CHAPTER ONE
"Kasalan lahat ito ni Anino! Nawala lahat sa akin... Ang aking asawa... Ang aking mga anak! Wala na!" paninisi ng isang lalaki. He swore in front of his four companions, "Magbabayad siya!"
Mahigit isang taon na rin ang nakalipas buhat ng manakop muli ang mga Metal - isang grupo ng mga alien species na nanggaling sa isang asteriod na tumama sa mundo, milyong taon nang nakalipas. This was the same asteriod that killed the dinosaurs. The horrific foreign beings were somehow subdued by Kalikasan, the high goddess assigned by Bathala to protect the earth. She was able to lock them up into the depts of the earth. Pero ngayon, malaya na muli ang mga Metal. Si Anino, ang diyos ng poot at dilim ang sinisisi ng lahat.
Dati iilan lamang sa mga mortal na tao ang nakakaalam tungkol sa mga elemental na nilalang at sa mga diyos at diyosa na hinirang ni Kalikasan pero ngayon, laganap na ang impormasyon tungkol sa mga ito at sa elemental na mundo. Everything was exposed when the mortal world and the elemental world got mixed in together. The reason why the veil that seperates the two worlds disappeared was still unknown. Ang bagong realidad ay mas nakaapekto sa mga diwata at engkantado dahil nawala ang kani-kanilang elemental na kapangyarihan. This was a huge change of lifestyle which they could never accept. At walang ibang may kasalanan kundi si Anino.
Kahit may iisang kalaban, hindi nagtulungan ang mga tao at ang mga elemental na nilalang. Ito ang dahilan na kahit dalawang mundo na ang nag-isa ay madali pa rin nakapaghasik ng lagim ang mga Metal. Oo, kasalanan pa rin ito ni Anino.
"Tama! Magiging masaya lamang ako kapag napatay natin siya!" pagsang-ayon ng isa at kinasa ang hawak-hawak na baril.
Ang limang kalalakihan ay nagmula sa isang maliit na grupo ng mga tao na nakaligtas sa pananakop dahil sa pagtago sa mga kanal at lagusan sa ilalim ng lupa. They planned this for weeks. Kahit may mga tumangging makiisa at dahil na rin sa takot na mabihag ng mga Metal, nagmatigas ang limang ito at nagpatuloy sa kanilang paghihiganti. They gathered their confidence of killing Anino from their hate and desire for revenge.
With the constant fight with the Metal beings, vital information was gathered by those who persisted and sacrificed their lives. Natuklasan na ang mga Metal ay may ranking ayon sa uri. Ang mga kawal na Steel at Iron ay hindi katalinuhan. They were the lowest in the ranking.
Maraming mga tao ang nakaligtas sa paggamit ng kahit ano mang kasuotang gawa sa metal gaya ng baluti at helmet. Saglit na mapapaisip at matitigilan ang mga Steel at Iron kung kapwang Metal ba ang naglalakad malapit o kahit tumatakbo papalayo sa kanila. This confusion saved lives. Ang tanging paraan upang makalabas ang mga tao mula sa kanilang pinagtataguan para makapaghanap ng makakain at maiinom ay kapag ganitong uri ng Metal ang nasa labas at nagbabantay.
"Patayin si Anino!" a man said excitedly as he fixed a helmet on his head. Kagaya ng kanyang mga kasamahan, suot niya ang damit na dinikitan ng mga piraso ng yero at bakal. Mayroon din siyang kadena na ginawa niyang kwintas. He's pleased with his "astig" OOTD.
"Sigurado kayo na nandun nga si Anino? Doon sa sirang school na Owkward Academy? Hindi ba sabi lang naman ito ng isang duwende na naligaw sa tinataguan natin?"
"Oo!" iritableng sagot ng may hawak ng baril. Siya ang tumatayong lider at nagpasimuno ng paghihiganti. "Sinigurado ko, syempre! Ano sa tingin mo?! Hindi ako tanga para ipahamak ko ang sarili! Wala akong tiwala dun sa duwende kaya naman ako mismo ang nagmasid sa school ng ilang araw. At sa wakas, kahapon lang ay may nakita nga akong lalaki at tiyak akong si Anino iyon! Kung ako lang, sana sinugod ko na siya pero alam ko naman na galit na galit din kayo sa kanya kaya isinama ko kayo ngayon."
"Haha! Pagtulungan natin patayin si Anino!" masayang sabi ng isa.
"Teka, hindi ba dati siyang diyos?" tanong ng tanging kinakabahan sa grupo. His four companions looked at him with disdain.
"Dating diyos na naging tao!" sagot ng lider. "Parusa sa kanya ng kanyang kapwa diyos at diyosa dahil sa ginawa niyang kahibangan! Tingnan mo ngayon, hindi man lang siya tinutulungan ng mga Metal! Mabuti nga na tao na lang siya, mas madaling patayin!"
"PATAYIN SI ANINO!" sigaw ng isa.
Napailing ang lider at binatukan ang sumigaw. "Gago, baka may Metal na makarinig sa atin!" paalala niya.
***
Ang lima ay nagmasid sa kanilang paligid habang nakatago sa likod ng isang gumuhong pader ng entrance ng Owkward Academy. It was once the most esteemed elite private school in the whole country, now turned into ruins.
"Mga pre, ano yun?" sambit ng isa at tinuro ang isang butas sa pagitan ng nakatumbang puno na hindi kalayuan sa kanilang pinagtataguan. A pair of yellow eyes was observing them.
"Meow." Isang itim na pusa ang lumabas mula sa butas at dali-daling tumakbo papalayo.
"Naku, kala ko kung ano!" inis na sambit ng lider at binatukan ang nakakita. "Pusa lang pala! Imposible naman na nanunuod ang pusa at nakikinig sa ating pinag-uusapan!"
Natawa ang lima at hindi na pinansin ang pusa. However, the leader was correct, the cat was indeed listening and watching them. Nais din makasiguro ng pusa na nasa sirang eskwelahan nga si Anino.
"Hindi sayang ang pagpunta natin dito. Nandito nga si Anino," the talking black cat confirmed. Tumango ang kausap nito na sa pambihirang pagkakataon ay hindi naman nagsasalita. Ang piping diwatang ito ay si Mayumi,
"Sundan natin ang mga lalaking naghahanap kay Anino."
Gumalaw ang bibig ni Mayumi na para bang may sinasabi pero wala namang boses na lumalabas.
"Galit sila kay Anino. Gusto nilang maghiganti." sagot ng pusa na naiintindihan ang piping diwata. May kakaibang kakayahan ang pusa na makipag-ugnayan gamit ang isip. The cat's name was Itim.
Matagal ang paglalakbay at malayo ang pinanggalingan nina Mayumi at Itim para lang makapunta sa sirang school. Sila ay naglakad lamang. All the modes of transportation that were made in metal were confiscated by the Metal beings and taken to their factories. Tinutunaw nila ang mga ito upang gumawa pa ng mas maraming kauri nila.
Si Mayumi, bilang isang diwata ay may pakpak na maari niyang gamitin sa paglipad. But she can easily be spotted by the Metal beings. Hindi din naman lingid sa kanya na may mga tao pa ring ayaw makipagtulungan sa mga diwata at engkantado. Staying on foot and keeping her wings beneath the clothes she's wearing were mostly for her safety.
Dahil sa pipi, madali lang kay Mayumi na magtago ng walang ingay. Dahil din sanay sa paglipad, ang kanyang paglakad ay animo'y sa balerina, magaan at kaisa ang hangin. Si Itim na isang pusa ay magaling sumiksik sa kahit anong pwedeng pagtaguan. It also helped that his fur was jet-black - great in blending with the shadowed places.
Tahimik nilang sinundan ang limang lalaki na pumasok sa nag-iisang gusaling nakatayo, ang school library. Mukha mang maayos ang main entrance dahil sa mga naglalakihang pillars na nakasuporta, ang mga pader ay marupok na at kahit anong oras ay maaring gumuho.
***
"ANINO! LUMABAS KA! ANINO, HAYOP KA!" sigaw ng lider na punong-puno ng galit. Dinama ng kanyang daliri ang gatilyo ng kanyang katago-tagong baril, handang pindutin sa oras na makita niya ang puno't dulo ng pagbabago ng kanyang kinagisnang mundo.
May ilang minutong katahimikan ang makalat na loob ng librart pero napawi ito nang may umubo sa pagitan ng mga nagtumbahang bookshelves.
"Si Ani-" bago pa masabi ng kanyang kasama ang buong pangalan ay pinagbabaril ng lider ang direksyon ng mga shelves.
"MAMATAY KA! MAMATAY KA!"
"AAAHHHH!" nagulat ang dalawa sa lima dahil biglang natumba ang iba pang nagtataasang bookshelves na nakasandal lang sa isa't-isa at sila ay natabunan.
"Aba, Aba mukhang pinaghandaan mo ang pagdating namin!" sambit ng lider sabay paputok ng baril sa parteng madilim na malapit lang sa nagtumbahang shelves. Maririnig ang tunog ng mga patakbong yabag ng paa.
"Huli ka!" sigaw ng lalaking may helmet at kadenang kwintas na nakaabang na pala sa kabilang parte ng pabilog na bulwagan ng school library.
"Patay ka na ngayon! Hahaha!" natutuwang sambit ng isa na tumulong sa pagharang sa pintuan papalabas ng bulwagan. May hawak siyang punyal.
Hinarangan nila ang isang payat na payat na lalaki, madumi ang kasuotan at ang mukha nito ay nakakubli sa makapal at napakahabang puting buhok. Kapansin-pansin ang sariwang mantsa ng dugo sa parteng tiyan.
"Hahaha! Tingnan mo ngayon ng kalunos-lunos mong itsura!" puna ng lider. "At mukhang hindi na rin magtatagal buhay mo! Swerte mo, tutulungan kitang mamatay!"
Lumapit ang lider at ginanutan ang buhok ni Anino upang iharap ito sa kanya. A pale expressionless face looked at him.
"Bakit ganyan ka makatingin!" sigaw ng lider dahil mapanginsulto ang tingin sa kanya nito.
"You're damn ugly." sagot ni Anino
"Anong sabi mo?!" nagalit ang lider at sinadyang suntukin ang nagdurugong sugat ni Anino sa may tiyan.
"AARGHH!" napasigaw si Anino sa sakit at napabuga ng dugo. Ayaw niyang umiyak dahil para sa kanya ang pagluha ay kahinaan. He endured the pain. "Yan lang ba ang kaya mo, tao?" pinunasan niya ang dugo sa kanyang labi at nagawa pa niyang maghamon. Pinilit niyang tumayo ng tuwid kahit nanginginig ang mga tuhod. He need to show that he's above their pathetic lives.
"Ang yabang mo din. Haha!" the leader laughed in amusement. "Kanina gusto kitang patayin agad pero dahil sa kayabangan mo, mas gusto kong pahirapan ka muna! Tao ako, eh ikaw? Tao ka na lang din ngayon!"
"Hindi ako tao! Isa akong diyos! I AM A GOD!" giit ni Anino. Kailan man hindi niya matatanggap ang kanyang pagiging tao.
"Sige, sabi mo eh! Haha! Bugbugin na natin itong baliw na ito!" udyok ng lider. Muli niyang sinuntok ang namamagang tiyan ni Anino.
"Lagot ka sa amin! Magbabayad ka!" sigaw ng isa sa mga natabunan ng mga bookshelves kanina.
The five men beat up Anino. Mas kinatuwa nila ang patuloy na pagtanggi nito sa katotohanang isa na siyang mortal. Kasabay ng bawat suntok at sipa ay ang pagtawag nila sa kanya bilang hamak na tao na lamang na labis na tumatama sa mataas na tingin ni Anino sa sarili.
"No! Hindi ako tao! Diyos ako! Diyos ako!" Anino kept on shouting. He'll rather get beat up to death than to admit that he's a mortal.
"Grabe ang tigas talaga ng ulo nito!" napupunong sambit ng lider. "Tama na. Wawakasan ko na ang kahibangan mo!" kinasa na niya ang kanyang baril. Agad namang lumayo ang apat niyang kasama.
Hindi rin nag-aksaya ng panahon si Mayumi at agad tumakbo upang pumagitna sa lider at kay Anino.
"Huh?! Saan ka nanggaling bata ka?" gulat na sambit ng lider.
Nais mang magsalita ni Mayumi, alam niyang walang patutunguhan dahil sa pipi siya. Tiningnan niya sa mga mata ang lider upang kahit papano ay mapigilan niya ito sa pagpatay.
"Umalis ka bata ka kung ayaw mong madamay dito!" giit ng Lider. Nanginginig na ang kanyang mga kamay dahil hindi kailan man sumagi sa kanyang isip ang tutukan ng baril ang isang bata. Napakaamo at inosente ang mukha nito at masasabi niyang kaedad nito ng kanyang namatay na anak. "Ayaw kong madamay ka, iha... U-Umalis ka dyan."
Napangiti si Anino dahil ito ay isang pagkakataon para siya ay makatakas. He noticed the dagger the other man was holding. He hastily grabbed it then pulled Mayumi into his arms.
"Lumayo kayo! kung ayaw ninyong mamatay itong batang ito!" pagbabanta ni Anino habang nakatutok ang punyal sa leeg ni Mayumi
"Ubod ka ng sama! Pati bata idadamay mo!" galit na galit na sigaw ng lider. Nais na niyang barilin si Anino pero ginawang panangga nito ang batang babae.
Dali-daling hinila ni Anino ang nagpupumiglas na si Mayumi papunta sa labasan ng bulwagan ng library. Nang makarating sila sa pintuan ay tinulak niya ito pabalik sa loob habang siya naman ay palabas. Sinadya din niyang sipain ang isa sa mga poste na nananatiling nagpapatayo sa bulwagan. Nanginig ang buong library at tuluyang gumuho. Naiwan sa loob ang limang lalaki at si Mayumi.
***
"Hahaha! Buti nga sa inyo. Akala nyo mapapatay nyo ako? HINDE! Hahaha!" masayang hayag ni Anino.
He sighed and closed his eyes. Nanginginig na kinapa niya ang nagdurugong sugat sa tiyan. Naging sariwa na naman ang sugat dahil ito ang pinuruhan ng mga lalaki sa kanilang pangbubugbog. Napakatagal na at hindi gumaling-galing ang sugat na kanyang natamo noong unang gabi na naghasik ng lagim ang mga Metal. Ito ang gabi na mula sa isang diyos ay naging mortal na tao na lamang siya. He knew that the person who stabbed him was the real culprit of the destruction of the two worlds. He wanted to take revenge but until now he has no idea who that person was.
"Hindi ako dapat mamatay hangga't hindi pa ako nakakaganti sa sumaksak sa akin. Siya ang dahilan kaya nagdurusa ako bilang isang mahinang tao!" sambit ni Anino para sa kanyang sarili. "I WILL NOT DIE!"
"Kaya ayos lang sa iyo na may mamatay na ibang tao?" isang boses ang biglang nagsalita.
"Huh? Sino yan?" Napalingon si Anino pero walang ibang tao sa kanyang paligid.
"Sadyang napakasama mo, Anino."
"Oo, masama ako! Kaya nga ako tinawag nilang diyos ng poot at dilim!" sagot niya. "Kung sino ka man lumabas ka!"
"Hindi ka na diyos! Isa ka nang tao!"
"Hinde! Hindi ako tao! Diyos ako! Diyos ako!" Anino insisted. Nilibot na niya ang kanyang paningin at tinalasan ang pandinig pero hindi pa rin niya masabi ang pinagmumulan ng boses.
"Kahit anong sabihin mo, tao ka na. Wala ka nang magagawa kundi tanggapin ang kinahinatnan mo. Marahil isa nga itong parusa sa lahat ng kasamaan mo. Tama nga ang mga tao, diwata at engkanto, kasalanan mo nga ang lahat ng ito!"
"Kasalanan ko?! HINDI AKO ANG NAGPAKAWALA SA MGA METAL! Wala akong kasalanan."
"Pero hindi ba masama ka? Pinagyayabang mo nga ang kasamaan mo kaya natural na ikaw ang sisihin ng lahat."
"They are wrong! Hindi ako!" napasigaw na si Anino dahil sa sobrang galit. Alam niya sa kanyang sarili na wala siyang kinalaman. "Kagaya ng lahat biktima din ako!"
"Kung biktima ka lang bakit lalo mong ginagalit ang mga tao? Sa tingin mo ba may maniniwala sa iyo na biktima ka lang din kung hinayaan mong makulong ang limang lalaki at isang bata sa gumuhong gusali?"
"Kasalanan nila. Gusto nila akong patayin!"
"Eh yung batang pumigil sa pagbaril sa iyo? Nais ba niyang ikaw ay patayin? Niligtas ka niya pero dinamay mo siya."
Anino was stood speechless. Napahawak siya sa kanyang dibdib. May tumitibok sa loob nito. Kung masakit ang kanyang sugat, mas masakit ang parteng ito. Wala siya nito dati pero ngayon, ang tumitibok na puso ay nagbibigay sa kanya ng mga hindi pamilyar na emosyon - mga emosyong gaya ng pagmamalasakit sa kapwa. He may deny it but this heart triggered his conscience.
"Hindi! Wala akong konsensya." pagmamatigas ni Anino.
"Masama ka nga, Anino. Isa ka ngang salot. Wala kang karapatang mabuhay."
"At sino ka para sabihing wala akong karapatang mabuhay?!"
"Sa ngayon, oo. Marahil swerte ka na limang tao lamang ang sumugod sa iyo. Pero wala kang takas kung mas malaking bilang ang makakita sa iyo. Tandaan mong hindi lang mga tao ang may galit sa iyo, kahit ang mga diwata at engkantado. Dalawang mundo laban sa iyo, mabubuhay ka pa kaya?"
"Grrr! Ginagalit mo ako! Who are you?"
"Sino ako? Ako lang naman ang nakakaalam ng lahat. Ang katotohanan."
"Anong katotohanan?"
"Ang katotohanan na hindi ikaw ang nagpakawala sa mga Metal at na ikaw ay isang biktima lamang." lumabas si Itim mula sa kinatataguan.
Nanlaki ang mga mata ni Anino pagkakita sa nagsasalitang pusa. Pangkaraniwan lamang sa kanya ang mga nagsasalitang hayop, pero sa pusang ito, nakaramdam siya ng saya nang makita ito. May kung anong hindi malinaw na alaala ang nagsasabing kilala niya ito at mapagkakatiwalaan.
"Ako si Itim." pagpapakilala ng pusa.
"Itim? Bakit parang pamilyar ka sa akin?" tanong ni Anino.
Hindi sumagot si itim.
"Paano mo nalaman na wala akong kasalanan sa pagpapalaya sa mga Metal?"
"May isang saksi. May nag-iisang nakaligtas nang sumugod ang reyna ng mga Metal na si Platinum sa tahanan ng mga diyos at diyosa. Nakita niya lahat."
Naging maaliwalas ang mukha ni Anino at sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng pag-asa . Bilang diyos ng poot at dilim dati, siya ang nagdadala ng kawalang pag-asa pero ngayon bilang tao, kakaiba ang ligayang hatid nang makadama siya ng kahit kaunting pag-asa. It's like a beacon of light in the midst of darkness.
"N-Nasaan ang saksi? Nasaan siya?!"
Umiling si Itim at tinitigan si Anino sa mga mata para malaman nito ang kanyang pagkadismaya. "Ang batang dinamay mo sa pagguho ay isang diwata. Siya ang saksing hinahanap mo."
Napanganga si Anino. Isa na namang hindi pamilyar na pakiramdam ang nadama niya - ang pagsisisi.
"H-Hindi... Hindi!" napaluhod siya sa harap ng gumuhong gusali. "Ano itong nagawa ko? B-Bakit ko ba dinamay ang bata? Bakit ba napakasama ko?!"
"Ang pag-amin sa kasalanan ay tanda na hindi ka purong masama, Anino," sambit ni Itim. "Alam mo sa sarili mo na kahit noong diyos ka pa, kahit ikaw ang diyos ng poot at dilim, kahit papano ay may kabutihan din naman."
"P-Pano na? Ano na ang gagawin ko?" Such a rare sight but Anino's face showed desperation. His heart was beating fast in fear and worry.
"Anong sa tingin mo ang dapat gawin?" balik na tanong ni Itim. "Walang mangyayari kung hindi ka kikilos.
Anino understood what he must do.
"Anong pangalan ng batang diwata?" tanong ni Anino.
"Mayumi."
"MAYUMI! Sumagot ka! Nasaan ka?!" sigaw ni Anino.
"Anino, si Mayumi ay-" sasabihin sana ni Itim na ang diwata ay pipi pero sa pagtapak ni Anino sa isang kumpol ng mga bato ay gumuho at nagkaroon ng malaking butas.
"TULONG! TULUNGAN NYO KAMI!" sigaw ng lider ng mga lalaki mula sa butas.
Saglit na napatingin si Anino sa butas at hindi gumalaw. Kung si Mayumi ang nagsalita ay agad niyang tutulungan pero ang lider pa mismo ng mga nais pumatay sa kanya ang humihingi ng tulong. He hesitated.
"Ito na ang pagkakataon mo upang patunayan na mali sila sa binibintang nila sa iyo." paalala ni Itim sa nagdadalawang isip na si Anino. "Magpakita ka ng kabutihan para kabutihan din ang ibabalik nila sa iyo."
Napahinga ng malalim si Anino. He's having a hard time to decide - the good and the bad in his head were fighting. Natural sa kanya ang hayaan na lang ang lider at wag itong tulungan. May atraso ito sa kanya kaya dapat itong pabayaan. Pero nagkaroon ng boses ang kabutihan sa kanyang isipan, dagdagan pa ng pangungunsensya sa kanya ni Itim.
"Ano pang hinihintay mo?!" Itim raised his voice to snap Anino from hesitation.
Nataranta bigla si Anino at dali-daling inabot ang kamay sa lider upang tulungan itong makalabas sa butas ng gumuhong library.
Palihim na natawa si Itim. Kailangan pa talagang sindakin si Anino para lang gumawa ng mabuti. Pero hindi rin naman niya ito masisi dahil kasamaan na ang kinagisnan nito.
***
"Ikaw?!" gulat na sambit ng lider nang mapagtanto na si Anino ang nagligtas sa kanya. Napaatras ito dahil hindi makapaniwala. "Bakit-"
"TULONG!" sigaw ng mga kasamahan ng lider na naiwan pa sa ilalim ng butas.
"Gulat ka? Ako man gulat din sa sarili ko." sagot ni Anino.
Napailing si Itim. "Bago kayo maggulatan dyan, tulungan ninyo muna ang iba!" saway niya.
Napanganga ang lider dahil sa nagsasalitang pusa pero tama nga ito, kailangang tulungan din nila ang mga kasama.
Impossible man kung iisipin, pero he'to si Anino, tinutulungan ang mga nais pumatay sa kanya. Nang makalabas na ang apat na kasamahan ng lider, may saglit na katahimikan dahil hindi malaman ng lima kung magpapasalamat ba sila o hindi kay Anino.
"Gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi ako ang nagpakawala sa mga Metal. Biktima din ako dito." sambit ni Anino. "Wala na akong pakialam kung maniwala kayo o hindi."
"Kung hindi ikaw, sino?!" sagot ng lider dahil kahit may pasasalamat, hindi pa rin agad mawawala ang galit sa kanyang kalooban. "Kung akala mo magbabago ang tingin namin sa iyo, nagkakamali ka!"
"Inuulit ko wala na akong pakialam sa sabihin mo!" giit ni Anino.
Sasagot pa sana ang lider ng lahat sila ay napalingon sa pinagmulan ng malakas na kalampagan ng mga metal. Isang tambuhalang Iron na hugis leon ang papalapit sa kanila.
"MAY METAL! WALA NA! MAHUHULI NA TAYO!" sigaw ng isa sa mga kasamahan ng lider.
"Paano na?!" natatakot na sambit ng may helmet.
Napakamot sa ulo ang lider. Nais niyang batukan ang mga kasama pero sinantabi niya muna.
"Di nyo rin ginagamit ang inyong utak. Isa iyang Iron. Bobo yan. May metal tayong kasuotan, hindi tayo mapapansin nyan!" saad ng lider.
"Eh, sino ang nakikita nya-?" ang lima ay napatingin kay Anino. He's the only one was has no metal in his ragged clothing.
"SIGE! TUMAKBO NA KAYO!"
Napatungo si Itim. "Magaling, mabilis ka palang matuto, Anino. Kaya mo ding magpakabayani."
Hindi na tumanggi ang limang lalaki at nagkanya-kanyang nagsipagtakbuhan upang magtago. Tama nga sila dahil ang atensyon ng Iron ay walang iba kundi kay Anino lamang.
It seemed a miracle that Anino suddenly wanted to be a hero and sacrifice himself to get the full attention of the Iron lion. However, the truth was, he just felt too weak to run. Tuluyan nang naubos ang kanyang lakas nang tulungan niya ang limang lalaki. Tumigil na sa pagdurugo ang sugat niya sa tiyan pero kapalit naman nito ay panghihina at matinding sakit sa ulo. Wala na siyang lakas kahit magtago man lang.
Lumapit ang Iron lion at ngumanga, handa nang sunggaban si Anino nang biglang may naglalakihang pader na bato ang humarang sa pagitan nito at ni Anino. Yumanig ang lupa at mula dito ay lumabas ang isang tambuhalang golem na bato. Binuksan nito ang malapad na palad at bumaba dito si Mayumi ng maayos at walang galos.
Anino suddenly felt a rush of adrenaline when he saw the rock golem. He was in shock. "Huh?! Akala ko ba wala na ang mga elementong kapangyarihan? Paanong nakapagtawag ng golem na bato si Mayumi?!"
"Wala ka kasing ginawa kundi ang magtago kaya may mga mahahalaga bagay kang nakaligtaan. Ang atensyon mo lang ay sa pagiging tao mo. Hindi mo alam na may pag-asa pa. May laban pa tayo sa mga Metal!" hayag ni Itim.
Hindi na nakasagot si Anino. Tama nga si Itim, puro sariling pagdurusa at kawalan ng pag-asa ang inatupag niya sa mga nakalipas na buwan. Hindi niya akalain na may pag-asa pa. Napapikit si Anino at sa unang pagkakataon ay ngumiti siya. Ganito pala ang pakiramdam ng makadama ng pag-asa.
"ANINO!" sigaw ni Itim.
Ito ang huling narinig ni Anino bago siya mawalan ng malay.
***
Thanks for reading! This is a REVISED VERSION 2024. Share some love by giving this chapter a vote! Kamusta naman ang chapter na ito? I would love to see your NEW comments!
Follow and support my Soc. Med. Accounts:
IG/X/Youtube/FB page: GILLANDICHO
IG Art account: gillandicho.art
BUY MY PUBLISHED BOOKS! Available online!
Summit Books:
ELEMENTO, published by Pop Fiction
The Day I Got Struck by Lightning, published by Genji Books
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top