Chapter 22: The Cross and Angel Wings
11:48AM. Matulin ang takbo ng MB100 sa kahabaan ng South Super Highway. Kasintulin ng pagnguya ni Pvt. Torres sa kanyang hamburger habang hawak din ang manibela, sinasabayan pa ng pagabot ng french fries sa dashboard at softdrinks sa drink holder.
Dahil kritikal ang oras, nag-drive thru sila sa Mcdo para sa kanilang brunch, mostly sandwiches para sa grupo nina Tiglao, maliban kay Tony na may sandwich meal na may 2-pc chicken pa. Big Mac ang inorder ni Father Deng na medyo natagalan gawin kaya't guilty lang na maging cause-of-delay. Si Corporal Diazon nama'y fried chicken rice meal din with extra rice na kanyang pinatong sa kanyang laptop bilang mesa. Double-time lang ang kain ng naka-salamin na sundalo kung kaya't wala pang 5 minutes ay tapos na siya at bumalik na muli sa pag-research sa kanyang laptop.
Bukod kay Jang-Mi at sa mga sundalo, ito ang unang pagkakataon na makakapunta ang iba sa Callejon—ang tinaguriang "Bayang Naglaho" kung saan huling nakita si Andy. Ang nangyaring mass alien abduction doon isang taon na ang nakalipas ay isang insidente na iniiwasang talakayin ng military kung kaya't nabalot sa maraming conspiracy theories. Kaya ganoon na lang ang pagtatanong nila Tiglao tungkol sa kanilang pupuntahan.
"Alam ng Malacañang ang nangyayari doon ngayon?" ani ni Tiglao kay Colonel Laxamana.
Tumango ang colonel na nasa harapan.
"Pero, sa ngayon, hindi pa nababahala ang Presidente, ang Defense Secretary at ang mga Chiefs-of-Staff dahil wala naman extra-terrestrial activity," aniya. "Sa madaling salita, walang UFOs, walang threat sa national security. Sa ngayon, under close monitoring ang Callejon hindi dahil sa potential ng isa na namang mass abduction kundi sa unusual na mass gathering."
Nag-pause ang ospisyal para kumagat sa kanyang burger at tumingin sa mga kausap. Inaantay niya na mag-react ang lahat sa huli niyang sinabi. Pero, tila inaantay din siyang magpatuloy.
"Mass gathering?" si Pauline ang nag-break ng silence.
"Yes," mabilis na tango ni Colonel Laxamana. "Tulad ng sinabi ko, malaki ang pinagbago ng Callejon after ng insidente. Akala namin magiging tahimik ang bayan na ito, pero kabaligtaran ang nangyari. Naging isang pilgrimage town ang Callejon at ngayon ay pinupuntahan ng napakaraming mga tao."
"Sino pong mga tao?" follow-up ni Pauline.
"Sino pa, eh 'di mga mga religious fanatics!" bulalas ng opisyal.
"Christians?"
"Karamihan," sagot ng colonel. "Pero may mga natukoy din kaming mga Muslim at mga Hindu."
"May mga Taoists at Hare Krishna pa," dagdag ni Cpl Torres mula sa likuran habang nagt-type sa laptop.
"Buddhist?" tanong ni Jang-Mi.
"Yes, also Buddhists," tango ng colonel. "Why? Are you Buddhist?"
"My family is Buddhists," sabi ni Jang-MI.
"Malamang may mga kulto pa," sabi naman ni Tony.
"Oo, pare. Isama mo na kung anu-ano pang mga kulto," sabi ni Colonel Laxamana. "At hindi lang lokal, may mga foreigners pa."
Saglit na natigilan ang iba sa pagkain para namnamin ang mga narinig. Napuno pa lalo ng curiosity. Lalo na si Tiglao.
"Pero, bakit? Bakit sa Callejon?" tanong niya. "Anong humihila sa kanila para magpunta doon?"
Bumuwelo si Colonel Laxamana bago sagutin iyon.
"Hindi, ano, pare. Sino."
Nagkatinginan ang iba. Sino. Ibig sabihin ay may na-identify na ang military na isang POI o Person of Interest na siyang suspect sa nangyayaring mass exodus sa bayan ng Callejon. Sumenyas si Colonel Laxamana kay Cpl Diazon bilang go ahead signal. Mula sa isang envelope ay nilabas ni Diazon ang mga litrato—8.5" x 11" glossies. Ito'y mga magkahalong stolen shots at aerial shots mula sa drone.
"Ayon sa mga informers namin," umpisa ng corporal habang pinasa ang mga litrato sa mga sakay, "isang lalaki ang pinaghihinalaan na lider ng isang religious congregation..."
Curious na tinignan nina Pauline at Jang-Mi ang mga litrato na nang makarating kay Tiglao ay biglang bumilis ang pintig ng puso niya.
Medyo blurry ang litrato, pero kita roon ang anyo ng isang lalaki na mahaba ang buhok at makapal ang balbas. Simple ang suot—kulay puti na t-shirt at maong. Napapaligiran siya ng mga tao na nakasuot ng puti—kanyang mga followers. Iba'y obvious na mukhang mga tauhan o bodyguards. Nasa loob sila ng isang nababakurang malawak na lupain—isang compound na may kalat-kalat na mga bahay. At biglang naalala ni Tiglao ang "Tahanan"—ang kuta ng kulto na kumidnap sa walong mga grade schoolers na huli niyang major case sa AKG. Ang lider ng kulto na iyon ay nagngangalang "Ama" na may pagkakahalintulad ang hitsura sa lalaki ngayon sa litrato. Pero, sigurado siyang hindi ito si Ama pagka't patay na si Ama. Si Ama na tao lang. Ang isang ito'y kakaiba, balot ng hiwaga na ramdam niya kahit sa litrato lamang.
Ang lalaki sa litrato ay walang iba kundi ang lalaki sa kanyang panaginip.
"Pare...pare!"
Nagulat si Tiglao sa malalim na boses ni Tony na sumesenyas pala sa kanya na ipasa ang litrato, na kanyang ginawa.
"Parang si Hesus lang o!" sabi ni Tony nang makita ang litrato. "Siya ang pinupuntahan ng mga tao?"
Tumango si Laxamana, "Siya ang dahilan kung bakit nagdadatingan ang mga religious fanatics, at kung bakit willing mag-convert kahit ang hindi mga Kristiyano para lang sumapi sa congregation niya."
"Aba, may sa kung anong charismatic powers pala ito."
"Para ngang si Hesus."
"Na-identify n'yo na kung sino?"
"Hindi pa," iling ng colonel. "Wala pa kaming mahagilap na impormasyon sa kanya. Kaya codename lang namin sa kanya eh ano pa nga ba, "Hesus."
"At wala ba kayong mas malinaw na litrato nitong si Hesus?" tanong ni Tony.
"Hindi makalapit ang mga informers," sabi ni Cpl Diazon. "Natatakot na baka ma-identify kaya gumamit kami ng mga drones."
"Bawal ang camera at cellphones sa loob ng compound ni Hesus. Pinapaiwan mga gamit o anumang ari-arian," ani ni Colonel Laxamana. "Ayon sa informers, kapag sumapi ka sa kanila pagpapalitin ka pa ng damit na kulay puti."
"Tulad ng mga nakikita namin?" tanong ni Pauline.
"Oo."
"Lintik! Aba'y kulto ito!" bulalas ni Tony.
"A cult?!" gulat na bigkas ni Jang-Mi.
Ayon kay Colonel Laxamana, minomonitor ng military kasama na rin ang lokal na kapulisan ang tinaguraing "Hesus" na ito para alamin ang kanyang layunin. Bagama't legal naman ang mass religious gatherings lalo na't sa loob ng compound na isang private property, ang pangamba ng military ay baka isa lamang itong front. Na maaaring ito'y isang rebellion, communist man o ibang political faction, o isang binubong private army na siyang illegal ayon sa batas.
Natahimik sila sa pag-iisip. Sa harap dinig ang paghigop sa softdrinks ni Pvt Torres habang nagmamaneho. Nasaid na niya ang inumin at tila yelo na lang ang laman ng plastic cup. Sa highway, nadaanan nila ang exit na pa-Santa Rosa, Laguna.
"Anyway, 'wag n'yo masyadong problemahin 'yan dahil military operation na 'yan," diin ni Colonel Laxamana habang binalik ang tingin sa kalsada. "Tutal ang mission n'yo naman ay kontakin si Andy..."
Which is kung ano talaga ang dahilan ng pagpunta nila sa Callejon at iyon ay kontakin si Andy through séance either sa dating bahay niya o sa simbahan kung saan siya in-abduct ng aliens. Agree naman ang lahat, maliban kay Tiglao, na kanina pa lunod sa pag-iisip. Aniya, nakakasiguro siya na may kinalaman ang Hesus na iyon sa lahat ng nangyayari, na kailangan nilang malaman ang identity nito.
"Teka, pare, anong sinusuggest mo?" napatigil si Tony sa pagkain ng fried chicken leg.
Huminga nang malalim si Tiglao.
"Kailangang pasukin ko ang compound, kailangang malaman ko kung sino talaga ang Hesus na ito. Kundi hindi ako matatahimik."
"Anong balak mo?" tanong ni Colonel Laxamana with interest.
"Ano pa, eh 'di magpapanggap akong deboto. Tulad ng sabi mo, isang religious fanatic."
"Teka! Teka sasama ako sa 'yo!" may almang sabi ni Tony.
"Magsama ka rin ng mga tauhan ko," sabi ni Colonel Laxamana. "Si Diazon."
Napatingin si Tiglao sa corporal na in-adjust ang salamin sa mata, ready lang sa anumang i-order sa kanya. Pero, umiling si Tiglao. Aniya, masyadong identified na sundalo ito, and instead sinuggest na si Father Deng na lamang. Silang tatlo nina Tony.
"Who me?" mulat na sabi ng Aprikanong pari sabay turo sa sarili.
"You will be perfect, Father," sabi ni Tiglao.
"You look like a foreign missionary," tukoy ni Pauline.
Napalunok si Father Deng at napa-kurus.
"Sigurado ka ba sa gagawin mo, pare?" siryosong tugon ni Laxamana sa kaibigan. Bagama't alam niyang may risk ito, alam din niyang mahalaga na malaman ang nangyayari sa loob ng nasabing compound.
Tumango si Tiglao. Determinado siya sa gagawin.
Pasado alas-3:00 PM nang makarating sila sa bayan ng Callejon.
Sa bungad pa lang ng bayan kung saan naroon ang provincial sign na Callejon, Province of Quezon ay sinalubong na sila ng mga tanawin ng mga taong naglalakad suot ang kulay puti na mga kasuotan: mga babae sa mahahabang bistida, mga lalaki na may hawak na mga plakards at banners kung saan nakasulat ang iba't-ibang mensahe: "Buhay si Hesus!," "Narito na ang Tunay na Diyos!," "Magbalik loob sa Panginoon!," "Dumating na ang Tagapagligtas!"
Nakita nila na may ilang van ng media sa paligid na kumukuha ng video. May isang reporter na nagbabalita sa tabi ng kalsada. Maliit pa lang ang balita, sabi ni Colonel Laxamana, pero ini-expect nilang magiging front page news sa susunod na mga araw dahil sa padami nang padami ang mga tao.
Makapasok sa bayan proper kung nasaan ang palengke, mga tindahan, sanglaan, barberya, botika at iba pang commercial establishments, ay mas nagkalat pa ang mga naka-puti. Grupo-grupo sila na tila nag-iikot at hinihikayat ang lahat ng taong makita na sumapi sa kanilang samahan. Nguni't anong samahan? Anong klaseng congregation ito?
"Hindi naman tiyak kung anong religious organization sila na siguradong hindi sanctioned ng Catholic church dahil nagtanong na kami," inform ni Cpl Diazon. "Pero may simbolo sila."
Hinarap ng corporal ang kanyang laptop upang ipakita ang simbolo na nasa screen.
Isang cross na may dalawang itim na pakpak ng anghel sa magkabila.
"Yan?" tingin ni Tiglao unimpressed. "Eh hindi naman kakaiba 'yan a."
"May kaibigan pa nga po akong may ganyan na tattoo," sabi ni Pauline.
"I also saw that many times," sabi din ni Jang-Mi.
"I know," sabi ni Colonel Laxamana. "Pero, may makakapagsabi ba kung saan o kanino talaga siya identified?"
Napaisip ang mga tinanong. Wala silang maisagot. Ngayon, napansin na nila nang tumingin sila sa labas ng bintana ng van na sa likuran ng ibang mga naka-puti ay naka-drawing o naka-print ang nasabing simbolo. Isa pang napansin nila ay tila nagkalat ang mga gawaan ng mga religious statues, at karamihan sa mga ito ay puro estatwa ng mga anghel ang kasalukuyang inuukit.
Dinaanan nila ang plasa ng bayan kung saan may mga batang naglalaro at makalampas doon ay dumiretso sila sa pahabang kalsada na maalikabok sa magkahalong buhangin at usok ng mga pampasaherong sasakyan. Sa hilera ng kalsadang ito ay nagkalat muli ang mga shack na gawaan ng estatwa. Muni ni Tony, ang Callejon ay biglang naging religious statue center of the Philippines.
"Mabalik tayo sa simbolo," sabi ni Tiglao. "Ano sa tingin n'yo ang ibig sabihin nito?"
"Bukod sa obvious na kurus ni Hesus at pakpak ng mga anghel..." dugtong ni Tony.
Sa na-research ni Cpl Diazon, iba't-iba ang meaning ng cross with angel wings na symbol depende sa tao. Mostly ito'y nagpapatunay na ang nagtataglay nito ay isang Kristiyano, at ang angel wings ay ang kanilang panniniwala na may guardian angel na nagbabantay sa kanila. Mostly aesthetic ang purpose ani ng corporal, lalo na sa mga nagpapa-tato at walang tiyak o malalim na history na maiuugnay sa Catholic church. Na ngayon pa lang nagkakaroon ito ng asosasyon, ngayong ginagamit ito ng lumalaking grupo ng lalaking parang si Hesus.
Nadaanan nila ang simbahan ng Callejon na nakatirik sa mataas na lupain na tila na-invade na rin ng mga taong naka-puti, at makalampas ang ilang kilometro kung saan tinahak nila ang paakyat na daan na pa-bundok ay natunton nila ang isang resort na napapaligiran ng matataas na mga puno. 4-storey building na tila naging permanente nang headquarters ng mga sundalo simula noong kasagsagan ng UFO phenomenon doon. Pumarada ang MB100 at nang magbabaan sila'y sinalubong sila ng isang matipunong sundalo na may commanding presence na nalaman nilang siyang second-in-command ni Colonel Laxamana.
"Lt. Esguerra," pakilala ng sundalo, na magalang na kumamay sa kanila.
"Lieutenant! It's good to see you!" masayang bati ni Jang-Mi pagka't kilala niya ito.
Kitang nagliwanag ang mukha ni Lt. Esguerra nang makita ang Koreanang psychic, at napuno ng paghanga na malaman niyang ang mga bagong dating ay kakilala ni Andy, lalo na't anak pa niya ang isa. Of course, bukod kay:
"Hello, ah em Father Ndengeyingoma, ah em from Rwanda," paglapit ng pari sa kanya.
Na medyo ikinagulat ng tinyente lalo na nang malaman na ang kaharap ay isa ring exorcist. Aniya, kung naroon si Father Deng last year ay nagamit nila somehow laban sa mga aliens.
"Aliens?!" paglaki ng mata ni Father Dengat at medyo nanginig ang tuhod.
"No more aliens, Father," pagkalma ni Jang-Mi sa kanya.
Agad namang ipinaliwanag ni Colonel Laxamana ang magiging silbi ng pari—at ito'y ang plano na pag-inflitrate sa compound ni Hesus. Pagkabanggit noo'y agad na ibinalita ni Lt. Esguerra na may mga bago silang nakalap na impormasyon.
At mga bagong litrato na ayon sa kanya:
"Hindi kayo maniniwala sa makikita n'yo."
Sinundan nila si Lt. Esguerra papasok ng building. Ang lobby ay tinatao din ng mga sundalo, kapuwa lalaki at babae, na nagsipagsaluduhan nang makita si Colonel Laxamana. May kalumaan na ang disenyo ng resort na malalaman nila later on ay mas gamit bilang retreat house. Hindi kataka-taka na madalang itong puntahan noon pagka't wala naman talagang masasabing tourist spot ang bayan ng Callejon. Maliban sa kung gusto mo lang ng katahimikan, na ngayon ay madalang na rin.
Pumasok sila sa malaking kuwarto na dating dining hall na ngayon ay kanilang command center na maraming mga lamesa na may computers, mga audio video equipments at mga filing cabinet. Ang tinagurian nilang "War Room."
"At ease," sabi ni Colonel Laxamana matapos magtayuan ang mga sundalo at sumaludo.
Inikutan ng tingin nila Tiglao ang kuwarto. Naaalala pa ni Jang-Mi ang mga araw na nilagi niya roon. Sila ni Andy. Napansin niyang naroon pa rin ang ilang naiwang mga litrato at articles tungkol sa aliens at UFOs, although ngayon, iba na ang focus ng task force ni Colonel Laxamana: sa isang wall nakapaskil ang mga litrato ni Hesus, kanyang mga alagad, at ang compound kung saan siya nakaluklok.
"As you can see, itong si Hesus ang target ng task force namin," sabi ni Colonel Laxamana. "Itong taong ito na nag-aala-Kristo."
"Sir!" senyas ni Lt. Esguerra mula sa harapan ng malaking TV monitor.
Habang nagsilapitan sila'y clinick ng tinyente ang mouse ng computer at lumabas sa monitor ang mga litrato.
"Kuha ito ng mga drones kagabi," aniya.
Aerial shots ng compound kuha ng drone. Ang oras ay simula 11:43 ng gabi kaya't madilim ang mga litrato at ang tanging liwanag ay nagmumula sa loob ng mga bahay at ilang poste ng ilaw. Bird's eye view—ang kita'y bubungan ng mga bahay, ng itaas ng mga puno, ng malawak na open area na lupa kung saan may naglalakad na mga tao, paroon at parito sa loob ng compound. Huminto si Lt. Esguerra sa isang litrato kung saan may lalaki na nakatayo sa gitna ng open area. Namukaan nila na ang lalaki ay walang iba kundi iyong si Hesus.
"What's this, Esguerra?" kunot-noo ni Colonel Laxamana. "Anong bago dito? Tulad lang ito ng ibang mga kuha natin?"
"Tignan n'yong mabuti," sabi ni Lt. Esguerra. "Kung saan siya nakatayo."
Una'y hindi nila pansin dahil nga madilim ang mga litrato. Pero, unti-unti nilang na-realize ang tinutukoy ng tinyente at nanlaking mga mata nila.
"Is that? Is that a footprint?" gulat na sabi ni Pauline.
"Jesus Almighte!" pagdilat ni Father Deng.
Sa paligid, nagsipagtigil ang mga sundalo sa kanilang mga ginagawa para panoorin ang reaksyon nila. Nakita na ng mga ito ang litrato at sila man ay gulat din ang naging reaksyon noon.
Pagka't sa litrato kung saan nakatayo si Hesus ay isang footprint sa lupa. Hugis ng hubad na paa ng tao. Except ang footprint ay hindi sa normal na tao, pagka't napakalaki nito. Kasinghaba halos ng limang pinagdikit na mga regular na paa ng tao.
"T...tutoo nga," nakangangang sabi ni Cpl. Diazon.
"Tutoo? Tutoo ang alin?" tense na sabi ni Tiglao, at tumingin kay Colonel Laxamana. "Greg?"
Gulat din ang colonel pero naka-recover naman.
"May bali-balita kasi," aniya.
"Balita? Anong balita?"
Nagbuntong-hininga ang colonel.
"Na may higante sa Callejon."
Napaindak ang lahat.
"Higante?" gulat na sabi ni Pauline. "You mean...as in..."
"A giant!" bulalas ni Jang-Mi.
"Jesus Almighte!" mas lalong dilat pa ni Father Deng.
"Yes," tango ni Colonel Laxamana. "A giant."
"Anak ng patola!" malakas na sabi ni Tony. "Hindi nga?"
Sa paligid nagsimulang magbulungan ang ibang mga sundalo sa task force. Kanya-kanya rin ng mga opinyon.
"Anong kalokohan ito, Greg?" pagkamot ng ulo si Tiglao.
"I know, pare," iling ni Colonel Laxamana na siya man ay hindi makapaniwala sa sinasabi niya. "Higante na tulad ng sa pelikula, o sa mga libro, sa fairy tales. Sa UFO maniniwala pa ako, well of course, nakita ko na. Pero ito? Sino ba namang maniniwala na may tutoong higante? At dito pa sa Pilipinas?"
"Ngayon may proof na tayo, sir," sabi ni Lt. Esguerra.
Two days ago nang kumalat ang balita na mayroon daw nakitang kakaibang nilalang sa loob ng compound ng lalaking si Hesus. Isang higante na parang kapre pagka't malago ang balbas at balahibo sa katawan. Ayon pa sa kuro-kuro, ang higante ay alagad nitong si Hesus—kanyang tagapagprotekta.
"Parang si Goliath, pare," sabi ni Tony sabay baling kay Tiglao. "'Yung kalaban ni David. Si David and Goliath."
"Pare namnan, kilala ko si Goliath," sabi ng Tiglao.
"Mukhang mataas pa ito kay Goliath, sir," tingin ni Cpl Diazon sa TV monitor. "Sa estimate ko, kung mga 2 meters ang footprint, malamang na nasa 40 feet ang taas ng giant na ito. Parang tatlong palapag."
Nang tumingala ang corporal sa kisame ay napagaya din ang iba. Maging ang ibang mga sundalong lalaki at babae mula sa kanilang mga desks. Tila sinusukat nila ng mata ang taas ng 40 feet sa loob ng kuwarto at namangha. Lumakas pa ang mga bulungan.
"Calm down, hindi pa tayo sigurado, okay? Maaaring isa lang itong hoax para panakot sa tao," pagkalma ni Colonel Laxamana sa mga tao sa loob. "Baka ginawa lang 'yang footprint na 'yan dahil alam nilang gumagamit tayo ng drone. Para lang i-distract tayo. Kaya until may concerete proof tayo na may tutoong higante sa Callejon at hindi lang basta footprint, huwag n'yo munang paandarin ang mga imahinasyon n'yo, okay? Ang dapat na paggugulan natin ng oras ay ang pag-identify kung sino itong si Hesus na ito at kung ano ang motibo niya. Is that clear?"
Nagsipag-yes, sir ang mga sundalo at nagsipagbalik sa kanilang mga computers at gawain.
"Mabuti pa magpahinga na muna kayo," sabi ni Colonel Laxamana kina Tiglao. "Kelan n'yo ba balak gawin ang séance?"
Napatingin ang iba kay Jang-Mi.
"Tonight," sabi ng psychic. "It has to be tonight!"
"Okay," tango ng colonel sabay sigaw. "Torres!"
Biglang sumulpot si Pvt Torres na naka-standby lang pala sa tabi.
"Show them to their quarters," utos ng colonel.
"Yes, sir!" ang snappy salute ng sundalo at sumenyas sa grupo nila Tiglao na sundan siya.
Paalis, may pahabol si colonel kay Tiglao.
"Pare..."
Huminto ang P.I. habang nauna na ang iba.
"Bukas ng umaga, mga alas-nuebe ang magandang oras para pumunta sa compound," ani ng colonel. "Ganoong oras sila nagpapapasok ng mga tao sa loob..."
"Okay, good," tango ni Tiglao.
"Sigurado ka ba sa gagawin mo, pare? Pwede nating i-call off ito. May iba pang paraan," siryosong sabi ni Laxamana.
"Teka, akala ko ba okay ka?" pagtataka ng P.I.
"I know, I know," sabi ni Laxamana. "Ayoko pa ring managot kay Rose kapag may nangyari sa 'yo."
"Kasama ko naman si Tony," sabi ni Tiglao at ngumiti. "At isang pari na siguradong pagtitinginan ng mga tao."
"Okay, pero para sa aking peace-of-mind, maga-assign ako ng mga tao sa labas ng compound," sabi ni Laxamana na hindi makuhang ngumiti.
"Masyado kang nag-aalala, pare," sabi ni Tiglao.
Napa-fold ng kanyang mga braso ang colonel.
"Ang tutoo may mga informers na kaming binayaran para pumasok sa loob," aniya.
"O, 'yun pala!" ngiti ni Tiglao. "Anong nakita nila sa loob?"
Buntong-hininga muna ang sinagot ng Colonel Laxamana, bago:
"Iyon na nga pare," aniya. "Hindi na sila lumabas uli."
Nawalang ngiti ni Tiglao.
#
"Adelaine..."
Dinig ni Adelaine na tawag ni Bishop Israel mula sa labas ng kuwarto. Nasa loob siya ng private dressing room ng opisina ng obispo at tinitignan ang sarili sa body mirror habang isa-isang hinuhubad ang kanyang mga alahas—relo, earrings, bracelet na kumikinang sa mga diamante. Suot niya'y kulay puti na one-piece dress. Nakayapak siya. Ang high-heels niya'y nakalatag sa tabi.
"What is it?" lingon ni Adelaine.
"Father Benito is here," sabi ni bishop mula sa labas.
"Okay, I'll be out in a minute," sabi ni Adelaine.
Pagkasabi'y tinanggal niya ang suot na silver hairclip na diamond-studded din at lumugay ang kanyang buhok sa kanyang mga balikat. Nilagay niya ang hairclip kasamang ibang mga alahas sa isang jewelry box na nasa loob ng nakabukas na black suitcase na nakapatong sa maliit na mesa. Isang alahas ang naiwan pang suot-suot niya at ito'y ang kanyang necklace na may pendat—bilog na locket na may litrato nila ni Father Markus sa loob. Pinakiramdaman niya ito sa kanyang palad. Noong una'y binalak nilang ipagamit ang pendat kay Tor para pasukin ang danger zone thru Astral travel nang sa gayon ay makita ng necromancer ang mga dimonyo na naroon sa loob. Ngayon, si Adelaine naman ang papasok sa danger zone, sa dark dimension ng mga Grigori. Pero ngayon, iba na ang kanilang strategy.
Hinubad din ni Adelaine ang pendat at nilagay sa loob ng jewelry box.
Pagkatapos ay inun-zip niya ang kanyang dress na bumagsak sa carpeted na sahig, at na-reveal ang mga tattoo sa kanyang katawan, sa likuran, sa hips, sa pusod—iba't-ibang mga symbols: crucifix, pentagram, crescent moon, Ankh, maging hexafoil. May mga Latin words at phrases na pumapaikot sa kanyang beywang. Makinis ang balat ni Adelaine bagama't maraming ink, walang mga wrinkles bagama't lampas na siya ng 40.
Hinubad niyang kanyang bra at iniwan ang panty. Mula sa suitcase ay kinuha niya ang isang damit—kulay itim na body tights na gawa sa latex at kanyang sinuot. Hapit ito sa korte ng kanyang katawan at natatakluban ang buong niyang katawan hanggang sa leeg.
Humarap muli siya sa salamin, pumikit at may binulong na mga incantations. Pagdilat niya'y for a split second, ay nag-spark ng kulay asul ang kanyang mga mata.
Nang lumabas ng dressing room si Adelaine ay naghihintay na sa kanya sina Bishop Israel at Father Benito, na napanganga nang makita ang babae.
"Do you have it, Father?" paglapit ni Adelaine.
"Y...yis..." tango ng Aetang pari at binuklat ang nakasara niyang kamay.
Kung saan hawak niya ang kanyang necklace na may pendat na hugis kurus na gawa sa silvery metal na ayon sa kanyang mga ninuno ay galing daw sa bulalakaw. In other words, galing kalawakan. Ito ang ginamit nila ni Father Deng para patalsikin ang dimonyong si Arakeb mula kay Luisa Banes. Ganoon na lang ang bisa ng pendat sa dimonyo at bakit?—dahil noong hinawakan ito ni Adelaine ay nagkaroon siya ng vision—ang artifact aniya, ay nagmula sa mga ancient gods na mga Annunakis.
At sino ang mga Annunakis?
Sila'y walang iba kundi mga fallen angels din.
Inabot ni Adelaine mula kay Father Benito ang Annunaki pendat. Nakaramdam siya ng surge of power, pero this time, na-handle na niya ang kapangyarihan nito. Kanyang sinuot ang necklace.
"Adelaine, are you sure about this?" concerned look mula kay Bishop Israel.
Tumango si Adelaine at sinabi:
"They won't see me coming."
NEXT CHAPTER: "Into the Banga"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top