Chapter 30: Rapture
Hindi maalis ni Aaron ang tingin sa nagdaramihang mga lumang libro. Halos hindi siya kumukurap habang dinaanan ang mga titles sa bookshelves. Pagka't hindi ito mga ordinaryong libro na makikita sa bookstores, o libraries, o maging sa museums. Ang mga libro rito'y kakaiba, hindi karaniwan, at hindi para sa lahat ng mga mata.
"Astig..." bulong ng binata.
First time ni Aaron sa secret library at ganoon na lang ang pagkamangha niya. Kanyang ngiti'y abot hanggang sa magkabilang tenga, pakiramdam niya'y lampas pa nga. Iniisa-isa niyang tignan ang mga libro, early editions ng bible, Torah, Quran, Tao Te Ching, at Bhagavad Gita. May mga higanteng atlas—mapa ng sinaunang mundo, ng early years of exploration. May mga rolyo ng papel, mga scrolls, na tingin ni Aaron ay parang mga papyrus, ang papel na gamit ng mga ancient Egyptians. Kumpleto rin ang library sa mga kilalang literature, novels, books of poetry, essays—lahat pawang mga first o early editions. At nasa ground floor pa lang siya nito. Hindi pa niya nae-explore ang second floor na may hagdanan at kita mula sa ibaba, kung saan may mga rows pa ng bookshelves. Doon makikita ang mga occult at demonology books na siyang hilig niya tulad ng Necronomicon, Malleus Maleficarum, Dictionnaire Infernal, De Occulta Philosophia, at Daemonologie.
"O shit!" bulalas niya nang may makitang partikular na libro, isang lumang grimoire—o book of magic spells. Kanyang boses ay nag-echo sa loob, at napatingin siya sa kanyang likuran at nagpaumanhi, "sorry..."
Sa gitna ng library, nasa may malaking mahogany table sina Bishop Israel at Adelaine, tutok lang sa libro na nakalatag doon na hindi na nila minind si Aaron. Sa mesa'y ang Extended Book of Revelation na kanilang masusing pinagaaralan. Matapos umulan ng palaka ay agad silang nagtungo rito mula sa Manila Cathedral, convinced na ang phenomenon ay isang apocalyptic sign na konektado sa magaganap na Second Great War ng angels and demons.
"It has to be a sign..." muni ni Bishop Israel.
"No doubt," agree ni Adelaine, na nakapagpalit na mula sa isinuot na black tights at ngayon ay naka-one piece na dress na kulay gray.
Sumusulyap-sulyap si Aaron kay Adelaine nang bumaba mula sa second floor ng library si Father Benito, na tulad niya'y manghang-mangha rin sa mga nakikita sa loob. Masaya rin lang ang Aetang pari na ngayo'y buong loob na ang tiwala sa kanya ni bishop. Hindi lang dahil natulungan niya si Father Deng na matagumpay na ma-exorcise si Luisa Banes, nguni't dahil alam niyang ang Annunaki pendat na kanyang pagmamay-ari ang naging ticket niya na makapasok sa loob ng sikretong library.
"Ang daming libro, daig ang leybrari sa amin," sabi ng pari. "Baka gusto ni bishop na i-duneyt ang ibang libro sa aming iskul."
Nakangiting umiling si Aaron, "Hindi siguro papayag si bishop na mag-donate, father."
Napansin ni Aaron na may hawak na maliit na itim na libro si Father Benito at kanyang tinanong kung ano iyon.
"Baka puwidi na mahingi ito. Souvenir ba," ipinakita ni Father Benito ang libro na ang naka-emboss sa harap ay Biblia Szatana...
...na lingid sa kanyang kaalaman ay Polish version ng Satanic Bible ni Anton Szandor LaVey. Pinoint out pa ni Aaron sa nagtatakang pari na ang simbolo sa ilalim ng title ay sigil ng dimonyong si Baphomet. Agad na nabitawan ni Father Benito ang libro na akala mo'y napaso, at lumagapak iyon sa sahig. Napalingon sina Bishop Israel at Adelaine habang agad na pinulot ni Aaron ang libro.
"Aaron, come here," tawag ni bishop. "You too, Father Benito. Tignan n'yo ito."
Lumapit ang dalawa at ipinakita sa kanila ang full page illustration sa Extended Book of Revelation na nagde-depict ng pag-ulan ng mga palaka na halintulad sa nangyari sa Manila. Ayon sa libro, ito'y isang message from God, isang signal na paparating na ang Second Great War between heaven and hell. Ganoon na lang gulat nina Aaron at Father Benito.
"So it is hapening layk in di book! Lord hab mircy!" bulalas ni Father Benito.
"Yes, it seems so, father," sabi ni Bishop Israel.
"Pero..." pag-isip ni Aaron na nag-pause saglit, gathering his thoughts. "How can events in the extended version be happening? Hindi ba for that to happen, dapat munang ma-fulfill ang mga nangyari sa original na Book of Revelation?"
"But it has already been happening," balik ni Bishop Israel matter-of-factly.
Ang mahalagang pangyayari sa Book of Revelation ay ang simula ng pagbubukas ng Seven Seals (Revelation 5-8). Ang naunang apat ay ang Four Horsemen of the Apocalypse. Una, ang White Horse ay ang pagdating ng Antichrist, ikalawa ang Red Horse na hatid ay war kasunod ang Black Horse na dala ay famine, at ang ikaapat ay ang Pale Horse na ang nakasakay ay si Death. Ang ikalimang seal ay ang great tribulation, ang persecutions ng mga Christians after ng crucifixion ni Jesus na ayon sa historians ay tumagal hanggang Dark Ages. In fact, ayon naman sa mga thinkers, matagal na raw nagaganap ang mga nakasulat sa Book of Revelation, mula sa malalaking digmaan hanggang sa mga worldwide pandemics tulad ng Black Death, smallpox, Spanish Flu, at AIDS. Sa kaso naman ng Antichrist, ang mga tulad nina Emperor Nero, Napoleon, Adolf Hitler at Saddam Hussein ay napabilang dito.
Ang pagbubukas naman ng 6th seal ay mga major disasters at plagues tulad ng earthquakes, pag-blacken ng sun at pagturn ng moon to the color of blood, at ang pag-fall ng mga stars mula sa heavens. Mga halimbawa nito in history ay ang Great Lisbon Earthquake (November 11, 1755, est. 50,000 dead); Ang tinaguriang Dark Day sa New England, USA (May 19, 1780) kung saan ayon sa mga saksi, kalagitnaan ng araw nang biglang nagdilim ang kalangitan na animo'y gabi na, at nang lumabas ang buwan ito'y kulay pula; Ang stars falling from the heavens nama'y ina-associate sa Great Leonid Meteor Shower (November 12-13, 1833) sa North America kung saan 50,000-150,000 na meteorites ang nagbagsakan mula sa langit...per hour.
"So you see, we are in fact, living in the age of the breaking of the Sixth Seal," sabi ni Bishop Israel.
"Then what about the Seventh Seal?" tanong pa ni Aaron.
Nang i-break ang Seventh Seal, narinig ang 7 trumpets mula sa 7 angels kasunod ng pagbubuhos ng 7 bowls of plagues (Revelation 16) kung saan: magkakaroon ng plague of sores o sugat, magkukulay dugo ang mga dagat, magkakaroon ng matinding heatwave, ng matagal na pagdidilim at magtatapos sa isang catastrophic earthquake. Ito ang 7 last plagues, after which, darating si Hesus para iligtas ang mga mabubuti at hatulan ang masasama.
"Di sicond caming op Jisus!" sabi ni Father Benito.
"Yes, father," tango ni Adelaine. "War breaks out in heaven, Jesus leads God's armies and defeats the Beast, Satan, the Antichrist, the False Prophet and all their followers and throws them into the lake of fire."
"Except, Jesus is not coming," sabi ni Aaron.
Napatingin ang lahat kay Aaron. Ang point ng binata ay kung nangyayari na ang mga nakasulat sa Extended Book of Revelation, at kung ayon kay Bishop Israel ay nasa time sila ng breaking ng Sixth Seal then ibig sabihin ay nilaktawan na ang pagbubukas ng 7th Seal—ang pagbabalik muli ni Jesus Christ ay hindi mangyayari.
Napaupo si Bishop Israel.
"Shit, you're right," aniya.
"It's the sacrifice," sabi ni Adelaine, to which tumango si Bishop Israel, pagka't tanto niya iyon.
"The sacrifice?" nagtatakang tanong ni Aaron.
"Father Markus' sacrifice somehow altered events," ani ng bishop.
Gulat lang sina Aaron at Father Benito.
"In other words," sabi ni Adelaine. "Markus' sacrifice fucked up God's plan."
Ayon sa paniniwala, ang isang self-sacrifice ay may power na baguhin ang fate ng mundo. Maaari nitong pigilan even ang Apocalypse. Nguni't magagawa lamang ito ng isang tao na may matindi at kakaibang faith—in which case, mayroon noon si Father Markus, at ang ginawa niyang sacrifice noon sa Manila Cathedral para matalo ang Trinity of Evil ay isang act of redemption na halintulad sa:
"Jesus dying on the cross por our sins," sabi ni Father Benito.
"Yes, father," tango ni Bishop Israel. "The ultimate sacrifice."
"And it ended the Apocalypse," dugtong ni Adelaine. "Well, at least for the time being..."
Nang malaktawan ang pagbubukas ng Seventh Seal, nagbigay daan iyon sa events sa Extended Book of Revelation, na nagsimula sa pagtakas nina Satan and his demons sa lake of fire to wage another war—the Second Great War between Heaven and Hell. Ang Extended book din, it seems ay siyang continuation ng Book of Enoch, pagka't naroon ang waking of the watchers, ang pag-amass ng armies ng mga Grigori para sumama sa giyera, at ang pagdating ng Christ Adversary na magli-lead sa kanila sa mundo.
"May nabanggit si Tita na na-identify na daw nila kung sino si Christ Adversary!" biglang hudyat ni Aaron, at kinuhang cellphone niya para tumawag kay Sam, pero pinigilan siya ni Bishop Israel.
"That won't be necessary, Aaron. I know who it is."
Nasabi na rin ng obispo ito kay Adelaine, na beforehand ay nagkausap sila ni Dr. Pontificano ukol kay Manuel, at nang sabihin nila Tiglao ang hangarin nila sa Callejon, ang tungkol sa teorya niya sa mga aliens, ay lalo pa siyag nakumbinse na may malaking role na gagampanan ang lalaking nagaala-Kristo sa mga nagaganap, kung kaya't agad niyang pinondohan ang team ni Tiglao.
"What we need to concentrate right now is protecting the portal here," aniya. "Because by God, we don't know what the ending is."
Iyon nga ang problema, na walang konklusyon ang Extended Book of Revelation. Na ang ending ay wala sa vision ng sumulat nito, o ninuman. Except ng all-knowing, all-powerful God. Kasama ba ito sa kanyang celestial plan? Isang back-up plan? Hinahayaan lang ba niyang mangyari ang lahat? Isang spectator?
"Why do God iven let dis happen?" frustrated na sabi ni Father Benito.
"Father...that is a question of theodicy that cannot be answered right now," tingin ni Bishop Israel.
"My brother is coming," matigas na sabi ni Adelaine. "If there's someone who can provide answers to these questions, maybe he can."
***
Sa compound:
Halos isang oras na nagsalita si Manuel sa harap ng nahuhumaling na mga tao na tila buong-buo ang paniniwala na siya nga ang ikalawang pagbabalik ni Kristo. Hindi nila iniinda ang init ng paparating na tanghali. Bagama't may mga bintilador sa gilid at kanto ng meeting hall ay hindi iyon sapat para labanan ang mabanas na panahon. Tagaktak ang pawis ng marami, kanya-kanyang punas ng panyo at bimpo, nguni't hindi iyon naging hadlang sa kanilang pakikinig. Sa bawat salita, bawat pangungusap ni Manuel, sila'y magagalak na sumasagot ng:
"Amen!" kanilang hayag. "Mabuhay ang panginoon!"
Kahit na hirap at namamaos, ay pilit pa rin ang pagsigaw ng mga matatanda na katabi nina Tiglao at Tony. Kahit ang dalawa'y nadadala sa daloy ng ma-emosyong pagbubunyi, at paminsan-minsa'y makikisabay sa sigaw. In a way, naaaliw ang dalawang P.I. sa nasasaksihan—itong anila'y kakaibang debosyon.
"Daig ang artista, pare," bulong ni Tony kay Tiglao. "Ang lakas ng dating."
Tumango si Tiglao. Sang-ayon naman siya sa kakaibang hatak ng katauhan ni Manuel, na kung tutuusin ay mukhang ordinaryo nga lang tulad ng sinabi ni Tony. Isang hamak na mangingisda mula sa maliit na bayan ng Dinagatan, pero heto't hawak niya sa kanyang palad ang mga tao, pagka't sa kanyang mga bibig lumalabas ang magagandang mga pananalita, mga aral, mga katotohanan, at para sa mga handang maniwala, ang pangako ng kaligtasan.
Ramdam din nina Tiglao at Tony ang init at ginamit na'ng suot nilang puti na robe bilang pamunas. Hindi nakatulong na nagpapasok pa ng karagdagang mga tao sa loob bago magsalita si Manuel, na nagsipagpuwesto sa likuran nila kung kaya't hindi makapasok ang hangin.
"Init, pare," reklamo ni Tony habang pinunasan ang pawis sa noo. "Parang microwave dito...daig ang impiyerno. Whoo!"
Napaisip si Tiglao nang sabihin iyon ni Tony. Kakaiba nga ang init sa loob ng compound. Napansin na niya iyon kanina pero ngayon lang niya fully na-realize na hindi ito ordinaryo. Ang bitak bitak na lupa'y maalikabok, at bagama't may mga puno nga sa paligid, ang mga dahon ay tuyo't lanta. Isa pa'y, buwan na ng Disyembre. Matagal nang tapos na ang tag-init. At dito lang ba sa loob ng compound? Pagka't malalago ang mga halaman sa labas, sa ibang parte ng Callejon.
Nawala ang isipan ng dalawa sa alinsangan nang makita nilang tumayo ang lalaking puti ang buhok at sinabi sa mga naroon: "Kayo ba'y may mga katanungan?"
May lalaki na nasa kanyang 30s ang nagtaas ng kanyang kamay at nagpakilala na isa siyang magsasaka. Sumenyas ang lalaking puti ang buhok na siya'y tumayo.
"Panginoon, sumasampalataya po ako sa inyo," hayag ng magsasaka. "Pero, paano po ang mga hindi naniniwala?"
Pagkatanong ay lumipat agad ng tingin ang lahat kay Manuel.
"Ang mga hindi naniniwala ay maiiwan dito sa lupa," sabi ni Manuel. "At haharapin ang galit ng Diyos Ama. Ang mga naniniwala sa akin ay sasalubungin ng Ama sa langit."
Napakunot-noo si Tiglao. The rapture? Iyon ba'ng tinutukoy niya?
Although hindi nabanggit ang salitang rapture sa bibliya, maraming passages ang tumutukoy dito, sa Gospels, 2 Thessalonians and of course, sa Book of Revelation. Sa kanyang literal na meaning, ang rapture ay ang paglutang ng mga believers sa ere, tungo sa mga ulap, paakyat ng langit nang sila'y kunin ng Diyos sa ikalawang pagbabalik ni Kristo. Sa mga illustrations at paintings, dinedepict ang mga tao na nababalot sa maliwanag na kulay puting ilaw, nakatingala sa langit habang umaangat sa lupa (i.e. beam of light)—bagay na napag-aralan na rin ni Tiglao sa kanyang pagsasaliksik ukol sa nagyari kay Andy. Kanya nang naisip na ang rapture ay parang alien abduction.
"Kailan po ito mangyayari?" ang sumunod na tanong na mula sa isang babae sa kanyang 40s.
"Malapit na ang araw na ipapataw ng Diyos ang kanyang parusa sa sanlibutan," sagot ni Manuel. "Nalalapit na ang araw..."
Ng paghahatol, sabay kay Manuel na sabi ni Tiglao. Napatingin sa kanya si Tony.
"May sinabi ka, pare?"
"Araw ng paghahatol," ulit ni Tiglao, at sinabi kay Tony na pareho din iyon na sinabi ni Ama, ang leader ng doomsday cult na siyang nangidnap ng mga bata sa huling major case niya.
"Ibig mong sabihin may koneksyon itong si Manuel doon sa kulto?" tanong ni Tony.
"May mga bagay na may pagkakapareha," sagot ni Tiglao. "Masama ang kutob ko, pare, pero sigurado ako na makakakuha tayo ng kasagutan, at..."
"SHHH!" interrupt ng lola na katabi nila, ang hintuturo sa bibig. "Huwag kayong maingay, makinig tayo sa kanya."
Tumango ang dalawa.
"Sino pa'ng may katanungan?" tanong ng lalaking puti ang buhok.
Sa gulat ni Tony, ay agad na nagtaas ng kamay si Tiglao. At hindi pa siya ina-acknowledge ng lalaking puti ang buhok ay tumayo na siya't nagsalita. Nang makita siya ng lalaking puti ang buhok ay nagsiryoso ang mukha nito. Nagharap sina Tiglao at Manuel.
"'Pag sinabi mong malapit na ang katapusan, ang araw ng paghahatol, eh kelan ba ito exactly?" tanong ni Tiglao. "Bukas? Sa makalawa? Sa isang buwan? Sa isang taon? Baka naman matagal pa..."
Nagulat ang marami sa tono ng pagtatanong ni Tiglao, na sa lublob nila'y walang bahid ng paggalang, at tinignan nila ang P.I. na may pagtataka. Ang mga dalagita'y nagsipagbulungan sa isa't-isa. Napaayos naman ng upo si Dr. Pontificano pagka't hindi niya ini-expect ito kay Tiglao, at lalong-lalo na, hindi niya ia-advise na kanyang gawin. Pero, huli na.
Kalmado naman si Manuel na sumagot.
"Anong pinangangambahan mo? A..." aniya na may senyas ng daliri.
"Conrado," sabi ni Tiglao.
"Conrado..." ulit ni Manuel. "Anong pinangangambahan mo?"
Alam na ni Tiglao ang isasagot bago pa niya itanong iyon. Tumingin siya sa paligid niya—sa mga matatanda, mga senior citizens na katabi nila ni Tony. Sinenyas niya ang mga ito at kanya ring sarili.
"Well, kung 20 o 30 years pa darating ang katapusan eh baka patay na kami," aniya.
Napaindak ang mga lolo at lola, pero ang iba'y napangiti at may natawa pa nga.
Maging si Manuel ay napangiti, medyo impressed pa nga kay Tiglao. Ang iba niyang mga tauhan ay medyo naaliw din pagka't ngayon lang nangyari na may nagtanong ng ganoon. Nangiti rin ang mga dalagita. Kadalasan kasi'y siryoso sila. Napangiti rin si Tony na makitang naging magaan naman ang reaksyon ng marami at nawala ang kaba niya. Tumingin pa sa siya sa katabi niyang lola na siyang sumita sa kanila, at inudyok niya itong ngumiti. Lahat ay na-lighten ang mood, bukod lang sa lalaking puti ang buhok na tumingin kay Dr. Pontificano with a questioning look. Umiwas ng tingin ang psychiatrist.
"Huwag kang mag-alala, Conrado," ngiti ni Manuel. "Pagka't kung patay ka na sa panahon na dumating ang araw ng paghahatol, ay gigisingin kita. At sabay tayong aakyat ng langit."
Natuwa ang mga tao nang marinig iyon. Lalo na ang mga matatanda. Ako rin, Panginoon! Gisingin mo ko! Hindi na ako takot mamatay! anila. Pagkatapos ay malakas na nagpalakpakan ang lahat habang sinisigaw Purihin ka Panginoon! Lahat kami ay sumasamba! Lahat kami ay naniniwala!
#
Sa lakas ng ingay ng tao'y napatanggal ng kanyang headphones si Colonel Laxamana.
"I-record n'yo lang," aniya kina Lt Esguerra at iba pa na nagmomonitor ng spycam.
Nagsindi ng sigarilyo ang colonel habang pinagmasdan sa malayo ang compound. Malalim ang kanyang iniisip. Sa ngayon, sa mga nakita nila't narinig ay wala pa silang matibay na ebidensya na may ginagawang illegal ang congregation ni codename: Hesus. Wala pang dahilan para kumuha ng warrant at mag-conduct ng raid. Ang maaari lang nilang idahilan para makapasok ay para imbestigahan ang pagkawala ng kanilang mga informers, nguni't ito nama'y magbubunyag sa kanilang cover. Kaya sa ngayon, angt tangi lang niyang maaaring gawin ay maghintay sa ire-report nina Tiglao at Tony.
Na kanyang pinangangambahan ay kung sila'y makalalabas pa roon.
#
Lampas na ng tanghali nang dumating sina Father Markus at Mayor Arteza sa Manila Cathedral at dumiretso sila sa library. Mas maaga pa sana silang darating kung hindi lang umulan ng mga palaka.
"I can't believe it. You're really here," salubong ni Bishop Israel kay Father Markus. Bakas ang genuine na kagalakan sa mukha na bihirang makita ng iba sa kanya. Hindi palangiti ang siryosong obispo.
At si Adelaine?
Masaya ang nakatatandang kapatid ni Father Markus, no doubt, pero hindi tulad ni bishop, hindi niya ipinapakita ito sa kanyang exterior. Poised pa rin si Lady Markus.
"Adelaine..." bati ni Father Markus.
"Sebastiano..."
Nagakapan sila, at may binulong si Adelaine sa kapatid na hindi rinig ng iba, tapos ay sinabi:
"Tell me all about hell later."
Napangiti si Father Markus. Siyempre pa, masaya rin sina Aaron at Father Benito na makilala sa wakas, ang hinahangaang nilang pari at exorcist.
"Fathir, you are a living ligend! You are di best!" bulalas ni Father Benito.
"That's a funny thing to say to someone who just came back from the dead," ngiti ni Bishop Israel.
"I'm Aaron, father..." pagkamay ni Aaron.
"Your tita is very special," sabi ni Father Markus.
Napangiti si Aaron. Nang makamayan both nila ni Father Benito si Father Markus ay ramdam nila ang kakaibang aura nito. Pakiramdam nila'y parang nakaharap nila ang santo Papa. May kabanalan na hindi nila maipaliwanag, at the same, misteryo na hindi nila maarok. Ipinakilala naman ni Father Markus si Mayor Arteza sa kanila na namangha rin na malamang isa siyang avid collector ng bagay na occult, at na siyang nagmamay-ari ng natatanging Extended Book of Revelation, na maging sa illustrious collection ng library ay wala. At your service! Aniya, at ganoon na lang ang pagka-proud ng alkalde.
"We once offered the archbishop the purchase of the San Lorenzo Ruiz rosary," sabi ni Adelaine. "Unfortunately it was destroyed."
"Yes, it was very unfortunate," tango ni Mayor Arteza.
"Speaking of," biglang pag-alala ni Bishop Israel at bumaling kay Father Markus. "Markus, you have the Trinity of Artifacts? We will be needing them."
Sinabi ni Father Markus na iniwan niya ang isang artifact—ang Spearhead that killed Father San itores and St. Pedro Calungsod kay Father Paul para protektahan ang banga, at na ang isa naman—ang Holy Water ni Pedro Calungsod ay nakatakda nilang ipahatid kay Father Deng para gamitin sa exorcism ng tatlong possessed na mga bata. Ipinaliwanag ni Father Markus na mahalagang armahan nila ang dalawang pari ng kanilang artifact. Pagkasabi'y inilabas niya ang natitirang artifact, ang Crucifix ni Father San Vitores at ibinigay iyon sa bishop na agad na tumanggi.
"You wield it, Markus," aniya. "In your hands, mas powerful ito."
"Ikaw ang pinili ng artifact, Reginald," sabi ni Father Markus. "Ikaw ang dapat gumamit nito."
Naintindihan naman iyon ni Bishop Israel, at kanyang kinuha ang crucifix, bukod sa may isa pa kasing artifact na naniniwala siyang si Father Markus ang dapat na gumamit.
"I told you about it," sabi ni Adelaine.
"The pendat?" sabi ni Father Markus at napatingin kay Father Benito, pagka't alam niyang siyang nagmamay-ari noon. Siryosong tumango ang Aetang pari.
Kinuha ni Adelaine ang maliit na metal box na nakapatong sa mesa at binuksan niya ito't ipinakita ang nasa loob—ang necklace na may pendat na gawa sa kakaibang metal, parang hugis kurus at kulay matingkad na silver. Ang umano'y galing sa bulalakaw. Dinampot ni Father Markus ang necklace at itinaas para tignan ang metal na pendat na nang tamaan ng ilaw ay nagpalit sa kulay asul.
"Be careful," sabi ni Adelaine. "It's too powerful."
Sa paligid, tahimik na nakatingin sina Bishop Israel, Aaron at Father Benito, apprehensive sa mangyayari. Napa-step back pa nga si Aaron nang kaunti.
Nilapat ni Father Markus ang pendat sa kanyang palad at in an instance, napuno ang utak niya ng mga visions—halintulad sa nakita ni Adelaine. Napaindak si Father Markus, ramdam niya ang kapangyarihan na nag-surge sa kanyang katawan.
"I-it's Annunaki..." sabi niya.
"Yes," tango ni Adelaine. "A-are you okay?"
"I'm okay," sabi ni Father Markus at ibinalik ang pendat sa metal box.
"You will use it, Markus," sabi ni Bishop Israel, at hindi iyon tanong kundi statement. "To defeat our enemies..."
Tumingin si Father Markus sa kanya at ngumiti, "I will unleash hell upon Satan."
#
Natapos magsalita si Manuel, natapos ang pagpupulong sa meeting hall at isa-isang pinauwi ang mga tao. Ang kanilang mga mukha'y salamin ng kasiyahan, halintulad sa tao na tila binigyan ng isa pang tyansa sa buhay—ng pag-asa ng kaligtasan na may kaakibat na guarantee pagka't galing mismo kay Hesus. Nagsipila sila para isa-isang magpaalam kay Manuel. Humalik sila sa kamay ng kanilang propetang-diyos, ang iba'y nagsiluhuran pa sa kanyang harapan at humalik pa sa kanyang paa. Ang habilin sa kanila ni Manuel ay na ikalat nila ang mabuting balita na dumating na siya, na kanilang kausapin ang iba nilang mga kamag-anak, mga kaibigan, mga kakilala at na sila ay papuntahin sa kanya. Isa pa'y na lahat na kanya nang nakausap ay magsipaghanda, maghintay sa oras na sila'y tawagin niya.
Napaisip si Tiglao nang marinig iyon. Sinasabi ng kanyang utak: Maghanda? Tawagin? Saan? Sa giyera?
"Tara na, pare," aya ni Tony sa kanya.
Tumayo sila para umalis. Maya-maya'y lumapit si Dr. Pontificano.
"Aalis na kayo?" tanong niya. Tumango ang dalawa.
"Sumama ka sa amin," sabi ni Tiglao. Mabilis na tumango si Tony.
"Hindi ako puwedeng umalis," sabi ng psychiatrist.
Sa may altar, kita nila'ng patuloy na pila ng mga tao para humalik at magpaalam kay Manuel. Naroon ang mga dalagita na inaalalayan ang mga matatanda na makalakad. Sa ibaba ng altar, napansin ni Tiglao na nagsimula nang malanta ang mga bulaklak. Siya lang ba ang nakakapansin nito? sa lublob niya. Napansin din niya na tumitingin sa kanila ang lalaking puti ang buhok at the same time ay sumesenyas sa mga lalaki, sa mga goons niya. Nakaramdam si Tiglao ng sense of urgency na sumibat agad-agad.
"Okay, tara na," sabi niya kay Tony at nagsimulang lumakad paalis. Wala na silang balak na magpaalam pa kay Manuel, lalo na't mag-kiss goodbye.
"Teka, pare, paano si duktora?" sabi ni Tony.
They know full well na hindi makakasama sa kanila ang psychiatrist. Na tali ito kay Manuel.
"Kontakin n'yo si bishop," bilin ni Dr. Pontificano. "Sabihin n'yo ang nangyayari dito. Si Manuel. Tutoo si Manuel."
Tumango ang dalawang P.I. Gets nila iyon.
"'Wag kang mag-alala, babalikan kita..." matapang at may dramang sabi ni Tony kay Dr. Pontificano na may hawak pa sa balikat nito, at mabilis din na kinorek ang sarili. "Namin. Babalikan ka namin."
Nagmamadaling naglakad paalis ang dalawang P.I. tungo sa gate, pero malapit na roon ay bigla silang hinarangan ng anim na mga lalaki.
"May problema ba?" tanong ni Tiglao sa mga goons. Nasilip nila ni Tony na may mga nakasuksok na baril ang iba sa kanila. Malaking tao si Tony, pero ang mga ito'y malalaki din ang kaha.
Dumating si Dr. Pontificano.
"Bakit n'yo sila pinipigilan?" alma niya. "Let them go!"
Ang sumagot ay ang lalaking puti ang buhok na lumapit sa kanila.
"Utos ni Manuel," aniya.
Sa senyas ng lalaking puti ang buhok, hinawakan ng mga lalaki sa braso sina Tiglao at Tony at muling binalik paloob. Dinala sila tungo sa nagiisang gusali na hindi nila ini-expect na mapapasok.
Ang barn.
Papunta roon ay panay ang pakiusap ni Dr. Pontificano sa lalaking puti ang buhok. Pero, hindi siya nito pinapakinggan, at nag-threaten pa sa duktora na kung hindi siya titigil ay siya rin ay ikukulong sa kamalig. Natigilan si Dr. Pontificano at umatras, at nagmamadaling tumakbo pabalik ng meeting hall para hanapin si Manuel. Sa mukha niya ang desperasyon.
"Pagusapan natin ito," sabi ni Tony.
Huminto sila sa tapat ng barn na may malaking rolling metal door. Binuksan ng mga lalaki ang pintuan at tinulak papasok sina Tiglao at Tony. Sumarang muli ang pintuan at ito'y nag-lock.
"Nagkamali kayo ng tinalo, mga ungas!" sigaw ni Tony habang hinampas ang pintuang bakal. "Katay kayo 'pag nakalabas kami dito!"
Malawak ang loob ng barn na kasinlaki ng isang warehouse at simentado. Mataas ang ceiling na aabot ng tatlong palapag. Nguni't madilim ang loob pagka't pinturado ng itim ang mga bintana. Kung wala lang liwanag na nagmumula sa mga awang sa bubungan ay pitch black ang loob. Maalinsangan at may amoy na hindi nila mawari.
"Tarantadong mga 'to," galit na sabi ni Tony. "Yari sila 'pag hinanap na tayo nila Esguerra."
12 hous ang usapan nila kay Lt Esguerra na kapag hindi sila lumabas sa time na iyon, ay ibig sabihin may nangyaring masama at susugod ang military kasamang mga pulis sa loob. Tumingin si Tiglao sa kamay at naalalang iniwan nila ni Tony kanilang mga relo sa van. Ganoon din kanilang mga cellphones.
"Okay ka lang, pare?" tanong ni Tony pagka't pansin niyang tahimik ang kasama.
"'Di ako nakapagdala ng gamot," sabi ni Tiglao.
"'Yun lang..."
Naligtaang dalhin ng may edarang PI ang kanyang maintenance na pinabaon ng asawang si Rose, pagka't ramdam niyang tumataas ang kanyang blood pressure dahil sa init. At kaba. Nakaramdam siya bigla ng panic. Ngayon, naramdaman na niya ang pakiramdam ng mga na-kidnap. Sinabi naman ni Tony na hindi sila dapat mag-alala, bukod sa naririyan ang military at pulis, ay nariyan din si Dr. Pontificano na malapit kay Manuel.
"Wala tayong dapat katakutan," sabi ni Tony.
'Yun ang akala nila, pagka't mula sa dilim sa dulo ng barn ay naramdaman nilang may gumalaw. Napalingon sila.
May silhuoette ng isang nilalang sa sulok. Malaking anino.
Na nagpatindig sa kanilang mga balahibo.
Dahil nang tumayo ang nilalang na hugis tao ay halos umabot ang ulo nito sa kisame.
NEXT CHAPTER: "Buried"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top