Chapter 5: Expect the Unexpected

Ang katabing carinderia ng lumang gusali kung nasaan ang bookstore (sa ibaba ng library) ay busy sa mga nagmemeryenda, karamihan mga driver ng pampasaherong jeepnery at motorsiklo, ang iba'y hapunan na nila ang inorder na lugaw. Sa talyer sa kabila, tinatapos na ang ginagawang sasakyan—kotse na buong araw na pinaglamayan ng mga mekaniko sa pago-overhaul. Ngayo'y nagpapahinga na sila hawak ang sigarilyo with matching softdrinks sa plastic. Hindi nila alintana, ng mga mekaniko, drivers, at mga tindera ang magkasunod na nakaparadang itim na Pajero at Hi-ace sa tapat ng bookstore ay may misyon kung saan nakasalalay ang kanilang buhay, at ang buhay ng marami.

Umaandar na'ng makina ng Pajero at Hi-Ace. Nakasakay na ang mag-asawang Arteza at kanilang baby sa Pajero na maneho ng may edarang driver na si Gerry, o mas kilala nina Hannah at Jules simply as "Manong Driver." Ang psychic at parapsychologist nama'y kasama si Father Paul sa Hi-Ace.

Nakatayo sa labas ng Hi-Ace sina Bishop Israel at Father Deng para magpaalam sa kanila, kapuwa naka-itim na sutana o cassock na may white na collar. Simple lang ang kay father kumpara kay bishop na may cape na lagpas ng balikat at kulay purple na cincture—matabang tela na parang belt na may nakalaylay hanggang sa kanyang tuhod.

"Be careful, all of you," sabi ni Bishop Israel mula sa bintana ni Jules sa harap.

"Kala ko sasama kayo, your excellency?" tanong ni Jules.

"Something came up," ani ng bishop. "I have visitors. Nasa office sila ngayon."

"Sino?"

"There's no time to explain, Jules," diin ni Bishop Israel at tumingin sa kanyang likod. "Anyway, kasama ko naman si Father Deng, we'll follow as soon as we can."

"Ah wel tek care of de bishoop," ngiti ni Father Deng, masaya lang na magiging close sila ng obispo. Feeling personal alalay lang.

"Fiat Voluntas Dei," masayang kaway ni Hannah na nasa driver's seat.

"Fiat Voluntas Dei," balik ni Bishop Israel.

Napatingin si Jules kay Hannah na pa-cute na ngumiti sa kanya, proud lang na kuha na niya ang pronunciation ng Latin equivalent ng May God's Will Be Done.

"Fiat Voluntas Dei," ulit ni Hannah.

"Yes...yes..." tango ng obispo, may motion pa ng kamay na nagsasabing okay na.

"Narinig ka na, Hannah Claire," irap ni Jules.

"Ba't ba..." simangot ni Hannah. "Fiat Voluntas Dei!"

Napa-roll ng eyes si Jules. Napangiti si Father Paul na nasa likuran.

"Pagdating n'yo sa Daigdigan, expect the unexpected," bilin ni Bishop Israel. "All the demons in all hells are watching us."

Tapos ay lumipat ng bintana ang bishop tungo kay Father Paul habang may kinuha sa kanyang bulsa.

"Hindi ako sure, but this might come in handy," ani ng bishop at inabot kay Father Paul ang isang chain necklace na may pendat na vial—o maliit na bote na 1 ½ inch lang ang laki. Lumingon sina Jules at Hannah para tignan. Itinaas ni Father Paul ang maliit na botelya.

Ang laman nito'y abo.

"Your excellency?" pagtataka ni Father Paul.

"It's the Holy Rosary of San Lorenzo Ruiz," sabi ni Bishop Israel. "Or what's left of it."

Ang unang artifact na ginamit ng JHS. Ang nagpatalsik sa dimonyong si Berith mula sa katawan ni Berta. Ayon sa obispo, matapos sirain ang rosaryo ng possessed na si Father Markus sa pamamagitan ng pagdurog nito'y nagawa niyang makuha ang ilang abo at naitago.

"May power pa ba 'yan?" tanong ni Hannah.

"Hindi ko alam, Hannah, to be honest," iling ni Bishop Israel.

Sinuot ni Father Paul ang necklace sa kanyang leeg at nagpasalamat.

"Okay, go," pagatras ni Bishop Israel mula sa van. "Fiat Voluntas Dei!"

Inulit nilang sabihin iyon. Si Hannah, nangingibabaw ang boses.

Umandar ang Pajero at Hi-Ace paalis, patungo ng Daigdigan.

Pabalik sa ikalawang pagkakataon, sa Bahay na Bato.

#

"Mga Satanista?"

Kunot-noo ni Tiglao sa sagot na nakuha niya kina Tony, Marissa at Vic, na umano'y nakilala raw nila si Father Markus at iba pang mga kasamahan nito nang mag-faux raid sila sa kuta ng mga Satanista—ang tinaguriang Bahay na Itim sa isang liblib na lugar sa San Ildefonso, Bulacan.

"Nagpanggap kayong mga NBI?" sabi ni Tiglao habang sumubo ng kanin na may chicken inasal.

"Oo, pare," confirm ni Tony habang kinamay ang paa ng manok.

"Naka-NBI jacket pa kami!" masayang sabi ni Vic, na nakatayong kumakain.

"Langya..." ngiti ni Tiglao.

Inabutan na sila ng tanghalian sa opisina at nagpa-order si Tony ng chicken inasal. Tigatlong paa at pecho at limang halo-halo—na dahil sa kanilang pagdidiskusyon habang kumakain ay halos natunaw na ang yelo. Sa bilog na mesa sa pantry sila kumakain, si Marissa sa kanyang mesa dahil kinokontak pa rin niya si Colonel Laxamana, at si Nina sa maliit na table katabi ng xerox machine...habang nagxe-xerox.

"Kasama n'yo po ang daddy?" tanong ni Pauline.

"Yes, kaso ni Andy 'yon," tango ni Tony. "Siya ang nagplano."

Ito'y ang kaso ni Don Villaromano, isang mayaman na negosyanteng taga-Forbes park na ang dalawang kambal na anak na sina Miguel at Lucas ay sinapian mismo ni Satanas. Sa Bahay na Itim matagumpay nilang na-rescue si Lucas sa mga Satanista at naiuwi pabalik ng Manila. Si Andy ay tumuloy pa sa bahay ng don para kolektahin ang fee nila. Ang huling beses na nakita ni Tony sina Father Markus at kanyang mga kasamahan ay noong sumaklolo siya kina Andy nang sumugod ang mga satanista sa bahay ng don. Ayon kay Tony, may nasaksihan sila ni Andy doon na noon lamang nila naranasan sa tanang buhay nila. Demonic possession.

"Demonic possession?" gulat na bigkas ni Pauline. "Like in The Exorcist?"

"Yes," tango ni Tony. "'Yung pinuno ng mga satanista, pangalan niya ay Juan Satan, for obvious reasons, and believe it or not, parang na-possess siya!"

"'Yung mata, boss!" sabi ni Vic. Excited lang dahil narinig na niya ang kuwentong ito.

"'Yung mata niya nag-kulay itim, walang puti, puro lang itim!" sabi ni Tony.

Kinuwento pa ni Tony kung paano may kakaibang lakas si Juan Satan at na inangat siya sa leeg nito ng isang kamay at hinagis sa glass door. Ayon kay Tony, natalo nila si Juan Satan sa tulong ni Johnnie Walker. Nagtaka sila—ang nangyari'y ginamit ni Andy ang bote ng Johnnie Walker whiskey na molotov bomb na binato niya kay Juan Satan na nasunog...kasama ng mansion.

Hindi makapaniwala sina Tiglao at Pauline sa narinig.

Inuna na nilang kainin ang halo-halo.

"Balik tayo sa sinabi mo kanina, pare," sabi ni Tony habang hinalo ng kutsara ang halo-halo. "Tingin mo 'yung nangyari sa Manila Cathedral ay may kinalaman sa aliens?"

Ang katunayan ay maraming umiikot sa isipan ni Tiglao. Na ang pagguho ng belfry tower ay maaaring gawa ng weapons ng mga flying saucers. Ayon sa secret report ng military, may kakayahan ang mga flying saucers na mag-cause ng malakas na hangin at tumangay ng tao gamit ang ilaw—ang means nila ng pag-abduct ng tao at ang paglaho ng bayan ng Callejon, Quezon. At ang ibinalita ng simbahan na pagkasawi ni Father Markus sa gumuhong belfry tower ay in fact, maaaring alien abduction, tulad ni Andy. Ngayong nalaman ni Tiglao na-involved si Andy sa isang raid ng mga satanista kasama si Father Markus ay ikino-connect naman niya ito sa raid nila ng P.I. sa doomsday cult sa Benguet. Dalawang mga kulto. Demonic Possession. Aliens. Tatlong kaso kung saan involved si Andy. Mga kasong paranormal.

Maya-maya'y sumenyas si Marissa, na-kontak na niya si Colonel Laxamana. Nakausap ni Tony at nag-set sila ng meeting mamayang gabi. Kanyang tinanong si Tiglao kung anong plano nila habang nagpapalipas ng oras.

"Kung okay lang sa 'yo, pare, puntahan natin ang Manila Cathedral at mag-imbestiga?" sabi ni Tiglao. "Gusto kong makausap 'yung bishop na in-charge."

"Why not? Malapit lang naman," taas-balikat ni Tony habang inubos ang kanyang halo-halo.

"Puwede po ba akong sumama?" halinhinang tingin ni Pauline sa dalawa.

"Bakit hindi?" sabi ni Tony sabay tingin kay Tiglao na tumango.

"I hope we get answers," sabi ng dalaga. "Meron din akong mga gustong malaman tungkol kay daddy."

"Tulad ng?" sabi ni Tony.

"Well, more about my grandparents..."

"Isa pa 'yan," biglang sabi ni Tiglao. "Bakit si Andy? Bakit ang bayan ng Callejon kung saan siya galing? Nagkataon lang ba ito?"

"I don't think it's a coincidence," sabi ni Pauline.

"Obviously, we need answers, sasakit lang ulo natin kakaisip," pagsandal ni Tony sa upuan sabay tingin kay Tiglao. "After all, mga hamak na private investigators lang tayo, 'di ba, pare? Anong alam natin sa aliens o demons o mga kulto na'yan?"

"Or kung anong connection ng aliens sa demons..." dagdag ni Pauline.

Ngumiti si Tiglao.

"Unless ikaw ang pinakamalaking nerd sa balat ng lupa..."

#

"Jules!"

Inis na tumingin si Hannah sa katabi habang nagmamaneho. Mula Manila Cathedral ay dumaan silang Roxas Boulevard tapos ay EDSA extension tungo ng Magallanes at ngayon ay nasa Expressway na pa-South. Hapon na kaya't namumuo na ang traffic ng mga umiiwas sa rush hour. Sa harapan ng Hi-Ace, sinusundan nila ang Pajero ni Mayor Arteza. Inaasahan nilang makarating sa Daigdigan ng mga 6 or 7PM.

"Anong tanong mo uli?" sabi ni Jules. Malalim lang ang iniisip ng parapsychologist.

"Sabi ko, ikuwento mo sa amin ni father ang tungkol sa Book of Enoch."

Sa likuran, tahimik na nakaupo si Father Paul, may sarili ring pagmumuni.

"Okay, fine," iling ni Jules. "Pakihinaan 'yang "alternative" rock mo..."

Sa car stereo tumutugtog ang bandang Cloud Cult.

"'Yan pinatay ko na para sa 'yo," pihit ni Hannah sa knob.

"Thank you," sabi ni Jules at bumuwelo. "Okay, personally ang Book of Enoch sa akin ay ang biblical texts na bridge between religion and science, and well, science fiction. Apocryphal siya meaning hindi sure kung sinong sumulat sa kanya which also means hindi siya tinanggap bilang canon—hindi siya sinama sa bible as we know it dahil hindi siya kinokonsider as scripture."

"Bakit?" tanong ni Hannah.

"Well, dahil controversial siya. Sa Book of Enoch naroon ang story ng mga Watchers—mga angels na inutusan ni God para mag-watch sa tao. Kaso nag-lust sila sa mga babae at dahil doon naging fallen angels sila. Nakipag-mate sila sa mga babae at ang mga offspring nila ay ang Nephilims—mga giants, part-human, part-angel. Ito rin daw na mga Watchers ang nagturo sa tao ng mga knowledge at technology. Nagpadala ang Diyos ng great flood para ubusin lahat ng mga Nephilims na kinoconsider niya bilang mga abominasyon. Of course, you know, ang nakaligtas sa flood ay ang pamilya ni Noah."

"Anong nangyari sa mga Watchers?" tanong ni Father Paul.

"According sa scripture: "they were bound to the valleys of the Earth until Judgment Day," sagot ni Jules. "Not sure kung anong ibig sabihin nito, maybe nandidito pa sa mundo ang mga Watchers awaiting judgement day."

"Or inaantay nila ang second Great War!" bulalas ni Hannah.

"Yes..."

"Sabi mo bridge between religion and science..." paalala ni Father Paul.

Dumaan ng toll gate ang sasakyan at inantay muna ni Jules na makuha ni Hannah ang ticket bago nagpatuloy.

"To answer your question, father," panimula ni Jules. "Marami sa mga ancient astronaut theorists tulad nina Erich von Daniken, Zecharia Sitchin at Girogio Tsoukalos—'yung host ng TV show na Ancient Aliens..."

"Alam ko 'yan! Nanonood ako n'yan!" excited na sabi ni Hannah. "Siya 'yung may weird na buhok!"

Ancient Aliens ay ang sikat na series sa History Channel na tungkol sa mga aliens na umano'y bumisita sa Earth noong ancient times na siyang nagbigay sa mga tao ng technology para itayo ang mga pyramids. Isa rin sa mga claims ng show na ang aliens ay hinirang ng mga tao noon bilang mga gods at ang paniniwalang iyon ang naging foundation ng mga religion. At saang ancient texts nagrerefer ang mga theorists ukol dito? Walang iba kundi sa...

"Book of Enoch..." pag-isip ni Father Paul.

"Yes, father. I mean, nandy'an ang parallelism ng dalawa, ang mga aliens in UFOs ay maaaring mga fallen angels," sabi ni Jules. "At si Enoch daw ay hindi namatay in the traditional sense kundi kinuha siya ni God directly."

"Explain," sabi ni Hannah.

"Ang explanation ay nasa bibliya," sabi ni Jules. "Sa Genesis 5: "Enoch walked with God, and he was no more. For God took him." Na maaring ang ibig sabihin ay..."

"In-abduct siya ng aliens..." dugtong ni Father Paul.

"Fuck lang!" bulalas ni Hannah sabay tingin kay Father Paul sa rear-view mirror. "Sorry, father."

Nakatangong ngumiti si Father Paul.

"I'm sorry, Father," tingin ni Jules sa likuran. "I'm sure weird para sa'yo ang mga ideas na ito. Lalo na kung hindi tinuturo ng simbahan..."

"Okay lang, Jules. Bukas ang isipan ko sa mga ganyan..."

Nag-ring ang cellphone ni Jules, tawag mula kay Mayor Arteza. Pinindot niya ang speakerphone ng cellphone at umalingawngaw ang boses ng alkalde.

"We're starving. Guys, saan n'yo gustong kumain? My treat. We can eat sa gas station restaurants. Please, 'wag na sa KFC. Sawa na kami ni Karen sa KFC. Merong Shakey's...North Park...Army..."

Hindi pa natatapos si mayor ay sabay-sabay na sumigaw sina Hannah, Jules at Father Paul ng:

"North Park!"

#

Nagmamadaling naglalakad sina Bishop Israel at Father Deng tungo ng Manila Cathedral. Tinawag ng sekretarya ng bishop na may bisita sila, isang babae at dalawang lalaki. Nang malaman ng bishop kung sino sila'y kinansel niyang pagsama kina Jules.

"Who are these people, bishoop?" tanong ni Father Deng.

"I'll tell you later, father."

Nang dumating ang dalawa sa Manila Cathedral ay nakaparada sa labas ng enrance ang isang kulay itim na modelong Range Rover Autobiography na ang presyo'y 3x ng Pajero ni Mayor Arteza. Nang makita iyon ni bishop ay napahinto siya't nagbuntong-hininga. Nagtaka si Father Deng, kita niyang napakunot-noo ang obispo. May lalaking naka-barong at shades na in-assume nila na siyang driver. Nang dumaan sila'y napansin ni Father Deng na ang plaka ng Rover ay may simbolo na triangle na may mata sa gitna.

Pumasok sina bishop at father at nilakad ang mahabang corridor na may hilera ng mga santo. Sa labas ng opisina ay nakita niyang nag-aabang na ang kanyang sekretarya, na ang facial expression ay may pagkataranta.

"Your excellency, we have visitors...they're waiting in your office..."

"Yes, I know," taimtim na sabi ni bishop.

Gulat si Father Deng na ang mga nasabing bisita ay nasa loob na ng mismong room ng bishop, at wala sa waiting area or sa conference room. Never na may nakakapasok doon basta-basta na walang pahintulot. Sa taranta ng secretary ay hindi na siya nakaiwas nang tignan siya ni Father Deng. Nagkagulatan lang ang dalawa.

"I wel wet in de weteng area..." pagaalinlangan ni Father Deng.

"No, Father, I want you involved," matigas na sabi ni Bishop Israel.

"O...ookay..."

Nang pumasok sila'y may isa pang lalaki na naka-barong din at shades na nakaupo sa waiting area. Tinignan sila nito at nag-bow.

Huminto si Bishop Israel saglit sa pintuan ng kanyang office, huminga ng malalim bago binuksan ang pintuan.

Sa loob ng carpeted na kuwarto na may makapal na mga kurtina ay nakatayo sa may bintana ang isang babae, nakatingin sa labas. Nasa 5'10" ang taas niya plus the heels. Maganda ang hugis ng katawan sa suot na black one-piece dress na lagpas tuhod at may blue scarf sa leeg. Lumingon ito nang sila'y pumasok. Maganda siya, maputi, matangos ang ilong at elegante ang postura. Ang mga alahas niya'y simple ang disenyo pero kumikinang ang mga diyamante nito. Ang buhok niya'y maayos na nakatali sa likod. Wari ni Father Deng ay may lahi siya, hula niya'y Latina, Brazilian o Italian. At nakita niyang muli ang simbolo ng triangle na may mata—nakatato sa leeg ng babae. Later on, ide-describe ng Aprikanong pari na ang babae'y parang ang artistang si Monica Bellucci.

"Your excellency..." pati ang boses ng babae'y ilustrado.

"Adelaine..." bati ni Bishop Israel.

Pinakilala ni bishop si father.

"May I introduce Father Ndengeyingoma from Rwanda..."

"Ah, Father Deng, I've heard so much about you..." ngiti ni Adelaine.

"Who me?" gulat ang pari na kilala siya.

"Father, this is Adelaine..."

Kinamayan ni father ang babae.

"Itsa good to meet you, Adelen..."

Tinignan siya ng matatalas na mga matang kulay brown at sinabi:

"Markus. Adelaine Markus."

Nanlaking mga mata ni Father Deng.

"Jesus Almighte..."

NEXT CHAPTER: "Dead Room Revisited"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top