Chapter 15 *Blessing *

A/N:



Pasensya na po sa paghihintay ng update! Sorry po kung natagalan. Sadyang naging busy lang po talaga ako this week plus nagkasakit pa. Anyways dears, eversince chapter 1, i've been leaving a lot of clues kung paano mag eend tong Angel in diguise

R|E|A|D :)




***


Chapter 15

*Blessing *

[Jake’s POV]

What the *toot toot toot* is this?! This is *toot toot toot* annoying!!! Anak ng *toot toot toot* naman eh!!! Ako?! Pagsususotin nila ng *toot toot toot* na mascot na to?! In their *toot toot toot* dreams!!!

Kinuha ko yung ulo ni Barney na nakatingin saakin habang naka ngiti! Anak naman ng dinosaur oh!!!! Nasan na ba yung hinayupak na LBM boy na yun ha?! Siya dapat ang mascot hindi ako eh!!! Anak talaga ng dinosaur oh!!!

Pero ano akala nila magsusuot ako nito?! Ha never! Isa pa puro bata doon sa baba! Mga madudumi yun! Kadiri!

Kinuha ko yung gamit ko at nagpa-plano ng tumakas ng may marinig naman akong familiar na boses.

“kuya mascot, ok na po ba kayo?”

Bigla akong nataranta ng marinig ko ang boses ni Dionne at mga yabag na papalapit dito. Agad agad kong isinuot ang ulo ni Barney at sakto naman, biglang nagbukas ang pinto sa dressing room.

“wow si Barney!” sabi ni Dionne na manghang mangha “kuya barney bat di mo pa suot yung katawan mo? gusto mo tulungan kita?”

Umiling iling naman ako sa kanya. Anak ng pagong naman oh! Sa dinami-dami ng aakyat saakin bakit itong chimay pa na to?!?! Asar!!

“sige po iintayin na kita sa labas para sabay na tayo bumaba sa party!” masiglang sabi ni Dionne at lumabas na siya.

Anak ng pagong talaga!!! Bwiset!!! Bantay sarado pa ako dito ngayon!! Patay saakin yang si LBM boy pag nakita ko siya!!! Puputulin ko pwet niya ng di na siya mag-tae kahit kailan! At babaliin ko naman mga buto nung babakla baklang boyfriend ni Dionne!! >___<

Bago ko tuluyang isuot yung mascot, winisik wisikan ko muna ng alcohol ito. Mamaya puro germs to eh to think na si LBM boy pa nagmamayari nito! Anak ng pagong talaga naman ko!! Pakshet!! Kinikilabutan ako! Nakakadiri!!!! Bwiset!!! Bat ba ko nalagay sa sitwasyon na to?!?!?!?! BADTREEEEPPPPP!!!!!

Nung maisuot ko na yung linshak na mascot na to, lumabas na ako ng dressing room at nakita ko naman doon si Dionne na nag aantay.

“wow ang cute ni Barney!!” sabi niya habang ngiting ngiti.

Anak ng tinapa!!!! Ano ang cute dito?!?! Nakakadiri!!! Baklang bakla!! Bwiset!! Nakakayamot talaga!!

Nagulat naman ako ng bigla akong inamoy amoy ni Dionne “hmm? Bat ganun? Bat amoy alcohol ni Japoy?”

Natigilan ako bigla. Ay tokwa, sana naman hindi ako mahuli ng babaeng to! Pag kumalat talaga na nagsuot ako ng Barney costume sa media eh malamang katapusan na ng career ko!!

Tss, bat ko ba kasi sinundan pa tong babaeng to!!! Malas talaga si Dionne sa buhay ko!!! Sobrang malas! Malamang may balat siya sa pwet! I’m positive!

“uhmm Mr. Barney tara na?” sabi ni Dionne saakin.

Sinundan ko naman siya pumunta sa may function area at nakita ko na ang daming nagkalat na bata. Hindi sila mga normal na bata. Yung iba naka wheel chair, yung iba mga may bonnet sa ulo na obvious naman na wala ng natira ni isang buhok sa ulo nila. Lahat sila mapuputla, mapapayat at mga mukhang may sakit.

Titigan ko pa lang sila feeling ko magkakasakit na ko dito! Badtrip naman oh! Napasuot na ko ng mascot ,na-expose pa ko sa mga bacteria kids! Ang malas malas talaga ng araw ko ngayon!! >__<

“si kuya Barney!” sigaw nung isang bata saakin kaya naman lahat sila napatingin saakin at nagtakbuhan papalapit saakin yung mga bata. Yung iba niyakap ang binti ko, yung iba naman pilit na nagpapakalong sakin.

Kung wala lang sakit ang mga batang to eh pinagsisipa ko na tong mga to! Ang kukulit! =___=

“Ang cute cute ni Kuya Barney at magaling pa siya sumayaw!” sabi nung isang batang babae na nakalambitin sa braso ko

Leshe!!! Anong cute?! Pang aso lang yun no!!! At ako sumasayaw?!?! Sapak gusto niya?!

“eh! magaling din ba magkarate si kuya Barney parang ganito! Waaaah! Yapak! Wapak! Achu!!” sabi naman nung batang lalaki habang nagsusuntok at nag sisisipa sa ere.

Kung pitikin ko kaya noo ng batang to ng mata----“ARAY! ARAY! ARAAAAAY!!!”

Nagtatalon ako doon habang hawak hawak ko yung nasa ibabang parte ng katawan ko. Paano ba naman tong makulit na bata na ito ay sinuntok ang pinaka sesitibong parte ng lalaki! Bwiset! Naging scrambled egg pa ata to!! Nakakayamot na!!

No wonder I hate kids! >__<

“uy mga bata maupo muna kayo ha baka mamaya niyan maubos na lahat ng energy niyo at hindi na kayo makapag laro” sabi ni Dionne sa mga bacteria kids

“opo!” nagsibalikan naman sila sa kani-kanilang mga upuan habang ako eh na-iwang nakatayo doon habang hawak hawak yung ‘ano’ ko.

Napatitig saakin si Dionne tapos nagulat ako ng nginitian niya ako.

“ang cute mo talaga!” ^____^

After that, masayang masaya siyang bumalik doon kasama yung mga bata.

 ASAR!!! >___<

“Gusto niyo bang makitang magsayaw si Kuya Barney?” tanong ni lampayatot na baklang boyfriend ni Dionne sa mga bata

“opo!!” masiglang masiglang sigaw ng mga bata

“lakasan niyo naman ang sagot mga bata! Gusto niyo bang makitang magsayaw si Kuya Barney?”

 

“OPOOOO!”

 

 

“ayan! At dahil mukhang energetic kayo ngayon, bibigyan kayo ng isang dance number ni Kuya Barney!”

Isa pang salita ng baklitang to, pipilipitin ko na talaga ang leeg nito! Ang dance number?! Sapak gusto niya?!?! Never akong sasayaw sa harap ng mga yan no!! bwiset!!!

Tsaka nasaan na ba yang si LBM boy ha?!?! bat hindi pa lumalabas yan sa C.R?!?! Ang tagal tagal na niya sa loob ah!! badtrip talaga! Nakakayamot na to!!

“And now, Kuya Barney will do the chicken dance!”

HUH?

Napatingin ako sa kanila and they all have their eyes on me. Nilapitan naman ako ni Dionne at bigla akong hinila papalapit doon sa mga bata.

“tara na Kuya Barney! Don’t be shy!”

Ay anak ng tokwa--!!!

Dinala ako ni Dionne sa gitna at narinig kong nagsimula ng tumugtog yung chicken dance

 


“tenenenenenen tenenenenenenenen tenenen ten ten ten ten ten ten…”

 

At kesa mabuko pa ako na isa kong fake mascot, wala akong nagawa kundi magwawagayway doon na parang baliw na manok na barney na nakahithit ng shabu. Nakita ko naman na aliw na aliw yung mga bata at nagsitayuan sila at nakigaya saakin sa pagsasayaw.

Buti na lang nakangiti ang costume ni Barney, hindi nila nakikita ang nakabusangot kong mukha dito.

Ito na ata ang pinakamalas na araw ko. =__=

Natapos na din ang dance number ko at pinagpahinga na nila ako habang nagkakainan. Inalukan pa ko ng food pero syempre no hindi ko tinanggap! Bukod sa baka puro microbyo ang pagkain na yun, hindi ko magagawang tanggalin ang costume ko! Mahirap ng mabuko na ang isang Jake Marquez, sikat, gwapo, mayaman, malinis at mabango, ay ang taong nasa loob ng mascot ng baklang dinosaur na to. =__=

Tsk, nasaan na ba kasi si LBM boy?! =__=

After nilang mag kainan, bigayan na ng mga loot bags/give aways para doon sa bata. Pero bago silang bigyan, sasabihin muna nila kung ano yung mga dreams nila.

“gusto ko pong maging artista!” sabi nung batang lalaki na nakasuntok sa hotdog ko kanina.

Artista? Mag stuntman ka na lang o boxer mas bagay =__=

 

“gusto ko pong makita si Jake Marquez at pag tanda ko papakasalan ko siya!” sabi naman nung isang batang babae na kalbo.

No thanks. Takot ko lang mahawahan ng virus mo tsaka mas trip ko ang may buhok =__=

Matapos nung bigayan ng give aways, isang kanta na lang ng famous Barney song at nagpa sway-sway lang ako, natapos narin sa wakas ang party.

Agad agad naman akong umalis sa party area dahil gustong gusto ko ng hubarin ang nakakadiring costume na ito at ng makaalis na ako at makauwi, makaligo at makakain!

Puro kamalasan lang ang nahita ko sa pag stalk sa chimay na yun! Nakakabadtrip talaga! Sa susunod nga hahayaan ko na siyang makipag date  kung kani-kanino! Kung puro ganito lang naman pupuntahan niya eh wala akong interes na sundan siya!

Bat ba ang hilig pumunta ng babaeng to sa mga puro virus na lugar? =__=

Naglakad na ako papunta sa may dressing room pero bago pa ako pumasok, bigla na lang akong natisod sa isang sirang tiles na hindi ko na pansin kaya naman bigla na lang akong napasubsob at tumalsik pa yung ulo ni Barney sa ulo ko.

“Mr. Barney! Ok ka lang ba!!”

 

Nakarinig ako ng mga hakbang na papalapit saakin and the next thing I knew, ka-face to face ko na si Dionne.

 

“J-j-j-japoy?!?!” O____O

Kill me now please >__<

 

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! WAHAHAHAHAHAHAHAHA! BWAHAHAHAHAHAHHAA!! NYAHAHAHAHAHAHAHAHA!”

 

 

“SHUT UP!!” =__=

Nandito na kami ngayon ni Dionne sa kotse ko at hanggang ngayon eh tawang tawa parin siya ng malaman niyang ako si Barney. Bat ba sunod sunod ang kamalasan ko ngayon ha?! =__=

“eh kasi naman Japoy hindi ko naman expected na ikaw yung mascot namin eh! hahahahaha!” siniko siko ako ni chimay “pero uy ikaw ha! sabi ko na eh may ginintuang puso ka talaga at nakipag substitute ka doon sa dapat na magsusuot ng mascot!”

“huh?”

 

“nagtext siya saakin kanina na masama pakiramdam niya. Akala ko nga wala ng mag ma-mascot eh! buti pumayag ka na sub! And dami mong napasayang mga bata!”

 

“hmpf! Mahal talent fee ko!”

“eeehh wag ka na magpabayad Japoy! Alam mo ba yung mga bata kanina, mga may cancer sila. Isipin mo na lang, nakatulong ka sa kanila”

Napalingon ako bigla kay Dionne “mga may cancer? Eh hindi naman mga mukhang may cancer yung mga yun eh! Ang sigla sigla!” yung isa nga nasuntok pa ang hotdog ko! Masakit yun ah! tagos na tagos ang suntok eh kahit naka mascot ako. =__=

Biglang ngumiti si Dionne saakin “dahil sayo Japoy. Alam mo ba yung ilan sa mga batang yun ay bilang na lang ang mga oras sa mundo? Kaya naman, kahit ganoon, pinipilit nilang maging masaya. Kanina kitang kita ko ang saya sa mga mata nila at parang nakaramdam narin ako ng sobrang saya nung makita ko silang ganoon. Alam ko na sa murang edad nila, napakalungkot na nagkaroon sila nang ganitong karamdaman. Pero kahit ganoon, malalakas ang loob ng mga batang yun para araw araw na bumangon at harapin ang panibagong araw habang nakikipaglaban sila sa sakit”

Bigla akong napaiwas ng tingin kay Dionne. Naalala ko na naman yung kinuwento saakin ni Tito tungkol sa nakaraan niya. Wala man sakit si Dionne, meron din siyang araw araw na nilalabanan kada gigising siya. At yun ay ang kalungkutan.

“b-bakit ganoon? Bakit pa nila nagagawang ngumiti?”

 

“Dahil sa kanya” tinuro ni Dionne ang langit “dahil hindi sila pinapabayaan ni God. Malapit sa Diyos yung mga batang yun kaya naman palagi silang binibigyan ni God ng blessing”

Blessing?

“tama. Pinagpapaala nga naman talaga ng Diyos ang mga taong malalapit sa kanya. Hindi tulad ko…”

Hindi katulad ko na makasalanan.

Bata pa lang ako hindi na ko malapit sa Diyos. Going to the mass bored me to death. Tamad na tamad din akong magdasal. Kaya siguro walang ka blessing blessing na dumating sa buhay ko.

Iniwan kami ng tatay ko, nag-asawa ulit ang nanay ko. Isa akong myembro ng broken family at ngayon mag-isa na ko sa buhay. Hindi na ko dumidepende sa ibang tao.

I’m all alone.

Kasi hindi ako malapit sa diyos. Pinagpapala niya ang malalapit sa kanya, pinaparusahan niya ang hindi. Buhay pa ko pero sinusunog na ang kaluluwa ko sa impyerno.

“Hindi totoo yan!!” bigla akong napalingon kay Dionne ng sumigaw siya “hindi totoo yan Japoy! Anong tawag mo diyan sa career mo? Mayaman ka, gwapo at sikat! Hindi ba blessing yun?”

“nakuha ko yun dahil sa talent ko”

 

“talent na binigay ni God sayo! Japoy, mahal niya tayo. Kahit gaano pa kasama ang isang tao, hindi niya to pinapabayaan! Alam mo sa totoo lang, maswerte ka pa nga sa mga batang yun eh. Merong kang magandang buhay at malusog na pangangatawan samantalang sila…” she trailed off then she looked down na akala mo ay iiyak na siya “alam mo ba yung bata kanina na nagsabi na gusto ka niyang makita kanina? Siya si Maya. She has a leukemia at sabi ng doctor..” huminga ng malalim si Dionne “sabi nung doctor onti na lang ang oras na natitira sa kanya..”

Bigla akong natigilan sa mga sinabi ni Dionne. Naalala ko yung mga mukha nung mga bata kanina sa party. Oo masaya sila pero hindi ko masyadong napansin yun dahil sa sobrang pagka yamot ko.

Blessing?

Naalala ko yung milyong milyong tao na sumusuporta saakin. Yung mga sunod sunod na project na dumadating. Si Dionne…

“gusto ko pong makita si Jake Marquez at pag tanda ko papakasalan ko siya!”

 

 

I felt a stab of pain in my chest. Napakamot naman ako bigla sa ulo ko.

Bakit ba ako grabe maimpluwensyahan sa mga sinasabi ni Dionne! Hay nakakayamot!

“Chimay!” kumuha ako ng pera sa bulsa ko at inabot ko sa kanya “may kailangan pa pala kong puntahan. Mauna ka na umuwi.”

“h-huh? Pero bakit? Saan?”

 

“basta wag ka na matanong! Mag commute ka na muna!”

 

“s-sige! Ingat ka Japoy!”

Pagkababang pagkababa niya sa kotse ko, bigla ko na lang ito pinaharurot ng takbo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #life#love