Chapter 6 *blackmailing snatcher*

A/N: para po sa paulit ulit ulit ulit ulit ulit na nagtatanong kung nasaan na po si peysbuk ng otor.. wala na po.. deactivated na dahil ako ay tinopak na.. eto na lang po sa page ko > www.facebook.com/alyloony

and para po doon sa paulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit na nag bbgay ng email saakin at nagsasabing pahingi ng soft copy ng ganyan ng ganun dito na lang po kayo kumuha >>> www.alyloonystories.tumblr.com ... waley pang soft copy ang mga ongoing

<repeat till fade>

***

Chapter 6

*blackmailing snatcher*

[Venus’ POV]

“grabe I can’t believe this! Nasa loob ata talaga ang kulo ng babaeng yun!” hinarap ko si Jake “you better fire her! mamaya ikaw naman akitin nun!”

“oh shut up Venus” sabi ni Jake habang ngiting ngiti na nakatingin doon sa picture na nakuhanan namin a while ago “I don’t want to fire her. I’m enjoying myself” itinaas niya ang dalawang braso niya at inilagay niya sa likod ng ulo niya atsaka siya sumandal sa sofa then an evil grin formed in his face. Parang may pinaplano siya na hindi maganda “I just want to see how her smile wipe out of her face once she saw these pictures. This is going to be fun”

I smile at him “you amuse me Jake. Iba parin talaga ang kasamaan ng ugali mo”

“bakit Venus? We’re the same kaya wag kang magsabi ng ganyan”

Bigla naman bumukas yung door ng unit ni Jake and nakita namin si Dionne na pumasok habang ngiting ngiti. Aba malamang abot ang ngiti ng pasimpleng malanding babaeng yan. Paanong hindi, nakakuha ng pera sa sugar daddy niya eh!

“where have you been?” tanong ni Jake sa chimay niya

“ahmm n-nakipag kita lang ako doon sa kaibigan ko”

Nagkatinginan kami ni Jake. Halatang halata ang isang to. Bakit niya dinedeny? Ibig sabihin may tinatago talaga.

“ohh I see” sabi ko then lumapit ako sa kanya “ano yang dala-dala mo?” tanong ko sa kanya habang nakatingin doon sa paperbag na hawak hawak ni Dionne. Agad naman niyang itinago ito sa likod niya

“ah w-wala to. Damit lang”

Tinaasan ko siya ng kilay “oh I see”

Tumayo naman si Jake at nilapitan siya. Ipinatong niya ang mga kamay niya sa magkabilang braso ng chimay niya “matulog ka na”

“h-ha? Ah s-sige” yumuko si Dionne at dali daling umalis sa harap namin papasok ng kwarto niya

“tsk” rinig kong sabi ni Jake at dumiretso na rin siya sa kwarto namin. Sinundan ko naman siya

“damit lang ha? If I know pera ang laman ng paperbag na yun” sabi ko habang naka pamewang “hindi halata sa itsura niya, pero feeling ko mukhang pera ang isang yun”

Tinignan naman ako ni Jake “Venus wag ka na makialam dito ok? Ako na bahala sa chimay na yun.”

I rolled my eyes “ok, if you say so. Anyways, I’m tired” sumampa na ko sa kama “matutulog na ko. Paki patay na lang ang ilaw pag matutulog ka na. good night” nagtalukbong na ako ng kumot at pumikit na.

Pinatay naman na ni Jake ang ilaw and maya maya naramdaman ko narin na sumampa siya sa tabi ko. Kaso nagulat ako ng bigla niyang alisin yung kumot sa harap ko at nakita kong nasa ibabaw ko na siya.

“what are you planning to do Jake?” I told him

He just smirk pero unti-unti niyang inilapit ang mukha niya.

Tss, guys. Of course I should expect this to happen. Jake’s still a guy. And no matter how mean and cold hearted he is, he’ still a guy who will fall head over heels on my Goddess-like beauty.

“Venus” he mumbled

“hmm? I know what you’re planning Jake”

An evil grin formed into his face “good. At least hindi na ko mahihirapan sa gagawin ko”

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. I closed my eyes waiting for his lips to touch mine but instead

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong itulak ng malakas kaya nahulog ako sa kama.

“ouch! Why did you do that for?!”

Humiga siya doon sa kama and he spread both his arms and legs in a star fish-like manner.

“hay solo ko na ang kama! Ikaw Venus doon ka sa sofa matulog”

“What?!”

“di ako sanay matulog ng may katabi eh!”

Tumayo ako at hinarap siya “papatulugin mo ko sa sofa?! Are you crazy?!”

Tinignan ako ni Jake then an evil grin form in his face “you should ask that to your self nung gustuhin mong tumira dito. Kung di mo kayang matulog sa sofa edi lumayas ka sa unit ko” after that nag talukbong na siya ng kumot at hindi na ako pinansin pa.

Grrr. Nakakayamot siya! nakakayamot talaga! He’s indeed a devil!!

I grab a pillow and stomp my feet while walking towards the sofa.

[Jake’s POV]

‘Kailangan kong umalis ng maaga dahil may interview ako sa isang morning show. Anyways, I won’t sleep here tonight pero babalik ako kinabukasan. Kasya pa naman siguro ang isa pang kama dyan sa room mo diba? Nag order na ko ng kama, paki antay na lang. And oh tell your chimay na paki duvet ang bed sheets ko.

Venus’

Nilukot ko ang note ni Venus na iniwan niya sa bed side ko atsaka ko ito tinapon sa basurahan. Tss grabe talaga yung babaeng yun, ibang klase ang fighting spirit. Handang mag waldas ng pera at bumili ng kama, sumikat lang lalo. Tss.

Bumangon na ako at naligo then lumabas na ako para kumain ng breakfast. Naka-amoy naman ako bigla ng parang may ibinibake. Aba syempre kinabahan ako no! Kahit amoy mabango pa yan kung si Dionne ang nasa kusina, delikado. Mamaya eh magkasunog dito ng tuluyan!

Agad-agad akong tumakbo papunta sa kitchen at nadatnan ko si Dionne na nag aayos na ng mesa then may isang slice na ng cake na naka ready at fresh milk.

Nung makita niya ako, agad siyang ngumiti saakin “good morning Japoy, nag bake ako ng chocolate cake. Ayan na muna ang breakfast mo ah? Upo ka na at kumain”

Tinaasan ko ng kilay si Dionne then tinignan ko yung cake “ikaw nagluto niyan?”

“yep!” ^___^

Kinuha ko ito atsaka inamoy amoy. Ok naman ang amoy nito. Mukhang edible. Pero natatakot parin akong kainin.

“err you know how to bake?” tanong ko sa kanya

“oo naman no! di man ako marunong magluto ng ulam pero nakakapag bake naman ako”

Tinaasan ko ulit siya ng kilay. Bat ba nakakatakot paniwalaan ang babaeng to?

“uhmm may pagkain sa set, doon na lang ako kakain”

“ha?” bigla naman lumungkot ang mukha niya “paano naman tong ginawa ko sayo?”

Bigla akong napalunok ng di oras. Ano ba to?! Bat parang bigla naman ata ako nahabang sa babaeng to!

Umiling iling ako.

Jake, dapat mas mahabag ka sa sarili mo! Pag kinain mo yan for sure deretso ka six feet under ground! Sayang ang gwapo mong genes kung di mo naman maipapakalat at mamatay ka lang ng maaga!

“ipamigay mo na lang kung gusto mo!” sigaw ko sa kanya “bumaba ka na aalis na tayo!” tinalikuran ko na siya at dumiretso ako sa parking lot!

Aish! This girl is making me crazy!!

(set)

“Dionne-chaaaaaaaaaaaaaan!” pagkadating na pagkadating namin sa set, agad agad tumakbo si Rui kay Dionne at niyakap ito “inaaway ako ni Maisie! Sabi niya ang baho ko daw!” inilapit ni Rui ang dibdib niya kay Dionne “smell me. Di ba di naman ako mabaho?” T____T

Ang utu-utong si Dionne eh sumunod naman at inamoy si Rui “hmm hindi naman eh! ang bango mo nga! Baka naman binibiro ka lang ni Maisie”

Nag pout naman si Ruin a parang bata “hmp! Biro o hindi nasaktan parin ang damdamin ko!” T___T

“wag ka na malungkot. Ay teka” may inilabas si Dionne na Tupperware sa bag niya then inabot niya kay Rui “eto oh cake, gawa ko yan. Sayo na lang”

“Wow!” kinuha ni Rui yung Tupperware at agad agad niyang tinikman yung poisonus cake na ginawa ni Dionne. Naku po, mukhang dapat sabihan ko na ang director na mababawasan na kami ng isang cast dito sa movie na to

“Dionne-chan! Ang sarap sarap naman nito! Gustong gusto ko! Mauubos ko ata to!”

“t-talaga? Nagustuhan mo?”

“oo! Hountoni oishi!”  (it’s really delicious!)

Napangiwe naman ako bigla at tinignan yung chocolate cake then tinignan ko si Dionne at mukhang ang saya saya niya habang kinakain ni Rui yung cake na ginawa niya. Parang bigla na lang nag init ang ulo ko kaya nilapitan ko sila at inagaw yung cake na kinakain ni Rui.

“amin na yan!” sabi ko sabay hablot nung cake “di mo alam kung ano ang nilagay sa cake na yan! Paano kung may nilagay na kakaibang ingredients diyan sa cake na yan at sinamaan ka ng tyan?! Edi bulilyaso sa shooting natin?!”

“eeeeh nii-chan amin na yan!” pag agaw ni Rui saakin ng cake

“heh! Mag tigil ka!” tumingin ako kay Dionne at tinuro ko siya “ikaw! Ayusin mo ang gamit ko!”

“h-ha? Ah o-okay!” dali dali naman kinuha ni Dionne yung gamit ko ako naman dumiretso na sa dressing room ko bago pa maagaw ni Rui yung cake. Mahirap na no! tsaka concern lang naman talaga ko sa kalusugan niya eh! Tsaka grabe talaga yung babaeng yun! Inakit na si Tito pati ba naman itong si Rui eh balak din niyang akitin.

Tsk tsk, para siyang ahas!

Tinignan ko yung chocolate cake. Mukha nga masarap. Kumuha ako ng katiting at tinikman ko. Infairness ok na ang lasa. Sumubo pa ulit ako ng isa at tinikman ko just in case nagkamali ang una kong lasa. Ok, di naman ganun ka sarap! Typical lang! cheap! Sumubo pa ulit ako. Psh hindi talaga masarap. Ano ba naman tong cake na to! Kumuha ulit ako at sinubo ko. Ano ba yan! Ang panget talaga ng lasa! Nakakadiri! Pero last na tikim na lang talaga, baka magbago pa yung lasa. Kumuha ako ng isang malaking serving at isusubo ko na sana ng biglang bumukas yung pinto ng dressing room ko.

“Japoy ito na yung damit—“ napatigil si Dionne at napatingin saakin habang ako naman eh naka nganga at nakatapat yung tinidor na may cake sa bunganga ko. Agad agad kong inilapag yung cake sa table then nakita ko na ngumiti si Dionne “gusto mo pala yan sana sinabi mo saakin para pinagdala din kita. Aagawan mo pa si Rui” ^___^

“anong gusto!!! Di ko nga kinakain yan eh! titigan ko pa lang nakakasuka na!” inagaw ko sa kanya yung damit ko “lumayas ka nga dito at magbibihis ako!!”

“hehehe ok!” tumalikod na siya pero humarap ulit at tinignan ako “uhmm Japoy yung gilid ng labi mo may chocolate”

Napahawak ako sa gilid ng labi ko at oo nga, may chocolate nga

Lumabas na si Dionne ng dressing room habang dinig na dinig ko ang mga pigil niyang tawa.

Tsk! Nakakabadtrip! =___=

Tinitigan ko yung cake.

Hindi naman talaga masarap eh! Ampanget panget ng lasa! Pero sayang eh kesa naman itapon, might as well magmagandang loob na ko at ubusin to.

Titiisin ko na lang yung lasa.

Mga bandang 8pm na kami natapos sa shooting at pagod na pagod na ako. Buti nga at hindi kami inabot ng madaling araw ngayon eh. Nakaramdam narin ako ng gutom nun kaya naisipan kong mag dine-in na lang kesa ipaubaya ko kay Dionne ang dinner namin. Mahirap na.

“Japoy saan tayo kakain?” tanong ni chimay

“sa fine dining lang” sagot ko then nagsuot ako ng cap at shades. Mahirap na baka pagkaguluhan pa ko at maissue na nakikipag date ako kay Dionne

“ha? Eh diba mahal mga pagkain doon?” tanong niya ulit

“obvious ba? Mukha ba akong kumakain sa mumurahin?”

“di ka ba nagsasawa?”

“ano ba! Wag ka nga makulit! Hindi kita pakainin diyan eh!”

Pero hindi parin niya pinansin ang sinabi ko at pinagpatuloy ang pangungulit saakin

“may alam akong masarap kainan, malapit lang din dito. Tara doon tayo!”

“I don’t need your opinion!” sabi ko sa kanya sabay baba “kung ayaw mo dito kumain edi magpakagutom ka diyan wala akong paki!”

Bumaba narin naman si Dionne then sinundan niya ko

“uy Japoy! Doon na kasi tayo kumain!”

“ayoko nga sabi eh!”

“ok. Pero wala ka naman pera pambayad diyan sa mamahaling restaurant na yan eh”

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya “naririnig mo ba yang sinasabi mo? Ako? Si Jake Marquez na mayaman walang maipambabayad diyan? Baka gusto mong ipakita ko sayo ang laman ng wallet ko!” kinapa ko yung wallet sa bulsa ko para iduldol sa mukha niya ang pera ko kaso wala. Kinapa kapa ko pa yung mga bulsa ko pero wala talaga.

“ah naiwan ko sa kotse! Wait babalik ako!”

“eto ba hinahanap mo?” may itinaas si Dionne at nakita ko yung wallet ko sa kanya

“hey give it back!” aagawin ko sana pero agad niyang naitago to

“kain muna tayo doon sa sinasabi ko!”

“what the--!! Hoy do you want me to sue you?! Theif!”

“hahahahahahahhahaha ang cute cute mo talaga magalit! Anyways kakain na ko at talagang gutom na ko. Sige na nga diyan ka na sa restaurant mo, doon ako sa gusto kong kainan. Pahiram muna ng wallet mo isosoli ko din. Onti lang naman ang ibabawas ko dito. Wala pang isang daan! Babye!” ^___^v

Tumakbo na palayo saakin si Dionne! Anak ng--!!! Blackmailing snatcher!!!!

Akala niya susunod ako sa kanya ha! Manigas siya! Mabuti ng magutom kesa kumain doon sa gusto niyang kainan! Mamaya samo’t saring bacteria pa ang nagkalat doon eh!

Naramdaman ko na kumalam yung sikmura ko at kung nagmumura ito, namura na ko.

Anak naman ng tipaklong eh!!!!

“hoy chimay! Inatyin mo ko!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #life#love