Chapter 42: For Father Deng!

Nang iwan nila Tiglao ang compound sakay ng van ay nakita nilang nagdatingang mga patrol cars ng pulis—halos buong puwersa na ng kapulisan ng Callejon. Nakasalubong nila sa daan ang nagiisang truck ng bumbero ng bayan at mga ambulansya. Siyempre pa, naroon na rin ang mga media.

Ang balita'y maraming nasaktan sa sagupaan ng mga mamamayan laban sa kulto ng Cross at Angel wings. Na ang pinagsimulahan ng gulo'y ang pagkabunyag na ang lider ng nasabing kulto ay isang huwad, ang paratang na nilinlang niya'ng mga tao, bagama't wala namang kasong maisasampa talaga sa kanya o sa kanyang mga kasamahan. Sa kabaligtaran, iyon pa ngang illegal na paglusob ng mga tao ang malinaw na paglabag sa batas. Ang isa pa'y hindi na mahanap ang lider upang harapin ang mga akusa sa kanya, na nakilala lamang sa pangalan na Manuel, ganoon din ang kanyang tinuturing na kanang kamay na ayon sa mga saksi ay nasawi sa sunog.

Kasama ng higante.

Nang pumasok sa usapan ang existence ng higante'y hindi natiis ng media na ituring ang lahat bilang isang mass hysteria lamang, ng mga taong may malawak na imahinasyon na maaring dulot ng kanilang naging karanasan isang taon na ang lumipas. Anila'y, isang travesty.

That is, bago pa madiskubre ng forensics ang mga labi sa nasunog na kamalig, at makita sa mga abo ang higanteng mga buto.

#

10:08 PM.

"Hello? Pauline?"

Hawak ni Tiglao kanyang cellphone na ibinalik sa kanya ni Lt Esguerra, ganoon rin iyong kay Tony, kasama ng mga wallet ng dalawa. Lulan sila ng surveillance van pabalik sa site—sa dating bahay ni Andy kung nasaan ang alien portal o stargate.

"Anong mangyayari kay Manuel?" tanong ni Dr. Pontificano na nakaupo katabi sina Tony at Tiglao sa unang passenger seats, sa likuran nila sina Manuel, Precious at Sunshine. Naka-high ang headlights at may kabilisan ang takbo ng van sa matagtag na daan kung kaya't sila'y napapakapit sa mga upuan.

"Na kay Colonel Laxamana ang desisyon, ma'm," lingon ni Lt. Esguerra mula sa harapan katabi ng driver.

Bagama't ang pagtatayo ni Manuel ng samahan at pagututuro ay isang karapatang protektado ng batas, Article 3 Section 5 ng 1987 Philippine Constitution, right to religious freedom, ay sangkot naman siya sa insidente ng paglusob nina Cartaphilus at kanyang mga tauhan sa site na ikinasawi ng dalawang mga sundalo. Dahil doon, si Manuel ay mapapasailalim sa kustodya ng military, pending investigation. Sa galit na mamamayan ng Callejon, kailangan din naman niya ng proteksyon.

Biglang napamura si Tiglao at napatingin ang lahat sa kanya. Nakakunot-noo siyang napailing matapos ang tawag kay Pauline.

"'Yung pari..." aniya.

"Si Father Deng?" sabi ni Tony.

"May nangyaring masama sa kanya," tingin ni Tiglao.

Nagulat ang mga nakarinig. Nagkatinginan sina Precious at Sunshine pagka't hindi nila kilala kung sino ba iyong tinutukoy na pari. Ganoon din si Manuel bagama't halatang may iba ring iniisip. Pero sa tono ng mga boses ng mga kasama nila'y batid nila na ang pinaguusapang pari ay importanteng tao.

"Binaril niyang sarili..." sabi ni Tiglao.

Napatakip ng bibig si Dr. Pontificano, at napayakap sa katabi niya—kay Tony. Sa lahat siyang pinaka-affected pagka't mas nakasama niya nang matagal ang pari.

"Anong nangyari, pare?" tanong ni Tony habang inakbayan si Dr. Pontificano para i-console.

Inulit ni Tiglao ang narinig niya kay Pauline. Na during excorism, inutos umano ni Father Deng na siya'y pasukin ng mga dimonyo para iligtas ang mga bata, at pagkatapos ay binaril niya'ng sarili. Naputol ang kanilang usapan nang umalingawngaw ang boses ni Colonel Laxamana sa walkie-talkie na dinampot ni Lt Esguerra mula sa dashboard.

"On the way na, sir..." sabi ng tinyente. "Over and out."

Wala nang makapagsalita sa pag-iisip sa mga pangyayari. Ang biyahe nila sa madilim at lubak-lubak na daan tungo sa lugar ng dating bahay ni Andy ay naging matahimik. Mas malayo ang pinanggalingan nila ngayon kesa noong una silang nagpunta roon galing sa resort headquarters. Tatlumpung minuto pa bago nila narating ang pamilyar na mataas na puno ng niyog, at pinasok nila ang madilim na niyugan tungo sa purok nila Andy. Makalampas ang gubat ng mga niyog ay muli silang naliwanagan ng bilog na buwan at kanilang namalas ang malawak na palayan sa paanan ng bundok. Dito, ang katahimikan ng lugar ay nakabibingi, ang kadiliman ng tanawin ay nakabubulag. Nguni't, hindi naglaon ay natanaw nila ang maliliwanag na spotlights sa malayo, at kanilang narinig ang boses ng mga sundalo.

Pumarada ang van sa tapat ng bahay at sila'y nagbabaan.

Naroon na si Colonel Laxamana para sila'y salubungin. Malungkot ang muli nilang pagkikita.

"Colonel..." bati ni Tiglao.

"Nasa news na ang nangyayari sa compound," bungad na pananalita ng colonel. "Kasama n'yo 'yung leader?"

Hindi pa tinuturo sa kanya'y, namukaan agad ng colonel ang lalaking mahaba ang buhok at may buong balbas na naka-kulay puti na t-shirt at maong na pantalon, ang taong matagal na nilang minamanmanan, ang pakay ng kanilang taskforce: si Codename: Hesus.

"Si Manuel..." pakilala ni Tiglao.

Hindi kinamayan ng colonel si Manuel bagkus ay tinignan ito ng mariin mula ulo hanggang paa. Nakatingin lang sa kanya si Manuel na walang expresyon sa mukha kundi pagod.

"Dalawang tao ko ang namatay dahil sa kagagawan ninyo," may ngitngit na sabi ni Colonel Laxamana.

"Walang kinalaman si Manuel doon, Colonel," agad na sabi ni Dr. Pontificano, may tapang sa boses. "Si Cartaphilus ang may kagagawan noon, not Manuel."

"Dr. Pontipicano, right?" tingin ni Laxamana.

"Yes, I am she," matapang na sabi ni Dr. Pontipicano.

First time ng dalawa na mag-meet, pero na-warningan na si Laxamana ni Bishop Israel ukol sa karakter ni Dr. Pontipicano—na siya'y may munting Napoleon complex, although hindi maide-deny ang kakayahan niya bilang isang psychiatrist. Pumamewang sa tapat ng duktora ang colonel na tinatangkaran niya ng halos 10 inches. Minus the heels, ang duktora ay 5'2" lamang. Gayunpaman, hindi siya papasindak sa colonel, at tinaas pang kanyang noo at pasimpleng nagti-tiptoe.

"At sino naman ang dalawang mga ito?" senyas naman ng colonel kina Precious at Sunshine.

Biglang naalerto ang dalawang dalagita na kasalukuyang ngumunguya pa ng mga bubble gum. Ipinaliwanag ni Tony kung sino sila at na tinulungan sila ng mga ito na makatakas.

Maya-maya'y dumating sina Jang-Mi at Pauline. Ipinakilala sila kina Dr. Pontificano, Manuel, Sunshine at Precious, and vice-versa. Kina Jang-Mi at Pauline, nalaman nila ang tungkol sa kinahinatnan ng exorcism, at ni Father Deng.

#

1 HOUR AGO.

"I COMMAND YOU DEMOONS! TAKE ME!"

Umalingawngaw ang malakas na boses ni Father Deng, at nagsimulang yumanig ang buong bahay. Nagbagsakan ang mga kagamitan at tumilapon sa kahabaan ng kuwarto. Narinig nilang ungol ng mga dimonyo na nag-echo sa mga pader at kisame.

"TAKE ME!"

Hawak ang maliit na bote ng Holy Water ni Pedro Calungsod ay winisikan ng pari ang tatlong mga bata, sina Francisco, Jacinta at Lucia—at ang mga dimonyo sa loob ng mga ito'y nagsipaghiyawan at kanilang minura at sinumpa ang Diyos, bago sila napasailalim sa kanyang kapangyarihan, at sa utos ng Maykapal na nanggagaling sa bibig ng kanyang alagad ay kanilang nilisan ang katawan ng mga bata.

At sumanib sa katawan ni Father Deng si Legion.

Nabitawan ng pari ang boteng artifact habang nanigas kanyang mga kalamnan at dumadaing na napaluhod sa sahig. Agad siyang tinalian ng makapal na lubid ng mga sundalo—nina Pvt Rosalia at Pvt Tuason kasama si Manong Gerry, habang tinipon nina Jang-Mi at Pauline ang mga bata.

"Wala na ang dimonyo sa inyo," sabi ni Pauline sa kanila.

"It's going to be alright," sabi naman ni Jang-Mi.

Kakasabi lamang nila nito'y nagulat sila nang makawala si Father Deng sa kanyang pagkakatali. Pula na'ng mga mata ng pari pagka't siya'y pagmamay-ari na ng mga dimonyo, at sa kakaiba niyang lakas ay nagawa niyang manlaban. Tumalsik si Pvt Rosalia sa pader, si Pvt Tuason ay kanyang sinakal, at si Manong Gerry ay kanyang hinawakan sa ulo't itinaas. Papatayin na niya sila nang pigilan siya ni Jang-Mi sa pamamagitan ng telepathy.

Father, if you're there, fight back!

Narinig si Jang-Mi ni Father Deng sa kanyang utak at nilabanan nito ang kontrol ng mga dimonyo. Ngunit alam ng pari na hindi iyon magtatagal, pagka't ramdam pa rin niya ang pagpasok ni Legion sa kanyang katawan. Take me! Ang utos niya'y absolute. Wala nang pila-pila, ang mga dimonyo'y malaya siyang pasukin. At inuutos ng mga ito sa kanya na patayin ang lahat ng nasa kuwarto: ang mga sundalo, si Manong Gerry, sina Jang-mi at Pauline, at ang mga bata.

Dahil doon, wala nang ibang choice pa si Father Deng.

Nagtungo siya sa kusina kung saan nakapatong sa mesa ang mga baril ng mga sundalo.

"NO! FATHER, NO!" habol ni Jang-Mi.

Hinugot ni Father Deng ang pistol mula sa holster at tinutok sa kanyang ulo.

"FATHER! NO!" sigaw ni Jang-Mi.

Pumutok ang baril.

At bumagsak sa sahig si Father Deng.

#

Nagpahid ng mga luha sina Jang-Mi at Pauline matapos ang kanilang salaysay. Sa paligid, tahimik ang lahat na nakikiramay, maging ang mga hindi nakakakilala ng personal kay Father Deng. Ramdam nina Manuel, Precious at Sunshine ang kanilang dalamhati. Sa tabi, nagsindi ng sigarilyo si Lt Esguerra habang tinanaw ang mga spotlights sa di-kalayuan.

"Father Deng was a really good man...he's without fault," malungkot na sabi ni Dr. Pontificano at nag-pause, at napangiti. "Except, well, kapag dumidilat siya, nakaka-bother lang..."

Naiiyak na natatawang nagtanguan sina Jang-Mi at Pauline.

"But that's just Father Deng! I mean..." hindi na natuloy ni Dr. Pontificano ang sasabihin, at siya'y malungkot na napayakap sa katabi—of course, si Tony na ready na siyang akbayan.

"Bihira ang mga taong ganyan..." sabi ni Manuel.

"Bihira talaga," sang-ayon ni Tiglao, at tinuro pa si Tony. "Saglit lang namin nakilala 'yung pari pero, tutoong tao..."

"Tutoong tao," ulit ni Tony.

Napatango si Manuel, at napatingin sa malayo na parang tumatak sa kanya ang sinabi ng P.I. Tutoong tao.

May moment of silence, bago:

"Nakikiramay po," sabi ni Precious. Side-by-side silang magkatabi ni Sunshine. "Sa kuwento n'yo pa lang, alam na namin na napakabait nitong si Father Deng."

"'Yaan n'yo po, 'pag sikat na kami..." sabi naman ni Sunshine na may turo pa sa kasama, "bibisitahin namin ang puntod niya at aalayan namin ng mga bulaklak. Sa'n po ba siya ililibing?"

Napakamot ng ulo si Colonel Laxamana, hindi wari kung ano 'yung tungkol sa "sisikat."

"H-hindi pa namin alam," sabi ni Pauline sa mahinang boses. "Si Bishop siguro ang makakapagsabi. Pero, we're still hoping na makaka-recover pa siya..."

Natigilan ang iba nang marinig iyon. Napakalas ng akap si Dr. Pontificano kay Tony.

"Wait, pakiulit nga..." tingin ng duktora. "Makaka-recover sino?"

"Anong ibig mong sabihin, iha?" nagtatakang tanong ni Tiglao.

"Si Father Deng po, tito," balik ni Pauline.

Nagtataka din si Pauline sa reaction nila. Ganoon din sina Jang-Mi at Colonel Laxamana.

"You mean, buhay pa si father?" gulat na bigkas ni Tiglao. "Sabi mo sa telepono, nagbaril sa ulo?"

"Oo nga po," tango ni Pauline. "Pero, buhay pa si father."

Sa kanilang usapan sa telepono, dahil na rin siguro sa lungkot ay hindi nasabi ni Pauline kay Tiglao na buhay pa si Father Deng. Sa iyak ng dalaga, ay in-assume naman ni Tiglao na namatay nga ang pari.

Isang milagro anila. Nguni't milagro ba ng Diyos? O may kinalaman ang mga dimonyong nasa loob ni Father Deng? Ang nangyari'y hindi pa nila maipaliwanag sa ngayon. Nang magpasukan noon ang iba sa kusina'y nakita nilang nakabulagta ang pari sa sahig, kita nilang dugo sa sahig. Nang lapitan ni Pvt Rosalia, kita niyang ang dugo'y mula sa gilid ng ulo ng pari—ni Father Deng na dilat na dilat—na kanyang ikinailang. Yumuko ang babaeng sundalo para isara ng mga daliri ang mga mata ni Father Deng, pagkatapos ay nilapat niyang mga daliri sa leeg nito. At nagulat na may maramdamang pulso. Buhay pa siya! Sigaw ni Pvt Rosalia. Nang magpasukan sa bahay sina Colonel Laxamana at ibang mga sundalo ay agad nilang sinugod ang pari sa ospital lulan ng Pajero ni Mayor Arteza na maneho ni Manong Gerry.

Ayon kay Colonel Laxamana, critical and condition ni Father Deng. Slim ang chance na siya'y mabuhay—may milagro man o wala.

"Nasaan si Father? Saang ospital?" tanong ni Dr. Pontificano.

"Yung bagong tayo sa Oram," inform ni Colonel Laxamana.

"I know that, malapit lang iyon from where I worked before!" balik ng duktora. "I should be there, kailangan ng someone na kilala si Father Deng."

Agree sina Colonel Laxamana at Tiglao.

"Kailangan ng kasama ni Pilar..." sabi naman ni Tony.

"Aba, oo naman!" sarcastic na remark ni Tiglao.

Habang pinatawag ni Colonel Laxamana si Pvt Torres para imaneho ang MB100 van patungo ng bayan ng Oram, ay napatingin si Dr. Pontificano kay Manuel at may pumasok sa kanyang isipan.

"Manuel, sumama ka sa amin..."

Binalik ni Manuel ang tingin. Sa sinabi ng duktora'y may kakaiba siyang naramdaman.

"Pilar, under custody si Manuel ng military..." agad na sabi ni Tony.

"Marami pa siyang kailangang sagutin," dagdag pa ni Lt. Esguerra.

Pero malakas ang pakiramdam ng duktora na kailangang sumama sa kanila ni Manuel. Na hindi pa doon natatapos ang istorya nito—na may role pa siyang kailangang gampanan. Tumingin siya kay Colonel Laxamana pagka't ang desisyon ay nasa commander. Kitang nag-iisip ang colonel, pero mabilis ang kanyang desisyon.

"Okay, go..." sabi niya kay Manuel. "Sumama ka sa kanila."

Tumango si Manuel. Maya-maya'y dumating ang van na maneho ni Pvt Torres.

"'Yung portal nga pala?" tanong ni Tony, gusto lang malaman iyon bago sila umalis.

"Nahukay na namin," sabi ni Colonel Laxamana.

"Portal..." ulit ni Manuel, alam niya ang tungkol doon mula kay Cartaphilus.

"Ano pong portal?" nagtatakang tanong naman nina Precious at Sunshine.

"A gateway to another dimension!" sabi ni Jang-Mi.

"Ganoooon?" sabi ni Sunshine.

"Anong meron sa portal?" tanong ni Precious.

"Hindi pa namin sure," sabi ni Pauline. "We're hoping na mga aliens."

"Aliens?!" gulat na bigkas ni Sunshine.

"Taray!" sabi ni Precious.

Napailing si Colonel Laxamana.

"Kayo din," sabi ng colonel sa mga dalagita. "Mabuti pa sumama kayo kina duktora."

"Kami po?" gulat na turo ng mga dalagita sa sarili.

"In the first place, hindi nga kayo dapat nandidito," sabi pa ng colonel.

Sa matapang na tono niya'y agad na nagsisakayan ang mga dalagita sa van, sa tutoo'y 'di rin nila feel talaga ang lugar. Anila'y madilim na wala pang wi-fi.

"Tawagan mo ko, pare, 'pag andun na kayo," bilin ni Tiglao kay Tony na tumango.

"Ako na ang magbabalita kay Bishop Israel," sabi naman ni Dr. Pontificano sa lahat.

Pagkatapos, ay umandar paalis ang van. Saglit pang pinagmasdan nila Tiglao ang pagalis nito bago hinarap ang kahuli-hulihang hamon ng gabi.

"Okay, tingin ko oras na para malaman natin ang katotohanan sa stargate na ito," sabi ng P.I. kina Colonel Laxamana, Jang-Mi, Pauline at Lt Esguerra. "At mahanap natin si Andy.

Tumango si Pauline sa lahat.

"Follow me," sabi ni Colonel Laxamana, at sinundan nila ito patungo sa likuran ng bahay ni Andy, sa bukirin kung nasaan ang portal—ang Stargate.

#

Manila Cathedral.

Ganoon na lang ang saya ni Bishop Israel nang marinig ang boses ni Dr. Pontificano sa cellphone. Matagal-tagal din niyang hindi nakausap ang psychiatrist matapos niyang bigyang basbas ang pagtungo nito sa Callejon upang tagpuin si Manuel. Wala siya ideya kung anong nangyari sa duktora kung kaya't humingi siya noon ng tulong kay Colonel Laxamana na hanapin siya. Ngayong ligtas na si Dr. Pontificano ay malaking relief iyon para sa obsipo, nguni't ang kasiyahang iyon ay panandalian lamang nang malaman niya ang nangyari kay Father Deng.

"You just tell me what needs to be done, doctor," firm na sabi ni Bishop Israel sa telepono. "Kung kailangang dalhin sa Manila si Father Deng, I will make it happen. I will have a helicopter fly him here."

Kakadala lang ng mga paramedics sa katawan ng mga na-coma na witches, at sina Father Markus, Mayor Arteza, Father Benito, Rommel, at ang dalawang naka-survive na witches ay naguusap kung anong susunod na hakbang nilang gagawin, nang tumawag si Dr. Pontificano. Dinig nila si Bishop.

"Pagdating n'yo doon, call me immediately," aniya.

Natapos ang tawag at nang ibalita ng bishop ang nangyari'y nanlumo ang lahat. Si Father Benito'y agad na nagdasal. Si Mayor Arteza'y nakatanggap naman ng tawag mula kay Manong Gerry at mula sa driver, nalaman niya ang ibang mga impormasyon. Nang dumating si Hepe'y nalungkot din sa balitang nag-aagaw buhay si Father Deng. Lahat sila na nakakakilala sa Aprikanong pari'y lubusang apektado, pagka't lahat sila'y tinuturing siyang isang mabuting tao.

At walang mas apektado pa kundi kay Father Markus. Siya na mas pinakamalapit kay Father Deng at parang kapatid na ang turing. Ganoon na lang bigat ng kanyang dibdib at nagpipigil siyang maluha, at kung maaari lang na puntahan niya si Father Deng ay gagawin niya. Nguni't kailangan siya rito, alam niya iyon. Lalo na ng kapatid niyang si Adelaine at ni Aaron. Kasama nina Tor at Melinda, ay nagtungo sa kaloob-looban ng danger zone.

Naramdaman ni Father Markus ang kamay ni Bishop Israel sa kanyang balikat.

"I better call Jules and the others..." ani ng obispo.

Malungkot na tumango si Father Markus.

#

Baguio.

Namumulang mga mata nina Jules at Hannah na magkatabing nakaupo sa sofa sa sala, tulalang nakatingin sa apoy sa fireplace at magkahawak kamay. Ang isang kamay ni Jules na nakalaylay sa malambot na kutson ay hawak pa'ng kanyang cellphone matapos ang tawag sa kanya. Ang dilaw na liwanag ng apoy ay nasa kanilang mga mukha. Si Misty na nasa tabi ng fireplace ay malungkot na nakatingin sa kanila.

Maya-maya'y dumating si Lola Edna mula sa kusina, dala ang dalawang mainit na cup ng cocoa.

"Ito uminom muna kayo," sabi ng matandang witch. "Baka makatulong ito."

Bumitaw sa kanilang holding hands sina Jules at Hannah at inabot ang mga cups at nagpasalamat. Hindi pa nila mainom agad pagka't umuusok pa ito sa init at kanilang hinawakan muna ng dalawang mga kamay. Naupo si Lola Edna sa sofa na pang-isahan.

"Itong Father Deng, ramdam ko na magaan ang loob n'yo sa kanya..." umpisa ni Lola Edna. "Matagal n'yo na siyang kakilala?"

Tumango ang dalawa. Bago umiling.

"Hindi pa ganoon katagal, 'La," sabi ni Jules. "Mas matagal siyang kilala ni Father Markus."

"Ah..."

Tahimik si Hannah. Hinipan niyang kanyang cocoa at nag-sip.

"Pero, sobrang bait niyang tao," patuloy ni Jules. "At mapagkakatiwalaan. Hindi ka niya iiwan, to a point na I believe, ibubuwis niya ang kanyang buhay para tumulong sa iba. Handa siyang mag-sacrifice. At...at iyon nga ang ginawa niya..."

With that, nanginig ang mga labi ni Hannah na parang handa na siyang umiyak. Naalala lang niya ang mga adventures nila kasama si Father Deng—sa Quezon, sa Cebu, sa Palawan. Mostly mga misadventures na puno ng panganib at well, katatawanan. At ngayon, sa balita ni Bishop Israel at ni Mayor Arteza na tumawag din after ng obispo, maliit ang tyansa na mag-survive ang kaibigan nilang pari.

"P...puwede po bang magsindi ng yosi," sumisinghot na hiling ni Hannah.

"Sige, Hannah, kung makakatulong..." balik ni Lola Edna.

Ang tutoo'y bawal magyosi sa loob, pero sa pagkakataong ito, pinagbigyan ng matanda ang psychic, at kumuha pa ng inaalikabok na ashtray para sa kanya. Bago naupo muli. Nagsindi ng yosi si Hannah habang uminom ng cocoa.

"I hope maka-recover siya," sabi ni Lola Edna.

Malungkot na tumango ang dalawa.

Narinig nila ang windchimes at pumasok si Sam at naka-kunot-noo na winagayway ang usok ng sigarilyo, at sisitahin na sana si Hannah, nang unahan siya ng tingin ni Lola Edna at sumenyas na hayaan lang ang psychic. Tumango si Sam at nagtungo sa may fireplace, hinimas niyang ulo ni Misty na naroon.

"Si Father Paul?" tanong ni Jules.

"Nasa labas pa," lingon ni Sam hawak ang poker habang tinend ang mga fire logs.

Labis na nalungkot din si Father Paul sa balita at lumabas ng bahay para ipagdasal si Father Deng. Maya-maya'y pumasok na rin siya, naka-damit na pampari. Nag-offer si Lola Edna ng cocoa, pero tumanggi ito at naupo sa isa pang sofa. May ilang minuto pa silang tahimik lang bago brineak ni Sam ang silence.

"Sorry talaga para sa kaibigan n'yong pari," ani ng witch habang ibinalik ang poker sa lagayan nito. "Pero, may kailangan pa tayong gawin. Habang tumatagal, lumalakas ang leak ng banga..."

Nagtanguan ang iba. Alam nilang hindi pa tapos ang problema nila. At ito'y ang pagli-leak ng dark dimension palabas ng banga at ang panganib na masakop nito ang bahay, at makatuntong sa mundo ang mga dimonyo.

"Paano ba natin mako-kontrol ang leak?" tanong ni Father Paul.

"Dadagdagan namin ng spells ni Lola," sagot ni Sam na may senyas pa kay Lola Edna, tapos ay sumenyas din sa pari. "Ikaw din, Father, since nakakapag-cast ka na ng spells, at may Spearhead Moonstone ka pa, 'di ba?"

Nilabas ni Father Paul ang sinasabing artifact—ang Spearhead That Killed Father San Vitores and Pedro Calungsod na ngayon ay tila pinalakas pa dahil sa pag-merge sa moonstone, ay ngayo'y kulay puti na ang hitsura sa pag-adapt sa magical na bato.

"Hindi ko sigurado kung paano gamitin," amin ni Father Paul.

"Well, then, antayin na lang natin na pumasok sa iyo ang gagawin," sabi ni Sam. "Tulad ng dati."

May hint iyon ng sarcasm, na si Lola Edna lang ata ang naka-sense.

"Ikanga, Father, it will come to you," sabi ng matanda.

"Paano kung mag-fail?" biglang sabi ni Jules.

"Mag-fail?" taas-kilay ni Sam.

"Malakas ang Trinity of Evil," punto ni Jules. "First heirarchy, mga prinsipe ng impiyerno, kanang kamay ni Satan. Nakaharap na namin sila, na-witness namin ang kapangyarihan nila," at tumingin pa sa katabi, "'Di ba, Hannah?"

Tumango ang psychic, "Iisa lang ang artifact natin...tatlo sila..."

"Mas malakas naman na itong Moonstone Spearhead..." depensa ni Sam.

"Ang gustong sabihin ni Hannah," salo ni Jules. "Isipin n'yo, kinailangan ng tatlong artifacts para lang talunin ang isang demon—si Asmodeus."

"At ngayon, tatlo silang magkakasama..." dugtong ni Father Paul, realizing.

"Yes, father," tango ni Jules.

Napa-buntong hininga si Sam at nagpamewang.

"So, anong suggestion n'yo?" hamon ng witch. "Wala tayong dalawa pang artifact. So?"

Tumingin si Jules kina Sam at Lola Edna.

"What if instead na pigilan natin ang leak, which I think, hindi rin tayo magsu-succeed," sabi ng parapsychologist. "What if, i-destroy natin? Destroy the banga."

Nang marinig iyon ay napa-ayos ng upo si Lola Edna. Kita sa mukha ng matanda ang matinding pag-aalala. At si Sam?

"ARE YOU CRAZY?!" ang malakas niyang reaction. "NALOLOKO NA BA KAYO?!"

"Sam..." paghinahon ni Lola Edna sa kanya.

"THE ANSWER IS NO!" bulyaw ni Sam, at ini-stomp pa ang paa sa kahoy na sahig, na ikinagulat pa lalo ni Misty.

Magsasalita pa sana si Jules, pero sinalubong siya ng isa pang malakas na "NO!" ni Sam, pagkatapos ay galit na lumabas ang witch ng bahay. Tunog ng windchimes na halos malaglag sa kisame.

Naiwang gulat sina Jules, Hannah at Father Paul sa naging reaction ni Sam.

"Lola, I...I'm sorry..." sabi ni Jules.

Tinaas ng matanda kanyang kamay saying na hindi iyon necessary.

"Kakausapin ko si Sam," pagtayo ni Lola Edna.

#

Inabutan ni Lola Edna si Sam na nakatayo sa gitna ng harap-bakuran, doon sa kung saan nila ki-nast ang spell na Nyx Blessing, naka-fold ang mga braso na nakatingin sa mga bituin. Naroon pa ang mga tunaw na kandila na ginamit nila sa ritual. Basa ang damo dahil sa lamig ng gabi.

"Sam..." paglapit ni Lola Edna habang pinulupot ang scarf sa kanyang leeg. Si Sam ay naka-sweater at beanie. Ang mahaba niyang buhok ay nakabagsak sa kanyang balikat.

"Sana nandito si Rommel, alam niyang gagawin," sabi ni Sam at naiyak. "Sana buhay pa si' Lo..."

"Sam..." paghawak ni Lola Edna sa balikat ng apo.

"Bakit ba kung kailan nangyari ito eh wala na si 'Lo?" naluluhang sabi ni Sam.

"Sadyang oras na niya, Sam..." sabi ni Lola Edna.

Hinarap ni Sam ang kanyang lola.

"'Yung spell na ginawa n'yo noong nasa ospital kayo," aniya. "'Yun ang nagpahina kay 'Lo, kaya hindi siya nagtagal."

Ang tinutukoy ni Sam ay ang spell na ginawa nina Lola Edna at Lolo Charlie noong nasa ospital sila gamit ang putol na daliri ng witch para kontrolin ang Demon Witch—ang abominasyong nalikha sa pag-merge ng dalawang witches na sina Agatha at Lucia na possessed ng demon na si Abaddon. Sa pag-cast noo'y kinailangan ng maraming mana o magical energy mula sa dalawang matanda. Ito'y nangyari 6 years ago doon sa bahay, kung saan una ring nagkakilala sina Jules at Hannah.

"Wala na kaming choice ng lolo mo," amin ni Lola Edna.

"Hindi ako papayag na wasakin ang banga," matigas na sabi ni Sam habang pinahid ang kanyang luha.

"Paano kung iyon na lang ang paraan, Sam?"

"Hindi, 'La."

"Ramdam mo, apo. Alam mo. Hindi kaya ng mga spells natin ito."

Tumango si Sam at bumagsak ang mga braso sa kanyang tagiliran. Alam niyang iyon ang tutoo.

"Nangako ka , 'La. Nangako ka kay 'Lo na magsasama kayong muli," sabi ni Sam. "Naghihintay siya sa loob. Kapag sinira natin ang banga, hindi ka na makakapasok sa loob ng dimension ng banga."

Naluha si Lola Edna.

"Kailangang isakripisyo ko iyon, apo," aniya. "Alang-alang sa nakararami..."

"Pero, 'La..." kita ang desperasyon sa mukha ni Sam. "Iyon na ang chance na magkasama kayo ni 'Lo..."

Hindi na sumagot pa si Lola Edna, kundi'y pumikit na lamang.

Niyakap siya ni Sam.

NEXT CHAPTER: "I am the Light"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top