Chapter 21 *Best friend*
Chapter 21
*Best friend*
[Dionne’s POV]
“ate Dionne, saan na po pupunta si Maya?”
“pupunta na siya sa heaven tapos magiging angel siya at babantayan niya tayo”
It’s Maya’s burial. Kasama ko ngayon yung mga batang nakasama ni Maya para makipag libing sa kanya.
“ate Dionne” nilapitan ako ng isang batang babae na ang pangalan ay Chloe. Napansin kong umiiyak siya “a-ate.. m-makikita k-ko p-pa po b-ba si Maya? *sniff* m-makakapag laro p-parin po ba k-kaming dalawa?”
Umupo ako para maging ka-level ko si Chloe then I hugged her “oo naman makikita parin natin siya balang araw. Pag dumating ang day na kailangan narin nating maging angel, makakasama na natin si Maya. Syempre matagal na matagal pang mangyayari yun pero dapat lagi nating iisipin hindi niya tayo iniwan. Lagi siyang nandito” tinuro ko ang dibdib niya “sa heart natin”
“t-talaga po?”
“oo naman!”
Biglang humagulgol ng iyak si Chloe kaya naman binuhat ko siya at hinayaan kong umiyak siya sa braso ko.
Sa lahat kasi ng mga batang nakasama ni Maya, si Chloe ang pinaka naging malapit sa kanya. Best friends silang dalawa kaya naman alam kong masyado ring nalulungkot ang bata sa pagkawala ni Maya.
“Dionne” nilapitan ako ni Jake “tara umupo na tayo”
“sige” ibinaba ko si Chloe then pinunasan ko yung eyes niya “Chloe tabi ka na sa mommy mo ah? mag ppray tayo para kay Maya” she nod then tumakbo narin siya papunta sa mommy niya.
Isang maikling mass lang din naman yun na offer para kay Maya. After nun, dinala na namin si Maya doon sa mismong lugar kung saan siya ililibing.
Habang naglalakad kami, hindi ako halos makalingon kay Japoy dahil ramdam na ramdam ko ang lungkot niya. Alam kong grabe siyang nasaktan sa pagkawala ni Maya. In a very short period of time, na-attached siya ng husto doon sa bata. In some ways I feel glad dahil nakita ko ang kabilang side ni Japoy. Alam ko naman na mabuti siyang tao eh. But he always hide his kindness behind his cold personality. Pero ngayon, inilabas niya yun. He even cried for Maya.
Yun lang, sana in some ways, makatulong ako na ma-ease ang pain na nararamdaman niya ngayon.
“Dionne”
Napalingon ako kay Japoy ng bigla niyang tawagin ang pangalan ko
“b-bakit?”
But instead na sumagot siya, nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
“J-japoy—“
“please let me hold your hand for a while” sabi niya saakin na halos pabulong na.
Hindi na ako umangal at hinayaan ko na lang na hawakan ni Japoy ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun but I felt na dapat munang hayaan ko siya. Baka sa paraan na ito, kahit papaano matulungan ko siya.
And weird, in some ways, parang na-comfort din ako.
Bago ilibing si Maya, hinayaan muna nila kaming tignan siya sa huling pagkakataon. Hindi ko maialis ang tingin ko doon sa mukha ng bata. Napaka peaceful nito. Para bang sinasabi niya na kahit na maikli lang ang naging buhay niya dito sa mundo, naging napakasaya niya.
Naramdaman kong napahigpit ang hawak ni Japoy sa kamay ko then I looked at him, nakatingin din siya sa mukha ni Maya.
“she’s safe now” bulong ko kay Japoy “she’s now in the place where pain cannot reach her”
Japoy nodded “I know. S-sana masaya din siya”
“of course she is! Alam ko masaya si Maya”
Isa isa naming binasbasan ng Holy Water ang coffin ni Maya then nag umpisa na silang ibaba ito sa hinukay nilang libingan. Habang ginagawa nila yun, nakita kong humahagulgol na ng iyak yung lola ni Maya habang yakap yakap naman siya ng iba pa niyang mga kamag anak. Nakita ko rin sa mga mukha nung mga batang nakasama ni Maya ang labis na pagkalungkot nila.
Kahit na grabe din akong nalulungkot sa nangyari, I manage to smile
“Maya, you are still blessed. Maikli man ang naging buhay mo dito, napapaligiran ka naman ng taong nagmamahal sayo” bulong ko sa sarili ko
Naalala ko yung libing ni mommy at daddy. Puro mga ka officemates lang nila at malalapit na kamaganak ang nakipag libing saamin nun. Same goes with my kuya. Puro mga classmates at malalapit na kaibigan lang din ni kuya ang pumunta sa lamay habang sa mismong libing naman, li-lima lang kami. Ako, si ninong Jin, si tita Chyna at dalawang best friend ni kuya. Malayo kami nun sa kamag anak namin kaya naman walang nag punta. Isa pa nung mga panahon nay un, puro pagtatrabaho ang inaatupag ni Kuya kaya naman wala din siya masyadong kaibigan.
Nakakalungkot ang mga pangyayaring yun. Sana, pag ako naman ang nawala, gusto ko mapapaligiran parin ako ng mga taong naging malapit saakin. Gusto ko madami ang magpapaalam saakin.
Nung matapos ng mailibing si Maya, nilapitan naming ni Japoy yung lola niya.
“Dionne, Jake, salamat ng madami sa mga nagawa niyo para sa apo ko ha? Kahit sa huling sandali, nakita ko kung gaano siya naging masaya”
Hinawakan ko yung kamay ni lola “wala po yun. Kulang pa nga po ang nagawa namin para kay Maya eh”
Matapos ng ilang paalaman, umalis narin kami ni Japoy.
“Japoy wala ka pa naman schedule for today. Pwede ka pang makapag rest. Gusto mo bang umuwi na tayo? Ipagluluto kita ng lunch!” sabi ko sa kanya habang nag da-drive siya
“heh! Manahimik ka! Stay away from my kitchen! Mamaya kung ano ang gawain mo dun!” =__=
“ang sama mo! hindi ko naman siya pasasabugin eh!”
“hindi nga pero papatayin mo naman ako sa lasa ng luto mo!!”
I pout. Lagi na lang nag rereklamo si Japoy sa luto ko. Alam ko namang di masarap pero dapat magpasalamat parin siya dahil may nagluluto para sa kanya!
“k-kain na lang t-tayo doon s-sa ihawan n-na pinagdalhan m-mo sakin dati”
“yung kila aling Aring?”
Japoy nodded.
Napangiti naman ako. Asus! Kaya naman pala ayaw na ipagluto ko siya kasi ang gusto niya doon kila Aling Aring! Nung una aayaw ayaw pa siya pero tignan mo, magugustuhan din naman pala niya mga pagkain doon!
“b-bat nangingiti ngiti ka diyan!” sigaw niya saakin
I faced him while smiling from ear to ear then umiling ako.
“ewan ko sayo!!” sigaw niya ulit at pinaharurot na niya ng takbo yung kotse.
[Maisie’s POV]
“Maisie! Why did you do that?! Bakit ka nagpatawag ng press con?!”
Nandito ako sa dressing room ngayon, preparing for my press con. Plano ko na sanang wag ipaalam kay Rui ito dahil alam kong pipigilan niya ako pero hindi ko alam kung sino ang nag inform sa kanya.
Dahil sa alam narin naman niya, hindi ko na lang siya pinansin and act like he’s not here.
“Maisie-chan!!” sigaw niya pero patuloy parin ako sa pagaayos ng damit sa dressing room.
Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko at hinatak niya ako paharap sa kanya
“Maisie!! Please naman wag mo kong pagmukaing tanga!”
Gulat na gulat ako ng makita ko ang expression ni Rui. Halatang galit na galit siya and ewan ko kung bakit, pero bigla akong kinabahan.
Kahit nung highschool pa lang kami, minsan ko lang makita na magalit si Rui. Masasabi kong he’s a very patient guy at hindi madaling magalit, pero once na magalit siya, it means that someone done something so upsetting to him.
Napalunok ako then inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko “we need to clear things up para matapos na tong issue na to”
“But Maisie pwede naman na manahimik na lang tayo eh! Mawawala rin naman ang issue na to! Makakalimutan din naman to ng mga tao! Please Maisie! We still have time. Cancel the press conference please?”
Umiling ako “you don’t understand Rui. Ayoko ng pagusapan ako! Kaliwa’t kanan, puro yang issue na lang na yan ang naririnig ko eh. Hindi ko na kaya! Gusto ko ng mawala ito! Alam ko na hindi to matatapos kung hindi ko ito lilinawin!”
“Anong lilinawin mo?! Itatanggi mo yung issue?! Sasabihin mo na mag bestfriend lang tayo ha?! Paano mo ipapaliwanag yung mga nasa pictures?! Maisie naman!”
Huminga ako ng malalim “p-pero t-totoo naman di ba? y-yun lang naman ang meron tayo di ba?”
“M-maisie—“
“Rui, tell me, ano ba talaga ako sayo?”
Iniwas niya ang tingin niya saakin “I’m sorry..”
“please answer me”
Lumapit saakin si Rui at hinawakan niya ang kamay ko “alam mo naman kung gaano ka kaimportante saakin di ba? Alam mo naman kung gaano kahalaga saakin ang friendship natin. P-pero sorry Maisie kung hanggang doon na lang ang pagmamahal na kaya kong ibigay sayo. I don’t want to hurt you anymore that’s why mas pinili kong manahimik na lang sa issue na to. You’re my bestfriend”
Napahinga ulit ako ng malalim. Oo aware naman ako sa status ko sa kanya eh. Matagal ko ng alam na hanggang ganun lang ang pagmamahal na kaya niyang ibigay. Pero bakit kada sasabihin niya yun sobrang sakit parin? Bakit kahit matagal ko ng alam ang bagay nay un, parang ang hirap hirap parin nitong tanggapin?
“s-sorry Maisie”
Umiling ako “no, you don’t need to say sorry. Alam ko naman yun eh matagal na. Aaminin ko masakit, pero Rui, ayoko na rin masaktan” tinitigan ko siya sa mata “can we start all over again?”
“w-what do you mean?”
“Gusto kong magsimula ulit, yung tulad ng dati, yung mga panahong mag best friend tayo. But before natin ayusin ang relationship natin, we need to settle this first. Rui, nag mo-move on na ako. At alam ko ang dapat kong simulan. Yun ay aminin sa sarili kong hanggang dito na lang talaga. Kaya naman naisip ko narin na i-clear na ang issue na to Rui. And I need your help.”
Nakita kong ngumiti si Rui “yes! I’ll help you of course!” nagulat ako ng bigla niya akong hilahin papalapit sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit “alam mo bang miss na miss na miss kita?”
Napapikit na lang din ako at niyakap ko siya ng mahigpit. I felt very comfortable around his arms. Kung pwede lang pahintuin ang oras ginawa ko na para habang buhay na lang akong nakayakap kay Rui eh.
Pero alam ko, sa panahong ito, dapat ko ng bitiwan ang nararamdaman ko sa kanya. Gusto ko na talagang magsimula.
Mananatili ako sa tabi ni Rui. . . . .pero bilang isang matalik na kaibigan na lang.
“miss na miss din kita” bulong ko sa kanya.
“okaeri, best friend…”
***
Mensahe ni Majinbu:
Ipagpaumanhin niyo po kung natagalan ang update. Nagtatrabaho na po kasi ako and ayun oonting oras na lang talaga ang kaya kong ilaan sa pag ttype ng update. Pasensya na po talaga kayo kung medyo matatagalan na mga updates ngayon.
Anyways, para po doon sa mga nakakaalam ng "working place" ko, uwaaaaaaa sana po wag kayong susugod doon without informing me. Wala kasi kaming fix schedule and baka mamaya pag punta niyo doon ay off ko di ba? And oo nga po pala, once na naka duty ako, I cannot entertain you.
Ayun salamat po ng madami sa pagbabasa ng aking author's note as well as sa pagaantay ng updates! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top