Chapter 57 (10/20/14)
Chapter 57
[Jake’s POV]
Ganito pala ang pakiramdam na natatakot ka para sa buhay nang taong mahal na mahal mo. Ang bigat sa dibdib. Halos hindi ako maka-hinga.
After atakihin si Dionne noong magkasama kami, tatlong araw siyang hindi nagising. Sabi ni Dr. Jin, stable na naman siya pero hindi ko pa rin maalis ang kabang nararamdaman ko. Gusto kong makita na dumilat siya, na ngumiti siya. Gusto kong marinig ulit ang boses niya.
At nung makita kong unti-unti niyang minumulat ang mata niya. Nung marinig ko ang boses niya, hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na lang ako.
“I love you.. I love you.. I love you..” paulit-ulit kong bulong sa kanya habang hawak-hawak ko ang kamay niya at tuloy-tuloy ang agos ng mga luha sa mata ko.
“J-japoy…” naramdaman ko ang mga daliri ni Dionne sa mukha ko. Pinupunasan niya ang mga luha sa pisngi ko. “S-sorry.. S-sorry t-talaga…”
Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong umiiyak na rin siya.
“No. You don’t have to say sorry. You didn’t do anything wrong. Kasalanan ko kasi hindi ko manlang naramdaman na ganito na pala ang sitwasyon mo. I’m sorry Dionne. Hindi ako aalis sa tabi mo. You don’t have to save me from pain,” hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. “I’ll do my best to lessen your burden. Pareho natin papasanin ‘to, okay? Hindi kita iiwan.”
“J-Japoy..”
“Shh. Wag ka na muna mag salita, okay? Tatawagin ko lang si Dr. Jin para ma-check ka niya.”
Agad kong pinindot yung buzzer sa nurse station at sinabi kong nagkamalay na si Dionne. Maya-maya lang din ay pumasok sa room si Dr. Jin.
“I know you’re a fighter, young woman,” naka-ngiting sabi niya kay Dionne. “Wag mo muna kaming iiwan agad ha?”
Habang chine-check ni Dr. Jin si Dionne ay pinalabas niya muna ako. Nag punta na lang ako sa cafeteria para mag hanap ng pagkain na magugustuhan ni Dionne. Habang nag ti-tingin-tingin ako, biglang nag ring ang cellphone ko.
It’s manager Rhian.
Alam kong katakot-takot na sermon ang gagawin niya sa’kin. Ang dami ko kasing photoshoot at taping na hindi sinipot nang wala man lang pasabi.
Agad kong sinagot ang tawag niya.
“Manager, sorry po!” pangunguna ko na sa sasabihin niya. “Pero hindi po ako makakapunta sa mga shooting o kung saan pa sa loob ng…” napahinga ako malalim. “Sa loob ng tatlong buwan.”
Parang mas bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ko.
Tatlong buwan. Ang taning ni Dionne.
“Ano ba ang sinasabi mo? Tumawag lang ako sa’yo para sabihing naka leave ka sa trabaho for five months.”
Nagulat ako sa sinabi ni Manager Rhian. N-naka leave ako?
“Pero leave without pay ‘yan ha? Alam ko namang milyones na ang naipon mong pera,” pahabol niya pa.
“B-bakit po?” tanong ko sa kanya.
Narinig ko ang pag hinga niya ng malalim.
“Venus told me everything. Mas kailangan ka niya.”
“Manager. Thank you po!”
“You’re welcome. And.. uhm.. hindi ko alam kung possible ang i-re-request ko sa’yo. Pero, pwede mo bang pauwiin ang kapatid mo ngayon dito sa Pinas?”
“Si Maisie? Why?”
“Si Rui. Alam na rin niya ang nangyari ngayon. And that guy is in deep depression right now.”
Napa-hinga ako ng malalim.
“Okay Manager Rhian. I will contact Maisie immediately.”
Sa totoo lang, ayoko nang guluhin ang kapatid ko doon. Alam kong unti-unti na siyang nag m-move on. Pero in some ways, naiintindihan ko si Rui. Pareho naming mahal si Dionne at alam kong katulad ko, grabeng sakit din ang nararamdaman niya ngayon.
Lumabas ako sa cafeteria without buying anything. Umakyat ulit ako sa kwarto ni Dionne at nakasalubong ko si Ninong Jin na kalalabas pa lang doon.
“How is she?” tanong ko sa kanya.
“Dionne’s fine. Nasa loob ngayon si Venus at binabantayan siya. Japoy, I need to talk to you.”
Tumango ako sinundan ko si ninong sa office niya.
“Japoy, I think m-mas makakabuti kung uuwi na muna si Dionne sa inyo,” sabi ni ninong sa’kin.
“But why? Hindi ba delikado? Hindi ba mas mababantayan siya dito? Paano kung may mangyari sa kanya, ha?”
“I want Dionne to live as normally as possible….. in the remaining days of her life.”
Hindi ako sumagot at agad kong iniwas ang tingin ko kay ninong. My hand balled into fist. Alam kong tama naman ang mga sinasabi niya eh. Pero hindi ko pa rin magawang tanggapin. Hindi ko magawang paniwalaan.
“A-ayokong makulong si Dionne dito sa ospital. Gusto kong nasa labas siya, katulad ng normal na tao. And I know, Dionne want that too,” patuloy ni Dr. Jin.
Napapikit ako at huminga ng malalim.
“Wala na po ba talagang magagawa? Kahit pahabain man lang ng isa pang buwan ang buhay niya? Kahit anong paraan, wala na ba talaga?”
“I’m sorry Japoy…”
Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.
“Pero napaka-ikling panahon ng tatlong buwan ninong…”
“You don’t know how much I wish na sana mali ang calculations ko. Hijo, I’m a doctor at mas naniniwala ako sa science. Pero sa ganitong pagkakataon, maniwala ka, isa rin ako sa mga nag dadasal na sana may dumating na milagro para sa batang ‘yan.”
Napa-hinga ulit ako ng malalim habang pilit kong pinipigilan ang pag patak ng luha sa mga mata ko.
“Pwede po bang mag travel ng malayo si Dionne? Gusto ko kasi siyang dalhin sa isang lugar.”
Napa-hinto si ninong at tinignan ako.
“Okay. In a week, pwede na siya makalabas sa ospital.”
[Maisie’s POV]
Nanginginig ang mga kamay ko habang isa-isa kong inilalagay ang mga damit ko sa maleta ko.
Two nights ago, tumawag sa’kin si kuya at ibinalita niya ang nangyari kay Dionne. Umiiyak siya. Rinig na rinig ko sa boses niya ang hirap ng pinagdaraanan niya. Hindi ako makapag salita nun. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Habang naririnig ko ang pag-iyak ni kuya sa kabilang linya ng telepono, tahimik na bumabagsak ang mga luha ko sa mata ko.
Bakit kailangan mangyari sa kanilang dalawa ang bagay na ‘to? Bakit si Dionne pa?
Napapikit ako at naalala ko si Rui.
I tried to contact him pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Kinausap ko si Venus pero hindi rin niya mahagilap si Rui.
Natatakot ako.
Alam kong mahal na mahal niya si Dionne. At kahit hindi ko siya nakikita, ramdam kong nasasaktan siya ngayon ng husto.
Pilit kong inalis sa isip ko si Rui at nag focus ako sa pag iimpake. Buti na lang, nakapagpa-book ako agad ng flight. Halos kalahati ng ipon ko ang nasaid ko dahil biglaang flight ang kinuha ko, pero wala na akong paki. Kailangan kong umuwi sa Pinas. Hindi ako mapapalagay dito.
Napatingin ako bigla sa wedding gown na nasa harapan ko. Ang wedding gown na ako mismo ang nag design para sana kay Dionne.
Napatayo ako bigla at kinuha yun.
Nakakaiyak isipin na hindi niya na magagawa pang isuot ‘to. Alam kong pinangarap ni kuya na makita si Dionne na nakasuot ng wedding gown. Nakakaiyak ang nangyari sa kanila.
Pero kahit papaano, kailangan kong maibigay ito sa kanya.
My last gift for her.
To be continued...
***
AN:
Gusto ko lang pong mag thank you sa mga readers ko na walang sawang nag co-comment sa bawat chapters ng "tunay" na comment. Yung hindi "update agad!" at "bitin!" ang laman ng comment. Yung talagang ang comment ay about sa story mismo. Maraming salamat readers :) Kayo ang dahilan kung bakit hindi pa rin ako bumibitiw kahit minsan nakaka pressure na ng husto. Nakaka-inspire kasi ang comment niyo. Hindi man ako nag rereply pero ina-abanggan ko yun at lagi kong binabasa :) Feeling ko kasi appreciated ang bawat chapters na inuupdate ko pag kayo ang nag co-comment. Yung simpleng "naiyak ako kay Dionne.." lang, natutuwa na ako *sadista author hahha*
Pero salamat po talaga sa pag appreciate sa'kin.
At sa lahat ng mga nagbabasa nito, salamat din po.
Baka hanggang ngayong week or next week na lang ang Angel in Disguise. <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top