Chapter 27 *One sided*

Chapter 27

*One sided*

[Maisie’s POV]

“sure kang uuna ka na ng uwi pabalik sa manila?” tanong saakin ni Kuya Jake habang nag aayos ako ng mga gamit ko

“oo kuya, kailangan ko na talagang bumalik. Marami pa akong kailangan asikasuhin para doon sa upcoming fashion show pati narin kinukulit na ako ni Mama na bumalik ng bahay”

Nakita kong sumimangot si Kuya Jake “tch.. mawala lang saglit ang bunso niya grabe na mag alala”

Napangiti ako sa reaction ni Kuya dahil aware naman akong nag seselos na naman siya “ikaw kasi kuya, puntahan mo na si mama sa bahay pag uwi mo. Miss na miss ka na kaya nun.”

“tch, ako? Ma-mi-miss nun. Hmpf”

I giggled “hay naku ewan ko sayo! Ay oo nga pala, nasaan si Dionne? Bat di mo siya kasama?”

Iniwas agad ni kuya yung tingin niya saakin “e-ewan. B-baka n-nag l-lalakad sa b-beach.. o b-baka n-naghuhunting n-ng mga unggoy!”

I smirk “o kaya baka may nakasalubong siyang gwapong lalaking naka topless sa beach” nakita kong napatingin agad si Kuya Japoy saakin “tapos nakipagkilala sa kanya yung lalaki! Dahil maganda si Dionne, for sure naakit sa kanya yung gwapong lalaki! Tapos nainlove sila sa isa’t isa at tuluyan na niyang itinanan si Dionne palayo sa amo niyang mapang api!” ^___^

Nakita kong kumunot ang noo ni Kuya to the point na halos magkadikit ang dalawang kilay niya. Matawa tawa ako sa reaction niya pero gabeng pagpipgil ang ginawa ko para lang wag magalit ang isang to. Hay bat kaya ang sarap sarap niyang pagtripan? XD

“p-p-paki k-ko! E-edi m-mag t-tanan s-sila! M-maghahanap na lang a-ako ng ibang PA!” tumingin ng masama si Kuya “teka! Eh wala naman ako paki doon sa chimay na yun! Wag mo saakin sabihin yan kundi doon sa Hapon na nagtapat at nagbabalak manligaw sa chimay na yan!” after sabihin ni Kuya yun, dire-diretso siyang lumabas ng kwarto ko sabay balabag ng pinto.

Bigla naman nawala yung ngiti sa mukha ko. Nagtapat? Nagtapat na ba talaga si Rui kay Dionne? Sinabi na ba talaga niya yung totoo niyang nararamdaman dito? Ano kaya reaction ni Dionne?

Alam ko na gusto ni Kuya Jake si Dionne pero hindi ko alam ang nararamdaman ni Dionne. Kung iisipin, malapit din siya kay Rui eh. Hindi rin malabong magkagusto si Dionne sa kanya. Hindi mahirap mahalin si Rui.

Pero sobrang hirap niyang kalimutan.

 

I sigh then nahiga ako sa kama. Bat kaya ang swerte swerte ni Dionne sa buhay? Kahit isa siyang hamak na PA lang, dalawang lalaki ang nagmamahal sa kanya. Ako, oo halos lahat nasa akin na. Mayaman, nakapag aral sa magandang paaralan, at successful sa buhay. Pero hindi naman ako mahal ng nagiisang lalaking minahal ko buong buhay ko.

Tama nga sila, hindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo.

But I can give up all those things just to have him. Dahil kahit na sinabi kong mag mo-move on na ako, mahal ko parin talaga siya… at alam ko, walang pera, walang career ang makakapagpasaya saakin kundi siya lang.

He’s all that I need… but he’s the only thing I can’t have.

After lunch, nag check out na ako sa resort dahil pabalik narin ako sa Manila. After ng check out, dumiretso na ako sa parking lot para ilagay yung mga gamit ko sa kotse. Bubuhatin ko na sana yung maleta ko ng magulat ako dahil biglang may bumuhat nito at siyang naglagay sa loob ng kotse ko.

“R-rui!”

He looked at me then smile “hay naku aalis ka na pala ni hindi ka nagpapaalam saakin. Nakakapag tampo ka” 

I forced a smile “sorry na. Nawala sa isip ko na sabihin sayo. Medyo occupied kasi ang utak ko ngayon sa pag o-organize ng fashion show.”

Ginulo ni Rui yung buhok ko “don’t stress yourself with work ok? Make sure you have an enough rest..”

“thank you sa concern” sabi ko sa kanya

“anyways, uhmm uuwi narin kasi kami tomorrow morning. Free ka ba mamayang gabi? Let’s eat dinner together”

“t-together?” sabi ko sa kanya

“yap”

“t-tayong d-dalawa lang?”

“yap”

“o-ok. Free ako bukas” sabi ko sa kanya “saan tayo kakain?”

“hmm, doon sa usual na restaurant na kinakainan natin sa Eastwood”

“ok then. S-see you bukas” sabi ko sa kanya

“ingat sa byahe at sa pag da-drive ha” paalala saakin ni Rui.

I opened the door of my car then sumampa na ako sa kotse ko. Nag wave saakin si Rui then naglakad narin siya palayo.

Bago ko paandarin ang kotse ko, agad-agad kong kinuha ang planner ko then tinignan ko yung schedule ko for tomorrow evening. May rehearsal bukas ang mga models and I need to be there. Pero siguro kaya naman akong i-cover up ng isa pang organizer ng event?

Kinuha ko yung phone ko sa bag ko then tinawagan ko yung isa pang organizer na kasama ko.

“hello Angeline? Is it okay kung hindi ako maka-attend ng rehearsal tomorrow night? Something came up kasi and I need to meet someone”

“your boyfriend? tanong niya mula sa kabilang linya

Bigla naman akong namula ng dahil sa question niya “h-hindi no! b-b-business m-matter! A-ano ba yang sinasabi mo!”

I heard her laugh “hahahaha I’m just joking Maisie! Don’t be too defensive. Anyways sure, okay lang. I’ll cover up for you. Ingat”

“s-sige bye” after that, I ended the call.

Loko talaga yun! Nang good time pa!

Napahinga ako ng malalim. Hay, but I did something stupid. Mas pinili ko si Rui kesa sa trabaho. Ito na naman ba ako, magpapakatanga ulit?

I smile a little. Kung sabagay, eversince na minahal ko si Rui, naging tanga na ako. Ano ba naman ang pinagkaiba ngayon?

Siguro gagawin ko na lang to hanggang sa mapagod na ang puso ko. At hiling ko..

…sana nga mapagod na ang puso ko.

[Dionne’s POV]

“home at last!” sabi ni Japoy pagkarating na pagkarating namin sa condo unit niya sabay salampak sa sofa “paki ligpit na lang yung gamit ko sa kwarto ko” utos niya saakin

“ok po” sagot ko sa kanya atsaka diretso sa kwarto ni Japoy para ayusin ang gamit niya.

Kauuwi lang namin galing Subic at dalawang araw narin ang nakakalipas simula ng mangyari yung ‘halik’ na yun. Pero magmula nung araw na yun, nag iba ang pakikitungo namin ni Japoy sa isa’t isa… or should I say, ako ang nag iba.

Hindi ko alam kung bakit pero simula ng sabihin niya saakin na balewala lang sa kanya yung halik na yun, hindi ko na mai-alis sa puso ko yung bigat na nararamdaman ko. I tried to hide this pain with a smile pero kahit ang pag ngiti ngayon hindi ko na halos magawa.

Napatingin ako sa salamin sa kwarto ni Japoy tapos napahawak na lang ako sa mukha ko. Why am I wearing this kind of expression in my face? I look so sad and fragile. Isang expression sa mukhang pinaka ayokong nakikita---lalo na sa sarili ko. Naalala ko nung bago pa mamatay si Kuya Dylan, ipinangako ko sa kanya na magiging matatag ako, na hinding hindi na ako magpapatalo sa kahit anong sakit at lagi akong magtitiwala sa Diyos. Nangako ako sa kanya na magiging masaya ako.

Pero bakit ngayon nakakaramdam ako ng labis na kalungkutan? Bakit ako nasasaktan ngayon? Bakit ganito yung nararamdaman ko?

Ayoko na ng ganitong pakiramdam.

I was distracted by my thoughts nung marinig kong may mag bukas ng pinto sa kwarto at nakita ko si Japoy.

“tapos ka na?” tanong niya saakin

Agad agad naman akong napayuko “s-sorry hindi pa…”

“ganun ba? Ako na lang dito. Paki ayos na lang yung hapunan natin”

“s-sige”

Lumabas ako agad ng kwarto ni Japoy at dumiretso sa kitchen para magluto ng dinner.

Napakamot ako ng ulo. Bakit ba ang awkward ng pakiramdam naming dalawa? Nakaasar na ako! Ano ba tong inaasta ko!

Para mawala sa isip ko yung pakiramdam na ito, nagpaka busy na lang ako sa pagluluto ng hapunan namin. At dahil hindi talaga ako kagalingan sa pagluluto, nag prito na lang ako ng fried chicken.

Habang piniprito ko yung fried chicken, bigla na lang akong napangiti. Siguro kung nakikita ako ngayon ni Daddy at ni Kuya, pinagtatawanan nila akong dalawa. My dad and my brother is a chef. Kahit si mommy magaling din magluto, pero ako ayun ang pinaka weakness ko. Nag bbake ako dati, pero ang pagluluto talaga ng mga ganitong bagay ang hindi ko magawa..

“Dionne, what exactly is this?” tanong ni Japoy pagkagat na pagkagat niya nung friend chicken na niluto ko “sunog ang labas pero hilaw ang loob. Yung totoo, may plano ka ba talagang ipakain saakin to?!”

Napayuko ako then tinikman ko yung chicken “e-e-edible p-pa naman siya eh..”

“edible?! Anak ng---!!!”

Napatingin ako kay Japoy kaya naman biglang nagtama ang mga tingin namin. Simula kasi nung nangyaring incident, I avoided having an eye contact on him. Eto na ulit ang unang pagkakataon na nagkatinginan kami.

“s-sorry..” sabi ko sa kanya sabay yuko.

“n-nevermind..” rinig kong sabi niya “o-order na lang ako sa labas” sabi niya sabay tayo.

I sigh.

I made him feel awkward, hindi ako nakikipag eye contact sa kanya, hindi ko siya gaano kinakausap, and now palpak pa ako sa pagluluto. I’m a useless PA. :(

Kinabukasan, maaga kaming umalis papunta sa isang private subdivision sa Makati para sa shooting. This time ang location ay sa isang malaking bahay.

Sa totoo lang medyo kinakabahan ako na pumunta sa shooting ngayon dahil baka makita ko si Rui. After nung magtapat siya saakin, hindi pa kami naguusap. Alam ko namang dadating din ang araw na i-bi-bring up niya ulit yun at tatanungin ako sa desisyon ko… but still hindi pa ako handa sa ngayon.

Buti na lang at wala si Rui sa scene ngayon kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Mukhang scene lang ata ni Venus at ni Japoy ngayon.

Nung makapsok kami sa loob ng bahay, nakita ko si Venus na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa bintana at mukhang malalim ang iniisip niya. Ni-hindi niya napansin ang pagdating naming dalawa ni Japoy.

Dumiretso naman kami ni Japoy sa isang room doon para makapagpalit na siya ng damit at makapag-ayos.

“uhmm Japoy, ano pala yung isusuot mo ngayon?” tanong ko sa kanya

“pakikuha yung pajama..”

“pajama?”

“oo”

Kinuha ko naman yung pantulog niya at inabot sa kanya. Siguro ang scene ngayong is matutulog si Japoy kaya siguro pajama ang suot niya.

After ng onting pagaayos, pumunta na kami sa kabila pang kwarto dahil magsisimula na ang shooting. Nagulat naman ako na nasa loob din ng kwartong yun si Venus habang nakasuot din siya ng pantulog.

“ready na ba kayong dalawa?” tanong nung director kay Japoy at kay Venus

“yap I’m ready..” sabi ni Japoy

Venus smile “me too, I’m ready”

“give your best ok? And action!”

Pinanuod ko si Japoy at si Venus na magpalitan ng linya habang ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang kinakabahan ako sa eksenang to.

“you know what? Mahal na mahal na mahal kita…” sabi ni Japoy kay Venus habang nakatitig ito sa mata niya at napakalapit ng mukha nila sa isa’t isa “..and I respect you. Kung hindi ka pa handa then titigil ako---“

“no!” sigaw naman ni Venus sabay kapit sa mga braso ni Japoy “no please… I -- I want to do this. Mahal na mahal din kita at kung ano man ang mangyari ngayon, hindi ako magsisisi. I’m all yours..”

And with that bigla bigla na lang hinalikan ni Japoy si Venus habang yakap yakap niya ito ng mahigpit. Hindi ito yung katulad ng halik nila nung nasa Subic kami. Mas aggressive ngayon at parang sabik na sabik sila sa isa’t isa.

Nakita ko ang unti unting pagbaba ng halik ni Japoy sa leeg ni Venus.

Napakapit ako sa dibdib ko dahil parang nakaramdam ako ng kirot.

Galing sa leeg, nakita kong hinahalikan na niya ang balikat ni Venus habang binababa niya ang strap nito.

Bigla na lang tumulo ang luha ko. Gusto kong i-alis ang tingin ko sa eksena pero hindi ko magawa. I was rooted to the ground. My eyes are fixed on them habang nanlalaki ito at patuloy ang pagtulo ng luha ko.

“t-tama na…” mahina kong bulong

Itinigil ni Japoy ang paghalik sa balikat ni Venus atsaka niya ito tinignan sa mata

“I love you” sabi niya dito. At bago pa makasagot si Venus agad agad niya hinila ito pahiga sa kama at pumaibabaw dito.

“t-tama na…”

Hinalikan ni Japoy si Venus sa noo, sa pisngi, sa ilong at sa labi nito.”

“t-tama na please..”

Hinalikan niya ito sa baba, pababa sa leeg..

“t-tama n-na. Tama na! TAMA NA PLEASE!!” hindi ko nalamayan na napasigaw na ako kaya lahat sila ay napatingin saakin pati narin sina Japoy at Venus.

“ok cut!!” rinig kong sigaw ng director atsaka siya tumingin saakin “anong problema mo?! Bat ka sumigaw?! We’re in the middle of a shooting!!”

Napayuko ako “s-sorry..” pagkasabi ko nun ay agad akong tumakbo palabas sa kwarto at lumipat doon sa kabilang kwarto kung saan nagbihis kanina si Japoy. Agad agad kong sinara ang pinto at napaupo na lang ako sa sahig habang patuloy na bumabagsak ang luha sa mata ko.

Ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ko to the point na halos hindi na ako makahinga. Patuloy lang akong humahagulgol ng iyak, at sa bawat pag patak ng luha ko, onti-onti kong naalala yung mga sinabi saakin ni Kuya Dylan dati.

“kuya ano ba yung pakiramdam ng inlove?”

 

“uhmm ano nga ba? Madalas gusto mong makita yung taong yun, gusto mo siya palaging makasama. Masasaktan ka pag may kasama siyang iba lalo na kung wala sayo ang atensyon niya. Pero kahit ganun, gugustuhin mo parin siya makasama. Isang ngiti lang niya, pawi na lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman mo. At pinaka masaya ka, pag nasatabi ka niya.”

 

“ang complicated naman ng pakiramdam nay an kuya”

 

“oo Dionne, napaka komplikado nga… pero meron at merong dadating na isang lalaki at ipaparamdam sayo ang ganyang bagay..”

 

 

“m-mahal…” bulong ko sa sarili ko “m-mahal ko n-na ba talaga siya?”

Napapikit ako habang patuloy parin ang pagtulo ng luha ko.

Siguro nga, may nararamdaman na ako kay Japoy. Siguro nga nagkakagusto na ako sa kanya.

Pero bakit sa kanya pa? Bakit sa lalaki pang parang imposible kong maabot?

Bakit ako nagkagusto sa isang taong malabong mangyari na mahalin rin ako?

***

A/N 

uwaaaaa sorry medyo natagalan ang update. Sobrang naging busy lang this past few days, and malamang, mas magiging busy pa po ako sa mga susunod na araw. I hope you can all bear with me. Salamat po sa patuloy na nagbabasa nito, lalo na sa nagco-comment at nag v-vote! <3

Godspeed :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #life#love