Chapter 1: Ang Kaso ng Possessed na School Teacher
Ang nagbukas ng pintuan ay ang mas nakababatang kapatid ni Luisa na si Elisa na tinanong kung sila'y nagalmusal na. Sinabi nilang oo, at humiling na lamang ng kape. Habang naghintay sila sa sala ay nilabas ni Jules mula sa kanyang hardcase ang videocam at iba pang mga gadgets. Mula sa kanyang itim na bag, kinuha ni Father Paul ang kulay purple na stole na parang mahabang scarf at sinabit sa kanyang leeg, pagkatapos ay kinuhang bakal na crucifix na kanyang hinalikan. Madilim sa loob ng bahay, sadya ito, pagka't masakit ang liwanag sa mga mata ni Luisa, ang mga bintana ay natatakpan ng makapal na mga kurtina. Inikutan ng tingin ni Hannah ang loob, sa mga picture frames sa wall ng mag-asawang Bañes, ng kanilang dalawang anak na babae na ngayon ay pinatira muna sa kanilang lolo at lola sa suggestion ni Jules. Bukod kay Mark at Elisa, kasama nila sa bahay ang tiyahin ni Elisa na si Raquel at kanilang family driver na nagngangalang Bert.
"Na'san si Mark?" tanong ni Father Paul nang bumalik si Elisa dala ang tray ng mga kape.
"Binibihisan po si ate kasama ni Tita Raquel," sabi ni Elisa na isang account executive sa ad agency, at hindi na kailangang bihisan pa o make-upan, pagka't natural siyang maganda. Ka-edaran nina Jules at Hannah, hindi lang dalawang beses na nakita ni Hannah na parang nagpapa-cute si Jules kay Elisa at ipinapakita ang kanyang mga ghost hunting gadgets. And everytime, makikisingit si Hannah sa kanilang usapan.
Binaba nilang mga kape nang dumating si Mark na sumenyas sa kanila sa pamamagitan ng pagtango. Alam na nila ibig sabihin no'n at sila'y agad na nagtayuan. Sinundan nila si Mark paakyat ng second floor at sa kalagitnaan ng hagdanan ay ramdam na nila ang lamig. May dala sina Jules at Hannah na jacket at kanila itong isinuot.
May kadiliman din sa second floor dahil sa makapal na mga kurtina. May tatlong kuwarto dito, isa'y guest room kung saan nila pineperform ang exorcism. Naghihintay na sa itaas sina Raquel na nakatatandang kapatid ng ina nila Luisa, at si Bert na driver na nasa kanyang late 40s at may kalakihan ang pangangatawan. Kinailangan ng magkasamang lakas nila ni Mark para ma-handle si Luisa na nagpakita ng kakaibang lakas.
Maya-maya'y umakyat na rin si Elisa na naglalagay ng scarf sa leeg. Lahat sila'y pawang mga naka-jacket at sweater. Ang pangunahing characteristic ng possession na ito ay ang kakaibang lamig. Sa paranormal, in-explain ni Jules na ito ang tinatawag na cold spot. Ang theory kung bakit may mga area na biglang lumalamig ay dahil daw may presence ng mga ghosts o spirits na nagfee-feed sa heat ng paligid para makapag-manifest. In the same way, kung may presence ng demon, at na ang matinding lamig ay nangangahulugang malakas ang entity.
Sa loob ng dalawang araw ay iyon ang routine na nila, ang labanan ang lamig.
"Bago tayo magsimula," sabi ni Father Paul sa pamilya, "pinapaalala ko lang ang mga sinabi kong rules ng exorcism. Na sundin natin ito."
Nagtanguan ang pamilya. Nai-enumerate na sa kanila ang pitong mahahalagang rules:
1) Dapat ay naniniwala ka na ito'y gawa ng dimonyo at hindi isang uri ng sakit.
2) Alisin sa sarili ang anumang bakas ng pagdududa.
3) Huwag makinig sa sasabihin ng dimonyo.
4) Huwag paniwalaan ang mga ipapakitang ilusyon ng dimonyo.
5) Huwag kausapin o magtanong sa dimonyo.
6) Huwag titignan sa mata ang dimonyo.
7) Magdasal at humingi ng patnubay sa Diyos.
Tumayo si Mark sa harap ng guest room. Sumenyas sina Jules, Hannah at Father Paul na ready na sila, pagkatapos ay tinulak ng bukas ni Mark ang pintuan. Nagpasukan silang lahat, ang kuwarto ay freezing cold.
Sa gitna ng kuwarto nakatali sa upuan ang possessed. Ang magkabilang kamay niya'y naka-duct tape sa arm rest, ang dalawang mga binti sa harapang paa ng upuan. Ang upuan ay mabigat na uri na gawa sa kahoy. Natuto na sila last time at inalis ang mga gamit na maaaring magamit ng dimonyo. May isang beses na lumipad ang isang picture frame at tinamaan si Father Paul sa ulo.
"Hello, Luisa," greeting ni Father Paul. Nang magsalita siya'y may hanging lamig sa kanyang bibig.
"Hello, Father," sagot ng school teacher. Suot niya ay knitted na sweater. Nakatali ang kanyang mahabang buhok sa likuran. Nangingitim ang paligid ng kanyang mga mata, at may marka ng mga natuyong sugat sa kanyang balat, palatandaan ng paglalagi ng dimonyo sa kanyang katawan sa loob ng ilang araw. Dimonyo na hanggang ngayon ay hindi pa nila nakikilala.
Sa gilid, sinet-up ni Jules ang tripod at videocam. Nagsuot ang parapsychologist ng beanie sa ulo at nang tumingin siya kay Hannah ay nakita niyang giniginaw ang legs nito sa suot na leather skirt. Napangiti si Jules. Sinara ni Mark ang pintuan at lalong nagdilim ang kuwarto. In-on ni Bert ang emergency lamp sa sahig. Ang ilaw ay nagbigay ng malakas na anino nila sa loob ng kuwarto.
"Umpisahan na ba natin, Luisa?" tanong ni Father Paul. Nakaugalian na niyang magpaalam sa possessed as though isa itong pasyente.
"Yes, Father."
Sa tabi ng pari, hawak ni Elisa ang malaking bibliya na may nakapatong na libro ng Rite of Exorcism, Ritus Exorcizandi Obsessos a Daemonio na officially sanctioned ng Vatican. Mula roon babasahin nila ang mga dasal at mga responses.
Pinindot ni Jules ang record button ng videocam.
Itinaas ni Father Paul ang bakal na crucifix na hawak ng kanyang kanang kamay at trinace ang sign of the cross sa harapan ni Luisa.
In the name of the Father, and the Son and the Holy Spirit.
Sa kaliwang kamay ng pari ay bote ng holy water at kanyang winisikan si Luisa, na nagreact nang tamaan ng tubig. Winisikan din niya sina Elisa, Mark, Raquel at Bert. Pati na rin sina Jules at Hannah. Dinasal nila ang Litany of Saints.
Lord, have mercy.
Lord, have mercy.
Christ, have mercy.
Christ, have mercy.
God, the Son, Redeemer of the World.
Have mercy on us.
God, the Holy Spirit.
Have mercy on us.
Maya-maya'y unti-unting umungol si Luisa. Una'y sa boses niya pero habang tumatagal ay nag-iiba ito, lumalalim, nagiging boses ng lalaki.
St. Michael,
Pray for us.
St. Gabriel,
Pray for us.
St. Raphael,
Pray for us.
Nang mabanggit ang pangalan ng mga arkhangel ay biglang namuti ang mga mata ni Luisa, at lumabas mula sa bibig niya ang malalim na ungol, at mga kataga sa ibang salita. Patuloy ang dasal nila Father Paul.
Deliver us, O Lord, from every evil.
Deliver us, O Lord.
From all sin,
Deliver us, O Lord.
From your wrath,
Deliver us, O Lord.
Makarating sa Psalm 53, umuga ang kinauupuan ni Luisa at siya'y nagsimulang magkombulsyon. Ang mga dasal nila'y natabunan ng malakas na hangin na umihip sa loob ng kuwarto.
God, by your name save me, and by your might defend my cause.
God, hear my prayer, hearken to the words of my mouth.
For haughty men have risen up against me, and fierce men seek my life,
they set not God before their eyes. God is my helper, the Lord sustains my life.
Nayanig ang sahig at nagsipagkapitan sila. Natumba ang tripod ng videocam at itinayo muli ni Jules.
Save your servant,
Who trusts in you.
Let her find in you, a fortified tower.
Maya-maya ay narinig nila ang mga boses na tila nagmumula sa lahat ng sulok. Kinilabutan sila. Mga hiyaw ng mga kaluluwang nasusunog sa impiyerno. Nakaramdam ng pananakit ng ulo si Hannah, dinig niya ang mga boses hindi lamang sa kanyang tenga, kundi pati sa kanyang ulo. Nilapitan siya ni Jules at kumapit siya sa kanya.
In the face of the enemy.
Let the enemy have no power over her,
The son of inquity be powerless to harm her.
Hinawakan ni Father Paul si Luisa sa ulo at nagdasal:
God, creator and defender of the human race, who made man in your own image, look down in pity on your servant Luisa Salve Bañes, now in the toils of the unclean spirit, sworn foe of our race. Repel, O Lord, the devil's power. By the sign of your name, let your servant be protected in mind and body. We call on your holy name, for the evil spirit to retreat in terror and defeat, so that this servant of yours may be free and praise you, through Christ our Lord.
Namilipit si Luisa. Nayanig ang kuwarto sa malakas na ungol ng dimonyo.
Pagkatapos ay walang anu-ano'y, biglang nanahimik.
Nawala ang hangin, nawala ang boses ng mga kaluluwa.
Natigilan sila sa pagdarasal at kanilang pinakiramdaman ang katahimikan.
At mula sa pintuan, narinig nila ang mahihinang katok. Napaatras sina Mark at Bert na nakatayo malapit doon.
"Papasukin n'yo kami..." sabi ng mga boses mula sa labas ng pintuan. Boses na lumulutang sa hangin. "Buksan n'yo ang pintuan. Mainit dito, nasusunog kami, gusto namin sa lamig..."
Tumingin si Father Paul kina Mark at Bert at sumenyas na huwag pakinggan ang mapaglinlang na dimonyo.
"Father..." nagsalita si Luisa.
Nang lumingon si Father Paul kay Luisa ay nakiya niyang nakangiti ito, ang mga mata na puro puti ay nakatitig sa kanya.
"Palayain mo na ako, Father...hinihintay na nila ako..."
Nagulat si Father Paul. Humigpit ang hawak niya sa crucifix at kanyang tinapat ito kay Luisa.
I cast you out, unclean spirit, along with every Satanic power of the enemy, every spectre from hell, and all your fell companions. In the name of our Lord Jesus Christ. Begone and stay far from ths creature of God. Speak your name, demon! For it is He who commands you!
Winisikan ni Father Paul ng holy water si Luisa at napaso ang balat nito. Umungol ang dimonyo na nasa kanyang katawan.
It is the power of Christ that compels you!
Na paulit-ulit nilang lahat na sinabi.
It is the power of Christ that compels you!
It is the power of Christ that compels you!
Speak your name, demon! Sigaw ni Father Paul.
It is the power of Christ that compels you!
It is the power of Christ that compels you!
Nayanig ang buong bahay na para bang lumilindol. Nagbalik ang malakas na hangin at bumaba pa ang temperatura. Nagsipagkapitan sila. May paninigas sa kanilang mga kamay dahil sa lamig.
SPEAK YOUR NAME! sigaw ni Father Paul. Nage-echo ang boses niya. At naramdaman ng dimonyo ang kapangyarihan ng Diyos sa mga salita ng pari, at siya'y binihag nito.
"MAGKIKITA ULI TAYO, FATHER!" sigaw ng dimonyo.
Pagkatapos ay sinabi ng dimonyo ang kanyang pangalan.
Batraal.
At nang ibuka ni Luisa ang kanyang bibig ay lumabas ang kulay itim na usok na naglakbay paitaas hanggang sa nawala sa kisame.
Nilisan ng dimonyong si Batraal ang katawan ni Luisa.
At lahat ay nagbalik sa normal.
#
1:40PM.
Pauwi ng Manila sa Hi-Ace ay tahimik ang biyahe nina Jules, Hannah at Father Paul. Bigla silang binawian ng pagod sa tatlong araw na ginawang exorcism ni Luisa Bañes. Lubos ang pasasalamat ni Mark na magaling na ang kanyang asawa, ganoon din sina Elisa at iba pa, na sa wakas ay babalik na muli sa normal ang kanilang buhay.
Nagsindi ng yosi si Hannah at binuksan ang kanyang bintana. Walang kibong nagbukas din ng mga bintana sina Jules at Father Paul. Iniisip pa nila ang kakapangyari pa lamang na exorcism at may kanya-kanya silang iniisip na tungkol doon. Mga bagay na hindi pa nila ma-share.
Bumuga ng usok si Hannah at tumingin sa gawi ni Jules. May ginawa si Jules kanina na na-appreciate lang niya.
"Jules, salamat pala kanina..."
Napatingin ang parapsychologist.
"Salamat saan?" hindi sure si Jules sa sinasabi ni Hannah.
"Nung nahilo ako, inalalayan mo ako..." siryosong ngiti ng psychic.
"Ah..." at naalala ni Jules. "Okay lang, wala 'yun."
"So magpapakain ka na?"
"Ba't ako magpapakain?" pagtataka ni Jules.
"Naka-tsansing ka eh."
Nanlaki mata ni Jules, "Wow! Ako pa ngayon ang..."
"Joke lang!" tawa ni Hannah. "May McDo sa Quezon Ave. mag drive-thru naman tayo."
"Ok, fine," buntong-hininga ni Jules at lumingon kay Father Paul sa likuran. "Father, okay lang ba kayo sa McDo na naman?"
Ngumiti si Father Paul, "Okay lang."
Sa QC Circle, may konting traffic paliko ng Quezon Avenue. Matapos nilang dumaan sa McDo ay lumuwag na ang traffic hanggang Welcome Rotonda. At makarating sa Manila Cathedral sa Intramuros ay nagkaroon na sila ng panibagong sigla nang magkalaman ang mga tiyan.
"Nasaan si bishop?"
Tanong ni Jules sa secretary ni Bishop Israel. Wala ang obispo sa kanyang office.
"Wala pong sinabi sa akin," ani ng secretary, na dalawang buwan pa lamang na bagong hire. Matangkad na babaeng may kapayatan at makapal ang salamin.
"Tara baka nasa library," pabulong na sabi ni Jules kina Hannah at Father Paul.
Ang tinutukoy ni Jules ay isang sikretong lugar na pagmamay-ari ng simbahang Katoliko na naglalaman ng mga ancient manuscripts, documents, maps, rare books at copies ng Dead Sea Scrolls, Tao Te Ching, Bhagavad Gita, Torah, Quran at The Egyptian Book of the Dead, as well as ng Necronomicon at The Satanic Bible. Ang library ay nakatago sa loob ng isang Spanish-era building na may religious bookstore sa baba.
Paalis na sila Jules para pumunta doon nang may pahabol ang secretary.
"By the way, may bisita si bishop na pari na hinahanap din kayo..."
"Anong hitsura?" gulat na tanong ni Hannah.
"Foreigner," sabi ng secretary. "Nakakatakot kung makatingin."
Nagkatinginan sina Jules, Hannah at Father Paul at sabay-sabay na ngumiti. Kanina pa raw naghihintay ang foreigner na pari sa conference room. Nagmamadaling pumunta roon ang tatlo, ganoon na lang ang sabik nila na makitang muli ang matalik nilang kaibigang Rwandan.
"Father Deng!" malakas na tawag ni Hannah pagpasok nila ng kuwarto.
Walang sumagot sa kanya.
Pagka't si Father Deng ay nakatulog sa kanyang upuan. Magkakapit ang dalawang kamay na nakapatong sa kanyang tiyan at may mahinang hilik. Suot niya'y itim na pampari.
Naaaliw nilang pinagmasdan si Father Deng bago nila naisipang gisingin.
"Jesus Almighte!" gulat na bigkas ng Aprikano nang magising at agad na ngumiti nang makita sila. "Father Paul! Jules! Hennah!"
"Welcome back, Father," sabi ni Jules.
NEXT CHAPTER: "Isang Reunion"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top