Chapter 12 *The Manager*


Happy Holy Week everyone. Tayo ay magnilay-nilay sa lahat ng ating mga kasalanan at magpasalamat kay God sa lahat ng blessings na binigay niya saatin :)

***




Chapter 12

*The Manager*

 

[Jake’s POV]

Saang lupalop ng mundo ba nag suot ang chimay na yun?! Nak ng tokwa naman eh!! kailangan ko na yung alcohol ko!! Paano ba naman hinawakan ako nung baklang make-up artist ni Venus! Brrr hanggang ngayon ramdam na ramdam ko ang pangingilabot ng katawan ko!

Pero saan na ba nagsususuot yung chimay na yun?! Tss wag niyang sabihing hanggang ngayon eh kilig na kilig siya sa pinag gagagawa ko?! sus! pakiligin ko siya diyan everyday eh! >:))

Nakita ko naman si Dionne na nakaupo sa sofa sa lobby ng hotel. Aba yung chimay ko ang galing! Paupo-upo na lang! ni hindi manlang naisipang pagsilbihan ang amo niya!

Nilapitan ko siya “Hoy! Kanina pa kita hinahanap!!”

 

“Ah J-japoy kaw pala”

Tinignan ko siya. Sus nag i-stammer parin siya hanggang ngayon? Malamang kinikilig pa to.

“alcohol ko asan?!”

Kinuha niya sa bag niya yung alcohol at inabot saakin ng hindi umiimik. Hmm, ganyan ba kagrabe ang epekto ko sa kanya?

“huy” kalabit ko kay Dionne “tahimik ka diyan?” nginitian ko siya ng nakakaloko “wag mo sabihing kinikilig ka parin dahil saakin?”

Nagulat naman ako when she look at me with confusion “kinikilig? Errr tinataasan ka ba ng balahibo pag kinikilig ka?” she ask me innocently

“ha?!”

 

“kasi kanina tinaaasan ako ng balahibo! Akala ko kinikilabutan ako” ^__^

Tinignan ko siya ng masama “ibig mo sabihin kinilabutan ka ng dahil saakin?!?!?!” madiin kong tanong sa kanya

“eh hehehe hehehehe”

 

“HEH! WAG MO KONG TAWANAN! HINDI KITA SUSWELDUHAN NG ISANG BUWAN!!” after kong sabihin yun, tinalikuran ko na siya habang dinig ko ang mga pigil niyang tawa.

Buwiset!!! Kinilabutan daw! Sa gwapo kong to kikilabutan siya?! hmpf! =__=

Maya-maya lang, pinatawag na kami para masimulan na yung meet-and-greet sa amin ng mga fans. Bawat isa sa mga lead cast ay may isang fan na i-ddate. Kakain lang naman kami ng lunch dito sa hotel habang nakikipag kwentuhan. Parang “get-to-know-each-other” ang dating. At syempre, habang ginagawa namin yun ay kinukuhanan kami ng pictures para sa magazine kung saan ilalabas itong meet-and-greet na to. After nun magkakaroon din ng onting interview. All in all, halos buong araw kaming magkasama ni fan.

Tsk, sana naman yung fan na immeet ko eh yung naliligo, mabango, maganda at sexy para naman ganahan ako dito! Pag dugyutin yun, mabaho at panget ay ewan ko na lang. Baka maging sanhi ng kamatayan ko ang meet-and-greet na to.

“Japoy” naramdaman kong kinalabit ako ni Dionne “bat nakasimangot ka?”

Tinignan ko siya “malamang kasi hindi ako nakangiti!” =__=

“hindi ka ba masaya na may ma-mi-meet kang taga hanga mo?”

 

“mukha bang masaya ang mukhang to ha?!” sabi ko habang tinuturo-turo ko ang mukha ko

“bakit di ka masaya?”

 

“bakit ba ang dami mong tanong?!” tsk asar eh! Ang kulet-kulet!! Tanong ng tanong! Dada ng dada! Pinaglihi ba to sa pwet ng manok?! =__=

Maya-maya lang, dumating na yung organizer ng event na to kasama yung mga fans namin at isang make-up artist ata na bakla para ipakilala saamin. Nakita kong may babaeng lumapit kay Rui at nakipag kamay dito samantalang kay Venus naman ay isang lalaki. Ok? Wala akong fan? Ayos lang. Mas preferred ko yun! Atleast di ko na kailangan mag-alala sa health ko!

Kaso nagitla ako ng lumapit yung organizer saakin kasama yung make-up artist

“Jake this is your fan. Be nice to him ok?”

 

“t-teka! Hindi ba make-up artist yan?!” O___O

 

“ano kabalalu Papa Jake! Hindi no! isa akey dyosang bumaba galing sa Mt. Olympus para ma-meet ka! Anyways France is the name! France Kagandahan!” sabi nung bakla sabay lahad ng kamay niya na parang gustong makipag shake hands.

“o siya maiwan ko muna kayo diyan” sabi nung organizer sabay talikod saakin

Anak ng tokwa! Sino ba ang may balat sa pwet dito! Mukhang nahawahan ako ng kamalasan ng taong yun! Pag nalaman ko kung sino ang may balat sa pwet dito ipapalapa ko siya ng buhay sa leon!! =__=

“Papa Jake the you is making shaking handness na to meow! Ako is nangangawit na!”

Tinignan ko yung kamay niya ng diring diri “naghugas ka ba ng kamay?”

“ay oo naman! Pak na pak! Naligo pa nga ako eh! I’m so mabango! Amuyin mo ako oh!” biglang dumamba saakin yung baklang shokoy at ipinagduldulan niya ang dibdib niya sa ilong ko

“hoy lumayo ka sakin!!! Layo!! Layo!!!!” sabi ko habang tinutulak tulak ko siya “Dionne paalisin mo siya! paalisin mo siya!!”

 

“hehe ano ka ba Japoy! Enjoy ka lang diyan ha? balik muna ko sa dressing room” pagkasabi niya nun ay bigla na lang siyang tumayo at iniwan ako

“huy wag mo kong iwan!!” sigaw ko sa kanya kaso ang pasaway na chimay inisnob lang ako!! =__=

“ano ba papa Jake! Kailangan nating mag bonding bonding kaya lumayaslalu siya! ay wait! Hindi pa kita na beso beso! Mwah mwah mwah!” sabi nung baklang shokoy habang pinaghahalikan ang magkabilang pisngi ko

Itinulak ko siya “anak ng tokwa! Wag mo kong gagahasain dito kung ayaw mong mabulok sa bilangguan!!!” pagbabanta ko sa kanya

“asus di naman kita hahalayin Papa Jake! Gusto ko lang makipag bonding sayo!” sabi niya sabay yakap ulit sakin “fan na fan mo talaga ko papa! Kyaaaaaaaaaaaaaa! Nayayakap ko na idol ko na crush ko! kyaaaaaaaaa! Me is kinikilig!”

Oh God. Ganito na ba talaga akong makasalanan para parusahan niyo ko ng ganito?! T____T

[Dionne’s POV]

“Ayoko! Ayoko! Ayoko! Hindi niyo ba naiintindihan ha?! ayoko na ituloy yang nak ng tokwang meet and greet na yan!!”

“p-pero Sir Jake!”

 

“sige pilitin mo ko kung gusto mong maka meet and greet si satanas ng maaga!!”

 

“h-hindi po!” sabi nung isang staff at nagtatakbo siyang palabas ng dressing room.

Hay, kanina pa nagmamatigas si Japoy. After kasi i-introduce sa kanya yung fan niya, bumalik siya dito ng puno ng kiss mark ang leeg at pisngi niya tapos hiningi niya saakin yung alcohol at pinagpupunasan nito ang katawan niya. Kung anong nangyari, wala akong idea.

“Japoy, tingin ko dapat mo na lumabas. Kawawa naman yung mga staffs pati yung fan mo. Mukhang kanina ka pa inaantay” malumanay kong sabi sa kanya

“heh! Tumigil ka! Ayoko ng makita yung baklang yun! Kinikilabutan ako! Kita mo itsura ko kanina ha?! grabe niya ko pinaghahalikan! Pinagsamantalahan niya ang pagkalalaki ko! ayoko ng makita yun baka mapaslang ko lang siya!!” >____<

 

“hehehe to naman. Malay mo ganun lang niya talaga ipakita ang sobra niyang pag hanga at pagmamahal sayo”

Tinignan ako ni Japoy ng may napaka cute na panda eyes “HINDI. KO. KAILANGAN. NG. PAGMAMAHAL. NIYA!!!” he told me in gritted teeth “ibili mo na nga lang ako ng panibagong alcohol! May convenience store sa tapat nito! Bilisan mo ha!” inabutan niya ako ng pera at lumabas na ako ng dressing room para bumili ng alcohol niya.

Hay kung minsan talaga si Japoy parang batang nag ta-tantrum. But oh well, I still find him very adorable. ^____^

Naglakad na ko palabas ng hotel ng bigla ko naman makasalubong si Venus kaya napahinto ako.


Naalala ko lahat ng nakita ko kanina.

 

Hindi ko masyadong maitindihan ang mga nangyari pero kitang kita ko kung paano siya pinagsasampal ng mama niya. Nakita ko kung paano siya pinagsasabunutan nito at kung paano umiyak si Venus at mag makaawa sa mama niya. Para atang may pinapagawa ang mama ni Venus sa kanya na hindi magawa ng maayos ni Venus. Kung ano yun, wala akong idea.

Naalala ko si mama. Minsan narin niya akong napag buhatan ng kamay pero isang palo lang yun at hindi na niya inulit. After niya akong pinalo, pinaliwanag niya saakin kung bakit niya nagawa yun pati narin ang maling nagawa ko. After nun, nag sorry ako kay mama at nag sorry rin naman siya saakin atsaka niya ako niyakap ng mahigpit at sinabing mahal na mahal niya ako.

Pero iba ang kay Venus. Kahit anong paghingi ng tawad ni Venus hindi siya pinakikinggan ng mama niya. At ng matapos niya tong pagbuhatan ng kamay, pinagbantaan lang niya si Venus na ayusin ang ginagawa nito atsaka siya iniwan nito.

Bigla akong tinamaan ng konsensya kasi hindi ko manlang pinigilan ang mama ni Venus. Alam kong ayaw niya saakin pero kahit na, parang mali parin na hindi siya tulungan.

Huminga ako ng malalim at lakas loob kong nilapitan si Venus.

“uhmm V-venus..”

Lumingon siya saakin at nakita ko namang kumunot ang noo niya “what do you want?!?!”

“uhmm nalaglag mo yung panyo mo” sabi ko sa kanya sabay abot ng panyo

Agad agad niya itong kinuha sa kamay ko “sige makakaalis ka na”

 

“ah, ano Venus—“

“ano?!”

 

“uhmm o-ok ka lang ba?”

 

“ano ba pinagsasasabi mo ha?! pwede ba umalis ka nga sa harapan ko! naalibadbaran ako sa itsura mo! you’re an eyesore!!” sabi niya sabay tulak saakin palayo sa kanya. After that, tinalikuran narin niya ako at naglakad palayo.

Napa buntong hininga ako. Siguro kaya ganyan makitungo si Venus ay dahil sa mama niya. Inaamin ko dati medyo nainis ako sa kanya pero ngayon wala akong nararamdaman na iba sa kanya kundi awa.

Lumabas na ako ng hotel at bumili ng alcohol ni Japoy. Bumili narin ako ng ilang inumin dahil baka nauuhaw na yun. Kawawa naman.

Pag balik ko ng hotel, nadatnan ko naman si Rui na nakaupo sa lobby habang nakapangalumbaba. Actually kanina ko pa napapansin si Rui na walang imik. Nung makita niya kami, nag hi lang siya pagkatapos nun ay di na siya ulit nagsalita. Parang kakaiba ata ang kinikilos niya ngayon.

Nilapitan ko siya at naupo ako sa tabi niya.

“hello”

 

“oh, Dionne-chan”

 

Kumuha ako ng isang juice na binili ko at inabot ko sa kanya “inom ka muna, baka nauuhaw ka na”

He smile then kinuha niya yung juice saakin “arigato”

“huh?”

 

“it means thank you”

 

“oh I see. Uy kamusta yung fan mo?”

 

“ok naman siya. Nakakatuwa kakwentuhan”

 

“ah hehe naku si Japoy kasi mukhang hindi nakasundo yung fan niya”

Rui just smile then tumingin siya sa malayo na para bang ang lalim ng iniisip niya. Ramdam na ramdam ko na parang may gumugulo sa isip niya ngayon. In some ways, bigla naman ako nag alala sa kanya. Siguro dahil nasanay lang din ako na makulit siya at masiyahin na para bang walang dinadalang problema.

“uhmm Rui, ayos ka lang ba? May problema ka ba?”

 

Bigla naman napatingin si Rui saakin at parang nagulat siya sa sinabi ko “Dionne-chan, n-nag-aalala ka ba saakin?”

 


“h-ha? ah oo naman”

This time ako naman nagulat ng biglang mapalitan ng ngiti ang kanina niyang malungkot na mukha “you know what? Your concern made me the happiest. It is somehow cheered me up"

“h-ha? bakit naman?”

Biglang tumayo si Rui at nag unat! “yosh! Bigla akong ginanahan ah! thank you Dionne-chan”

 

 

“p-para saan?”

Umiling lang Rui at nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko “ano ne Dionne-chan, hountoni daisuki”

 

“h-ha?”


 

Ginulo ni Rui ang buhok ko “you’ll understand that soon. Let’s go?”

 

“ah o-ok” tumayo narin ako tapos naglakad na kami ni Rui pabalik sa dressing room

Anong meron kay Rui? Naguluhan ako doon ah.

Tinignan ko siya at nakita kong ngiting ngiti siya.


But well, at least he cheered up.

 

“NASAAN SI JAKE?!”

 

Halos mapatalon kami ni Rui ng biglang may marinig kaming sigaw mula sa likod namin. Pareho kaming napatingin at nakita ko na may isang maganda, matangkad, at mukhang anghel na babae ang nakasunod saamin.

“Rhian-san?!” sabi ni Rui sa kanya

“Yo Rui! Nakita mo ba ang alaga ko?”

 

“a-ah nasa dressing room niya” sagot niya dito

“hay yung batang talaga na yun” sabi nung magandang babae sabay naglakad siya papunta

“Ah Rui sino yun?”

 

“siya yung manager ni Jake nii-chan!!”

 

“manager?”

 

“oo! Naku po patay si Jake-nii chan ngayon!”

Sumunod kami ni Rui doon sa babae na manager ni Japoy at pareho naman kaming nagulantang ng ibalabag nito ang pinto  sa dressing room ni Japoy.

“M-manager Rhian?!?!” O__________O

 


“Hey Jake, do you miss me?” ^___^

 

“m-m-m-manager akala ko 1 month kang mawawala?!” gulat na gulat na sabi ni Japoy at kitang kita ko ang takot sa mukha niya.

“hindi ko pala kayang pabayaan ang alaga ko dito eh” lumapit yung magandang babae kay Japoy atsaka niya ipinatong ang magkabila niyang kamay sa mga braso nito “pagkadating ko dito nagsumbong agad yung organizer na ayaw mo daw makipag meet and greet sa fan mo? ^__^” sabi niya habang naka ngiti kay Japoy.

She looks nice pero bat parang natatakot si Japoy sa kanya?

“h-ha?! a-ano kasi eh—“

Nag pout naman si Ms. Maganda “hmm I told you to be a good boy”

“p-pero kasi eh--!!”

 

At yung sunod na nangyari ang hindi ko inaasahan. Bigla na lang piningot nung magandang babae si Japoy at hinila ito patayo

“aray, aray aray!!! THAT HURTS!” T________T

Hinila niya it habang pingot pingot parin atsaka kinaladkad palabas ng dressing room

“now Jake, be a good boy at sundin mo ang sinasabi ng organizer ^___^” sabi nung magandang babae habang ngiting ngiti parin. Dumaan sila sa harap namin then she gave me a wink.

“that’s Ms. Rhian, Jake’s manager. Siya lang ang kaisa-isang taong nakakapagpasunod kay Jake-nii chan” bulong saakin ni Rui

I  just nod habang pinapanuod ko kung paano pingutin ni Ms. Rhian si Japoy.

Isa lang ang masasabi ko.




She’s cool.  O___O



***



A/N: For France's participation. He's one of my characters in "Break the Cassanova's Heart Operation" ... Hehehe kung sino hindi pa po nakakabasa, read niyo ah?


sabay promote? XD




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #life#love