Chapter 37 *sandalan*

Chapter 37

*sandalan*

 


 

[Jake’s POV]


“Hay I’m tired!” sabi ko sabay salampak sa sofa pagkarating na pagkarating naming sa unit ko galing sa party “a lot of things happened tonight and I just want to rest” tinignan ko si Dionne “pwede bang paki prepare ko ng chamomile tea bago ako matulog?”

“sige..” sabi niya saakin without looking at me at tumalikod na siya papunta sa kitchen

Napakunot ang noo ko at tumayo ako para sundan siya. Nag lean ako sa may pintuan ng kitchen at pinanuod si Dionne habang kumukuha siya ng isang teabag sa container.

“gusto mo ba ng may honey?” tanong niya saakin habang inilalagay niya yung teabag sa isang mug

“paki lagyan”

Kumuha siya ng isang packet ng honey atsaka niya ito inilagay sa mug. Afterwards, nilagyan niya na ito ng mainit na tubig at inabot saakin.

“i-ito na oh” pag-abot niya ng mug saakin ng hindi man lang ako tinitignan.

Inabot ko naman yung mug.

“may ipapagawa ka pa po ba?”

“wala na”

“okay then matutulog na ko ah…”

Naglakad na si Dionne palabas ng kitchen. I sighed.

Ano bang problema ng isang yan?!

Inilapag ko yung mug ko sa may counter then hinabol ko si Dionne at hinatak ko yung braso niya.

“what’s wrong with you?!” I asked her

Iniwas niya yung tingin niya “w-wala ah..”

“wala?! Mula nung nasa kotse tayo pauwi galing sa party hindi ka nagsasalita at hindi mo ko tinitignan! Ano bang problema mo ha?!”

Bigla na lang napabuntong-hininga si Dionne atsaka niya ako tinignan. Parang bigla naman akong natigilan ng makita ko ang expression sa mukha ni Dionne.

Sadness is very evident in her eyes.

 

“sorry” sabi saakin ni Dionne “hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. First time ko lang din maramdaman ang mga ganitong bagay eh. Hindi ko alam kung dahil ba nagseselos ako kay Venus dahil hinalikan mo siya, o dahil sa napaka ganda niya at walang wala ako compare sa kanya. O baka dahil nasasaktan ako kasi napaka imposible na maging tayo..” huminga si Dionne ng malalim at napatingin siya sa kisame na para bang pinipigilan niya ang luha niya na tumulo “sorry ah? hindi ko sinasadya”

Napabuntong hininga ulit ako.

God, bakit ba napaka honest ng babaeng ito?

Tinignan ko si Dionne “bakit ba kasi ang tanga tanga mo at hinayaan mo ang sarili mo na mahulog saakin eh…”

She gave me a weak smile “ewan ko nga ba. Pero di ba wala namang pusong matalino?”

Napakamot na lang ako sa ulo ko “alam mo ang drama mo eh. Kunin mo na nga lang yung gitara mo!”

“ha?”

“dali na! wag ka na muna matulog. Kunin mo yung gitara mo” utos ko sa kanya

Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Dionne pero hindi narin siya umangal at pumasok siya sa kwarto niya. Pag labas niya, dala-dala na niya yung gitara niya.

“eto na. Ano gagawin mo diyan Japoy?”

“siguro kakainin ko!” I told her sarcastically

“uwaaaaaa wag! Bigay to saakin ni Kuya Dylan!!” T___T

“baliw! Joke lang yun!” inagaw ko sa kanya yung gitara “malamang di ba tutugtog ako? Ano pa ba pwedeng magawa sa gitara?!” =__=

Napataas naman yung kilay niya “marunong ka tumugtog?”

“minamaliit mo ba ko?”

“h-hindi! Syempre!”

“good!”

Naupo kami ni Dionne sa sofa at iniayos ko ang pwesto ko para makatugtog ako ng maayos.

“naala mo nung time na nakita mo ako sa ilalim ng puno sa isang park nung nag shooting tayo doon sa malaking bahay? Yung panahong kinantahan mo ko?”

“o-oo! Teka Japoy that time, ano ba talaga nangyari sayo?”

Hindi ko sinagot yung tanong ni Dionne, instead I just smile at her “ayokong nagkakaroon ng utang na loob. Kaya this time babawi ako sayo..”

“ha?”

Nagsimula na ako magstrum ng gitara at kinanta yung unang kanta na pumasok sa isip ko.

“Kanina pa kitang pinag mamasdan

Mukha mo'y di maipinta

Malungkot ka nanaman”

Tinignan ko si Dionne at nakita kong titig na titig siya saakin habang kumakanta ako

“Kanina pa kita

Inaalok ng kwentuhang masaya

Parang sayo'y balewala”

Bigla namang napangiti si Dionne at hindi ko alam kung bakit, para bang bigla na lang din akong napangiti habang kumakanta ako

“Sandali nga

Teka lang

May nakalimutan ka

Diba't pwede mo kong iyakan”

Tinignan ko siya sa mata habang siya ay nakatingin din sa mga mata ko

“Sige lang, sandal ka na

At wag mong pipigilan

Iiyak mo na ang lahat sa langit

Iiyak mo na ang lahat sa akin”

Si Dionne ang unang umiwas ng tingin at iniyuko niya ang ulo niya pero para bang magnet na napako na lang ang tingin ko sa mukha niya.

“Sige lang, sandal ka na

At wag mong pipigilan

Iiyak mo na ang lahat sa langit

Iiyak mo na ang lahat sa akin”

“ang ganda ng boses mo” dinig kong bulong niya kaya napahinto ako bigla sa pag tugtog “marunong ka rin palang kumanta at mag gitara…”

“syempre naman! Pag artista ka dapat marami kang alam na gawin no!”

Napangiti si Dionne “nakakaasar. Kaya ka nakakainlove eh..”

Parang bigla naman ako nailing sa sinabi niya at napa buntong hininga na lang ako.

“Dionne..”

“hmm?”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya “I-I’m sorry ha? Kung hindi ko maibalik yung pagmamahal na binibigay mo saakin..”

“okay lang yun” sabi niya.

Napatingin ulit ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya

“alam mo ba, nagpapasalamat nga ako na hindi mo ako mahal eh” dugtong pa niya

Bigla naman akong nagtaka sa sinabi niya “huh? Ang weird mo ah. Di ba dapat lang na hilingin ng isang tao na mahalin siya ng taong mahal niya?”

“uhmmm well, sa ibang parte ng puso ko, hinihiling ko rin yun. Pero kung iisipin mo Japoy, paano kung nagkagusto ka saakin? Paano mo sasabihin sa media na girlfriend mo ay isang hamak na PA lang? tapos nakatira pa tayo sa iisang bahay. Other than that amo kita. Magugulo ang lahat. Magkakaroon ng malaking issue. Magiging komplikado ang mga bagay sa ating dalawa. Hindi katulad ngayon, tahimik. Masaya na ako sa ganito. Ayokong mawala ang bagay na to saakin. kaya some part of me is thankful na hindi mo ako mahal…”

Nginitian ko si Dionne “tama yun. Kaya dapat mag move on ka na rin! Ibaling mo na lang kaya ang atensyon mo sa iba no?! nanjan naman yung hapon mong manliligaw!”

She giggled “bahala na si batman..” bigla naman tumayo si Dionne “tara na Japoy, matulog na tayo. Maaga pa tayo dapat gumising”

“sige..” inabot ko yung gitara ni Dionne “matulog ka na. Papasok narin ako sa kwarto ko maya-maya”

“okay. Good night..”

“good night..”

Tinalikuran na ko ni Dionne at naglakad na siya papunta sa kwarto niya.

I sigh.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang nakakaramdam ako ng something na mabigat sa dibdib ko.

Naalala ko ulit yung sinabi ni Dionne na some part of her is happy na wala akong gusto sa kanya.

Hindi ko maintindihan kung bakit para akong nalungkot ng marinig ko yun.

Nakakabaliw talaga ang babaeng yan.  T___T

[Maisie’s POV]



“hoy! Ano tong masquerade ball?! ang baduy ha!!” sabi saakin ni Kuya Jake mula sa kabilang linya “ano ka mag de-debut?! Tandaan mo despedida party mo ito! Why not make it just a normal despedida party?! May pa masquerade masquerade ka pa!”

Napakunot bigla ang noo ko “napa supportive brother mo talaga kuya! Yang gabing yan ang huling gabi ko sa Pilipinas! I want to make it memorable!” sabi ko sa kanya

Nag organize na kasi ako ng despedida party at gusto kong maging masquerade ball ito. Tuloy na tuloy na talaga ang pag punta ko sa France. In two weeks time, iiwan ko na ang lahat dito sa Pilipinas.

…even him.

 

“memorable! Tss. Ang baduy mo!” sabi saakin ni kuya

“hay naku ewan ko sayo kuya ah! tsaka oy ikaw ah, dalawang invitation ang ipinadala ko diyan sa unit mo. Yung isa para kay Dionne. Ngayon pa lang paalalahanan na kita, bisita ko si Dionne sa despedida ko at sa mga oras na yun, hindi mo siya alalay kaya naku wag mong masubuk-subukang utus-utusan siya!” pagbabanta k okay Kuya

“oo na! oo na!! hay naku!”

“at least nagkakalinawan tayo..”

“pero bago ang lahat… Maisie…” bigla naman naging seryoso ang boses ni kuya “handa ka na ba talagang iwan siya?”

Natigilan naman ako bigla sa tanong ni kuya

“hay kuya. May despedida na ko oh? Ibig sabihin wala ng urungan to..”

“good. You deserve better Maisie. You deserve to be happy. Wag na wag mo ng babaguhin ang desisyon mo ha?”

“I know kuya. Promise, wala na talagang atrasan to..”

“good for you. I need to hang up now.”

“okay.. bye..”

“bye…”

I ended the call then I heave a sigh.

Sa totoo lang, ilang beses din akong nagdalawang isip kung dapat ba akong tumuloy sa pag alis o hindi. Hindi ko alam kung katapangan ba itong gagawin ko o kaduwagan. Tama bang tumakas na lang ako at magpakalayo-layo? O baka naman ang pag layo ko ay para maka move on na ako?

Hindi ko alam.

Pero ngayon, buo narin talaga ang desisyon ko. Ayoko ng isipin na si Rui ang dahilan ng pag-alis ko. Mas magiging madali ang lahat kung ang iisipin ko ay aalis ako dahil nasa France ang katuaparan ng mga pangarap ko.

Napatingin ako sa invitation na nasa kamay ko.

Actually lahat nan g mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ko, napadalhan ko na ng invitation para sa despedida party ko. Isa na lang ang hindi.

Si Rui…

Pero ngayon, plano kong pumunta sa unit ni Rui para i-abot ng personal ang invitation na ito sa kanya. Nang matapos ako sa pagaasikaso ng ilang mga bagay para sa migration ko pati narin doon sa despedidap party, dumiretso na ako agad sa unit na tinutuluyan ni Rui. Ang alam ko kasi, rest day niya ngayon. Sana nga lang at nandito siya ngayon sa unit niya.

Good thing, nung tanungin ko ang receptionist, sinabi niyang nandoon si Rui kaya naman dumiretso na ako sa unit niya. Nang makarating ako doon, agad kong pinindot ang door bell. Naka tatlong door bell ako bago tuluyang buksan ni Rui ang pinto.

“Maisie-chan! What brought you here!” masigla niyang bati saakin

“are you busy?”

“no! come inside!”

Pumasok naman ako sa loob ng unit niya at nakita kong may malaking teddy bear na nakaupo sa sofa niya

“wow ang cute naman!” sabi ko sabay lapit doon sa teddy bear at niyakap ko ito

“cute ba? Bibigay ko yan kay Dionne!” sabi ni Rui habang papunta siya sa may counter ng kitchen niya

Bigla naman ako napalayo sa teddy bear.

“t-talaga? A-ang cute ah..”

“sana magustuhan niya rin! Actually nag aaral ako mag luto ngayon kasi plano ko bigyan ng surprise dinner date si Dionne at gusto ko ako lahat ang magluluto ng pagkain!”

I gave him a weak smile “ang sweet mo naman…”

“hehehe sana mainlove na si Dionne saakin”

Hindi na ako sumagot.

Here we go again. Kada ba magkikita kami puro si Dionne na lang ang bukambibig niya? Aalis na nga ako’t lahat ganyan pa siya.

“Maisie-chan halika dito! Tikman mo pala yung carbonara na ginawa ko”

Tumayo ako at lumapit kay Rui doon sa counter niya. Tinignan ko yung carbonara na niluto niya

“nakakatakot kainin” sabi ko sa kanya “mamaya kung ano nilagay mo diyan eh!” =__=

“grabe ka!! Masarap yan! Dali na tikman mo!”

Kumuha ako ng tinidor at tinikman yung carbonara na ginawa ni Rui.

“masarap ba? Masarap ba?”

Tinignan ko siya then I smile “pwede na!”

“grabe ka! Alam ko masarap yan! Ay Maisie-chan” nagulat naman ako ng biglang lumapit si Rui saakin “may sauce sa gilid ng labi mo..” biglang hinawakan ni Rui ang gilid ng labi ko at tinaggal ang sauce dito gamit ang thumb niya.

Nang dahil sa ginawa niya, para bang nakuryente ang buong katawan ko at naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

“Maise-chan why are you blushing?”

“h-ha? H-hindi ah!” pag de-deny ko sa kanya

“eeehh namumula ka eh! Bakit? Kinikilig ka saakin no?! wahahahahahahaha!”

“h-hindi ah! hoy naka move on na ko sayo no!”

What a liar, Maisie. =___=

“ows? Di nga? Naku wag ka na maiinlove saakin! mapanganib yan! May mahal na akong iba! Wahahahahahahahhaa” sabi ni Rui habang tatawa-tawa pa.

Tinignan ko lang siya habang tumatawa siya. Gusto ko rin makitawa sa kanya at mag panggap na natuwa ako sa biro niya pero hindi ko makuhang mag panggap. Para bang hindi ko maigalaw ang mga labi ko at pilitin itong ngumiti.

Napansin naman ni Rui ang expression ng mukha ko.

“o-oi Maisie-chan I’m just joking! Hala napikon ka na ba?”

“m-manhid..” bulong ko

“h-ha?”

“P-paano kung sabihin ko sayong hindi pa ako naka move-on? Paano kung sabihin kong hanggang ngayon mahal na mahal parin kita?”

“M-maisie.. a-anong ibig sabihin mo?”

Bigla na lang tumulo ang luha ko “ang sakit… Rui.. hindi ko na kaya makipag biruan ng ganun sayo kasi tagus-tagusan ang sakit….”

“I—I—m—“

Hindi ko na pinatapos ng sasabihin si Rui. Tinalikuran ko na siya at agad akong lumabas sa unit niya.

What the heck did I just do? Sinira ko ang plano ko. Sabi ko, susulitin ko ang mga huling araw na kasama ko siya pero bakit bigla bigla na lang ako umamin sa kanya?

Dalawang linggo na lang aalis na ako tapos ganito pa? For sure doon na sa despedida ang sunod at huli naming pagkikita ni Rui..

Bigla akong natigilan.

Naalala ko na hindi ko pa pala nasabi sa kanya na despedida ko na at malapit narin ako umalis.




Bigla na lang akong napaupo sa sahig at napahagulgol ng iyak…






(...to be continued...)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #life#love