Chapter 23: Into the Banga
Pasado alas-4:15 PM nang matapos sila ng paglalagay ng proteksyon sa bahay, kasama na ang pagpipintura ng mga hexafoils sa mga pader at bakod. After makapag-hot shower ay nakapagpalit sila ng mga kumportableng kasuotan. Si Jules ay naka-long sleeved checkered polo at corduroy pants, si Hannah ay t-shirt, jacket at jeans, si Mayor ay suot ang leather jacket at jeans habang si Father Paul ay naka-sweater at jogging pants. Lahat ay nakasuot ng sandals.
Ramdam pa nila ang kabusugan ng huling kinain—ang masarap na pananghaliang beef stew na nag-pass sila sa alok ni Lola Edna ng meryendang sandwiches at nag-settle na lamang sa paboritong cocoa. Tutal, tamang-tama ito dahi sa pagbaba ng araw, bumalik ang usual na temperaturang Baguio—ang lamig ng hapon ay may dulot na ginhawa na mananatili hanggang sa gabi. May masarap na halimuyak hatid ng mga bulaklak.
"Hindi kaya magtae tayo nito?" sabi ni Hannah hawak ang cup ng tsokolate. "Nasosobrahan na ata tayo sa cocoa."
"Okay lang," taas-balikat ni Father Paul. "Kahit araw-arawin. Masarap eh."
"Oras-oras nga, Father eh," sabi ni Hannah, sabay tawa. "Kaw rin, mangungumpisal ka sa banyo."
"Ha?" pagtataka ng pari. Hindi niya gets ang joke.
Natawa naman si Mayor, pero:
"Wait, kanino mangungumpisal si Father?" aniya.
"Ay, oo nga pala!" bulalas ni Hannah, sabay tawa at malakas na tinapik sa balikat si Jules na katabi niya. Nagkataon na humihigop ng cocoa ang parapsychologist at kamuntikang matapunan sa damit.
"Sorry!" napatakip ng bibig si Hannah.
Inayos ng parapsychologist ang tumabinging salamin niya sa mata. Dati rati'y tatarayan niya si Hannah, pero ngayo'y napailing na lamang siya...na may kasamang ngiti. Nasa front porch sila as usual kung saan sila madalas tumambay after ng mga gawain. Ang huling step sa paglalagay ng proteksyon ay ang pagsasabi ng spells sa mga hexafoil symbols. Si Misty ay nakahilata sa tabi na animo'y kasama sa usapan.
Maya-maya'y lumabas si Sam mula sa loob. Siya nama'y naka-long sleeved na t-shirt at jeans. Si Lola Edna'y naka-knitted sweater at pants.
"Maglalagay na kami ng spells ni Lola," ani ng witch. "Need lang namin ng konting katahimikan."
"Tahimik naman kami," pabirong usal ni Jules. "Si Hannah 'yung nagsisimula ng ingay."
"Hoooy!" sabi ng psychic na may tapik uli sa balikat ni Jules, although mahina na. Naroon pa rin ang asaran nila pero ngayo'y may lambing na.
"Guys, let's go sa may carport," senyas ni Mayor sa kung saan naka-park ang Hi-Ace, sa malayong gilid ng bahay, doon kung nasaan ang gate at driveway na pababa ng kalsada.
"Okay, thanks!" sabi ni Sam at pumasok na muli ng bahay.
Pababa ng porch, nasilip ni Jules sa loob si Lola Edna na nagsisindi ng kandila. Hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang kaganapan sa kusina involving si lola at ang K2 meter, kaya't makarating sa may Hi-Ace ay hindi niya napigilang banggitin iyon.
"What are you saying, Jules?" pagtataka ni Mayor habang humigop ng cocoa.
"May something kay lola, Sonny," sabi ng parapsychologist.
Natigilan si Jules nang makita na sinundan pala sila ni Misty na ngayon ay nakaupo na nakatingin sa kanila. Inignore na lang niya ang aso.
"Tingin mo possessed siya?" tanong ni Father Paul.
"I'm not sure," sagot ni Jules.
"Sinabi mo na kay Sam?" tanong naman ni Hannah habang nagsindi ng yosi.
"Hindi pa."
"'Wag kaya muna..."
Agree ang dalawa sa desisyong iyon, pero may ibang pananaw si Father Paul.
"Pero, kung binigyan ng visions ni Father Markus si Sam," aniya, "ibig sabihin may tiwala siya sa kanya. Hindi ba dapat malaman agad ni Sam ito?"
Hindi agad nakasagot si Jules, o si Hannah. For some reason, grumpy sila na hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita sa kanila si Father Markus pagka't feeling nila'y sila ang ka-close. Tanggap nila na nagpakita ang pari kay Bishop Israel, pero kay Sam? Binaling na lang nila ang atensyon kay Mayor Arteza at tinanong ito kung may napansin ba siyang kakaiba kay Lola Edna noong dalawa lamang silang naiwan sa bahay, at ayon sa alkalde ay wala naman, na normal naman daw ang matanda, at walang any sign na siya'y possessed. Nangangahulugang malamang na nagsimula lamang ito nang magbalik ang banga sa bahay. Na-decide nila na i-observe na lang muna si lola sa darating nilang séance kung saan ia-attempt nila uli na makontak si Father Markus. Naputol ang kanilang usapan nang mag-video call si Karen and for a brief moment, nawala sa isipin nila ang bagay na iyon nang makita at matuwa kay Chelsea. Maaga silang naghapunan para maaga rin nilang maumpisaan ang séance. Alas 7:30 PM nang magtipon silang lahat sa sala.
"So, you mean to say d'yan mismo sa banga lalabas si Father?" pag-isip ni Mayor.
"Yes, Sonny," sagot ni Jules habang pinindot ang record button ng videocam na naka-mount sa tripod at nakapuwesto sa gilid ng fireplace. Sa monitor nito, kita ang banga at ang maliit na kuwadradong mesa na may apat na upuan na sinet-up nila roon.
"Malakas siyang portal?" tanong pa ng alkalde.
"Oo naman!" bulalas ni Hannah. "D'yan kaya lumabas si Abaddon!"
"Nag-d-doubt ka ba sa power ng banga?" taas-kilay ni Sam.
"No...no of course, not!" mabilis na sabi ni Mayor Arteza. "I'm sure it's a powerful portal. Marami na rin akong nabasa tungkol sa Manunggul jars."
"Hindi basta basta mangyayari dito ang nangyari doon sa haunted house," ang matigas na tugon ni Sam.
Ang tinutukoy niya'y ang hindi matagumpay na attempt ng JHS na makontak si Father Markus sa Dead Room ng Bahay na Bato. Nasabihan na siya kung paano ang portal doon ay guwardiyado ng dimonyong si Berith. Ayon kay Sam, hindi ganoon ang kaso sa banga pagka't may kontrol siya rito, na in a sense, nakakausap pa nga niya, lalo na at nandito na muli iyon sa bahay. Sa parte ni Mayor Arteza, tinago na lang niya ang panghihinayang na hindi doon sa pagmamay-ari niyang haunted house magagawa ang pagkontak kay Father Markus. Sa gayon, at least masasabi niyang may silbi siya. Ngayon kasi feeling niya'y wala siyang nako-contribute, 'di tulad ni Sam.
"Well, I hope we prevail this time," sabi na lang ni Mayor.
"Yes, pagdasal natin," agree ni Father Paul na nakapagapalit ng ng damit pampari at pinatong ang kulay violet niyang stole sa kanyang balikat. Ready na ang pari sa anumang mangyayari, hawak kanyang crucifix at holy water.
Dumating si Lola Edna dala ang maliit na batya ng tubig tulad ng ni-request ni Hannah, at pinuwesto iyon sa ilalim ng mesa. Hindi na kinailangang i-explain ng psychic ang silbi ng tubig sa mag-lola bilang natural conduit—o tulay between dimensions, pagka't alam na ng mga witch ang bagay na iyon. Alam nila base sa pagaaral ng witchcraft at mysticism na ang tubig ay parang mirror to other dimensions. Na ginagamit pa nga ito ng mga seer na tulad ni Nostradamus para makakita into the future sa pamamagitan ng pagtingin dito hanggang sa makakita ng visions. Magagamit ang tubig sa mga paraang ganoon—kung ang gagawa ay may sapat na kakayahan.
Which meron si Hannah.
"Okay, let's do this!" hudyat ng psychic habang naupo't nagtanggal ng medyas.
"Wait..." sabi ni Sam na nagmamadaling nagtungo ng kusina at pagbalik ay may dala ring batya ng tubig.
"Para saan 'yan?" pagtataka ni Hannah.
"Sasama ako sa 'yo, kailangan mo ng guide sa loob ng banga," sabi ni Sam habang nilapag ang batya sa ilalim ng upuan na katapat ng kay Hannah. Sa magkabila nila na nakaupo para bumuo ng apat para sa séance ay sina Lola Edna at Mayor Arteza.
"Marunong ka ring mag-astral travel?" tanong ni Hannah.
Tumango si Sam habang finold pataas ang kanyang jeans, "Yes, kung 'yun ang tawag n'yo dun."
"Okay, so nakapasok ka na sa loob ng dimension ng banga?" tanong ni Jules na sa curiosity ay napahakbang ng lapit mula sa puwesto niya sa may fireplace.
"Yes, of course," walang pagaalinlangang sagot ni Sam. "Kaya nabuksan ang consiousness ko sa magic. 'Di ba? Nung kinakalaban natin si Abaddon noon..."
"Iyon ang moment na tinanggap ni Sam kung sino talaga siya," dagdag ni Lola Edna sa mga nagtatakang tao.
"'Iyon 'yung time na nawalan ako ng malay tapos kinokontak mo ako through telepathy," baling ni Sam kay Hannah.
"Ah, oo nga!" pag-alala ng psychic.
"Hindi ko ba naikuwento sa inyo ito?" palipat-lipat ng tingin ni Sam kina Jules at Hannah.
"Not really..." sabi ni Jules na may expression na "duh!"
"Well, anyway, kailangan din ng spell para buksan ang portal," taas-balikat ni Sam, "At kailangang naroon ako para sunduin si Father Markus at ituro sa kanya ang tamang daan palabas ng banga, kundi baka sa ibang dimension ang mapasukan niya. O ibang timeline."
"Ibang timeline?" kunot-noo ni Jules.
"Yes," sabi ni Sam. "Hindi pangkaraniwan na portal ang banga."
Nagkatinginan ang iba at naghahanap ng explanation na prinovide naman ni Sam. Aniya, bukod sa pagiging portal, ang banga ay nangongolekta rin ng mga memories. At ito'y memories ng mga kaluluwa na na-trap sa loob. Sa kaso nina Sam at Lola Edna, ang banga ay nagkaroon ng mystical connection sa bahay kung kaya't na-asbsorb din nito ang mga memories ng bahay. Noong unang makapasok sa dimension ng banga si Sam, nakita niyang mga ala-ala niya na nilagi sa bahay—noong bata pa siya at ng kanyang Ate Jane, noong mga time na binabasahan silang dalawa ng istorya ni Lola Edna habang tinetend ni Lolo Charlie ang fire. Mga memories noong hindi pa hiwalay ang kanyang mama at papa. Nakita rin niya si Misty noong tuta pa lang ito at buhay pa'ng ina nitong si Willow. May mga ala-ala rin ng mga birthdays at Christmas, at iba pa.
At sa loob ng dimension ng banga ay walang sense of time. Ang mga memories mula sa iba't-iban panahon ay nagfo-float ng sabay-sabay—which adds to the confusion once nandoon ka na sa loob. Ani ni Sam, powerful enough pa nga ang banga na pati mga panaginip ng tao ay naa-absorb niya.
"O, parang dreamcatcher!" ngiti ni Mayor Arteza.
"Well, in a way, I think..." pag-isip ni Sam.
Ang dreamcatcher ay isang ornament na sinasabit sa kisame o puno, at hugis bilog na kahoy na sa butas sa gitna ay may mga tali na nakahabi sa form na parang spider's web. Nag-originate ito sa mga Native Americans partikular ang Ojibwa Chippewa tribe na naniniwalang ang ornament ay nag-aabsorb ng mga dreams at finifilter ang magaganda sa masasama.
"Ibig sabihin may masasamang spirits din sa loob," sabi ni Father Paul.
"Yes, father. Pero, pinoprotektahan naman ako ng banga at nilalayo ako sa kanila," assure ni Sam.
"Well, kailangan ka nga talaga doon," pag-realize ni Hannah.
"So, shall we?" sabi ni Sam.
Tumango ang psychic.
Sinindihan nila ang mga kandila na nakapalibot sa witch's circle, sa limang mga points ng pentagram, tapos ay saglit na hinawakan ni Sam ang banga at may sinabing spell. Pinatay ni Father Paul ang ilaw sa sala at naliwanagan ng apoy ng fireplace ang loob at gumapang ang mga anino nila sa kahoy na sahig. Naalimpungatan si Misty na natutulog doon sa tabi.
"Misty! Out, girl!" utos ni Sam sa labrador na agad namang tumayo at pinalabas niya ng pintuan tungo ng front porch.
Sinindihan ni Hannah ang nag-iisang kandila sa gitna ng mesa tapos ay sabay sila ni Sam na nilubog ang mga paa nila sa tubig sa batya. Tahimik sila sa mga sandaling ito na rinig mong kanilang mga paghinga.
"'Yung bag..." senyas ni Hannah.
Inabot ni Jules ang itim na exorcism bag ni Father Markus na nilagay ni Hannah sa kanyang lap. Nagkatinginan ang dalawa. Hindi man usalin ni Jules, sinasabi ng mga mata niya kay Hannah na ito'y mag-ingat. Ang bag nama'y magsisilbing parang beacon para mahanap sila ni Father Markus sa loob ng dimension ng banga. Naghawak-kamay ang mga nasa mesa.
Nagkatinginan sina Hannah at Sam at nagtanguan.
At sabay silang pumikit at nag-concentrate.
Naramdaman nila ang pagbaba ng temperatura sa loob ng sala.
Maya-maya'y nag-flicker ang apoy ng kandila sa mesa.
At ang tubig sa mga batya ay nagsimulang gumalaw.
Palakas nang palakas na tila ito'y kumukulo.
Ramdam nina Mayor Arteza at Lola Edna na humigpit ang kapit sa kamay nina Hannah at Sam.
Finocus pa ni Jules ang video camera sa mesa. Sa kanyang bulsa, naka-ready ang K2 Meter na kanyang sinilip at nakitang lumalakas ang ilaw nito. Napatingin siya kay Lola Edna. Sa screen ng videocam, kita niya ang mabilis na paggalaw ng mga mata nina Hannah at Sam sa nakasarang mga talukap.
REM. Rapid Eye Movement. Which means papunta na ang dalawa sa dream state.
#
"Hannah..."
Nang buksan ni Hannah ang kanyang mga mata'y nakita niyang kaharap niya si Sam. At nang tumingin siya sa paligid ay hindi empty darkness ang kanyang nakita tulad ng kanyang inaasahan tuwing pupunta sa ibang dimension.
Nakita niya na nasa loob pa rin sila ng bahay. Sa sala. Nguni't sila lamang dalawa ni Sam. Wala sina Jules, Father Paul, Mayor Arteza at Lola Edna.
At may kakaibang liwanag sa loob.
Hazy. Blurry.
As if nasa loob sila ng isang panaginip.
At nakita ni Hannah na hawak niyang itim na bag ni Father Markus.
Nagulat si Hannah nang biglang sa tabi niya, nag-materialize si Jules. Nguni't, may kakaiba sa parapsychologist—pagka't malago pa ang buhok nito, semi-Afro. At na-realize ni Hannah na memory niya ito ni Jules noong una silang magkakilala roon sa bahay.
"Hannah, dito..." tawag ni Sam.
Napalingon si Hannah. Nasa may pintuan si Sam. Sinundan niya ang witch palabas ng bahay patungo ng front porch at nagulat sa nakita sa labas.
Maliwanag sa harap-bakuran and yet may kadiliman. Nang tumingala siya sa langit ay nakita niyang sabay na may araw at may buwan, ulap na puti at gray, at mga bituin.
"What the fuck?" usal ni Hannah.
"Masanay ka na," ngiti ni Sam.
Tulad nga ng sinabi ni Sam. Sa loob ng dimension ng banga, walang sense of time.
Nagulat si Hannah nang makitang may kaluluwa na biglang lumitaw sa may pine trees--matandang lalaki na makaluma ang kasuotan, parang panahon pa ng Kastila. Lumutang ito sa damuhan at nawala sa may bakal na gate.
"Mga ligaw na spirits," turo ni Sam. "Malamang nilibing 'yun sa loob ng banga."
"Paano natin hahanapin si Father?" tanong ni Hannah.
"Dito sa may gilid kami nagkita sa may silong," senyas ni Sam habang bumaba ng steps ng front porch.
Nguni't wala roon si Father Markus.
"Father!" tawag ni Sam.
"Father!" sigaw din ni Hannah. "We're here!"
Naglakad sila tungo sa likuran ng bahay para hanapin si Father Markus.
"Jules, nasa loob na ba sila?"
Lumapit sa mesa si Jules para obserbahan sina Hannah at Sam.
"Yes, nasa loob na sila," confirm ni Jules.
Naramdaman ni Mayor Arteza na gumaan ang kapit sa kanya ng dalawang babae.
"Lola..." tingin niya sa katapat.
Pero, hindi siya sinagot ng matanda.
"Nakatulog ata si lola, Jules," senyas ng ulo ni Mayor Arteza.
Nang tignan ni Jules ay nakita niyang nakapikit din si Lola Edna at tila nasa-dream state rin.
"Lola...lola..." tawag ni Jules, pero wala sa kanyang response.
"Anong nangyayari?" paglapit ni Father Paul.
"I don't know," sabi ni Jules with all honesty.
"'Yung K2 meter..." sabi ni Mayor Arteza.
Kinuha ni Jules ang K2 meter sa kanyang bulsa at tinapat ito kay Lola Edna.
Ang mga ilaw nito ay malakas na nagbi-blink.
"Father!"
Sabay na naglalakad sa likod bakuran sina Hannah at Sam habang sinisigaw ang pangalan ng pari. Biglang napalingon si Hannah sa kanyang kanan nang maramdamang may dumaan, at nakitang may isa na namang ligaw na kaluluwa—this time babae naman na makaluma rin ang kasuotan na mabilis na tumakbo papunta ng bahay at tumagos sa pader nito at nawala sa loob.
Nang makita iyon ni Sam ay nagtaka siya.
"Ngayon ka lang ba nakakita ng multo na tumagos ng pader?" tanong ni Hannah at ngumiti. "Masanay ka na."
"Hindi iyon," kunot-noo ni Sam.
Nagtaka si Hannah.
"Nakita mo ba 'yung expresyon niya? Parang may tumakot sa kanya," sabi ni Sam.
"Ha?"
Maya-maya'y biglang naglitawan ang iba pang mga kaluluwa—lalaki, babae, bata sa iba't-ibang panahon ng kasuotan. At lahat sila'y nagsipagtakbo papasok ng bahay.
"What the fuck?" pagtataka ni Hannah.
"May tumatakot sa kanila!" malakas na sabi ni Sam. "Hannah, dali! Balik sa bahay!"
Tumakbo sila papunta sa likod na entrance ng bahay nguni't bago makarating sa pintuan ay biglang may humarang sa kanilang dalawang hugis-tao na nilalang na kulay itim.
"SHIT!" sigaw ni Sam.
Napatigil sila ni Hannah. Napaatras sila.
At nang lumingon sila sa paligid ay nakita nilang naglitawan pa ang ibang mga itim na hugis.
"DEMONS!" paglaki ng mata ni Hannah.
Dalawa...apat...anim na mga dimonyo na kulay itim ang katawan na parang madulas na putik, mahahaba ang mga braso at kulay pula ang mga mata. At palapit-sila nang palapit.
"ZACAM NALVAGE DEMON!" pagtaas ng kamay ni Sam para pigilan ang pagabante ng mga demons. "ZACAM NALVAGE! ZACAM!"
Pero patuloy pa rin sa paglapit ang mga ito.
"Anong nangyayari?" takot na sabi ni Hannah.
"M-may kumukontra sa spells ko!" sabi ni Sam.
Umatras sina Hannah at Sam palayo.
"Jules! Anong nangyayari?"
Sa sala ng bahay, todong higpit naman ng kapit ng mga kamay nina Hannah at Sam sa kamay ni Mayor. At kita nilang bumibilis ang paggalaw ng mga mata ng dalawang babae sa nakasarang mga talukap, bumibilis ang REM, nangangahulugang may masamang nangyayari.
"Shit! Nasa panganib sila," sabi ni Jules.
"Jules!" biglang turo ni Father Paul kay Lola Edna.
Nakapikit pa rin ang matanda pero kita nilang gumagalaw ang bibig nito—may sinasabi.
Ag zacam..ag amma...ag zacam...ag samma...
Ang sabi ni Lola Edna.
"Anong sinasabi ni lola?" tanong ni Father Paul.
"H-hindi ko alam—isang spell, Enochian something," sagot ni Jules na nagsisimula nang mag-panic pagka't hindi niya alam ang gagawin. Sa kanyang kamay, todong pagbi-blink ng K2 Meter, at na-realize niya na kung anuman ang sinasabi ni Lola Edna, iyon ang nagdudulot ng panganib kina Hannah at Sam. Ang spell na pangkontra.
"Jules!" tawag ni Mayor Arteza na panic na rin.
"Kailangang gisingin natin si lola!" sigaw ni Jules.
"Paano?" tanong ni Father Paul.
Hinawakan ni Jules si Lola Edna sa balikat at shinake ang matanda.
"Lola! Gising!" sigaw niya.
"'La, gising!" sigaw din ni Father Paul.
"Wake up, lola!" sigaw din ni Mayor.
Pilit na kinakalas ni Jules ang kapit ni Lola Edna sa mga kamay nina Hannah at Sam pero hindi niya magawa. Hindi niya maitaas ang mga daliri, animo nanigas ang mga buto ng matanda. Ag zacam..ag amma...ag zacam...ag samma...patuloy na sabi ni Lola Edna.
"Father..." tingin ni Jules kay Father Paul as though siya na lang ang pag-asa niya.
Tumango ang pari.
"In the name of the Father, of the Son and of the Holy Spirit," tinapat ni Father Paul ang bakal niyang kurus kay Lola Edna. "I command you, demon, Begone!"
Winisikan niya ng holy water si Lola Edna at nang tumama ang tubig ay umusok ang balat nito. Napasigaw si Lola Edna at natigil sa pagsasabi ng spell. Confirmed. May kung anong nagpo-possess kay Lola.
"BY THE POWER OF CHRIST THE PROTECTOR ANG REDEEMER, BE GONE, DEMON!" mas malakas na sabi ni Father Paul.
At nang kanyang nilapat ang kurus sa noo ni Lola Edna ay biglang napasigaw ang matanda.
At napadilat.
Humihingal si Lola Edna at may takot sa mukha.
"N...nasa panganib sila..." aniya. "Ang mga dimonyo..."
"Lola, anong gagawin natin?" tanong ni Jules. "Tulungan mo sila."
Pero, biglang namatay ang kandila sa mesa.
At nang mamatay iyon ay namatay din ang apoy sa fireplace, kasunod ng mga kandila sa witch's circle. Nagdilim sa buong sala. Sa labas, biglang nagtatahol si Misty.
"H-huli na," nanginginig ang boses ni Lola Edna.
Pagka't nang mamatay ang kandila sa mesa ay nagdilim din sa dimension ng banga.
"Oh, my God!" sigaw ni Hannah. "Anong nangyayari?!"
Tumatakbo sila ni Sam paikot ng bahay tungo sa front porch.
"Kailangan nating makapasok sa loob!" sabi ni Sam. "Or else!"
"Or else, ano?" habol ng takbo ni Hannah.
"Or else, hindi na tayo makakabalik!"
Pero, makarating sa hagdan paakyat ng front porch ay nakita nilang may mga dimonyo na rin doon na nakabantay sa pintuan.
"SHIT!" sigaw ni Sam.
"FUCK!" sigaw ni Hannah.
Narinig nila ang kahol.
"Misty!" sabi ni Sam.
"What? Si Misty?" pagtataka ni Hannah.
Dali nilang nilapitan ang pinagmumulan ng kahol na galing sa gitna ng harap-bakuran, pero wala naman doon si Misty, although dinig pa rin nila ang patuloy nitong pagkahol. Nang tumingala sila, nakita nilang wala na ang araw at ang buwan ay nagsisimula na ring maglaho. Ang kalangitan ay unti-unting nababalutan ng dilim. Mula sa gilid ng bahay naglabasan ang mga itim na dimonyo, mas marami, at pinaligiran nila ang bahay. At naramdaman nila Sam at Hannah na hindi na sila makakabalik ng bahay. Na aangkinin na sila ng kadiliman kung saan sila habambuhay na mata-trap.
Nanghina si Hannah at winish niya na at least makapag last yosi man lang siya. Na at least...
Napayakap siya sa hawak niyang itim na bag.
"Fuck, Jules..." bulong ni Hannah sa sarili.
At natigilan siya nang may maramdaman siyang humawak sa kanyang balikat.
"Lola! Tulungan mo sila!"
Malakas na sigaw ni Jules.
Pero sa expresyon ni Lola Edna, kitang wala na siyang magagawa pa. Ramdam niya ang pagluwag ng kapit nina Sam at Hannah sa kanyang mga kamay. At kita ng lahat na tila humihina na ang mga katawan nina Hannah at Sam habang mas bumilis pa ang paggalaw ng kanilang mga mata sa nakasarang mga talukap.
"Patawad, Sam..." tumutulong luhang sabi ni Lola Edna sa kanyang apo.
Nang makita iyon ni Jules, nanginig ang buong katawan niya pagka't kung may makakapaggising kina Hannah at Sam ay si Lola Edna. Pero, wala nang magagawa ang matanda. Huli na talaga. Hindi na nila magigising sina Hannah at Sam, na mamamatay ang dalawa sa bangungot na kanilang kinalulugaran. Sa kamay ni Jules, nawala na'ng mga ilaw ng K2 Meter. Napatingin siya kay Hannah at parang may gusto siyang sabihin. Huling paalam. Huling halik.
Kung 'di lang siya nadi-distract sa patuloy na pagkahol ni Misty mula sa labas.
Napatigil si Jules. Wait. At alam niyang may something.
Tumakbo si Jules sa may pintuan at sumilip sa bintana.
Nakita niya si Misty sa gitna ng damuhan na kumakahol sa kadiliman.
At alam niya, na kapag may tinatahulan ang isang aso, ibig sabihin ay may nakikita ito na hindi usually nakikita ng normal na tao. Spirit? Either that or may stranger sa bahay na hindi nito kilala.
At nakita ni Jules kung ano ang kinakahulan ni Misty.
Mula sa dilim, lumitaw ang hugis ng isang lalaki na naka-itim na damit.
At naaninag niya ang mukha nito na naliwanagan ng buwan.
Isang mukhang napaka-pamilyar.
Napangiti si Jules.
Tumigil sa pagkahol si Misty.
At narinig ni Jules na tinatawag siya ng mga kasama mula sa loob.
At nang pumasok siya sa bahay ay nakahinga siya nang maluwag.
Nagbalik na sina Hannah at Sam.
NEXT CHAPTER: "The Return"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top