Chapter 8 *tears*

A/N:

Dears sa wattpad, teentalk and souersbelle (tagalog romance etc.) lang po ako nag po-post ng mga stories. If ever makita niyo ang story ko na posted sa ibang sites or ibang fb page, paki inform po ako ah? Salamat po! :)

How to prounce the names of my characters

Dionne = Di-yown

Maisie Shaey =  Mey-si Shey

***

Chapter 8

*tears*

[Jake’s POV]

“w-wag po! B-bitiwan niyo ko! Bitiwan niyo ko!”

Nasa isang madilim at isolated akong eskinita ng makita kong may apat na lalaking nakapalibot kay Venus.

“haha miss wag ka na kasing pumalag at sumama ka na lang saamin” inamoy nung lalaking mukhang unggoy ang buhok ni Venus “promise mag eenjoy ka”

Nakita ko ang takot sa mukha ni Venus at napaiyak na lang ito “w-wag, please.. wag”

Agad agad akong tumakbo sa kinaroroonan nila at hinatak si Venus palayo sa mga lalaking mukhang unggoy at puno ng bacteria sa katawan. Yuck! Ni hindi ata nila alam ang salitang “alcohol” eh! =__=

“pare ano ginagawa niyo sa girlfriend ko?!” tanong ko doon sa mga lalaki

“g-g-girlfriend mo siya?” nakita ko ang takot sa expression nila “s-sorry di namin alam. Akala namin eh—“

Tinignan ko sila ng masama at alam ko, naiintindihan na nila ang ibig sabihin ng mga tingin na to. Nagsitakbuhan na sila kung saan-saan

“tsk!”

“whoa you’re cool!” lumapit saakin si Rui at inakbayan ako “as expected from you bro!”

Hindi ko siya pinansin, instead hinubad ko yung jacket ko at ipinatong sa mga balikat ng nanginginig na si Venus.

“s-salamat”

I smile at her “no worries. Kung guguluhin ka pa ulit nila sabihin mo lang saakin” I winked then umalis na kami ni Rui.

“Okay CUT!” sigaw nung director “nice one Jake, Venus and Rui. You may rest for a while. Venus, we’ll shoot your next scene”

“yes direk” sagot ni Venus sa kanya

Napapunas ako ng pawis sa noo ko. Nandito kasi kami sa labas ng studio at nag sho-shooting sa may eskinita dito para sa movie at anak ng tokwa naman talaga, napakainit na, napaka baho pa! pinagpapawisan tuloy ako! Badtrip!!

“Japoy” lumapit saakin si Dionne at inabutan ako ng towel, malamig na tubig at alcohol

“tae ang init!” sabi ko sa kanya sabay kuha nung alcohol at lagay nito sa kamay ko

“you’re welcome” sagot naman niya sabay ngiti saakin

Sinimangutan ko siya “namimilosopo ka ba ha?!”

“hmm? Hindi bakit?” tanong niya saakin habang mukhang inosenteng inosente.

Pinagtitripan ba ko nito?! Tss pagod ako isa pa nayayamot ako sa paligid ko, pag ito hindi tumigil, ay naku di ko alam ang pwede ko magawa. =__=

“kunin mo nga yosi ko!” utos ko sa kanya

“yosi? Ano yun?” tanong ni Dionne

Napahilamos naman ako ng mukha gamit ang kamay ko “tang@ ka ba or what?! Hindi mo alam yun?! Yung nilagay ko sa pouch ng bag ko na color red yung case! Sigarilyo!”

“aahhh, yun ba yon?”

“oo yun yon! Kunin mo na!”

“ah tinapon ko na yun eh” ^__^

“HA?! TINAPON MO NA?! BAKIT MO TINAPON?!” anak ng pagong! Ano ba tong chimay na to!!

“di ba basura yun?”

“HINDI BASURA YUN! BOBO KA BA OH ANO?!” pinaiinit talaga ng chimay na to ang ulo ko!! Kabibili ko lang ng sigarilyong yun eh! Leshe talaga to oh!!

“hmm basura kaya yun. Lahat ng masama sa katawan basura” she told me calmly habang nakangiti.

Naku Jake pigilan mo ang sarili mo at baka maka-sakal ka ng chimay ng di oras!!

“Ewan ko sayo!! Bumili ka ng bago!!”

“ayoko” :p

“how dare you disobey me?! Sino ba amo saating dalawa ha?! baka nakakalimutan mo na ako nagpapasweldo sayo!!”

“alam ko” :p

“Uwwwaaaa Jake ni-chan wag mo sigawan si Dionne-chan” sabi ni Rui sabay hatak kay Dionne “ne Dionne, may inorder akong pizza, tara kain tayo”

“wow favorite ko yun!”

“really?! Yogata!” (I’m glad!)

After nun, hinatak ni Rui si Dionne sa may tent at kumain sila ng pizza.

Grr nakakagigil na babaeng yun! Nakakaasar talaga!! Nakakayamot!! Nakakabadtrip!! Napakapakielamera niya! Sukat tinapon ang yosi ko?! At sukat hindi ako sinunod at mas piniling makipag landian diyan kay Rui?! Nakakayamot!

“kuya, yung mukha mo magugusot na sa sobrang pagkasimangot mo”

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Maisie doon. Tinignan ko siya “di ka ba nagseselos?”

“huh? Saan?” painosenteng sabi niya. Ngumuso naman ako doon sa direction nina Dionne at Ruin a kasalukuyang kumakain ng pizza

“hindi no!! bat ako magseselos!!” sabi niya saakin pero halatang halatang in denial siya. Buti na lang at di to nag artista, hindi marunong umarte eh. =__=

“sus hindi daw, eh alam ko naman na—“

“CHE! DIYAN KA NA NGA KUYA!” tinabing ako ni Maisie atsaka nag walk out.

Tignan mo yung babaeng yun oh, ang sungit sungit. Nasa menopausal stage na ata. Kanino kaya nagmana yan?! Imposible namang saakin!

~ Just shoot for the stars
If it feels right
And aim for my heart
If you feel like
And take me away and make it OK
I swear I'll behave ~

Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Calling

Mom..

Tss ano naman kailangan ng isang to?!  I answered the call

“ANO?!”

“oh highblood ka!” I heared her giggled from the other line

“tsk! Kung wala kang sasabihin bbye na!”

“etong batang to naman oh ang taray taray! Punta ka dito sa bahay, nagluto ako ng favorite mo”

“no thanks may pagkain na ko dito!”

“eh basta pumunta ka dito or else isesend ko sa media yung picture mo ng bata ka pa na nakahubad ka! Pati yung picture mo na may tae ka sa salawal! Hihintayin kita dito! Bye!”

Bago pa ko makapag react, in-end na niya yung call! Grrrr stupid blackmailing mother!! Parehong pareho sila ng chimay ko! Ang galing mamblack mail!! >:(

Lumapit ako kila Rui sa tent at nakita kong may hawak hawak na dalawang ticket si Rui.

“Dionne-chan, di ba idol mo si Taylor Swift? Eto oh may ticket ako para sa concert niya! Tara samahan mo ko manuod mamayang gabi!”

“t-talaga? Isasama mo ko?” sabi ni Dionne kay Rui

“hai! And we’ll going to enjoy our night together”

Tss!

Agad agad kong hinila si Dionne palayo kay Rui “iba na lang isama mo! May pupuntahan kami ng chimay ko!” sabi ko sa kanya

“b-b-b-b-b-b-b-b-but Jake ni-chan sayang yung ticket na binili ko eh! please ngayong gabi lang pahiram muna kay Dionne? Onegaishimasu!” (please!) T____T

“heh! Iba na lang isama mo!”

“eeehhh wala ng pwedeng sumama saakin na nagmamahal din kay Taylor Swift kundi si Dionne-chan lang!”

Nakita kong biglang dumaan si Maisie kaya naman hinatak ko siya “Maisie! Di ba idol mo si Taylor Swift?!”

“huh? Ako? Ah oo. Bakit?”

“good! date daw kayo mamaya ni Rui sa concert ni Taylor! bawal tumanggi nabilhan ka na niya ng ticket!” itinulak ko si Maisie kay Rui “enjoy guys!”

Bago pa sila makapag react eh kinaladkad ko na si Dionne palayo sa kanila.

“hah! Sorry di ka makakapanuod ng libreng concert ngayon! Ganti na lang sa pagtapon mo ng yosi ko!”

“hehe ok lang yun, masaya rin naman ako na magtrabaho sayo”

Tinignan ko siya at nakita ko na naman ang magandang ngiti sa mukha niya.

Anak ng tinapa, gusto kong mabadtrip. =__=

Nag drive na ako papunta sa bahay nila mommy. Malapit lang din naman ito sa set namin kaya madali lang ako nakapunta doon. Kung nagtataka siguro kayo kung bakit ako nakahiwalay ng bahay sa kanila, you see, may ibang pamilya na si mommy. 15 years old ako nung ikasal ang mommy ko sa asawa niya ngayon, yun ang tatay ni Maisie. Hindi ko totoong kadugo si Maisie kasi iba ang mommy niya but still tinuring na namin ang isa’t isa na magkapatid.  Kung sino ang tatay ko? Wag niyo nang itanong dahil matagal na kong walang balita kung saang planeta siya nag suot.

“hay nakarating narin! Pag talagang di masarap yung pagkain na niluto ni mommy patay sila saakin!” tinignan ko si Dionne “baba na!”

Tahimik na bumaba si Dionne ng kotse. Tinignan ko ulit siya at parang biglang nag iba ang expression ng mukha niya.

“dito bahay niyo?” tanong niya saakin

“obvious ba?!”

She just nod pero hindi siya ngumiti.

“may problema ba?” tanong ko sa kanya

Nag bigay siya saakin ng isang pilit na ngiti

“w-wala naman”

Tsk kung anu-ano ang iniisip ko! Baka naman pagod lang kaya ganyan ang itsura niyan.

Pumasok na kami sa loob at agad agad naman ako sinalubong ni mommy

“jakeeeee baby ko!” she hugged me to the point na halos masakal na ako “I miss you!”

“let go of me!! Nasasakal ako ano ba!!”

“ooppss sorry!” she giggled

“tsk!”

“oh girlfriend mo?” tanong ni mommy habang nakatingin kay Dionne

“hindi no! chimay ko yan!”

“nye!” nilapitan ni mommy si Dionne “ang ganda mo naman hija para maging chimay ni Jake! Gusto mo mag artista?”

“ah hehehe h-hindi po”

“ma! Wag mo guluhin ang chimay ko! Tsaka gutom nako! Asan ang pagkain?!”

Dali-dali naman akong pumunta sa dinning room at nung makita kong gumawa ng lasagna si mommy, halos mag laway ako. Agad agad akong kumuha ng plate at humiwa sa lasagna.

Habang kumakain kami, si mommy walang tigil ang bibig sa pagkukwento about sa mga palabas ko. Oo na lang ako ng oo! Gutom ako eh, walang pakielam sa mundo!

“Ay oo nga pala anak, may pinapakuha si Maisie na damit sa room niya. Ibigay mo na lang sa kanya”

“ok”

Nginitian ako ni mommy “masarap ba yung lasagna ko?”

Agad agad kong ibinaba yung plato na kinainan ko “hindi! Panget ng lasa! Matanda ka na hindi ka pa marunong magluto!”

“hahahaha kaya pala nakalimang kuha ka!”

“heh! Ayoko lang mag aksaya ng pagkain!” hinatak ko yung braso ni Dionne “tara nga sa kwarto ni Maisie at kukunin ko yung damit”

“ah s—sige”

Umakyat kami ni Dionne doon sa kwarto ni Maisie kaso nagulat ako ng pagdating namin sa taas, hindi na kumikilos si Dionne at ayaw niyang pumasok sa loob ng kwarto. Doon ko lang napansin na nanginginig na siya habang nakatitig sa cabinet ni Maisie.

“oy Dionne anong nangyari sayo? Ok ka lang ba?” hindi ako sinagot ni Dionne instead titig na titig parin siya doon sa may cabinet ni Maisie.

Ano bang problema ng isang to?

Bigla naman tumunog ang phone ko at nakita ko tinatawagan ako ni Tito Jin. Sinagot ko yung tawag

“hello Tito bakit?”

“Japoy nasan ka?”

“huh? Sa bahay nina mommy bakit?”

“kasama mo si Dionne diyan?”

“oo. Teka bakit ba?”

Narinig kong napamura si Tito Jin sa kabilang line. Ok, pati siya ang weird na ha! may mga saltik ba ang utak ng mga tao ngayon?!

“ano bang problema niyo?!” tanong k okay tito

“Listen Japoy, ilayo mo muna si Dionne diyan. Pumunta kayo sa payapang lugar.. doon sa resthouse mo sa tagaytay. Susunod agad ako doon at ipapaliwanag ko sayo lahat. Pero ngayon, ialis mo na agad si Dionne diyan!”

Bago pa ko makapag react, binabaan na ko ng telepono ni Tito. Tinignan ko si Dionne at nakita kong grabe na itong nanginginig. Para siyang natatakot na ewan habang nakatitig siya sa cabinet ni Maisie. Hindi na ako nagdalawang isip pa at hinatak ko siya pababa.

“ma alis na ko!” sigaw ko then tuloy tuloy akong lumabas ng bahay. Ipinasok ko si Dionne sa kotse ko at nag drive papunta doon sa rest house kung saan ako madalas pumunta pag gusto kong magtago sa mata ng media.

Habang nag dadrive ako, hindi ako mapakali kasi hindi nagsasalita si Dionne. Nakayakap lang siya sa magkabilang braso niya habang kitang kita ko ang takot sa mga mata niya.

Naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit ba ganito ang reaction niya.

~~~ 

[Dionne’s POV]

Habang nasa byahe kami ni Japoy, tahimik lang kami at walang ni-isa ang nagsasalita. Aware ako na hindi kami sa unit niya papunta kundi sa ibang lugar pero hindi na ko nag abala pang magtanong.

Marahil na guluhan siya sa ikinikilos ko, pero kasi ng makita ko ang bahay na yun lalo na ang kwarto na yun, bigla na lang bumalik sa alala ko ang mga bagay na ibinaon ko na sa limot. Naalala ko nanaman ang takot at sakit na naramdaman ko noon. Naalala ko na naman ang karumaldumal na krimen na nasaksihan mismo ng dalawang mata ko. At kahit anong pigil ang gawin ko, ayaw ng mawala nito sa isip ko.

“nandito na tayo” sabi ni Japoy matapos niyang makapag park sa isang magandang rest house. Tumango lang ako at bumaba na ng kotse.

“mahal ka ni Papa Dionne, mahal na mahal ka”

Bigla akong napahinto ng mag flashback sa isipan ko ang mga nangyari.

“wag kang lalabas sa cabinet na to ha? ako ang bahala sa kanila”

Naramdaman kong nanginig ang buo kong katawan. Bakit?! Bakit ko kailangan maalala ang mga yan!

Anim na tao. Mga baril. Isang kutsilyo. Duguan na katawan. Dalawangpung saksak. Sampung tama ng bala. Malamig na bangkay..

Bigla na lang akong napaluhod

“p-papa.. p-papa!” at bago ko pa mapigilan, tuloy tuloy ng umagos ang luha sa mga mata ko.

“Dionne!” agad agad lumapit saakin si Japoy “anong nangyari sayo?! Ayos ka lang ba?!”

Kinusot ko maigi ang mata ko “s-sorry, may naalala lang ako. Ayaw tumigil ng luha ko eh. sorry!” huminga ako maigi at sinubukan kong tumigil sa pag iyak.

Pinaka ayoko sa lahat ay ang umiyak sa harap ng ibang tao. Natatakot ako nab aka napagaalala ko ang mga taong nakakakitang umiiyak saakin kaya hangga’t maari, ipinapakita ko sa kanila na matatag ako.

Kinalma ko ang sarili ko at ng mahinto ako sa pagiyak, binigyan ko si Jake ng isang ngiti “sorry Jake, wag mo na initindihin yun, tara sa loob” tinignan ko yung paligid “wow! Ang ganda dito! Sayo ba tong resthouse?” patayo n asana ako ng bigla akong hilahin ni Jake at yakapin

“hindi masamang umiyak”

Pagkasabing pagkasabi niya nun, hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko at tuloy tuloy na akong napahagulgol ng iyak.

Sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang ulit ako nakaiyak sa yakap ng isang taong malapit saakin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #life#love