CHAPTER ONE- Ang Nakakalitong Pangyayari
ZOOOOOOOOOM!
Nanlaki ang mga mata ko sa mga natuklasan ko.
Agad akong nagpunas ng pawis sa noo na tumagaktak nang maisara ko ang walang kwentang notebook na ito.
TIK?
TAK?
BOO!?
"BWAAAHAHAHAHAHAHAHA!!" bigla kong hindi na napigilan ang pagpipigil sa kinikimkim kong paghalakhak. Pumapalo-palo pa ako sa right arm desk ko.
"Mr. Vlesson!! get out in my class now!!" Galit na galit at may kasama pang freebies na chalkboard ang pagsigaw ni Mrs. Anahaw. Na tumama agad sa mukha ko ng sinasadya. Ganyan sya kabait na teacher.
"A-aray" napatakip ang isang kamay ko sa mukha ko dahil sa sakit. Oh, dahil na din siguro sa pagkapahiya.
"HHAHHAAH!"
"WAAHAHAAH!"
"BAHAHAHAHAH!!"
Tawanan naman agad ang mga kaklase ko sa loob ng classroom. Medyo epic. Kasi tatlo lang silang tumatawa. Ang mga Kumag Brothers. Wala naman silang silbi. Pero silang tatlo ang pinakamalakas mambully dito sa school. Tinignan lang sila ni Mrs. Anahaw ng isang mapanganib na tingin. Agad namang nagsipagtikom ang bibig ng tatlong Kumbro(Kumag Brothers).
Nag-iisip ako ng madaling isipin na alibi kay Mrs. Anahaw.
Parang natawa lang naman ako ah? Big deal agad?
Teka.. Nakakapagtaka naman. Parang may mali ata.
"JUANDER VLESSON!" sigaw ulit ni Mrs. Anahaw na ngayo'y naglalakad at papalapit na sa hanay ng kinauupuan ko. Nakaramdam ako ng aftershock.
"Ano bang pinagtatawanan mo d'yan sa notebook na yan ha!? pwede ko bang tignan? Aberr?!" nakalapit na si Mrs. Anahaw sa upuan ko at mabilis na dinampot sa arm desk ko ang notebook. Kasabay ng mahalimuyak nyang hininga. Walang biro. Mabango. Kasing bango ng maxx honey lemon with the power of safeguard. Bigla kong naisip na sana lahat ng maamoy kong hininga katulad ng kay Mrs. Anahaw. Dahil sigurado ako. Kapag lahat ng tao ganito ang amoy ng hininga? Ay! Hayahay ang buhay.
"Ahh-ah-ah-eh--" hinahabol-habol pa ng isang kamay ko ang notebook sa kamay ni Mrs. Anahaw ngunit mabilis nya itong nahablot at iniwas sa akin.
"M-ma'am, w-wala naman po akong tinatawana--"
*PLAAAAK!*
"So.. wala kang tinatawanan ha? Mr. Vlesson?" sumalampak sa pagmumukha ko ang pahamak na di hamak na notebook na ito. Halos hiyang hiya na ako sa nangyayari lalo na sa mga kaklase ko. Parang ayokong tanggalin ang nakatakip sa mukha ko. Parang na iimagine ko ang itsura ng mga classmate kong nagpipigil lang ng tawa nila sa ginagawa sakin ni Mrs. Anahaw ngayon. Very unforgetable and embarrasing moment.
Hindi ko din alam kung bakit ba hindi ko nagawang pigilan ang halakhak ko na yun.
Sobrang O.A naman kasi ng nakasulat dun. Tapos.. Ah, Basta. Bakit naman kasi sa dinami dami ng pagkakataon na tatawa ako ng ganoon, sa oras pa ni Mrs. Anahaw. Ang pambansang Terror Teacher ng eskwelahan namin. Isa s'yang matandang dalaga. 47 years old. Balingkinitan ang katawan. Mga nasa 5'5 ang height. hindi ko masabi pero sa tingin ko, maganda si Mrs. Anahaw. Misis ang tinatawag sa kanya ng karamihan pero may nagsasabing miss lang dapat ang itawag sa kanya dahil wala naman itong anak. As in, wala pa talaga s'yang anak. Isa s'yang dalaga at balang araw liligawan ko sya. Pero kailangan ko pa siguro maghanap ng isang asintadong kerubin kung seryoso man ako sa iniisip ko. Pero seryoso. Gusto ko talaga makilala ng lubusan si Mrs. Anahaw. Alam kong may itinatago pa s'yang kabutihan, sa likod ng mga nakatakip sa pagkatao nya.
Sobrang nakakatakot lang talaga syang maging teacher. kaya lahat ng student tahimik lang kapag sya ang nagtuturo. Pero ang ipinagtataka ko.......
"Get out in my class..." kumilos na agad ang katawan ko ng dahan-dahan habang inaabot ang bag ko sa upuan. "I SAID GET OUT IN MY CLASS, NOW!!!!" Kinuha ko agad ang notebook sa mukha ko at hinablot ang bag ko. Sabay kumaripas ako ng takbo palabas ng classroom.
"Hoy! Juan saan ka pupunta??!!" tinatawag ako ng kaibigan kong si Francis. Pero dere-deretso lang ako sa pagtakbo, palabas ng classroom.
################################################################################
"Anong pinagsasabi mong nangyari yon Juan?" Nandito ako ngayon sa guard house ng eskwelahan namin. Last minute na para mag uwian. Kasama ko si Francis na naguguluhan sa mga ikinuwento ko sa kanya.
"Sabi ko sayo eh. Iwas iwasan mo na ang pagpapantasya kay pambansang dahoOuumpf--" natigil ang huling sasabihin ni Francis ng may pumasak na pambomba ng baradong kubeta sa kanyang bibig.
"Ayan ka na naman Francis sa mga kabalastugan mo. Mamaya marinig ka ni Maam Jessy sa ibinabansag mo sa kanya, naku yari ka lang talaga." biglang pasok ni Aling Malin. Isa sya sa mga janitres dito sa eskwelahan namin at isa din sa mga malapit sakin dito sa school.
"Hindi ka ba nag-iisip na baka may ibang makarinig at i-chikmax pa kayo na pinag-uusapan nyo sya." sabi pa nito na hindi pa din umaalis sa likod ni Francis at sinasalampakan pa din ito ng hawak na toilet plunger(pambomba ng inidoro).
"Bwoah!" inalis na ni Aling Malin ang hawak nya at pinaalpas na si Francis sa piligro.
"Pweh! Pweh!" humahangos na agad nagtatakbo sa lababo si Francis at agad-agarang naghilamos gamit ang tubig sa gripo, na nakalimutan nya 'atang napi-filter lang ang tubig na lumalabas dito na nanggagaling sa mga comfort rooms, upang pandilig sa mga halaman at para panglinis na din ng mga banyo. Nakakaawa man sya. Pero kasalanan naman din kasi ng bibig nya.
Nang matapos si Francis sa paghihilamos at nakapagpalit na din si Aling Malin the janitres ng kanyang damit uniporme. Ikinuwento ko din sa kanya ang nangyari kanina sa classroom. Yung, kung paano ako pinahiya ni Mrs. Anahaw dahil sa notebook na ipinakita ko din sa kanya ngayon.
"B-bakit-- Pweh!" protesta ni Francis.
"bakit ba ayaw mong maniwala sa'kin Juan?! wala ngang nangyaring ganon!!?" pagpatuloy nya. Pero kailangan talaga sumigaw? sige na pagbigyan. Masama lang loob nyan.
"Teka nga. Paano ako maniniwala sa'yo Cis?!" with matching feelings pa.
"Eh hin--" napatigil ako sandali dahil napansin kong may dalawang babes na nakasilip sa nakauwang na pintuan ng guard house. Nakatitig lang sila sa'kin at sa kausap ko. Hindi ko na nagawang magpa-cute o magpabebe wave. Napanganga ako sa tinuran ng dalawang kaygandang-lahi. Umalis sila na tangay ang kaluluwa ko. Bwiset! at ito ang pangalawang pinagsisihan ko na hindi ko na ulit gagawin.
"Bro......" napayuko nalang ako.
"Oh?"
"Mukha ba akong bakla?" out of the blue kong sabi.
"Hindi. Pero boses bakla ka minsan" out of coverage namang sinabi ng kaibigan ko. Baka narinig pa ng mga fans ko sa labas. Na piste na.
Samantala.....
Tinapos namin ang usapan sa paglabas namin ni Francis ng gate sa school. Pero sa mga kinuwento ko kay Aling Malin at Francis tungkol sa akin kanina sa classroom ay isang napakalaki pang palaisipan sa akin. Ang notebook na sanhi ng lahat ng ito.
Na hindi ko alam kung totoo bang nangyayari ito.
Dahil ang totoo. Mas matindi pang kilabot ang namuo sa pagkatao ko. Saksi si Aling Malin at Francis ng ipakita ko sa kanila. Ang notebook walang nakasulat. Ngunit malinaw sa'kin kanina na nagbabasa ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top