Epilogue (10/24/14)

Epilogue

 

 

[Jake’s POV]

 

5 YEARS LATER

 

 

“Palaging merong miracle. Minsan nangyayari ito sa maliliit at mga simpleng bagay kaya hindi natin ito napapansin. Minsan naman, nangyayari ito sa isang bagay na hindi natin inaasahan. And in my case, nangyari sa’kin ang isang miracle na hindi ko inaasahan. At ikaw ‘yun Japoy. You are my miracle.”

            Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi ni Dionne sa’kin nung araw ng kasal namin. Habang naka-tingin ako sa maluha-luha niyang mata nung panahon na ‘yun, doon ko na-realize lahat ng ibig niyang sabihin.

            That special day is our miracle. A day before our wedding, in-announce sa balita na may paparating na malakas na bagyo kinabukasan. Pero nung mismong araw ng kasal? Wala ni isang patak ng ulan. Hindi makulimlim. Mataas pa nga ang sikat ng araw eh.

            At parang mas naging maaliwalas ang kapaligiran when I saw her walking down the aisle while wearing a beautiful wedding gown.

            Ilang beses ko nang naranasan ang ganitong eksena sa mga pelikula, pero iba pa rin pala talaga pag totoo nang nangyayari. There’s this unexplainable feeling inside my heart. Parang sasabog sa halu-halong emosyon. Pero nang makarating siya sa dulo ng aisle at hinawakan ko ang kamay niya, iisang emosyon na lang ang naramdaman ko nun.

            Masaya. Masayang-masaya ako because I met this lovely angel who changed my whole life.

            God has been good to me and Dionne. After kasi ng kasal namin, marami siyang miracles at blessings na ibinigay sa aming dalawa.

            At ilan sa mga ‘yon, hindi ko talaga ine-expect na mangyayari.

            Bumaba ako sa kotse ko and I saw her running towards me. Her eyes sparkle and she’s wearing a very sweet and happy smile. Na para bang ang saya-saya niya na makita ako.

            “Dionne!”

            Nang makalapit siya sa’kin, she jumped into my arms and I hug her tightly.

            “Daddy! I miss you!”

            “I miss you too, little girl. How are you? Naging mabait ka ba nung wala ako?”

            “Opo!” masayang-masaya niyang sabi sa’kin.

            Binuhat ko siya at isinakay sa passenger’s seat, “pupuntahan natin si mommy ngayon.”

            “Yaaay! I miss her!”

            “I miss her too, little girl.”

            Nung huling buwan sa ibinigay na taning sa buhay ni Dionne ang isa sa pinaka-malungkot at masaya naming buwan dalawa. Pareho kasi naming alam na onting-onti na lang talaga ang natitirang oras na magkakasama kami kaya naman each day, we make the most of it. Na para bang ayun na ang huling araw niya.

            But then, God showed us another miracle.

            Lumagpas na ang tanging ng buhay ni Dionne pero hindi pa rin niya ako iniiwan. Kasama pa rin namin siya at buhay na buhay. I started seeing light again. Nabuhay ang pag-asa kong baka mas matagal ko pa siyang makasama.

            Ang isang buwan ay na-extend ng dalawa. Hanggang sa naging taon na, masiglang-masigla pa rin si Dionne.

            And then dumating sa buhay namin ang panibagong anghel. A few months after our wedding, nalaman kong nagdadalang-tao na si Dionne. We were so happy. Hindi kasi namin ine-expect na aabot pa kami sa puntong ‘yun. Naging maayos ang pag bubuntis ni Dionne. Hanggang sa manganak siya. Hanggang sa marinig namin ang malakas na iyak ng isang batang sanggol.

            It’s a girl. And we named her Maya Dionne Sy-Marquez.

            Tiningan ko si Dionne sa passenger’s seat at busy sa paglalaro ng manyikang hawak niya. Para siyang mini-version ni Dionne. Mula mata, labi at hugis ng mukha, kuhang-kuha niya sa mommy niya.

            Me and Dionne used to call her Maya.

            But after that incident, I started calling her Dionne.

            Inihinto ko ang sasakyan ko sa tapat ng isang sementeryo.

            Ang sementeryo kung saan nakalibing ang mahal kong asawa.

            Nag-lakad kaming dalawa ni baby Dionne papunta sa puntod ng asawa ko. Nang makarating kami dito, agad kong inilapag ang dala-dala kong bouquet ng flowers.

            “Daddy, maganda ba yung lugar kung nasaan si Mommy?”

            Binuhat ko ulit si baby Dionne.

            “Oo. Sobrang ganda. And I know, your mommy is very happy in that place.”

            Na-extend ng tatlong taon ang buhay ni Dionne na kasama kami. At yung tatlong taon na ‘yun ang hinding-hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko. Yun kasi ang pinaka-masayang pangyayari sa buhay ko. Lalo na nung dumating pa ang anak namin sa buhay namin.

            Bigla kong naalala yung time na sinugod ko si Dionne sa ospital dahil bigla-bigla siyang inatake sa puso.        

“Please don’t leave me. Not now. Please Dionne. Please. Please. Please,” paulit-ulit kong bulong sa kanya nun habang itinatakbo namin siya papunta sa emergency room.

            She’s unconscious. Nakapikit ang mata niya nun at higpit-higpit ng hawak ko sa kamay niya. Ayoko siyang bitiwan. Hindi ko siya kayang pakawalan. Natatakot ako na baka ito na ang huli. Na baka hindi ko na siya makitang dumilat pa.

            Pero nagulat ako dahil bago siya tuluyang maipasok sa emergency room, dumilat siya at tinignan niya ako.

            “Dionne!”

You are not alone now. You have Maya Dionne.”

            Dionne gave me a weak smile at napabitiw na ako sa kamay niya.

            “I love you,” hinang-hina niyang sabi sa’kin.

            At bago pa ako makasagot, hinarang na ako ng mga nurse. Sabi nila bawal ako sa loob. Hindi nila alam na yun na ang huling beses kong makikitang buhay ang asawa ko.

            After that incident, hindi ko alam kung paano ko pa ibabangon ang sarili ko. Habang nakatingin ako sa kabaong niya, parang may paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib ko.

            Mabigat. Sobrang sakit. Para akong unti-unting pinapatay kahit na alam kong hindi hihinto ang pag tibok ng puso ko.

            And then I saw our child. Our little angel. And I realized, siguro kaya hindi ako agad iniwan ni Dionne dahil alam niyang malulungkot ako ng husto pag nawala siya. That’s why she gave me a daughter.

            She gave me another reason to live kahit na wala na siya sa tabi ko.

            At dahil doon, nakayanan ko ulit bumangon.

            Tinignan ko ang puntod ni Dionne at nginitian ko ito at ibinulong ang mga katagang hindi ko na nagawa pang sabihin sa kanya bago siya mawala.

            “I love you very very much.”

            Naramdaman ko ang maliliit na daliri na humawak sa pisngi ko kaya naman napatingin ako sa anak ko.

            She is smiling brightly at me.

            “I love you too, daddy.”

End.

***

Author's Note:

Sorprays! Tapos na siya :D 

Alam ko maraming nag eexpect ng ibang ending pero in someways ginawa ko naman happy ending pa rin wahaha.

Pero my gash natapos ko rin. Sinimulan ko 'to isulat December 2011. Almost three years palang ongoing ang story na 'to. Ang dami rin kasing nangyari in between habang sinusulat ko siya kaya natagalan ako tapusin.

Sa mga readers ko na hindi bumitiw hanggang sa dulo, maraming maraming salamat po <3

Supposedly may book two ito but since tinapos ko na sa book 1 lahat, baka wala na. Kung meron man, iikot na lang siguro ang kwento sa ibang characters ng AiD :)

Salamat po sa pagbabasa. Sa mga napaiyak ko, thank you--este--sorry XD. Wag kayo magalala, umiyak din ako. Ang depressing kaya isulat ito. Wahaha.

Magiging book kaya 'to? Ipag-pray natin XD

Thank you po ulit.

<3 Ate A.

       

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #life#love