Chapter 15: Demon in the Chapel

Gabi na nang matapos ang pag-rescue sa mga construction workers sa belfry tower sa Manila Cathedral. 13 silang lahat na binigyan ng medical assistance, at ng financial assistance na rin sa kanilang hindi magandang karanasan, kasama na ang pagpirma ng waiver na hindi nila maaaring ipaalam kaninuman ang insidente. Sa foreman, sinabi ni Bishop Israel na tuloy ang indefinite na pagtigil muna ng construction until further notice, pero dahil may kontrata, ang kaukulang bayad sa mga trabahador ay hihirangin pa rin. Matapos umuwi ng mga contstruction workers ay inanyayahan ni Bishop sina Tiglao, Tony, Pauline at Jang-Mi na magtungo sa loob ng kanyang conference room para mag-usap, kasama rin sina Hepe at Sarge, habang pinagbantay si P01 Manalang sa may belfry tower.

"Make sure they keep silent," sabi ni Adelaine kay Bishop Israel. "I'll be in your office making phone calls."

Sa conference room, nagpadeliver si bishop ng kanilang hapunan. Pagpasok nila'y naroon na ang dineliver na KFC. Halatang mga ginutom sila sa ganado nilang pagkain, lalo na si Tony na naka-tatlong piraso ng manok. Pinadalhan na lang nila ng pagkain si Joboy sa labas.

"If I haven't stressed it enough, I repeat, everything that you've witnessed here today must not come out, especially to the media," sabi ni Bishop Israel sa kanila, na naka-direkta talaga sa grupo nila Tiglao. Pabor din sa kanya na magkakilala pala sina Hepe at Tiglao. "Can I have your assurance?"

Hindi agad nakasagot sina Tiglao, may pagka-unsure. Napatingin pa ang P.I. kina Hepe na tila alam naman ang imumungkahi sa obispo.

"Ang tutoo'y malaki ang maitutulong nila," aniya ng pulis. "Kailangan n'yo ng tao sa labas. 'Yun ay, if you know what I mean..."

"I know what you mean," pagmuni ni Bishop Israel sa sinabi ni Hepe, at bumaling kina Tiglao, "The church actually needs your services. Since you're acting like a team, right?"

"Team?" pagtataka ni Jang-Mi.

Nagkatinginan sina Tiglao, Pauline at Jang-Mi. Si Tony ay medyo busy sa pagkain.

"Yes, sure, we're a team," agad na sabi ni Tiglao at umayos pa ng upo, nage-gets niyang pinupuntahan ng usapan. "Hinire n'yo si Andy dati, so hinihire n'yo kami ngayon. Pero, your honor, may fee kami. Per ora kami."

"That won't be a problem," sabi ni Bishop Israel na napailing na tinawag na naman siyang isang judge, at sinabi: "Okay ba sa inyo ang retainer?"

"Retainer?" napahinto sa pagnguya si Tony.

"Yes, sure! Retainer is okay," tango ni Tiglao.

"Done! I'll have a contract ready," sabi ni bishop pagkatapos ay tumayo. "So, until then, please remember your oath of confidentiality. My secretary will bring the papers for you to sign. Please, enjoy your meal."

Lumabas ng kuwarto si Bishop Israel, at naiwan sila.

"So, kayo rin damay sa confidentiality na ito?" tanong ni Tiglao kina Hepe at Sarge. Tumango ang dalawa.

"Mag-usap tayo," pabulong na sabi ni Hepe. "Pero, huwag dito."

Tumango si Tiglao, pagkatapos ay lumabas ng kuwarto sina Hepe at Sarge.

"Retainer?" ulit ni Tony na nagtataka.

"Ibig sabihin, employed na tayo ng simbahan," sabi ni Tiglao. "Malaking magbayad ang simbahan, pare."

Napangiti si Tony sabay inom ng softdrink.

"Pero, ano po 'yung team?" tanong ni Pauline na may hint ng disappointment na tila naliligaw sila mula sa orihinal nilang plano. "Paano po makakatulong 'yun para malaman ang nangyari kay daddy?"

"Malaki," sagot ni Tiglao. "Ibig sabihin may resources na tayo para makapagimbestiga. Tama sabi nung babae, nung Adelaine, hindi tayo dapat dito naghahanap ng sagot..."

"Saan po?"

Na-interrupt sila nang bumukas ang pintuan at may sumilip na pari.

"Ah em, sorre, ah em looking for de bishoop?"

Si Father Deng.

Sinabi ni Pauline na kalalabas lang ni Bishop Israel.

"Ah, tenk you," ngiti ni Father Deng at sinara muli ang pintuan.

Saglit na natahimik sila. Pansamantalang na-distract lang na makakita ng Aprikanong pari sa oras na 'yon, as though may pahabol pang sorpresa ang kakaibang araw nila. Pagkatapos ay bumalik sila sa kaninang paksa.

"So, pare, saan tayo pupunta uli?" tanong ni Tony habang sinisilip kung me manok pa sa bucket ng KFC. May natira pang wing.

SI Jang-Mi ang sumagot sa tanong.

"We go to Callejon," aniya. "Andy's old house. That is where we will find answers!"

Nakangiting tumango si Tiglao.

#

Sa Baguio:

Bumaba ang temperatura ng 18 degrees celsius at naramdaman nila ang lamig ng paparating na gabi. Hininaan ni Hannah ang aircon para hindi mag-fog ang mga salamin. Pasalubong sa windshield ang ulan kung kaya't naka-high ang wipers. Bumagal ang pagpapatakbo ni Hannah ng Hi-ace habang kanya-kanya sila ng pulupot ng scarf sa mga leeg at pagsuot ng mga bonnet, si Hannah ay naka-baseball cap. May long sleeves na shirt si Father Paul sa ilalim ng kanyang kulay puti na sutana na may violet na stole at kalong ang kanyang itim na bag na laman ang mga epektus para sa exorcism ng banga. Sina Sam at Jules ay may dalang mga knapsack.

"Father, nakapag-perform ka na ba ng exorcism sa mga objects?" baling ni Sam sa katabi.

"Kung banga ang pinaguusapan, hindi pa," sagot ni Father Paul, pero ayon sa pari, nag-perform na siya ng exorcisms sa mga bahay na pinaniniwalaang possessed ng evil spirits.

"Hindi unusual na may mga evil spirits ang nag-possess sa mga objects," sabi ni Jules. "Tulad ng mga antique vases, furnitures, alahas, damit at laruan. Mga bagay na sobrang attached ang mga kaluluwa noong buhay pa sila. Isang halimbawa of course, ay ang Annabelle doll."

"Conjuring!" bulalas ni Hannah habang nagmamaneho.

Kilala ng lahat ang Annabelle doll na sumikat sa movie series na The Conjuring, pero ayon kay Jules, ang original na manika ay hindi ang hitsura na pamilyar ang lahat kundi'y isang Raggedy Ann doll. Ayon sa mga pangyayari, ang doll ay pagmamay-ari ng isang nurse sa Connecticut, USA na niregalo sa kanya ng kanyang ina na nabili mula sa isang second-hand thrift store. Ang doll umano'y possessed ng spirit ng isang 7-year old na batang babae na nagngangalang Anabelle na namatay sa isang aksidente.

"Kaya mag-ingat sa mga antique na binibili," sabi ni Hannah. "Who knows kung anong evil spirit ang nakakapit doon."

"Or sa pinamanang kagamitan ng mga deceased," sabi ni Jules.

"Na-exorcise ba 'yung spirit ni Annabelle?" tanong ni Father Paul.

"Hindi, Father, ang doll ay nasa occult museum ng mag-asawang paranormal investigators na sina Ed and Lorraine Warren up to now," inform ni Jules. "Naisip nila na mas mabuting pabayaan na lang ang doll since kapag in-exorcise eh lilipat lang ang evil spirit somewhere...or someone."

"May point sila," tugon ni Sam at sinabi na ang problema daw ay napapaligiran ng masasamang mga espiritu ang banga kung kaya't hindi niya, in a sense, makausap ito. "Once na ma-exorcise ang mga evil spirits, maka-cast ko na ang tamang spell para ma-protektahan iyon."

"Sa'n ba tinago ng mga madre ang banga?" tanong ni Father Paul.

"Sa ilalim ng chapel," sagot ni Sam. "Sa isang crypt."

"Crypt?" ulit ni Father Paul.

Napa-isip ni Hannah sabay pindot ng kanyang car CD player, at may hinanap na kanta sa nakasaksak na CD. Curious na napatingin sa kanya ang mga kasama. Maya-maya'y tumugtog ang intro ng isang kanta, at napa-react ang lahat.

"Really?" iling ni Jules. "Patawa ka talaga, Hannah Claire."

At tumawa nga si Hannah.

"Senti lang?" ngiti ni Sam, halatang naaliw pagka't matagal na niyang hindi naririnig ang nasabing kanta. "Pinapakinggan namin madalas 'yan ni Greg...nung kami pa."

"Kinakanta ko rin 'yan dati," masayang amin ni Father Paul.

"Really, Father? Bago mo na-discover si Lord?" pabirong tingin ni Hannah sa rear view mirror. "Ignore n'yo lang si Jules ha, kasi killjoy 'yan. Gusto diva music."

"Haha," irap ni Jules. "Alam ko din 'yan noh, college days..."

Biglang sinabayan ni Hannah ang sikat na kanta, may pa-cute pang paturo-turo sa katabing parapyschologist.

When you were here before
Couldn't look you in the eye
You're just like an angel
Your skin makes me cry

Sa second stanza, nakisabay na rin sina Sam at Father Paul, although ingat na mamali ang pari sa lyrics.

You float like a feather
In a beautiful world
I wish I was special
You're so fuckin' special.

At sa kahabaan ng pa-zigzag na daan, pagdating sa chorus ng kanta, tinaob ng lakas ng mga boses nila ang ingay ng ulan. Hindi rin napigilan ni Jules na sumabay.

I'm a creep
I'm a weirdo
What the hell am I doin' here?
I don't belong here.

Nang matapos ang kanta ay medyo namaos sila at mga hiningal, pero kita sa mga mukha nila ang saglit na kasiyahan at pag-surge ng energy sa kanilang mga katawan, at alam nilang kailangan nila ang ganitong mga moment lalo na't alam nilang hindi maganda ang mga hinaharap.

Madilim na nang makarating sila sa Order of the Sacred Light Sisters Convent, pasado alas-6:00 ng gabi. At sa awa ng Diyos, tumigil na ang ulan. Pinarada ni Hannah ang Hi-Ace habang kinakanta pa rin ang Creep, LSS lang.

"Please lang, may iba pang kanta ang Radiohead," kutya ni Jules habang bumaba ng Hi-Ace dalang kanyang knapsack.

"Killjoy ka talaga," irap ni Hannah habang dinampot ang kaha ng Marlboro Reds sa dashboard.

"Sweet n'yo lang," biro ni Sam habang sinukbit ang kanyang knapsack sa balikat. Natawa si Father Paul na dala naman ang kanyang itim na bag.

Kabababa pa lang nila nang biglang tumatakbong lumapit ang isang madre sa kanila na hinihingal. Hindi nila agad nakita ito sa itim niyang kasuotan sa dilim.

"Bilisan n'yo! Si Mother Superior!" aniya.

Nagulat sila.

"Anong nangyayari?" tanong ni Sam.

"Nawawala siya sa sarili!" sabi ng madre, na bata pa ang hitsura.

Nagmamadali nilang sinundan ang madre patungo ng kumbento.

Noong 1950s nang madiskubre ang lumang crypt sa gitna ng gubat. Ayon sa kuwento, doon daw nakalibing ang isang hindi na-identified na Spanish missionary. Sa pangunguna ng mga Franciscan priests, kinonvert nila ang lugar bilang kumbento para sa mga madre at sa paligid ng crypt nagtayo sila ng chapel, gusali na tulugan, kainan at iba pa, at tinawag iyon na Order of the Sacred Light, hango sa umano'y banal na ilaw na naghatid sa mga explorers para madiskubre iyon.

"Sinaktan niya'ng ibang mga sisters," ani ng madre habang mabilis na naglalakad angat-angat ang kanyang abito para hindi sumayad sa lupa na nagputik dahil sa ulan. "At ang mga estatwa..."

Hindi natuloy ng madre ang gustong sabihin as if hindi niya iyon kayang i-describe at napa-kurus na lamang. Nagkatinginan sina Jules, Hannah at Father Paul. Alam nila na ang ibig sabihin ng "nawawala sa sarili" si Mother Superior ay nangangahulugang na-possessed siya. Obvious na hindi pa nakakakita ng nasaniban ang madre, at marahil ang iba pang kasamahan niya sa kumbento at pagpasok pa lang nila sa lobby ay na-confirm na'ng hinala nila. Sa sahig, nakatumba ang istatwa ng isang anghel na nagkandabiyak sa pagkakabagsak, ang kanang pakpak ay naputol at hawak-hawak ng isang madre na hindi alam kung anong gagawin doon.

"Oh, my God, si Archangel Raphael!" sabi ni Hannah na may panghihinayang. Nanirahan ang psychic for a time doon sa kumbento noong inaruga siya ng mga madre matapos niyang maulila kaya't kilala niya ang imahen pagka't iyon ang patron ng Sacred Light Sisters na naroon na simula pa noon.

"Anong nangyayari rito?" gulat na sabi ni Father Paul.

Ang mga madre sa loob ay nasa state-of-shock. May madre ang tulalang nakaupo at ginagamot ng isa pang madre ang dumudugo niyang noo. May madre naman ang nasa sulok at umiiyak na nagdarasal hawak ang rosaryo. May mga madre pa silang nakasalubong na in-shock din. Sa mahabang corridor kung saan nagkukumpulan ang grupo ng takot na mga madre sila huminto.

"Nasa chapel siya," sabi ng kausap nilang madre at tinuro ang pahabang corridor na papunta sa chapel kung saan naroon din ang hagdan pababa ng crypt. Kita nila sa takot niyang mukha na wala na siyang balak na humakbang pa.

"Okay, d'yan lang kayo, kami na bahala," ang sabi ni Sam.

Tumango ang mga madre.

Madilim ang corridor. Sa sahig, nagkalat ang bubog ng basag na mga bumbilya. Dahan-dahang naglakad tungo ng chapel sina Sam, Jules, Hannah at Father Paul, mabilis ang pintig ng mga puso. Makarating sa chapel ay lalong umigting ang kaba nila nang makita ang hugis ni Mother Superior sa dilim, nakaluhod sa harap ng altar. Palapit, narinig nilang nagsasalita ito.

Nagdarasal. At sa wika na kakaiba.

At sure sila na hindi sa Diyos siya nakikipag-usap.

Pagka't ang malaking kurus na noo'y nakadikit sa pader ay ngayo'y nakapatong na sa sahig. At nakabaligtad. Para matanggal ang life-size na kurus sa pader ay nangangailangan ng malakas na puwersa, at nagawa iyon ni Mother Superior. Sa paligid, nagkalat pa ang ibang mga basag na imahen ng mga santo.

Ge qaal ds art g hell. 

Maingat silang lumapit at huminto sa unang hilera ng pews o benches at doon nilapag nilang mga gamit—itim na bag ni Father Paul at knapsacks nina Jules at Sam.

"Mother Superior..." tawag ni Sam. "Si Sam ito..."

"At si Hannah!" sabi ng psychic pagka't kilala niya ang punong madre.

Nagulat sila nang biglang lumingon si Mother Superior sa kanila, at nilapat ang hintuturo sa kanyang bibig at sinabi sa kanila:

"Shhhh!"

Namutla sila nang makita ang hitsura ni Mother Superior. Kanyang mga mata'y kasing itim ng putik at kanyang balat ay kasingputla naman ng puting abo. Naglabasan ang kanyang mga ugat mula noo hanggang leeg, lampas ng kanyang double-chin.

Natanto nila ang dahilan ng mga madre na matakot na lang ng ganon. Malaking tao si Mother Superior na may taas na 5'9" at doble ang katawan kumpara sa karaniwang madre at ang tumatao na ngayon sa katawan niya ay hindi na tao, kundi isang dimonyo.

Bumalik sa pagdarasal si Mother Superior.

Ne i il gohed dooain. 
Il infernal londoh i kures. 

"Jules, anong sinasabi n'ya?" tanong ni Hannah. "Latin?"

"H-hindi..." kunot-noo ni Jules habang binuksan ang kanyang bag, hindi niya ma-recognize ang lenguwahe. Kinuha niyang handheld audio recorder, pinindot ang pulang record button at humakbang palapit kay Mother Superior.

"Jules, 'wag kang masyado lumapit!" babala ni Hannah, umalingawngaw kanyang malakas na boses sa loob.

Sa likuran, naghahanda ng kanilang mga gamit sina Father Paul at Sam. Hinilera ng pari ang kanyang mga kagamitan sa upuan—bakal na crucifix, holy water, ostiya at bibliya habang may dinarasal. Nang mapatingin siya kay Sam ay iyon din ang ginagawa ng witch—sa kanya nama'y knife na may itim na handle o athame, wand na kahoy, makukulay na mga bato o crystals, at grimoire o book ng spells. At may binubulong naman na incantation si Sam.

"Baka nagdadasal pabaligtad?" dinig nilang sabi ni Hannah.

Lumingon sila at nakita na papalapit si Jules kay Mother Superior habang nakatingin si Hannah.

"Jules!" tawag ni Sam na may tonong pagpigil.

Sumenyas si Jules sa kanila na okay lang siya.

Ge trian c caosg ca t i g hell, patuloy na dasal ni Mother Superior.

Halos abot na ni Jules ang madre. Inextend niyang kanyang braso hawak ang audio recorder at nagulat nang biglang lumingon sa kanya si Mother Superior, daliri sa bibig at sinabi:

"Shhhh!"

Bahagyang napaatras si Jules.

"Jules!" tawag ni Hannah.

Pero, patuloy pa rin sa paglapit si Jules.

"Kailangang ma-record ko ang sinasabi niya."

Nang biglang lumingon muli si Mother Superior at hinarap si Jules.

"ANG INGAY-INGAY MO NAGDADASAL AKO!" galit niyang sigaw.

Pagkatapos ay hinawakan niya si Jules. Ang matataba niyang mga braso sa balikat ng parapsychologist at bago pa makapagsalita ang lahat ay narinig nila ang malalim na tunog—na nagmumula sa tiyan ni Mother Superior. 

"Shit..." sabi ni Jules na hindi makagalaw sa pagkakahawak sa kanya.

At bigla, mula sa bibig ni Mother Superior lumabas ang sangkaterbang suka na kulay berde at pula na binuga niya sa mukha ni Jules.

"FUCK!" napatakip ng bibig si Hannah.

Nang matapos ay basang-basa ang ulo at itaas na katawan ni Jules na para bang lumusong siya sa putik na gawa sa suka. Kanyang bonnet at scarf ay puno ng undigested food. Lumihis ang salamin niya sa mata na may talsik din ng suka, at nabitawan niyang audio recorder na nalaglag sa sahig. Tumawa nang malakas si Mother Superior at nayanig ang loob ng chapel, dinig hanggang sa corridor kung nasaan ang mga madre.

At bigla, umusok ang mukha ni Mother Superior nang tamaan siya ng holy water.

"In the name of the Father, of the Son and of the Holy Spirit!" paglapit ni Father Paul hawak ang bakal na crucifix at bote ng holy water. "I command you, demon! Begone!"

Isang mahapdi pang talsik ng holy water ang tumama sa mukha ng madre at nabitawan niya si Jules na lumagpak sa sahig. Agad na nilapitan siya ni Hannah, although nandidiri na siya ay hawakan.

Napaatras si Mother Superior sa may altar patungo sa nakabaligtad na kurus na kanyang dinadasalan. Umuusok pa ang tama ng holy water sa kanyang balat.

"Zacam nalvage demon!" sigaw ni Sam habang papalapit sa kanya hawak ang kahoy na wand at kulay pula na crystal. "Zacam nalvage demon!"

Napadaing si Mother Superior. Ramdam niya ang pananalita ni Sam, ang power ng kanyang incantation. Palapit din si Father Paul na nakatutok naman ang bakal na crucifix. Isang pari at isang witch ang katunggali ng dimonyo sa katawan ni Mother Superior. Napaatras ang madre at nakita ang nakabaligtad na kurus na gawa sa solid na kahoy at 'di kayang buhatin ng isang tao. Dinampot niya iyon at kanyang winasiwas kay Sam na nakailag nguni't natumba sa sahig. Inangat ng madre ang kurus para ibagsak kay Sam, pero nagawang mahila siya ni Father Paul palayo.

Bumagsak ang kurus at nahati sa dalawa, isa'y ang pahabang tangkay na sa pagkabiyak ay nagkaroon ng matalas na dulong patusok. Dinampot iyon ni Mother Superior at susugod na muli nang magliwanag ang chapel. 

Nagpasukan ang grupo ng mga madre tangan ang mga kandila at sabay-sabay na nagdarasal.

Hail Mary full of Grace the Lord is with you...

Na-distract si Mother Superior, nabitawan ang hawak at nagtakip ng tenga.

Muli siyang winisikan ng holy water ni Father Paul at siya'y napadaing, at sa kanyang galit siya'y umangat mula sa sahig, two feet from the ground, at nagpakawala ng malakas na sigaw na may kasamang malakas na bugso ng hangin. Napaatras ang lahat at nagsipagtakipan ng mga mukha. Natumba ang ilang mga madre. Nagliparan ang mga headdress, kanilang veils at nagsipagpatayan ang hawak nilang mga kandila. Nagliparan din ang ibang mga kagamitan sa loob.

Pagkatapos ay lumutang si Mother Superior pababa ng hagdan tungo ng crypt.

Nanahimik muli ang chapel.

Nagsipagtayuan ang mga natumba, nagsipagayos ng mga sarili. Tinulungang makatayo ni Father Paul si Sam.

"Salamat, Father," sabi ni Sam.

At si Jules?

Nakaupo pa rin sa sahig balot ng mabaho at malapot na suka.

"Oh, my God, Jules, okay ka lang?" tanong ni Hannah na hindi pa rin siya mahawakan.

"Mukha bang okay ako?" simangot ni Jules.

"Okay lang ba siya?" lapit ng mga concerned na madre sa kanila.

Nang maamoy ni Jules ang suka ni Mother Superior ay parang masusuka na rin siya. Ang huling meal sa kumbento ng araw na iyon ay munggo, tuyo at ginataang mais.

"C..C.R...s-saan ang C.R.?" nasusukang sabi ni Jules.

"Doon po!" turo ng madre.

Nagmamadaling tumayo si Jules at tumakbo palabas ng chapel takip-takip ang bibig habang nakatingin ang mga nagtatakang madre.

Umiiling na lumapit si Hannah kina Sam at Father Paul.

"So, anong gameplan?" tanong niya.

Sa paligid, nagsimulang ayusin ng mga madre ang kalat sa chapel.

"Nadagdagan ang problema natin," umiiling na sabi ni Sam. "Malakas ang spirit na sumanib kay Mother Superior."

"Malamang isang Grigori," sabi ni Hannah.

Gulat ang reaksyon ni Sam, "Ba't mo nasabing Grigori? Grigori Angels?"

"'Yun ang hula ni Jules," sabi ni Father Paul.

Tumingin kina Hannah at Father Paul si Sam at sinabi:

"Hindi kayo nagkakamali."

NEXT CHAPTER: "Nightcap"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top