Chapter 52 (09/11/14)

Chapter 52

 

 

[Dionne’s POV]

 

 

I’m sorry Japoy. I’m really really really sorry Japoy.

            Paulit-ulit na sabi ko sa isipan ko habang walang humpay ang pag-iyak ko.

            Nakasakay na ako sa taxi. Nakita ko si Japoy na humahabol sa’kin, tinatawag ang pangalan ko at nag mamakaawa na wag ko siyang iiwan. Gusto kong bumalik at bawiin ang mga sinabi ko sa kanya. Gusto kong sabihin na handa akong lumaban para sa kanya.

            Pero paano ako lalaban sa isang digmaang matagal ko nang isinuko? Paano pa ako mananalo kung dati pa lang alam kong talo na ako?

            Binalaan na nila ako eh. Alam ko naman sa sarili ko na mauuwi sa ganito ‘to pero itinuloy ko pa rin. Pinairal ko pa rin ang puso ko kesa ang utak ko.

            Nakakainis na puso ito. Alam naman niyang masyado siyang mahina para lumaban pero sukat na nag-mahal pa rin.

            Napahawak ako sa dibdib kung saan located ang puso ko. Pilit kong pinapakiramdaman ang bawat pag tibok nito kahit halos wala na akong maramdaman.

            May sakit ako. Isang sakit kung saan habang tumatagal ay unti-unti itong kumakalat sa puso ko at pinapatay at pinapahinto nito ang pag tibok ng puso ko.

            Sabi ni Dr. Jin, 1 out of 1000 lang daw ang nagkakaroon ng ganitong karamdaman. Nagkataon nga lang na si mama ang one sa 1000 na ‘yun. At nagkataon ding namamana ang sakit na ‘to.

            Ang sakit na kumitil sa mama ko at sa kuya ko.

            Ang sakit na siyang kukuha rin sa buhay ko.

            Sabi ni Dr. Jin, mabagal daw ang pagkalat nito sa puso ko. Sabi niya, eight years pa ang nalalabi sa’kin at pwede pa itong maduktungan.

            Nung una ayoko nang maduktungan pa ang walong taon. Masyadong mahaba na ‘yun para sa’kin. Gusto ko na agad umalis at sundan ang pamilya ko tutal wala naman akong dahilan para mabuhay eh.

            Pero noon ‘yun.

            Dahil ngayon, nang dahil kay Japoy, gusto kong maduktungan ang walong taon na tanging ng buhay ko. Masyadong maikli yun. Gusto kong makasama ng mas matagal si Japoy. Gusto kong tumanda na kasama siya. Gusto kong matupad yung plano niya para sa aming dalawa.

            For the first time, ginusto kong lumaban. Ginusto kong patayin ang sakit na ‘to.

            Sabi ni Ninong Jin mahihirapan daw ako. Malala raw ang mga side effects. Pero okay lang sa’kin. Titiisin ko ang hirap na yun gumaling lang ako.

            Titiisin ko lahat para makasama ko si Japoy.

            Nung araw na nag propose si Japoy sa’kin at sinabi kong nandoon ako kina Ninong Jin at nag-aaral mag luto, nasa ospital talaga ako nun at nag papa-lab test. Tinitignan nila kung kakayanin ko ang magiging procedure ng pag gagamot sa’kin.

            Nung panahon na ‘yun, ilang beses ko ring binalak na sabihin kay Japoy ang tungkol sa lagay ko pero hindi ko makuhang i-brought up ito. Nakikita ko masyado siyang masaya. Hindi ko kayang pasanin niya ang pinapasan kong problema.

            Isa pa, positive naman na ako na gagaling ako eh. Alam kong malalabanan ko ang sakit na ‘to dahil mas tumibay na ang loob ko ngayon at willing na akong kaharapin ang lahat.

            ‘Yun nga lang, kung kelan buo na ang loob kong lumaban, atsaka naman bumigay ang puso ko.

            Hating-gabi nun, matapos ang nangyari doon sa grocery store, tumawag si Dr. Jin sa’kin. Sabi niya, kailangan niya akong sunduin at pupunta kaming ospital. Hindi ko tinanong kung bakit. Kinakabahan ako sa sasabihin niya.

            Nanginginig ang kamay ko habang nag iimpake ako ng gamit. Ilang beses kong tinangkang gisingin si Japoy pero hindi ko talaga magawa.

            Hindi ko kayang sabihin sa kanya. Masasaktan siya.

            Umalis ako ng walang pasabi. Iniisip ko na lang na babalik agad ako. Pilit kong inaalis ang takot na nararamdaman ko.

            Siguro sisimulan na ang pang gagamot sa’kin. Alam kong mahirap, pero kakayanin ko.

            Nang makarating kami sa office ni Dr. Jin, pinaupo niya agad ako at inilabas niya ang isang folder. Sabi niya ayun na raw ang resulta ng lab test ko.

            “Dr. Jin, ngayon na po ba natin sisimulan ang pag gagamot?” kinakabahang tanong ko sa kanya.

            Napahinga ng malalim si Dr. Jin, “Dionne, the thing is, according sa lab result mo, h-hindi ka na pwedeng mag gamot.”

            “Why? Dr. Jin, kung side effects lang din naman, kakayanin ko yun! Mas kilala ko ang katawan ko. Alam kong hindi ‘to bibigay. Please, Dr. Jin, tulungan niyo po akong maduktungan ang eight years ko!” maluha-luha kong sabi sa kanya.

            “D-dionne, h-hindi sa side effect ang inaalala ko eh,” huminga ulit siya ng malalim at tinignan ako sa mata. Doon ko napansin na nangingilid na rin ang luha niya. “K-kumalat na ang sakit sa puso mo.”

            Parang bombang sumabog sa tenga ko ang sinabi ni Dr. Jin. Para akong biglang naubusan ng hinga at parang umikot bigla ang paningin ko.

            “K-kumalat na?” napapikit ako habang ramdam ko ang maiinit na luhang bumabagsak sa mata ko. “Gaano na lang ako katagal? Five years? Three years?”

            Hindi ako sinagot ni Dr. Jin at napapikit na rin siya habang hindi na niya napigilan ang luha sa sarili niyang mata.

            “One year? Dr. Jin sagutin niyo po ako. Gaano na lang ako katagal?”

            Tinignan ako ni Dr. Jin sa mata, “five months.”

            Nung panahon na yun, nag flashback lahat sa utak ko ang mga sinabi ni Japoy. Ang pagmamakaawa niya sa’kin na wag ko siyang iiwan. Ang pag sabi niya na ikakamatay niya pag nawala ako. Pati na rin lahat ng binitiwan niya para sa’kin.

            Ang bigat nang isinakripisyo niya para makasama ako.

            Hindi ko mapatawad ang sarili ko.

            Alam kong masasaktan ko siya sa pag-iwan ko sa kanya. Pero mas okay na ‘to. Mas okay nang magalit siya sa’kin para mas madali niya akong makalimutan kesa naman mahalin niya ako lalo at mas lalo siyang masaktan pag nawala ako.

            Pero hindi ko alam na ang sakit-sakit-sakit pala talaga. Na ang hirap hirap pala kung ikaw yung mangiiwan at wala kang magawa para mag stay ka. Yung gusto mong lumaban pero wala na, talo ka na. Ang tanging paraan na lang ay lumayo ka sa mga importanteng tao sa’yo para hindi na sila madamay pa sa sobrang sakit na nararamdaman mo.

            Nanghihina akong pumasok sa ospital papunta sa room ko kung saan ako naka-confine. Nakita ko naman si Dr. Jin doon na nag aantay sa’kin at mukhang alalang-alala.

            “Dionne!” salubong niya sa’kin. “Are you okay?”

            Hindi ko na napigilan ang nanlalambot kong tuhod at napa-luhod na lang ako sa harapan niya atsaka humagulgol ng iyak.

            “Dionne!!”

            “Dr. Jin ang sakit-sakit. Please, tulungan niyo ako. Gusto ko pa pong mabuhay! Ayoko pang mamatay! Please! Kahit isang taon lang. Please? Pahabain niyo pa ang buhay ko. Gusto kong makasama si Japoy. Please po. Please!”

            Tanging mahigpit na yakap lang ang naisagot niya sa’kin.

To be continued…

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #life#love