Chapter 35 *another revelation*
Chapter 35
*another revelation*
[Rui’s POV]
“miss sure kang magugustuhan niya to? Maganda ba talaga?” tanong ko doon sa sales lady habang hawak hawak ko ang isang kwintas .
“oo naman po! Maganda talaga yan and for sure matutuwa yung girlfriend mo niyan sir Rui” sabi niya saakin
Napangiti lang ako. Girlfriend? Parang ang sarap naman marinig yun.
Sana nga… girlfriend ko na lang siya.
Binili ko na yung kwintas na kanina ko pa tinitignan. Nandito ako sa mall ngayon at naghahanap ng panregalo kay Dionne. Alam ko kasi na kasama siya mamaya doon sa party. Simula nung nagtapat ako kay Dionne, hindi ko pa ulit siya nakakausap ng matino. Ramdam ko naman na pag magkasama kami sa set, iniiwasan niya ako. Hindi ko rin naman siya ginugulo nun dahil alam ko na kailangan niya rin makapag-isip isip.
Pero buong buo na talaga ang desisyon ko. Liligawan ko si Dionne kahit na wala pa siyang gusto saakin. Okay na saakin na mapatunayan ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Malay natin, magbago ang ihip ng hangin at magkagusto rin siya saakin.
After kong mabili yung necklace, lumabas narin ako sa jewelry shop at plano ko ng umuwi nun para makapagpahinga muna saglit dahil mamayang gabi, aattend na ko sa party para doon sa movie namin.
Kaso syempre, buhay ng isang artista, bago ako makalabas ng mall, nangawit muna ang panga ko kaka ngiti ko dahil may mga humatak pa saakin para magpa picture.
“hay salamat!” sabi ko pagkasakay na pagkasakay ko sa kotse ko
Akala ko katapusan na ng buhay ko kanina eh. =___=
Pinaandar ko na yung kotse ko at dumiretso sa bahay ko. Natulog lang ako saglit and after that, nag ready narin ako para sa party.
“iho, ito ba yung coat na susuotin mo?” tanong saakin Manang Fe, yung PA ko at the same time, siya rin yung yaya ko simula pa maliit ako.
“opo manang. Salamat po. Ay ayaw niyo po ba talagang sumama sa party mamaya?” tanong ko sa kanya
“naku naman hijo alam mo namang wala akong hilig sa ganyang mga bagay eh!”
“sayang naman! Balak ko pa naman pormal na ipakilala yung nililigawan ko sa inyong lahat”
Totoo yun. Nag pa-plano na kasi ako na ipakilala si Dionne sa mga kaibigan ko. Alam ko napaka advance ng move na ito pero gusto kong ipagmalaki ang babaeng mahal ko sa harap ng maraming tao. Gusto kong ipakilala sa kanila ang nagiisang babae na bumihag ng puso ko.
Naramdaman ko na tinapik ako sa balikat ni manang “suportado kita diyan. Kung sino man ang babaeng mamahalin mo, alam ko napaka swerte niya”
“salamat po manang Fe!” niyakap ko ng bahagya si Manang Fe matapos yun ay nagsimula narin ako sa pagbibihis. Talagang nagpagwapo ako ng husto para magmukha naman akong presentable sa harap ni Dionne.
Nung matapos na akong mag-ayos, umalis narin ako at dumiretso na sa reception ng party. Sa labas pa lang, nag kalat na ang mga press. Iniinterview nila isa-isa ang mga artista at maging ang mga staffs na nagsisidatingan.
“Rui!”
Napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko ang isang magandang babae na papalapit saakin.
Napatulala naman ako habang tinitignan ko ang babaeng ito mula ulo hanggang paa.
“uy! Anyare sayo japayuki?” tanong niya saakin
“M-maisie?”
“bakit ka ganyan makatingin?” takang taka na tanong niya
Bigla naman akong napangiti “kahit kelan talaga ang ganda ng bestfriend ko no?”
Nakita ko naman ang pamumula ni Maisie ng sabihin ko sa kanya yun “h-heh! Bolerong japayuki!”
“no, I’m giving an honest compliment” nilapitan ko si Maisie then ipinatong ko yung mga kamay ko sa magkabila niyang braso atsaka ko siya tinignan sa mata “Anatta wa hountoni kirei desu..” I told her sincerely
“W-what does it mean?”
“sabi ko you’re really beautiful..”
Nakita ko naman na mas namula siya ng dahil sa sinabi ko kaya natwa na lang ako
“anong nakakatawa?!” iritadong tanong niya saakin
“eh kasi naman, kada may nag co-compliment sayo lagi ka na lang nag bblush! Wahahahahahaha!”
“h-he! Ewan ko sayo!” bigla niya akong hinampas then bumulong siya “sayo lang naman ako nagkakaganito eh.”
“Anong sabi mo?” tanong ko sa kanya dahil hindi ko narinig yung huli niyang sinabi
“sabi ko maglinis ka na ng tenga mo!”
“eeeeh ano nga yun? Dali naaaaa” pangungulit ko sa kanya
“wala nga! Wag ka na masyadong makulit. Tara na nga sa loob”
Nagsimula na kami ni Maisie pumasok sa may entrance ng reception
“ay Maisie may papakita ako sayo!” nilabas ko yung isang maliit na box sa bulsa ko at ipinakita ko yung kwintas kay Maisie “maganda ba?”
“o-oo maganda! P-para kanino?”
“Kay Dionne. Plano ko nga siya ipakilala sa mga kaibigan ko ngayon eh”
“kayo na ba ni Dionne?”
“ha? Naku hindi! Ano ka ba! Alam mo naman na iniiwasan niya ako lately eh. Pero hindi ako susuko. Liligawan ko talaga siya hanggang sa magkagusto siya saakin. Hay Maisie-chan, ganito pala ang piling ng mainlove ng husto no?” sabi ko sa kanya ng ngiting ngiti “Maisie, tulungan mo ako kay Dionne ha?"
Nagulat naman ako ng biglang iniwas ni Maisie ang tingin niya saakin “uhmm Rui, I have something to tell you..” sabi niya ng seryosong seryoso
“a-ano yun?”
“I already have a plan of mi—“
“—si Rui Ashiya!”
Naputol ang paguusap namin ni Maisie ng makita naming may mga naglalapitan na press saamin.
“Rui bat may hawak ka na necklace? Para sa kanya ba ito?” tanong ng isang press saakin habang turo-turo si Maisie.
“is she your date for the night?”
“so it’s true, you two are going out?”
“yung necklace na hawak mo, ayan ba yung binili mo kanina sa isang sikat na jewelry store sa isang mall kanina?”
“gaano na kayo katagal? Ngayon niyo lang ba balak sabihin sa publiko ang inyong relasyon?”
Halos hindi na ko makasingit sa mga reporters dahil sa sunod-sunod nilang tanong. Nakakabanas ah. Nagtatanong sila saakin pero ayaw nila tumigil ng kakadakdak.
Tinignan ko si Maisie at nakita ko na sobra na siyang naiilang sa mga reporter.
Geez.
“no hindi kami. Nagkita lang kami just now. Me and Maisie are best friends” sabi ko sa kanila. Tofu oo na, showbiz na showbiz na ang sagot ko pero yun naman kasi talaga ang totoo eh.
“then para kanino yung necklace?” tanong nung isang reporter.
I sigh. Hindi talaga sila titigil? Bakit pati mga pribadong buhay namin pinapakealaman
“this is for the girl I love..”
Nung bitiwan ko ang mga salitang yun, sunod-sunod na ang tanong na ibinato saakin. Sa totoo lang wala naman akong plano talaga na sabihin sa kanila kung sino ang taong yun. Plano ko lang talaga ay sa mga kaibigan ko---pero hindi sa media. Hindi dahil ikinakahiya ko si Dionne kundi dahil gusto kong protektahan ang pribado niyang buhay.
Balak ko na sanang iwan yung mga reporters kaya lang natanaw ko sa di kalayuan na naglalakad narin papasok si Jake at Dionne.
Halos mapatulala ako dahil this is the first time na makita ko si Dionne na nakaayos.
Ang ganda ganda niya talaga.
Nakangiti si Jake sa mga press na kumukuha sa kanya ng picture while Dionne is looking at him happily.
I felt a stab of pain on my chest. Hindi ko alam kung bakit pero for a moment, parang nag selos ako.
Nung padaan na sila sa way namin, nagkatinginan kaming dalawa ni Dionne and the moment na nagtama yung dalawang mata namin, agad niyang iniwas ang tingin niya.
Bakit ganun? Kanina grabe siyang makatingin kay Jake pero bakit saakin ni hindi niya ko magawang tignan. Ayaw ba niya talaga saakin?
Dahil sa selos, parang bigla na lang ako nawala sa sarili at nagawa ko ang isang bagay na hindi ko dapat ginawa.
Nilapitan ko si Dionne
“R-rui..”
Bigla ko naman siyang hinatak palapit saakin atsaka ko siya inakbayan.
Tumingin ako sa mga reporters
“This is the girl I love. Nililigawan ko pa lang siya ngayon…” nilingon ko si Dionne at tinignan ko siya sa mata “pero alam ko, mapapasagot ko siya”
After that, halos masilaw na kami ni Dionne sa flashes ng mga camera nila. Samu’t saring tanong ang ibinabato nila saamin. Agad-agad kong hinatak si Dionne papalayo sa mga reporters.
“t-teka Rui…”
Hindi ko pinansin si Dionne at tuloy tuloy parin ang paghila ko sa kanya hanggang sa makarating kami sa may terrace ng reception.
“R-rui, b-bat mo sinabi yun?”
“I-I’m sorry pero it’s all true” hinawakan ko ang kamay ni Dionne “alam ko naiilang ka saakin dahil sa biglaan kong pagtatapat sayo sa Subic pero Dionne mahal na mahal talaga kita..”
“Rui..”
“please let me court you? Please? Hindi naman necessarily na pag niligawan kita ay dapat mo na kong sagutin di ba? Just give me a chance na ipakita ko lang sayo ang pagmamahal ko. Ha Dionne?” medyo lumayo ako ng onti sa kanya at ginawa ko ang karaniwang ginagawa ng mga Japanese pag nakikiusap sila. I bowed my head “onegaishimasu”
“t-teka Rui bat ka nakaganyan?! U-umayos ka”
“no Dionne. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako pinapayagan”
Narinig ko ang pag hinga ng malalim ni Dionne “p-pero paano yun Rui? M-may mahal na kong iba..”
“kayo na ba?”
“Hindi..”
“then I don’t care kung may iba ka pang mahal..”
“masasaktan ka lang saakin…”
“I don’t care..”
“Rui…” naramdaman kong tinapik ni Dionne ang balikat ko kaya naman umayos na ako ng tayo.. “hindi ko maipapangako sayo na kaya kong ibalik yung pagmamahal na binibigay mo sakin.."
Nginitian ko siya “okay lang saakin”
Bigla naman siyang huminga ng malalim “pwede ko bang pagisipan muna to? Can you give more time please? Ito lang ang hiling ko sayo..”
“it’s okay. Pero sana…” kinuha ko yung kamay ni Dionne at hinawakan ito “sana wag mo na kong iwasan ha?”
Nginitian ako ni Dionne “promise yan. Sorry pala kung iniiwasan kita dati ah?”
“naiintindihan ko naman yun eh. Masyado akong naging padalos-dalos..”
“hala!!” bigla namang sigaw ni Dionne
“b-bakit?! Anong nangyari?!”
“S-si Japoy naiwan ko! Hala baka kanina pa ako hinahanap nun. Sige Rui alis na ko!”
“wait--!!”
Bago ko pa siya mapigilan ay tuloy tuloy na siyang tumakbo paalis.
I sigh.
Dionne, si Jake ba ang taong mahal mo?
Mukha atang mabigat ang karibal ko….
[Dionne’s POV]
Naku po nasaan na ba si Japoy?
Bumalik ako doon sa entrance ng reception para tignan kung nandun pa siya pero no where to be seen na siya. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa loob pero hindi ko talaga siya makita. Marami narin mga reporters ang naglalapitan saakin para hingan ako ng interview kaya naman todo iwas din ako sa kanila. Marami sa kanila ang nag tatanong kung sino ako o kung paano ko nakilala si Rui. Paano ko masasabi na isa lamang akong hamak na PA ni Jake Marquez? Edi nasira ang image ni Rui sa lahat. Isang sikat na artista nililigawan ang isang hamak na PA lang?
Hay. Ngayon lang din nag sink in sa utak ko ang gulong napasukan ko. Hindi naman ako galit sa ginawa ni Rui yun nga lang natatakot ako para sa kanya.
Bakit ako pa kasi ang minahal mo Rui… Masasaktan ka lang din saakin
“Dionne! Dionne!” napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko na naman ang ilang reporters na papalapit saakin.
Naku po naman!
“Dionne can we ask you a question? Gaano na kayo katagal magkakilala ni Rui? Matagal na ba siyang nanliligaw sayo? May pagasa ba siya sayo?”
Napabuntong hininga ako. Ganito ba palagi ang pinagdaraanan nina Japoy? Ang halungkatin ng media yung pang-araw araw nilang buhay? Kahit pribado pilit na tinatanong parin.
Nginitian ko yung mga reporters at ginawa ko yung madalas na nakikita kong ginagawa ni Japoy kada tinatanong siya ng ganyan.
“no comment” ^___^
Pagkasabi ko nun, tinalikuran ko na sila at dinedma na ang iba pang mga tanong nila.
Ngayon naman, kailangan ko ng hanapin si Japoy.
“hoy!”
Nagulat ako ng biglang may humatak saakin
“V-venus?!”
“come with me!”
“h-ha? T-teka—“
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya ako kinaladkad at dinala malapit sa may restroom kung saan walang tao.
“uhmm Venus, bakit?”
Tinignan niya ako “s-so Rui’s courting you?”
“uhmm a-ano.. p-parang ganun na nga”
She rolled her eyes “sabi ko na may problema talaga sa taste ang Hapon na yun eh” tinignan niya ako mula ulo hanggang paa “paano mo siya nagayuma?”
“h-ha?”
Bigla naman niya iniwas yung tingin niya “b-but he’s a good guy… kaya maswerte ka na sa kanya..”
Bigla naman ako nagtaka sa sinasabi ni Venus. Wait, gusto niya si Rui para saakin?
“uhmm Dionne..” yumuko si Venus at parang nagaalangan sa sasabihin “uhmm I—I talked to my mom and told her I want to quit acting… uhmm nagalit nga siya saakin eh pero I felt relieved kasi magagawa ko na ang bagay na gusto ko”
Bigla naman akong napangiti sa sinabi ni Venus
Tinignan niya ako “w-wala lang! feel ko lang sabihin sayo! Diyan ka na nga!” after that, tinalikuran niya na ko
“Venus!”
Napahinto si Venus sa paglalakad at napatingin saakin
“what?!”
“Susuportahan kita! Ako na ang number 1 fan mo! Go! Go! Go!” pag ch-cheer ko sa kanya
Inirapan niya lang ako “I don’t need your support!” sabi niya sabay talikod ulit at lakad na palayo.
Pero bago siya tuluyang makaalis, I got a glimpsed of her face, smiling.
Napangiti din ako.
Si Venus, lagi na lang siyang naka maldita looks. Palaging napaka fierece ng personality niya. Pero deep inside, may malambot din siyang puso. Nagiging maskara lang niya ang pagiging mataray niya para hindi na madagdagan pa yung sakit na nararamdaman niya.
But now, natuto na siyang ipaglaban ang gusto niya, she became stronger.
Wala na siya dapat itago at ikatakot.
Nagpatuloy na ko sa pagiikot ikot para hanapin si Japoy pero no where to be seen talaga siya. Baka nagalit na yun saakin. Pero dapat ko na talaga siya mahanap. Nasa akin pa naman lahat ng alcohol niya. Mamaya niyan hindi na siya makakain dahil hindi pa siya nakakapag alcohol.
Ilang paikot-ikot pa ay sa wakas nakita ko narin si Japoy na kasama si Venus habang may kumakausap sa kanila. Agad-agad naman akong lumapit.
“Japoy! Japoy kanina pa kita hinahanap!” tawag ko dito
Bigla naman silang napalingon ni Venus at doon ko lang din napansin na mga reporters ang nasa harap nila.
Naku po…
Binigyan ako ng isang masamang tingin ni Japoy na para bang sinasabi niya na kung ano sa tingin ko ang ginagawa ko.
“Jake? You know her? She’s Dionne right? Yung nililigawan ni Rui? How are you related to her?”
Napalunok ako bigla sa tanong nung reporter. Naku po naman. Sorry Japoy. Just say no comment please? Wag ka aamin na PA mo ko. Please.. please…
“oh Dionne?” tinignan ko si Japoy at nakita kong ngiting ngiti siya at bigla naman niya akong hinila papalapit sa kanya "she’s my cousin”“
“a-ah t-tama! M-mag pinsan kami!” pag sangayon ko naman sa kanya
“oh kaya ba kayo nag kakilala ni Rui?” tanong saakin nung director
“o-oo!”
“I introduced her to Rui. Una pa lang kasi naramdaman ko ng bagay na bagay silang dalawa” tinignan ako ni Jake “kaya naman ikaw Dionne, sagutin mo na yang si Rui!” sabi ni Japoy habang tatawa tawa
“hahaha w-we’ll see” sabi ko din naman sa kanya na ngiting ngiti
Ngiting ngiti pero deep inside gusto ng mag mura ng puso ko dahil ang sakit. Bakit ganito? Bakit ang sakit marinig kay Japoy ang bagay na yun?
“oh yun naman pala eh! Botong boto si Jake kay Rui para sayo!” pangaasar nung reporter kay Japoy “but back to you Jake, how’s your love life naman” binigyan niya ng meaningful look si Venus “nagkabalikan na ba kayo ni Venus?”
“uhmm actually...” sabi ni Venus “actually we’re—“
“—let me just show you the answer” pag putol ni Japoy sa sinasabi ni Venus at pare-pareho kaming nagulat sa sunod na ginawa ni Japoy
Hinila niya papalapit si Venus sa kanya, atsaka niya ito hinalikan….. sa harap ng mga reporters… sa harap ng mga guests..
… sa harap ko…
Bigla na lang ako napunta sa likod dahil nag dagsaan sa kanila ang mga reporters. Napuno ng mga bulong-bulungan sa paligid. Binato sila ng binato ng samu’t-saring mga tanong. Halos masilaw din ako sa mga flashes ng camera nila..
… at halos mapuno na ng luha ang mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top