Kabanata 11: Isinumpa mo ako? Isusumpa kita! Magsumpaan tayong dalawa.


"Sa daigdig ng mga tao naganap ang digmaan?" sabay na tanong namin.

"Uhum. At hindi lang yun, may trivia pa ako."

"Ano naman yun?"

"Alam nyo bang nagtagal ang digmaan sa pagitan ng kabutihan laban sa kasamaan ng mga apat na taon?"

"Talaga? Ang tagal nun ah."

"Wait, p-parang may similarities talaga eh."

"Anong pinagsasabi mo" tanong ko kay Kiko. Ano na naman kaya ang gusto niyang sabihin?

"Sandali lang ha." sabi niya habang nagbibilang sa kanyang mga daliri.

"Tama nga hinala ko!" bulalas niya. Kaming dalawa ni Elay naman ay parang mga engot lang. Parang nanood kami ng pinoy henyo na nakapikit mga mata at nakatakip mga tenga namin. Sila-sila lang yata nagkakaintindihan.

"Apat na taon rin kasi bago natapos ang unang digmaang pandaigdig kaya parang ang hirap naman paniwalaan ang sinasabi mo Igwayan. Ano yun, magkasabay na nangyari sa daigdig namin ang labanan ng mga rebelde't sundalo at ng mga diyos at mga masasamang nilalang?"

"Hmm... ang totoo niyan ay nag-aantay talaga ako na maiintindihan mo ang gusto kong ipahiwatig kasi nga matalino ka. Hindi tulad ng dalawang kaibigan mo na nakatunganga lang. Saan nyo ba nilalagay mga utak niyo?" Wow! hiyang-hiya naman kami sa katalinuhan mo tanda.

"Paano namin magegets eh nalalabuan kami sa sinabi mo. Pwede bang ipaliwanag mo ng maayos. Magkukwento ka na nga lang parang nagbibigay ka naman ng math problem." reklamo ko.

"Hmm... ganito kasi yun. Ang unang digmaang pandaigdig na sinasabi ninyo at ang digmaan na sinasabi ko ay iisa lang." kalmado niyang sagot.

"ANO?!"

"WHAT?!!"

"As in?!"

"Uhum."

"T-teka nga muna. P-pa'no nangyari yun?"

"Mahirap paniwalaan hindi ba? Pero iyon ang totoo." sabi ni Jao na kasalukuyang nangungulangot. Kadiri lang tingnan kasi sa bawat kulangot na nakukuha niya sa kanyang ilong ay pinipitik niya sa hangin papunta sa direksyon ng walang kamalay-malay na si Igwayan.

"Wag nyong bilugin ang ulo namin. May mga video at mga larawan kaya na nakuha nung naganap ang unang digmaang pandaigdig at ni isa ay walang nakitang mga kakaibang nilalang. Ni wala ngang naisulat sa kasaysayan na mayroong ibang uri ng mga nilalang na nakipaglaban sa hanay nga mga rebelde't sundalo." sabi ni Elay. Akalain mong alam niya rin ang tungkol dun. Ako lang ba ang walang kamuwang-muwang dito tungkol sa world war 1?

"Gaya nga ng sinabi ko, hindi lahat ng naganap sa kasaysayan ay nailathala o naibalita."

"P-pero-"

"Alam kong nalilito kayo. Hayaan nyokong ipaliwanag sa inyo ng maigi."

Tumango kami at naghintay muli na magsalita siya.

"Kilala nyo ba si Adolf Hitler?"

"Oo!"

"Walang hindi nakakakilala sa kanya kahit sa mga henerasyon ngayon."

"Ano ang kinalaman niya sa kwento?"

"Malaki. Siya lang naman ang kauna-unahang nagpasiklab ng gulo na naging dahilan upang maganap ang kauna-unahang digmaang pandaigdig."

"Ahh!" sabay na wika namin ni Elay. Ang totoo niyan ay maniniwala na sana ako sa sinabi ni Igwayan tungkol kay Hitler dahil hindi ko naman siya lubusang kilala. Kaso bigla nalang nagsalita ang henyong kaibigan namin at buong loob na tumutol sa sinabi ng ent.

"Uh uh uh... diyan ka nagkakamali Igwayan." sabi niya habang iniwasiwas sa paningin ng ent ang kanyang hintuturo. "Oo siya ang naging dahilan ng digmaan nung atakehin nila ang Poland pero hindi sa world war 1 nangyari yun kundi nung world war 2. At nangyari yun sa mga taong 1939."

Napanganga kaming pareho ni Elay. Mukhang may debateng magaganap.

"Tama ang sinabi mo Nobita, hindi ako maaaring tumutol diyan. Pero ang sabihin mong nagkakamali ako sa sinabi ko ay mali ka dun" sagot ng ent na ngumiti pagkatapos. Ewan ko pero habang humahaba ang kwento ni Igwayan ay parang sumasakit ulo ko. Idagdag mo pa ang mga katanungan ni Kiko na sasagutin din niya ng mga nakakalito. In short parang sila-sila lang talaga ang nagkakaintindihan.

Humawak si Elay sa balikat ko at naluluha itong nagpapahiwatig na nababasa niya ang isipan ko at binigyan ako ng tinging nagsasabing "Don't worry dude, hindi ka nag-iisa."

"H-hindi ko maintidihan. Imposibleng mangyari yun. Masyadong bata pa si Hitler nung maganap ang unang digmaan. At hindi pa siya naging dektador nun" sabi ni Kiko.

"Tama ka. Hindi pa siya dektador nun. Pero kahit hindi siya naging dektador ng mga panahong iyon ay nakuha niyang pasunurin ang kanyang mga kasama. Dahil... kaya niyang kontrolin ang isipan ng sino mang nakakausap niya na tumitingin sa kanyang mga mata."

"Tama na!"

Nagulat kami ng biglang sumigaw si Elay.

"A-anong problema mo taba?"

"Masusuka na ako sa sakit ng ulo dahil sa nakakalitong kwento mo Igwayan."

"T-tama. Bakit ba kasi hindi mo nalang paiklihin ang mga detalye at ng matapos na." dagdag ko.

"Sandali. Igwayan, nais kong mapakinggan pa ang mga sasabihin mo. Huwag mong subukang e short cut ang kwento dahil baka yung ulo ko naman ang sasakit. Parang unti-unti ko nang naiintindihan ang lahat." wika ni Kiko. Naiintindihan? Ganun ba siya katalino? Ni isa nga sa mga ikwenento ni Igwayan ay parang walang tumatak sa isipan ko.

"Natutuwa akong marinig yan bata."

"Ang gusto mo bang sabihin ay namuno na noon si Adolf Hitler sa mga taong 1914 kung kailan naganap ang world war 1 hanggang sa naganap rin ang ikalawang digmaang panadaigdig tama ba ako?"

"Tumpak!" magkasabay na sumagot sina Jao at Igwayan.

"Pero kung susumahin ay 25 taong gulang palang siya nung maganap ang unang digmaang pandaigdig. Ayun sa mga nabasa ko tungkol sa kanya ay naging sundalo siya at kasali siyang nakipaglaban sa unang digmaan. Pero ang salitang "siya ang namuno", parang isang napakalaking bagay na maituturing mong napakalaking kasinungalingan."

Nganga kami dahil sa sinabi ni Kiko. Papalakpak sana ako upang purihin ang katalinuhan ng kaibigan namin ngunit di ko na itinuloy dahil binigyan ako ng matalas na tingin ni Igwayan na nagsilbing babala para sa akin.

Kaka tense to. Para akong nanood ng fliptop battle ng mga henyo.

"Hindi talaga ako nagkamali nung sabihin kong ikaw ang lang ang may utak sa inyong tatlo."

"Ahm eksyusme. Naririnig po namin ang sinabi nyo po." Sabi ko. Grabe naman tong si Igwayan, ang sakit kaya nun.

"Simula't sapul ay si Hitler na mismo ang namuno at nagpasimuno mula world war 1 hanggang world war 2. Gaya nga ng sinabi ko ay nakokontrol niya ang kahit na sino mang nakakausap niya habang nakatingin sa kanyang mga mata."

"Pero... paano nangyari yun? May kapangyarihan siya ganun ba?" tanong ko.

"Tumpak! Papalakpak na ba ako? Akalain mong may kabuluhan ang itinanong mo." sagot niya na tumawa pagkatapos. Hindi naman talaga ako bobo eh. Masyado lang siyang magulo kung magkwento kaya hindi ko masyadong naitindihan.

"Ang Adolf Hitler na kilala ninyo ay hindi isang tao."

"Ano?!"

"Kundi isang halimaw. Dahil siya mismo ang anino ng demonyo. Ang anino ni Satanas."

Hindi ko alam kung bakit pero parang nahihintakutan ako ng marinig ko ang sinabi ni Igwayan. Para akong binuhosan ng isang petchel ng malamig na tubig. Namayani sa aking diwa ang takot na hindi ko alam kung saan galing.

"Kung ganun... siya mismo ang responsable ng halos 18 na milyon katao na namatay noong unang digmaan at mahigit 60 milyon katao noong ikalawang digmaang pandaigdig?" tanong ko. Akala niyo wala akong alam tungkol sa kanya ha.

"Tumpak ulit! Ano bang nalanghap mong hangin at parang unti-unting gumagana yang pag-iisip mo?" Insulto niyang tanong. Tumingin siya kay Elay na may halong pangungutya.

"S-si Hitler... siya ang anino ni Satanas?" tanong ni Elay.

"Sus! as if naman gulat na gulat ka para maiwaksi mo yung hiya." sabi ni Jao na ginantihan niya naman agad ng "Walakompake!" look.

"Kung ganun ay naiitindihan ko na ang lahat." sabi ni Kiko. "Pero bakit hindi siya naging isa sa mga nangulo nung world war 1?"

"Sinadya niya iyon upang lituhin ang mga diyos at mga diyosa na nagpapanatili ng kapayapaan sa mundo. Ang ginawa niya lang nun ay utusan ang mga matataas na opisyal sa iba't-ibang rehiyon at bansa upang maghasik ng digmaan. Pero dahil nga isa lang siyang normal na sundalo ng mga panahong yun ay hindi niya magawang makausap ang lahat ng mga leader kaya hindi umabot sa plano niya ang pumatay ng 50 milyon katao kahit pa nagtagal ng apat na taon ang unang digmaang pandaigdig."

"Ahm... eksyusmi. Alam kong nalilibang na kayo sa kwentohan pero parang may problema. Hindi pala parang, isa nga itong problema." bulalas ni Jack Sparrow na ngayon lang nagsalita.

"Anong problema?"

Hindi sumagot si Jack, bagkus ay minadali niyang ipinihit ang manobela ng barko. Mabilis na pumihit pakaliwa ang direksyon ng barko na ikinatumba naming lahat.

"Anong nangyayari Mr. Jack?!" sigaw ko.

"Mga bata! kumapit kayo ng husto kina Jao at Igwayan. Kahit na ano mang mangyari ay wag na wag kayong bibitaw sa kanila!" sigaw niya. Actually habang nagsasalita siya ay hindi siya nakatingin sa amin kundi sa dagat.

Tatayo sana kami upang tingnan kung ano ang nangyayari ngunit piniglang kami ni Igwayan.

"Maupo kayo at sundin nyo ang sinabi ng kapitan ng barko!" usal niya sa amin. Sinunod namin ang sinabi niya.

"Igwayan, ipagpatuloy mo lang ang pagkwento. Ako na ang bahala dito." wika ni Jack. Ano ba kasi ang nangyayari?

Habang nakikiramdam sa paligid ay muling nagsalita si Igwayan.

"Ahmm... pano ba'to? Maipapangako nyo bang itutuloy ninyo ang pakikinig sa kwento ko kahit na ano ang mangyari?" tanong ni Jao. WTF! bakit ano ba ang mangyayari? Kinakabahan tuloy kami.

"Gaya ng sinabi ko kanina ay isang beses ko lang ikukwento ito kaya importanteng makinig kayo." Kahit medyo alanganin ay tumango kami.

"Saan na nga ulit tayo?" tanong niya.

"Hello nandito tayo sa barko." sagot ni Elay.

"Ang ibig kong sabihin ay sa kwento."

"Nandun na tayo sa parteng hindi nagtagumpay si Hitler na pumatay ng 50 milyon ka tao." sagot ni Kiko.

"Ayun! So yun nga, nung hindi siya nagtagumpay sa binabalak niya noong magsimula hanggang sa matapos ang world war 1 ay binalak niya muling maghasik ng kaguluhan. Ginawa niyang isa sa pinakamataas na lider ang kanyang sarili upang kilalanin, hangaan at katakutan siya ng karamihan. Lumipas ang 21 na taon ay naganap ang isang kagimbal-gimbal na pangyayari na hindi kailan man maibabaon sa limot ng lahat kahit na sa mga susunod na henerasyon. Naganap ang-"

BOSHG!!

Sunod-sunod na pagyanig ng barko ang naramdaman namin. Kasabay nun ay ang ingay ng mga malalakas na hampas ng mga alon sa kawawang barko at ang malakas na sigaw ng isang nilalang na may malahalimaw na boses. Sa tono ng boses nito ay parang galit na galit ito.

"Aaah!!" sigaw naming tatlo. Takot na takot kami hindi dahil sa naririnig naming boses ng sumisigaw na halimaw kundi takot na takot kami dahil ang kawawang barko na sa tingin namin ay kayang gibain ng mahinang hangin ay hinahampas ngayon ng mga malalaking bugso ng alon. Paano ko nalaman na malaki? Syempre dahil nababasa kami. Senyalis yun na pumapasok ang mga alon sa barkong sinasakyan namin.

"WAah! malulunod tayo! Malulunod tayo!!"

"Just put your mind on the story para hindi ninyo mapapansin ang nangyayari sa paligid." kalmadong sabi ni Jao.

"Anong put on the stori eh malulunod na nga tayo!"

"Hindi tayo malulunod. Magtiwala kayo kay Jack." sagot ni Igwayan.

Napatingin ako kay Jack. Biglang lumaki mata ko sa gulat.

"WTF! si Jack nawawala! Walang nagmamaneho sa barko!"

"Ano?!"

Nilibot namin ng tingin ang buong barko ngunit hindi namin siya makita. Patuloy parin sa paghampas ang mga malalaking alon at ang pagsigaw ng hindi namin nakikitang halimaw.

Napakapit kami ng mahigpit kay Igwayan at Jao nang biglang tumagilid ang barko. Walanya malulunod kami!

"Relax mga bata relax." sabi ng kalmadong boses ng dalawang kinakapitan namin. Mga adik ba sila? Hindi man lang ba sila gagawa ng paraan upang hindi kami tuloyang malunod. Hindi pa naman ako gaanong masyadong marunong lumangoy.

"Anong relax? Malulunod na tayo!"

"So ayun nga, makalipas ang 21 na taon ay naganap muli ang digmaan." pagpatuloy ni Igwayan sa kwento. Adik siya adik!

"Aaah!" patuloy parin sa pagtagilid ang barko. Alam nyo yung pakiramdam kapag sumasakay kayo sa ferris wheel? Yung pakiramdam na parang sabay kang naiihi at natatae? Ganun na ganun ang nararamdaman ko ngayon.

"Subukan ninyong ituon ang inyong mga sarili sa sasabihin ko upang sa ganun ay hindi ninyo mapapansin ang nangyayari sa paligid." may galit na wika ni Igwayan.

Kahit takot na takot ako ay sinunod ko ang sinabi niya. Pati si Kiko at Elay ay ganun rin ang ginawa. Hinugot mula sa kanya-kanyang kaibuturan ang lakas na loob. Pilit naming kinalma ang aming sarili at nagkinig sa mga sinasabi niya. Pero yung barko. Tataob na yung barko ano mang oras. Juiceko Lord iligtas nyo po kami!

"Ang anino ni Satanas, siya ang may kagagawang ng lahat. Sa anyong tao bilang si Hitler ay nangyari ang lahat ayun sa kanyang plano. Mahigit 60 na milyong buhay ang nasawi. Mga buhay na kung tutuusin ay hindi sana nalagas kung nagawa lang naming pigilan ng mas maaga. Isang napakapait na ala-ala na hanggang ngayon ay bitbit parin ng aking kalooban" may lungkot na wika ni Igwayan. Ang totoo niyan ay gusto ko sanang hagurin yung likod niya at ng makomport man lang kaso baka ihulog niya ako sa barko kapag ginawa ko yun.

"P-pero patay na si Hitler diba? Siguro naman ay wala nang maghahasik ng kagulohan sa hinaharap" wika ni Kiko. Nakakapagtaka lang na hindi parin tumataob ang barko. Pero parang tumigil na ito sa pagtagilid. Siguro dahil pilit naming iwinawaksi ang pakiramdam sa nangyayari sa paligid.

"Hindi."

"A-anong hindi?"

"Hindi pa patay ang anino ng demonyo. Hindi pa patay si Hitler."

"A-ano?!"

"P-pero yung nabasa ko. Sabay sila na nagpakamatay ng kanyang asawa dahil sa takot noong tinutugis na sila."

"Palabas lang yun. Isang malaking palabas upang paniwalain ng lahat na wala na ang banta. Kasama ng mga natitira niyang malalakas na alagad ay naglaho sila. At muli silang magbabalik upang maghasik ng lagim. Isang lagim na magiging banta sa lahat ng nabubuhay sa buong mundo. Magaganap ang ikatlong digmaang pandaigdig kung hindi ito maagapan ng maaga."

"N-nakakatakot." tanging sambit namin.

"Aaah!!" huh? Napatingin kami sa may-ari ng pamilyar na boses na sumisigaw.

Mula sa itaas ay mayroong lumilipad na tao. Mali. Parang inihagis ito ng malakas na nilalang. Bumubulusok siyang pabaliktad patungo sa amin.

POSHG!

Muntikan na kaming tinamaan nung bumagsak ang katawan niya sa sahig. Buti nalang nakaiwas kami.

"Aray ko aray ko! ang likod ko." reklamo niya. Akalain nyong mas pinili niya pang maunang bumagsak ang likod niya wag lang mabasag yung bote ng alak na hawak niya.

"Ginoong Jack, ayus lang ba kayo?" tanong namin.

Agad siyang tumayo at pinagpagan ang sarili.

"Wala ito mga bata. Kayo ayus lang ba kayo diyan?" sabi niya na kaagad niyarok yung alak. Parang hindi man lang siya nasaktan. Ang taas kaya ng pinagbagsakan niya.

"Kailangan mo ba ng tulong dude?"

"Wag na Jao. Steady nalang kayo diyan at ituloy ninyo ang chikahan. Tatapusin ko lang ito. Ginagalit ako ng halimaw na yun ah." pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla niyang tinadyakan ang nakatagilid na barko. Anong gulat namin ng unti-unti itong bumabalik sa dating posisyon. Takte! ganun siya kalakas? Sa isang tadyak lang ay nagawa niyang pagalawin ang barkong sinasakyan namin?

"Ikaw ang bahala."

Mabilis na tumakbo si Jack at galit itong nagsisisigaw. Ang astig na sanang tingnan dahil habang tumatakbo siya ay umiinum siya ng alak kaso bigla siyang natisod sa isang lubid at nasubsob ang mukha niya sa sahig. At dahil sa nangyari ay nabitawan niya ang bote at nabasag ito.

"Ang alak ko. Ang alak ko!" hinagpis niya habang nakatingin sa kaawa-awang alak na natapon sa sahig. "Magbabayad ka! Magbabayad ka!" muli siyang tumakbo at kaagad na tumalon patungo sa dagat.

"Ahm Igwayan. Muntikan ko na palang makalimutan ang tungkol sa katanungan namin."

"May itinanong ka? Ano ba yun? Wala akong maalala eh."

"Yung tungkol sa kung paano nagsimula ang sumpa. Hindi kasi yun nasagot nung kwinento mo ang tungkol sa digmaan."

"Ah, yun ba. Malaki ang kinalaman ng digmaan dun. Hindi naman sana isusumpa ng diyosa ng buwan ang Himaylan kung hindi nangyari ang digmaan."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dahi yun dito." Bigla niyang inilahad ang kanyang palad.

"Dahil sa palad mong madumi?" tanong ni Elay. Pinanliitan siya ng tingin ni ent.

"Dahil sa mga kapangyarihang sandata katulad nito."

Kasabay ng pagkurap ko ay ang mabilis na paglitaw ng isang mataas na bagay mula sa palad ni Igwayan.

"Ano yan?"

"Ang tungkod ng kalikasan."

"Paanong dahil diyan kaya isinumpa ng diyosa ang Himaylan?"

"Hindi ko sinabing dahil dito. Ang sabi ko ay dahil sa mga makapangyarihang sandata katulad nitong hawak ko."

"Makapangyarihang sandata?"

"Oo. Ang mga diyos at diyosa noon ay mayroong ginawang iba't-ibang uri ng mga sandata upang gawing libangan habang sila ay nagpapasaligsahan sa labanan ng lakas at kapangyarihan. At... guess what? Sa tuwing nagkakaroon sila ng labanan ay dito sa Himaylan nila ginaganap."

"Astig! Pero ano ba ang kapangyarihan niyan?" tanong ni Kiko.

"Gusto nyo bang ikwento ko ang mga labanan ng mga diyos at disyosa?" tanong niya.

"Sige yan ang gusto ko mga bakbakan!" magiliw kong sabi na kaagad kinuntra ni Kiko.

"Wag na! Sa susunod nalang. Ni hindi mo pa nga natapos ikwento ang tungkol sa sumpa tapos magkukwento ka na naman ng iba?"

Tumango lang ang ent sa tinuran ng kaibigan namin.

"Matanong ko ulit, ano ba ang kapangyarihan niyan?"

"Ang sino mang mayroon nito ay kayang utosan ang buhay na kalikasan. Gaya nalang nito."

Napalingon kami sa direksyon kung saan ikinumpas ni Igwayan ang tungkod. Kung titingnan ng maigi ay napaka ordinaryo lang ng itsura nito. Yari ito sa kahoy at mayroon mga baging na nakapulupot dito. Puno rin ito ng lumot na parang hindi man lang pinagkaabalahang linisan ng may-ari. Pero ang mas nakakaagaw pansin ay ang ulohan nito na nakakurteng bilog na may malaking butas sa gitna. At sa loob ng butas nito ay tila may nakataling pulang bato.

"WOW!"

Bigla nalang lumaki ang tubig kung saan niya inkinumpas ang kanyang tungkod. Unti-unti itong gumagalaw na para bang may sariling buhay. Hanggang sa... hanggang sa ilang sandali lang ay nagkaroon ito ng kurte.

Naging kurteng tao ito!

Nagsimula itong lumaki hanggang sa pumantay ito sa barko namin.

GROWL!!

Nagulat kami ng biglang lumitaw ang bibig nito kasabay ng kanyang pagsigaw sa tabi namin. Ang totoo niyan ay puro tubig lang talaga siya, ni walang mukha. Saka kulang napagtanto na bumubuka lang ang bibig nito kapag ginagamit niya dahil bigla rin itong naglaho nung tumigil siya sa pagsigaw.

"Whiteford Red makinig ka sa akin." sabi ni Igwayan. Huh?

"Teka-teka! Ano ulit tawag mo sa kanya?"

"Whiteford Red. May problema ba?" seryoso niyang sagot. WTF! Nasa katinuan kaya siya nung pinangalanan niya ang alaga niyang tubig?

"Parang kung binaliktad mo ay Redfor White ah. Yung komidyanteng partner lagi ni Babalu" wika ni Elay.

"Wag mokong tingnan ng ganyan. Wala akong pinagkopyahan ng pangalan niya. Orihinal na likha ko yan. Hindi ba Whitefor Red?"

Tumango lang ang tubig na nilalang habang nagkakamot.

"Oh siya sige na. Tulongan mo na si Jack at nang makaalis na tayo" utos niya kay sino ulit yun?

Agad na naglakad esti agad na umalis ang tubig na nilalang sa tabi namin upang puntahan kung saan man naroon si Jack. Naririnig parin naman namin ang sigaw ng halimaw na hanggang ngayon ay hindi parin namin matukoy.

"Ahm Igwayan, anong klaseng halimaw ba ang kalaban ngayon ni Jack?" tanong ni Elay.

"Isang iyang Berberuka. Pero wag nyo nang pansinin yan. Mabalik tayo sa kwento"

"Teka! Isang berberuka? Ibig sabihin ay halimaw ng tubig? Diba sa ilog o lawa lang sila umaatake? Bakit nasa dagat sila?" tanong ni Kiko. Pati ba naman sa mga ganyan? Bat kaya ang dami niyang alam?

"Nabasa mo na naman yan sa kung saang libro na ang may gawa ay walang naging totoong karanasan." Tumango lang si Kiko.

"Mabalik tayo dito." sabi niya na tumingin sa hawak niyang tungkod.

"Nang maganap ang ikalawang digmaan ay nakita ng mga diyos na gumamit ng ilang makapangyarihang sandata ang malalakas na alagad ng anino ng demonyo. Bagay na kanilang ipinagtaka. Saan at paano nila nagamit ang mga sandatang tanging sila lang ang may likha?"

"Tapos? Anong nangyari?"

"May namatay ba sa malalakas na alagad ng anino?"

"Marami, pero hindi ang may mga hawak na makapangyarihang sandata. Daan ang dami nila. Hindi naman kasi mga normal ang kapangyarihang taglay ng mga sandatang tangan nila. Mayroong kaya kang ilipat sa ibang lugar kapag ginusto mo, mayroon ding kaya mong maglaho sa paningin ng iba kapag ginamit mo ito, mayroong kapag ginamit mo ay babalik sa iyong kalaban ang pinsala ng atakeng ibinigay niya sa iyo at marami pang iba."

Nganga kami sa sinabi niya. Kung mayroon ngang kakaibang kapangyarihan ang mga sandatang iyon ay maituturing mo itong isang napakadelikadong bagay basi narin sa sinabi niya. Pero para sa akin ay isang malaking pagkakamali ng mga diyos ang paglikha ng mga ganoong sandata para lamang sa isang libangan. At ang nakakatakot sa mga nangyari ay nagamit pa ito ng mga kalaban laban sa kanila.

"Paano naman nagamit ng mga kalaban ang mga sandatang yun kung nakatago naman iyon dito sa Himaylan?"

"Iyon ang malaking pagkakamali nila na hanggang ngayon ay kanilang pinagsisihan. Hindi nila naisip kailanman na mayroong magnanakaw ng mga iyon upang ibigay sa mga kalaban. Sa maikling salita ay may nagtraydor!"

"Sino?"

"Pagkatapos ng ikalawang digmaan ay nagkaroon ng masusing imbestigasyon dito sa Himaylan. Walang napatunayan na may sala. Ni walang nakasaksi sa nangyari noong pinatay ng magnanakaw ang tanging bantay ng mga sandata na si Alukaw. Natitiyak naming hindi rin isang pangkaraniwang nilalang lang ang pumatay sa kanya dahil isa rin siyang magiting at mahusay na mandirigma na pinagkakatiwalaan ng buong Himaylan. Ngunit nagawa siyang malupig ng hindi pa nakikilalang kawatan. At kahit labag sa kalooban ay bibilib ka sa kanyang ginawang pagpasok sa taguan ng walang nakakakita at nakakalam. Parang kabisado niya lahat ang buong lugar at parang matagal na panahon ang kanyang ginugol sa pagplano upang magtagumpay sa kanyang ginawa."

"Nagkaroon pala ng inside job dito." sabi ko.

"Walang pagsidlan ang galit ng mga diyos at diyosa noon. Marami sa kanila ay sinisi ang kanilang mga sarili. Sana raw ay hindi na nila nilikha ang mga sandatang iyon. Pero si Luna, ang diyosa ng buwan, hindi niya matanggap na walang mapaparusahan sa nangyari. Naniniwala siyang mayroong naninirahan dito sa Himaylan na kasabwat ng mga kalaban kung kaya't isinumpa niya ito. Walang nagawa ang mga kapwa niya diyos upang pigilan siya. Isa siya sa pinakamalakas na anak ni Bathala at hindi biro ang taglay niyang kapangyarihan."

"Pagkatapos? Hindi man lang ba kayo nagprotesta nun o nagmakaawa man lang? Wala naman kayong kasalanan hindi ba?"

"Nagprotesta oo pero ang salitang nagmakaawa, kailanman ay hindi namin iyon ginawa. Halos lahat ng taga Himaylan ay nagalit dahil sa ginawa niya, lalo na ako. Kinamumuhian ko siya dahil sa kanyang ginawa. Wala siyang karapatang isumpa ang Himaylan lalo na ang kalikasan nito sa kadahilanang hindi naman ginawa ng lahat. At isa pa ay kasalanan naman nila iyon dahil hindi nila nilikha ang mga iyon na tanging sila lang ang makakagamit. Kaya mula noon ay isinumpa ko na kahit man sino sa mga taga silbi o mga kalahi niya na tatapak dito ay aking papatayin ng walang pagdadalawang isip. Kahit na siya pa mismo ang tatapak muli sa lugar na ito ay papatayin ko ng walang alinlangan."

"Ibig sabihin lang nun ay nagsumpaan kayong dalawa." bulalas ni Elay.

"Huh? Anong nagsumpaan ang sinasabi mo?"

"Isinumpa niya itong Himaylan tapos isinumpa mo rin siya. Edi nagsumpaan kayong dalawa haha."

Tumigil siya sa pagtawa nang mapansin niyang singlamig ng tubig ang kanyang joke.

"Eh yang tungkod mo? Bakit meron ka niyan?" tanong ko kay Igwayan.

"Bilang isang propeta at tapat sa tungkulin ay niregaluhan ako nito ng diyosa ng kalikasan. Ito ang dahilan kung bakit kaya kung magbukas ng isang portal kung saan may nabubuhay na likas na yaman."

"Naubos ba ang mga sandatang gawa ng diyos o meron pang natira?" tanong ni Kiko.

"Mayroon pang natitira na mas malakas pa kaysa sa hawak ko at ng mga kalaban. Pero walang sino mang ang nakakaalam kung ano ang mga taglay na kapangyarihan nun at kung saan iyon itinago."

"Ang daya mo talaga Igawayan!" nagulat kami nung marinig naming sumigaw si Jack. Hindi namin namalayan na naglalakad na pala ito patungo sa direksyon namin.

"Tapos naba?"

"Alangang hindi matatapos eh may epal" sabi ni Jack na itinuro ang alaga ni Igwayan.

"Gusto ko lang matapos na agad para naman hindi tayo masyadong gabihin papuntang Limukon."

"Naku kahit kailan talaga. Oh tapos naba ang chikahan? Nagugutom na ako, ano kain muna tayo?" sabi ni Jack na parang hindi nanggaling sa isang labanan. Pero ngumiti kaming tatlo nung marinig namin ang sinabi niya. Akalain mong may pagkain pala dito sa barko? Sana naman hindi na kulangot ng higante nuh.

"Jao, ikaw muna ang mag maniubra ng barko." sabi niya kay Jao sabay anyaya sa amin na pumasok sa loob. Sasagot pa sana ang kapre ngunit sumenyas agad si Jack na nagpapahiwatig na siya ang kapitan kaya siya ang masusunod sa barkong ito.

Huminge muna kami ng pahintulot kay Igwayan bago kami sumunod kay Jack.

Napalingon nalang ako nang marinig kong nag-uusap sina Jao at Igwayan

" Hindi ako marunong kung paano patatakbuhin itong barko" tanong ni Jao na kaaagad namang sinagot ng ent.

"Wag kang mag-alala, si Whiteford Red ang bahala" sabi nya na tiningnan ang kanyang alaga.

"Orayt!" nag-apir silang dalawa at tumawa ng mala Sakuragi pagkatapos.










To be continued........















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top