Chapter 5 *Mr. Spy*

Chapter 5

*Mr. Spy*

[Rui’s POV]

“eeeeehhh ang tagal nilaaaaaa!” sabi ko sabay upo doon sa sofa ng set at nagpagulong gulong “naiinip na ko!!” T___T

“hoy japayuki pwede bang wag kang magpagulong gulong diyan ha?! Yung damit mo nagugusot! Pinaghirapan yan plantsahin no!”

Umayos ako ng upo at sinimangutan ko si Maisie. Tss napakainit talaga ng ulo sakin ng babaeng yan. Di ko alam kung ano ang ginawa ko para magalit siya sakin ng husto! >__<

Pero ang tagal naman dumating nina Kuya Jake! I want to see Dionne-chan! Sana kasama niya T__T

Napahawak ako sa tummy ko. Tss gutom narin ako. Di naman ako makaalis sa set para bumili ng pagkain kasi baka dumating na ang future wife kong si Dionne. Pero gutom na koooo!!! T__T

“haaay makakain narin!”

Napalingon ako kay Maisie at nakita kong nag lagay siya ng mainit na tubig doon sa cup noodles niya.

“err Maisie enge” T__T

Inirapan naman niya ko “ayoko, bumili ka ng sayo!”

“eh.. limang subo lang, please” nag puppy eyes ako sa kanya

“ayoko”

“apat”

“ayoko”

“tatlo?”

“ayoko”

“d-dalawa?”

“ayoko”

“isa? Please, isang subo lang!”

“ayoko nga sabi eh! wag mo nga akong guluhin! Kumakain ako eh! chupi!”

I pout. Hmpf sungit sungit ng babaeng to eh. Isang subo lang pinagdamot pa sakin. Napahawak ako doon sa tyan kong kumakalam na. I’m hungry T___T

Narinig kong nag ring yung phone ni Maisie at sinagot naman niya to

“oh Ms. Alvarez, about po doon sa gown na ire-rent niyo?” tumayo si Maisie at lumabas ng set siguro para mas marinig niya yung pinaguusapan nila. Nag twingkle naman ang mata ko.

Sorry Maisie, gutom na tao lang. Sana mapatawad mo ko. :p

Umupo ako doon sa inuupuan kanina ni Maisie at tinitigan ang ready to eat niyang cup noodles

“itadaikimasu”

I bowed my head and started eating the noodles “oishiiiiiii!”

Tuloy tuloy lang ako ng kain. Grabe, gutom na gutom talaga ko. Ang sarap naman nitong noodles na to. Saan kaya nabili to ni Maisie? Magpapabili nga ako sa kanya ng madaming madami.

“HEY THAT’S MY FOOD!”

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Maisie sa likudan ko at nakita kong pulang pula ang mukha sa galit.

Oooohhh scary O____O

“hehehe to naman, sumubo lang ako ng onti” ^__^v

“ONTI?! EH UBOS NA EH!!!”

Huwaw! Grabeng temper ito! Katulad na katulad ng kay Kuya Jake!

“grabe naman! Parang cup noodles lang kinagagalit mo na agad!”

“patay gutom ka! Beggar! Pulubi! Taong kalye! Magnanakaw! Lahat na! grrrrr!”

“may patay gutom, beggar, pulubi, taong kalye at magnanakaw bang artista ha?!”

“oo meron!!!”

“sige nga sino?!”

“IKAW!”

Wow grabe ha ang sakit niya mag salita!

“teka nga bat ba galit na galit ka saakin ha?! Ano bang ikinaiinis mo sakin?!” sigaw ko sa kanya!

“Lahat! Mula ulo hanggang paa mo nakakaasar!! Grrr jan ka na nga!” iniwan ako ni Maisie na nakatayo doon at pumasok sa dressing room.

WOW LANG. Ano bang kainis inis saakin?! Sa gwapo kong to maasar siya? tss. Iba na talaga taste ng mga babae.

“oh bat galit na galit yun?” napatingin ako doon sa dumating at nakita ko na kapapasok lang ni Kuya Jake sa set

Kasama ang pinakamahahal ko.

“DIONNE-CHAAAAAAAAAANNNN!!!”

Tumakbo ako papalapit sa kanila atsaka ko niyakap si Dionne-chan “I’ve been waiting for you!! Miss na miss na miss kita! Pinahihirapan ka ba ni Kuya Jake? Tell me bubugbugin ko siya”

“ah hehehe”

“tss grabe ka!” sinikmuraan ako ni Kuya Jake in a playful way “puntahan ko muna si Maisie”

“sure kuya. Iwan mo na saakin si Dionne-chan. I’ll take good care of her”

“hmpf”

Naglakad na palayo saamin si Kuya Jake. Buti naman at masosolo ko na si Dionne.

“Dionne-chan tara pagusapan na natin ang kasal nating dalawa!” ^____^

“e-eh? kasal?!”

“yep! Ay oo nga pala di pa pala ko nanliligaw” napakamot ako sa ulo “sige starting today ako na ang manliligaw mo!”

“e-eh?! ahmm ano, R-rui puntahan ko muna si Japoy baka kailangan niya ko eh”

Tinignan ko si Dionne “do you like kuya Jake?”

“ha? Ah, oo. I like him”

OUCH. BASTED AKO AGAD T_____T

“e-e-edi, w-w-wala na ko pag-asa? Kayo na ba? nililigawan ka na ba niya? May nangyari na ba sa inyo? Nag mwah mwah tsup tsup na ba kayo? DUMAMOVES NA BA SIYA? WAAAAAAAAAH” T_____________T

“Ha? Naku hindi ganung like ang ibig kong sabihin. I mean gusto ko siya as a person, kasi masaya siya kasama, nakakatuwa siya at ang cute cute niya. Parang sa magkaibigan lang.” pagpapaliwanag ni Dionne saakin

Whew. Kinabaha ako doon. Buti naman! Tsakan may Venus na si Kuya Jake! Silang dalawa ang bagay at kami naman ni Dionne-chan ang bagay!

“ohh I see! Eh ako? Like mo ba ko?”

“oo naman!”

“good I love you too!”

“e-eh?”

“tsaka wag mo na muna intindihin si Kuya Jake. Nandun naman si Maisie para i-guide siya eh. magkakaintindihan naman yung dalawa. After all magkapatid sila” hinila ko si Dionne paupo sa sofa “magkwentuhan muna tayo!”

“w-wait, magkapatid si Maisie at Japoy?”

“yep!”

“pero bat magkaiba sila ng surname?”

Tinignan ko si Dionne “do you really want to know?”

Lumapit naman siya saakin at mukhang interesadong interesado siya sa kwento ko “oo”

Huwaaaa ang ganda niya talaga!!! *sigh* gusto ko ng magpakasal sa kanya

Mas lumapit pa ako sa kanya para close-up kong makita ang napakaganda niyang mukha “kasi ganito ang nangyari-----“

*BOOOGSH*

“ARAY!!!!” T_________T

Napahawak ako sa ulo ko dahil may tumamang kung anong bagay dito. Nakita ko sa sahig yung pair ng rubershoes na isusuot ko.

“SAPATOS MO! AMOY PATAY NA DAGA! WAG NA WAG MONG MAIWAN IWAN YAN DITO!” sigaw ni Maisie saakin

Napahimas ako sa ulo ko.

Grabe na talaga ang galit ng isang yun saakin =___=

[Jake’s POV]

“hay nakakaasar siya! ang landi landi ng japayuki na yun! Pati si Ate Dionne nilalandi?! Grabe! May palapit lapit pa siya ng mukha kay Ate Dionne! grabe talaga! nakakaasar siya! grrr! nakakaasar!” sabi ni Maisie habang padabog niyang inaayos ang necktie ko

“oh hindi ako si Rui ha! Mamaya ako mapatay mo sa sobrang galit mo eh!”

“sorry kuya. Hay nakakaasar lang kasi talaga yung lalaking yun eh” tinignan niya ko “Kuya palayuin mo si Ate Dionne sa kanya ha? Mamaya kung ano pa gawin ng lalaking yun kay Ate Dionne”

Tinignan ko maigi si Maisie “wait, baka naman nagseselos ka?”

“n-nagseselos?! Ako?!” lumayo siya saakin at inayos yung mga gamit “selos his face! Wala akong gusto doon no!”

Tinignan ko maigi si Maisie. Pulang pula ang mukha niya. Tss, indenial stage?

“ok sabi mo eh”

“uhmm kuya” lumapit ulit saakin si Maisie “pinapapunta ka pala ni mama sa bahay. Ka—“

“ay! Magsisimula na ang shooting. Let’s talk later”

Agad agad akong lumabas ng dressing room at pumunta sa set. Tss pinaka ayokong conversation sa lahat ay ang tungkol sa ina ko eh.

Just in time, nakita kong papalapit na saakin si Dionne. Tapos na ata makipag landian kay Rui. Tss.

“Japoy, yung director nagagalit na. Hinahanap ka” sabi niya saakin

Nakita ko yung director namin na papalapit saakin “where have you been?! Bat na-late ka ha?!”

“tinanghali ako ng gising”

“ilang ulit ko bang sasabihin na ayoko ng late ha?!”

Tinignan ko yung director ng masama “nandito na naman ako ha? Ano pang pinuputok ng butsi mo diyan?” naglakad ako palayo “tara na nga at magsimula!”

“hay kapagod!!” sumalampak ako doon sa kotse pagkatapos na pagkatapos ng shooting “nasaan yung alcohol ko?” tanong ko kay Dionne

“eto oh” inabot naman niya saakin to

“pag uwi natin sa bahay ipagtimpla mo ko ng kape ah. Lagyan mo ng madaming creamer”

“ok Japoy!”

“tsaka pala” lumapit ako sa kanya at binulungan ko siya “yung picture ko diyan sa phone mo nabura mo na ba?”

Iniwas naman niya yung tingin niya saakin “uhhm.. oo”

“talaga?”

“oo nga”

“patingin ng cellphone mo!”

“w-wala di ko dala. Nasa bahay”

“tss, pag yun di mo pa binura I swear, you’ll be a dead meat!”

Nung makarating kami sa unit, nagulat ako ng makita ko na ang daming maleta na nakakalat sa unit ko at nakaupo si Venus sa sofa ko.

Oh crap, nakalimutan ko, ngayon nga pala ang dating ng babaeng yan dito!

“ang tagal mo naman dumating”

“tss palibhasa wala kang shooting ngayon eh. Ano ba yan ang kalat mo naman!”

Tinignan ni Venus si Dionne “you, ilagay mo tong lahat sa room ni Jake”

“ah, s-sige”

Agad agad na kinuha ni Dionne yung mga maleta ni Venus

“talagang tototohanin mo ang plano mo ha” sabi ko sa kanya

“why? Akala mo nagbibiro ako? Sorry to disappoint you”

Naupo ako sa tabi niya “nah, hindi mo ko na disappoint. I like your plan”

“good. At least magkakasundo tayo”

“but let me clear myself to you. Pag wala tayo sa harap ng ibang tao, wag ng magplastikan ha?”

She smirk “as if naman gusto kong makipag plastikan sayo” tumayo siya at tinalikuran ako “tutulungan ko lang ang chimay mo mag ayos ng gamit ko. Mamaya ma-damage pa niya yun. Mamahalin lahat ng yun” pumasok si Venus sa room ko

Ibang klaseng babae talaga yun.

Maya-maya lang din, sumunod na ako sa loob ng room ko para makapaligo na. Nadatnan ko naman yung dalawa na nag aayos ng gamit. Si Venus nakaupo, habang si Dionne naman inilalagay yung mga damit ni Venus sa cabinet ko base sa instruction ni Venus.

Mukhang makakawawa ata ang P.A ko ah. Tignan natin kung uubra ang kakulitan niya sa katarayan ni Venus.

Kumuha lang ako ng damit at pumasok na doon sa C.R ko para makapag babad sa bathtub.

Hay salamat mare-relax narin. Ang sakit ng mga buto ko gawa ng shooting na yan! Tss.

“ughh stupid! Sabi ko bang alisin mo sa box yung sapatos ko?!” rinig kong sigaw ni Venus sa labas kasabay ng isang tunog na parang may binato siya “ang tanga mo ha!”

“s-sorry” rinig ko naman sabi ni Dionne

Hmm, mukhang natitiklop siya ngayon kay Venus ah? Tsk tsk tsk, poor girl.

Nung makalabas na ko ng CR, mukhang tapos na mag ayos yung dalawa dahil ang ganda na ng higa ni Venus sa kama ko.

“Jake, palitan mo na nga yang P.A mo, napaka stupid”

“sino ba kasi nagsabi sayong utusan mo siya?” tinignan ko lang ng masama si Venus atsaka ako lumabas ng kwarto. Nakita ko naman si Dionne sa may kitchen na nakasandal sa may sink habang hawak hawak niya ang dibdib niya at hinihingal siya. Ano bang pinagawa ni Venus dito at napagod yan ng ganyan?!

For a second, parang nakaramdam ako sa kanya ng awa.

 

Kumuha ako ng tubig sa ref atsaka ko inilagay sa tabi niya

“inumin mo”

Biglang napatingin saakin si Dionne at nginitian niya ko “t-thanks Japoy”

Tinignan ko lang siya ng masama atsaka tinalikuran ko.

I hate her smile. It made me feel so awkward.

Hay naku naman! Makapag basa na nga lang ng libro.

Pumasok ulit ako sa room ko at nakita ko naman si Venus doon na nakapagpalit na ng pantulog habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa.

“Why are you looking at me like that?! Hindi ako pagkain ah” sabi niya saakin

“tss hindi mag susuot ang isang matinong babae ng lingerie pag may kasama siyang lalaki sa isang kwarto lalo na kung hindi niya kaano-ano to”

She rolled her eyes “don’t tell me namamanyak ang isipan mo dahil saakin?”

I smirk “I’m a guy afterall”

Iniwas ko na ang tingin ko kay Venus at kukunin ko na sana yung libro ko doon sa drawer ng maalala kong naiwan ko ito sa kotse. I get my car keys instead

“where are you going?”

“may kukunin lang sa kotse”

Lumabas na ko sa room at chineck muna yung kitchen kung nandun pa si Dionne. Wala na siya. mukhang pumasok na rin sa room niya. Lumabas na ko ng unit ko at bumaba sa parking lot.

Malapit na ko sa may kotse ko ng bigla akong mapahito at nagtago sa likod ng post ng makita ko sa di kalayuan ang dalawang pamilyar na tao.

 

Si Tito Jin at  si Dionne

 

Wait anong ginagawa ni Tito Jin dito ha?! At bat siya nakikipag kita kay Dionne?

May inabot si Tito kay Dionne na paper bag at agad agad naman itong tinanggap ni Dionne.

Hmm, sabi na eh! may namamagitan talaga sa dalawang yan! Malamang sinusustentuhan ni Tito Jin si Dionne! Tapos nakikipag landian pa siya kay Rui! Grabe ha, mahilig siya sa mayayaman!

Ibang klaseng babae to. Akala mo ang tino-tino, nasa loob naman pala ang kulo.

 

Plastic din siya.

 

“Jake bat ang tagal mong bumalik?!” napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Venus na papalapit saakin. Agad ko naman siyang hinila at tinakpan ang bibig

“shh. Wag ka maingay” bulong ko dito

“ha? Bakit?” napatingin siya kay Dionne at tito Jin “oh my gosh! Tito mo yun ah! Pati yung chimay mo! Don’t tell me--?!”

Hindi na natapos ni Venus ang sasabihin niya because both gasp doon sa sa sunod naming nakita.

Niyakap ni Tito Jin si Dionne.

 

 

“may cellphone ka ba diyan?” bulong k okay Venus

Inabot naman niya saakin yung phone niya “here”

Inopen ko ang camera nito at kinunan ko ang yakapan ni tito Jin at Dionne.

 

Huli kayo.

 

 

 

 

May evidence na ko. Patay kayo sakin ngayon.

*** 

yea, i know the update is lame. Forgive me, gutom ang author eh.. bwahahaha XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #life#love