Kabanata 12: Karugtong ng Sumpa
[POV: Elay]
Isang gabi at isang araw palang kaming narito sa Himaylan ngunit nakapadami nang nangyari. Mga pangyayaring kahit kailanman ay hindi najs namin pa maibabaon sa limot.
Kakaibang mundo, kakaibang naninirahan dito at ang kakaibang karanasan at mararanasan pa namin. Ang lahat ng yan ay minsan na pinangarap naming tatlong magkakaibigan.
At sa isang iglap. Ito ay natupad.
Oo pinangarap kong maranasang maglakbay sa kakaibang mundo gaya ng sa mga napapanood ko sa tv. Ang lumaban sa mga nakakatakot na halimaw nang walang takot kahit pa buhay ko ang maging kapalit sa pagsagip ng magandang prinsesa (na kamuka ni Ellen Adarna )na ipinagkatiwala sa aking ng ama niya na isang hari. Ang umakyat sa matarik na bundok at dumaan sa katawan ng natutulog higanteng ogre at sumakay sa lumilipad na dragon habang sumisigaw ng "I am the king of the world!".
Lahat ng iyan ay gusto kong maranasan. At alam kong natupad ko na yung una, pero parang ayoko na yata pang matupad ang mga susunod pa. Hindi naman kasi ako katulad ng dalawang kaibigan ko. Matatapang sila, sanay silang harapin ang takot nila. Ako nga ang malaki sa aming tatlo pero ako naman ang may pinakamahinang loob. Madali akong panghinaan ng loob lalo na kapag nasa isang mahirap o nakakatakot na sitwasyon. Sa madaling salita ay magaling lang ako sa salita.
Kunsabagay hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko. Simula palang naman ay hindi ko ginustong mapunta sa mundong ito.
Pero nung marinig ko ang kwento ni Igwayan ay nagbago ang pananaw ko.
Kami? Kami na isinaad sa isang propesiya ay magkakaroon ng papel upang iligtas ang buong mundo sa nakaambang panganib? Paano? Tsaka bakit kami? Napakabata pa namin. Ni hindi ko pa nga maranasan ang magka syota tapos narito't sasabak kami sa isang misyon. Isang delikadong misyon.
"Parang ang lalim ng iniisip mo bata" bumalik ako sa kamundohan nung marinig kong magsalita si Igwayan sa aking tabi. "Bakit narito ka? Ayaw mo bang makisali sa laro nila?" nguso niya sa mga kaibigan ko na kasalukuyang nakikipaglaro kay Jao at Jack. Ewan ko kung laro na maitatawag yung ibabato ka nila sa iri ng napakataas tapos sasaluhin ka nila ng nakapikit ang mga mata.
Umiling ako. Ang totoo niyan ay gusto ko talagang makausap ng seryoso si Igwayan. Marami akong gustong itanong sa kanya tungkol sa mga maaaring mangyari sa paglalakbay namin.
"Anong klaseng lugar ba ang Limukon?"
Bago siya sumagot ay umupo ito sa tabi ko. Marahan itong nagpakawala ng buntong hininga.
"Ang Limukon ay ang pinakamalaking syudad sa buong Himaylan. Doon mo makikita ang napakaraming mga lamang lupa na mayroong matataas na antas na kapangyarihan."
"Gaya ng?"
"Gaya ng mga higanteng mandirigma, mga duwendeng salamangkero at ang mga engkantado at mga diwata."
Lumaki mata ko sa aking narinig. "T-talaga? Ibig sabihin maraming magaganda sa lugar na yun?"
"Bakit, wala namang hindi maganda na nilikha si Bathala ah" nakasimangot niyang tugon. Hindi ko nalang siya sinagot at baka lumaki pa ang isyu. Kunsabagay tama nga naman siya. Wala naman siguro talagang pangit dito sa mundo. Nakadipende lang talaga yun kung sino ang katabi mo haha.
"Masaya ba dun?" tanong ko na sinagot niya ng malayo ang tingin.
"Masaya... noon. Pero ngayon ay mayroon silang mabigat na suliraning kinakaharap."
"Ano naman yun?"
"Mag-aapat na buwan na kasi ang nakalipas nang mawala ang kaisa-isang anak ng hari doon."
"Hari? Ibig sabihin mayroong kaharian doon?"
"Oo, ang kaharian ng Limukon ay pinamumunuan ng matalik kong kaibigan. Si Haring Tukmol."
Natafofo na! Muntikan ko nang malunok Adam's apple ko. Kung hindi lang si Igwayan ang kausap ko ngayon ay marahil tatawa na ako nang marinig ko ang pangalan ng kaibigan niya. Tukmol? Watdafak na name yun.
"T-tukmol? Ang gandang pangalan" wika ko. "Ano nga pala nangyari sa anak niya? Bakit nawawala?"
"Dinagit ng isang ahas."
"D-dinagit ng ahas? Baka kinain na yun. Hindi naman siguro yun kinuha ng ahas para asawahin tama ba'ko?"
Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Bagkus ay binigyan niya ako ng isang makabuluhang tingin.
"Teka, wag mong sabihing tama ako?"
"Ok hindi ko sasabihin."
"Di nga? Dinagit ng isang ahas ang anak ng hari para gawing asawa?" tiningnan ko siya at hinintay na sabihin nagbibiro lang siya.
"Tama!" OA niyang tugon. Wtf! Ahas na nangingidnap ng lamang lupa para gawing asawa? Napakadesperado naman ng ahas na yun.
"Paano nangyari yun? Kailan pa natutong mag-asawa ng tao esti lamang lupa ang isang ahas?"
"Hindi naman kasi basta isang normal na ahas yun. Isa iyong maalamat na ahas at alam kong narinig mo na siguro at ng mga kaibigan mo ang kwento tungkol dun nung nasa daigdig niyo pa kayo." sabi niya habang nakatingin sa mga kaibigan kong nag-aacrobat. Pinagkakatuwaan sila ng kapre at pirata. Hindi ba sila nahihilo sa ginagawa nila?
"Maalamat na ahas? Merun ba nun? Kunsabagay nagkalat na ang mga ahas sa daigdig namin. Mayroon ngang pinagkakatiwalaan mo ng husto tapos aahasin ka lang pala. Pero yung tungkol sa isang maalamat na ahas? Parang di ko siya kilala eh." nagkakamot na tugon ko.
"Temang! hindi yun ang ibig kong sabihin. Narinig mo naba ang kwento tungkol sa ahas na tumitilaok?"
"Tumitilaok na ahas? Hmm... p-parang pamilyar sa akin. Sa'n ko ba narinig ang tungkol dyan?" Ang alam ko ay parang narinig ko na ang kwento tungkol dun pero hindi ko maalala kung kailan.
Inisip kong mabuti kung narinig ko naba ang kwento tungkol dun. Hanggang sa dumako ang tingin ko kay Whiteford Red na kasalukuyang nagtutulak sa umaandar na barko. Nadagdagan ang bilis ng takbo nitong barko dahil sa kanya pero hindi kaya siya napapagod o pinagpapawisan man lang?
"Tama!" bulalas ko. "Diba yun daw yung ahas na alaga ng mga engkantong naninirahan sa tubig? May butaw (yung parang makapal na balat na kulay pula na nasa ulo ng manok) ito sa ibabaw ng kanyang ulo hindi ba?"
"Hmm... di ko pa nakita ang itsura nun eh. Pero sabi ng mga nakakita nun ay mayroon nga itong butaw sa kanyang ulo kagaya ng sa manok. Pero sa pagkakaalam ko ay wala namang nilalang na nangangalaga sa kanya."
"Kanya?"
"Oo. Nag-iisa lang kasi ang maalamat na ahas na yun at hindi ito nakikipaghalubilo sa kahit na sinong mga nilalang. Pwera sa mga binibiktima niya."
"Ganun? Pero sabi sa kwento ay alaga lang ito ng isang engkanto. Pero hindi ko naman narinig na nangingidnap sila para gawing asawa. Pero teka... babae ba o lalaki iyong dinagit niya?"
"Isang prinsesa."
"P-prinsesa? Prinsesa ba kamo?" Napatayo ako sa gulat, sa lakas ng boses ko ay naagaw ko ang atensyon ng mga kasama ko dahil nakita kong natigil sila sa paglalaro. "Babae ang anak ni Haring Tukmol?"
"Oo. Bakit parang gulat na gulat ka?"
"Naku! Umiral na naman pagkamanyakis niyan sigurado!" mala Batangueno accent na bulalas ni Kiko. Siguro ay na curious sila sa pinag-uusapan namin ni Igwayan dahil nagsimula silang lumapit sa amin.
"Ano na naman ba yang chinichika nyo diyan? Baka pwede kaming sumali" tanong ni Jack Sparrow.
"Pinag-uusapan namin ang Limukon at ang tungkol sa ahas na dumagit sa anak ng hari" sagot ni Igwayan.
"Ahas na dumagit sa anak ng hari? Paano nangyari yun?" tanong ni Kiko.
"Levi, diba minsan mo nang naikwento sa amin ni Kiko ang tungkol sa ahas na tumitilaok?" tanong ko kay Levi na kaagad namang tumango.
"Kung ganun ay ikaw pala ang nagkwento sa kanila tungkol sa maalamat na ahas?"
"Oo. Pero ang totoo niyan ay narinig ko lang din ang tungkol dun kay Lolo Daniel. Bakit nyo pala naitanong?"
"Eh kasi-"
"Wait wait wait." Bulalas ni Jao. "Igwayan, balak mo bang pagtulakin ng barko si Whiteford hanggang makarating tayo ng Limukon? Baka himatayin na yan sa pagod."
Himatayin sa pagod? Napatingin kami sa direksyon kung nasaan si Whiteford.Parang wala namang nagbago sa kanya simula nung makita namin siya. Puro lang naman tubig yung buong katawan niya at wala siyang mukha kaya malabong malaman namin kung ano ang kalagayan niya. Pero bakit sinasabi ni Jao na pagod si Whiteford?
"Naku, oo nga pala. Nakalimutan ko tuloy siyang ibalik bilang tubig" wika ni Igwayan na kaagad tumayo at nagpunta sa direksyon ng kawawang alaga niya.
"Igwayan sandali lang!" Bulalas ni Jack.
Mabilis na tumakbo si Jack papunta kay Whiteford. Bit-bit ang isang bote ng alak ay tinanong niya ito ng isang makabuluhang tanong.
"Whiteford pagod ka naba? Gusto mo bang uminum muna ng tubig?"
"Growl!" usal ni Whiteford habang naka dirty finger kay Jack. Loko talaga itong si Jack Sparrow.
"Marcos parin mga ulol!" Wika ni Jao. Huh? Napatingin kami sa kanya.
"Anong pinagsasabi mo?" Nagugulohang tanong ko.
"Translated yun sa sinabi ni Whiteford."
"Seryoso?"
"Aba aba, kailan ka pa natutong magmura ha Whiteford? Baka gusto mong lunurin kita"
"Tama na yan" saway ni Igwayan kay Jack. "Magpahinga ka muna Whiteford."
Tumango lang ang tubig na nilalang.
Kaagad na ikinumpas ni Igwayan kay Whiteford ang kanyang tungkod at animo parang kandila itong mabilisang natunaw at kaagad na humalo sa karagatan.
Bumalik sa normal na bilis ang takbo ng barko na ikinasimangot ng mukha ni Jack dahil kailangan niya ulit bumalik sa manobela upang ipagpatuloy ang pagpaniubra nito.
"Igwayan, totoo bang kinuha ng isang ahas ang anak ng hari ng Limukon?" Tanong ni Kiko.
"Bumalik sa pagkakaupo ang ent at kaagad na ikwenento ang tungkol sa kaharian ng Limukon at ang tungkol sa tumitilaok na ahas na dumagit sa anak ng hari.
Ayun sa kwento niya, ang maalamat na ahas ay isang nilalang na tinatawag na "Halas". Ito ay kadalasang nakatira sa pinakaliblib na parte ng gubat na malapit sa isang lawa.
May kakayahan itong magpalit at manggaya ng ibang anyo upang akitin ang kanyang mga bibiktimahin. Lahat ng kanyang mga binibiktima ay ang mga magagandang babae upang gawing asawa o tagapagsilbi.
At sa tuwing sumasapit ang lunar eclipse o ang pagkawala ng buwab ay nagiging hayok ito sa dugo at laman na nagiging dahilan upang patayin ang kanyang bihag para kainin. Bagay na ikinabahala ng husto ng buong kaharian dahil sa susunod na linggo ay sasapit na ang lunar eclipse.
"Kung ganun ay ilang araw nalang pala at magiging pagkain na ang prinsesa" wika ko.
"Hindi man lang ba nila hinanap kung saan dinala ng halas ang prinsesa?"
"Walang araw na hindi nila hinanap ang pinagtataguan ng halas ngunit bigo silang makita ito. Isa rin kasi sa kapangyarihan nito ay ang makalikha ng salamangka na kayang manipulahin ang paligid na malapit sa teritoryo niya."
"Ibig sabihin ay kaya niyang baguhin ang itsura ng paligid upang malinlang ang sino mang pumasok sa kanyang teritoryo?" Tanong ni Levi.
"Oo. Ganun siya ka makapangyarihan."
"Hindi problema yun" nagulat kami sa sinabi ni Kiko.
"Anong hindi problema? May naisip kabang sulusyon para mahanap natin kung saan nagtatago ang tumitilaok na ahas?"
Nakatingin kaming lahat sa kanya at kapwa naghihintay ng kanyang isasagot. Umaasa na sa mga sandaling ito ay mayroong magandang suhestiyon si Kiko.
At hindi nga ako nagkamali.
"Diba kaya mong makipagtalastasan sa mga halaman? At kaya mo ring magbukas ng portal sa kung saan may buhay na parte ng kalikasan tama ba?" Tanong niya kay Igwayan.
Agad na tumango ang ent.
"Edi itanong mo sa mga halaman kung saan ang kuta ng halas at... kapag naituro na nila sa'yo ay magbukas ka kaagad ng portal malapit sa teritoryo niya." Matalinong suhestiyon ni Kiko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay bumilib ako sa katalinuhan ng kaibigan ko.
"Tama! Napakagandang ideya nun!" Bulalas ko sabay apir kay Kiko.
"Kung kaya ko lang edi sana noon pa. Sana noon pa natunton ang lungga ng halas. Sana hindi na siya nakakapang biktima pa ng marami." Nagulat kami sa sinabi ni Igwayan. Ang kaninang kumpyansang pakiramdam ay bigla na lamang napalitan ng pagdududa dahil sa katanungan kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Ang syudad ng Limukon. Doon ay wala nang buhay na kalikasan matagal na panahon na ang lumipas. Pati mga ilog at mga lawa dun ay walang buhay. Yun ay dahil sa sumpa ni Luna." Nanlumo ako sa aking narinig. Parang may isang bahagi ng aking puso ang biglaang gumuho.
"W-wala ng nabubuhay na kalikasan sa Limukon?" Nanginginig na wika ko.
"Ang Limukon ang pinakaapektado sa lahat mula ng isumpa ni Luna ang buong Himaylan dahil dito karamihang nakatira ang maraming mga laman lupa at iba pang nilalang."
Sa galit ay naikuyom ng mahigpit ni Levi ang kanyang mga kamao. "Bakit niya dinamay pati ang kalikasan? Hindi niya ba alam na kapag tuloyang mamamatay ang kalilasan ay mamatay rin ang mga nilalang na nabubuhay dito?"
Walang nagsalita sa amin maliban kay Jack.
"Yun nga ang intensyon niya. Unti-unti niyang pinapatay ang mundong ito at ang mga nakatira rito. At kapag nangyari yun... ang salitang "Himaylan" ay magiging salitang "Himlayan", himlayan ng mga patay."
Hindi kami makapagsalita sa narinig namin. Isa yung nakakagimbal na balita para sa lahat ng narito. Ganun ba talaga kalaki ang galit ni Luna at nagawa niya ang bagay na yun?
Tumingin si Jack lay Levi na kuyom parin ng mahigpit ang kamao.
"At isa pa, hindi lang ang kalikasan ng Himaylan ang tinamaan ng sumpa ni Luna kundi pati na ang mga nakatira dito" wika ng pirata.
Umupo si Kiko malapit kay Jack. Ganyan talaga siya, gusto niyang maituon ang dalawang tenga niya sa pakikinig sa nagkukwento.
"Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong niya sa pirata na kaagad sinimulan ang kwento.
"Mula nang isinumpa ng diyosa ng buwan na si Luna ang daigdig na ito, kinamumuhian na ng mga tagarito ang pagsapit ng gabi. Para sa mga nakatira dito, ang pagkalat ng dilim sa buong paligid at paglitaw ng maliwanag na buwan sa kalangitan ay maituturing na isang delubyo na gabi-gabi mo mararanasan."
Di ko alam pero habang nagsasalita si Jack ay malayo ang tingin niya, hindi dahil sa tinitingnan niya ang dadaanan ng barko kundi dahil parang malalim ang pinaghuhugotan ng kanyang sinasabi.
"Pati rin ang mga lamang lupa? Akala ko ba mas gusto nila ang kadiliman?" Tanong ni Levi.
Pinagtaasan siya ng isang kilay ni Jack.
"Ang sabi ko ay gusto nilang magkubli sa dilim kapag nakakakita sila ng mga tao katulad ninyo dahil natatakot sila sa inyo." Tama yung sinabi niya, napatunayan namin yun nung magsikalasan ang mga lamang lupa at mga aswang nung makisayaw kami sa kanila sa kasiyahan kagabi.
"Pero bakit mo sinabing parang isang delubyo para sa kanila sa tuwing sumasapit ang dilim at paglitaw ng buwan?" Tanong ni Kiko. Marahil hindi niya matanggap na ang buwan na gustong-gusto niya ay kinamumuhian ng mga taga rito.
"Dahil nga walang napatunayang nagnakaw sa mga sandata ay itinuring niyang suspek ang halos lahat ng narito maliban kina Ka Limot, Igwayan, Jao at ang hari ng Limukon na si Tukmol."
"So ibig sabihin kasali ka sa mga suspek?" tanong ni Kiko. Tumango lang si Jack.
"Teka, ano ba kasi ang nangyayari sa inyo tuwing sumasapit ang gabi? At tsaka bakit hindi kasali sina Igwayan at Jao sa pinagdududahan ni Luna?"
Nagpakawala ng malakas na buntong hininga si Jack. Saglit itong tumingin kina Jao at Igwayan na para bang humihingi ng permiso.
Bago nagsalita ay ngumiti siya ng malamya. "Sa paglubog ng araw at pagkalat ng dilim, kami ay unti-unting nakakaramdam ng matinding kirot sa buong katawan. Isang pakiramdam na akala mo ay ikamamatay mo dahil sa matinding sakit na iyong mararamdaman."
Sandali siyang tumigil sa pagsasalita. At ikinagimbal namin ang mga sunod niyang sinabi.
"At pagkatapos nun... kami ay nagbabago ng anyo. Isang hindi ka nais-nais na anyo."
Biglang nagsalita si Kiko. "Alam na namin yan."
Napatingin ang lahat sa kanya maliban sa aming dalawa ni Levi. Alam na namin kung anong ibig niyang sabihin.
"Ikaw at si Bangkay ay iisa lang hindi ba?"
Lumaki mga mata ni Jack sa gulat. "P-paano mo alam? Hindi ko sinabi sayo yan ah" nagtatakang tanong niya.
"Naalala mo ba nung nasa dalampasigan pa tayo kanina? Sabi mo na si Jack Sparrow ka kapag nasa ganyang anyo ka. Alam na rin naming si Bangkay ka kapag wala ka sa ganyang anyo, narinig kasi naming tinawag ka ni Igwayan sa pangalang Bangkay kanina" walang halong pagyayabang na tugon ng henyong kaibigan namin. Ganun? Ang akala ko ay akala lang nilang dalawa ni Levi yun.
Pumalakpak si Igwayan na sinundan naman agad ni Jao sabay sabi ng "Amazing, awesome, smart kid" at kung ano-ano pang mga papuri. Si Kiko paba? Parang si detective Conan kaya yan. Kaya niyang tandaan ang mga importanteng detalye ng usapan na para bang mayroon siyang voice recorder na nakasampak sa utak niya.
"Sandali! Ibig sabihin... yung mga aswang at mga lamang lupang nakasalamuha namin kagabi, hindi ganoon ang mga istura nila?" Tanong ko.
"Ang mga manananggal, wak-wak, ek-ek, tikbalang, duwende at iba pang lamang lupa na may hindi kaaya-ayang anyo na nakita ninyo kagabi, lahat sila ay hindi ganoon ang mga hitsura. Lahat sila ay pawang magagandang nilalang."
Nagulat kami sa aming narinig. Kung ganun ay hindi totoong nakakatakot ang mga anyo nila? Buong akala namin ay ganun talaga ang kani-kanilang normal na mga anyo. Grabe pala talaga ang sumpa ni Luna. Isa nga itong delubyo para sa mga nilalang na isinumpa.
"Kung ganun, bakit hindi kasali sina Jao at Igwayan? Pati narin si Ka Limot at si Haring Tukmol?" tanong ni Levi.
"Hindi niya kami isinumpa dahil ang mga kapwa niya diyos at diyosa ang makakalaban niya kapag ginawa niya iyon" si Jao ang sumagot.
Nang mapansin nilang nalalabuan kami sa sinabi ni Jao ay kaagad ipinaliwanag ni Igwayan ang tungkol dito.
"May kanya-kanyang mga diyos at diyosa kasi kaming pinagsisilbihan. Ako ay nagsisilbi kay Orkidya, ang diyosa ng kalikasan. Si Jao ay kay Adlaw, ang diyos ng araw. Si Ka Limot naman ay kay Bansay, ang diyos ng karunungan at ang panghuli ay si Amihan, ang diyos ng hangin na pinagsisilbihan ni Haring Tukmol."
"Para kayong mga personal staff nila ganun ba?"
"Uhuh"
"So ibig sabihin inborn na talaga ang itsura mo?" tanong ko kay Jao na ikinatawa ng mga kaibigan ko.
"May araw karin sa akin tabachoy!" Galit niyang tugon.
Madaling lumipas ang oras habang kami ay naglalayag. Unti-unting lumalamig ang simoy ng hangin na sumasalubong sa amin. Mag-a alas singko na ng hapon nang bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay nito ay ang malakas na kulog at kidlat. Pero kataka-taka, ni hindi man lang dumilim ang langit. Medyo tirik parin naman ang araw at hindi mo ito kakikitaan ng senyalis ng masamang panahon.
Dali-dali kaming pumasok ng silid para sumilong ngunit nagpaiwan si Igwayan at si Jack.
Nang nasa loob na kami ay hindi naiwasang magtanong ni Kiko.
"Jao, bakit umuulan kahit tirik naman yung araw?"
"Its means, we're in the Limukon's boundary already. Maya-maya ay mawawala din yan."
"So ganyang ang palatandaan kapag nakapasok na tayo sa boundary ng syudad ng Limukon?"
"Hmm... parang ganun narin pero ang totoo niyan ay isa itong pagbati sa atin galing sa diyosa na si Amihan."
"T-talaga?! As in binabati niya tayo?" bulalas ni Kiko na lumawak ang ngiti. Tumango naman si Jao.
"Ang sino mang naglalayag papuntang Limukon ay itinuturing niyang mga bisita. Ang Limukon ay para niya na ring pangalawang tahanan dahil pinamumunuan ito ng tapat niyang tagapagsilbi na si Haring Tukmol"
"Astig!"
"Pero hindi nagtatapos rito ang pagbati niya." mahinang wika ni Jao na ngumiti pagkatapos.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong namin.
Imbis na sumagot ay mayroon siyang itinuro sa kalangitan.
Nang tingnan namin ang direksyon ng itinuro niya ay nagulat kami.
Kahit umuulan ay malinaw naming nakikita ang mga naglalakihang ibon na lumipad sa himpapawid. Humuhuni ito na parang bumubuo ng isang masayang melodiya. Hindi ko alam kong anong uri ng ibon ang mga yun pero basi narin sa kanilang laki at kulay ay parang ngayon ko lang ito nakita. Kulay brown ata ang mga pakpak at balahibo nito na nahahaluan ng kulay abo. Pero hindi ang kanilang itsura ang kinagiliwan ng aking mga mata kundi ang kanilang ginagawa. Para silang mga fighter jets na nagpapakitang gilas sa paglipad.
Madami sila at nakahanay pa horizontal at sabay-sabay na bumulusok pababa hanggang ang nauna ay bigla nalang lumipad pabalik sa itaas na sinundan naman ng mga nasa likod niya. Wala pang ilang segondo ay pumaibaba na naman ang nauna at pumaitaas. Ganun rin ang ginawa ng mga nakasunod sa kanya. At dahil dun ay nakabuo sila ng zigzag na gumagalaw-galaw. Ang sarap lang tingnan kasi parang iisa lang ang kanilang katawan dahil sabay ang kanilang mga galaw. At bukod pa dun, hindi nila ginagalaw ang kanilang mga pakpak habang lumilipad. Nakabuka lang ang mga ito gaya ng sa eroplano.
"K-kiko" napatingin ako kay Levi nang tawagin niya si Kiko. At nagulat ako sa mukha niya. Para siyang namumutla at parang pinagpawisan ng todo. Grabe siya ma amaze ha.
"Bakit?"
"I-yan bang mga ibon na yan ang nakita mo sa iyong panaginip?"
"Teka, paano mo nalaman?" base sa narinig kong boses ni Kiko ay parang nagulat ito sa tanong ni Levi.
Napatingin akong muli sa kanila. Ano pinag-uusapan nila?
"N-naala mo ba yung sinabi mong panaginip nung sumasakay tayo sa bus?" tanong ni Levi.
"O-oo, pero pano mo nalaman? Hindi ko sinabi sayo kung anong uri ng ibon ang nasa panaginip ko ah."
"Alam ko kasi nakita ko sila."
"Huh?"
Di ko na maiwasang sumali sa usapan nila dahil masyado na akong nagugulohan.
"Teka teka! Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. At katulad ng nangyari nung papunta palang kami sa bahay ng lolo ni Levi ay hindi na naman nila ako pinapansin.
"N-nakita mo sila? As in totoong sinusundan nila yung bus na sinakyan natin kahapon?" Gulat na tanong ni Kiko, syempre ganun rin ako. Unti-unti ko nang naiitindihan ang topic nila. So totoo yung panaginip ni Kiko habang nasa bus kami?
"Oo, at totoo ang sinasabi mong mayroong nakasakay sa isa sa mga ibon na yan. Pero hindi naman ikaw yung nakita ko eh kundi ibang tao, kung tao man siya."
Tumingala ako ulit at hinanap ang sinasabing nakasakay sa ibon. Naging malinaw na sa aking paningin dahil tumigil na pala ang ulan nang hindi namin namamalayan. At nagulat ako sa aking nakita.
Wala. Wala akong naaninag na nilalang na nakasakay sa isa sa mga ibong nagpapakitang gilas sa paglipad.
"Wala namang nakasakay eh" bulalas ko.
Tumingala rin sila at tiningnan ng mabuti ang mga ibon.
"Tama. Wala nga. Paano nangyari yun?"
Kasabay ng nakakaindak na huni ng mga ibon ay mayroon kaming narinig na boses na kumakanta, parang nasa itaas lang ito ng barko namin dahil nakatingin sina Jack at Igwayan sa parteng iyon.
Dali-dali kaming lumabas upang tingnan kong sino ang may-ari ng boses.
Humayo ka, humayo kayo kaibigan
"Maligayang pagdating aming mga panauhin" as usual, lumaki mata namin sa gulat.
Sa kahoy na pinagkabitan ng layag ng barko ay nakadapo esti nakatayo ang isang maliit at balbasing tao. Matutulis ang mahabang mga tenga nito na parang sa kuneho. Bilugan ang malaking tiyan na parang sasabog na dahil naka unbotton na sa dalawang batones sa ibaba ang kanyang saliko (jacket) na kulay kahel. May suot siyang matulis na sumbrero na para bang made in basahan dahil sa subrang dumi. Tuwid ang kanyang mga kilay na parang sinuklay ng sadya. At hindi diyan nagtatapos ang paglalarawan ko sa kanya.
Pagkatapos niyang sabihin ang katagang yun ay nagpakawala ito ng mala demonyong ngiti. Ang cute lang dahil para siyang spoiled na batang may gusto pisain na sisiw ng inahin. Tangan niya ang isang maliit na pala na kasing haba lang siguro ng braso niya.
"Duwende" wika ni Kiko. Oo isa siyang duwende. Pero hindi kagaya ng duwende na nakita namin sa kasiyahan kagabi ay iba ang anyo niya. Kumbaga para siyang first class na duwende. Meron ba nun?
Dumako ang tingin niya sa akin na ikinalunok ko ng laway. Nakakatakot. Para siyang tiyanak na ano mang oras ay gusto akong sunggaban dahil sa talas ng tingin niya.
Tumalon ito at naglanding sa sahig... na nauna ang ulo.
Napahagalpak kami ng tawa.
"Mga talimpandas!!" sigaw niya nung makabangon na siya. Dahan-dahan itong naglalakad patungo sa kinatatayuan namin habang sukbit ang kanyang pala. Napaatras ako.
Saglit itong tumingin sa amin mula head to toe.
"Maligayang pagdating sa Limukon mga manlalakbay" sabi niya na ngumiti pagkatapos.
"I-ikaw! Ikaw yung nakita kong nakasakay sa ibon na sumusunod sa sinakyan naming bus kahapon" gulat na reaksyon ni Levi habang tinuturo ang maliit na nilalang. Syempre patin rin kami.
Napaatras kaming tatlo nang lumapit ito sa amin. Baka ano mang oras ay hambalusin niya kami ng pala na dala-dala niya.
Tumigil siya sa tabi ni Jao.
"Salamat naman at ligtas silang nakarating dito" sabi nito kay Jao.
"Syempre. Iyan ang pangunahing misyon ko, ang protetahan sila."
Hindi na sumagot pa ang duwende. Bigla itong tumalikod sa amin at naglakad patungo sa nakaupong si Igwayan.
"Parekoy! Long time no see ah!" Bulalas ni Igwayan sa duwendeng papalapit sa kanya.
"Oo nga parekoy. But now see now!" Sagot nang duwende na tumawa pagkatapos sabay apir sa nakaupong ent.
"Jao, kilala mo ang duwendeng yun?" Tanong ni Kiko.
"Oo. Siya si Abakay, ang alalay ng alalay ng alalay ng hari."
"Huh?" sabay na turan naming magkakaibigan. Di ko nahabol yung sinabi niya ah.
"Wag nyo nang subukang itindihin at baka mas lalo lang na hindi nyo maintindihan."
Magsasalita sana ako nang bigla kaming tinawag ni Jack at inayang lumapit sa kanya.
Akala namin kung ano yung gusto niyang sabihin. Tuturuan niya lang pala kami kung paano imaneho itong barko.
Isa-isa niya kaming tinuruan. Nung una ay medyo mahirap gawin dahil napakahirap kuntrahin ang kusang pagpihit ng manobela sa kabilang direkyson. Pero dahil sa pinagsamang lakas naming tatlo ay nakaya rin namin hanggang sa unti-unti na naming natutunan ito makalipas ang isang oras. Ni hindi nga namin napansin ang paglubog ng araw sa kalangitan.
Hanggang sa...
"Ginoong Jack, okey lang po ba kayo?" Tanong ko kay Jack Sparrow nang mapansin kong bigla siyang tumahimik at parang unti-unting sumimangot ang kanyang mukha.
"A-ayus lang ako. A-anong oras naba?" Tanong niya kay Kiko.
"5 minutes bago mag alas sais"
Hindi na nakuhang magsalita pa ni Jack dahil napaluhod ito at parang namimilipit sa sakit basi narin sa ekpresyon ng kanyang mukhang hirap na hirap.
"Ginoong Jack!!" Akmang tutulongan sana namin siya ngunit pinigilan niya kami.
"W-wag nyong bitawan ang manobela. Kayo muna ang maging kapitan sa mga sandaling ito. M-magiging mabilis lang ito arggh!!" Sabi niya ng nahihirapan.
Napatingin rin kami kay Abakay na nakahiga at nagsisisigaw sa subrang sakit na nararamdaman.
Sa pagkalat ng dilim sa buong paligid ay unti-unting nagaganap sa aming harapan ang sumpang ipinataw ng diyosa ng buwan sa mga kawawang nilalang.
To be continued.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top