Prologo: Ang Sakit ng Puson Ko

          Madilim ang gabi. Tahimik ang paligid. Ang panghi ng banyo.

          Nakaupo ako ngayon sa nag-iisang C.R. sa loob ng classroom namin. Maghahating-gabi na. Ang buong eskwelahan ay nagsasaya ngayon sa baba, sa may schoolground. Bahagya ko lang naririnig ang malakas na tugtugan.

          Sapo ng kanan kong kamay ang aking puson na paminsan-minsa'y napapakamot at napapakapit sa tela ng suot kong puting bistida.

          Vampire na White Lady, sabi ni Jovi. Yan daw ang bagay saking costume para sa Acquaintance Party ngayong gabi na may temang pagka-Halloween kahit malayo pa ang halloween at kasisimula pa lang ng pasukan.

          Ako naman itong si tanga, napauto. Naghanap pa ako ng fake na dugo para ilagay sa tabi ng labi ko. Eh, ang nakita ko lang yung gamit na kyutiks na nakita ko kanina. Ayan, tuyo na.

          Ang sakit. Ang sakit talaga ng puson ko. Alam mo yung feeling na mapapatae ka pero sa kabila nalabas. I mean, alam nyo na yun. Minsan nga akala ko utot lang. Napakapit yung isa ko pang kamay sa pader.

          Aray! Ang sakit. Napakagat ako ng labi. Saka ko lang namalayan, suot ko pa pala yung fake na pangil. Buong lakas ko tong tinanggal, may kasama pang laway.

          Pero wala na kong pakialam. Sa nararamdaman ko ngayon, daig ko pa ang nag-push up sa kisame. Dumadami na ang butil ng pawis sa mukha at leeg ko. Ang lagkit na ng buhok ko. At ang puson ko. Ayan na... Lalabas na.

          Ahhhhhhhhhh. It's a boy!

          Buti na lang walang tao ngayon sa buong room dahil lahat sila busy sa Acquaintance Party.

          Bahagyang nawala ang sakit. Tapos na ba? Salamat naman dahil sa ilang minuto lang kakanta na ang banda namin. Magpepresent na kami sa harap ng buong eskwelahan.

         Binuksan ko ang kandado at akmang tatayo nang bigla akong nalaglag sa sahig.

         Ouch! Tumama ang baba ko sa tiles. Nakagat ko tuloy ang dila ko. Kainis.

          Pero teka, bat hindi ako makakilos? Di ko nararamdaman ang mga binti ko, ang paa ko.

          Nilingin ko ang bowl. Nakaupo pa rin ako, I mean, ang kalahati ng katawan ko, nakaupo pa rin sa ibabaw ng mahiwagang bowl!

          Ano to?

          Hinawakan ko ang parte ng katawan ko kung saan dapat naroon ang ano ko. Ang ano. Yung ano. Yon. Yon nga. Pero ang nahipo ko lang ay malagkit na likido. Yuck! May napkin naman ako pero bakit may dugo.

          Tok. Tok. Tok.

          Oh, No! Bakit ngayon pa?

          "Gel? Angelica? Tapos ka na ba? Ang baho, ha!" tawag ni Jovi sa labas ng pinto.

          Bakit ngayon pa? Bakit hindi man lang tinapos muna yung party. Bakit kung kailan nasa rurok ako ng tagumpay.

          Biglang bumukas ang pinto at tumanaw ang bilugang mukha ni Jovi. Tatlong words lang ang huli kong natatandaan.

          "Gel? Success ba?"

*************************************************************

Kung nag-enjoy ka sa dinaranas ni Angelica, please wag kalimutang bumoto. Feel free to comment any suggestions.

This story might feel a little bit different but it shares the same universe with Balete Chronicles (https://www.wattpad.com/story/12103446-balete-chronicles-1-ang-alamat-ng-balete). So expect some character crossover and lots of mythological creatures.

-- Catam, B.C.A. of Klab Maharlika Laguna Chapter

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top