Chapter 1 *First meeting*
Chapter 1
*First meeting*
[Dionne’s POV]
“I’m very very very sorry Dionne, but Dylan is…” he trailed off then tinalikuran niya ako as he removed his eyeglasses and wipe his eye.
Huminga ako ng malalim then hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya
“Dr. Jin thank you po sa lahat ng ginawa niyo sa pamilya namin. Kahit wala na sina Mama at Papa di niyo kami pinabayaan ni Kuya Dylan. Inalagaan niyo kami na parang tunay na anak” I bowed my head “salamat po talaga ng madaming madami. You lessen the burden of my brother, salamat po”
“Dionne” niyakap ako ni Dr. Jin. He’s our family doctor and malapit na kaibigan ng mga magulang ko. Simula bata pa lang kami, inaalagaan na niya kami at nung mamatay naman ang mga magulang ko, siya ang laging tumutulong saamin ng kuya ko.
I tap his back “pwede ko na po ba makausap si Kuya?”
He released me from his hug then I gave him another smile at pumasok na ako doon sa loob ng kwarto.
Pinagmasdan ko ang katawan ng kuya kong kasalukuyan ng nakabalot sa kumot. Naupo ako doon sa gilid ng kama ni Kuya at hinawakan ko ang malamig nitong kamay
“kuya Dylan, kasama mo na siguro sila Mama at Papa diyan no? Sigurado akong maganda diyan sa lugar na pinuntahan mo ngayon. Hindi ka na masusundan diyan ng kahit anong sakit at paghihirap kaya kuya, wag mong isipin na nagtatampo ako sayo dahil iniwan mo ko. Sabi ko naman sayo eh kakayanin ko to. Ako pa, si Dionne Sy, ang nagiisang magandang kapatid ni Dylan Sy. Kahit ano ang ibato saakin, makakayanan ko. Kaya kuya wag mo na ko intindihin ha? Paki sabi na lang kina Mama at Papa na miss na miss ko na sila at mahal na mahal ko sila. Ikaw din kuya, mahal na mahal na mahal kita. Alam ko magkakasama din tayong apat sa tamang oras” may tumulong luha sa mata ko na agad ko namang pinunasan. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at hinalikan ang noon ni Kuya Dylan “bye bye Kuya Dylan. You’re with God now. I know he will protect you from pain and suffering. Hindi ka na mahihirapan kuya, masaya ako” may tumulo ulit na luha sa mata ko.
Kinuha ko isa isa ang mga gamit namin ni Kuya sa loob nitong kwarto kung saan siya na-confine… at kung saan siya binawian ng buhay. I gave the room one last look then I smile
“I’ll miss you Kuya”
After that, tuluyan na akong lumabas ng room at sinalubong naman ako ni Dr. Jin
“Dr. Jin, ok na po ako, pwede na po natin ipaayos si kuya, pero po may pupuntahan lang ako saglit ah? Kakausapin ko lang po yung kaibigan ko”
Dr Jin tapped my shoulder “go ahead. Ako na bahala sa Kuya mo. Mag pahinga ka na lang din muna”
“thank you po Dr. Jin”
“oh by the way Dionne alam kong kailangan mo ng trabaho. My nephew needed someone to assist him, ok lang ba sayo kung—“
Pinutol ko agad ang sasabihin ni Dr. Jin instead niyakap ko siya “thank you po! Kahit anong trabaho pa yan ok lang saakin! Kahit taxi driver o construction worker basta hindi illegal tatanggapin ko po yan!”
Medyo natawa naman si Dr Jin sa sinabi ko “but you better take good care of your health young lady”
I smile “I will”
“and oh” lumapit si Dr. Jin then he tapped my shoulder “be strong Dionne”
I gave him again a smile then naglakad na ako papunta sa lugar kung saan hinihintay ako ng kaibigan ko na madalas kong sabihan ng lahat-lahat ng saloobin ko----sa chapel. Pero bago ako makarating doon, napadaan ako sa Emergency Room kung saan nakapalibot ang isang pamilya doon sa doctor. Lahat sila parang takot na takot doon sa sasabihin ng doctor.
“I’m sorry po, but she only got limited time to live. Yung machine na lang ang bumubuhay sa kanya and once we cut the machine, she’ll die.”
That’s what the doctor said. After niyang sabihin yun, I heard their protests. Ayaw nilang maniwala sa sinasabi ng doctor. Umiiyak sila at nagsisisigaw na parang may magagawa pa sila sa nangyari. Na any minute sasabihin na nung doctor na “joke lang” lahat ng sinabi niya at nang go-good time lang siya.
But I knew better. This scene happened to me twice already. One thing I've learned: kahit anong iyak ang gawin ko, hindi ko na maibabalik pa ang mga taong nawala na saakin kaya dapat habang nandiyan sila, walang araw kang palalagpasin para iparamdam sa kanila kung gaano mo sila kamahal.
Dalawang beses na kong nagsisi, and for the third time, ayoko ng maramdaman ulit ang ganung sakit na iwan ng isang taong mahalaga saakin kaya sinigurado kong magiging maluwag na saakin nung nagpaalam ako kay Kuya. Expected kong dadating ang araw na iiwan niya na rin ako at ginawa ko ang lahat para sa mga huling sandal na magkasama kami, mapasaya ko siya. Pero kahit ganun ang nangyari, di ako nawalan ng pagasa na mabubuhay si kuya. I do believe in miracles. And miracle happened to him but not the way I expected it to be.
Maglalakad na sana ako palayo ng marinig ko ang isang sigaw nung lalaki na kasama nila.
“anong kailangan ni Nami para mabuhay? Sabihin mo sakin!!!! Kailangan ba ng pera?! Handa ako magbayad kahit magkano!! Maraming nawalang dugo sa kanya?!” inilahad nung lalaki ang braso niya at ipinakita doon sa doctor “kunin niyo na ang dugo ko! Kahit lahat ng dugo ko, ibigay niyo sa kanya! Kung kinakailangan pati buhay ko kunin niyo na, idugtong niyo to sa buhay ni Nami! Wag na wag mo lang sasabihin na walang pag asa! Gagawin ko ang lahat mabuhay lang siya!” hinawakan niya ang kwelyo ng damit nung doctor “nakikiusap ako iligtas niyo siya! Hindi siya pwedeng mamatay! Wag niyo siyang hayaan mamatay!”
Huminga ako ng malalim dahil parang naramdaman ko ang sakit na nararamdaman ng lalaking ito. Napahawak ako bigla sa dibdib ko na parang pakiramdam ko eh maninikip na naman. Agad akong lumayo doon at dumiretso na sa chapel. Pagkaupong pagkaupo ko, napahagulgol na ko ng iyak habang nakatingin doon sa best friend ko… si God.
Dapat nagagalit na ko sa kanya ngayon di ba? Kinuha niya na ang papa ko at mama ko. Si kuya na lang ang meron ako pero pati siya kinuha niya saakin. Akala ko di na ako ganoong nasasaktan nung iwan na ko ni kuya pero nung makita ko yung lalaki, parang naramdaman ko lahat ng sakit.
Gusto kong sumigaw at magalit sa Kanya. Pero hindi ko magawa dahil sa dinami-dami ng sakit na naranasan ko, hindi niya ako pinabayaan. Sa kabila ng mga kamalasang nangyari sa buhay ko, may mga tao parin siyang ipinadala para tulungan ako.
Matapos humupa ang pagiyak ko, lumuhod ako at nagdasal.
God nandito na naman ako sa inyo pero this time para magpasalamat. Salamat dahil hindi na nahihirapan si Kuya ngayon sa sakit niya. Masakit po na iniwan na nila akong mag isa dito pero—
“bakit niyo siya kukunin saakin agad? Hindi pa ba sapat na inilayo niyo ko sa mama ko ng matagal na panahon? Hindi ba ko pwedeng maging masaya?”
Pero alam kong mas mabuti narin po ito. Katulad po ng ipinagdadasal ko sa inyo dati--
“ Bakit siya pa? Bakit yung babaeng mahal ko pa? pwede bang ako na lang ang kunin niyo?”
Katulad po ng ipinagdadasal ko sa inyo dati, ikaw na po bahala kung pagagalingin niyo si kuya or kukunin niyo siya saakin. Ang gusto ko lang eh hindi na siya mahirapan. Katulad din po ng sinabi ko, tatanggapin ko kung ano man ang mangyayari kasi alam kong ayun ang ikabubuti namin. God salamat po at--
“Di ko kasi kakayanin na mawala siya saakin eh. Bakit di niyo man lang hinayaan na magkasama kami? Bakit?!”
Uhh God wait lang po ha? May papatahanin lang ako saglit. Ang ingay po talaga niya di ako makapag concentrate sa pagdadasal eh. Tsaka po tingin ko mas kailangan niya kayo ngayon.
Tumayo ako at lumapit doon sa lalaki na iyak parin ng iyak. Siya din yung lalaking nagwawala kanina sa E.R
“bakit mawawala na siya? Bakit..”
“patay na ba siya?” tanong ko doon sa lalaki
Napatingin siya saakin at mukhang nagulat sa biglaan kong pagsulpot. I gave him a smile
“e-eh?”
“sabi ko kung patay na ba yung iniiyakan mo?”
“h-ha?”
“nakita ko kayo kanina sa ER at narinig ko yung sinabi ng doctor. Di pa naman siya patay eh, sabi niya lang once na hinugot ang life machine sa katawan niya tsaka siya mawawala” binigyan ko ulit siya ng isang ngiti at naupo sa tabi niya
“sino ka ba?! At ano bang alam mo ha?! Sabi ng doctor wala ng pag asa. Makina na lang ang bumubuhay sa kanya!! Ano pa ang pinagkaiba nun?! Tatanggalin at tatanggalin din nila ang makinang yun sa katawan niya! Wag mo kong kausapin dahil wala kang alam! Hindi mo ko kilala! Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko!” galit nagalit niyang sabi.
And again, I gave him another smile then I sigh
“9 years old ako nung pinasok ng magnanakaw ang bahay namin”
“ha?”
“nasa probinsya nun ang mama ko at ang kuya ko naman ay nasa camping kaya kami lang ng papa ko ang naiwan sa bahay. Nung pinasok kami ng magnanakaw, sinubukan ni papa na labanan ito kaso masyado silang malakas kaya napatay nila si Papa”
“t-teka bat mo kinukwento to?”
Hindi ko sinagot ang tanong niya instead nagpatuloy ako sa pagkukwento
“after 5 years, namatay naman si mama dahil sa isang sakit. Simula nun si Kuya na ang nagalaga sakin”
“Wait I don’t under---“
“kaso na hospitalized naman si kuya with the same disease as my mom. My brother died” I heaved a sigh “30 minutes ago”
Mukhang natigilan siya sa sinabi ko
“oh.. c-condolence”
Binigyan ko ulit siya ng isang ngiti “pero sa kanilang tatlo, hindi ako nawalan ng pagasa na mabubuhay sila hanggang sa huling hininga nila sa mundo. Death is really painful specially kung ang nawala ay yung taong mahalaga sayo. But do you believe in miracle?”
“h-ha?”
“Miracles are true as long as you believe in them. Wag mong iyakan at isuko ang taong lumalaban pa para makasama ka” tumayo ako at inilabas ang panyo na bigay ni mama saakin. Ang panyong ito ang lagi kong hawak hawak kada umiiyak ako at nasasaktan kasi para narin si mama ang nagpupunas sa luha ko tuwing ginagamit ko to. Inabot ko to doon sa lalaki “gawa ni mama yan, pero di ko na to kailangan ngayon. Meron ng taong mas nangangailangan nito. Ingatan mo yan ah at pag di mo na kailangan, ibigay mo to sa taong nangangailangan” I gave him one last smile then lumabas na ako sa chapel.
Sana napalakas ko ang loob nung lalaking yun.
Nagpunta ako sa may garden ng hospital at naupo doon sa ilalim ng puno na favorite place ni kuya nung mga panahong nandito pa siya. Madalas siyang humiling na dalhin ko siya dito para antayin yung sun-rise.
“kuya bakit gustong gusto mo bang pinapanuod yung sunrise?”
“para makita ko kung gaano ako kamahal ni God dahil hanggang ngayon, nandito parin ako pra makita ang panibagong araw. Panibagong araw na kasama kita”
Medyo napaluha naman ako nung maalala ko yung sinabi na yun ni kuya. This time, magisa na lang akong manonood ng sunrise dahil wala na siya.
Kanina kitang kita ko kung paano binawian ng buhay si kuya. Kitang kita ko ang hirap na hirap niyang expression sa mukha. Pero bago siya bawian, sinabi niya saakin ang mga katagang madalang niyo lang maririnig sa magkapatid
“Dionne, I love you. Tandaan mo palagi na mahal na mahal ka ni kuya ha?”
‘Mahal na mahal na mahal din kita kuya Dylan. Kayo ni mama at ni papa, mahal na mahal ko kayo’ Bulong ko sa sarili ko.
Tinignan ko ang relo ko. It’s exactly 3 hours before sunrise. Nakaupo lang ako doon habang inaantay ko mag sunrise. I remember all the things that me and kuya done together. Siya ang nakasama ko sa lahat ng hirap at ginahawa na nangyari sa buhay namin. Hindi ako pinabayaan ni kuya hanggang sa huling hininga niya. Pumikit ako at kinanta ko yung lyrics ng isa sa mga paborito kong kanta.
“As Soon as you reached a better place
Still I'll give the whole world to see your face
And I'm right next to you
it feels like you gone to soon.
And the hardest thing to do, is to say bye”
Napapikit ako habang naramdaman ko na naman ang luha sa pisngi ko pero hindi ko ito pinunasan instead I smile.
Sabi saakin ni kuya dati, pag nasasaktan daw ako oh nalulungkot, mag smile lang daw ako dahil makakatulong yun para gumaan ang nararamdaman ko.
Kuya naka smile na ko oh, sana ikaw din.
Dumating ang hinihintay kong sunrise and I think this is the most beautiful sunrise I ever saw. Parang sinasabi saakin nito na kailangan ko ng iwan lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kailangan ko ng harapin ang bagong umaga na ito.
Tumayo na ako at pumasok sa hospital para kunin ang mga naiwan kong gamit. Napadaan naman ulit ako doon sa emergency room at nakita ko yung lalaking pinagbigyan ko ng panyo na sumisigaw.
“she’s awake! Nami’s awake!!!”
Agad na tumakbo naman yung mga doctor sa loob ng ER
“totoo ba yun? buhay ang kapatid namin?” tanong nung isa pang guy
“totoo yun! Sinabi niya pa nga ang pangalan ko!”
A woman hugged him “thank god.. thank God… my daughter… He saved my daughter”
“Sabi sa inyo babalik si Nami. Di niya ko iiwan”
Bigla naman napatingin yung guy doon sa side ko. I gave him a smile
He smiled back and mouthed the word “thank you”
I nod then umalis na ako doon.
Well at least someone got their happy ending today.
As for me…
I placed my hand near my heart
I should start praying for another miracle.
~~
[Jake’s POV]
“Jake move closer to Venus! That’s right! Rui, chin up! Put more expression on your face! And please stop scratching your head! May kuto ba yan ha?! Venus nice facial expression! Very good! Now don’t move!”
I saw flashes of cameras then afterwards I heard our producer clapped
“very good guys! Alam kong magiging hit ang bago niyong movie! As for now, you may go!”
I’m Jake Marquez, a celebrity at yung kaninang ginagawa namin eh pictorial para doon sa upcoming movie namin. Of course ako ang bida! At talaga naman bebenta yan eh. Sino ba naman ang di manunuod ng movie ni Jake Marquez di ba? Bulag na ang hindi kinilig saakin. Sa gwapo kong to, ngitian ko lang ang mga babae pwede na silang mamatay.
“hey Jake are you going home?” she put her arms around mine
“oo eh, pagod ako”
“want to eat breakfast with me?”
“I need to sleep. Inumaga na tayo sa photoshoot na ito”
Bumitiw siya sa pagkakapulupot saakin, “tss KJ much” after that naglakad na siya palayo.
That’s Venus Fair, my leading lady. Isa ring patay na patay saakin.
Naupo ako sa may sofa ng set habang inaayos ko ang gamit ko para makauwi na ko
“oh bat ikaw yung nagaayos niyan? Nasaan P.A mo?”
Tanong ni Rui, isa sa mga cast na kasama ko at the same time kabarkada ko. Hapon yan.
“wala eh pinatalsik ko! Sukat ba naman hulugan ng butil ng kanin yung carpet sa living room ng condo ko! Bagong bili ko pa naman nun!”
“ano ba yan! Yun lang kasalanan niya pinalayas mo na agad! Baka!” [baka – stupid]
“sus wag ka nga makielam saakin! Eh bakit ka pala kamot ng kamot ng ulo mo kanina pa ha?”
“eh yang Maisie kasi na yan eh sukat taktakan ba naman ako ng chalkdust kanina sa ulo!” T___T
Maisie Shaey is in charge of the clothes we are wearing, at lagi niyang nakakaaway itong si Rui Ashiya dahil sa sobrang kakulitan.
Rui stretched his arms then pinatong niya yung ulo niya sa may headboard ng sofa
“uwaaaaaa I’m so tired! Jake-nii chan kaeru” [kaeru – let’s go home]
“uuwi naman na talaga ako eh kaya bbye na” I stood up and grab my things
“wait pasabay ako. Sira kotse ko eh”
I smirk “sorry mate, ayoko. Makisabay ka na lang kay Maisie”
“b-b-b-b-but T__T”
Sus parang bata
Di ko na siya pinansin at naglakad na ko papuntang parking lot. Hay salamat naman at makakapag pahinga ako. Tsaka sabi ni tito ngayon daw ang dating nung bagong PA ko. Sana naman eh nasa bahay ko na siya ng ayusin niya gamit ko!
Pagkadating ko doon sa unit na tinutuluyan ko, agad naman akong dumiretso sa bathroom to take a quick shower before ako matulog. Syempre, samut-saring tao ang humawak saakin dahil sa dami ng fans na nakipag shake hands at yumakap saakin sa mall tour namin kahapon. Mamaya eh may mga germs ang mga kamay nila. Yuck! Mga bacteria people sila! Kadiri.
Kinuskos ko maigi ang balat ko gamit ang isang imported brand na sabon na tanging kahiyang ng sobrang sensitive kong balat. While I’m in the middle of sanitizing my self, halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may nag bukas ng pinto sa bathroom ko at tumambad sa harapan ko ang isang unknown species.
Isang babaeng maputi, mahaba ang buhok at… hindi ko na madescribe pa ang ibang features ng mukha niya dahil agad niya itong tinakpan.
“UWAAAAAAAAAAAAAAA” O_____________O
“AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!” O_______________O
Agad kong kinuha ang pinakamalapit na bagay saakin. . . wich is yung tabo. . . para ipantakip sa pagkalalaki ko.
“oh my! Oh my! May nakita ako! Oh my! Hindi ko po sinasdya Lord patawarin mo ko! Nakita ko yung ano niya! Oh my gosh! No! huwaaaaaaaaaaaa” T___T
“WHAT THE HELL!!! WHO ARE YOU AND WHAT ARE YOU DOING IN MY BATHROOM?!”
“oh Lord please forgive me! Hindi ko po sinasadyang makapang boso! Oh my gosh talaga!” T___T
Agad kong kinuha ang towel ko at ipinulupot ito sa bewang ko. Lumapit naman ako doon sa babae at hinila ko siya paharap saakin
“SINO KA?!”
“huwaaaaaaaaaaaaaaa!” nagtitili yung babae at tumakbo papuntang living room.
Anak ng tinapa! Bakit may nakapasok na baliw dito sa condo ko?! I should call the police!
Sinundan ko agad yung babae sa living room at nagulat naman ako ng makita ko si Tito Jin. Yung babae nakatago sa likod ni Tito Jin habang umiiyak
“tito kilala niyo ba yan?!”
“ikaw bata ka!” bigla naman akong binatukan ni tito “napaka manyak mo! Anong ginawa mo dito kay Dionne ha?!”
“huh?!”
“siya ang magiging PA mo pero minanyak mo agad!” binatukan niya ulit ako “di kita pinalaking ganyan!"
Wow ha, ako na nga tong nasilipan ako pa nasabihan ng manyak with matching batok pa!
Astig =__=
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top