Chapter 58 (10/21/14)
Chapter 58
[Venus’ POV]
“Naka-leave ako ng three months. Forced leave. May substitute na agad ako doon sa reality show na hino-host ko! Hay naku sana bumaba ang ratings nila,” pag-rereklamo ko sa harap ni Dionne. “At dahil sapilitan ang leave ko, dito na muna ako tatambay sa ospital. Para naman kahit papaano eh mahawahan kita ng kagandahan ko.”
Nakita kong napa-ngiti si Dionne, “thank you Venus ah? S-salamat kasi lagi mo akong binabantayan.”
I rolled my eyes at her, “wag kang assuming. Hindi kita binabantayan. Pampalipas lang kita ng oras dahil bored ako.”
Narinig ko naman ang pag-tawa ng mahina ni Dionne, “ikaw ‘yung isa sa mga taong in denial sa pagiging mabuti nila.”
Dahil sa sinabi niya, pakiramdam ko nag init ang mukha ko and for the first time in my entire life, tinamaan ako ng isang bagay na akala ko eh never kong mararamdaman---ang mahiya.
“S-shut up chimay! K-kung anu-ano ang mga pinagsasabi mo. Kumain ka na nga lang,” inilapag ko ang tray ng pagkain niya sa maliit na lamesang naka-patong sa harapan niya. “Hay naku naman kasi. Asan na ba ‘yong boyfriend mong alcohol freak? Ba’t ang tagal-tagal bumalik? Ako tuloy ang nag iintindi sa’yo. Imbes na makapag beauty rest ako!”
Paano kasi itong is Jake kinakailangan pumunta sa airport para sunduin si Maisie. Sa totoo lang ayaw niyang umalis sa tabi ni Dionne. Ako lang itong nag pumilit sa kanya na sunduin niya ang kapatid niya tutal siya rin naman ang nagpauwi sa kanya dito. At dahil doon, napilitan na rin akong mag prisinta na mag babantay dito sa chimay na ‘to.
Me and my good deeds. Hay.
“Okay lang ‘yun. Alam ko naman na gustong-gusto mo akong sinasamahan,” naka-ngiting sabi ni Dionne.
I’m speechless! She’s sick but she still managed to get into my nerves! This girl! My god!
Napa-hinga na lang ako ng malalim habang tinitignan na masayang kumakain si Dionne habang nanunuod ng T.V.
Sa totoo lang, tama naman siya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako mapakali pag wala ako sa ospital. Lagi kong iniisip si Dionne kung okay lang ba siya.
Paulit-ulit ko kasing naalala lahat ng mga bagay na ginawa ko dati sa kanya.
Hindi iyon maganda. Alam kong ilang beses ko siyang nasaktan both physically and emotionally. Lagi ko siyang napag bubuntungan ng galit.
But still, tinulungan pa rin niya akong makawala sa past ko. Siya ang naging dahilan para gawin ko ang bagay na talagang gusto kong gawin.
I owe her big time. Hindi pa ‘to sapat. Hindi pa sapat ang ginagawa ko sa kanya para masuklian lahat ng ginawa niya sa’kin at mabayaran ang mga masasamang bagay na nagawa ko sa kanya. Kulang pa ang panahon na itatagal niya para mabayaran ko lahat. Kulang na kulang.
Napa-talikod ako bigla kay Dionne at napalunok dahil nararamdaman ko ang nag babadyang luha sa mata ko. Nakakainis naman oh. Hindi naman ako iyaking tao eh. Si Jake nga hindi ko masyadong iniyakan eh. Pero bwisit naman. Halos gabi-gabi akong umiiyak dahil kay Dionne.
Sa lahat ng tao, hindi ko expect na yung nag iisang taong kinaiinisan ko pa ang makakapagpa-bago sa’kin.
“Mag pagaling ka,” halos pabulong kong sabi sa kanya.
“V-venus…”
“For the sake of Jake… and for the sake of those people na pinapahalagahan ka.”
Nilingon ako ni Dionne. Naka-ngiti siya sa’kin. Isang matingkad na ngiti. But still, kitang-kita ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata niya.
“Don’t worry Venus, hindi tayo bibigyan ni God ng pagsubok na hindi natin kayang pasanin.”
Iniwas ko ang tingin ko kay Dionne at hindi ako nag salita. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Nararamdaman ko na rin ang pangingilid ng luha sa mata ko.
Ang bigat sa pakiramdam. Yung sinabi ni Dionne, alam kong hindi sarili niya ang tinutukoy niya doon kundi kami.
Para bang sinasabi na niya na nawala na siya, alam niyang makakayanan namin. Alam niyang makaka move-on din kami agad.
Dionne, hindi ko alam kung paano ko gagawin ‘yun. Lalamunin ako ng konsensya ko.
Please, wag ka munang bibitiw.
~*~
[Maisie’s POV]
“Gusto mo bang umuwi muna? Para makapag-pahinga ka na rin,” tanong sa’kin ni kuya habang nag mamaneho siya.
Kagagaling lang namin ni kuya sa airport. Sinundo niya ako.
Sa totoo lang, gustong-gusto ko nang ma-feel ang kama ko dahil sobrang naging mahaba ang byahe ko. Connecting flight kasi ang nakuha ko at nakakapagod talaga.
Pero mas nangibabaw sa’kin na gusto kong makita si Dionne. Kita ko rin sa mga mata ni kuya na gustong-gusto na niya makabalik sa ospital para makasama si Dionne.
“No kuya, I want to see Dionne. Sa ospital na tayo dumiretso,” sabi ko sa kanya.
“Are you sure? Ang laki ng eyebags mo. Matulog ka kaya muna.”
“No kuya. Please? Punta na tayo sa ospital.”
“Okay fine. If you say so.”
Tahimik na nag maneho si kuya. Ako naman, umidlip muna sa sasakyan habang nasa byahe kami. After thirty minutes, nakarating na rin kami ni kuya sa ospital.
Nadatnan namin si Venus at si Dionne sa room na parehong tahimik at nanunuod ng TV.
“Love.”
Dali-dali namang lumapit sa kanya si kuya at gave her a quick kiss.
Napa-ngiti ako bigla.
Hindi ko ine-expect na makikita ko si kuya na ganitong ka-sweet sa isang babae. Oo, nakikita ko siyang ganito dati----sa mga pelikula niya. Pero nakakatuwang isipin na ngayon, tunay na tuna yang ipinapakita niya.
“Oy Venus, ano ba ‘tong pinapakain mo kay Dionne? Mukhang di naman masarap eh! Lugaw? Naku naman! Sana bumili ka ng mas masarap.”
“Ay sorry naman, wala ka naman ibinilin sa’kin! Hmp!”
“Hehe Japoy, okay lang. Masarap naman ‘yung lugaw eh.”
“Hay naku! Ay wait!” napatingin si kuya sa may pinto at parang doon lang niya naalala na nandito ako. “Oy, Maisie, pumasok ka.”
Napa-tingin din si Dionne sa’kin.
“Maisie! Nakabalik ka na!” masiglang-masigla niyang bati sa’kin.
“Buti naman nandito na kay. Hay naku, makakaalis na ako.”
Mabilis na nag-paalam si Venus. Pero bago siya tuluyang lumabas, may ibinulong siya sa’kin.
“Rui needs you.”
Bago pa ako makapag-react, tuloy-tuloy nang lumabas si Venus.
“Yung babae talaga na ‘yun,” iiling-iling na sabi ni kuya.
“Dionne,” lumapit ako sa kama niya at niyakap siya ng mahigpit.
Nangayayat siya. Nawalan ng kulay ang balat niya. Pero kahit ganoon, ang sigla-sigla niya tignan. Ang ganda-ganda ng ngiti niya.
She looks perfectly happy and it makes me want to cry.
Pinigilan ko ang luha sa mata ko. Knowing her, alam kong ayaw niyang makakita ng taong umiiyak dahil sa kanya.
“Kamusta ka na?” tanong niya sa’kin. “Kamusta ang naging buhay mo sa Paris.”
Nginitian ko siya ng malawak, “it’s really great! Masyadong romantic ang place na ‘yun! Tapos ‘yung mga pagkain doon ang sasarap!”
“At meron siyang manliligaw doon,” singit ni kuya.
Tinignan ko ng masama si kuya, “heh! Tumigil ka kuya! Hanggang ngayon hindi mo lang matanggap na merong nagkagusto sa’kin!”
“Alam kong merong magkakagusto sa’yo. Sadyang alam ko rin na hindi mo kayang mag move on doon sa Hapon na ‘yun!”
Hinampas ko ang braso ni kuya. Lokong ‘to! Sukat ipahiya ako sa harap ni Dionne!
“Speaking of Rui, kamusta na kaya siya?” tanong naman ni Dionne. “Bakit kaya hindi pa niya ako dinadalaw?”
Nagulat ako sa sinabi ni Dionne.
Oo alam kong nahihirapan ngayon si Rui. Pero hindi ko expected na hindi man lang siya pumunta rito para tignan ang lagay ni Dionne?!
That moron! That stupid, stupid guy!
Nakipag-kwentuhan ako saglit kay Dionne at kay kuya. Si kuya puro biro at puro patawa. Si Dionne naman, palaging nakangiti at parang walang iniindang sakit.
They look like a normal, happy couple.
Masakit isipin na sa likod ng mga ngiti at tawa nila, may mabigat silang pagsubok na kinakaharap.
Maya-maya lang din, nagpaalam na ako sa kanila. Hiniram ko muna ang sasakyan ni kuya at sinabing ibabalik ko mamaya.
“Kahit bukas mo na ibalik, hindi naman ako aalis dito. Mag pahinga ka muna ngayon.”
Nginitian ko lang si kuya at nagpaalam na ako sa kanya.
Sa totoo lang, wala pa akong planong umuwi. May isang lugar pa ako na dapat puntahan.
Ang bahay ni Rui.
Doon ako dumiretso. Kailangan kong i-check ang lagay ng japayuki na ‘yun. Mamaya kung ano na ang nangyari sa kanya eh.
Nang makarating ang condo ni Rui, naka-ilang doorbell na ata ako eh hindi pa niya ako pinagbubuksan. Sinubukan kong i-open ang pinto niya at laking gulat ko nang hindi ito naka-lock.
Madilim ang paligid. Agad kong in-on ang switch ng ilaw. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Rui na nakaupo sa sofa. Yung isang kamay niya, may hawak hawak na bote ng alak. Yung kabila naman ay naka-sapo sa mukha niya.
“R-Rui..?”
Inangat niya ang ulo niya at tinignan niya ako. Maga ang mga mata niya. Mas lalo tuloy naningkit. Pero kitang-kita ko rito ang gulat nang makita niya ako.
“M-Maisie..? Am I hallucinating?”
“Hindi ka nag hahallucinate. Nandito talaga ako para kay Dionne.”
Biglang bumagsak ang luha sa mga mata ni Rui. Agad ko naman siyang nilapitan.
“Maisie, she’s dying. Dionne’s dying!” niyakap ako ng mahigpit ni Rui habang umiiyak siya. “She is dying! Bakit kailangan mangyari ‘yon? Of all people, bakit si Dionne pa? Okay lang kahit hindi na siya sa’kin mapunta. Ayos lang kung si Jake talaga ang mahal niya. Pero hindi ko kakayanin kung tuluyan siyang mawawala! Hindi ko kaya!”
Humiwalay ako sa pagkakayakap ni Rui at tinignan ko siya ng diretso sa mata.
“Then what the hell are you doing here?! Bakit hindi mo man lang siya dinadalaw ha?!”
Iniwas niya ang tingin niya sa’kin, “hindi ko siya kayang makita sa ganong sitwasyon.”
Huminga ako ng malalim. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pero wala, para akong isang bulkan na sumabog dahil sa narinig kong sinabi ni Rui.
“BAKA!! BAKA! Gusto mo itranslate ko sa tagalog ha?! ANG TANGA TANGA MO!”
“M-Maisie…”
“Oo sabi ng doktor wala nang pag-asa si Dionne! But I saw her! I saw Dionne and she still managed to laugh and smile despite of what’s happening to her! Pilit siyang nagpapakatatag! At ikaw, nandito ka at nagpapaka-duwag! Dionne needs us so please, pull yourself together!”
Bumagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan sa ospital. Tuloy-tuloy ang pag-iyak ko sa harapan ni Rui.
Naalala ko ang mga ngiti ni Dionne pati na rin ang tawa niya. Para bang sa ginagawa ni Dionne, siya pa ang nagpapalakas sa mga loob namin.
Masakit. Ayokong makita siyang ganyan. Ayoko nang makitang masaktan si kuya.
At mas dobleng sakit na makita ang lalaking mahal ko na sobrang nasasaktan at wala akong magawa.
“Maisie…”
Naramdaman ko ang mga braso ni Rui na yumayakap sa’kin.
“You’re right. I’ve been a fool. I’m sorry. Pwede mo ba akong samahan kay Dionne?”
Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Rui at tumango.
“Oo naman. Sasamahan kita.”
~*~
[Rui’s POV]
Nanginginig ang mga tuhod ko habang naglalakad kami papunta sa kwarto ni Dionne. Parang onti na lang ay mag co-collapse na ako.
Sa totoo lang, natatakot akong makita siya. Baka hindi ko kasi kayanin. Baka mamaya bigla na lang akong mag breakdown.
Pero tama si Maisie. Ngayon yung panahon para magpakatatag kami. Hindi man para sa sarili namin kundi para kay Dionne.
Nakarating na kami sa tapat ng kwarto niya. Kumatok si Rui at nakita ko namang pinagbuksan kami ng pinto ni Jake.
Nagkatinginan kaming dalawa. Seryoso ang mukha niya at nakakunot ang noo niya. Pero nagulat ako ng bigla siyang ngumiti.
“Buti naman naisipan mo nang ayusin ang sarili mo. She’s been waiting for you.”
Napayuko ako bigla, “sorry k-kung natagalan ako…”
“Wait here.”
Tinalikuran kami ni Jake at nakita kong lumapit siya kay Dionne.
“Love, are you still awake? Someone wants to talk to you.”
“Sino?”
Tinignan ako ni Jake as if motioning me to come in.
“Rui!” masayang-masayang bati ni Dionne sa’kin.
“Iwan muna namin kayo,” sabi ni Jake at lumabas silang dalawa ni Maisie.
“Uy Rui! Ba’t ngayon ka lang pumunta dito?” naka-ngiti pa ring tanong ni Dionne sa’kin.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinagmasdan ko siya maigi.
She looks so thin and fragile. But still, she’s very beautiful. So beautiful that I fall for her over and over again.
“D-dionne..” my voice broke. Dali-dali ko siyang niyakap ng mahigpit. “I’m sorry. I’m so sorry.”
“Sshhh, hindi mo kailangang mag-sorry. Ang mahalaga nandito ka na.”
Humiwalay ako sa kanya at tinignan ko ang maganda at maamo niyang mukha.
“You’re still very beautiful, Dionne-chan,” naka-ngiti kong sabi sa kanya.
“Masyado mo naman akong binobola eh! Ikaw talaga!”
Hinawakan ni Dionne ang pisngi ko at pinunasan niya ang luhang tumulo sa mata ko.
“Hindi mo ako kailangan iyakan, Rui. I’m not a girl who’s worth your tears.”
Umiling ako, “you are a friend who’s worth my tears Dionne.”
Ngumiti sa akin si Dionne, “then do me one favor please,”
“Anything.”
“Please, be brave.”
Lumunok ako. Nakaramdam na naman ako ng panibagong luha na nag babadyang lumabas sa mga mata ko.
Pero nilabanan ko ito. Instead, pinilit kong bigyan si Dionne ng isang ngiti.
Para sa kanya. Para kay Dionne, magpapakatatag ako..
“I will.”
To be continued...
***
Malapit na malapit na talagang matapos! Wahahaha pero secret kung ilang chapters na lang. Bibiglain ko na lang kayo na tapos na pala XD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top