Chapter 50 (08/29/14)
Chapter 50
[Jake’s POV]
It’s Friday morning. Pareho kaming nakasalampak ni Dionne sa kama ko habang may hawak-hawak siyang isang notebook at ballpen at busy mag lista ng mga pangalan ng mga taong iimbitahan namin sa kasal namin.
“Gusto kong Maid of Honor ay si Ashley, ‘yung kaibigan ko sa choir! Naku matutuwa talaga ‘yun pag nalaman niya na ikakasal na ako,” tuwang-tuwang sabi ni Dionne.
“As for me, I want Rui to be my best man, kaya lang hindi kaya mag laslas ‘yun pagkatapos ng kasal natin? Alam mo naman kung gaano ka-patay na patay sa’yo ‘yun!” sabi ko naman. “Ano bang pinakain mo sa Hapon na ‘yun at ganun na lang ka in love sa’yo?”
Tinignan ako nang nakakaloko ni Dionne at nginitian nang malawak. “Katulad nang ipinakain ko sa’yo!”
“Sabi ko na ginayuma mo ako!!”
“Ang gandang gayuma ko naman!” natatawa-tawang sagot naman ni Dionne.
“Maganda ka nga, hindi ka naman marunong mag luto!”
“Pero inamin mong maganda ako? Ibig sabihin maganda ako!”
Napa-iling na lang ako. Kahit kailan talaga hindi ako manalo-nalo sa babaeng ‘to. Ang galing niyang magpa-ikot ng usapan eh!
“Anyway, kailangan na nating mag hanap ng pwedeng mag cater sa kasal natin. ‘Yung gown mo, si Maisie na raw ang bahala na mag design nun. Don’t worry, uuwi siya a month before ng kasal natin. Tapos pala kailangan na nating mag hanap ng simabahan kung saan tayo pwede mag pakasal. O gusto mo i-try ang garden wedding? Baka kasi masunog ako sa simbahan. Joke lang! Pero tignan mo ‘tong mga nahanap kong simbahan!”
Ipinakita ko sa kanya yung screen ng laptop ko at tinuro yung listahan ng mga simbahan na nahanap ko.
“Ilista mo ‘yan lahat sa notebook mo,” utos ko at nilingon ko siya. Instead na sa screen siya ng laptop nakatingin, sa akin siya titig na titig at naka-ngiti pa.
“Why are you looking at me like that? Are you seducing me? Gusto mo patulan ko ‘yan ha?”
“H-hindi ‘no! Napapaisip lang ako.”
“At ano naman ang iniisip mo ha? Kung bakit sobrang gwapo ko? Kung bakit ang hot ko ha? O baka naman kung pwede mo bang hawakan ang abs ko o pwede mo ba akong halikan? Hindi mo na kailangan mag-isip. You’re my girlfriend now and I am giving you the privilege to do those things. Kahit pag samantalahan mo ang pagka-lalaki ko, hindi ako aangal.”
Bigla naman natawa si Dionne.
“Hindi ‘no, ano ka ba! Inisip ko lang kung kailan nag umpisa na nagustuhan mo ako. Kelan ng aba?”
Sumimangot ako, “I’m disappointed. Akala ko gusto mo nang pagsamantalahan ang pagkalalaki ko.”
“Ikaw talaga!” hinampas niya nang mahina ang braso ko. “Pero dali na, sagutin mo ang tanong ko. Kailan ka nag start na magka-gusto sa’kin?”
“Tss. Demanding future wife.”
Inilapag ko yung laptop na hawak ko sa side table then I put my arm around her shoulders and pulled her closer to me.
“Hindi ko matandaan kung kelan nag start. Siguro nung nagpanggap tayong daddy at mommy ni Maya nung dinala natin siya sa zoo? O yung first time kong natikman ‘yung binake mong cake? Or maybe that moment when you barge into my bathroom at nakita mo akong hubo’t hubad. I don’t know. I really can’t remember. But the thing is,” lumingon ako sa kanya at nginitian ko siya. “I don’t really care kung kailan nag simula. Basta alam ko, hindi ito mag tatapos. Ikaw ang unang babaeng nasabihan ko ng mga cheesy lines na hindi galing sa script at wala sa harap ng camera. Kaya ikaw, wag mo akong iiwan ha? Seriously, ikamamatay ko ‘yun.”
Bigla na lang napayakap sa’kin si Dionne ng mahigpit na mahigpit.
“I love you Japoy. I love you. I love you.”
Humiwalay ako sa pagkakayakap then I cupped her face.
“I love you more.”
Ngumiti siya.
“Ipagluluto kita ng chicken cordon bleu para sa dinner!”
“Hindi ka pa nakaka-bili ng manok,” paalala ko naman sa kanya.
“Ay! Oo nga!”
“Hay naku. Tara na sa grocery! Bibili tayo ng manok.”
“Sasamahan mo ako?”
Bumangon ako sa kama at isinuot ang shades at cap ko, “oo naman! Tara na!”
“Yay!!”
~*~
“Japoy! Stick-o oh! Bilhin natin ‘to ah?” sabi ni Dionne habang tuwang-tuwa siyang inilalagay ang isang garapon ng stick-o sa cart namin. “Uy Nutella! Masarap na breakfast ‘to! Kunin din natin ‘to. At yun o, choco pops na cereal! Ang tagal ko nang hindi nakakakain nito! At ito rin yogurt! Good for the health!”
Tinignan ko ang nag uumapaw na cart namin na may laman na kung anu-anong pagkain na pinagdadampot ni Dionne.
“Seriously. Akala ko manok lang ang bibilhin natin eh.”
“Eh, mag grocery na rin tayo. Wala na akong maipakain sa’yo sa bahay eh.”
Nilingon ko siya, “wala kang maipakain sa’kin? O baka naman wala ka nang makain? Ang takaw mo kasi! Mamaya tumaba ka niyan!”
“Okay lang. Love mo pa rin naman ako kahit mataba na ako eh!”
“At paano ka naman nakakasiguro aber?”
“Kasi ginayuma kita!”
Napa-iling na lang ako.
“Dali na tuloy na natin ang pag g-grocery. Isipin mo na lang nag p-practice tayong dalawa. ‘Di ba ito ang ginagawa ng mag-asawa?”
“Sus inuuto mo naman ako!”
“Eeeh pero naka ngiti ka na! Kinikilig ka na eeeh!” pang-aasar niya sa’kin sabay pulupot ng dalawang kamay sa braso ko.
“Tss, oo na! Oo na! Eto na nga!”
“Yay! Tara doon sa mga napkin! Kailangan ko nang bumili ng napkin at panty liner eh.”
“What the hell?!” bigla kong tinabing ang kamay ni Dionne na nakapulupot sa braso ko. “I-ikaw na lang ang pumunta doon. Ako na kukuha nung manok na kailangan mo.”
“Eeeh. Samahan mo na ‘ko! Ayokong nawawalay sa’yo. Namimiss kita eh.”
“H-heh! Tumigil ka.”
“Biro lang Japoy! Nakakatuwa itsura mo eh. Kasing pula mo na ang kamatis!” sabi niya sabay tawa nang malakas. “Sige na, puntahan na lang kita doon. Kukuha muna ako ng napkin.”
“Tss,” tanging nasabi ko na lang at pinanuod ko siyang maglakad papunta sa napkin section.
Pansin ko talaga lately ang hilig ako inaasar ng babaeng ‘yan. Palibhasa hindi ko na siya magawang pag sungitan ng husto sa kadahilang… ano…mahal ko siya! Kainis! Nag t-take advantage siya! I’m positive! Gumaganti siya sa lahat ng panahon na sinungitan at sinigawan ko siya kaya grabe niya akong asarin!
Tss. Paulanan ko siya diyan ng halik at bugbugin ng pag mamahal eh!
Nag lakad na ako papunta doon sa bilihan ng manok at nag hanap ng naka fillet na. Plano ko nga sana bumili na lang ng isang buong manok at i-entertain ang sarili kong panuorin si Dionne sa pag tatanggal ng buto nun kaya lang naisip ko, baka biglang mahiwa ng kutsilyo ang precious hands ng future wife ko kaya wag na lang. Sa ibang bagay ko na lang siya gagantihan. Mwahahaha.
“Ikaw po si Jake Marquez ‘di ba?” tanong nung babaeng nag f-fillet nung manok na binili ko.
“Ahmm…”
“Alam kong ikaw ‘yan. Idol na idol ka ng mga anak ko eh kaya kilalang-kilala ko ang itsura mo kahit naka cap at shades ka pa. Naku iho balita ko ikakasal ka na doon sa dati mong P.A?”
Yumuko ako at kinabahan sa susunod na sasabihin ng ale. Baka kasi husgahan niya si Dionne. Ayokong gumawa ng eskandalo rito pero alam kong pag nakarinig ako nang hindi maganda tungkol sa kanya, hindi ko mapipigilan ang sarili ko.
“O, ano ang tungkol doon?” pabalang kong tanong sa kanya.
“Gusto lang kita i-congrats iho! Sa totoo lang, kilala ko siya. Madalas siyang mag grocery rito at pala-ngiti ang batang ‘yan. At magalang. Kaya kung ano man ang mga issue na kinakaharap niyo, wag niyo na intindihin ‘yun. May mga tao pa ring nakakaalam na mabuting tao siya.” Bigla naman napatakip ng bibig ‘yung ale, “ay sorry iho ha? Nadala lang ako. Naging pakielamera ako tuloy!”
Bigla akong napangiti, “okay lang po. At salamat. Those words meant a lot to me.”
Inabot sa’kin nung ale yung chicken fillet na binili ko at nag pasalamat ulit kami sa isa’t-isa.
Ewan ko ba, parang gumaan bigla ang pakiramdam ko.
Aaminin ko, naapektuhan ako sa sinasabi ng tao tungkol kay Dionne. Oo alam kong ganito ang mundo ng showbiz. Sanay na ako sa mga chismis at issue na ganyan. Pero iba pala pag ang taong mahal na mahal mo ang nalalagay sa ganyang sitwasyon. Lalo na kung nagmumukha siyang masama sa paningin ng iba. Hinuhusgahan siya ng mga taong hindi naman talaga siya kilala. Mas masakit. Madalas kong hilingin na sana ako na lang ang husgahan nila, wag si Dionne.
She’s an angel. And angels shouldn’t be treated like that.
Pero at least kahit papaano, may mga tao pa ring sumusuporta sa’min. Mga taong nakakasalamuha ni Dionne.
Ibang klase naman kasi talaga ang babaeng ‘yan. Gusto siya ng lahat ng mga nakakakilala sa kanya.
Ang swerte ko kasi ako ang minahal niya.
Nag-lakad ako papunta doon sa napkin section. Wala na akong paki kahit ang gwapong katulad ko ay mapunta sa lugar na napapaligiran ng napkin, o kahit panty at bra pa ‘yan. Basta nandoon ang mahal ko, susundan ko siya.
Yuck!
Ibang klase na talaga ang epekto ng babaeng ‘yan sa’kin! Nagiging korny na talaga ako!
Nang makarating ako sa napkin section, nabigla ako nang makita ko si Dionne na pinapaligiran ng apat na babae.
“Anong ginawa mo sa kanya? Anong pang gagayuma? Inakit mo siya no!” sabi nung isa sa kanya.
“Please lumayo na kayo. Hindi ako makahinga!”
“Ang arte-arte mo!”
What the hell?!
Biglang umakyat ang dugo sa ulo ko at agad ko silang nilapitan.
“Back-off!!” sigaw ko doon sa mga babae at para bang nagulat sila nang makita nilang nasa likuran ako.
“Si Jake Marquez!” sigaw nung isa.
Bigla naman napatingin ang ilang mga taong namimili at naki-usyoso sa nangyayari.
Fuck.
Hinawakan ko ang braso ni Dionne para hilahin siya pa-alis.
“A-aray..”
Napa-bitaw ako bigla sa braso niya at doon ko napansin na may mga kalmot siya. Kahit sa mukha. Magulo rin ang buhok niya na para bang nasabunutan siya.
Napatingin ako ng masama doon sa mga babaeng nakapalibot sa kanya kanina.
“Kayo ba may gawa nito?!”
Walang umimik sa kanila.
“J-japoy, tama na. Ang daming naka-tingin sa’tin. U-umalis na lang tayo.”
Hindi ko inalis ang tingin ko doon sa mga babae kahit na hinihila na ako ni Dionne paalis.
“May CCTV dito sa grocery na ‘to kaya kayang-kaya ko kayo ipahanap. Hindi ko palalagpasing ‘tong ginawa niyo,” pag babanta ko sa kanila at nakita ko ang takot sa mga mata nila.
“Japoy tara na!”
Hinawakan ko ang kamay ni Dionne at nag-lakad kami palabas ng grocery---hindi pinapansin ang mga camera ng cellphone na nakatutok sa’min.
Agad kaming sumakay sa kotse ko at pinaharurot ko ito ng takbo pabalik sa condominium ko.
Malamang mamaya laman na naman kami ng news. Mas mabuti pang wag na lang ako manuod ng TV at mag online para hindi ko mabasa ang mga sasabihin ng tao.
Pagkarating namin sa condo, pinaupo ko agad si Dionne sa sofa at kinuha ko ang first aid kit.
“Halika gamutin natin ang sugat mo.”
Hindi umimik si Dionne at hinayaan niya lang na dampian ko ng bulak na may betadine ang braso niyang may mga kalmot nung mga bwisit na babaeng ‘yun.
“Pwede naman ulit tayo mag grocery sa ibang araw. Pa-deliver na lang tayo ng dinner ngayon. O kaya, pag luto mo ulit ako ng hotdog omelet? What do you think?”
Hindi umimik si Dionne kaya naman napa-angat ang tingin ko sa kanya at nakita kong may mga luhang pumapatak galing sa mata niya.
“Dionne,” pinunasan ko ang mga luha niya at tinignan siya sa mata. “I’m so sorry. W-wag kang mag-alala, hindi ko papalagpasin ang ginawa nila sa’yo, okay? Please stop crying.”
“H-hindi. Mga teenagers lang ang mga ‘yon. Hayaan mo na.”
“Pero bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Napa-hinga siya ng malalim at iniwas ang tingin niya sa’kin.
“Talaga bang hihinto ka na sa pag-aartisa?”
“’Di ba pinag-usapan na natin ‘to? I already talked to my mom at inaayos na niya ang Visa natin dalawa papunta sa ibang bansa.”
Napa-iling siya at bigla na naman napa-hagulgol ng iyak.
“S-sinira ko ba? Sinira ko ba talaga ang lahat?”
“What are you talking about? Ano ba ang sinabi ng mga babaeng ‘yun sa’yo ha?”
“Sabi nila sinira ko raw ang pangarap mo, ang career mo! Sabi nila na maraming projects ang naka-line up sa’yo. May offer pa sa’yo sa isang international movie. Tapos tinapon mo ‘yun lahat para sa’kin. Lahat ‘yun. Lahat ng pinaghirapan mo. Lahat ng bagay na matagal mo nang gustong marating. Tinapon mo ‘yun para sa isang katulad ko!”
“Dionne! Ano ba, wag mong sabihin ang mga bagay na ‘yan!”
Inakbayan ko siya at hinila siya papalapit sa’kin atsaka ko siya niyakap ng mahigpit na mahigpit.
“Wag mong sabihin ang mga bagay na ‘yan. Wag mo nang isipin ‘yun.”
“Pero totoo naman eh. S-sana hindi mo na lang ako nakilala para hindi mo na kailangan i-give up ang mga bagay na ‘yon para sa isang tulad ko.”
Napa-hiwalay ako bigla sa kanya dahil sa gulat doon sa sinabi niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at tinignan ng diretso sa mata.
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo ha? Sana hindi na lang kita nakilala? Tingin mo, ano ako ngayon kung hindi kita nakilala ha? Isa akong gago! Sabik sa pera at kasikatan! Puro ganyan ang laman ng utak ko. At hindi ko matututunan magpahalaga ng mga taong may paki sa’kin. O baka nga may sakit na ako sa baga dahil walang nakaka bwisit na anghel ang mag tatapon ng mga yosi ko at papalitan ‘to ng stick-o! At kung hindi kita nakilala? Hindi ako masaya ngayon!”
“J-japoy…”
“Please Dionne! Bakit ba napaka-baba ng tingin mo sa sarili mo ha? For me you are a precious angel. Isang anghel na kahit balandrahan pa ako ng pera o kasikatan, hinding-hindi ko ipagpapalit!”
Pinunasan ko ulit ang luha sa mata niya at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.
“Kaya please, wag mo nang sasabihin ‘yan. Wag mo nang iisipin ‘yan ha? Hindi ko kayang mawala ka. Hindi mo ba nakikita ha? Ikaw na ang naging dahilan kung bakit araw-araw masaya akong gumigising at kung bakit araw-araw nakakapagbitiw ako ng mga kakornihan na ganito. Mahal na mahal kita eh.”
Naramdaman ko ang pag hagulgol ni Dionne sa balikat ko.
“I’m sorry… I’m sorry…” paulit-ulit niyang sinasabi habang wala pa rin siyang humpay sa pag-iyak.
“Shh.. It’s okay. It’s okay. I love you….”
“I-I love you too…”
“Wag mo akong iiwan ha?”
That night, hinayaan kong matulog si Dionne sa tabi ko habang yakap-yakap ko siya ng mahigpit na para bang ayoko siyang umalis sa tabi ko. Na kung pwede lang, idikit ko na siya ng permanente sa katawan ko.
Kaya lang, pagkagising ko, wala na siya.
Kahit ang ilang mga gamit niya ay wala na rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top