Chapter 14: 13-3
Magkakasunod na ring ng mga telepono ang bumulabog sa Police Community Precinct ng Intramuros matapos ang insidente sa belfry tower. Mga report umano na may kaguluhang nagaganap sa may simbahan, ng mga nagtatakbuhang tao sa paligid.
At ng mga patay na ibon.
"Ibon? Anong ibon?" pagtataka ng unipormadong pulis hawak ang telepono at nakaupo sa kanyang mesa. Si SP04 Santos ay isa sa mga experienced na pulis sa himpilan. Katam-taman ang taas, gupit-sundalo at may pagka-brusko si "Sarge."
Napatingin siya sa isa pang pulis na may kausap rin sa telepono, at mukhang ganoon din ang balitang natatanggap. Nag-ring pa ang isang telepono nguni't walang makasagot nito. Abala ang ibang pulis sa ibang mga trabaho. Tunog ng makinilya. May lalaking naka-posas na malago ang buhok at suot ay sando at shorts ang binu-book ng isang pulis. Ang kaso: defecating in public. Hindi lang kung saan kundi doon pa mismo sa may walls ng Fort Santiago.
"Housebill 6524, bawal ang ginawa mo," sabi ng pulis sa lalaki. "First offense P500, second offense P1000, third..."
Etcetera. Etcetera.
Bumukas ang pintuan ng kuwarto ni Chief Candelaria, ang precinct commander at lumabas ang may edarang hepe bitbit ang kanyang jacket. Hinangin ang puti na niyang buhok nang mapadaan sa bintilador at kanya iyon hinawi ng ayos. Pauwi na siya pagka't mina-migraine.
"Hepe!" habol ni Sarge sa papaalis niyang boss. "May report ng disturbance..."
"Ikaw na bahala, Santos. Masakit ulo ko at kailangan kong umuwi," ang iritableng balik ni Hepe na patuloy lang sa paglalakad. "Kung disturbance lang eh 'wag mo din akong istorbohin. Pwera na lang kung homicide 'yan."
"Doon sa ginagawang tore sa Manila Cathedral..." sabi ni Sarge.
Nang marinig iyon ay napahinto si Hepe. Gumapang ang kaba sa kanyang katawan at nagkatinginan sila ng kanyang pulis. Sinagot ng isa pang pulis ang nag-ri-ring na telepono. Baguhan lamang at bagong graduate si P01 Manalang, at tila nag-i-struggle sa kausap.
"Hello? Who is this speaking?" ani ng patrolman sa telepono. "This is the police. Bishop who?"
Napatayo sa kanyang kinauupuan si Sarge. Bago pa makasalita uli si patrolman Manalang ay naagaw na sa kanya ni Hepe ang receiver.
"Bishop Israel..."
Nang ibaba ni Hepe ang telepono ay alam na ni Sarge sa expresyon ng mukha niya na hindi maganda ang balitang natanggap.
"Manila Cathedral, ngayon na," ang siryosong sabi ni Hepe.
Agad na tumango si Sarge at naghanda silang umalis.
"Chief...Sarge...may maitutulong ba ako?" sabi ni P01 Manalang.
"Sama ba natin si Joboy?" tanong ni Sarge.
Napaisip si Hepe ng ilang segundo bago tumango.
"Halika, Joboy, sumama ka," sabi ni Sarge.
"Yes, sir!" excited na saludo ng P01. "A eh, Manalang po, Sarge."
"Mas gusto ko ang Joboy," balik ni Sarge.
Sa himpilang ito, nakaugaliang "Joboy" ang tawag nila sa mga rookies. "Job-boy" o "it's a job for boy." Nagaalangan si Hepe na isama si P01 Manalang, pero mukhang kakailanganin nila ng isang Joboy sa trabaho na ito.
Maingay ang mga dumaraang pampasaherong dyip sa labas. Nagkalat ang mga estudyante sa labas ng Manila High School pagka't dismissal time na, marami sa kanila ang lalakarin ang palabas ng Taft Avenue para umuwi, ang iba'y tatambay muna sa mga coffee shops sa loob ng Intramuros. Sumakay sina Hepe, Sarge at P01 Manalang sa naka-park na patrol car. Mga anim na mahahabang kanto ang layo ng Manila Cathedral.
"Nangyayari na naman ba, hepe?" tanong ni Sarge habang nagmamaneho, si Hepe sa kanan niya. "One year anniversary eh."
Napatingin si Chief Candelaria, alam niya ang tinutukoy ng kanyang tao. Isang taon na ang nagdaan nang imbestigahan nila ang assassination attempt kay Bishop Israel na nauwi sa suicide ng would-be assassin na nagngangalang Roger na asawa ng isang employee noon ng obispo, ang psychiatrist na si Dr. Pilar Pontificano. Naging saksi ang dalawa sa mga hindi maipaliwanag na mga pangyayari, kasama na ang mamalas nila ang kapangyarihang ipinakita ng possessed na si Father Markus nang i-taser nila ito sa Ground Belfry. Naroon sila nang lumabas ang itim na ulap sa taas ng tore, ang mahiwagang ilaw. Naroon sila nang gumuho ito.
"Anniversary ng alin?" nagtatakang tanong ni P01 Manalang na mag-isang nakaupo sa likuran.
Buntong-hininga ang isinagot sa kanya.
Nang dumating sila sa Manila Cathedral ay nakita nilang may mga taong gustong pumasok sa loob ng simbahan pero tila hindi pinapayagan ng mga security guards. May ilang tambay na nakikiusyoso. Pinarada nila ang patrol car kahilera ng ibang mga sasakyan sa medyo malayo para mas hindi mag-attract ng atensyon. Palapit sa harapan ng simbahan ay nakita nilang naghihintay na si Bishop Israel na may siryosong expresyon. Nang makita siya ni P01 Manalang ay para bang nalula sa tangkad nito.
"Follow me," ani ni bishop sa kanila.
Sinundan nila si bishop tungo sa kaliwa kung nasaan ang ginagawang belfry tower. Dahil under construction, may bakod ng yero ang bahaging ito at tago ang nakikita sa loob. May sign na "Construction Area," "Authorized Personnel Only," "Keep Out," at iba pa na wala roon dati. Inikot nila ang gilid ng simbahan at pumasok sa maliit na pintuan sa yerong bakod, na tinatao ng dalawang security guards at nakarating sa bell garden ng Manila Cathedral. Dinaanan nila ang Ground Belfry na ipinangalan sa dating cardinal na Jaime Sin at naalala nina Hepe at Sarge ang nasaksihan nila roon last year. Makalapas no'n ay tumumbad sa kanila ang ginagawang befry tower at nagulat sa nakita.
"Anong nangyayari dito?" ang nagtatakang sabi ni Hepe.
Nagkalat ang patay na ibon sa paligid.
At ng mga taong nakabulagta sa harap ng construction site. 13 sa bilang nila.
Ang unang impresyon ng mga pulis ay tila sila'y mga namatay sa giyera. O kaya'y minassacre.
"Patay na ba sila?" gulat na sabi ni P01 Manalang.
"Hindi, Joboy. Natutulog lang sila," ang sarcastic na sagot ni Sarge.
"Hindi nga, Sarge?"
"Is he new?" may alinlangang tanong ni Bishop Israel. "Mapagkakatiwalaan ba siya?"
"Akong bahala," sabi ni Hepe.
Sinabihan nila si P01 Manalang na kung anong nakikita nila at makikita pa ay hinding-hindi dapat makalabas. Kung mahal mong trabaho mo, makikinig ka sa amin, sabi ni Hepe sa kanya, to which nag- swear naman si P01 Manalang na hindi niya ipagsasabi.
"Ano bang nangyayari dito, sir?"
Bago iyon masagot ay narinig nilang may tumawag na boses mula sa malayo.
"Candelaria!"
Sinipat ni Hepe ang paparating na grupo at namukaan niya ang halos ka-edarang lalaki.
"Tiglao?"
Para lang classmates na matagal nang hindi nagkita ang tagpuan nina Hepe at Tiglao, at sa isang iglap ay parang bumalik ang dati nilang sigla noong sila'y bata-bata pa. Sabay na nagtraining sa pagkapulis ang kuwento ng dalawa sa mga tao sa paligid. Aminado si Hepe na matinik si Tiglao kaya't napunta sa AKG o Anti-Kidnapping Group habang siya'y jokingly, nagpatalon-talon bilang community precinct commander. Mas matanda si Tiglao ng apat na taon at mas mataas ang nakuhang rango, Major sa kasalukuyang Captain ni Hepe. Na-promote siya matapos maresolba ang kaso ng mga kinidnap na mga grade school students ng isang doomsday cult na binansagan ng media bilang The Little Lambs Kidnapping Case.
"Kaso heto retired na at isang hamak na private investigator lamang," sabi ni Tiglao.
"Pare,'wag mo namang hamakin ang trabaho natin," tawa ni Tony. Nakilala na niya si Chief Candelaria dati. A long time ago, aniya. Si Erap pa ata ang presidente.
Ipinakilala ni Hepe ang dalawa niyang tauhan, at sa kanila sina Jang-Mi at Pauline. Wala si Adelaine sa paligid, pero tinimbrehan ni Tony ang mga bagong dating na humanda kapag nakilala nila ang Italyana. Nasagot din ang tanong nina Hepe at hindi sila makapaniwala sa nalaman. Lalo na nang tinuro ni Tony ang lumilipad na ibon at nasaksihan nila kung paano nang mapalapit iyon sa belfry tower ay bigla na lamang bumagsak sa lupa.
"Anak ng puta!" ang malakas na sabi ni Sarge. Napatingin si Bishop Israel.
"Anong explanasyon nito?" gulat na sabi ni Hepe.
"Portal," sabi ni Bishop Israel.
Nag-react sila Tiglao nang marinig iyon. Ang hindi nila alam ay nasaksihan na iyon ni Hepe. Sa dungeon sa ilalim ng belfry tower, nakita mismo ng mga mata niya ang pagdating ng dimonyong si Asmodeus. Kasama siya noon. Binaril pa nga niya ang dimonyo pero hindi tinablan, at kamuntikan pa siyang patayin. Sa mga nagdaang araw at linggo matapos ang pangyayari, ginambala siya ng mga na-experience niya na hindi niya ikinuwento kahit kaninuman, muntikan pa nga siyang magretiro ng maaga.
"'Yung mga tao? Paano natin sila malalapitan?" tanong ni Sarge
Iyon daw ang malaking tanong ayon kina Tiglao, dahil walang maka-attempt na makalapit dahil tiyak na mawawalan din ng malay. Tinuro nila ang pinaglagyan ng hardhat ng foreman kung saan may bakal na mga fences paikot ng belfry at sinabing doon ang boundary kung saan hindi maaaring humakbang pa. Ang kaso ay hindi puwedeng pabayaan na lang nila ang mga construction workers na nakahiga sa lupa at tiyak na hahanapin na sila ng kanilang mga pamilya, lalo na't pahapon na.
"Madali lang 'yan," sabi ni Hepe. "Parang namimitas lang ng mangga."
Nagtinginan sa kanya ang lahat na nagtataka.
3:35 PM. Ang araw ay unti-unti nang nagtatago sa likuran ng simbahan at ang anino nito'y unti-unti ring gumagapang sa bell garden.
Pinatawag nila ang foreman. Nagpakuha si Hepe sa kanya ng mahabang tubo at tali. Bumalik ang foreman kasama ni P01 Manalang dala-dala ang mga tubo galing sa nabaklas na scaffolding, at nylon na tali mula sa pulley na gamit pang-akyat ng mga balde ng simento. Sinabi ni Hepe sa foreman ang tungkol sa pagpitas ng mangga at agad namang na-gets ng foreman ang gusto niyang mangyari. Inikot na parang lasso ng foreman ang tali at ikinabit iyon sa dulo ng mahabang tubo.
"Ayos a! Para pala tayong mamimingwit..." ngiti ni Sarge sabay tingin sa may belfry tower, "...ng tao."
Iyon nga ang ginawa nila.
Inumpisahan nila sa pinakamalapit na hinimatay na construction worker, at gamit ang tubo na may lasso ay sinikwat nila ang paa nito. Pumasok ang butas ng tali paakyat ng sapatos hanggang sa bukung-bukong o ankle, tapos ay hinila ng foreman ang tali para sumikip at nahuli nila ang paa.
"Okay, dahan-dahan," sabi ni Tiglao.
Magkatulong ang foreman at si Tony na marahang hinila ang nabingwit nilang construction worker. Umusad ang lalaki sa damuhan hanggang sa mailampas nila sa boundary. Agad na naglapitan ang dalawang medical staff ni Bishop Israel, isang babae at isang lalaki, at tinignan ang kalagayan niya. Ang construction worker ay isang payat na lalaki na may mahabang mukha, suot ay long sleeves na t-shirt at maong na may punit sa tuhod.
"May pulse," sabi ng lalaking medic nang pulsuhan ang construction worker, at nang ilapat niyang tenga sa dibdib ay sinabing may heartbeat din.
Pumaligid ang iba para manood.
"Revive him," sabi ng boses.
Napatingin sila. Dumating si Adelaine. Nang makita siya'y agad na nabighani sina Hepe, Sarge at P01 Manalang at pasimpleng nagsipagayos ng buhok at uniporme.
Itinaas ng babaeng medic ang mga binti ng construction worker at ipinatong sa nakabalunbon na tela, ito raw ay para bumalik ang blood flow sa brain. Tapos ay marahan nilang shinake ang lalaki habang sumisigaw na ito'y gumising.
"Totoy ang pangalan niya," sabi ng foreman. Siya pala'y walang iba pala kundi si "Totoy Pogi" na pasimuno kanina ng pagsipol kina Jang-Mi at Pauline. Siya rin iyong nagfi-finger heart.
"TOTOY! TOTOY! GISING!" sigaw nila.
"SU..SUWELDO NA, 'TOY!" sigaw ng foreman. Natawa ang iba.
Maya-maya'y umungol si Totoy, at dahan-dahang dinilat ang kanyang mga mata. Napabuntong-hininga ang lahat na makitang may ulirat na siya. Pero disoriented si Totoy at una'y hindi wari kung nasaan siya. Nagreklamo din siya na masakit ang kanyang ulo. Inutos ni Bishop Israel na dalhin si Totoy sa loob para makapagpahinga.
Tapos ay nagtinginan silang lahat pabalik sa belfry tower, sa iba pang mga construction workers na nakahandusay sa lupa.
"One down, twelve to go," sabi ni Hepe.
#
"What the fuck? Si Father Markus may kapatid?!"
Sa lakas ng boses ni Hannah ay napatahol si Misty.
Nakatambay sina Jules, Hannah, Father Paul at Mayor Arteza sa front porch ng bahay nila Sam kung saan tanaw nilang berdeng harap-bakuran kung saan naglalaro si Misty. May kanya-kanya silang mga hawak na cup ng cocoa na gawa ni Lola Edna. Bagong brew lang, ang usok ay tumatakip sa kanilang mga mukha na para ring hamog. Hawak ni Jules ang cellphone at ka-video chat nila si Bishop Israel na kita nilang nasa labas ng simbahan. 4:40 PM at mababa na ang araw sa may Manila Cathedral. Ang asul na langit ngayon ay kulay gray. Sa Baguio, nagsisimula nang bumaba ang temperatura kaya't tamang-tama ang mainit na inumin.
"I'm sorry that you have to know about it just now, and under theses circumstances," paumanhin ni Bishop Israel. "Pero iyon ay bagay na hindi gustong ipaalam ni Father Markus, until it was absolutely necessary."
"Well, the timing seems right," sabi ni Mayor Arteza habang nag-sip ng cocoa.
"Oo nga!" iling ni Hannah habang pinatong ang cup niya sa railing ng porch para magsindi ng yosi. "Bishop, baka may kapatid din siyang lalaki na ka-edad ko ha!"
"Not that I know of," sabi ni bishop.
Napa-roll ng eyes si Jules at tinanong, "kilala n'ya ba kami?"
"Yes," sagot ng bishop. "Adelaine knows everything about JHS."
Nagulat sila nang malaman iyon. Medyo na-hurt sina Jules at Hannah na hindi nila alam ang tungkol kay Adelaine, na hindi sinabi sa kanila ni Father Markus. Sa kanila namang apat, lalong namuo ang curiosity nila kung sino ba talaga si Adelaine Markus, at bakit ngayon lang siya nagpakita? Sinabi ng bishop na alam ni Adelaine ang nangyayari—ang prophecy ng Second Great War ng mga angels and demons.
"Adelaine is psychic," sabi ni Bishop Israel.
Nabuga ni Hannah ang iniinom na cocoa. Mabuti na lang at nasa may railing siya.
"What the fuck?" malakas niyang sabi. "Wait a minute! Ako lang dapat ang psychic!"
"Not anymore," ngiti ni Jules.
"Fuck naman!" pagdabog ni Hannah.
"May picture ka ba nitong Adelaine?" tanong ni Jules.
Tinapat ng bishop ang camera ng cellphone kung saan nakatayo si Adelaine mga 10 feet ang layo sa kanya at kasalukuyang may kausap sa cellphone. Kanyang dalawang bodyguards ay umaaligid sa kanyang tabi. Nang makita ng mga lalaki ay napanganga sila.
"And hot, too!" bulalas ni Mayor. "Mukhang foreigner tulad ni Tulsa!"
"Di nga?" react ni Hannah at inagaw pang cellphone kay Jules. "Shit! Oo nga! Hot nga!"
Inis na binalik ng pyshic ang cellphone kay Jules. Sinabi ng bishop na si Adelaine ay half-sister lamang ni Father Markus sa ama, at isang naturalized Italian. Parang si Monica Bellucci ang sabi nga ni Mayor with psychic powers to boot. Namangha pa lalo sila. Nguni't, saglit lamang pagka't nang ibinalita naman ni bishop ang nangyayari sa belfry tower ay ganoon na lang ang gulat at takot nila.
"Gustong buksan ng mga fallen angels ang portal d'yan!" exclaim ni Jules. "Ayaw nilang makalapit tayo!"
Iyon ay ukol sa nawawalan ng malay ang sinuman na lumapit sa belfry tower.
"That's exactly what Adelaine and the others think," confirm ni Bishop Israel.
"May others?" kunot-noo ni Father Paul. "Sinong others, your excellency?"
Sinabi ng bishop ang tungkol kina Tiglao, Tony, Pauline at Jang-Mi. Ang quest nila na hanapin ang katotohanan sa pagkawala ni Andy Madrid, na kilala nina Jules at Hannah dahil naka-trabaho nila sa kaso ng kambal na na-possessed at sa pag-infiltrate sa kuta ng mga Satanista kasama rin si Tony. Isang eye-opener na malaman nila'ng nangyari kay Andy, na tinuring nilang isang worthy ally.
"In-adbuct ng aliens? Holy shit!" buga ng usok ni Hannah. Tumahol muli si Misty.
"Nabasa ko nga somewhere na may military cover-up sa nangyari sa bayan ng Callejon," sabi ni Jules. "Alien abduction cover-up."
"I also heard about that," sabi naman ni Mayor Arteza, since ang Callejon ay malapit lang sa bayan ng Daigdigan. Aniya, na natanong niya about it sa alkalde ng Callejon to which wala siyang nakuhang sagot. "And they're keeping it a secret."
"Your excellency, tingin n'yo konektado ang nangyari kay Father Markus at doon kay Andy?" tanong ni Father Paul.
"Yes," sagot ni Bishop Israel.
"Based on what?" tanong ni Jules, incredulously.
"Based on Jang-Mi's readings," sabi ni Bishop.
Pumintig ang tenga ni Hannah.
"Readings?"
"Jang-Mi, who is Korean, is also a psychic," sabi ni Bishop Israel.
"WHAT THE FUCK?!" react ni Hannah. "May isa pa?!"
Galit na tumahol muli si Misty.
"Haha! Olats!" pag-asar ni Jules kay Hannah.
Nakasimangot na finold ni Hannah ang kanyang mga braso habang nakalaylay ang yosi sa kanyang bibig, at bumuga ng usok. Patuloy pa siyang tinatahulan ni Misty mula sa ibaba ng porch, dumungaw si Hannah at nang titigan ang aso ay biglang iyon na natahimik at napaupo.
"Trinity..." pag-isip ni Father Paul.
"What's that, Father?" nahuli ni Bishop Israel ang sinabi ng pari.
"Dati Trinity of Priests, your excellency," sagot niya. "Ngayon naman, Trinity of Psychics."
Natigilan sila nang marinig iyon. Napataas kilay si Hannah at napa-hmm.
"Well, I have to go, I need to talk to the police," paalam ni Bishop Israel. "I'll keep you all posted..."
I-e-end na sana ni Jules ang videocall nang marinig nila ang boses kasabay ng wind chimes ng pintuan.
"Wait!" sabi ni Sam na lumabas tungo sa porch.
First time ito na magmi-meet sina Sam at Bishop Israel. Kilala ng bishop si Sam based lamang sa kuwento nina Jules at Hannah, na malakas itong witch para ma-banish ang isang first heirarchy demon na si Abaddon.
"Bishop, si Sam or Samantha," pakilala ni Jules.
Nang magkita'y saglit na natahimik si Sam, as though pamilyar ang mukha ni Bishop Israel sa kanya, na para bang na-meet na niya before somewhere. Hindi lang niya exactly masabi. Hindi siya sure. Pero, dinismiss na lang niya ang thought na iyon sa mas mahalagang paksa sa kasalukuyan.
"'Yung nangyari d'yan 'yun din ang nangyari dito...sa banga," sabi ni Sam. "I think we have the same problem."
"Yes, we do," sabi ni Bishop Israel. "What do you propose we do?"
"May mga kilala ako d'yan sa Manila na makakatulong."
"You mean other witches?"
Napaindak nang bahagya si Sam sa direktang pagbanggit ng obispo na siya'y isang witch, and right there and then nagustuhan niya ang personalidad nito. Impressed siya na si Bishop Israel ay hindi iyong karaniwang alagad ng simbahan na nami-meet niya.
"Yes," sagot ni Sam. Sa paligid nakikinig closely ang iba.
"You're telling me to let pagans into my church?" may astang tanong ng bishop.
"May sign ba na bawal?" ang balik ni Sam.
Saglit na natameme si Bishop Isreal, na taken aback sa malakas na personalidad ni Sam. The fact na hindi pa siya nito ina-address customarily as "your excellency" or anything closely resembling. Walang "po" or anything, at siya naman ang na-impressed. Nagkatinginan naman sina Jules, Hannah, Mayor Arteza at Father Paul, napapangiti.
"I'll ask my brother to contact you," dagdag ni Sam.
"And I'm assuming na ang brother mo ay isa ring...magic-user?" sabi ni bishop.
"No, he's just a nerd," mabilis na sabi ni Sam.
"Tulad ni Jules!" nakangiting hirit ni Hannah. Natawa ang iba. Si Jules napailing.
Natapos ang tawag at sinabi muli ni Bishop Israel na sila'y mag-update madalas, na critical na ang sitwasyon. Nag-agree ang lahat. Ayon kay Lola Edna, kinakailangang ihanda ang bahay sa muling pagbabalik ng banga sakaling maging matagumpay sila na matanggal ang masamang impluwensya nito. Nangangahulugang kailangang i-fortify ang bahay sa pamamagitan ng pag-cast ng mga spells at paglalagay ng mga protection symbols na hexafoils. Sigurado sila na once na naroon na ang banga ay magtatangka muli ang mga kampon ng dimonyo na gamitin iyong portal. Sinabi ni Sam na kailangang may maiwan sa kanila para tumulong kay Lola Edna and by the process of elimination, si Mayor Arteza ang pinaka-logical na maiwan.
"Huwag kang mag-alala, Mayor," ngiti ni Lola Edna sa halatang disappointed na alkalde. "Mag-e-enjoy ka, promise."
"Alright, fine," buntong-hininga ni Mayor Arteza. Kumahol ng pagsang-ayon si Misty.
Alas 5:20 PM nang lumarga sina Jules, Hannah, Father Paul at Sam patungo ng convent ng Order of the Sacred Light Sisters sakay sa Hi-Ace.
Hindi pa sila nakakalayo nang magsimulang pumatak ang ulan.
NEXT CHAPTER: "Demon in the Chapel"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top