Kabanata 5: Bad(t) Man
Maraming antas ang pagiging tanga na ginagawa minsan ng isang taong matibay ang pananalig. Mayroong isinugal mo ang iyong buhay para sa iyong minamahal pero sa bandang huli ay ipinagpalit karin sa mukhang kawali. Kay saklap! nga naman. Pag-ibig pa more. Pero ang ginawa ni Kiko ay ang pinakataas na lebel sa lahat. Ang ilagay sa kapahamakan ang sarili upang kumuha ng litrato sa isang higante. As in watdapak lang talaga, anong nakain ng kumag na yun?
"Kiko!!" Naibulong nalang naming pareho ni Levi ang pangalan niya. Kapwa kami ay gustong sumigaw upang pigilan ang kaibigan namin pero hindi namin magawa dahil baka mas makapagbigay pansin pa kami sa higante. Anak ng 1 year old na batang nadapa at nasubsob ang mukha sa pupo ng aso naman oh! Anong trip niya at lumapit siya sa higante?
Lumingon lang siya sa amin at sumenyas na huwag daw maingay. At kami pa talaga ang binabalaan niya. Halos lumundag ang puso ko sa subrang kaba nung nasa paanan na siya ng higante. Gustohin ko mang tumakbo at hatakin siya pabalik ay hindi ko magawa dahil mistulang bato ako na nanigas sa aking pwesto. Pati si Levi ay ganun rin.
Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang bag at dinukot mula doon ang kanyang digi cam (digital camera kung di nyo alam,as if naman) at kaagad na tumingala at di nagdalawang isip na kunan ng litrato ang malaking nilalang.
Click!
Sandaling kumalat ang nakakasilaw na liwanag sa paligid, palatandaan na ginamit niya ang digicam upang kunan ng litrato ang higante. Halos humiwalay ang kaluluwa sa aking katawan dahil sa takot. Sapat na ang ginawa niyang iyon upang makuha ang atensyon ng higante patungo sa kanya dahil biglang yumanig ang buong paligid. Sunod-sunod na pagyanig. Kumapit kami ng husto sa mga ugat upang tingnan ang nagyayari. Tumatalon-talon ang higante kaya naman tumatalbog-talbog rin kami na parang bola. Ang akward pa nun dahil nagkayakapan kami ni Levi habang tumitili.
"AAAYY!!! OHMEYGED! M-MAY HUMANITSKIE!!!!!" umalingawngaw ang buong paligid dahil sa sigaw ng higante. Wtf!! Katulad namin ay tumitili rin siya dahil.... sa takot?
"HINDI KO KERI TO!! TAKBO NA ME!! SAKLOLO!!!" sigaw niya ulit.
Nasundan pa ng ilang pagyanig ang buong paligid hanggang sa unti-unti itong humina at ang mga yabag ng dambuhalang nilalang ay palayo ng palayo.
Natumba kami at pumaibabaw sa akin si Levi. Syit!! Ang gay ng posisyon namin.
Wala na ang pagyanig kaya naman agad kaming tumayo na hindi makatingin sa isa't-isa. Parang nag blush pa yata siya dahil sa nangyari samin.
"Guys okey lang ba kayo?"
Isang malakas na batok ang ang isinagot namin kay Kiko.
"Nababaliw ka naba? Bakit mo ginawa yun? Buti hindi ka natapakan!" Kahit di ko nakita ay parang lumabas ang ugat ko sa noo dahil sa inis.
"Eh siya pa nga ang natakot nung makita ako eh" nagkakamot niyang tugon.
"Kahit na, sana ay hindi mo ginawa yun" sermon ni Levi sa kanya na kumunot rin ang noo sa inis. Ganyan nga tol, pagalitan mo ang suwail na yan. "Pakita nga ako sa litrato" ngumiti siya. Traydor!!
Agad namang inabot ni Kiko ang digicam kay Levi. Pati ako ay nakisilip narin upang makita ang mukha ng higante.
Huh? Pareho kaming nagulat nung makita namin ang itsura nito.
Natawa si Levi. "Pucha! Si Shrek ba to?" Tanong niya. Di ko siya masisi dahil ang totoo niyan ay kamukhang-kamukha nga ni Shrek ang higante. Wtf lang. Kanina may nakita akong kapre na kamukha ni Yao Ming at Michael Jordan tapos ngayon naman ay higanteng kamukha ni Shrek? What a beautiful creatures.
"Oo nga nuh!" Bulalas ko. "Paano napunta si Shrek dito sa Pilipinas?"
"Ang tanong ay kung nasa Pilipinas paba tayo." Sagot ni Kiko.
"Hindi si Shrek yun, hindi naman siya ganun kalaki eh. At tsaka natitiyak kong nasa Pilipinas parin tayo dahil narinig nyo namang nagtagalog ang higante kanina" tugon ni Levi. Oo nga pala, tagalog yung linggwahe niya nung tumitili siya.
"Pero ang ipinagtataka ko ay bakit siya natakot sakin?" Ani Kiko.
"Malamang sa liit mong yan ay nagmukha kang ipis sa paningin niya" sagot ni Levi.
"O kaya galis na sumo wrestler" dagdag ko.
"Ulul!" Nag dirty finger siya sakin.
"Elay, diba sabi mo kanina ay nakakita ka ng kapre?" Tanong ni Levi.
"Oo. Kapre na kamukha ni--arrgg... ayoko nang alahanin yun, kinikilabutan ako pag naalala ko ang mukha itsura niya."
"Bakit Levi?"
"Malamang ay nasa ibang dimensyon na tayo" sagot niya na obvious naman.
"What??!" Gulat kunwari na reaksyon ko.
"Oo. At hindi normal na mga nilalang ang mga nakatira rito" dagdag ni Kiko.
"WHAT??! Kapre at higante hindi normal? Paanong nangyari yun?"
"Ulul!" At sabay silang nagdirty finger sa akin.
"So ano nang gagawin natin?" Tanong ni Kiko.
"Ano pa, edi bumalik sa mundo natin" sagot ko.
"Huwag muna" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Levi. "Total narito narin lang tayo ay alamin muna natin kung ano ang nangyari kay lolo."
"Oo nga naman" tugon ni Kiko.
"Kayo na mismo ang nagsabi na hindi ordinaryo ang mga nakatira dito tapos may balak kayong magtagal sa lugar na ito? Nababaliw naba kayo?"
"Oo!" Sabay nilang sagot. Mga baliw nga.
"Kung gusto nyong mamalagi dito pwes ako hindi" nagsimula akong maglakad patungo sa punong pinagluwaan namin kanina. Wala na roon ang lagusan pero natitiyak kong kaya ko ulit buksan yun.
"Diba gusto mo ng adventure? Ito na yun" ani Levi.
"Adventure kayo dyan. Muntikan na nga tayo kanina tapos may adventure pa kayong nalalaman"
Huminto ako sa tapat ng puno. Buo ang desisyong kung bumalik sa bahay sumama man sila o hindi.
"Open sisame" wika ko.
Gaya nung una ay dahan-dahang bumuka ang katawan ng puno at nagkaroon ng malaking uka na magsisilbing lagusan pabalik sa mundo namin. Pero imagination ko lang yun dahil sa totoo ay ilang beses ko nang sinabi at isinisigaw ang katagang yun pero walang lagusan na bumukas.
Anak ng plema na ipinahid sa kalbong ulo ng natutulog na si Mr. Clean!! Bat ayaw bumukas?
"Wahaha ayaw bumukas" kantyaw ni Kiko Matsing.
Sinigaw ko ulit ang password pero wala paring nangyari. Sinipa ko ng malakas ang katawan ng puno dahil sa inis.
"Parang hindi yan ang password palabas" ani Levi.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sa tingin ko ay kailangan nating maghanap ng makakatulong sa atin para makalabas dito" sagot ni Kiko. Gusto mo lang makihalubilo sa mga beautiful creatures dito eh.
"Sang ayon ako dyan"
"Hoy anong pinaplano nyo?" Tanong ko sa dalawang nakangiti kong kasama. At hindi ko gusto ang mga ngiting yun.
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
"Waaahh bitiwan nyoko!!!" Hiyaw ko. Pinagtulongan nila akong hatakin. Kasalukuyan naming binabaybay ang masukal na kagubatan nang hindi alam kong saan papunta.
"Tumahimik ka nga. Baka mamaya niyan may halimaw na makarinig sayo" babala ni Levi. Napalunok ako ng laway sa sinabi niyang yun kaya tumahimik agad ako.
"S-saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Hindi ko pa alam" sagot ni Levi.
"Di mo naman pala alam eh. Bitiwan niyo na nga ako"
Patuloy kaming naglalakad sa malawak na gubat with matching dapa roon, dapa rito, gapang there and gapang here dahil minsan ay may mga kakaibang hayop kaming nadadaanan. As in literal na kakaiba. Nakakita naba kayo ng isang palakang may buntot na singlaki lang naman ng kotse habang nilalantakan ang isang di matukoy na hayop na kakahuli niya lang, pwes kami oo. Kung hindi lang tinakpan ang aking bibig at kumapit ng mahigpit sa akin ang dalawa kong kasama ay malamang tumakbo na ako habang tumitili sa takot. Mayroon ding aakalain mong isang maamong tuta pero kapag nagalit ay bigla nalang magkakamasels ang buong katawan at walang pinaggugutay ang sanga ng puno na nahulog sa ulo niya. Kawawang sanga. Pareho kaming napalunok sa aming mga nasaksihan. Ibayong pag-iingat ang dapat naming gawin dahil kung hindi ay baka hindi na kami sisikatan pa ng araw (kung may araw man dito).
Pero ang mas ikinagulat ko sa lahat ay nang makita namin ang isa pang uri ng mga hayop na katulad ng nakita ko sa may tabay. Papalit-palit ng kulay at... well as usual ay nagsasapakan silang lahat, ramble kumbaga dahil marami sila. Kulang nalang yata kumain kami ng popcorn habang nanonood ng Wreslte Mania ng mga hayop.
"Hindi ba kayo nagtataka?" Napatingin kami kay Kiko.
"Bakit?"
"Kung bakit maliwanag ang buong paligid kahit gabi naman"
Oo nga. Kanina ko pa sana gustong itanong ang tungkol dun kaso nawala sa isip ko dahil sa ganda ng paligid. Malinaw naming nakikita ang lahat dahil maliwanag ang buong paligid ng gubat. Hindi literal na maliwanag na kagaya ng umaga. Basta parang mayroong mga malalaking ilaw sa loob na hindi namin nakikita.
"Oo nga nuh. Kanina ko rin yan napansin eh" tugon ko.
"Tingnan nyo to" sabi ni Levi na bumunot ng isang damo.
"Di ako kumakain niyan" sabi ko.
"Baliw. Hindi yun ang ibig kong sabihin" aniya. "Tingnan nyong mabuti, parang umiilaw ang mga damong ito"
Tiningnan naming mabuti ang damong hawak ni Levi. Tama nga siya. Nagliliwanag ang mga ito. Hindi kami makapaniwala sa aming nakita. Paanong ang mga normal na damo (normal nga ba?) ay umiilaw?
Bumunot rin ako ng ilang hibla ng mga damo sa paligid. Si Kiko naman ay namitas ng ilang mga dahon sa mga halaman na malapit sa amin. Masusi namin itong pinagmasdan at kagaya ng mga damong hawak ni Levi ay nagliliwanag din ang mga ito. Nagkatinginan kaming tatlo. Iginala ang paningin sa paligid at pinagmasdang maigi. Saka lang namin napagtanto na ang mga puno't halaman ay nagliliwanag. Pati katawan at ugat ng mga puno ay ganun din. Para itong glow in the dark na bagay.
"Guys" sambit ko sa kanila. "Pwedeng sampalin nyoko?" Tulalang wika ko.
SLAPP!! PAKK!!
"Aray ba't nyoko sinampal?" Parang namaga yata ang magkabilang pisngi ko pagkatapos nilang sabay-sabay sampalin.
"Sabi mo sampalin ka namin" sabay nilang sagot at humagikhik pagkatapos. Mga tampalasan!! Niliteral ba naman ang sinabi ko. Buti sana kung mahinang sampal lang ang ginawa nila.
"At tsaka matagal ko nang pangarap yun wahahaha" sabi ni Kiko Matsing. May araw karing unggoy ka.
"Hindi nga ito panaginip" wika ko na kunwari nawala na ang hapdi ng pisngi. Kung hindi lang kami nagtatago dahil sa mga malahalimaw na hayop na narito sa gubat ay kanina pa ako nagsisisigaw sa hapdi.
"Para tayong nasa avatar world" ani Kiko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad with matching ganun parin dahil may mga kakaibang hayop parin kaming nadadaanan. Paminsan-minsan ay tumitigil kami kapag may narinig kaming mga kaluskos. Sa bandang huli at sa hindi inaasahan ay nakalabas na kami ng gubat. Mali. Nasa malaking bilog na kapatagan kami pero pinapagitnaan parin ito ng napakalawak na kagubatan. Naalala ko tuloy ang laban ni Naruto at Urichimaru nung tumapak kami sa kapagatang ito. Mas maliwanag ang paligid kumpara sa loob ng gubat dahil napakalaki at napakaliwanag ng bilog na buwan. Sa subrang laki nito ay parang napakalapit nito sa mundo. Idagdag mo pa ang mga nagkikislapang mga bituin sa langit na animo'y christmas lights na papalit-palit ang kulay. Nasa ibang mundo na nga talaga kami.
"Wow!" Nakangangang wika ni Kiko na dali-daling kinuha sa sisidlan ang telescope niya.
Hindi man kami kagaya ni Kiko na mahilig tumingin sa kalangitan tuwing gabi ay hindi naman namin maiwasan ni Levi ang mamangha sa kagandahan nito. Tila napakapayapa ng gabi dahil sa tanawing minsan lang masasaksihan ninoman. Ang swerte namin.
Napatda kami nang biglang may natanaw kami na malaking bagay na lumilipad. Tinakpan na nito ang gitnang bahagi ng buwan. Iaangat na sana ni Kiko ang kanyang telescope upang tingnan kung ano ang bagay na lumulutang na yun nang biglang umihip ang malakas na hangin. Literal na malakas dahil parang inililipad kami nito kaya naman ay napakapit kami sa isa't-isa. Dahil dun ay hindi naituloy ni Kiko ang gagawin niya.
Nanatili kaming nakatingala at nakikita naming unti-unti itong lumalaki--mali, unti-unti itong lumalapit patungo sa amin. Doon namin nakitang mabuti kung ano ang lumilipad na yun. Para itong isang malaking paniki at sa lapad ng pakpak nito ay halos matakpan ang buwan sa kanyang likod.
HUWAAK!!
Kahit alam naming nasa malayo pa ito ay umalingawngaw ang matinis na tinig nito na parang kay lapit lang mula sa amin.
Umihip muli ang malakas na hangin, kasabay nun ay ang mabilis na paglapag ng malaking paniki sa aming harapan. Tumiklop bigla ang mga pakpak nito na lubhang ikinagulat namin maliban kay Kiko na ilang beses na pa Wow!.
"Hmm.. mga taga lupa" wika nito. Tumayo ito ng matuwid at doon namin napagmasdang maigi ang kanyang anyo. Kahit sa panaginip ay hindi ko pinangarap na makakita ng ganun kapangit at nakakatakot na nilalang. Ang katawan nito ay kurteng tao at parang limang taon nang hindi kumakain dahil sa subrang payat. Ang mukha niya ay parang pinaghalong mukha ng mababangis na hayop na nakakasuka kung ilalarawan ko pa (or hindi lang talaga ako marunong). Nanlilisik ang dilaw na mga mata nito at base sa ekspresiyon ng mukhang yun ay parang natutuwa itong makita kami.
"Paano kayo napadpad rito?" Tanong niya na pagkatapos ay inilabas ang mala ahas na dila na para bang manyakis sa kanto na nakakita ng seksing bakla na dumaan.
"Batman?!!"
Huh? Pareho kaming nagulat dahil sa tinuran ni Kiko. Ang tinutukoy niya ba ay ang halimaw na nasa harapan namin? Kung ganun man ay mayroon na palang pangit version si Batman.
"A-anong batman?" Nagtatakang tanong ng halimaw.
"Hindi ba ikaw si Batman? Taong paniki ka diba?" Sagot niya na walang kakaba-kaba habang kaming dalawa ni Levi ay hindi na makagalaw dahil sa subrang takot.
Nakakapanindig balahibo na tumawa ang halimaw. "Nakakatuwa ka tagalupa"
Bigla niyang ibinuka ang mga nakatiklop na pakpak at biglang dapa sa lupa at pomosisyon na parang aatakehin kami. Hindi pala "parang" dahil mabilis itong lumundag patungo sa amin para umatake. Kapwa naparalisa ang aming mga katawan dahil hindi namin ito magalaw para umilag man lang sa pag-atake ng halimaw. Siguro dahil sa takot yun. Parang nag slow motion ang lahat at malinaw naming nakikita ang dahan-dahang pagbulusok ng halimaw papunta sa aming tatlo. Nakangiti nitong inangat ang kamay na may mala Wolverine na mga kuko (Maygad!) upang laslasin kami. Kuminang pa ang mga ito nang masinagan ng liwanag ng buwan. Sa subrang talas siguro nun ay hindi mo mararamdamang humiwalay na ang ulo mo sa iyong katawan kapag nahiwa ka nito.
Cick!
Biglang kumalat ang panandaliang nakakasilaw na liwanag. Dahil dun ay bumagsak ang halimaw at sumubsob ang mukha sa lupa. Napatingin kami sa pinagmulan ng liwanag na iyon. Nakita naming itinutok ni Kiko ang kanyang digicam sa halimaw. Nakakamanghang kahit sa ganoong sitwasyon ay kalmado parin siya. Hindi ko masabi kong ginawa niya ba iyon para pigilan ang pag-atake ng halimaw o sa sariling pansariling iteres nito.
"Ang ganda ng pagkakakuha" wika niya habang tinitingan ang screen ng camera. Sabi na eh.
"Grrr!!" Biglang gumalaw si Bat- esti yung halimaw at akmang tatayo na. Sa pagkakataong iyon ay naigalaw na namin ang aming mga katawan at naging alisto sa maaring gagawin ulit ng halimaw.
Dahan-dahan itong tumayo. At base sa nakikita ko ay parang naluluha ang mata nito sa hapdi. Siguro dahil nga taong paniki siya kaya mailap sa nakakasilaw na liwanag ang mga mata niya.
"Grrr.. ikaw ang una kong gugutayin" nanggagaliiting sigaw ng halimaw. Mabilis itong tumayo at lumundag patungo sa kaibigan naming na noo'y busy sa pagtingin sa camera. Dahil sa bilis ng halimaw ay hindi namin nabigyan ng babala ang kaibigan naming tanging punterya niya.
"KIKO!!"
Huli na nung tumingin si Kiko sa amin sa lumilipad na halimaw papuntan sa kanya. Nakangisi ito at nakalabas ang purong pangil na mga ngipin upang sunggaban siya. Naipikit ko nalang ang mga mata ko. Ayokong makita nang harapan ang maaaring masamang mangyari sa aking kaibigan.
BAGG!!
"Uhm uhm.. don't you dare to kill these little kidda ma nigga"
Napamulat ako nung marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Sa harapan namin ay may isang malaking nilalang na nakatalikod. Matipuno ang mabalahibong katawan nito. Suot ang jersey ng Chicago Bulls na may tatak number 23 at sa taas nito ay ang apelyidong Jordan.
Bahagya siyang lumingon sa amin. Ginaya ang pangiti ni Yao Ming.
"Okay lang va kayo diyan?" Tanong niya na may mala american accent. Wtf! Si Kaprekano nga.
"Bakit ka nakikialam dito?" Naiinis na tanong ni Bat- ng halimaw nang tumayo ito.
Sa halip na sumagot si Kaprekano ay humithit lang ito ng sigarilyo at bumuga ng makapal na usok.
"Trip ko lang" taas noo nitong sagot.
"Graah!!"
Sa inis ay mabilis na sumugod ang halimaw kay Kaprekano. Pero namangha kami dahil gamit lang ang isang kamay ay walang kahirap-hirap na pinigilan ang nagwawalang halimaw.
"Wahahaha" tawa niya na katulad kay Sakuragi (kilala nyo yun). Lalo namang nagwala ang halimaw dahil hindi niya maabot ang katawan ng kapre dahil hawak ng malapad na palad nito ang ulo niya na nagmistulang bola sa liit.
Ang hindi inaasahan ng kapre ay nang abutin ng halimaw ang kamay niyang nakahawak sa ulo nito. Gamit ang matatalas na kuko ay sinagpang siya ng halimaw. Tumulo ang dugo mula sa mga sugat na tinamo ng kapre.
Natigil ang pagtawa nito. Rumehistro sa masaying mukha ang seryosong ekspresyon. Kumunot ang noo at nanlisik ang mga mata niya sa galit. Napalunok si Batman na parang pinagsisihan ang ginawa niyang pagsugat sa kamay ni Kaprekano.
BLAG!! PUSHGG!! BOSSHGG!!
Sing bilis ng kisapmata ang naganap at tanging tunog na kumakalampag na katawan ng kaawa-awang halimaw na ilang beses humalik sa lupa ang tanging naririnig namin. Hindi pa nakuntento ang kapre at biglang inikot-ikot sa ere ang katawan ni Bat- esti ng halimaw at buong lakas na ibinalibag. Nangisay ito dahil sa sakit na nararamdaman. Para lang kaming nanood ng labananang Under Taker vs. Rene Requistas na malabo naman talagang mangyari sa kasaysayan.
"GRAAHH!!! Matitikman mo ngayon ang batas ng isang api!!" sigaw ni Kaprekano na tuloyang nilamon ng galit at paghihigante. Pero teka, pamilyar yung katagang sinabi niya ah.
Dinampot niyang muli ang nakabulagtang halimaw at inihagis sa ere. Nang bumulusok na pababa ang katawan nito ay agad niya itong sinalo at buong lakas na niyakap.
CRACK!
Nakakakilabot pakinggan ang tunog ng nagkabaling-baling buto ng lumopaypay na katawang wala ng buhay.
Pareho kaming napalunok dahil sa ginawa niyang iyon. Kahanga-hanga atdesimtaym (atak mga spelling expert) katakot-takot ang ipinakitang gilas ng malaking nilalang. Kahanga-hanga dahil sa loob lamang ng limang segondo ay walang kahirap-hirap na iniligpit ang kaaway na gustong kumatay sa amin. At katakot-takot dahil sa kabila ng pagka magiliw niya ay mayroon palang nakakubling delikadong pagkatao na hindi mo gusgustohing makita. Parang nagdalawang isip na yata ako sa sinabi kong ingungod-ngod ko ang mukha niya sa bato kapag nagkita kami ulit.
Itinapon niya ang katawan ng wala ng buhay na halimaw.
Umalisto kami nung bigla siyang naglakad palapit sa amin. Pati si Kiko ay ganun rin ang ginawa. Marahil batid niyang mas delikado pa ang malaking nilalang na iyon kaysa sa halimaw na umatake sa amin kanina. Kahit alam naming wala kaming laban ay pomosisyon kaming tatlo at nakahandang salagin kung saka-sakaling atakehin niya kami.
"Hey hey hey! Hindi nyoko kalavan" nakataas ang dalawang kamay niya na parang sumusuko ng sabihin niya yun.
"Sino ka?" Tanong ni Levi.
"H-hindi ako sinuka" sagot ng kapre. Wala kanang makikitang senyalis na nakakatakot sa itsura niya. Sa madaling salita ay bumalik na ang pagka magiliw nito dahil nakangiti ito na parang muka ni Yao Ming na ginawang memis sa facebook. Ganun paman ay hindi parin kami nagpakita ng kumpyansa dahil baka patibong lang ang ngiting niyang iyon.
"D-diyan ka lang. Huwag kang lumapit" nanginginig kong babala sa kanya.
"At ano naman ang gagawin mo kapag lumapit ako?" Humakbang siya palapit sa akin at bahagyang yumuko upang magpantay kami. Dahil sa nerybyos at gulat ay nawalan ako ng balanse at natumba.
Tumayo siya ng matuwid nakapameywang ang dalawang kamay.
"Wahaha!" Ginaya niya ulit ang tawa ni Sakuragi na kung tutuusin ay mas nagmukha siyang si Gory dahil sa kapal ng labi niya. May sayad ba siya? Kanikanina lang ay para siyang isang demonyong nagwawala tapos ngayon naman ay tatawa-tawa?
"Ang fangalan ko nga fala ay Phil Younghandsome" sabi niya.
"WHAT?!!"
"PUCHA ANO?!!"
"MAHABAGING BATHALA!!"
Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong Adam's apple dahil sa sinabi niya. Wtf!! Otor ikaw na naman may pakanan nito? Leche ka talaga!!
"Joke joke joke! Wahahaha!!" Napahawak siya sa tiyan niya. Lakas ng tama ng kapreng ito.
"Binavati ko kayong tatlo sa pagdating ninyo sa mundo namin. Its my pleasure to guide you" nag vow siya sa aming harapan na para bang nagbibigay galang. Bigla niyang inabot ang kanyang kamay. "Ako nga fala si...."
To be continued......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top