Kabanata 4: Portal
Paglabas namin ng bahay ay agad na sumalubong sa amin ang malamig na hangin, mabuti nalang talaga at nakajacket kami pero ramdam ko pa rin ang kaunting ginaw.
Napatingin kami sa napakalaki at napakaliwanag na buwan na tumambad sa aming tanawin. Kita ang paligid dahil sa lakas ng liwanag nito. As expected ay nakatulala na naman itong pinagmasdan ng kaibigan namin na kulang nalang ay sumigaw ng "Oh Diyos ko! Nasa langit naba ako?!" Na hindi niya magawa dahil nga palihim lang kaming lumabas ng bahay.
Agad kaming nagtungo sa likod ng bahay kung saan naroon ang malaking puno ng acasia. Dahil sa yabong at laki ng puno ay hindi gaanong nasisinagan ng liwanag ng buwan ang ilalim nito kaya naman kanya-kanya na naming binuksan ang dala naming mga flash light.
Agad naming itinuon ang mga ilaw sa likod ng puno kung saan lumabas ang lolo ni Levi kanina. Magulo at nakakapagtakang isipin na kahit isang bakas o palatandaan man lang ay hindi mo makitaan na may dumaan sa parteng iyon. Ni hindi man lang nahawi ang mga matataas na damo at ilang mga maliit na halaman sa gawing yun. Na dinaanan ni Lolo Daniel.
"Sigurado ba kayong dito galing si Lolo Daniel kanina?" Nagugulumihanang tanong ko sa kanila.
"Ay hindi kundi doon" turo ni Kiko sa malayo. "As if naman hindi mo nakita kanina kaya ka nagtatanong" pilosopong sagot niya. Sarap batukan!
"Hindi kaya ay nanggaling siya dun?" Turo ko sa masukal na gubat na ilang distansya lang ang layo mula sa likod ng puno.
"Hindi. Sigurado akong diyan galing si lolo, nakita nyo naman kanina diba?" Tanong ni Levi. "At ilang beses ko narin siyang nakitang diyan lumalabas sa tuwing inaantay ko ang pag-uwi niya" dagdag niya.
"So anong gusto mong palabasin? Na mayroong sikretong lagusan sa parteng iyan na pinanggalingan ng lolo mo? Kay hirap naman yata paniwalaan yun. Hindi ito Alice in the Wonderland na may sikretong portal sa loob ng puno patungo sa ibang dimensyon..... teka teka bakit kayo nakatingin sa akin ng ganyan?" Tanong ko sa kanila na nakangiting nakatingin sa'kin. Kinilabutan ako sa kanilang dalawa eh.
"Minsan talaga naitatanong ko sa sarili ko kung sinasadya mo lang magpakatanga o kung saka lang gumagana ang utak mo kapag nasa ganitong sitwasyon tayo" sabi ni Kiko. Hindi ko alam kung pinupuri niya ba ako sa sinabi niyang yun o mas lalo niyang ipamumukhang tanga ako.
"Bakit, ano bang ginawa ko?"
"Ay tanga ka pala talaga" napa face palm siya. Sabi na eh. E kung iface palm kaya kita gamit pwet ko? Pero malamang hindi na face palm tawag nun kundi face a$$ haha.. ok alam kong kurni.
"Tara" bulalas ni Levi. Medyo nagulat ako nang maglakad siya papunta sa likod ng puno. Agad din namang sumunod sa kanya si Kiko. Seryoso? Naniwala silang may mahiwagang lagusan diyan patungo sa ibang mundo?
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanilang dalawa.
Tumigil kami eksakto sa likod ng puno pero nasa tapat na kami nito dahil nga nagpunta kami sa likod. Ikaw na ang bahalang umunawa dahil wala akong panahong magpaliwanag.
Agad nilang pinaghahawi ang mga damo at mga halaman upang hanapin ang mahiwagang lagusan. Pati ako ay nakihanap narin para makasabay sa trip nilang finding the magic portal na kung tutuusin ay para lang kaming naghahanap ng itim na kuliglig (kung meron man nun) sa gitna ng dilim.
"Oh may nakita ba kayo, diba wala?" Ika ko nang tumigil kami sa paghahanap.
"Pero sigurado ako eh. Dito lang talaga lumalabas si lolo sa tuwing umuuwi siya" wika ni Levi.
"Tss.. saan kaya natin hahanapin ang sikretong lagusan na yun?" Dismayadong wika ni Kiko na halatang hindi excited makapunta sa ibang dimensyon.
"Baka may password haha!" Biro ko. At sa ikalawang pagkakataon ay tiningnan na naman nila ako. Teka wag nilang sabihing naniwala na naman sila sa sinabi ko?
"Alam mo bilib na talaga ako sayo-"
"Okey salamat sa papuri mo" putol ko kay Kiko.
"Teka di pa ako tapos magsalita" reklamo niya.
"Okey na nga ako dun sa narinig kong bilib ka sa akin kaya wag munang dugtungan dahil... teka nga! Wag nyong sabihing pati ba naman sa password ay naniniwala kayo?" Tanong ko sa kanila na agad namang nagsitango. Leche! Kung sabihin ko kaya sa mga lokong ito na magkapatid si Hello Kitty at si Doraemon maniwala kaya sila?
"Ang tanong, ano ang password?" Wika ni Kiko habang nakadiin ang hintuturo sa baba niya na tila nag-iisip ng malalim. Pati rin si Levi ay tahimik at parang nag-iisip din. Na op na yata ako. Makaisip na nga lang din...
"Alam ko na!" Magiliw kong sabi sabay pinatunog ang daliri ko at parang may lumitaw na imahe ng bombilya sa ibabaw ng aking ulo. Feeling genius.
"Ano?" Excited na tanong nila.
"Ano ba ang kadalasang binibigkas ng mga nasa pilekula kapag mayroong mahiwagang pinto na gusto nilang mabuksan?" Tanong ko sa kanila.
"Ano??"
"Edi" biglang pause "Open sisame!" Madiin kong sabi sabay tawa ng malakas. Haha natatawa kasi ako sa mga mukha nilang puno-puno ng pag-asa na makakuha ng tamang sagot mula sa akin.
Kumunot yung noo nila na mas lalo kong ikinatuwa kaya mas natawa ako lalo. Nagpatuloy ako sa ganoong gawain hanggang sa napuna kong hindi na sila nakatingin sa akin. Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Uy suportahan nyo naman ang joke ko kahit ngayon lang. Nanatiling nakakunot ang noo nilang dalawa na kalaunan ay napalitan ng ekspresyon na parang namangha sa kanilang nakita. Anong trip ng mga to?
Kahit nagdadalawang isip dahil baka sakaling gumaganti lang sila sa pantitrip ko ay ibinaling ko ang tingin sa direksyon kung saan nakatingin silang dalawa.
At sa ikatlong pagkakataon.
"!#$,"*@* Ang galing mong #^@&@*$ ka!!" Isang malutong na mura/papuri at malalakas na tapik sa dibdib at balikat ang natanggap ko mula sa kanila, literal na malakas dahil napaubo ako. Kulang nalang sumuka ako ng dugo. May malakas na batok pang kasama na hindi ko nakita kong kanino galing pero alam kong si Kiko ang gumawa nun dahil nakangisi ito. May araw karin sa'kin. Pero hindi iyon ang ikinatuon ng aking atensyon kundi ang isang tanawin na sumambulat sa akin.
"WTF!! Ano yan?" Gulat kong tanong.
"Ano pa edi mahiwagang lagusan"
Seryoso. Bigla nalang nagkaroon ng napakalaking uka ang katawan ng puno na wala naman kanina. Sa subrang laki nito ay kasyang pumasok ang aming katawan ng walang kahirap-hirap.
"Papa'no nagkaroon ng uka yan?"
"Malamang dahil sa sinabi mong password" nangingiting sagot ni Levi. As in ganun lang ang nangyari? Walanya may pa password-password pang nalalaman tapos open sisame lang pala.
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at kaagad na nilapitan ang puno. Pinagmasdang mabuti ang malaking uka nito. Walanya talaga parang ginaya lang sa Alice in the Wonderland. Walang originality ang otor ng kwentong ito.
Inilawan namin ang loob nito at wala kaming makita kundi puro dilim, senyalis yun na parang walang hangganan ito dahil walang pinagbanggaan ang ilaw ng flash light namin. Kinilabutan ako dahil parang ano mang oras ay hihigupin ka nito kapag lumapit ka ng husto.
"Lagusan nga ito" sabi ni Levi pagkatapos ng ginawa namin.
"Pasok tayo!" Bulalas ni Kiko.
"Nahihibang ka naba? Hindi nga natin alam kung saan tayo- hoy hoy hoy saan kayo pupunta?" Tanong ko sa dalawa na nagsimulang humakbang papasok sa lagusan. Wag nilang sabihing papasok talaga kami sa loob nito?
"Edi papasok" sabay nilang tugon. Sabi ko nga. Hindi man lang nagdalawang isip ang mga loko.
Walang pagdadalawang isip na inabot ng kamay ni Kiko ang bibig ng lagusan at anong gulat nalang namin na parang naputol ito o mas maiging sabihing kinain ito ng kadiliman sa loob dahil hindi na namin makita ang parte ng kamay niyang ipinasok.
"K-kiko, anong nararamdaman mo? May nakakapa kaba?" Tanong ni Levi.
"Wala naman" sagot ni Kiko hanggang sa ipinasok niya ang kanyang buong braso ng walang takot. At bilang...
"Aaahh!!"
Napabalikwas kaming dalawa ni Levi. Hahatakin sana namin si Kiko pero huli na dahil tuloyan na siyang nilamon ng lagusan na para bang hinigop siya nito. Sinasabi ko na eh.
"Tara sundan natin siya" sabi ni Levi. Pipigilan ko sana siya pero di ko na nagawa dahil bigla nalang siyang tumalon patungo sa loob at katulad ng nangyari kay Kiko ay bigla rin siyang naglaho. Anak ng fried chicken na iprinito sa maitim na batok ni Nonong Balingan naman oh! Bakit padalus-dalos silang pumasok dun eh hindi nga sila nakakasiguro kung anong nakaambang na nilalang ang naghihintay sa oras na makapasok kami. Ah bahala na basta ako, ayokong sumunod. Sasabihin ko nalang sa lola ni Levi ang nangyari.
Pinagpagan ko ang sarili ko. Buo na ang desisyon kong bumalik sa loob ng bahay upang sabihin sa mga naroon ang nangyari.
Nagsimula na akong maglakad nang biglang umihip ang malamig na hangin. Hindi naman gaanong malakas pero parang sumayaw ang katawan ng puno, nagsilaglagan ang ilang mga dahon. Pati narin ang mga alitaptap na tahimik na nagpapahinga ay bigla nalang nagsiliparan na para bang nabulabog sa kanilang pagtulog. Napahinto ako sa paghakbang. Paanong napasayaw ng ganun lang kahinang hangin ang malaking punong pumapailalim sa akin? Patuloy paring nagsilaglagan ang mga dahon. Hindi na normal iyon kaya naman ay tumingala na ako.
Parang napako ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa itaas ng puno. Pakiramdam ko ay lumaki yata ang ulo ko dahil sa pagkagimbal sa aking nakita.
Dahan-dahang bumaba ang isang maitim at malaking nilalang na nakasuot ng jersey ng Chicago Bulls na may tatak numerong 23. Wtf! Kailan pa natutong tumira si Michael Jordan sa itaas ng puno? Nang tumapak ito sa lupa ay doon ko lang ito napagmasdan ng mabuti. Tantya ko ay nasa walong talampakan ang taas nito at hindi biro ang tikas ng mabalbon na katawan. Hindi ko gaanong naaninag ang mukha niya pero basi sa nakita ko ay may kagat-kagat siyang sigarilyo dahil umuusok sa bandang labi niya.
Napaatras ako dahil sa takot na baka ano mang oras ay sipain ako ng higanteng nasa harapan ko. Napahinto ako nang marinig ko siyang umubo.
"Ano bang klaseng sigarilyo to? Tatak Marlboro pero lasang Jackpot!" Reklamo ng dumadagundong niyang boses na may american accent. Muntikan na akong matumba dahil sa takot.
Totoo nga ang pakiramdam ni Kiko na may kapreng nakatira sa punong ito.
Kahit nanginginig sa takot ay pinilit kong hinugot mula sa kaibuturan ng aking sarili ang natitirang tapang. Humakbang ako paabante upang lagpasan siya.
"Thavi thavi phow, dAaN dAaN nA mEh. Ok3y l4Ng bA u?" sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya. Sa oras na malampasan ko siya ay kakaripas ako ng takbo papasok ng bahay.
Nagsimula na akong maglakad upang lampasan siya. Kita sa gilid ng aking mata na parang hindi niya pinapansin ang presensya ko. Hindi ko alam kong sinasadya niya iyon o baka pinagtitripan niya lang ako. Huwag naman sana kung ganun.
Naibsan ang kabang nadarama ko nang malampasan ko siya mga kalahating metro siguro ang layo. Lumingon ako nang bahagya upang sigurohing hindi niya ako susundan. Nakatalikod lang siya at nanatiling hindi gumagalaw. Succes!
Kahit na alam kong manhid siya (katulad ni crush) kasi hindi niya ako pinapansin ay minabuti kong hindi gumawa ng ingay lalo pa't hindi pa ako gaanong nakakalayo sa kanya. Dahan-dahan akong naglakad at sa wakas ay nalampasan ko na ang mismong puno. Maliwanag narin dahil wala na ako sa ilalim nito. Naghanda na ako upang tumakbo.
KABLAGG!!
Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang tumalon patungo sa aking harapan. Bibilib na sana ako dahil ang layo ng tinalunan niya pero kahit hindi niya sabihin ay alam kong namimilipit siya sa sakit dahil nung mag landing siya sa lupa ay nakaluhod ang isang tuhod niya. Paksyit kung sakin siguro nangyari yun ay naiyak na ako. Kung hindi lang sana siya nakakatakot ay kanina pa ako humagalpak ng tawa.
"At saan ka pupunta?" Astig niyang tanong na kunwari ay hindi nasaktan. At sa mga oras ding iyon ay napagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Tama ang hinala ko na isa siyang kalbo pero may kakapalang ang maiksi niyang balbas. Pero ang mas nakaagaw sa atensiyon ko ay ang mukha niya.
Holy Syit!!! Ilang beses akong napamura sa aking isipan nang makita ko ang itsura ng mukha niya. Wtf! Kamukha niya si Yao Ming! Oo seryoso at hindi ako nagbibiro. Otor may kinalaman kaba dito? Ano to? Kapreng pinaghalong Michael Jordan at Yao Ming? Anak ng kambing na binuntis ni Mang Kanor naman oh bakit ka ganyan makapang trip otor? Nasaan na ang hustisya?!! Walanya talaga naguguluhan tuloy ako kung ano ang pwede kong maramdaman nung makita ko ang mukha niya. Kung sino man mga magulang ng kapreng ito ay malamang subrang proud nila sa kanya.
"T-tabitabi po" nauutal kong wika. Kahit na medyo naibsan ang takot ko dahil sa nakakatuwang itsura niya ay hindi ko parin mapigilang kilabutan sa kanya. Baka ano mang maling kilos ko ay pwede akong mapahamak sa mga kamay niya.
Ngumiti lang siya nung sabihin ko yun. Lalo akong kinilabutan dahil ang pantay at puti ng ngipin niya na mas madalas pa yatang magtoothbrush kaysa sa akin. Saang dental clinic kaya siya regular na nagpapalinis ng ngipin at nang mapuntahan ko. Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin katulad ng mga napapanood nyo sa mga pelikula. Pagkatapos nun ay hinithit niya ng todo ang sigarilyo sabay buga ng makapal na usok sa aking mukha. Naubo ako sa ginawa niyang yun.
"Bakit hindi ka sumunod sa mga kaibigan mo?" Kahit mahina ay dumagundong parin ang kanyang boses. Para siyang Fil-Am na kapre dahil sa accent niya. At aaminin ko na paksyit lang kahit naninigarilyo siya ay hindi siya bad breathe tulad ng inaasahan ko.
"A-ah m-may nakalimutang lang po akong kunin. Susunod din ako pagka- uy uy uhmp uhmp uhmp!!" Bigla niya akong hinawakan sa kwelyo at walang hirap na binitbit pabalik sa ilalim ng puno. Hindi ko magawang sumigaw dahil kaagad niyang tinakpan ang bibig ko gamit lang ang tatlo niyang daliri. Ganun siya kalaki guys para magawa niya yun.
"TULONGG!!!!" yan sana ang gusto kong isigaw kung hindi niya lang tinatakpan ang bibig ko. Naaamoy ko pa ang amoy ng sigarilyong naiwan sa daliri niya.
Tatlong hakbang lang siguro ang ginawa niya upang marating agad ang katawan ng puno. Kinabahan ako, ano kaya ang gagawin niya? Naglakad siya patungo sa likod nito at huminto sa tapat ng.... lagusan. WATDAPAK anong balak niya?!
Ngumiti siyang natingin sa akin habang ako naman ay sinusubukang kausapin siya sa pamamagitan ng aking mga mata. Nag puppy eyes ako at nagsusumamo na huwag niyang ituloy kung ano man ang nasa isip niya.
At nagtagumpay ako. Binitiwan niya ako at inilalayang tumayo. Naging malungkot ang mata niya na parang naawa sa akin.
"S-salamat po" nanginginig kong wika. Ngumiti lang siya sa akin bilang tugon. Kinilabutan ako ng husto sa ngiti niya dahil parang mayroon itong ibig sabihin.
At hindi nga ako nagkamali.
Sa isang iglap ay bigla niya akong tinapik sa gilid ng aking balikat. Isang mahinang tapik pero dahil sa laki niya ay sapat na ang ganun kalakas upang ako ay tumilapon....
Papunta sa loob ng lagusan. WTF!! Mama!!
"AAAHH!!!" napatili ako ng malakas habang dahan-dahang lumilipad patungo sa loob. Huli kong nasilayan bago ako tuloyang napasok sa loob ay ang mukha ng kapre na tatawa-tawa dahil sa ginawa niya. Hayop!!
Nagpatuloy ako sa pagsigaw. Wala akong ibang makita kundi puro kadiliman na hindi ko malaman kong mulat o nakapikit ba ang aking mga mata. Para akong isang noturyos na kriminal na ibyinahe papuntang outer space upang doon ipatapon at ihulog sa kawalan.
10 seconds yata ang itinagal bago ako nakakita ng liwanag na nakakasilaw. Pabilis ng pabilis ang pagbulusok ko patungo sa liwanag na yun na natitiyak kong iyon na ang hangganan. Sana nga.
At sa kabutihang palad ay tuloyan na akong iniluwa ng kadiliman patungo sa liwanag habang lumilipad at mabilis na bumubulusok patungo sa.....
lalaking nakatalikod na nakababa ang short. WATDAPAK!!! Yung mukha ko ay patungo sa pwet ng walangyang nilalang. Kung pwede lang sana bumulusok pabalik ay ginawa ko na pero kailangan ko na talagang tanggapin ang katotohanan na mayroong nakangiting pwet na naghihintay makipag kissing scene sa akin.
"WAAAAHHHHH!!!"
SNIRRK!!
Iyon na yata ang pinaka nakakadiring tunog na narinig ko sa buong buhay ko. Ang tunog ng paglapat ng mukha ko at pisngi ng pwet ni Kiko na agad humagalpak ng tawa kasama si Levi. Walangyang mga kaibigan ang sarap patayin ng isang libong beses.
Agad akong tumayo at pinagpagan ang sarili lalo na ang mukha ko syempre na hinilamusan ko pa ng sariling laway na parang alcohol lang. Kaagad ko ring pinunasan ang mukha ko ng laylayan ng aking damit. Napangiwi sila pareho, sila pa talaga may karapatang mandiri? Mga talimpandas! Agad ko namang binatukan ang ulupong pagkatapos niyang itanong kung anong feeling na makipaglaplapan sa pwet niya. Walanya talaga.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong sa akin ni Levi ng humupa ang nakakadiring pangyayari.
"Oo nga, akala namin hindi ka na darating" ani Kiko.
"Eh hindi naman talaga ako susunod sa inyo kung hindi lang ako itanapon ng kapreng yun papunta rito. Ingungod ko talaga sa bato mukha nun kapag nakita ko yun ulit."
Wala akong tugon na nakuha mula sa kanila, sa halip ay tahimik lang sila na nakatingin sa akin at tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo.
"Ayaw nyong maniwala? Walakompake!" Masungit kong sabi.
"Talaga bang nakakita ka ng kapre sa labas?" Magiliw na tanong ni Kiko na nakahawak pa sa balikat ko. As expected ay parang pumalapak ang dalawang tenga niya dahil sa sinabi ko.
Ikwenento ko sa kanila ang nangyari bago ako nakasunod sa kanila rito na kung tutuusin ay sa kapre lang naman sila naging interisado.
"Sayang, kung alam ko lang sana ay ako nalang ang nagpa huli" naghihinayang na wika ni Kiko Matsing.
"S-saan na pala tayo?" Tanong ko sa kanila.
Luminga-linga ako sa paligid at hindi mapigilang mapanganga.
As in WOW! lang ang nature.
Simple lang naman. May mga naglalakihang mga puno na halos napuno ng lumot ang ibabang bahagi. Sa mataas na bahagi naman ay nakapulupot ang libo-libong matataas at matibay na mga baging ( paano ko kaya nalaman na matibay yun?). Sa subrang yabong ng mga ito ay halos hindi nakakalusot ang sinag ng buwan sa mga dahon. Pero nakakapagtakang medyo maliwanag parin at napapagmasdan parin namin ng malinaw ang paligid. Sino na nakapanood ng Tarzan movie na cartoons? Naalala nyo paba kung gaano kaganda ang napakasukal na gubat na tinitirhan niya? Ganun kaganda ang tumambad sa aking paningin. A paradise unstep by man ikanga.
"Nasaan tayo?" Tanong ko ulit.
"Malamang nasa kagubatan"
"Hindi ko alam pero parang nasa ibang dimensyon yata tayo" napatda ako dahil sa sinabing iyon ni Levi. Sa pagkamangha ko sa paligid ay nalimutan kong dinala nga pala kami ng lagusang iyon sa ibang mundo. Kailangan na naming bumalik sa kinaroroonan namin habang maaga pa dahil baka kung anong mga nakakatakot na mga nilalang ang narito.
"Guys! Uwi na tayo" sabi ko sa kanila pagkatapos ay nilingon ang punong may lagusan.
Huh? Nasaan na yun?
"Hindi mo ba napansin kanina na kasabay ng paglabas mo sa lagusan ay naglaho din ito" sabi ni Kiko. Paanong naglaho yun? Ibig sabihin ako lang talaga ang inantay nun na makapasok bago ito magsara?
"At tsaka kahit pa magbukas iyon ulit ay ayoko munang umuwi. Gala muna tayo"
"Oo nga, kailangan kong malaman ang kung anong nangyari kay lolo at ito na ang pagkakataon ko"
"P-pero delikado dit-" bigla akong napatigil sa pagsasalita nang sumenyas sa akin si Kiko na tumahimik.
"Wala ba kayong naririnig?" Pabulong niyang tanong sa amin? Ano na namang sinasabi nito?
Sabay kaming umiling ni Levi.
"May paparating, magtago tayo" sabi niya at kaagad na tumakbo sa likod ng malaking ugat ng puno. Tiningnan lang namin siya ni Levi na nagtataka.
Hanggang sa unti-unti ay may naririnig kami. Hindi ko natitiyak pero parang mga yabag iyon ng mga paang naglalakad. Palakas ng palakas ito na parang papalapit sa amin at ang masama nun ay nakaramdam kami ng bahagyang pagyanig ng lupa kasabay ng mga yabag na iyon. Kinutoban kaming pareho ni Levi kaya naman ay agad din kaming nagtungo sa mga ugat na pinagkublihan ni Kiko.
Pinagmasdan naming mabuti ang paligid at basi sa lakas ng mga yabag at pagyanig ng lupa ay alam naming malapit na sa kinaroroonan namin ang nilalang na may likha nun.
Halos mapasigaw kami sa takot ng biglang sumulpot sa amin ang isang napakalaking nilalang--mali, mga paa palang ang nakikita namin dahil sa subrang tangkad nito ay lumagpas ang katawan niya sa mga nagtataasang mga puno.
Nagakatinginan kaming tatlo at sabay-sabay na napalunok ng laway. Hindi man kami magsalita ay iisa lang ang gustong lumabas sa aming mga bibig.
Ang malaking nilalang na nasa aming harapan ngayon ay isang higante.
Hindi paman kami nakabawi sa paghinga ng malalim ay muntikan na naman kaming atakehin sa puso ng biglang tumayo si Kiko at naglakad papunta sa kinaroroonan ng higante.
"KIKO!!" naibulong nalang naming pareho ni Levi ang pangalan niya g gusto sana naming isigaw.
To be continued........
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top