Chapter 49 (08-15-14)

AN:

Hindi pa po tapos ang Angel in Disguise. Pero malapit-lapit nang matapos ito. Will try my best na mas mapadalas ang update since wala na naman ako iniintinding manuscript ngayon at malapit na rin matapos ang story.

Sa mga readers kong walang sawang nag-aantay ng update nito, salamat po talaga! <3

- Ate Aly

***

Chapter 49

 

[Jake’s POV]

 

            “Hindi ako makapaniwala. Hindi talaga ako makapaniwala. Ikakasal ka na kuya? Hindi talaga ako makapaniwala,” sabi ng kapatid kong si Maisie na kasalukuyan kong kausap sa Skype ngayon.

            “At ano naman ang hindi kapani-paniwala doon?! Sa gwapo kong ‘to?!”

            “Kung malalanding higad na gold digger ang niyaya mo, hindi na ako magugulat. Pero si Dionne? Papakasalan ka ni Dionne? I can’t believe it!”

            “At bakit ha?! Eh sadyang mahal niya ako eh kaya pumayag siya!”

            “I still can’t believe it!”

            Tinignan ko ng masama ang kapatid ko mula sa screen ng laptop ko.

            “Hindi mo lang matanggap kasi hanggang ngayon, wala kang syota diyan!”

            “Oy hindi ‘no! May nanliligaw kaya sa’kin dito.”

            Tinaasan ko siya ng kilay, “nanliligaw? Uso ba ‘yan diyan?”

            “He’s a Filipino at sobrang bait at gentleman niya,” naka-ngiting sabi sa’kin ni Maisie.

            Napa-iling naman ako, “ngayon pa lang naawa na ako sa lalaking ‘yan.”

            “At bakit naman?!”

            “Kasi magiging rebound lang siya.”

            Napaiwas agad ng tingin sa’kin si Maisie.

“Hindi no…” halos pabulong niyang sabi.

I give her an evil grin, “itsura mo pa lang halatang hindi ka pa nakaka-move on sa Hapon na ‘yun. Kung gusto mong alamin kung kamusta na siya, okay na okay lang siya. May bago siyang drama ngayon. Action-romance. Sexy ang leading lady niya at mukhang nagkakaka-mabutihan na rin sila.”

“Ewan ko sa’yo kuya! Bye na!” iritang sabi niya at tuluyan nang in-end ang video chat namin.

Ang pikon talaga ng isang ‘yun!

            Wala na tuloy akong kausap.

            Plano ko na sanang mag laro na lang sa laptop ko nang biglang may marinig akong bumagsak na mga kasangkapan sa kitchen ko kaya napatayo ako bigla at dali-dali akong tumakbo papunta doon.

            Nadatnan ko naman si Dionne na naka-luhod at nag pupulot ng bumagsak na Teflon pan at chopping board.

            “What happened?!”

            “Hehe, natabing ko. Sorry po!” naka-ngiting sabi niya habang papalapit ako para tulungan siya.

            “Napaka-clumsy mo talaga. Sigurado ka bang gusto mo akong ipagluto ha?”

            “Oo naman! Mag-antay ka na lang doon Japoy!” pagtataboy naman niya sa’kin.

            “Alam mo, you don’t need to do this. Marunong ka man magluto o hindi, papakasalan pa rin kita. Pwede naman tayo mag hire ng taga-luto para sa’tin dalawa. O kaya ng maid.”

            “No! Ayoko! Si mommy palaging inaalagaan si daddy. Gusto ko ganun din ako sa’yo! Gusto ko mapasaya kita. Alam kong onti lang ang kaya kong gawin kaya nga nag-aral ako talaga para mapag luto kita. Para mapasaya kita.”

            Napangiti ako sa sinabi ni Dionne at hinila siya papalapit sa’kin.

            “May ibang paraan pa naman para mapasaya mo ako eh.”

            “Ano?” tanong niya sa’kin habang kita ko ang curiosity sa mga mata niya.

            Nag lean forward ako at itinapat ko ang labi ko sa tenga niya at bumulong in my most seductive voice, “tara sa kwarto…”

            Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Dionne.

            “T-teka, may ilang buwan pa bago tayo ikasal ‘di ba?”

            Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko.

            “Alam ko. Pero ‘di ba para na rin naman tayong mag-asawa eh. Nakatira pa tayo sa iisang bahay.”

            “P-pero---“

            I gently caressed her cheeks.

            “I know you want to,” mapang-akit kong bulong sa kanya.

            “J-japoy naman eh…”

            “Bakit? Ayaw mo ba?”

            “A-ano ba y-yang ginagawa mo..”

            “I know you can’t resist me Dionne,” ibinaba ko ang tingin sa kanya at nginitian siya ng nakakaloko.

            She’s trembling. Ramdam ko ang kaba niya. Kita ko ang pamumula ng mukha niya.

            I try hard not to laugh. Wala naman talaga akong planong gawin sa kanya. Nakakatuwa lang talaga ang itsura niya at na-e-entertain ako.

            Aba! Walang kwenta kung aasarin ko siya kasi hindi siya natatalo. Pero sa ganitong larangan, alam kong napapatiklop ko siya.

            “J-j-japoy n-nagluluto ako! W-wag kang mang istorbo. G-gutom na ‘ko.”

            “Ako na lang ang kainin mo.”

            “Yuck,” bulong niya sabay iwas ng mukha sa’kin.

            Napahiwalay naman ako. “Anong yuck?! Ang hot ko kaya!”

            Dali-dali kong hinubad ang t-shirt na suot ko at ibinalandra sa harapan ni Dionne ang abs ko.

            “Kita mo ‘yan? Abs ‘yan!”

            Natawa naman siya, “so ano ang gagawin ko sa abs mo?”

            “Titigan mo hanggang sa mag-sink in sa utak mo kung gaano ka-hot ang future husband mo!”

            Mas lalong natawa si Dionne, “Japoy, matagal nang nag sink-in ‘yan sa utak ko.”

            Napangiti na lang ako. Kahit kailan talaga hindi ako manalo-nalo sa babaeng ‘to.

            Hinila ko na lang siyaat niyakap siya ng mahigpit.

            “I love you,” bulong ko sa kanya.

            “I love you too.”

            “Promise, hindi ka magsisisi na magpakasal sa’kin.”

            Humiwalay si Dionne sa pagkakayakap niya at tinignan ako sa mata.

            “Alam kong hindi ako magsisisi.”

            I leaned forward and I was about to kiss her nang biglang may nagsalita.

            “Okay that’s enough.”

            Pareho kaming napatingin ni Dionne sa pintuan ng kitchen at nakita namin ang nakapamewang na si Venus na nanunuod sa amin.

            “Kulang na lang popcorn,” sabi niya.

            “Hi Venus!” masayang bati naman ni Dionne.

            “What are you doing here? We’re about to make love here in our kitchen tapos bigla kang darating at mang-iistorbo!” irita kong bati sa kanya.

            “Hindi ‘no!” pag de-deny naman ni Dionne. “W-wag ka maniwala sa kanya.”

            Venus just rolled her eyes. “I don’t care kung mag make love pa kayo sa living room, sa elevator, o sa garahe. Pero ngayon iistorbohin ko muna kayo. Dionne, pahiram muna saglit sa jowa mo.”

            “Sige, go lang!” naka-ngiting sabi ni Dionne kay Venus.

            “Grabe ka! Basta-basta mo na lang ako pinapahiram?! Akala ko ba mahal mo ‘ko?”

            “Ang drama mo Jake! As if namang aagawin kita kay Dionne. Halika na nga!”

            Tinignan ko si Dionne, “babalik ako agad.”

            “Hihintayin kita,” nakangiting sagot naman niya sa’kin.

            “Oh for pete’s sake! Tama na ‘yang ka-kesohan niyo!”

            Sinundan ko na si Venus papunta sa parking lot at hanggang sa makasakay kami sa kotse niya. Tinanong ko siya kung saan niya ako dadalhin.

            “You’ll see.”

            “Baka naman mamaya kinikidnap mo ako ha? Kasi hindi ka pa maka-moved on sa’kin at plano mo akong ilayo kay Dionne!”

            “Ang gwapo mo ha!”

            “Alam ko!”

            She just rolled her eyes at hindi na ako kinausap the whole ride.

            After a couple of minutes, huminto siya sa tapat ng isang high class restaurant. Pag pasok namin doon, may sumalubong agad na receptionist sa amin at dinala kami sa isang private room. Sa loob ng private room, may dalawang tao pa ang nag-aantay sa’kin.

            Si Rui at si Ms. Rhian, ‘yung manager ko dati.

            “Ms. Rhian!” lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Binati ko rin si Rui.

            “Ano’ng meron? Instant reunion?” tanong ko nang makaupo na kaming lahat.

            “Nope. Meron kasi akong i-o-offer sa inyong tatlo,” sagot naman ni Ms. Rhian. “Actually, nakausap ko na si Rui at Venus regarding this. Ikaw na lang ang hindi ko pa nakakausap.”

            “Ano ba ‘yun?”

            “Magkakaroon na ako ng talent agency. Since patapos na ang kontrata ni Rui at Venus sa agency nila, pumayag silang mag sign up na ng kontrata sa’kin. At syempre, kakalimutan ko ba naman ang alaga ko mula umpisa pa lang? Ibabalik na kita sa showbiz, Jake. And you don’t need to deny your relationship with Dionne. Hindi ko pipigilan ang mga personal matters mo katulad nung ginawa ng dating agency mo. And you could start calling me “manager” again.”

            “Wow. I-I mean this is great! I know lahat ng ihahandle mo, magiging successful!”

            “True! Kaya nga pumayag na ako eh. Mas safe sa kamay ni Manager Rhian ang career ko,” pag sang-ayon naman ni Rui.

            “At meron na agad akong reality show na pwedeng i-host!” dagdag pa ni Venus. “Jake I know how much you love being an actor. Alam kong ito na talaga ang gusto mong gawin sa buhay….kahit hindi obvious at palagi kang late sa shootings. Kaya pumayag ka na.”

            “Oo nga! At hindi pwedeng wala kang trabaho. Ikakasal ka na ‘di ba?” naka-ngiting sabi ni Manager Rhian. “So ano na? Let’s work again together?”

            Tinignan ko silang lahat at pare-pareho silang nag antay ng sagot ko. I give them a smile.

            “This is great. I mean, being in a talent agency run by you, Manager Rhian. Tapos kayo pa ang mga artists na kasama ko. Pero kasi, buo na ang desisyon ko na hindi na ako papasok sa showbiz.”

            “What? Pero Jake, sayang ang opportunity!” pag kontra ni Venus.

            “Oo nga naman Jake. You are a talented actor. Ang laking sayang kung hihinto ka,” dagdag pa ni Manager Rhian.

            “Bro, I know Dionne will be happy kung itutuloy mo ang pag-aartista mo. Alam ko naman na ito talaga ang gusto mong gawin eh.”

            Napa-iling ako, “no. All I want is a quiet and private life with Dionne. Magulo ang show business. Gusto ko nang ilayo siya doon.”

            Hinawakan ni Manager Rhian ang kamay ko, “hindi na ba mag babago ang isip mo?”

            “Hindi na. I’m sorry.”

            “It’s okay. As long as you’re happy. Always remember, bukas lang ang pinto ng agency ko para sa’yo.”

            “Thank you talaga. Anyway, una na ako. As much as I want to join you, my soon to be wife is preparing a lunch for me.”

            “In love na nga talaga ang gago,” sabi ni Venus. “Sige na umalis ka na.”

            Natawa na lang ako sa kanya at umalis na sa restaurant. Pagka-dating ko sa condo ko, nadatnan ko si Dionne sa lamesa sa hapag-kainan at nakapangalumbaba.

            “Hey, what’s wrong?” tanong ko sa kanya.

            “Kasi pinlano ko talaga magluto ng chicken cordon bleu para sa’yo. Ilang beses kong binasa yung ingredient. Alam kong magiging perfect na ang iluluto ko.”

            “Hulaan ko, nasunog mo ‘no?”

            Umiling siya, “nakalimutan kong bumili ng chicken.”

            Bigla ako napahagalpak ng tawa sa sinabi niya.

            “HAHAHAHA. Mag luluto ng chicken cordon bleu tas nakalimutan bumili ng manok! Hahahahaha!”

            “Ang sama mo Japoy!!”

            “Eh kasi naman eh! HAHAHAHA.”

            “Ayan! Mag hotdog omelete ka ngayon!” irita niyang sabi at tumayo siya sa kinauupuan niya. Akmang mag w-walk out pero bago pa niya magawa, hinatak ko siya at niyakap ng mahigpit.

            “Favorite ko kaya ang hotdog omelet mo.”

            “Talaga?”

            “Yup!” humiwalay ako ng pagkakayakap sa kanya at nginitian siya. “Let’s eat, my future wife.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #life#love