Chapter 46 *One and only*
A/N
Eto na!! Nakapag-update narin po ako sa wakas! Pasensya na po kung natagalan. Nag focus po kasi ako lately sa pag edit ng manuscript. Pero eto na talaga! May readers pa ba ako? Wahahahaha. Enjoy reading! :)
***
Chapter 46
*One and only*
[Dionne’s POV]
“Ang ganda rito!” sabi ko kay Japoy pagkatigil na pagkatigil ng sinakyan naming bangka dito sa isang isla sa Palawan. “Tara na Japoy, baba na tayo!”
“Hey, careful!” saway saakin ni Japoy nung pababa na ako. Umuna saakin si Japoy ng baba atsaka niya ako inalalayan.
Nung makababa ako ng Bangka, biglang umalon ng malakas kaya muntikan na ako ma-out of balance. Buti na lang, nahawakan ni Japoy ang bewang ko at hinatak niya ako palapit sa kanya kaya naman napayakap ako dito.
“Sabihin mo lang kung gusto mong maka-chansing saakin, pag bibigyan naman kita. Hindi mo kailangan magpa-alon, baka masaktan ka pa,” nakangisi niyang sabi saakin.
Inangat ko ang ulo ko at tinignan si Japoy, “talaga? Pwede akong mananching sayo?”
“Oo nga sabi. I’m giving you all the privilege! Swerte mo mahal kita at ikaw lang talaga ang papayagan kong mananching saakin!”
Nag pout ako kay Japoy, “hindi rin totoo ‘yun! Sa dami ng romantic movie na nagawa mo, ilang babae na ba ang naka-kissing scene mo?” Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, “may bed scene pa nga kayo ni Venus,” bulong ko.
Biglang lumawak ang ngiti ni Japoy at nagulat ako ng bigla na lang niya akong buhatin. “O-oy Japoy b’at mo ‘ko binubuhat ha?! T-teka!”
“Edi para mas lamang ka na sa mga naka love team ko, gawa na rin tayo ng bed scene!” Nag lean forward saakin si Japoy atsaka ako binulungan, “pero yung bed scene natin, tunay.”
Bigla naman nag tindigan ang lahat ng balahibo sa katawan ko. Shaks! Ready na ba ako sa gusto ni Japoy?! Teka parang nung isang araw lang naging kami tapos sex agad? Ang bilis naman nang progress namin! Kahit gaano ko siya ka-mahal, hindi ko pa ata kaya ito!
“J-japoy, joke lang! Okay lang kahit mas lamang ‘yung mga naka love team mo saakin! Hindi ko pa talaga kayang makipag sex!” namumula-mula ‘kong sabi sa kanya habang buhat buhat niya ako pabalik ng bangka.
Bigla naman huminto si Japoy at tinignan ako tsaka tinawanan. “Hahahahahhahaha! Napaka epic ng mukha mo Dionne! Hahahahahahha pulang pula ka oh!” tawang tawang sabi niya habang buhat buhat parin niya ako but this time, sa dalampasigan na ang punta namin. Nung nasa sea shore na kami, ibinaba na niya ako.
“Nakakainis ka!” sabi ko rito sabay hampas sa braso niya. Ang lakas talaga niya akong pag tripan! Buti na lang mahal ko talaga siya!
‘Nung humupa na ang tawa niya, hinawakan ni Japoy ng mahigpit ang kamay ko atsaka ako nginitian. “Mahal kita.”
“H-ha?”
“Sabi ko, mahal kita. Ayun ang ikinalamang mo sa kanila. Kahit pa ilang beses ko na silang naka kissing scene o bed scene, pag sinasabihan ko silang mahal ko sila, base lang yun sa script at acting lang ang ginagawa ko. Pero pag sayo ko sinabi, umasa ka na totoong totoo ‘yun.” Nag lean forward ulit si Japoy saakin at hinalikan ako sa noo. “Wag mo ng isipin ‘yun ah? Dahil ang laki ng lamang mo sa kanila.”
Bigla na lang akong napayakap kay Japoy. “I love you toooooooooo!” masayang masaya kong sabi sa kanya.
Natawa naman siya at niyakap rin ako ng mahigpit.
Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko expected na magiging kami. Para bang nasa pagitan ang ng reyalidad at panaginip. Sa totoo lang, hindi ko na nga magawang ma-i-differentiate ang pinagkaiba ng dalawa. Napaka overwhelming ng nangyayari saakin. Sana wag ng matapos ito. Sana ganito na lang talaga kami ni Japoy. Sana..
***
[Jake’s POV]
“Grabe ang itim ko na oh Japoy!” sabi ni Dionne saakin habang nakatingin siya sa braso niya. “Ang tagal natin kanina nag bilad sa araw at nagbabad sa tubig! Pero nag enjoy talaga ako!”
Nakabalik na kami ni Dionne sa rest house na tinutuluyan namin. Ramdam ko ang sakit ng likod ko. Nag island hopping kasi kami kanina at itong babaeng kasama ko, enjoy na enjoy sa pag snorkeling. Hindi naman makatagal sa tubig!
Buti na lang din, nasa kalagitnaan ngayon ng September kaya walang masyadong tourista at puro mga foreigner lang ang nandun. Walang masyadong nang gugulo saamin. May mga ilang mga sexy foreigners ang nag tangkang lumandi saakin pero kada lalapit na sila, bigla na lang ipupulupot ni Dionne ang braso niya sa braso ko at automatic ng maglalayuan yung mga foreigners na ‘yun.
“Nakakainis talaga ‘yung mga foreigners kanina! Sa pagkaka-alam ko, ang Palawan ang tourist spot, hindi ikaw! Pero ‘yung mga mata nila, kung makasunod sa iyo, akala ko lalamunin ka na nila ng buhay!” sabi ni Dionne habang kumakain kami ng dinner.
“Wala kang magagawa! Gwapo boyfriend mo eh!” pagmamayabang ko naman.
“Oo nga! Ang gwapo gwapo mo kasi! Pero okay lang, mamatay sila sa inggit! Ang gwapo, sikat, mayaman, malinis at mabangong si Jake Marquez ay boyfriend na ng hamak na chimay na si Dionne Sy! Hanggang pag-lalaway na lang ang kaya nilang gawin!”
I pinched her nose, “that’s my girl!”
Nung matapos kaming kumain ni Dionne ng dinner, sinabi ko sa kanya na ako na ang magliligpit ng pinagkainan namin at doon na lang siya sa may hammock at antayin ako.
Habang nag sasabon at nag kukuskos ako doon ng pinagkainang pinggan, napa-hinto na lang ako at naisip na ibang klase na ata ang tama ko sa babaeng ‘to! Sa tanang buhay ko hindi ako nag huhugas ng pinggan! Siya lang ang pinagsilbihan ko ng ganito. Napatingin ako kay Dionne na nakaupo doon sa hammock sa porch habang hawak hawak ang gitara niya at nag i-strum.
Funny, pero hindi ako naiinis. Sa totoo lang, natutuwa ako na pagsilbihan siya.
Tumabi ako kay Dionne matapos akong mag hugas ng pinggan. Ibinaba ni Dionne ang gitara niya at inakbayan ko siya habang siya naman, idinantay niya ang ulo niya sa dibdib ko.
“Talagang hilig mo ang pag-kanta ‘no? Pinangarap mo bang maging singer?” tanong ko sa kanya
“Oo, dati nung bata ako. Ang hilig akong isali ni mama pati nung teacher ko nung elementary! Ang dami ko ngang napanalunan nun eh!”
Napangiti ako, “sumali din ako once sa singing contest. Napilit lang ako dati. Pero hindi ko talaga ganung kahilig ang pagkanta.
Napatingin naman bigla si Dionne saakin, “pero kumakanta ka rin?!”
“Oo naman! Anong akala mo saakin hanggang pag arte lang? Kinantahan kaya kita dati di’ ba?!”
“Sige nga, sample nga ulit!”
Nginitian ko si Dionne at mas niyakap ko siya atsaka ako kumanta.
“It took one look
And forever laid out in front of me
One smile then I died
Only to be revived by you”
Mas lumapit si Dionne saakin then she buried her face on my chest.
“There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life plays out”
“Nakaka relax ang boses mo Japoy. I love you,” bulong niya saakin.
“I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you, ooh”
Tinignan ko si Dionne. Nakapikit siya pero nakangiti. I kissed her forehead.
“I love you too,” bulong ko rito. We stay like that for a while. Walang nagsasalita saamin. Maya-maya lang, nakita kong mahimbing nang natutulog si Dionne. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha.
Nakakainis talaga, ilang beses kong dineny sa sarili ko na attracted ako sa babaeng ito. Pinaniwala ko na panget siya pero sa totoo lang, gandang ganda ako sa kanya. Siguro sa mata ng ibang tao, napaka simple lang niya. Pero sa mata ko, siya na ata ang pinaka magandang babae na nakilala ko.
Habang tinitignan ko si Dionne, hindi rin maiwasan ng puso ko na kumirot. She look so fragile. Alam kong pag nakabalik na kami sa Manila, marami kaming issues na dapat kaharapin. Sa totoo lang, sanay naman ako sa ganyan eh. Pero ang ikinatatakot ko, baka maraming negative na bagay ang sabihin ng tao kay Dionne. Ayokong masaktan siya nang dahil sa mga issue na ‘yun.
Hinalikan ko si Dionne sa noo. Hindi ko alam kung ano ang kahaharapin namin, but I’ll do my best to protect her. Hindi ko siya hahayaang mahirapan.
All my life wala akong sineryosong relasyon. Kay Dionne ko lang unang naramdaman ito. For the first time in my life, merong isang taong gusto kong protektahan at mahalin at makasama habang buhay. Ang hirap i-imagine ng buhay pag hindi ko katabi at kasama si Dionne. Kahit gaano pa siya kakulit, ka pakielamera, at ka weirdo, okay lang. Nagustuhan ko siya nang ganun, at alam ko, sa mga oras na ito, si Dionne na talaga ang gusto kong pakasalan at gusto kong makasama sa pag tanda.
“Don’t ever leave me Dionne. Please stay by my side,” bulong ko sa kanya.
To be continued...
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top