nagsipagtakipan ng mga tenga. Malakas ang sabay-sabay na pagsabog at nagtalsikan ang mga dimonyo sa labas. Nang tignan ng tinyente ang kalagayan ng sundalong inatake ay nakita niyang malala ang natamo nitong sugat.
"MAN DOWN!" sigaw ni Lt Esguerra.
Ang matatalas na kuko ng dimonyo'y humiwa sa leeg ng sundalo paakyat ng kanyang mukha. Malakas ang agos ng dugo. Nilapat ni Lt Esguerra kanyang mga kamay sa sugat para mag-apply ng pressure nguni't saglit lang ay binawian na ng buhay ang sundalo.
"He's dead," malungkot na sabi ni Jang-Mi.
Napabuntong-hininga si Colonel Laxamana na nawalan na naman sila ng tao.
Nag-kurus si Pvt Rosalia pagkatapos ay sinara ng kanyang mga daliri ang dilat pang mata ng nasawing sundalo. Medyo bata pa ito, halos ka-edaran ni Cpl Diazon.
"PASUGOD NA NAMAN SILA!" sigaw ni Sgt Mamawag mula sa sala.
Naputol ang kanilang pagdadalamhati at nagsipaghanda na naman sa panibagong pagsalakay ng mga dimonyo.
"Dalawa na lang rounds ko," sabi ni Lt Esguerra sa natitira niyang shells ng shotgun. Nabawasan na rin ng dalawa ang limang rounds ni Colonel Laxamana at si Lt Mamawag ay iisa na lamang.
Hinawakan ng colonel ang kanyang tinyente sa balikat, "Let's make them count."
Nagkatinginan sila't nagtanguan. Marami na ring pinagdaanan ang dalawa. Marami ng mga giyera. Isa na ang laban nila sa mga aliens, at isa pa nga si Lt Esguerra sa mga abduct ng UFOs at sa awa ng Diyos ay nakabalik. Nguni't dito'y malinaw na walang mangyayaring abduction. Walang prisoners. Iisa lang ang hangarin ng mga dimonyo at ito'y ubusin sila.
Manila Cathedral:
Dinig sa malayo ang putukan sa loob ng Intramuros.
Mula sa Luneta Park, Liwasang Bonifacio, Mehan Garden, at Manila City Hall. Dinig mula sa Jose Abad Santos General Hospital pagtawid ng Pasig River. At lalong dinig sa pier area. Doon ang tunog ng mga baril ay tila nage-echo sa mga warehouses at mga metal shipping containers. Abot ang ingay ng putukan mula sa matataas na mga gusali, lalo na sa mga hotel. Akala ng marami ay mayroong fireworks na nagaganap sa kalagitnaan ng madaling araw. Mag-aalas-Tres ng umaga. Pero, sa langit ay wala naman silang nakitang makukulay na mga ilaw kundi ang nakita nilang ilaw ay sa kalsada—mula sa sirena ng mga nagdaraanang ambulansya, police patrol cars, at mga truck ng sundalo. Alam na ng mga tao na may kakaibang nagaganap.
Sa paligid ng walls of Intramuros ay nagkalat ang sasakyan ng media. Una na silang na-alerto sa napabalitang engkuwentro ng mga pulis sa isang sniper o snipers sa area ng Manila Cathedral, na napalitan naman ng balita na may kumakalat na virus daw sa loob kaya't kinailangang i-evacuate ang mga residente sa loob. Hindi alam ng media ang paniniwalaan. Nagsialisan na lang sila sa takot na mahawa nguni't nagsipagbalikan muli nang marinig ang mga putukan. May hinala silang may iba nang nangyayari sa loob lalo na nang magdatingan ang mga military trucks. Sa flash news report na lumabas sa TV, mga pahayagan at internet, ay maaaring may kalaban ang militar at pulis sa loob. Mga armadong gang? Bank robbers? Terorista? Coup d'etat ba ito? Sa mga conspiracy theorists naman, palagay nila'y may kinalaman muli ito sa kababalaghaang naganap noong isang taon nang gumuho ang belfry tower ng Manila Cathedral.
Doon, hindi sila nagkakamali. Ngayon ay mas malala pa.
Patuloy ang paglabas ng swarm ng mga dimonyo mula sa butas ng portal at patuloy ang pagratrat ng mga sundalo't pulis sa kanila. Ang loob ng Intramuros, ang harapan ng Manila Cathedral ay naging war zone, na sa deksripsyon ng lahat ay ito'y nagmistulang impiyerno. Nagkalat sa paligid ang mga basyo ng bala, dugo, usok at abo. Marami ng mga pulis at sundalo ang nasawi, at marami pa ang mga sugatan na ginagamot sa medical tents. Pakiramdam nila'y katapusan na ng mundo.
"FIRE AT WILL!" sigaw ni Hepe. "CONCENTRATE SA ENTRY POINT!"
Nguni't karamihan ay hindi na makapag-concentrate ng baril sa butas ng portal, dahil by this time, marami ng mga dimonyo ang nakalabas at ang mga ito'y nagkalat na sa paligid. At dahil doon, mas napapabilis ang kanilang delubyo.
Sina Sarge at Joboy ay ang binabaril ay mga dimonyo na nakakalapit na sa hilera nila.
"HEPE! KAILANGAN NATIN NG TAO!" sigaw ni Sarge. Nakakabingi pa'ng putok ng mga baril.
Tulad ni SP04 Santos, alam ni Hepe na nadedehado na sila. Nakita niya ang papalapit na dimonyo na kanyang binaril. Sumabog ito at siya'y napapikit nang ang abo'y kumalat sa hangin. Tulad ng iba, ang mukha't katawan ni Hepe'y namuti na sa abo. Ang lahat ay mukhang mga nanggaling sa lahar.
Nakita ni Hepe si General Abtuan na papalapit galing sa likuran.
"GENERAL! NASAAN NA ANG REINFORCEMENTS?"
"NAKAPASOK NA SA GATE!" balik ng heneral hawak kanyang walkie-talkie. "GET THE BISHOP!"
Tumango si Hepe, alam na niya ibig sabihin noon.
Natanaw ni Hepe ang grupo nina Bishop Israel, Adelaine at mga witches at nagmadali siya tungo roon. Nakaramdam siya ng konting pag-asa na malamang dumating na ang reinforcements nguni't kailangan ng obispong basbasan ang armas ng mga ito kundi'y wala silang bisa sa mga dimonyo.
Malapit na siya kina Bishop Israel nang may dimonyong biglang sumulpot sa kanyang tagiliran. Naramdaman niyang kuko nito sa kanyang ulo at siya'y natumba. Nakahiga sa lupa, kita ni Hepe ang dimonyo sa kanyang ibabaw na handa na siyang sagpangin. Ang kanyang baril. Wala sa kanyang kamay. Nabitawan niya nang siya'y lumagpak sa lupa.
Bumuwelo ng kagat ang dimonyo. Nanlaking mga mata ni Hepe.
At narinig niya.
OLPRIT!
Pagkatapos ay ang flash ng liwanag na sumilaw sa dimonyo bago ito sumabog na parang abo.
Sa kirot at hilo ay pansamantalang natulala si Hepe bago tumumbad naman ang mga mukha nina Rommel at Mayor Arteza na nakayuko sa kanya.
"HEPE?" tanong ni Mayor.
Marahang tumango si Hepe habang tinulungan siyang makatayo nina Mayor Arteza at Rommel.
"IS HE UKEY?" rinig niyang boses ni Father Benito nguni't hindi niya tiyak kung nasaan ito.
"Si Bishop...dumating na ang reinforcements..." sabi ni Hepe na medyo hilo pa. At kinailangan niyang ulitin ang sinabi dahil hindi siya marinig sa ingay ng putukan. Nakarating naman kay Bishop Israel ang balita at tumalima ang obispo tungo sa likuran upang salubungin ang mga parating na mga sundalo.
"YOU'RE BLEEDING!" turo ni Adelaine.
Dinama ni Hepe kanyang noo at tumutulo nga ang dugo mula roon.
"AARON! FATHER!" turoni Adelaine sa dalawa. "HELP HIM GET TO THE TENT!"
"Ukey!" sabi ni Father Benito at agad na inakay si Hepe. Nguni't si Aaron ay naghe-hesitate. Ayaw lang ng binata na mawala sa tabi ni Adelaine.
"GO, AARON!" sabi ni Adelaine.
"But..."
"YOU'LL BE SAFE THERE!"
"I..."
"GO!"
Napilitang tumango si Aaron at magkatulong nilang inalalayan si Hepe patungo sa likuran, tungo sa Soriano Street. Papalayo'y medyo humina ang ingay ng putukan sa kanilang mga tenga.
"Kailangan kong bumalik, kailangan ako ng mga tao ko..." nanghihinang sabi ni Hepe.
"No. No. Kailangan mung magamut," sabi ni Father Benito.
Bumalik. Naisip ni Aaron na bumalik agad. Si Adelaine...
Narating nila ang Soriano Street kung saan nakaparada ang mga sasakyan ng mga militar at pulis, at kung saan sa bandang Cabildo Street sa kanang bahagi ng Plaza de Roma, ay naroon ang mga medical tents. Kita nilang abala ang mga duktor at nurses sa paligid. May mga sugatan sa stretcher na pinapasok sa loob ng mga tent habang ang iba nama'y sa naghihintay na ambulansya para dalhin sa ospital sa labas—ang mga mas kritikal ang kalagayan. Bago pa nila marating ang kulay puti na mga tents ay sinalubong na sila ng isang naka-salaming duktor. Lalaki sa kanyang 40s, suot ay kulay puti na lab coat at may stethoscope na nakasabit sa leeg.
"Anong nangyari?" tanong ng duktor.
"May sugat siya sa noo," sabi ni Aaron, although alam niyang obvious naman.
Gamit ang maliit na flashlight ay inilawan ng duktor ang mga mata ni Hepe. Chinicheck kung conscious siya, at nasagot naman siya agad.
"Bumalik...kailangan kong..." mahinang sabi ni Hepe. Medyo delirious.
"May iba pa ba siyang injury?"
"D..doon lang ata..." pag-isip ni Aaron.
Tumango ang duktor at sumenyas sa isang tent.
"Okay, dalhin natin siya doon sa..."
Naputol ang pangungusap ng duktor.
Naramdaman nila ang malakas na bugso ng hangin.
At narinig nila'ng sigaw ng duktor habang siya'y bumulusok paitaas sa ere.
Gulat na napaatras sina Aaron, Father Benito at Hepe.
At nang tumingala sila'y nanlaking mga mata nila.
Sa paligid, naghihiyawan sa takot ang mga duktor, nurses, paramedics at iba pang mga tao na saksi.
Pagka't sa ere, lampas ng itaas ng mga puno at bubungan ng mga gusali ay kita nila ang duktor na tangay-tangay ng isang nilalang na may mga pakpak at siya'y nilipad paitaas. Higanteng itim na mga pakpak na parang sa uwak.
Hindi ito tulad ng mga dimonyo na kalaban nila—ang magkakauring mga minions na parang grasa ang katawan. Ito'y kakaiba. Bukod sa ito'y lumilipad ay siya'y itsura ng tao, bagama't ang kanyang balat ay maputla at tila walang buhay. Tulad ng kanyang mga mata.
At kita ng lahat kung paano hinatak ng dimonyong may pakpak ang ulo ng duktor mula sa kanyang katawan at hinagis ang mga ito sa kalsada. Bumagsak ang putol na ulo't katawan ng duktor sa harapan nina Aaron, Father Benito at Hepe. Natalsikan pa sila ng dugo't maliliit na parte ng utak.
Nagtakbuhan ang mga tao sa paligid. Nagtaguan sa loob ng mga tents at kung saan-saan. Panic. Nagmamadaling kumubli sina Aaron, Father Benito at Hepe sa gilid ng isang ambulansya. Kung kanina'y liyo pa si Hepe ay mabilis itong nawala.
"Putangina..." mura ni Hepe. Hindi makapaniwala sa nakikita.
Sumilip sila't nakita ang dimonyo na lumulutang sa itaas ng building, nakabukang higanteng itim na mga pakpak na tumatakip sa liwanag ng buwan, at nagmistulang silhouette. Naka-spread ang mga braso na parang si Hesus, hinahangin ang mahabang itim na buhok.
"U may God..." takot na pag-kurus ni Father Benito.
At mula sa kanyang likuran ay hinugot ng dimonyo ang isang espada na kulay itim ang talim. Pagkatapos ay umungol ang dimonyo. Matalas. Matining. Napatakip sila ng mga tenga. Ang salamin ng mga sasakyan ay nag-crack, gayon din ang sa mga bintana ng building. Bago nakita nilang lumipad paalis ang dimonyo. Dinig nilang wasiwas ng pakpak nito. At nawala sa dilim ng gabi.
"Putangina," mura pa ni Hepe. "Ano bang klaseng dimonyo iyon?"
Napalunok si Aaron. Mukha ng binata'y putla sa takot.
"G...Grigori..." aniya."Narito na ang mga fallen angels..."
BAGUIO:
"Binubura niya ang mga protective spells!"
Ang kinatatakutan nila Jules na maangkin ng Trinity of Evil ang bahay nila Sam ay nangyari na. At ginagamit ng mga dimonyo ang banga, ang makapangyarihang Manunggul Jar, kasama na ang mystical powers ng bahay, para palabasin ang dark dimension. Kung sa Manila Cathedral ay may portal at sa Callejon nama'y Stargate, mas mapanganib dito, mas life-threatening, pagka't dinadala mismo ng mga dimonyo ang kanilang kaharian sa mundo. Literal na hell on earth.
"Ang giyera sa Manila Cathedral ay isa lang distraction!" pag-realize ni Jules. "Ginamit lang tayo, Hannah. Ginamit lang tayo!"
"Jules, anong pinagsasabi mo?" tanong ni Hannah.
"Lahat ng ginawa natin, iyon ang gusto nilang mangyari!"
Kung matinik nga ang mga dimonyo tulad ng sabi nila, na napaghiwalay ng mga ito ang tatlong artifacts na sana'y mas makapangyarihan kung gagamitin na magkakasama ni Father Markus, ay hindi lamang pala iyon ang kanilang plano sa kabuuan. Lumalabas na sa umpisa pa lang ay nasa plano na nila ang bawat steps na ginawa nila Jules partikular ang pagkuha nila sa banga mula kumbento at maidala sa bahay at ang pag-cast nila ng spell na Nyx Blessing para palakasin ang spearhead artifact—iyon ang gusto talaga ng mga dimonyo na mangyari. Na naghihintay lang sila ng tamang pagkakataon para i-possess sina Sam, Lola Edna at Father Paul.
Para mapasakamay nila ang spearhead moonstone artifact at gamitin sa banga.
Ngayo'y sinakop na ng dilim ang bahay hanggang sa bakuran, at patuloy na kumakalat pa. Kapag nabura na ang mga protective spells ng banga'y ang mundo'y mapapasailalim na sa kadiliman. Malaya nang makakapasok ang mga dimonyo ni Satanas sa mundo.
Dito talaga ang fate ng mankind ay nakasalalay.
Dito talaga magsisimula ang end of the world.
NEXT CHAPTER: "Finale"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top