Chapter 31 *trapped*
Mensahe ni Majibu
Sorry na po doon sa mga nagpapa dedicate ng Angel in disguise. Hindi ko na po kayo lahat mabibigyan ng dedication kasi ang dami na naka-line up sa list ko. Baka hindi na kayanin ng mga remaining chapters. Salamat <3
***
Chapter 31
*trapped*
[Maisie’s POV]
“I need you. . . . to help me court Dionne..”
Nag ba-vibrate sa tenga ko ang sinabi saakin ni Rui. Halos mabingi na ako sa kinalulugaran ko. Isang simpleng salita pero para bang isang malaking granada ang sumabog sa tenga ko ng marinig ko ito.
“Maisie-chan. . . .?”
“ah hehe b-bakit k-ka naman s-saakin nagp-papatulong e-eh hindi naman kami masyadong close ni Dionne?”
“wala naman talaga akong ibang malalapitan kundi ikaw eh. I mean, hindi mo naman kailangan gumawa ng paraan para paglapitin kami, I-I just want to ask f-for advice. Sa mga ganung bagay lang”
I force a smile “ah I see. T-then if you need an advice, I’ll be there for you”
Nakita kong lumawak ang ngiti ni Rui then bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit.
“thank you Maisie! Salamat talaga ng madami! You’ll always be my best-est friend ever!”
Always..
Tama. Ano ba tong iniisip ko? Bakit kahit ilang beses na akong nasaktan lagi na lang akong umaasa na magugustuhan ako ni Rui. Limang taon, limang taon na puro na lang sakit ang naramdaman ko ng dahil sa kanya, but still, sa loob ng limang taon, siya parin talaga ang gusto ko.
Kinagat ko ang labi ko to prevent myself from crying. Alam ko kasi na the moment I cried infront of him, the moment na malaman niyang may gusto parin ako sa kanya, ay yung panahong tuluyan na akong bibigay ng dahil sa sakit.
That night, pinilit kong tumawa at magpakasaya kasama si Rui habang unti unti akong nadudurog sa loob loob ko. Buti na lang nung pauwi na kami, hindi na niya ako pinilit na ihatid dahil pareho kaming may dalang kotse nun.
Pagkasampang pagkasampa ko sa kotse ko, nawala ang ngiti sa labi ko and mas naramdaman ko ang bigat sa pakiramdam ng mga nangyari. Kaso ang nakakapagtaka lang, ayaw ng bumagsak ng mga luhang kanina ko pang pigil na pigil ilabas. Para bang nalipat narin yung mga luhang yun sa bigat ng pakiramdam ko.
Pinaandar ko na yung sasakyan ko then dumiretso na ako sa bahay namin. Pagdating ko naman doon, nagulat ako na nandun parin si Kuya Jake. Mukha atang dito na niya plano matulog ah.
“oh kuya nandiyan ka pa pala” sabi ko sa kanya without looking at him
“hinintay ko sila mommy, hindi pala sila uuwi ngayon” sabi ni kuya saakin
“ah ok. Sige akyat na ako sa kwarto…”
Tinalikuran ko si Kuya Jake at paakyat n asana ako ng bigla niyang hatakin ang braso ko.
“let me guess… may ginawa na naman sayo yung Hapon na yun no?” sabi ni Kuya saakin
“A-ano bang sinasabi mo?” hinatak ko yung braso k okay kuya pero mas hinigpitan niya ang hawak doon
“wag kang magsinungaling”
“a-ano ba kuya Jake! Bitawan mo nga ako! I’m tired and I want to sleep!”
“lagi ka na lang bang aasa?”
Bigla na lang akong natigilan ng dahil sa sinabi ni kuya Jake. Para bang bigla na lang akong natauhan sa tinanong niya saakin. And with that, bumuhos na lang bigla ang luha ko na kanina pa pigil na pigil lumabas sa mga mata ko,
“Maisie…” nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Kuya Jake while tapping the back of my head. Binigyan ko din siya ng isang mahigpit na yakap habang patuloy ang pagiyak ko.
This is my first time crying on my brother’s shoulder.
"hay ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Kuya Jake
“kuya alam mo ba, sumakay ako sa jeep. Dahil wala akong barya, buo yung ibinayad ko. Pero alam mo yung nakakainis? Ni-hindi ako sinuklian nung driver. Kahit piso.. kahit isang sentimo wala. Nanakit na nga yung lalamunan ko kakahingi ng sukli ko pero hindi parin niya ako pinansin. Wala tuloy natira saakin ni katiting..” napahikbi ako “lesson learned, ayoko na magbigay ng buo sa isang taong hindi naman ako susuklian..”
Narinig kong nag buntong hininga si kuya “bat ka naman kasi nag jeep kung may sasakyan ka naman” bulong ni Kuya saakin
Hindi ko alam pero bigla na lang ako napangiti sa sinabi niya “kuya naman eh!”
“Maisie, sa France walang jeep, walang madudugas na jeepney driver..” humiwalay si Kuya sa pagkakayakap niya saakin “don’t ever choose a guy over your future”
Napayuko ako. Siguro nga tama si Kuya Jake. This time it’ll be best kung ang tanging iisipin ko na lang ay ang sarili ko.
Dapat na talagang tigilan ko ang katangahan na to. Hanggang dito na lang ang kaya kong marating. Hindi ko na kaya magtiis. Gusto ko ng makalimutan si Rui.
At alam ko, magagawa ko lang yun pag tuluyan na akong lumayo sa kanya.
[Venus’ POV]
“sabi dito sa libro, malalaman mo daw na in love ka kapag nakikita mo yung taong yun, bumibilis yung tibok ng puso mo, tapos pag nginitian ka niya, feeling mo nasa heaven ka na. Kada magkakadikit ang mga balat niyo, akala mo nakukuryente ka tapos araw-gabi, laging siya ang nasa isip mo, then bigla ka na lang mapapangiti mag isa dahil maalala mo lang siya, kinikilig ka na!”
“uwaaaaaaaa! Then In love na ko kay Rui Ashiya at kay Jake Marquez! I’m positive!”
“gaga aagawan mo pa ko! Akin silang dalawa no!”
Napairap ako at lumipat ng pwesto dala-dala yung script na binabasa ko dahil hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko dahil ang lalakas ng boses nung dalawang make-up artist na pareho namang puro kalandian at ka-kornihan ang alam pagusapan.
Itinuloy ko yung pagbabasa ng script doon sa dressing room ko. As usual, maaga na naman akong dumating sa set. Wala pa yung ibang cast ng movie na shino-shoot namin. Napatingin ako sa orasan, 45 minutes pa bago ang call-out time. Anong oras kaya dadating si Jake?
Nung last time kami nagkita, parang hindi siya okay. Para bang may malalim siya na iniisip. I tried asking her annoying chimay pero wala din naman daw siyang idea sa kung ano ang nangyari kay Jake. Kung sabagay, ano nga ba naman alam ng chimay na yun? Inaksaya ko lang ang laway at ilang segundo ng buhay ko sa pagtatanong sa kanya.
Pero ano kaya ang nangyari doon sa lalaking yun? Napaka good mood pa naman niya before mag start ang shooting namin nung araw na yun.
Speaking of shooting nung araw na yun, hindi ko alam kung bakit pero ayaw mawala sa isipan ko ang scene na ginawa namin ni Jake. Para bang paulit-ulit na nag re-replay sa isip ko yung mga mapang-akit niyang tingin saakin, kung paano niya dahang dahang idinampi ang labi niya sa labi ko, kung paano bumaba ang mga labi niya papunta sa leeg ko…
Napahawak ako bigla sa mukha ko dahil pakiramdam ko parang bigalng nag init ito. Napatingin din ako bigla sa salamin at nakita ko na lang na nakangiti ako.
Bigla-bigla na lang nag flashback sa isip ko yung sinabi nung isang make-up artist kanina.
“…araw-gabi, laging siya ang nasa isip mo, then bigla ka na lang mapapangiti mag isa dahil maalala mo lang siya, kinikilig ka na!”
Napailing ako bigla. Kinikilig? Why would I?! Hindi ko naman gusto si Jake kaya imposible na kiligin ako sa kanya! No! hindi ko siya gusto!
Kinuha ko yung bote ng mineral water sa bag ko then ininom ko to habang nagpapaypay sa sarili. Ano ba tong mga pinagiisip ko, napaka creepy! =___=
“Venus?”
Napatingin ako bigla sa pumasok sa room ko and nakita ko si mommy kaya naman agad-agad akong napatayo para salubungin siya.
“m-mom! You’re here!” sabi ko sabay halik sa pisngi niya
“how are you doing?” she asked me with a straight face
“g-great! I’m doing great!”
“I saw you on T.V last night. Tinuloy mo parin talaga ang pag g-guest doon sa night news show na yun no?”
Iniwas ko ang tingin ko kay Mommy and hindi ko siya sinagot.
“Once is enough Venus. Tama ng nakapag guest ka doon ng isang gabi. Mag quit ka na”
“b-but mom, ang usapan po namin is one month..”
“okay then, kung hindi mo kayang mag quit, ako na lang mismo ang kakausap sa kanila”
“no mom! Don’t! P-please pag bigyan niyo na po ako, i-isang buwan lang naman po eh. Promise isang buwan lang.. after that, hindi na ko o-oo pa sa kahit anong offer saakin mag host or mag newscast!”
Nakita kong parang mas nanlisik ang mata ni mommy at alam ko, hindi siya papaya sa sinasabi ko but still, I want to convince her. I badly want to be a newscaster. Kahit sa loob lang ng isang buwan maranasan ko yun, magiging masaya na ako. Isang buwan lang okay na para saakin… sana mapagbigyan niya ako.
“I said no Venus! Ano bang mahirap intindihin doon?!”
“b-but mom---!”
“you’re an actress not a freaking host or newscaster!”
“p-pero di ba po may mga artista naman na gumagawa nun? Why can’t I do both?” I ask her in desperation
“dahil ayoko Venus! Enough with this already! Just do what I say!”
Natigilan ako bigla sa sinabi ni mommy. Tinitigan ko siya sa mata while she stares me back with full authority---na para bang sinasabi saakin ng mga mata niya na wala na akong magagawa, hawak na niya ang buhay ko, siya na ang mag dedesisyon ng lahat para saakin.
Napahinga na lang ako ng malalim “mom, hindi po ako isang de-susing laruan. May kakayanan po ako magisip sa kung ano ang gusto ko. Mom, this is my life. Please let me decide on what I want to do with it..”
“how dare you say such things?!” she shouted at me at kitang kita ko ang galit sa mata niya “pagtatalunan na naman ba natin to ha?! I’m doing this for your own good!! Alam ko ang tama sa mali kaya makinig ka saakin!!”
“no mom, you’re not doing this for my own good. You’re doing this for ate Athena…”
“w-what?!—“
“you’re doing this because you can’t still get over her death! You’re doing this because up until now, you’re still blaming me for that accident! But mom, gaano mo pa ba ako katagal parurusahan sa isang kasalanan hindi ko naman talaga ginawa?”
Nakita ko ang gulat sa mukha ni mommy dahil sa mga katagang binitiwan ko. Alam ko na hindi magandang pagsalitaan ang isang magulang ng mga ganitong bagay, pero sobrang sakit na, sobrang nasasakal na ako. She took my freedom away from me, at hindi ko na kinakaya to.
“VENUS!!!” she shouted then nakita ko ng itinaas niya ang mga palad niya.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang inaantay ko na sampalin niya ako pero nagtaka ako ng wala paring dumadapong palad sa pisngi ko.
Napadilat ako at nakita kong may nakapagitna na saaming dalawa.
It’s Dionne.
“wow! Ang ganda naman po ng bracelet niyo! For sure mamahalin yan!” sabi niya habang hawak hawak niya ang wrist ni mommy na nakaambang sasampalin ako.
“who the heck are you?!” sigaw ni mommy sa kanya na halatang mas lalong naiinis sa pagsulpot ng chimay na to sa harapan naming dalawa
“ay! Ako po pala si Dionne! PA po ako ni Japoy, yung gwapong artista n aka-love team ni Venus!” ^__^
“bat ka nandito?! Get out of here now bago pa kita makaladkad palabas!”
“huh? Eh pero po---“
Bago pa maituloy ni Dionne yung sasabihin niya, I grab her wrist at kinaladkad ko siya palabas ng dressing room ko.
“o-oy V-venus! Saan tayo pupunta? Uy! U-uy!”
Hindi ko sinagot si Dionne at patuloy lang ang pagkaladkad ko sa kanya. Kahit ako hindi ko rin alam kung saan ko siya dadalhin kaya naman naisipan ko na lang sumakay sa elevator at pinindot ko yung basement.
“uy saan tayo pupunta?”
“shut up you freak!” sigaw ko sa kanya “why did you do that?! Napaka pakielamera mo talaga no?!”
“p-pero sasampalin ka na niya—“
“so what?!”
“m-mama mo siya di ba? At dapat ang mga magulang hindi nila sinasaktan ang mga anak nila.. at alam ko nasasaktan ka Venus…” tinuro ni Dionne ang dibdib ko kung saan naka-locate ang puso ko “diyan…”
Parang bigla akong natigilan sa sinabi niya at parang pakiramdam ko, gustong lumabas ng luha sa mata ko. Tinalikuran ko siya then I bite my lower lip to prevent myself from crying.
“wala kang---“ bigla akong natigilan sa sasabihin ko ng bigla na lang huminto yung elevator at namatay yung ilaw “ay fck! What happened?!”
“e-ewan ko! H-hala! Baka brownout!!”
Pinindot pindot ko yung open button pero hindi nagbubukas yung elevator.
“sh1t! sh1t!!! open up!!! Sh1t!!”
Don’t tell me we’re trapped inside?! FCK! Alam ko ang mga ganitong eksena nangyayari kasama ng mga ka-love team mo sa storya eh. But me? Being trapped with the girl I am annoyed the most?!
What the heck!!!
(to be continued)
***
tweet me if you like :) >> @iamalyloony
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top