Chapter 1
“Leader, punta tayu bar?” walang emosyon akong tumingin kay Dray.
Ano naman kayang gagawin don, Wala namang matitinong babae ang makikita doon eh. “Sumama ka nalang kasi.” dagdag pa nito.
“Sama din ako, malay mo don ko mahanap ang babaeng para sa‘kin.”
“Seriously, Hanz? Sa Bar talaga?”
“Bakit kex , hindi pwede? Hindi naman kasi lahat ng nasa bar marurumi eh.”
Umiling iling ako saka tumayo.“Ayuko padin.” sagot ko.
“Ayaw mo talaga dre? Bahala ka. Malay mo diba andon ex mo.” Sandaling natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Renzo.
Tumingin kaming lahat dito, lalo na ako na naiinis tuwing babanggitin ang salitang ex. Tssss!! Ayuko na maalala pa ang lahat.
Kung pano ako nasaktan at umiyak dahil don sa babaeng iyon, Nagseryuso naman ako eh pero ba’t parang kasalanan kupa kung ba’t ako niloko. Natural lang naman na umiyak kasi minahal ko ng tapat eh.
“Yan kasi, bunga nga mo talaga Renz eh noh?”
“Sorry na, oh ano? Sasama kaba dre? Baka andon ex mo.”
“Nananadya kaba!” inis na tanong ko dito. “Gusto mo bang mamatay?” dagdag ko.
“Sama kana kasi, malay mo diba? Andon nga talaga ex mo.”
“Putangina mo!” mura ko dito saka sinapok. ”Sasama na ako.” sagot ko.
By the way I’m Arven Desales Ochia just call me Arven For short hindi na mahalaga kung ilang taon ako. Ayuko din magsabi ng tungkol sa‘kin.
“Ano let’s go.” He’s Dray Filafalco , he’s the son of Filafalco’s C.E.O sa aming anim si Dray ang pinakamabait, madaming nagsasabi na perfect boyfriend s’ya dahil bukod sa sweet maalaga pa.
“Sama ka kex?” He’s Jeremy ang playboy sa‘min pakiramdam ko nga lahat ng babae sa M.U pinatos n’ya na lahat pati yata teacher dina pinalagpas eh. Mayaman din kaya lahat ng babaeng magustuhan n’ya nakukuha n’ya.
”Ghe.” He’s kex, Pinakatahimik sa‘min. Ayaw din minsan sa mga babae iwan, kunti nalang talaga sasabihin kunang bakla ito eh. Mayaman din pero kuripot ni hindi ko nga nakitang bumili ng kahit ano eh bukod sa sarili n‘yang sasakyan.
“Ay sasama naman pala, dami pang sinasabi eh. Mabuti na’t sumana ka leader kasi baka nga talaga andon ex mo.”
“Isa pang ex Renz, papatayin na kita.” sagot ko. He’s Renzo Demapil pinakachildish saming anim. Sobrang ingay at may pakachismoso din. Halos lahat ng bagay di pinapalagpas at pinabigyan ng kwento. Mayaman din pero dahil sa kami ang kaibigan ito naspoil.
“Sasakyan kuna ang dalhin.” and last HE’s Hanz Jores, my partner in crime. Kapag napapa away ako andon gad s’ya para tumulong lagi kaming sangkot sa away. Mag kasing ugali din kami. Cold sa public but in private daig pa namin ang nakawala sa Silda.
Tumayo kaming lahat para lumabas ng tambayan. Ilang weeks nalang kasi pasukan na namin kaya naman mas mabuti na itong maiinjoy na muna namin itong bakasyon.
—FF—
Sabay sabay kaming lumabas ng sasakyan saka pumasok sa loob, madaming nakatingin sa’min pero snob lang lahat sanay na kami sa ganito lalo na sa campus. Lagi nalang may hiyawan.
“GOOOSSSSHH ANG GWAPO, NGAYON LANG BA IYAN DITOM”
“ANG BLACK MAFIA BA IYAN?”
”HIMALA AT NAPUNTA SILA DITO.”
“OYYYY ANDITO DAW ANG BLACK MAFIA.”
Umupo kami sa bandang may kana kung saan malapit sa dance floor , iwan si Jeremy may pakana nito. Baka gusto na naman makakita ng babaeng nagsasayaw. Basta talaga babae ang usapan iba ito.
Nag order nadin kami ng maiinom para naman kahit papano hindi kami boring. Tas—“Teka, at sino namang may sabing pwede kang kumuha ng babae dre? Alam mo bang 19 palang tayu. Baka makabuntis ka n’yan.” saad ni Hanz kay Jeremy.
“Easy lang naman, mag cocondom naman ako eh.” halos maibuga ko iyong iinumin ko dahil sa sagot nito. Gago ang amputa condom panga.
Ilang minutes kaming nakaupo don hanggang sa napansin kung may babaeng naka mark tapus nakabangs na naupo banda sa gilid ni Kex.
Pingmasdan ko s’yang maigi, hindi ko makita gaano ang mukha n’ya dahil nakamask ito. Pero ramdam kung ang bilis ng tibok ng puso ko iyong para bang hinahabol ako ng nga aso.
Napaiwas ako ng tingin ng lumingon ito sa gawi ko dahilan para mapalunok ako. Anak ng putcha! Ano ba nangyayari sa‘kin?
“May cp kaba?” bulong ko kay Hanz.
“Meron, bakit di mo dala cp mo?”
“Magtatanong ba ako kung madala ko, So may dala kang cp?”
“Meron.”
”Akin na, hiramin ko muna.”
“Bakit? Ano gagawin mo.”
“Akin na dali.” saad ko.
May pagtataka naman s‘yang kinuha ang cp n’ya sa bulsa nito , napansin din ng tropa na parang taranta ako kaya naman nakatingin sila sakin.
Inopen ko ang Camera ng Cp saka kinuhanan ng litrato iyong babae. Napansin naman agad iyon ni Hanz kaya naman pumagilid s’ya para mas lalo kung makuhanan ng picture iyong mask girl.
Seryuso akong kinukuhanan sya ng litrato, mabuti nalang mabilis ang kamay ko na naibaba ang cp sa tuwing lilingon s’ya. ”Huwag mo sabihing, mafall ka sa babaeng naka mask pre?” natatawang pang aasar ni Jeremy.
”She’s cute, kahit nakamask.” sabay sabay kaming napalingon kay Kex nang magsalita ito, akala ko ba walang paki alam sa paligid to? Ba’t parang himala naman yata na nanotice n’ya iyong babaeng tinitignan ko.
“Puntahan muna, Leader tas tanungin mo pangalan.” sabay tulak sa’kin ni Jeremy. ”Tigilan mo nga ako.” inis na sagot ko saka umupo at tumago sa likod ni Hanz.
“Pano mo naman, liligawan iyan kung di mo aalamin ang pangalan diba? Gusto mo alamin ko dre.”
”Subukan mo, at nang maghalo iyang mukha mo sa lupa.” sagot ko.
Tinataas nito ang kamay n’ya saka sumagot. “Easy lang.” saad n‘ya.
Umayos ako nang upo na parang tila walang nangyari at pinagmasdan ulit ito. Tinignan ko iyong bangs n’ya bakit ganon kahit mata lang nito ang nakikita ko ang gandang tignan, midyo may pangboyish ang dating pero bagay sa kan’ya. I like her style or should i say i like her.
“HOY!”
“WHAT THE F*CK!”
”Pffftt!!! HAHAHHAHAAH!” tawa ko nang mapansing muntik itong mahulog sa kinauupuan n’ya dahil sa gulat. Naksss ang kyut nang boses n’ya ang kyut lang din magmura.
“Leader , akala ko ba nag momoveon ka? Ba’t parang injoy na injoy ka naman yatang tignan iyang si Ms Mask Girl.” pang aasar na naman ni Renzo.
“Baka naman, ligawan muna leader. Don din naman patungo iyan eh.” Dagdag ni Jeremy.
“Pagmamasdan kulang at hindi ko liligawan.”
“AYYY WEEEHHHH!” sabay sabay nilang sagot, pati si Kex nakiki weeehh nadin ang gago.
“Ba’t mo pinicturan?” tanong ni Hanz.
“Ba’t napapangiti ka?”tanong ni Renzo.
“Ba’t nanghiram kapa ng cellphone makuhanan mulang ng litrato?” dagdag ni Jeremy.
“Ba’t parang titig na titig ka.” dagdag ni Dray.
“INLOVE KANA TALAGA!” pang aasar nila.
“Mga sira, tigilan n’yo nga ako. Ang angas n’ya kasing tignan , bagay kami.” sagot ko na kinatahimik nila.
Yes, bagay kami. pag nagkataon na malaman ko talaga pangalan nito. Di na ko magdadalawang isip. Imamine kuna agad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top