Kabanata 13: Limukon


Para akong sinaksak ng ilang ulit dahil sa sakit. Nakaramdam ako ng matinding kirot sa aking puso habang pinagmamasdan ang paghihirap ng dalawang nilalang na unti-unting nagpapalit ng anyo.

Sina Jao at Igwayan naman ay wala paring kibo. Animo'y normal nalang para sa kanila (na totoo naman) ang nagaganap.

Bibitaw sana ako sa manobela upang tulongan si Jack pero kaagad akong sinuway ni Igwayan.

"Matuto kang sumunod sa sinabi ng kapitan nitong barko. Isa pa, ano ba ang maitutulong mo?" pagalit niyang sabi. Oo nga, ano nga ba ang maitutulong ko? Ano nga ba ang pwede kong gawin maibsan lang ang sakit at mapabilis ang kanilang pagpapalit anyo? Wala. Ang sakit isipin na wala man lamang kaming magawa kundi ang manood sa isang nakakakilabot at nakakabagbag damdaming eksena.

Napatingin ako sa maliwanag na buwan na kakahalili palamang ng lumubog na araw. Lihim akong umusal ng galit at poot dito. Bakit niya ito ginagawa? Ilang taon nang naghihirap ang mga taga rito dahil sa ipinataw niyang sumpa.

Mali mang sabihin pero para sa akin, isa siyang diyosa na hindi dapat kilalanin. Isa siyang lapastangan!

"Kita mo na? Kinamumuhian ng mga tagarito ang buwan na kinagigiliwan mong makita. Kaya kung ako ikaw, tigil-tigilan ko na ang pagkamangha diyan" sabi ko kay Kiko.

Hindi niya makuhang sumagot. Siguro napagtanto niya na may punto ang sinabi ko.

Namutawi parin sa buong paligid ang palahaw nina Jack at ng duwende.

Kasabay ng sigaw ni Jack ay ang unti-unting pagtuyot ng kanyang balat. Napahawak ito sa kanyang lalamunan na para bang may hindi nakikitang sumasakal sa kanya. Naging mabilis ang pagpayat ng kanyang katawan na para bang unti-unting hinigop ang kanyang kaluluwa.

Sa kabilang bahagi naman kung nasaan ang duwendeng si Abakay ay ganun rin ang nangyari. Ngunit hindi kagaya kay Jack ay mas mabilis na nag-ibang anyo ito. Naging mas humaba pa ang mga tenga at ilong, bumuhaghag at gumulo ang kanyang balbas ganun narin ang kanyang buhok. Pero hindi pa dun nagtatapos ang kanyang pagpapalit anyo.

Mas lumiit pa siya lalo. Kung kanina ay hanggang baywang ko pa siya ngunit ngayon, tantya ko ay hanggang tuhod ko nalang. Kumunot lalo ang mga mukha nito at unti-unting nagsilabasan ang mahahabang pangil. Naging kulay pula ang kanyang mga mata at humaba ang mga kuko. Wala na ang dating itsura nito nung makita namin ito kanina. Hindi na namin ito makilala. Naging kahindik-hindik at nakakatakot na ang kanyang anyo na kung tutuusin ay normal nalang sa amin ang makakita ng ganoon.

Sinubukan naming ibaling ang aming tingin sa karagatan upang maibsan man lang ang lungkot na nararamdaman.

Rinig parin namin ang sigaw nila dulot ng pagpapalit anyo.

Ilang sandali pa ay tumigil na ang mga palahaw. Napalingon nalang kami nung may biglang nagsalita ng isang pamilyar na kataga.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Okey ba tayo diyan mga tsong?!"

"Bangkay?!" sambit namin sa kanya.

"Ako nga" sabi niya na may mga ngiti. Di ko matukoy kung paano ngumiti ang isang bungo.

Nakatayo na siya sa aming likuran. Taliwas sa aking anaasahan na kapag nag-iibang anyo siya ay mag-iiba rin ang kanyang kasuotan. Pero hindi ito nangyari. Suot niya parin ang kasuotang pampirata nung nasa anyong Jack Sparrow pa siya. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit hindi ito maluwag sa kanya gayong isa na siyang buhay na kalansay. Para bang kusang umayon ang sukat nito sa katawang buto niya.

"Salamat sa pagpalit pansamantala sa aking pwesto. Maari na kayong magpahinga mga tsong." Sabi niya at kaagad na lumapit sa amin.

Tamimi lang kami habang bumibitiw sa manobela. Maayos na ba ang pakiramdam niya? Kung kumilos siya ay parang hindi siya nanggaling sa isang paghihirap.

"May problema ba?" tanong niya nang mapansin ang mga nagtatanong naming tingin.

"Okey ka naba?" tanong ko.

Imbis na sumagot ay bigla itong tumawa na naging dahilan upang malaglag yung panga niya. As in literal. Watdapak lang!

"Okey lang naman ako, wala parin namang pagbabago." sagot niya matapos ibalik sa dating posisyon ang kanyang panga.

"Igwayan!" bigla kaming napalingon kay Abakay.

"Ano?" sagot ng ent.

"May pagkain ka ba diyan? Medyo nagugutom na ako eh."

"Si Bangkay ang tanungin mo, barko niya ito eh."

"Bangkay?"

"May kulanghite dun sa loob."

Napabalikwas kami sa narinig namin. Paksyit lang, wag nyang sabihing iyon din ang magiging hapunan namin?

"B-bangkay?" Mahinahon kong sambit sa kanya.

"Oh?"

"Paano kami?"

"Anong paano kayo?"

"Ahm ano pang pagkain ang dala mo bukod sa kulanghite?" Tanong ni Kiko. Di ko maiwasang kabahan dahil baka sagutin niya kami ng wala.

"Bakit, ayaw nyo bang kumain nun?" Tanong niya. Hindi niya nga pala alam ang nangyari kanina nung pinakain kami ng kulangot ng higante ng dalawa naming kasama.

"H-hindi naman sa ayaw pero allergy kasi kami sa kulangot" pagsisinungaling ni Levi.

"Ganun ba? Wag kayong mag-alala may ibang pagkain pa naman dun." Kaagad na gumuhit ang mga ngiti sa aming labi.

"Talaga? Ano naman yun?"

"Chickenpoop soap."

"Chicken poop?!"

"Ipot ng manok?!"

"Anong ipot ng manok pinagsasabi niyo? Sabaw lang yun na lasang manok kahit wala namang manok" sagot ni Bangkay. Napabuntong hininga kami, kala namin wala na silang matinong pagkain dito. Eh bakit may poop?


A moment later...


"Ahhmm masarap nga" wika ko habang hinigigop yung chicken soap.

"At subrang bango pa!" Wika naman ni Kiko na paubos na yung sa kanya.

"Masarap ba? Made from real ipot ng manok yan" bulalas ni Jao.

"ANO??!!"

"Joke lang wahahaha!" Sagot niya. Sarap ipatumba kay Duterte.


          Makaraan ang ilang minuto ay narating  namin ang sinasabing patay na dagat. Ang buong akala ko ay marumi at mabaho iyon pero hindi pala. Kung titingnan mo ang kulay nito ay wala itong pinagkaiba sa buhay na dagat. Ang tanging pinagkaiba lang nito ay wala itong mga alon, o hindi mo ito kakikitaan ng kahit kaunting galaw. Ni hindi nga bumabakas ang dinadaanan ng barko. Para tuloy kaming lumulutang lang sa hangin lalo pa't kita namin ang repleksyon ng barko sa tubig.

Sa di kalayuan ay natatanaw na namin ang mga makukulay na ilaw. Iyon na marahil ang syudad ng Limukon.

"Maghanda na kayo" sabi ni Igwayan. Agad naman kaming nagsitanguan. Sa wakas ay narito na kami.

Nagulat kami nang madatnan namin ang napakaraming lamang lupa na nasa daungan. Tila ba ay hinhintay nila ang aming pagdating. Pero hindi iyon ang mas napansin namin ng mga kaibigan ko kundi ang mga kotseng nakaparada sa pantalan. Kung paano ngkaroon ng mga kotse dito ay mamaya na namin itatanong dahil yung mga nilalang na kasama namin ay sinalubong at binati ng lahat.

"Maligayang pagdating sa kaharian ng Limukon" bati ng isang matandang may hinihithit na pipa. Hindi ko alam kung anong klaseng lamang lupa siya pero kamukha niya yung nasa logo ng boston celtics in madungis version.

Dumako ang tingin niya sa amin. "Sila na ba ang tatlong manlalakbay?" Tanong niya kay Igwayan.

"Oo, sila na nga."

Bigla nalang umugong ang bulungan sa paligid. Para bang hindi sila makapaniwala nung marinig nila na kami ang tatlong manlalakbay. Kunsabagay ako nga rin naman.

"Tahimik!" Saway ni tatang sa lahat. "Sigurado ba kayo sa mga paslit na ito?" Bulong niya kay Igwayan na rinig lang namin. Ganito ba talaga sila bumulong dito?

"Oo naman, ikinunsulta na namin sila kay Ka Limot" sagot ng ent.

Lumapit bigla sa amin ang matanda at masusi kaming tiningnan mula head to toe. Nakakapangilabot lang kasi para siyang isang matador na kinikilatis ng maigi ang mga karneng tatadtarin niya.

"Kung ganun ay tayo na. Sumunod kayo sa akin" aniya.

Kaagad naman kaming sumunod.

"Jao, sino ba ang matandang yun?" Tanong ko habang ininguso ang matandang lamang lupa.

"Ah siya si Botchok, ang alalay ng alalay ng hari" nakangising sagot niya.

"Huh?"

"So alalay niya si Abakay?" Tanong ni Kiko.

"Tama!"

Ganun? Meron pala talaga nun? Alalay ng alalay ng alalay ng hari? So ang susunod siguro naming makakausap ay ang mismong alalay na ng hari.

"Sumakay na kayo" aya ng matanda matapos buksan ang pinto ng montero mitsubishi sport. Dafuq lang talaga, paano nga nagkaroon ng mga sasakyan dito? Naunang sumakay sina Bangkay at Abakay at nagtungo sa back seat. Agad din naman kaming sumunod at sa gitna naupo.

"Eh paano sina Jao at Igwayan?" Tanong ni Levi.

"Bakit sa tingin mo ba ay magkakasya sila dito? Nandun sila sa canter sumakay" sagot ng matanda na kakasakay lang sa front seat.

"Procopio, paandarin mo na ang kotse" utos niya sa driver na kung hindi ako nagkakamali ay isa siyang tikbalang. Parang iikot na yung utak ko dahil sa mga wierdong nasasasaksihan namin.

"Aye aye master!"

Habang nasa byahe ay kapansin-pansin na maliwanag ang daan dahil sa mga posteng nakatayo sa gilid ng kalsada. Oo at may kuryente sila dito at dahil dun ay hindi ko na napigilang itanong ito kay kina Bangkay.

"Bangkay, paano nagkaroon ng kuryente dito?"

"Oo nga, at napansin ko rin na ang iilan sa mga gusali dito ay gawa sa semento. Pati na rin yung kalsada" sabi naman ni Kiko. Tiningnan ko ang paligid at tama nga siya. Parang nasa daigdig lang kami ng mga tao. Yun nga lang ay mga maligno ang nakikita mong naglalakad at nakatambay sa labas.

"Ah yang mga yan? Galing ang lahat ng yan sa daigdig ninyo" sagot ni Bangkay.

"Huh? Paano nangyari yun?"

"Binili namin dun sa inyo tapos dinala namin dito" sabat ni Abakay.

"Pati rin itong mitsubishi?"

"Uhuh."

"Lahat ng mga mahalagang bagay na nasa daigdig ninyo ay nandito rin."

"So lumalabas kayo para mamili sa daigdig namin?"

"Hmmm... isang beses lang sa isang taon lumalabas ang mamimili dito upang bumili ng mga gamit sa inyo. At lahat ng mga pinamili kinakarga sa malalaking sasakyan o sa barko mismo upang edeliver dito.

"Lumalabas kayo na ganyan yung itsura ninyo?"

"Tanging mga engkantada o mga diwata lang ang lumalabas dahil sila lang naman ang kaanyo ng mga tao" si tatang yung sumagot.

"Gets ko na" ani Kiko. "May narinig ako na isang kwento tungkol sa isang mayamang babae na bumili ng 100 daang sasakyan at sabay na ipinadeliver sa isang napakasukal na kabundokan."

"Ganun? Hindi man lang ba nagtaka yung kompanya kung bakit doon ipinadeliver ang mga sasakyan?" Tanong ko.

"Sabi ng mga nagdeliver ng mga sasakyan na malaki daw ang ibinayad ng babae sa may ari kaya hindi na nito kwenistiyon kung bakit sa isang bundok ipinadeliver ang mga sasakyang gayong napakasukal at napakahirap daw ng mga daan doon."

"Totoo ang kwentong iyon" wika ni tatang. "Lahat ng sasakyan na iyon ag dinala dito sa Limukon at isa sa mga sasakyan na yun ay itong sinasakyan natin."

"Pati yung mga kwento tungkol sa mga dumadaang mga sasakyan sa mga lugar na wala namang daan tapos biglang nawawala. Dito ba patungo yun?" Tanong ni Levi na ikinatango ng matanda.

"Ang totoo niyan ay nagkalat ang maraming portal sa daigdig ninyo papunta dito sa Himaylan."

Nasa kalagitnaan kami ng kwentohan ng biglang huminto ang kotseng sinasakyang namin.

"Anong problema Procopio?"

"P-parang may sumusunod sa atin" napalingon kami sa likod. Bigla akong kinabahan. Baka may kalaban.

"Timang, talagang may sumusunod sa atin. Nasa likod yung canter na sinasakyan nina Igwayan" wika ni Abakay.

"Oo nga pala wahahaha" sagot niya. Pucha tumawa rin siya ng mala Sakuragi. Lakas ng trip niya.

        Isang oras ang nakalipas at sa wakas ay narating namin ang kaharian ng Limukon. Expectation vs. Reality kumbaga ang nangyari. Enexpect ko na makakakita ako ng totoong palasyo sa personal pero hindi yun nangyari. Ang tanging tumambad sa amin ay ang napakalaking gusali na kahawig ng water front hotel ng Cebu. Pagpasok palang namin sa gate ay sumalubong na sa aming paningin ang statwa ng napalaking ibon na nasa gitna ng fountain. Nakakamangha lang dahil parang buhay ito kapag tinitigan mo.

Sa harap namin ay may mga lamang lupa na nakahilira. Lahat sila ay nakasuot ng mga baluteng bakal at lahat sila ay armado ng mga matataas na sibat at espada.

"Narito na tayo" sabi ni tatang. Obyos naman eh.











To be continue.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top