Chapter 45

Short update lang! ipagpatawad niyo! Peace! Busy lang talaga si author! Babawi ako pag nagkaroon ulit nang time.

Anyway kahit short update lang sana ma-enjoy niyo.

***

Chapter 45

[Venus’ POV]

 

“Where’s Jake? Where’s Dionne?!”

 

“I don’t know.”

 

“Venus! Nasaan nga sila?!”

Napabuntong hininga ako. Kanina pa ako ini-interrogate ng manager ni Jake na si Ms. Rhian about sa kanilang dalawa. Pati yung director namin sa noon-time show na ito, saakin hinahanap yung dalawa.

“We know na alam mo kung nasaan sila. Please Venus, tell us!”

 

Napikon na ako at tumayo “I am not a freaking lost and found section! Kung gusto niyong malaman kung nasaan sila edi tawagan niyo sila!” Iniwan ko sila doon at naglakad palabas ng office sabay balibag ng pinto.

Nakakapikon! Para na akong sirang plaka na paulit-ulit na hindi ko alam kung nasaan si Jake at Dionne tanong parin sila ng tanong. Ganyan ba sila ka-slow at kailangan paulit-ulitin ko para lang maunawaan nila?!

Well, alam ko naman kung nasaan talaga yung dalawa dahil ako ang nag set up sa kanila pero kahit yamot na yamot na ako syempre wala akong planong magsalita dahil alam kong madadamay ako sa gulo na yan.

Bumalik ulit ako sa parking lot at dumiretso sa kotse ko. Plano ko na sanang umuwi kaso biglang may kumatok sa bintana ng kotse ko at nang lingunin ko ito, nakita ko si Rui na nakasilip.

Ibinaba ko yung bintana ng kotse ko. “If you are going to ask where the freaking hell are they then you are wasting your time!” pangunguna ko na kay Rui.

“Relax, wala akong planong alamin kung nasaan sila.”

Napabuntong hininga ako at binuksan yung pintuan ng kotse ko. Pumasok naman agad si Rui sa loob at isinara ang pinto.

“So, you decided to let him go,” sabi ni Rui, “Jake, I mean.”

 

“Let him go? paguulit ko ng sinabi niya “How could I let go someone na hindi naman saakin?” medyo natawa naman ako sa sinabi ko. “Everything that is happening to us is so cliche! Mismong ang linya ko napaka cliche narin.

Rui gave me a sad smile. “Mahal mo talaga siya no?”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, “pero mas mahal ko parin ang sarili ko. Masyado akong maganda para mag-habol lang sa isang lalaki. Dapat ako ang hinahabol.”

“Tama!” pagsangayon saakin ni Rui. ”Masyado din akong gwapo para mainlove sa isang chimay! Bagay saakin superstar!” dagdag pa niya.

“Sus! Yang dalawang yan? Si Dionne at Jake? Bahala sila sa buhay nila! Hindi sila kawalan!”

“Tama ulit! Hindi sila kawalan dahil sila ang nawalan!!”

Nagkatinginan kami ni Rui at nginitian namin ang isa’t isa pero nagulat ako ng agad binawi ni Rui ang ngiti niya at tumingala siya. May namumuong luha sa gilid ng mga mata niya.

"Pero ang sakit no?" sabi niya. "Ang sakit malaman na talo ka na at wala ka nang pag-asa na manalo."

"A-ano ka ba! Wag ka nga magdrama!"

“Pero tama nga sila na hindi lahat nang laban dapat manalo tayo. May mga pagkakataon na dapat din tayo magpatalo---para sa ikabubuti nang lahat.”

Agad kong iniwas ang tingin ko kay Rui. Sa totoo lang ayokong aminin na natalo ako at yung tao pang nakatalo saakin ay isang hamak na chimay lang. I acted like I didnt care. Kung hindi ako gusto ni Jake edi wag! Wala rin naman akong planong ipilit ang sarili ko sa kanya.

Akala ko yung mga tao ang pinapapaniwala ko, yun pala pati ang mismong sarili ko.

Tumingin ako sa bintana habang pilit na pinipigilan ang mga luha na gustong kumawala sa mata ko.

Masakit. Ramdam na ramdam ko ito. Gusto kong sabihin kay Jake na bakit si Dionne ang minahal niya. Ano bang nakita niya sa kanya na wala ako? But then, it hits me. Habang tinitignan ko si Jake at Dionne, habang ino-observe ko kung paano sila makitungo sa isa’t isa, narealize ko kung ano ang wala ako na meron si Dionne. Yun ay yung mismong relationship nila. Sobrang opposite nila to the point na napupunuan nila ang isa’t isa.

Nakakainggit at nakakainis at the same time.

Pero nang dahil sa kanila, at least, narealize ko, may katangahan din pala akong naitatago sa katawan dahil tinulungan ko sila kahit ang sakit sakit.

Sana lang, maging masaya sila para naman may magandang maidulot ang katangahan na ito.

[Dionne’s POV]

 

Hindi ito panaginip. Ayan ang una kong nasabi sa sarili ko pagka mulat nang mata ko.

Nandito parin ako sa kwarto kung saan ako natulog kagabi pagdating namin ni Japoy sa Palawan. Halos hating gabi narin kami nang makarating dito sa isang rest house kung saan kami tutuloy ni Japoy. Dahil sa pagod, dumiretso na kami agad sa kani-kaniyang kwarto para matulog. Naalala ko pa, nag good night saakin si Japoy at hinalikan niya ako sa noo kagabi bago siya pumasok sa kwarto niya. Nung pagkahiga ko nun, natatakot ako na baka panaginip lang ang lahat nang ito. Baka pagka-gising ko, nandun parin ako sa kwarto ni Ashley. Napakaganda kasi nang mga nangyayari ngayon to the point na feeling ko nasa isang panaginip lang ako.

Pero eto ako ngayon, nandito parin sa kwarto na ito kung saan ako natulog kagabi. Totoo ang nangyayari at hindi isang panaginip. Mahal ako ni Japoy. Mahal niya ako.

Napangiti ako bigla at napayakap sa unan na katabi ko nang mahigpit. Ang hirap paniwalaan pero mahal talaga niya ako!

Napalingon ako sa bedside ko at tinignan yung oras at halos mapatalon ako sa gulat nang makita kong 8:30 am na.

Ay shaks! Hindi pa ako nagaayos nang breakfast ni Japoy!! Malapit na gumising yun!!

Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na nakuhang tignan pa ang sarili ko sa salamin at mag toothbrush o maghilamos o magsuklay man lang. Dumiretso na agad ako sa kitchen nung resthouse para magluto kaya lang nagulat ako nang pagdating ko doon, nadatnan ko na si Japoy na nagaayos nang lamesa habang inilalapag niya ang pritong hotdog, itlog at bacon pati narin yung isang box nang gatas.

“Japoy?”

 

“tulog mantika ka! Nagluto na ako kasi nakakahiya naman sa chimay ko at ang lalim nang tulog!”

“H-hala sorry! Napahaba ang pahinga ko! Sorry talaga!!”

Tinignan ko si Japoy at nakakunot ang noo niya saakin. Kinakabahan tuloy ako sa kanya. For sure galit na naman ito saakin. Hala wala pang isang araw yung aminang nangyari saamin eh magiging magkaaway na naman ba agad kami?

Pero nagulat ako nang bigla siyang ngumiti saakin.

“Joke lang. Umupo ka na lang diyan at kakain na tayo. Pinagluto talaga kita nang matikman mo naman ang tamang luto nang hotdog, eggs and bacon. Yung iyo kasi puro sunog. Tsaka pala mag suklay ka nga! Ang gulo nang buhok mo!"

Sinunod ko naman siya at naupo ako habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Tinitigan ko lang si Japoy habang nag-ha-hain siya ng pagkain. Bakit ba feeling ko mas lalo akong nahuhulog sa lalaking ito? Alam ko mainitin ang ulo niya, masungit, maarte at tamad. Pero bakit sa kabila ng imperfections niya, nagagawa parin niyang patibukin ang puso ko?

Dati naiinis ako sa nararamdaman ko, pero ngayon, mas na-apperciate ko yung pagmamahal ko kay Japoy. Masaya pala siya mahalin. At mas lalo pang dumagdag sa kasiyahan ko na malamang mahal niya ako. Sana hindi panaginip ang nangyayari saakin.

“Oh ano na naman tinitingin-tingin mo diyan ha? Masyado ka na naman naga-gwapuhan saakin?” sabi niya.

Nginitian ko siya, “wala lang, iniisip ko lang kung totoo ba talagang mahal mo ako kasi alam ko naman na hindi ang katulad ko ang tipo mong babae.”

Napabuntong hininga si Japoy at lumapit saakin. Nagulat naman ako nang titigan niya ako sa mata at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya saakin hanggang sa mag dampi ang mga labi naming dalawa. Bumilis ang tibok nang puso ko habang nanlalaki naman ang mga mata ko sa gulat. Naramdaman ko ang kamay ni Japoy sa likod ng ulo ko at mas itinutulak niya ito papalapit sa kanya kaya naman mas naging mariin ang halik niya. Naramdaman ko na lang na gumagalaw na ang labi ni Japoy. Mas lalong bumilis ang tibok nang puso ko. I feel butterflies in my stomach. I kissed him back.

Nang humiwalay na siya saakin, ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at nginitian ako.

“Mahal kita, maniwala ka. Kasi kung hindi kita mahal, maatim ko ba naman na halikan ka kahit alam kong hindi ka pa nag to-toothbrush?”

Napangiti ako nang malawak.

Mahal nga ako nang isang to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #life#love