Kabanata 6: Gabi ng Lagim
[POV: Kiko]
Minsan ay may mga bagay talagang mahirap ipaliwanag lalo na kapag hindi kadalasang nangyayari, partikular sa mga karaniwang tao. Mga bagay na magbibigay kalituhan sa ating sarili na magdudulot lang ng libo-libong katanungan sa ating pag-iisip. "Panaginip lang ito" iyan lagi ang sasambitin mo kapag natagpuan mo ang iyong sariling nakatayo sa isang lugar na kadalasang makikita mo lamang sa telebisyon o mababasa sa mga libro. Lalot na't mayroong mga kakaibang nilalang na pwedeng manakit o kung mamalasin ay papatay sayo.
Pero sa kaso ko ay hindi ako nakaramdam ng pagkabagabag ng aking kalooban. Kung nananaginip man ako ngayon ay ayokong gisingin ako ng kahit na sino man dahil pag ginawa niya yun ay hahampasin ko siya ng sinturong bakal sa mukha.
Wierd man para sa iba ang ugali ko pero wala akong pakialam dahil mismo sa sarili ko, alam kong dito ako masaya at magiging masaya.
Ang maglakbay sa ibang mundo kasama ang mga kakaibang nilalang na tanging nakikita ko lamang sa mga libro. Nakakatakot man ito o hindi.
"Kiko, anong oras na?" Tanong ni Elay na halatang hindi parin kumportable sa kasama namin.
"Alas una na ng madaling araw"
"Naku lagot. Kailangan na nating umuwi"
"Wag muna mga dude" bulalas ni Jao. Oo Jao ang pangalan ng kapreng kasama namin ngayon. Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa loob ng gubat kasama siya dahil sabi niya ay may pupuntahan kami at may mga ipakilala siya sa amin. Gusto nyo ba ng flash back kung paano siya nagpakilala sa amin kanina? Okey pagbibigyan ko kayo.
[Flashback]
"Ang fangalan ko fala ay Phil Younghandsome" sabi ng kapre.
"WHAT?!!'
"PUCHA ANO?!!"
"MAHABAGING BATHALA!"
Muntikan ko nang mabitawan ang camerang dala ko dahil sa sinabi niya. Si Elay naman ay napatayo sa gulat habang si Levi ay muntikan namang matumba. Sorry ha pero paksyit lang talaga! Ang sagwa ng pangalan niya. Grabe bilib ako sa nakaisip nun.
"Joke joke joke! Wahahaha" napahawak siya sa tiyan niya dahil sa subrang tuwa. Pinagtripan niya lang pala kami. Buti naman.
"Binavati ko kayong tatlo sa pagdating ninyo sa mundo namin. Its my pleasure to guide you" nag vow siya sa aming harapan na para bang nagbibigay galang. Bigla niyang inabot ang kanyang kamay. "Ako nga fala si Jao, at your service" saad niya na hinithit ang sigarilyo pagkatapos.
"Jao? Bakit Jao?" Tanong ni Elay.
"Pinaikling Michael Jordan at Yao Ming. Jordan + Yao = Jao" sagot niya na tumawa pagkatapos. Oo nga pala, yung postura niya ay hawig ng kay MJ at suot niya pa ang jersey nito. Pero ang mukha niya. Paksyit magkamukha sila ni Yao Ming.
Napaismid si Elay na parang nandiri sa narinig niyang paliwanag.
Inabot ko ang aking kamay sa kanya. "Ako naman si Kiko" pagpakilala ko. Sina Levi at Elay naman ay parang nagulat nang makitang nakipagkamay ako sa kapre. Sa laki ng kamay niya ay nagmukhang kamay lang ng batang maliit ang kamay ko.
"Its my pleasure" saad niya. Napansin ko na panay ang pag eenglis niya at kapag nagtatagalog naman siya ay may tunong amerikano kaya naman tinanong ko siya tungkol dito.
"Bakit po parang may pagka american yung accent niyo kapag nagsasalita kayo?"
Ngumiti muna siya bago sumagot. "Ah ganito kasi yun" simula niya. Tumingla siya sa langit na para bang doon niya inaalala ang lahat. "Nag-abroad kasi ang nanay ko dati tapos nabuntis ng amerikanong kapre kaya ito, nagkaroon sila ng anak na singgwapo at katulad magsalita ni Sam Milby" kumpyansa niyang tugon.
Tumingin lang kami sa kanya. Naghihintay na tatawa siya muli at sasabihing "Joke joke joke". Pero lumipas ang kalahating minuto ay hindi namin narinig yun.
"True yun guys. The truth, is I am the only Fil-Am kapre in the Philippines" walang bahid na ngiti niyang sabi samin.
Doon na kami nag react na parang na dejavu.
"WHAT?!!'
"PUCHA ANO?!!"
"MAHABAGING BATHALA!"
"Samsampalin kita sa kasinungalingang yan" galit na wika ni Elay pero syempre joke lang. Hindi niya talaga sinabi yun. Baka balian siya ng buto kapag ginawa niya yun.
Pero as in CAPITAL WATDAPAKERNS LENCHUGAS PAKSYITIN at kung ano-ano pang mga malutong na mura ang pwedeng sabihin. Seryoso? Totoo yung sinabi niya? Napatingin ako kina Elay at Levi at kagaya ko ay parang ilang beses rin silang nagmura sa kanilang isipan dahil sa kwento ng kapre.
"Totoo?" Tanong ni Levi.
"Anak ka ng isang kapreng amerikano?" Dagdag ko.
"So isa kang kaprekano?" Bulalas ni Elay. Huh? At saan niya naman nakuha ang word na yun?
Hindi sumagot ang kapre sa mga katanungan namin. Bagkus ay gumuhit sa mga labi nito ang nakakalokong ngiti.
"Wahahaha!" Ayan na naman yung tawa niya. "Syempre joke lang ulit wahahaha" bigla nalang bumagsak ang pwet niya sa lupa at halos gumulong na siya sa kakatawa. Naka ilang cobra energy drink kaya siya?
Ilang minuto ang lumipas ay tumayo na siya at pinagpagan ang sarili. Siguro ay narealized niyang siya lang din mismo ang muntikan ng mamatay kakatawa sa joke niya. Iyon na yata ang pinaka literal na R.I.P joke na nakita ko.
Umubo siya upang waksiin ang kahihiyang nangyari sa kanya.
"Ang totoo niyan ay ganito lang talaga ako. Idol ko kasi si MJ kaya siguro kahit sa pananalita niya ay naimpluwensiyahan niya ako."
"Pero hindi naman ganyan kasagwang magsalita si MJ eh. At tsaka bakit taglish ka ng taglish? Hindi mo ba kayang mag english ng buo? Ano yan, para kung mag nosebleed isang butas lang yung dudugo?" Natatawang sabi ni Elay. Nakakamanghang kalmadong binibiro niya ang kapre. Sa maling paraan nga lang dahil ninakaw niya ang linya ni Sinio.
Pinanliitan siya ng tingin ng kapre "Gusto mo bang makakita ng literal na nosebleed?" Tanong ng kapre sa kanya na pinapalagutok ang mga daliri.
"Ah naku, nagbibiro lang po siya" sabi ni Levi.
'Mabuti naman" biglang tumalikod si Jao "Sumama kayo sa akin at may ipapakilala ako sa inyo" sabi niya.
"Ho? Saan po?" Sabay naming tanong.
"Sa lugar na tinatawag naming Paraiso" sagot niya at nagsimulang maglakad muli papunta sa loob ng gubat.
Nagkatinginan kaming tatlo bago sumunod sa malaking nilalang.
[End of flashback]
"So Ginoong Jao-" naputol na sabi ni Levi.
"Hep hep hep! Jao nalang Levi's, wag munang lagyan ng Ginoo sa unahan dahil hindi ako sanay."
"Okey po. Ahm Levi po hindi Levi's"
"Sorry, favorite brand ko kasi yun eh wahaha"
"Malapit lang po ba ang Paraiso mula rito?" Tanong ni Levi. Tumango lang naman si Jao.
"Pagkatapos ba naming pumunta sa Paraisong sinasabi mo ay pwede na kaming umuwi?" Tanong ng nagsusungit na si Elay. Ano kaya ang problema niya at kanina pa siya ganyan?
"Hmm.. pag-iisipan ko" sagot ni Jao.
"Tss!" Dahil sa inis ay sinipa ni Elay ang katawan ng patay na puno na nadaanan namin.
"Abat bakit mo sinipa yung puno?" Galit na tanong ni Jao.
"Eh sa galit ako eh. At tsaka bakit ikaw yung galit eh hindi naman ikaw yung sinipa-"
Biglang natigilan si Elay nang biglang may narinig kaming kalabog sa likuran namin. Bahagyang yumanig ang lupa na ikinagitla naming lahat, maliban kay Jao na napa face palm at sinabing "Lagot kang bata ka"
"Sino yung walang hiyang tampalasan na umistorbo sa pagkakatulog ko?!!" Mula sa likod ay may narinig kaming sumisigaw.
Nilingon namin ito at sabay na napanganga dahil sa gulat.
Padabog na naglakad ang nilalang patungo sa amin.
"Sino sa inyo ang sumipa sa mukha ko habang natutulog ako?" Tanong ng nilalang. Dahil sa taas nito na kasingtangkad ni Jao ay bahagya itong yumuko upang maipantay ang mukha niya sa aming tatlo.
"Wow!" Bulalas ko. Isa na namang kakaibang nilalang ang tumambad sa aming harapan na tanging sa mga libro't pelikula lamang namin nakita.
Nakatayo ngayon sa aming harapan ang isang e
ent, isa itong punong mayroong buhay. Ang dalawang sanga na nasa magkabilang tagiliran nito ang nagsisilbi niyang kamay at ang mga ugat naman ang kanyang mga paa. Napuno ng lumot ang mukha niya na tila nagmistulang balbas. Nagkabitak-bitak ang mga tuyong balat nito sa buong katawan. Sino nakakita nung scene ng Lord of the Rings kung saan nakasalamuha ng dalawang batang hobbit ang isang ent? Ganun na ganun ang itsura niya. Hindi malabong magkamag-anak sila nun.
"Tutunganga na lamang ba kayo diyan o baka naman gusto nyong sagutin ang tinatanong ko? Sino ang sumipa sa akin?!" Galit na tanong nito.
"Siya po" turo namin kay Elay.
Binalingan niya si Elay na noo'y nakatulala parin at parang labis na nagulat nung makita siya.
"Tsk.. sabi ko sayo eh" wika ni Jao.
"Ikaw pala ang tampalasang nilalang na umistorbo sa mahaba kong pamamahinga" wika ng ent na inilapit ang mukha sa kaibigan namin.
"S-sorry" nanginginig na wika ni Elay.
"Sorry?!" Nanlilisik ang dilaw na mga mata nito na parang may hipatitis dahil sa galit at sinuntok ng ubod ng lakas ang bahagi ng lupa malapit sa amin. Sa lakas ay yumanig ito at umuka.
Napalunok ako ng laway. Parang maling ma starstruck ako sa kanya.
"Tama na yan" saway ni Jao.
"Huwag kang makialam dito Binay" masungit niyang tugon kay Jao. Wtf bakit Binay? "Tuturuan ko ng leksyon ang batang ito."
"Mga bisita ko sila. At kagaya ni Lakay ay isa silang manlalakbay"
Lumingon ang ent kay Jao na para bang nagulat ito sa kanyang narinig. Pati kami ay nagulat rin. Ano ang ibig sabihin ng sinabi niyang isa kaming manlalakbay? At tsaka sino yung sinasabi niyang Lakay?
Muling ibinalik ng puno ang tingin sa aming tatlo at masusi kaming pinagmasdan. Creepy nga lang dahil inilapit niya nang husto ang muha niya sa amin na para bang ano mang oras ay gusto kaming sunggaban sa liig.
Ngumiti ito sa amin.
"Akalain mo nga naman" wika niya. Sa tono ng boses nito ay parang kalmado na siya.
Bigla itong sumimangot na ikinabitin ng pagkapayapa ng aming kalooban.
"Hmm.. talaga ba?" Tanong nito na lumingon kay Jao. "Bukod sa wala akong nararamdamang kakaiba ay para lang silang mga kaibigan ni Doraemon" Bakit niya kilala si Doraemon?
"Hoy Damulag!" Tawag niya kay Elay.
"H-hindi po ako si Damu-"
"Wala akong pakialam basta ang gusto kong itawag sa iyo ay Damulag dahil magkamukha kayo" usal ng ent. Natawa kami ni Levi sa sinabi nito.
"Bukod sa malakas kumain ay wala akong maramdamang kakaiba sayo"
Pagkatapos nitong kausapin si Elay ay bumaling ito sa akin.
"At ikaw naman.. Nobita"
"P-po?"
"Sa inyong tatlo parang ikaw ang pinakamatalino"
"Naku tama po kayo" sagot ko na may halong pagyayabang.
"What is the square root of 2526.7728.8289.99?"
Huh?
Ano ulit yun??
"Ikaw naman" wika niya nang bumaling ito kay Levi. "Soneyo"
Napahagikhik kami ni Elay.
"L-levi po-"
"Wala akong pakialam basta yun ang gusto ko!" Usal muli ng puno. "Nakikita ko sa mga mata mo ang labis na pagpapahalaga sa kalikasan. Keep it up"
Tumango lang si Levi sa sinabi ng puno.
Bigla siyang umayos sa pagtayo at may ibinulong kay Jao.
"Sigurado kaba sa mga uhuging ito? Para lang silang mga kutong lupang walang pakinabang" Walanyang puno. Hindi niya ata alam kung paano bumulong sa kausap.
"Uhuh.. mukha lang silang inutil at mga tanga pero maniwala ka sa akin, hindi pa ako nagkakamali sa mga kutob ko" bulong din ng kapre pero dahil sa lakas ng boses niya ay malinaw din naming narinig. Mga tampalasang nilalang!
Tumingin ang puno sa amin.
"Kung ganun ay kailangan natin silang dalhin sa Paraiso" wika ng ent.
"Iyon nga ang plano ko. At pupunta na kami dun bago pa mag umaga" sagot ni Jao.
"Ahum.. ahm mawalang galang na po sa inyo" bulalas ko.
"Bakit?"
"Pwedeng picture muna tayo?"
"Huh?" Sabay nilang turan.
Isinet ko sa timer ang camera at sa unang pagkakataon ay naganap ang kauna-unahang photo shoot naming tatlo kasama ang dalawang maalamat na nilalang.
Nagkahiyaan pa ang dalawang higante nung una dahil hindi nila alam kung anong posing ang gagawin nila. Hindi naglaon ay nakaangat na ang isa nilang kamay at naka peace sign na kalaunan ay naging rock sign hanggang sa naging dirty finger habang nakalabas ang mga dila. Creepy! Isisend ko sa inyo picture namin pag nakauwi ako sa syudad promise.
"Tag nyoko pag na upload nyo sa fb yun ha" wika ng puno.
Tumingin kaming tatlo sa kanya. May fb siya?
"Ahumm" ubo ng kapre. "Kailangan na nating pumunta sa Paraiso"
"Ano po bang mayroon sa Paraiso?" Tanong ni Levi.
"Fruit of knowlegde" sagot ni Jao
"Huh?"
"Mayroon lang tayong pupuntahang matandang hukblobang ulyanin na ermetanyo para siguradohin ang isang bagay" sagot ng kapre.
"Ano ang ibig nyong sabihin?" Tanong ni Elay.
"Isa yung mahabang kwento" tugon ng ent.
"Pero-"
"Saka na namin sasabihin sa inyo kapag nandun na tayo sa Paraiso" sabat ni Jao. "Ang mabuti pa ay makisaya muna tayo saglit" dagdag niya.
"Saan?" Tanong namin?
"Sumunod kayo sa amin" sagot ni Jao na agad naunang maglakad.
Agad din kaming sumunod.
Mula sa di kalayuan ay may natatanaw kaming malaking liwanag. Habang papalapit kami rito ay unti-unti din kaming nakakarinig ng mga boses na naghihiyawan. Parang mayroong nagaganap na kasiyahan.
Tumambad sa aming harapan ang malaking entablado. Kasalukuyang may mga tao esti lamang lupa (ano paba?) na nagpapakitang gilas sa acrobat.
Nagpalakpakan ang mga manonood dahil sa galing ng mga nagpiperform. Saan kayo makakakita ng mga taong unggoy na nagpa tumbling-tumbling sa isang posisyon habang bumubuga ng apoy at naglalaro ng bowling? Dito lang sa mundong hindi ko pa alam kung anong tawag. May iba pa silang ginagawa pero ayoko nang sabihin dahil baka magkabuhol-buhol lang ng utak niyo sa kaka imagine.
Nang matapos ang mala America's got Talent na performance ay biglang nagsalita ang anouncer na tikbalang sa gitna ng entablado.
"Maraming salamat sa amezeng acrobayotic braders!" Puchang group name yun.
"At ito na ang pinakahihintay nating lahat!!"
Biglang naghiyawan ang mga ta- esti mga lamang lupa sa paligid. Ang iba ay sumisipol pa at nagtatatalon sa excite.
"Anong meron?" Tanong ni Elay kay Jao at sa puno.
"Lalabas na yata ang highlights ng gabing ito" sagot ni Jao. Wow! Eh yung nakita namin kanina hindi paba higlights yun? Malamang baka may ibang magpiperform na mas nakakabilib kaysa ginawa ng mga taong unggoy kanina. Malay namin baka magpapakitang gilas itong inaabangan nilang lahat sa husay sa pagluluto habang naliligo na nagjajumping rope. Rare talent din yun.
Biglang nahawi sa gitna ang mala theater na kurtina at mula doon ay lumabas ang isang nilalang na may dalang gitara habang tinutogtog ang intro ng sweet child of mine ng Gun's n Roses. Nakasuot ito ng pulang balabal na para bang sasabak sa boxing. Nakasuot ito ng itim na skinny jeans at may suot na puting gloves ang dalawang kamay. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil natatakpan din ito ng hood.
Hiyawan naman ang mga manonood pati narin ang kasama naming ent at kapre.
"Pucha sino yan?" Gitlang tanong ni Elay.
"Si Slash ata yan" sabi ni Kiko.
Biglang itinigil ng nilalang ang pagtugtog sa gitarang nakasabit sa kanyang liig.
Naglakad ito palapit sa mikropono.
"Okey ba tayo dyan mga chong?" Tanong niya sa mga mga lamang lupang narito. Naghiyawan muli ang mga manonood at sabay-sabay na nag thumbs up sa nilalang.
"Simulan na natin ang alamat"
Teka, parang pamilyar yung katagang sinabi niya ah.
"Sabi ng kaibigan kong mayabang na ama niya daw si Barrack Obama. Papatalo ba ang inyong lingkod? Syempre sinagot ko siya ng... pucha, anak pala kita? Orayt! Rakenrol toda bones wooh!!" Pagkatapos ng sinabi niya ay pinatugtog niyang muli ang intro ng sweet child of mine.
Hiyawan at tawanan ang mga manonood.
Wtf si Ryan Remz yun! Hindi ako maaaring magkamali. Pa'no siya napunta rito?
"Pumunta nga pala ako sa Pentagon kahapon upang bisitahin si Osama Benladin. Pero nagulat ang lahat ng guwardiya, at sinabi nila... Si Osama si Osama nakatakas. At hinabol nila ako. Orayt rakenrol toda bones wooh!!"
Hiyawan at tawanan muli ang mga manonood
Wtf! Ang sarap mag walk out habang nag momoonwalk. Sa lahat talaga ng kumdyante ay sa kanya lang ako hindi natatawa. Ewan ko ba.
"Kaya tumakbo nalang ako at nagtago sa white house wooh!" Pahabol niya.
Namutawi ang tawanan at hiyawan sa buong paligid. May narinig pa akong sumigaw na "Isa ka talagang tunay na alamat!!". Pati rin ang mga kasama ko ay hindi nakatakas. Humagalpak rin sila ng tawa at parang naluluha na ang mga mata. Sarap umiyak kasi ako lang mag-iisa ang hindi tumatawa.
"Sabi nila, don't talk to stranger daw. Pucha eh sino ba yang si Stranger na yan at papatayin ko. Orayt rakenrol toda bones wooh!!"
"WAHAHAHAHA!!" Tawa ng lahat.
Mahabaging Bathala, iligtas nyo po ako mula sa bangungot na ito.
Nang humupa na ang tawanan ay nagpasalamat na si Ryan Rems sa mga manonood.
Pero pagkatapos niyang magpasalamat ay nagsalita siyang muli.
"Mga chong! Tayong lahat ay narito upang magsaya kaya gaya ng nakagawian ay magsasaya tayo!!"
"Woooh!!" Sigaw ng lahat kasama na diyan pati mga kaibigan ko.
Sa likod ni Ryan Rems ay may tatlong lamang lupa ang lumabas at nag-aayos ng mga music instruments.
Biglang pinagtugtog ni Ryan ang kanyang gitara. Nung una ay hindi ko matukoy kung anong kanta ang tinutugtog nila ngunit hindi naglaon ay naging pamilyar ito sa akin. Lalo na nung sinimulan niya nang kantahin ang unang stanza nito.
"Pupunta tayo sa isang... paraiso"
Alam ko ang kantang yun ah. Gabi ng lagim ang title nun. Magkaboses pa sila ng bokalista ng bandang yun.
"Kasama natin ang mga duwende't mga engkanto"
Biglang nagtalunan ang ilang mga duwende patungo sa entablado at ilang mga nilalang na hindi ko kilala.
"Magsasayawan, magkakantahan
Kasabay ng nakakaindak na musika ay nagsayawan ang lahat ng narito. Pati kami ay nakisayaw narin.
mag-iinuman sa ilalim ng bilog na buwan"
"Kasama rin natin ang mga tikbalang, manananggal at tsaka mangkukulam"
May mga tikbalang rin na tumalon patungo sa entblado. At ang ikinagulat ko sa lahat ay ang paglipana ng mga manananggal na malayang nagliliparan sa paligid. May matandang babae rin na buhaghag ang buhok at may dalang kahoy na ginawa niyang tungkod. May kwentas itong mga bungo ng hindi ko matukoy na hayop. Marahil ay iyon ang mangkukulam na sinasabi sa kanta.
"Si pareng kapre ang siyang bahala aah sa yosi na ating sisindihan"
Dala ang isang kaha ng Marlboro ay tumakbo si Jao patungo sa entablado. Nagulat pa nga ako nung may ibang mga kapre pa ang nagsibabaan sa mga puno at nakisaya narin.
"Wag kang matakot, hindi nila tayo sasaktan dahil sa saya ng gabing nagdaan"
Kung sino man nakakita sa inyo ng music video ng kantang yan ay masasabi kong walang-wala yun kumpara sa mga nasaksihan ko. Para kaming umattend ng halloween party at kami lang yung hindi naka halloween costume na kung tutuusin ay kami naman talagang lahat dahil totoong mga aswang at lamang lupa ang kasama namin ngayong nagsasaya. Wooh!! Party party!!
Nagpatuloy lang sa pagkanta si Ryan. Hindi namin namalayan na sa patuloy na pag-indayog namin dahil sa nakakaindak na musika ay pumunta na pala kami sa gitna at nakikipagsayawan sa mga aswang at mga lamang lupa.
Sa harapan namin ay may mga babaeng kuba na nag tutwerk patalikod (fvck! Ang landi nila), hindi ko alam kung anong klaseng lamang lupa sila.
Nakakatawang panoorin na ang mga putol na ibabang bahagi ng katawan ng mga manananggal ay may sariling dance step. Nakaka bilib dahil parang may mga mata ang mga ito dahil hindi nagbabanggaan.
Samo't saring mga lamang lupa ang aming nakakasayaw. Iba't-ibang klase man at nakakatakot ang kanilang mga itsura ay iisa lang ang makikita mo sa kanilang mga mukha. At ito ay ang labis na kasiyahan!
Hanggang sa...
"Waahh!!" Bigla kaming napalingon sa babaeng tikbalang na sumisigaw. "M-mga tao!" Turo nito sa amin.
Biglang nagsitigil ang mga nagsasayawan nang marinig nila ang sinabi ng tikbalang. Kinalabit ko sina Elay at Kiko na noon ay walang ka malay-malay sa mga nangyayari.
Nahinto ang pagtugtog ng musika. Ang lahat ng mga lamang lupa ay nakatingin sa aming tatlo at gulat na gulat na para bang ngayon lang nila napansin ang presensya namin.
Napalunok ako. Pati narin sina Kiko at Elay ay halatang kinabahan. Baka mamaya niyan ay mag-unahan silang lapain kami.
"M-mga tao nga!!" Sigaw ng babaeng kuba habang tinuturo kami.
"Hi!" Nakangiting bati namin.
"WAAAHH!!!"
Halos madaganan nila kami ng bigla silang nagpulasan at nagtakbuhan sa iba't-ibang direkyson. Ang mga manananggal ay dali-dali binitbit ang kanilang putol na katawan at ang mga kapre naman ay nagmadaling umakyat sa mga puno. Parang lahat sila ay gustong makalayo agad mula sa lugar na ito.
Parang silang lahat ay takot na takot nang makita kami.
To be continued.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top