Chapter 10: Doubt
"Ay im Father Benito," pakilala ng paring Aeta.
"Ah, et es a pleasure to a meet you, father," sabi ni Father Deng. "Ah em Father Kayumba Ndengeyingoma, but you can call me Father Deng."
Nang magkamay ang dalawa ay walang ipinagkaiba ang kanilang kulay. Pareho silang kulot, ang kay Father Deng lang ay napakaiksi at itim na itim samantalang ang kay Father Benito'y medyo malago ng kaunti at may pagka-brown na may halong puti. Mas matangkad ng isang dangkal si Father Deng, pero mas bilugin naman si Father Benito na mas bata rin ng maraming taon, siya na 35 sa 54 ng Aprikano.
"Ay nu, fathir," sabi ni Father Benito. "Yu are viry fiymus, ispisyaly in my niytib probins!"
"Who me?" gulat na reaksyon ni Father Deng.
"Yis!" ngiti ng Aetang pari. "We hib piktyur op yu in awer hawses ind awer iskuls ind churchis."
For some reason, nagkakaintindihan naman sila.
Napangiti si Father Deng at napataas noo pa, proud lang na sikat pala siya. Ayon kay Father Benito, malayo na ang narating ng kuwento ng mga exploits ng JHS, ang kanilang matagumpay na pakikipaglaban sa mga kampon ng dimonyo, at partikular sa mga Aeta, tinitingala nila si Father Deng bilang isang ehemplo, isang hero.
"Ah em very honored, father," masayang sabi ni Father Deng. "En by de wey, your english es very good."
"Think u, fathir!"
Noong gabing iyon ay naghanda ang dalawang pari para sa gagawing exorcism na ini-schedule nila sa darating na umaga. Nag-komunyon sila't nangumpisal, at tumuloy sa townhouse ni Father Deng para doon matulog. Hinanda nila'ng mga gagamitin: holy bible, exorcism rite, crucifix na pang-exorcism o ang St. Benedict Cross, na may simbolo ng nasabing santo o kanyang medal, holy water, at ostia na nakalagay sa bilog na latang lalagyan na ang tawag ay pyx, at may chain na maaaring ilagay sa leeg.
Pagkatapos ay pinag-aralan nila ang details ng kaso ni Luisa Bañes. Sa report, ang dimonyong nag-possess ay nagngangalang Batraal, na na-cast out ng JHS, nguni't ngayon, ayon kay Bishop Israel ay muling nagbalik sa katawan ni Luisa. Alam ni Father Deng na kapag alam mo ang pangalan ng dimonyong sumapi ay kaya mong kontrolin o utusan ito, sa ganoong paraan napapadali ang page-exorcise sa kanya.
"We have de advantage, Father Benito," hayag ni Father Deng. "We a know de demoon's nem!"
Pagsapit ng alas-siyete'y naghapunan sila, at bago matulog ay nag-meditate pa ng mga dalawang oras. Medyo may pagka-awkward lang na matutulog na'y magkatabi sila sa kama, suot ang ternong mga pajamas, ang kumot nakataas sa kanilang mga dibdib.
"G-good night, Father," sabi ni Father Deng.
"Gud, nayt, Fathir," balik ni Father Benito.
Nguni't hindi agad sila nakatulog sa pag-iisip sa magaganap na exorcism. Hindi nakatulong na noong hapunan ay uminom sila ng tinimplang Molinari Roasted Coffee Beans na galing Italy ni Father Deng, kung kaya't nagsipagbangunan sila't nagtungo ng kusina para kumain ng cake. Kinuwento ni Father Deng ang naging buhay niya sa Rwanda at ipinakita ang litrato ng yumaong kapatid niyang si Mugabo, ang asawa nitong si Uwimbabazi at ang anak nilang si Shakira. Pinakita naman ni Father Benito ang litrato ng kanyang dalawang kapatid, nanay at tatay—na kapuwa yumao na. Isa sa kanyang mga kapatid ay yumao na rin. Nagulat si Father Deng na maagang namatay ang mga ito. Ayon kay Father Benito, maikli ang buhay ng mga tulad nilang indigenous tribes.
"28 years?" paglaki ng mata ni Father Deng na malaman ang life expectancy ng mga Aeta.
"It is bicos op malnutrisyon en siknis," sabi ni Father Benito. Na sa bansa, ang mga Aeta ang pinakamahirap at pinakamababa ang living conditions, isama mo pa ang kawalan nila ng trabaho, at ng lupang matatawag nilang kanila.
"Di goberment hilp us, but it is nat inap," malungkot na tugon ni Father Benito. Na sadyang huli na ang mga Aeta para makabangon pa at makasabay sa daloy ng progress. "Samday, we Aetas wil bicom ikstinct. Ay em just hapi dat ay hib pawnd Jisus."
"Ah em happy for you, father," ngiti ni Father Deng. Tanto niya ang problema ni Father Benito. Naranasan niya ang struggles ng mga Rwandan. At least na lang, walang patayan na nagaganap sa mga Aeta, tulad ng ethnic cleansing sa Africa.
Nang umihip ang malamig na hangin mula sa bintana ay nakaramdam sila ng pagkaantok, at naging senyales iyon na sila'y bumalik na sa kuwarto at matulog.
Kinaumagahan, sabay silang dumilat ng gising at nagulat nang makitang magkatapat ang kanilang mga mukha.
Maagang dumating ang kanilang service na maghahatid sa bahay ng mga Bañes. Bihis na sila ng kulay puti na sutana na may purple na stole at cincture na telang nakapaikot sa kanilang waist nang pumarada ang kulay puti na Revo, maneho ng driver na naka-barong at itim na pantalon, isang staff mula sa office ni Bishop Israel.
"Good morning, fathers," bati ng driver na nagngangalang Teo, na short daw for Teodoro. "Have you breakfast already? I have petty cash for McDonald's."
Napangiti ang dalawang pari.
Palabas ng Manila Cathedral ay hindi pa gaanong traffic. 7:25 AM. Nag-drive thru sila sa McDo at umorder ng Sausage McMuffins, hashbrowns at orange juice. Mayroon din ang driver na tinabi niya muna.
Magkatabi sa likurang upuan sina Father Deng at Father Benito, kapuwa tangan ang magkaparehong kulay itim na parisukat na bag na laman ang kanilang mga exorcism epektus na provided ng office ni Bishop Israel. Nguni't may partikular na bagay si Father Benito na hindi kasama sa mga standard issued. Isang personal na kwintas na may pendat.
"What es et?" turo ni Father Deng sa kuwintas ng Aetang pari.
"Dis is giv tu mi by my fathir," sabi ni Father Benito. "Who is giv to him by his fathir."
Ang kuryosong pendat ay isang maliit na metal na tila hugis kurus, bagama't hindi maayos ang pagkakahulma na tila ba aksidente lang ang pagkakakorte nito. Ang metal ay kumikinag na kulay silver at ibang mga kulay kapag natapat sa ilaw.
"What kind of metal es et?" pagtataka ni Father Deng, pagka't kakaiba ang ningning.
"My fathir's fathir hav fawnd dis long taym agu in di mowntins," kuwento ni Father Benito. "Is sid dis kim prom di iskay, prom di bulalakaw."
"Bula...lekaw?" pagtataka ni Father Deng.
Medyo natagalan sila bago nagets ni Father Deng na ang bulalakaw ay meteorite base sa mala-Charades na pagde-describe ni Father Benito.
Nakarating sila sa bahay ng mga Bañes dakong alas 9:38AM.
Medyo nagulat si Elisa nang buksan niyang pintuan at makita ang dalawang maitim na pari sa kanilang doorstep. Hindi sila ang inaasahan niya.
"Gooda morning, ah em Father Deng en des es Father Benito," pakilala ng Aprikanong pari.
"Wi ar iksorsists," sabi naman ni Father Benito.
Sa loob ng Revo, kumakain na ang driver ng kanyang McDo.
"C...come in, fathers. I am Elisa," anyaya ng dalaga na naka-sweater na may nakababang hood bagama't mataas ang araw. At nalaman ng mga pari kung bakit.
Ang loob ng bahay ay malamig. Sa bibig nila ang hanging lamig, at may kadiliman pagka't saradong mga kurtina ng mga bintana. Pinaghintay sila sa sala at inoffer-an ng kape na hindi nila tinanggihan. Maya-maya'y bumaba mula sa second floor si Mark na naka-jacket. Naroon din sa paligid sina Raquel at Bert.
"Father, where is Father Paul, Jules and Hannah?" tanong ni Mark, na tila may pagka-disappointed na wala ang mga hinahanap.
"Dey ar aweh," sabi ni Father Deng. "Ah em Father Deng en des es Father Benito."
Tahimik lang ang paring Aeta na tatango lamang kapag tinuro.
"Did Bishop Israel sent you?" tanong ni Mark.
"Yes, de bishoop hav sent us to perfoorm de exorcism."
Nagkatinginan sina Mark at Elisa. May duda sa mga mukha. Ganoon din sina Raquel at Bert.
"Don't a worre," sabi ni Father Deng dahil ramdam niyang takot ng mga kaharap. "We know de demoon's nem."
"Batraal..." sabi ni Elisa.
"Yes, en with de power of de Hooly Spirit, Jesus en Mama Mary, we wel banesh de demoon and mek Luisa well."
Tumango sina Mark, Elisa at iba pa.
Bilang pagpreprepara, bliness ng mga pari ang mga nakatira sa bahay, binigyan pa nila ng Blessed Sacrament ang mga nagnais. Tapos ay nagdasal pa muna ang mga pari ng halos isang oras. Sa tabi, halatang naiinip na ang mga tao.
"We wel see Luisa now," sabi ni Father Deng.
Dalian silang sinamahan paakyat ng second floor kung saan mas maginaw pa. Tinuro ni Mark ang guest room kung saan naroon si Luisa. Nguni't sa kanilang dismaya ay hindi pa agad pumasok ang dalawang pari kundi'y muling nagdasal pa, mga debosyon kay Mama Mary at dasal para sa exorcism ni Pope Leo XIII. Nakatayo sa tabi sila Mark na obvious na inip na.
Natapos ang dasal. Bubuksan na ni Mark ang pintuan, pero:
"Ah before we begen, ah wel lek to tell you de rules to follow during exorcism..." sabi ni Father Deng, "der are seven..."
"Father, we already know them!" matigas na sabi ni Mark. Napakagat labi si Elisa sa tabi. Sina Raquel at Bert tahimik.
"O...okay," tango ni Father Deng, medyo napahiya. "We wel enter now..."
Binuksan ni Mark ang pintuan ng guest room at sumingaw ang malamig na hangin at bahagyang napaatras sina Father Deng at Father Benito. Madilim ang kuwarto bukod sa mahinang ilaw mula sa hiwa sa kurtina. Malamig nguni't kataka-takang amoy sunog.
Sa gitna ng kuwarto nakatali si Luisa sa upuan, ang magkabilang kamay tulad ng dati'y naka-duct tape sa arm rest, kanyang mga binti sa legs ng upuan. Nang pumasok sila'y nakatingin sa kanila si Luisa na tila walang expresyon sa mukha. Ang kuwarto ay walang ibang kagamitan bukod sa maliit na mesa sa may pintuan kung saan ipinatong ng mga pari ang dala nilang itim na bag. Binuksan nila ito't nilabas ang St. Benedict cross, bote ng holy water, bibliya at exorcism rite. Ang pyx na may ostia'y nakasabit na sa kanilang mga leeg.
"H-hello, Luisa," pagharap ni Father Deng, si Father Benito sa kanyang tabi. Sa likuran nila sina Mark, Elisa, Raquel at Bert. "Ah em Father Deng en des es Father Benito..."
"Magkapatid kayo?" tanong ni Luisa na biglang naglabas ng maladimonyong ngiti. "Nasaan si Father Paul, sina Hannah at Jules?"
"F-father Paul? D-dey are aweh..."
"Aweh?" interrupt ni Luisa. "Aweh?"
Sabay tumawa siya ng malakas.
Nagdikit ang mga kilay ni Father Deng, kumunot kanyang noo, at bigla, hinarap niyang kurus kay Luisa at kanya itong winisikan ng holy water.
"In da nem of de Father, and of de Son and of de Holy Spirit..."
Parang asido na tumama ang holy water sa balat ni Luisa, dumaing ang dimonyo na nasa kanyang katawan. Ramdam niya ang malakas na pananalig ng pari. Lalo na't nang lumapit pa si Father Deng habang kumuha ng ostia sa loob ng kanyang pyx at iyon ay pinatong sa kanyang noo. Nang lumapat ang ostia'y para itong bagang umusok.
"We command you, becos we know your nem, demoon!" hayag ni Father Deng.
Nanlaking mga mata ni Luisa nang marinig iyon. Natakot ang dimonyo sa loob na alam na ang pangalan niya.
"BATRAAL!" malakas na sigaw ni Father Deng.
Maya-maya' tumawa si Luisa, "Hindi ako si Batraal."
Nagulat ang lahat. Nagkatinginan.
At bigla, mula sa bibig ni Luisa ay lumabas ang malapot at kulay pulang suka na tumama sa mukha ni Father Deng at ito'y napaatras at nabuwal, nabitawan ang hawak na crucifix at bote ng holy water.
"Fathir!" sigaw ni Father Benito na agad na inalalayan ang kasamahang pari.
Naglabasan sila ng kuwarto, mga mukhang natigatig at hindi alam ang gagawin, hindi makapaniwala sa nangyari, na hindi na pala si Batraal ang naninirahan sa katawan ni Luisa. Inalalayan nila Father Benito at Bert si Father Deng papasok ng banyo sa second floor, habang kumuha ng tuwalya si Elisa sa kanyang kuwarto.
Sa loob ng guest room, dinig nila ang malakas na halakhak ng dimonyo.
#
Sa mga oras na iyon, kasalukyang nasa provincial road sa Quezon en route to North ang Hi-Ace na maneho ni Hannah, sa kanyang kanan si Jules, sa likuran sina Father Paul at Mayor Arteza, na first time na maglalakbay ng malayo na hindi sa kanyang Pajero at halatang excited and in complete attire: leather jacket, scarf, at ang brown fedora niya na umano'y original na prop galing sa pelikulang Indiana Jones at sinuot mismo ni Harrison Ford.
Maya-maya'y nag-ring ang cellphone ni Jules. Tawag mula kay Bishop Israel.
"Jules, may problema with the exorcism," sabi ng obispo. "It seems they are facing a different demon."
"Yes, your excellency."
Binaba ni Jules ang cellphone.
"Ibang demon?" sabi ni Father Paul.
"Tama ka, Jules! Hindi nga si Batraal!" sabi ni Hannah habang nagd-drive.
"Well, I hope Father Deng is okay," sabi ni Mayor. "Mabuti tawagan mo na, Jules."
Tumango si Jules at nag-dial para mag-videocall.
"Jules..." mahinang boses ni Father Deng nang lumabas siya sa screen. Kinonfirm ng Aprikanong pari na hindi nga si Batraal ang nakaharap nila.
"I think it's a Grigori," sabi ni Jules.
"A Grigoori?" nagtatakang ulit ni Father Deng. "By de wey, des es Father Benito..."
Sa screen, nakita nila for the first time ang Aetang pari.
"Hilow..."
Medyo napaindak sila at mga nawalan ng boses. Naalis antok ni Mayor. Si Hannah pinipigilan ang tawa habang nagmamaneho.
"Ah...hi, Father Benito..." kaway ni Jules. "A-anong ginagawa n'yong dalawa sa banyo?"
Nasa banyo ng bahay ng mga Bañes ang dalawang exorcist, at sinabi ni Father Deng ang nangyari, ngayon naghihilamos siya ng suka sa mukha, si Father Benito katulong niyang hinuhugasan ang nasukahang sutana't stole. Nakinig sila habang kinuwento ni Jules na ang mga Grigori ay siya ring tawag sa mga Watchers, ang mga anghel sa Book of Enoch na naatasan ng Diyos na magbantay sa mga tao, nguni't nagka-lust sa mga kababaihan at nakipagsiping sa kanila, kung saan nabuo ang mga Nephilims, o mga giants, na siya namang ineradicate ng Diyos sa pamamagitan ng Great Flood. Ayon kay Jules, 200 ang bilang ng mga Grigori angels na nag-fall, kasama na ang leader nilang si Samyaza at matatas na chiefs tulad nina Arakeb, Kokabiel, Ramiel at Turel. Si Batraal, kung 'di siya nagkakamali ay isa lamang minor demon na kabilang sa 200.
"Nasaan 'yung mga chiefs? Si Sam Daza?" tanong ni Hannah.
"Samyaza," pag-correct ni Jules. "We don't know for sure. Kalat-kalat. Iba siguro'y na-trap sa ibang dimensions, iba nama'y ayon sa kuwento ay maaaring na-trap sa mundo, at least iyon ang loose interpretation ng they were bound to the valleys of the Earth until Judgment Day."
"At itong Judgment Day ay itong Second Great War na mangyayari sa mundo?" sabi ni Father Paul.
"Seems so, father."
"It's obvious they are amassing armies," sabi ni Mayor at biglang may naisip. "Wait, when you said "bound" what do you mean? Na nagro-roam ang ibang mga Grigori sa mundo?"
"Possible," sabi ni Jules. "Nag-aantay na sila ay tawaging muli."
"Alam ko na!" malakas na sabi ni Hannah. "Pinopossess ng mga Grigori si Luisa bilang signal na ready na sila!"
"You might be right, Hannah, ginagawa nilang vessel si Luisa," sabi ni Jules. At napa-smile naman ang psychic sa kanyang timely contribution. "Signal din siyempre, sa magli-lead sa kanila sa giyera na ito."
"Na walang iba kundi si Satan," sabi ni Father Paul.
Nanginig sila sa thought na iyon.
"Jules! Nakalimutan mo sila Father Deng!" sabi ni Hannah.
"Ah...we are...stil here..." sabi ng pari sa screen. Narinig lahat ng dalawang pari ang usapan at intindi nila na hindi maganda ang sitwasyon.
"I don't know how we can help, father," sabi ni Jules.
"We...we wel be oolright," sabi naman ni Father Deng.
Natapos ang tawag. Magtatanghali na nang marating ng Hi-Ace ang South Superhighway.
"Worried lang ako for Father Deng," muni ni Jules. "At least, hindi siya "aloone."
"Speaking of, 'yung si Father Benetton, iba aura niya," sabi ni Hannah. "May na-sense akong kakaiba sa kanya."
"Benito!" pag-roll ng eyes ni Jules.
"Well, of course, he's colored—I mean he's another colorful person," sabi ni Mayor at agad nag-iba ng topic. "Anyway, it's almost lunch, where do you guys want to eat? My treat."
Sinagot siya ng mga buntong-hininga. Wala lang gana sina Jules, Hannah at Father Paul dahil sa tinatakbo ng mga pangyayari.
#
Sa kusina sa bahay ng mga Bañes, naroon sina Mark, Elisa at Raquel na nagpreprepare ng kanilang tanghalian. Si Bert na driver ay lumabas ng bahay para i-check naman ang driver ng Revo na nakatambay sa labas. Livid lang si Mark sa nangyaring exorcism at ngayon ay nagve-vent ng kanyang frustration, hindi mapakaling palakad-lakad.
"They gave us these two priests na mukhang hindi naman alam ang ginagawa nila!" aniya.
"At binabayaran natin sila ha," gatong ni Raquel habang nagsasalok ng bigas sa rice cooker. "Dapat nga walang bayad ito eh!"
"Mismo!" agad na sabi ni Mark.
"Siguro bigyan natin sila ng chance," sabi ni Elisa habang naupo. "Hindi naman nila alam na ibang entity na pala ang sumapi kay Ate."
"At bakit mga foreigners kasi ang pinadala ni bishop? Nasaan 'yung dati?" inignore lang ni Mark ang comment ni Elisa.
Natahimik sila nang pumasok sa kusina si Father Benito.
"Hilow..." kanyang ngiti.
"What do you need, father?" magalang na tanong ni Elisa habang si Mark ay umiwas ng tingin.
"Watir, plis..."
"Pardon?"
"Watir..." inakto ni Father Benito ang pag-inom ng tubig.
Nagets ni Elisa at siya'y tumayo at habang kumuha ng tubig, "How is Father Deng?"
"He is oki...we is clin his alb..."
Natatawang napailing si Mark.
"Ni tayo nga hirap maintindihan ang pagsasalita nila eh..." sabi ni Mark. "Dapat ba mag-aral pa tayo ng Aprikano?"
"Hindi kailangan," sagot ni Father Benito. "Maari tayu mag-usap sa Tagalog."
Muntik mabitawan ni Elisa ang pitsel. Napatigil si Raquel sa paglilinis ng bigas.
Si Mark ay napanganga.
"Isa akung Aeta, hindi aku Aprikano," malumanay na sabi ni Father Benito, magkahawak kanyang mga palad. "Tatlong taon naku na nanunungkulan bilang pari. Kahapon ko lang nakilala si Father Deng, peru matagal ko na kilala kung sino siya. Mabuti siya na pari. Nilabanan niya ang dimonyung si Belial at pinakalma niya ang galit na dagat. Malakas ang kanya na paniniwala, peru ang inyo na pagdududa sa kanya ang nagpapahina netu sa mata ng demunyo. Kaya hiling ku, tulungan natin siya, kung gusto n'yo na gumaling si Luisa."
Hindi agad naka-react sina Mark, Elisa at Raquel. May hiya sa kanilang mga mukha. Sumenyas si Father Benito sa tubig at binigay ni Elisa sa kanya ang baso. Pagkatapos ay lumakad paalis ang Aetang pari at umakyat ng second floor.
Naiwang nagtitinginan sina Mark, Elisa at Raquel.
Sa banyo, mabilis na naubos ni Father Deng ang baso ng tubig. Pinagpapawisan siya. Halatang kabado't nawala ang self-confidence. Kita ito ni Father Benito.
"Ar yu oki?"
Umiling si Father Deng, "We donta know de demoons nem, how can we defet him?"
"Wi nid no his nim," sabi ni Father Benito habang hinubad ang kuwintas niya na may misteryosong pendat na metal at ibinigay iyon kay Father Deng, at sinabi: "Fathir, yu yus dis. Di dimon wil go awiy. U belib mi. Di dimon wil go awiy."
Hawak ni Father Deng ang metal na pendat na parang hugis kurus, ang sinabi ni Father Benito na natagpuan ng kanyang lolo sa tuhod sa bundok na mula raw sa bulalakaw.
"Dis wil defet de demoon?" paglaki ng mga mata ni Father Deng.
"U trust mi," sabi ni Father Benito. "
Nagkatinginan ang dalawang pari. Tumango si Father Deng. Nang lumabas sila ng banyo ay naroon na sa labas na naghihintay sina Mark, Elisa, Raquel at Bert. Hindi sila nag-sorry pero kita niya sa mukha nila na na aminado silang nagkamali sa pagdududa sa kanya, at iyon ay sapat na sa kanya. Napangiti si Father Deng at napuno siya ng panibagong lakas ng loob.
"Let us preh..." aniya.
Naghawak sila ng mga kamay at nagdasal, binasbasan ng mga pari sila Mark pagkatapos ay pumasok muli sila sa kuwarto para kumprontahin ang dimonyo kay Luisa. Nang makita ang dalawang pari ay humalakhak ng pagkalakas-lakas ang dimonyo. Ang boses ni Luisa ay boses lalaki, malalim at garalgal.
"Hindi pa ba kayo sumuko? Mga paring huwad! Mga paring duwag! Tulad ng mga nasa likuran n'yo na walang mga pananalig!"
Nagkatinginan sina Mark at iba pa.
"Luisa!" tawag niya. "Tutulungan ka nila, dear. Pagagalingin ka nila!"
"Hindi! Hindi! Akin ang katawang ito! Akin ang katawang ito!" galit na sigaw ng dimonyo.
"Tumahimik ka!" sigaw ni Father Benito.
"Nagsalita rin ang Aeta!" baling ni Luisa sa kanya. "Nagsawa ka na bang sumamba sa puno? Sa ilog? Anong ipinangako sa 'yo para maniwala ka sa huwad nilang Diyos? Na pupunta ka sa langit? Ng buhay na walang hanggan?"
Winisikan ng holy water ni Father Deng si Luisa at ito'y namilipit sa sakit. At nang itapat sa kanya ang St. Benedict cross ay kanya itong dinuraan.
"Akin ang katawan na ito!" sigaw niya. "Hindi n'yo ako mapapaalis sa katawan na ito!"
Tumingin si Father Deng kay Father Benito na tumango sa kanya. Tapos ay itinaas niyang kanyang kamay at ipinakita ang metal na pendat. Nanlaking mga mata ni Luisa at siya'y napuno ng takot. Siya'y humiyaw.
"In da nem of de Father, and of de Son and of de Holy Spirit," sigaw ni Father Deng. "I command you, demoon to lev des bodeh! Say your nem, demoon, for et es He who commands you!"
It is the power of Christ that compels you!
It is the power of Christ that compels you!
Paulit-ulit na sinabi nina Father Benito, Mark, Elisa, Raquel at Bert.
Nilapit ni Father Deng ang metal na pendat habang naghihiyaw ang dimonyo na napatingin sa paligid ng kuwarto na para bang may mga nakita na lubos niyang kinatakutan. At nang lumapat ang metal na pendat sa kanyang noo, siya'y humiyaw.
ARAKEB! ARAKEB!
Pagkasabi ng kanyang pangalan, nilisan ng dimonyo ang katawan ni Luisa. Lumabas ang itim na usok mula sa kanyang bibig at nawala sa kisame. Maya-maya'y narinig nilang normal niyang boses.
"Mark..."
"Luisa!"
Niyakap ni Mark ang asawa habang tinanggal ng iba ang duct tape sa kanyang braso't mga binti.
Napabuntong-hininga si Father Deng at Father Benito.
Tapos na ang exorcism at nagwagi sila.
At napatingin si Father Deng sa hawak niyang mahiwagang pendat. Ang pendat na umano'y galing mula sa bulalakaw.
Ang pendat na galing sa kalawakan.
NEXT CHAPTER: "Angels & Donuts"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top