Chapter 59 (10/24/14)

Chapter 59

 

[Jake’s POV]

 

 

“Welcome home,” naka-ngiting sabi ko kay Dionne pagkarating na pagkarating namin sa condo unit namin.

            “Woooow! Na-miss ko ‘to!” dali-dali namang nag tungo si Dionne sa sofa at humilata rito. “Na-miss ko umupo at humiga rito! Na-miss ko ang bawat sulok ng bahay na ‘to!” dagdag pa niya.

            Natatawa-tawa na lang ako na naiiling-iling habang tinitignan ko si Dionne.

            Pinayagan na kami ni ninong na umalis ng ospital. Sabi niya, sa ngayon, stable pa naman si Dionne. Tinuruan na rin niya ako ng mga pwede kong gawin kung sakaling atakihin si Dionne. Lalo na’t next week, pareho kaming babyahe dalawa.

            Tinabihan ko siya sa sofa at niyakap ng mahigpit na mahigpit.

            “Dionne..”

            “Hmmm?”

            “Maligo ka na. Ang baho mo na,” sabi ko sa kanya habang hinahalikan ko ang buhok niya.

            “Ang sama mo! Eto na maliligo na ako!”

            “Oo nga maligo ka na. Kadiri ka na,” bulong ko ulit sa kanya pero hindi ko pa rin tinatanggal ang mga braso ko sa pagkakayakap sa kanya ng mahigpit.

            “Paano ako makakatayo kung nakayakap ka sa’kin?”

            Nginitian ko siya pero hindi ko pa rin siya pinakawalan.

            “On the second thought, titiisin ko na lang ang amoy mo. Payakap muna.”

            Hinayaan lang ako ni Dionne na yakapin siya. Nakita kong ngumiti siya at bigla-bigla ay niyakap din niya ako ng mahigpit.

            Napapikit na lang ako.

            Ayokong bitiwan si Dionne. Ayokong humiwalay sa kanya. Nawawala ang pangamba sa dibdib ko kada mararamdaman ko ang pag hinga niya. Napapanatag ako kada nakikita kong dumidilat ang mga mata niya.

            Nung nasa ospital kami, halos hindi ako makatulog kada binabantayan ko si Dionne. Naka-tingin lang ako sa kanya at pinapanood ang pag taas-baba ng kanyang dibdib na senyales na humihinga siya. Kada umaga, lagi kong inaabanggan ang pag mulat ng mata niya. May mga pagkakataon pa nga na pag na l-late ng gising si Dionne, grabe na ang kabang nararamdaman ko.

            Dumilat ako at pinagmasdan ang mukha niya.

            Siya na ata ang pinaka magandang babae na nakilala ko.

            Alam ko, the moment that I saw her, I found her really attractive. At ngayon lang ako nanghinayang ng husto sa mga nasayang kong panahon dahil sa pagiging in denial ko sa nararamdaman ko sa kanya.

            Kung nung unang beses pa lang sana na tumibok ang puso ko sa kanya, pinakinggan ko na agad ‘to, hindi sana ako nanghihinayang ng husto sa mga panahong nagdaan na sana ginawan ko nang magagandang alaala kasama siya.

            Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mata niya. Napatingin naman siya sa akin at nginitian niya ako.

            “I love you,” bulong niya sa’kin.

            “I love you too,” sagot ko at hinalikan ko siya sa labi.

            “Bad breath ka,” pag bibiro niya sa’kin.

            “Okay lang. Mahal mo naman ako eh!” and again, I kissed her lips.

            “Japoy, nagugutom ka na ba? Gusto mo bang ipagluto kita?”

            “At ano naman ang lulutuin mo?”

            Ngumisi siya, “hotdog omelette!”

            “Tss. Simula nang dumating ka sa buhay ko, halos purgahin mo na ako sa hotdog omelette na ‘yan!”

            “Eeeh. Gusto mo chicken cordon bleu?”

            “Wala akong manok!”

            “Instant noodles meron ka?”

            “Hay naku! Ka-babae mong tao hindi ka marunong mag luto! Ako na lang ang magluluto!”

            Humiwalay siya bigla sa pagkakayakap sa’kin at pinanliitan ako ng mata.

            “Marunong ka mag luto?!”

            “Oo! Hindi ako katulad mo ‘no! Sige sabihin mo sa’kin kung ano ang gusto mong kainin.”

            “Hmm… gusto ng sinigang na hipon.”

            “Sinigang na hipon? Sure! Madali lang ‘yun. Pero ba’t naman ‘yun ang napili mo?”

            “Ewan ko ba. Simula nung magising ako after ko atakihin nung nasa park tayo, hindi mawala sa isip ko ang sinigang na hipon.”

            “Okay. Come with me in the kitchen. Ipapakita ko sa’yo ang skills ng isang master chef!”

            Pareho kaming nag tungo ni Dionne sa kitchen at habang ako, inaayos ang mga gagamitin, si Dionne naman ay nakupo sa stool at nanunuod.

            Nag pupumilit pa nga siyang tumulong eh pero hindi ko na siya pinagalaw. Alam kong mapapagod lang siya.

            “Diyan ka na lang at manuod. Pag ikaw ang nag luluto laging nababasag mga kasangkapan ko eh.”

            In the end, hindi na rin umangal si Dionne. Kinuwentuhan na lang niya ako ng kinuwentuhan ng kung anu-anong bagay habang ako naman ay nag luluto.

            Ang saya siguro kung palaging ganito ang scenario naming dalawa. Yung isa sa amin, nag luluto habang masaya kaming nag kukwentuhan. Yung pagka-gabi lagi ko siyang mayayakap ng mahigpit. Pag umaga naman, sasalubong sa pag gising ko ang maganda niyang ngiti.

            Yung araw-araw maririnig ko ang boses niya, ang tawa niya. Yung palagi ko siyang masasabihan ng I love you.

            Sana wala na lang katapusan ang masasayang araw.

            Ayokong isipin na malapit na itong mawala sa’kin. Ayokong dumating ang araw na ‘yun.

            Hindi ko kayang maiwan mag-isa. Masyadong magiging masakit para sa’kin ang lahat. Iniisip ko pa lang na darating na, halos mabaliw na ako sa sakit. Paano pa kaya pag nangyari na?

            Sa mga nagdaang araw, pinilit kong kumilos ng normal sa kanya. Sinubukan kong alisin sa isip ko ang sakit niya.

            In some ways, naging successful naman ako.

            Gumigising at natutulog kaming dalawa na parang normal lang ang lahat. Nagkukulitan, nag-aasaran. Pinayagan ko na rin siya na ipagluto ulit ako since nangungulit siya. Ilang araw na rin kaming nag m-movie marathon dalawa. May pagkakataon naman na nasa kwarto lang kami at magkatabi, nag kukwentuhan sa mga bagay-bagay.

            Parang normal lang. But there is this unspoken truth between us, na araw-araw tinatrato namin ito na parang huling beses na naming magkakasama.

            Kada gabi, laging nauunang makatulog si Dionne sa’kin. Ako naman, ilang oras kong tinititigan ang mukha niya. At kada gagawin ko ‘yun, lagi akong napapaluha.

            “How could I ever let you go?” bulong ko sa natutulog na si Dionne habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mata ko.

            Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. At habang pinapakiramdaman ko ang paghinga niya, pinagdikit ko ang dalawa kong palad at pumikit ako.

            Then I pray.

            God, alam kong marami akong kasalanan. Tatanggapin ko po kahit anong parusa na ibigay mo sa’kin. But now, please God, help me. Give us a miracle.

 

 

[Dionne’s POV]

 

            “And we’re here!” masayang sabi ni Japoy nang maka-baba kami sa eroplano.

            Nung isang araw, nagulat na lang ako dahil bigla-bigla akong pinagiimpake ni Japoy. Sabi niya, babyahe raw kami at gusto niya akong dalhin sa isang lugar.

            At ngayon, nang makita ko ang pamilyar na lugar na ‘to, hindi na maalis sa labi ko ang ngiti ko.

            He brought me back to Palawan. Ang unang lugar kung saan kami naging malaya ni Japoy sa nararamdaman namin para sa isa’t-isa.

            “Japoy! I love you!” niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

            “Sabi na matutuwa ka pag binalik kita dito eh.”

            “Grabe, ito na ata ang pinaka-magandang lugar na napuntahan ko! Thank you sa pagdala ulit sa’kin dito.”

            “Basta ikaw,” ngumisi si Japoy sa’kin sabay kindat.

            Nginitian ko naman siya at kinuha ang kanyang kamay.

            Itatanong ko pa sana kung ano ang dahilan bakit kami biglaan na pumumunta dito, kaya lang pinigilan ko ang sarili ko.

            Obvious na kasi ang sagot.

            Sinusulit na niya ang mga natitirang araw na magkasama kami.

            Whenever I look into Japoy’s eyes, I saw a deep emotion. Yung para bang kahit na naka-ngiti siya nang malawak, yung mga mata niya parang gustong umiyak.

            Alam ko, nasasaktan siya nang husto sa mga nangyayari. Alam ko mas nahihirapan siya. Kahit ako rin, ayoko pang umalis.

            Pero maniniwala na lang ako sa plano ni God. Hahayaan at tatanggapin ko na lang kung ano ang kahahantungan nito.

            Basta ang mahalaga ay yung ngayon. Yung magkasama kaming dalawa. Yung masaya ako kasi katabi ko siya.

            Naramdaman ko ang braso ni Japoy na umakbay sa’kin.

            “Maaga pa naman, pwede pa tayo mag pahinga. Pero mamaya ah mag su-swimming tayo!”

            Nginitian ko si Japoy. Hindi ko alam kung sa lagay kong ‘to eh magagawa ko pang makapag-swimming. Pero masayang-masaya ko siyang sinagot.

            “Oo ba! Game ako diyan!”

            Dumiretso kami ni Japoy doon sa rest house kung saan kami nag stay dati. Sakto naman na nakahanda na ang tanghalian namin kaya naman kumain muna kami saglit. After magpababa ng kinain, naisipan muna namin ni Japoy na matulog.

            Medyo hindi rin ako makahinga ng maayos gawa nang nakakapagod na byahe. Pero pilit kong hindi ipinahalata kay Japoy. Itinulog ko na lang ito while praying n asana wag akong atakihin.

            Wag muna. Masyado pang perfect ang nangyayari sa’min.

            Mga bandang 4pm kami nagising ni Japoy. Kahit papaano eh medyo naging maluwag ang pag-hinga ko. Naisipan na naming magpalit ng pampaligo at pumunta sa may dalampasigan.

            Naupo lang kami doon habang hinahayaan na tumama ang alon sa mga paa namin. Naka-akbay sa’kin si Japoy habang ako naman, nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya.

            “Japoy, may hindi ka pa kinukwento sa’kin.”

            “Hmm? Ano ‘yun.”

            “Yung nag kita tayo doon sa coffee shop sa loob ng park, nandoon ka para sa shooting ‘di ba? May bago kang movie?”

            Napangiti si Japoy, “yup! At ang astig ng role ko doon.”

            “Talaga? Ano?”

            “Isa akong lider ng sindikato!” proud na proud niyang sabi sa’kin.

            Bigla akong napa-ayos ng upo at tinignan ko siya.

            “Leader ng sindikato?! Ibig sabihin, ikaw yung kontrabida sa pelikula?!”

            “Hindi ah! Ang mukhang ‘to, pang kontrabida?! Ang amo-amo ng mukha ko para sa role na ‘yon!”

            Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi naman maamo mukha niya eh. Ang sungit-sungit kaya.

            Pero okay lang, gwapong-gwapo pa rin ako sa kanya.

            “Oy, ba’t ka ganyan makatingin ha? Hindi ka naniniwala ha?”

            Nginitian ko siya, “hindi. Ang gwapo-gwapo mo kasi kaya tinitignan kita ng malagkit.”

            Bigla-bigla namang pinitik ni Japoy ang noo ko.

            “Aray ko! Ba’t mo ako pinitik?” tanong ko habang hinihimas ko ang noo ko.

            “Nangaakit ka eh. Mahina ako sa temptation!”

            Natawa na lang ako kay Japoy. Paano kasi, ang pula ng tenga niya.

            “I love you!” ngiting-ngiti kong sabi sa kanya.

            “You’re doing it again! Nangaakit ka.”

            “Nag I love you lang naman ako.”

            “Okay. I love you too.”

            Bumalik ako sa pagkakasandal sa dibdib ni Japoy at pinagmasdan ko ang magandang karagatan.

            “Japoy, tingin mo, may pag-asa kayang magkagusto si Rui kay Maisie?”

            “Hmm. Hindi ko masabi eh. Tanga kasi nung Hapon na ‘yun.”

            “Eh si Venus kaya? Tingin mo makakahanap siya ng lalaking magmamahal sa kanya?”

            “Siguro. Siguro naman merong nag-e-exist na lalaking makaka-atim sa ugali ni Venus. Teka nga, ba’t bigla kang naging interesado sa mga lovelife nila?”

            “Hmm, kasi gusto ko rin maranasan nila ang ganito,” I entwined my hand with his at itinaas ko ito. “Yung ganitong kasayang pakiramdam.”

            “Dionne, masaya ka ba talaga ngayon?”

            Nilingon ko si Japoy at nginitian, “ikaw ang pinaka-masayang nangyari sa buhay ko.”

            “Pero may gusto pa akong iparanas sa’yo.”

            “Hmm? Ano ‘yun?”

            Inalis ni Japoy ang pagkaka-akbay niya sa’kin at inalalayan niya akong tumayo. Hawak-hawak niya ang magkabila kong kamay habang naka-tingin siya sa mga mata ko.

            “Almost two and a half months na lang,” halos pabulong niyang sabi sa’kin. “Ayoko pang paniwalaan and I refuse to accept the fact na ganoon na lang ka-ikli ang panahon na makakasama kita.”

            “J-Japoy…”

            “Alam ko kahit anong paghahanda ang gawin ko, pag nangyari yun, masyado pa ring magiging masakit para sa’kin. Pero Dionne, alam ko sa dalawa’t kalahating buwan, kaya kong iparanas sa’yo ang isang napaka-gandang bagay. Isang bagay na magduduktong sa’ting dalawa kahit saan man tayo mapunta.”

            Binitiwan ni Japoy ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nagulat ako nang bigla siyang lumuhod. May kinuha siya sa bulsa niya na isang maliit na kahon, at nang buksan niya ‘yon, nakita ko ang isang magandang singsing sa loob.

            Tinignan ko si Japoy sa mata. Wala pa man din siyang binabanggit ay nag simula nang umagos ang luha sa mga mata ko. Tuloy-tuloy at ayaw magpaawat.

            “Will you marry me…?” his voice broke. At nakita ko na rin ang mga luha sa mata ni Japoy.

            Hindi ako makapag salita dahil sa sobrang kakaiyak. Tanging tango at yakap na lang ang naisagot ko kay Japoy. Hinawakan niya ang mukha ko at paulit-ulit niya akong hinalikan.

            God, thank you for this miracle. Nung una, hinihiling ko sa inyo na sana sa mga huling sandal ko sa mundong ito ay wag niyo na akong pahirapan. But you gave me something more.

            Minsan dumarating ang isang miracle sa isang bagay na hindi natin inaasahan.

            Japoy is my miracle. Pinaranas niya sa’kin ang isang bagay na hindi mapapantayan ng kahit ano man. Ang mahalin niya ang pinaka-magandang nangyari sa’kin dito. Hinding-hindi ko ‘to kakalimutan at babaunin ko ‘to kahit saan ako magpunta.

            Sobrang saya ko. Siguro wala na akong mahihiling pa. God’s gift to me is so precious and beautiful.

            Wala na akong nararamdamang lungkot, o sakit.

            Masayang masaya ako dahil kay Japoy.

            And I think, this is enough for me.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #life#love