Pro.
Marahas akong napatingin sa aking likod ng makaramdam ako ng isang bagay na papalapit sakin at hindi nga ako nagkamali dahil nang saktong
Paglingon ko ay ilang dipa na lang ang layo sakin ng bola ng baseball na binato ng isa sa mga kalaban ko na bumangon lang ulit. at dahil narin sa angking bilis agad ko itong iniwasan sa pamamagitan ng pagyuko, pagkalagpas sakin ng bola ay syang hudyat ko ng pagsugod sa nagbato nito. Mabilis kong tinakbo ang aming pagitan tsaka sya diretsong sinapak sa muka na nagpabulagta sa kanyang kinatatayuan. Nang masigurong tulog na ito ay tsaka ako tumayo ng maayos at pinagmasdan ang paligid ko.
All Down. I'm free to go now. Haist.
MABAGAL akong naglalakad sa isang gilid na daan habang hawak ang strap ng backpack na nakalagay sa likod ko.
Parang kanina lang 1 hour ago ganito din ginagawa ko ng harangin ako ng limang mga tambay sa isang kanto na dinadaanan ko. Hindi ko na sana papansinin at lalagpasan na lang nang may isa sa kanila ang humawak sa maselang bahagi sa likuran ko. At dahil narin sa pagiging bayolente agad itong nakatikim ng isang masarap na sapak. And then you know what happen next.
'Eeenngggkk'
Ang nakakarinding tunog na'yan ay galing sa gate namin pagbinubuksan. Ang creepy lang diba?? Pero bayae na. Tunog lang naman yan... -_- .
Booogggssshhh!!
Klaaannggg!
Klaaaanngg!
Boooggsshhh!
"Punyemas ka!! Ang kapal ng pagmumuka mo!!"- * Hagis ng kaldero*
Boooggsshhh!
"Ano ba Marga!! Pvnyet@!! Sinabi nang wala lang yun eh! Ano ba?!!"-Naiinis namang sagot ng lalaking pilit na umiiwas sa mga nagliliparang gamit galing sa kusina.
"Aba talagang may gana ka pang magsinungaling!!! Nakita kita t@rant@do ka!!! Ang sarap ng halikan nyo ng haliparot na yon! Anoo?!!! Magsabi ka ng totoo!! Magkano binayad mo dun ha?!?!? AT SAAN KA KUMUHA NG PERAAA?!?!?!?!?!"-Ang makabasag tengang sigaw ni ina.
Oo. Mama ko ang nagbubunga-nga na yan. At sya rin ang nagbabato ng mga gamit sa kusina. Binabato nya yung tatay kong nagpupumilip magtago sa sofa namen makaiwas lang.
Nagaaway nanaman sila dahil sa pambababae ni papa. Nahuli nya na suguro.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top