Kabanata 9: Where is the rhum?
[POV: Levi]
Bata palang ay maaga na akong namulat sa mga kwento't alamat dahil narin kay lolo Daniel. At dahil nga mahilig akong magbasa ng mga fantasy books at manood ng mga fanfatsy-adventure movies gaya ng Percy Jackson at The Hobbit ay naiimagine ko minsan na ako ang bidang nakikipaglaban sa mga masasamang halimaw.
Pero hindi ko inaasahang magkatotoo ang bagay na iyon simula ng mapadpad kami sa kakaibang mundong ito. Kagaya nga ng sinabi ni Ka Limot kanina ay kailangan naming magsanay gumamit ng mga sandatang pandigma upang maipagtanggol namin ang aming mga sarili laban sa masasamang nilalang. Bagay na ikinatakot ko ng husto. Ni hindi nga ako marunong gumamit ng pellet gun at maglaro ng baril-barilan, gumamit pa kaya ng mga sandatang pandigma upang makipaglaban sa mga masasamang nilalang. Hindi ko alam kung tama ba itong pinasok naming magkakaibigan.
"Gising na mga dude!" Narinig kong sambit ni Jao sa amin.
Nang makababa na sa bundok ay napagpasyahan naming magpahinga muna bago magtungo sa sisabi nilang Limukon. Ang totoo niyan ay kanina pa ako gising dahil hindi na ako nakatulog pang muli simula ng magising ako kanina dahil narinig kong nag-uusap sina Igwayan at si Bangkay. Pa sikat na ang araw kanina nung marinig ko silang may pinag-uusapan tungkol sa sasakyan namin patungo sa Limukon. Nagpanggap lang akong tulog kanina upang marinig kung may pag-uusapan paba silang mga importanteng bagay pero nagkamali ako dahil pagkatapos nilang mag-usap ay dali-dali nang umalis si Bangkay.
"Hey dude! Gising na" wika ni Jao habang tinatapik si Elay. Si Igwayan naman ay ginigising si Kiko. Nagpapanggap parin akong tulog at naghihintay nalang na gisingin rin.
"Bumangon ka na diyan Levi, alam kung kanina kapa gising" wika ni Igawayan na agad ikinamulat ng mga mata ko. Alam niya kaya na nakikinig ako sa usapan nila ni Bangkay kanina?
"A-anong oras naba?" Tanong ni Elay habang nagpupungas ng mga mata.
"Alas syete na ng umaga."
"Ang aga pa pala eh! Matulog-"
"Bawat oras ay mahalaga bata kaya wala tayong dapat na sayangin" bulalas ng ent.
"Malayo po ba ang kaharian ng Limukon?" Tanong ko. Baka mamaya niyan ay nasa kabilang dako pa iyon ng mundo.
"Medyo dude, kung ngayong oras tayo lalakad ay aabutin tayo ng gabi bago makarating doon" malayo nga.
"Problema ba yun? Sasakay naman kami kay Igwayan eh diba, Igwayan?"
Umirap lang ang ent sa sinabing iyon ni Kiko. Wag niyang sabihing hindi siya payag?
"Hindi ako kabayo. Tsaka isa pa, paano kayo matatawag na manlalakbay niyan kung tamad kayong maglakad?" Masungit nitong tugon. Wow as if naman gusto namin ito? Kung hindi nga lang dahil kay lolo ayokong sumama eh.
"Pero ang layo kaya nun, halos kalahating araw tayong maglalakad? Ni hindi pa nga ako nakapag-almusal eh" reklamo ni Elay.
"Maghahanap tayo ng makakain sa daan mamaya."
"P-pero-"
"Isang reklamo fa mula sayo at babaliin ko lahat ng buto mo" banta ni Jao kay Elay. Wala na talaga yatang tsansa na magkasundo ang dalawang ito.
"Tss.."
"Ligpitin nyo na ang mga gamit nyo at lalakad na tayo" utos ni Igwayan sa amin.
"Teka, nasaan nga pala si Bangkay?"
"Oo nga, hindi ba sya sasama sa atin? Akala ko ba one big fight kayo?"
"Nauna na sa may baybay at inihahanda ang barkong sasakyan natin" Ako na ang sumagot sa tanong ng dalawa kong kaibigan.
"Barko?"
"Pa'no mo alam?" Tanong ni Jao.
"Narinig ko lang na nag-usap sina Igwayan at Bangkay kanina nung magising ako."
"Narinig o sinadya mo talagang makinig sa pag-uusap namin?"
Hindi ko nalang pinansin ang tanong ni Igwayan. Napakatalas pala talaga ng pakiramdam niya.
"Are you ready guys?" Magiliw na tanong ni Jao nang maligpit na namin ang aming mga gamit.
"Huhu gutom na gutom na ako" bulalas ni Elay.
"Kami rin!" Sabay naming wika ni Kiko.
"Kung ganun, lets go! Wahaha!" Sagot ni Sakuragi na naunang maglakad kasama si Igwayan. Hindi ma lang pinansin ang mga sinabi namin.
Sabi ni Igwayan ay hindi naman gaano kalayo ang dalampasigan mula dito sa kagubatan. Kung tutuusin daw ay mas malayo pa ang nilakad namin nung magtungo kami sa Paraiso. Buti naman kung ganun, sana nga lang ay may makakain sa barko ni Bangkay.
Kapansin-pansin na habang binabaybay namin ang daan ay palinga-linga sa buong paligid si Jao. Minsan ay tumitingala siya sa katawan ng matatas na puno at para bang mayroong hinahanap. Siguro ay naghahanap siya ng mga prutas na pwede naming makain, pero simula ng dumating kami dito ay wala pa akong nakitang puno na mayroong bunga kahit isa man lang. Kung hayop man ang hinahanap niya upang gawin naming almusal ay mas gugustohin ko nalang mamatay sa gutom kaysa kumain ng mga kakaibang hayop sa gubat na ito.
"Ayun!" Bulalas ni Jao habang may itinuturo sa itaas ng puno. Huh? Anong meron?
Tumigil kami sa paglalakad at tiningnan ang kapre na kasalukuyang inaakyat ang mataas na puno.
"Igwayan, ano ang ginagawa ni Jao?" Tanong ni Kiko.
"Ano pa edi almusal natin"
"Almusal?" Bulalas ni Elay na parang humugis puso ang mga mata sa kaligahayan.
"Igwayan, ang dami nito!!" Sigaw ng kapre na ngumiti pagkatapos. Ano ba ang tinutukoy niya?
"Ibato mo lang at sasaluhin ko" tugon ni Igwayan.
Mula sa taas puno ay parang mayroong kinukulikot si Jao. Hindi ko namin makita kung ano yun dahil nasa likod ito ng katawan ng mataas na puno.
"Bago paba yan?" Tanong ni Igwayan.
"Sa tingin ko ay mahigit isang linggo na yata ito!" Sagot ng kapre.
"Ayus yan, habang tumatagal lalong sumasarap haha" sagot ng ent.
Nagkatinginan kaming magkakaibigan.
"Tanduay?" Sabing naming tanong sa isat-isa.
"Wooh! Napakarami nito!" Sigaw ni Jao. Dahan-dahan itong bumaba sa katawan ng punong pinag-akyatan niya habang tangan ng isang kamay ang hindi ko matukoy na bagay dahil nakabalot ito ng mga naglalakihang mga dahon.
Nang tuloyan na siyang makababa ng puno ay agad siyang lumapit sa amin at ipanakita ang bitbit niya.
Halos maglaway kami sa subrang sarap at bango ng bitbit ni Jao. Kung hindi ako nagkakamali ay isa yung suman. Kung papaano may suman rito ay ayoko nang isipin ang tungkol sa bagay na iyon. Pati sina Kiko at Elay ay napa wow rin.
"Ang dami naman ng suman na yan"
"Su- ano?"
"Suman, yung malagkit na kakanin ba na pinatamis"
"Hindi suman ito. Ang tawag dito ay Kulanghite"
"Kulanghite!?"
"Kulanghite means-" di na naituloy pa ni Jao ang gustong sabihin nang biglaang dinukot ni Elay ang suman esti ang kulang.. ano nga uliy yun?
"Kahit ano pa yan ay isa lang ang alam ko, masarap ito" wika niya sabay kamay at subo sa suman.
"Uy pahinge kami!"
10 minutes later...
"Urbb burpp!"
Kanya-kanya dighay kami dahil sa subrang kabusogan. Naparami yata ang kain namin dahil napakasarap ng suman o ano man yun. Ngayon lang yata ako nakatikim ng ganun kasarap na suman sa buong buhay ko, pati na siguro ang mga kaibigan ko.
"Jao, kain tayo ulit nun ha, ang sarap talaga"
"Oh ba, marami naman yun dito eh. Nakakalat lang yan sa mga katawan ng puno."
"Talaga ba?"
"Yun nga lang ay dapat matiyaga kang maghanap nun dahil sa subrang sarap ng pagkain na yun ay bihira kang makakakita dahil maraming mga lamang lupa ang nangunguha. Swerte nga tayo at medyo matagal-tagal narin ang nakuha natin kaya napakasarap.
"Ah, mas lalo palang sumasarap ang suman dito habang tumatagal. Doon kasi sa amin ay alak ang sumasarap habang tumatagal" bulalas ko.
"Alak? Kailan pa naging masarap ang alak, tsaka hindi naman suman ang tawag ng kinain natin kanina eh" sagot ni Elay.
"Ano nga ulit tawag nun?"
"Kulanghite"
"Pangalan palang ay talagang napakasarap na." Saad ni Elay na ngumiti pagkatapos.
"Talaga" dagdag ko.
"Eh ano ba ang ibig sabihin ng kulanghite?" Tanong ni Kiko. Oo nga, sasabihin sana dapat ni Jao kung ano yung kulanghite kanina pero hindi na niya natuloy dahil biglang dinukot ni Elay yung kulanghite. Anong klaseng pagkain ba yun?
"Ang kulanghite ay kulangot ng mga higante na ipinahid sa mga puno." Kahit hindi na ako kumakain ay muntik parin akong mabilauka dahil sa birong iyon ni Igwayan.
"Haha, nahuli kana sa pagbibiro Igwayan, tapos na naming kainin kaya hindi mo na kami mapapadiri pa" bulalas ni Kiko.
"At bakit ko naman gugustohing mandiri kayo eh hindi naman nakakadiri ang kulangot ng higante ah" kalmadong sagot ng ent. Hindi mo makikita sa mukha nito na nagbibiro siya. Medyo kinabahan na ako.
"J-jao?"
"Yes?"
"N-nagbibiro lang si Igwayan diba?"
"No he's not kidding mamen. Totoo ang sinabi niya mga dude, ang ibig sabihin ng kulanghite ay kulangot ng higante. Kulanghite, shortcut name ng kulangot ng higante. May problema ba?"
"Waaah!!"
Kanya kanya kaming takbuhan sa gilid at sapilitang isinusuka ang kinain namin. Walanya! Kanina utot na singbango ng mga bulaklak sa hardin, tapos plema ni Ka Limot na muntikan ng ipinahid sa mga ulo namin tapos ngayon... tapos ngayo kulangot na masarap? Waa anong klaseng mundo ba ito?
"Bakit hindi nyo kaagad sinabi?" Naiinis kong tanong sa dalawang nilalang. Wtf! Hindi ko maisuka ang kinain kong kulangot.
"Oo nga! Mga walang awa kayo huhu!" Naluluhang usal ni Kiko habang pinipilit na isinusuka ang kinain namin kanina.
"Eh si Elay kasi eh, kung hindi niya biglaang dinukot ang kulanghite ay malalaman nyo sana na kulangot ng higante yun. Tsaka malay ba namin ni Igwayan na allergy pala kayo sa kulangot"
"Hindi kami allergy! Hindi talaga kami kumakain nun!!"
"Wala na tayong magagawa, nakain nyo na yun eh"
"Tsaka nag enjoy naman kayo habang kumakain ng kulangot diba?" Sabi ni Igwayan na ginaya ang tawa ni sakuragi habang naunang maglakad. Sumabay narin sa kanya si Jao na nakitawa narin.
Binalingan namin ng tingin si Damulag.
"Oh bakit ang sasama ng tingin ninyo sa akin? Wala akong- aahh tulong!!"
Nagpatuloy kami sa paglalakad matapos naming malaman ang masalimuot na katotohanang kulangot pala ang masarap na pagkain na kinain namin. Kung tatanungin ninyo kung kamusta ang kalagayan ng mataba naming kaibigan ay okey pa naman siya. Tinuruan lang namin ng kaunting leksyon ni Kiko.
"Anong oras na dude?"
"Mag-aalas otso na"
"Naku kailangan na nating magmadali" bulalas ni Igwayan. Magmadali eh kanina pa nga kami pagod na pagod sa kakalakad eh. Mabuti nalang ay may kanya-kanyang baon na tubig kami sa bag namin.
"Ano, takbo naba tayo?" Tanong ni Jao kay Igwayan? Nahihibang naba sila? Kung tatakbo sila eh malamang ay maiiwan kami dahil ang lalaki ng mga hakbang nila.
"Nobita, Soneyo, sumakay kayo sa akin" sabi ni Igwayan na halatang ang tinutukoy ay si Kiko at ako.
"Eh paano si Elay?" Tanong ni Kiko.
"Jao, ikaw na ang bahala kay Damulag. Parang ma d-dislocate ang mga sanga ko kapag nakasakay sa akin ang batang iyan" natawa kami sa tinuran ni Igwayan.
"So paano ba yan Milay, mukhang wala ka nang choice wahaha"
Labag man sa loob ng tabatsingtsing naming kaibigan na sumakay kay Jao ay wala na siyang nagawa pa. Pinili niya na lang na huwag pansinin ang pang-aasar ng kapre sa kanya.
At sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan namin ang napakasarap na pakiramdam habang sakay-sakay kami sa mga naglalakihang nilalang na tumatakbo. Hindi man sila gaanong mabilis tumakbo ay siguradong mapapadali ang pagdating namin sa aming patutungohan dahil sa laki ng kanilang mga hakbang.
"Wooh! I am the king of the world!!" Sigaw ni Elay na nakasakay sa balikat ni Jao.
"Ayus ka lang ba kaibigan? Parang lalabas na yata dila mo ah" natatawang tanong ni Igwayan kay Jao.
"Walangyang bata ka, kung alam ko lang sana na ganito ka kabigat ay di na sana kita sinipa pa papunta sa mundo namin" hinihingal na wika ng kapre. Karma is real haha.
Habang patagal ng patagal ay unti-unti ko nang nararamdaman ang init na galing sa sinag ng araw. Senyalis na kakaunti nalang ang mga mayayabong na puno ang nakatayo sa dinadaanan namin.
Iyon ang akala ko.
Nagulat ako sa aking mga nakita. Doon ko lang napansin na kung hindi tuyo ay patay na ang mga puno't halaman na nadadaanan namin. Pati ang mga mayayabong na damo ay unti-unti naring namamatay, may ilang mga kalansay rin ng hindi ko matukoy na hayop na nakahandusay sa daan. Ganun din sa unahan kong saan patungo ang aming dinadaanan, wala akong makita kundi puro patay na mga puno at mga naninilaw na damo.
Nakaramdam ako ng subrang lungkot at awa sa kalikasan. Tila sumikip ang dibdib ko sa aking nasaksihan. Paano nangyari na ang maganda at masiglang gubat na kinasanayan namin ng mga sandaling oras ay nagkaganito? Ano ang dahilan ng pagkapatay ng kalahati ng gubat dito?
Animo isang malaking patak ng ulan ang mga luha kong bigla nalang tumulo sa katawan ni Igwayan. Para bang naririnig ko ang iyak at palahaw ng mga patay na puno at humihinge ng tulong sa akin. Hindi ko na napigilan pa at tuloyan nang bumuhos ng malakas ang aking luha. Napahikbi ako sa subrang sakit na nararamdaman.
"L-levi? Anong nangyari sayo?" Narinig kong tanong ni Kiko. Tanging iling lang ang aking naisagot.
Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtingin ni Igwayan sa akin. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong damang-dama niya ang lungkot na nadarama ko. Isa siyang propeta at parte siya ng kalikasan kaya alam kong doble ang nararamdaman niyang lungkot kaysa sa akin.
"Isang buwan na ang lumipas ng magsimulang mamatay ang iilang parte ng kagubatan dito sa Himaylan" bulalas ni Igwayan.
Nagpunas ako ng mga luha upang maituon ang aking sarili sa pakikinig ng kanyang mga susunod na sasabihin.
"B-bakit, ano ang dahilan ng pagkamatay ng kagubatan dito?" Nahihikbing tanong ko.
"Dahil sa isang sumpa."
"Sumpa?" Sabay na tanong namin ni Kiko.
"Oo, pitongpo't dalawang taon na mula ngayon. Pero saka ko na ikukwento sa inyo kapag nasa barko na tayo" tugon ni Igwayan.
Sumpa? Ibig sabihin nasa ilalim ng isang sumpa ang mundong ito? At pitongpo't dalawang taon na ang nakalipas? I-ibig sabihin...
"Bakit, sa tingin mo ba ay mga teenager pa kami?" Sabi ni Igwayan na para bang nabasa ang nasa isip ko.
"Malapit na tayo" napatingin ako sa daan nung marinig ko ang sinabi ni Jao.
Tumambad sa amin ang malawak na kay gandang dalampasigan. Hindi pa ako nakapunta ng Boracay pero sa tingin ko ay walang-wala iyon sa ganda ng dalampasigan dito. Kulay palang ng buhangin ay alam kong napakalambot nito. Hindi puti hindi rin itim kundi kulay ginto ang buhangin dito.
"Wooh! I am the king of the world!!" Sigaw ni Elay pagkatapos tumalon mula sa balikat ni Jao.
"Grabe ang sarap ng buhangin!" Dagdag niya na para bang ginawang dagat ang buhangin dahil bigla siyang lumusong dito.
Kaagad kaming ibinaba ni Igwayan at sabay naming nilagay ang mga bag sa buhangin.
Tulad ni Elay ay masaya rin naming ginawa ang paglusong sa malambot na buhangin. Para kaming mga biik na nakawala sa rehas at masayang nagtatampisaw sa ulan. Iyon nga lang ay hindi kami pwedeng magsabuyan dahil baka mapuwing kami kapag ginawa namin yun.
"Ang ganda ng beach!" sigaw ni Kiko.
"Bitch? Teka, nasaan ang bitch?" Tanong ni Igwayan, hindi ko alam pero parang tumutulo yata ang laway niya nung sabihin niya iyon.
"Beach, hindi bitch. Manyak!"
Nagkamot lang ng ulo yung ent na ngingiti-ngiti.
Masaya kaming nagpatuloy sa pagtatampisaw sa buhangin nang biglang may narinig kaming boses ng isang lalaki mula sa di kalayuan.
At basi sa tono ng tinig niya ay kumakanta siya.
"Sa mata ng ibang nilalang tingin nila sa akin mapanglamang!"
"Mapang husgang walang alam, mga sikmurang kumakalam"
Hindi ko alam pero habang naglalakad siya palapit sa amin ay parang nagiging pamilyar yung tindig at porma niya.
"Teka! mapanlamang, walang alam, kumakalam? Aba eh naku di ko alam basta tanong ko lang"
"Where is the rhum? where is the rhum?"
May bitbit siyang isang malaking bote at paliko-liko siyang maglakad.
"Nakita nyo ba? Nakita mo ba?" turo niya sa amin.
"Teka nandito lang pala!"
Ngumiti siya nung pumako ang tingin niya sa boteng hawak niya at bigla niyang ininum ang laman nito. Doon ko na napagtantong lasing siya at alak ang laman ng boteng hawak niya.
At.. hindi lang yun!
Kung meron man akong bagay na pinagsisihan ay ang hindi ako nakapagdala ng ball pen at tsaka papel sa bag ko. Oh kay sarap umiyak ng patiwarik!
Ang akala ko ay hanggang sa tv ko nalang siya makikita. Sayang, kahit ball pen nalang sana at ng makapagpa authograph man lang ako sa kanya.
"Aahh! kay sarap talagang mabuhay" sabi niya pagkatapos inumin ang laman ng bote.
Nagkatinginan kaming tatlo. Kapwa speechless at hindi makapaniwala. Ilang beses ba itong nangyari sa amin simula ng mapunta kami sa mundong ito? Di ko na mabilang.
Sa harapan namin ngayon ay nakatayo ang isang lalaking naka dreadlocks ang buhok, bitbit ng isang kamay niya ang itim na malapad ngunit patulis na lumang sumbrero. May nakataling pulang bandana sa kanyang ulo na naging dahilan upang matakpan ang kanyang noo. Sa mga talas ng mga titig niya dahil sa makapal na eyelashes nito ay para kang hinuhubaran esti para kang sasakalin ano mang oras. Bumagay sa kanya ang mahaba niyang bigote sa mahaba niyang balbas na nakabuhol sa dalawa.
Ewan ko kung ano ang tawag sa suot niyang kulay puti na punong-puno ng mga nakabitin na mga sigay o sea shells na maliit na ginawan. Parang nagmukha yata itong basahan dahil sa daming dumi at mantsa. Sa kaliwang bahagi ng beywangniya ay may nakataling espada na nakasuksok sa sakuban habang sa kanan naman ay may naka tock in na parang maliit na shut gun. Pero kahit ganun ang itsura niya ay hindi siya madungis tingnan, ni hindi nakakatakot ang kanyang dating, bagkus ay para siyang nakakaaliw na totoo naman. Kung tutuusin nga ay parang gusto ko siyang yakapin ngayon din kung kanyang mamarapatin.
Nope! hindi siya isang baliw o taong grasa na palaboy-laboy sa lansangan tulad ng iniisip ninyo.
Isa siyang pirata! (Hindi yung namimike ng mga dvd tape)
Sa tingin ko ay siya na yata ang piratang pinaka pinaghahanap at may pinakamalaking patong sa ulo.
Kung iniisip nyo na si Monkey D Luffy siya ay nagkakamali kayo. Oo parehas silang pasaway at may pagka engot minsan pero malayo talaga. Obvious naman sa desription ko sa kanya sa itaas.
Siya lang naman ang karakter na ginagampanan ng batikang hollywood actor na si Johny Depp.
Siya si Jack Sparrow!
Mali!
Captain Jack Sparrow ng pelikulang Pirates of the Carribean.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya sa aming tatlo nung mapansin niyang titig na titig kami sa kanya.
To be continued.........
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top