Prologue

"Bakit ang tahimik?" bulong ko sa katabi ko.

"Oh, my God ka! Syempre first day of school ngayon e, tignan mo after ilang weeks or months nito magiging cockpit bigla 'tong buong classroom," bulong niya pabalik.

Tumango-tango ako at umayos ng upo. Today is the first day of classes. Bagong school ko 'to. Wala kasi 'yong strand na gusto ko sa dati kong school kaya napilitan akong mag-transfer dito.

Actually, hindi talaga ako napilitan. Itong bago school ko kasi, semi-private. Tapos may isa pang school kung saan nando'n 'yong lahat ng strand, kaso malayo.

Hindi ko nga din alam paano ako napunta dito e. Basta sabi lang ni Mama tapos biglang woosh tsaran! Nandito na ako.

Nanatili akong tahimik habang nakamasid sa kanila. May iba na komportable lang, hula ko ay dito na rin nanggaling sa school na 'to last year. May iba naman tahimik lang din at nagmamasid, katulad ko.

"Kinakabahan ako," amin ko.

"Hindi ka nag-iisa."

Nilingon ko ang katabi ko. Punyetang 'yan. Nakaka-inggit 'yong clear skin. To be honest, hindi ko kilala 'tong katabi ko ngayon. Feeling close ako e. Just to lessen the nervousness I feel.

"Ano nga palang pangalan mo?" I awkwardly laughed.

"Apple. Apple Jiane Merced. Ikaw?"

Lumunok muna ako bago sumagot. Pati pangalan nakakababa ng dinidad, hayop na buhay 'to.

"Scent. Zethadel Scendra Colina," sagot ko.

"Nice. I like your name."

"I like yours too," kinakabahang tango ko.

Pumasok na 'yong adviser namin at pinaayos kami ng upo. Ang ganda ng adviser namin. Kung titignan, parang ako lang 'yong naligaw dito.

"Okay class, good morning. I am Marian Torres and I will be your adviser for this whole school year. I've been teaching for a decade now and I'm happy to be teaching you and uh... feeding you with knowledge. So, again, I am Ma'am or Teacher Marian Torres, nice to meet you."

"Now, I want you all to stand in front individually and introduce yourself. Kasi, it's better 'di ba kung magkakilala tayong lahat?"

All of us agreed. Tama naman kasi. Mindset ba, mindset.

Hindi kami uniform kaya sa sitting arrangement nalang kami bumase. Kung sino 'yong nasa first row sa right side, siya 'yong nauna.

"Armil John De Luna. Uh... I finished my junior years here in uhm... in this school. My motto is uh... kapag luto na ang kanin, pwede niyo na akong ulamin."

Galaw ng galaw pa ito at parang hindi mapakali. Dati ka bang abno?

"Good morning everyone, especially to our adviser, Ma'am Marian. I am Amos James Alagadmo, I finished my junior years in this school and if things get worst, just drink red horse. Royal po chaser. I'm only two calls away. Thanks."

'Yan ang gusto ko, mapagbiro, sarap sakalin.

"Hi! My name is Apple Jiane Merced. Some of my friends call me AJ from my name initials, and some just address me as Apple. I also finished my junior years here and I'm glad to meet you all. Thank you!"

What the hell, beh?

"Hi. I'm Zethadel Scendra Colina. I'm a transfer student from uh... basta sa ibang school. I hope we can get along well. 'Yon lang po," nakatungong bumalik ako sa upuan ko.

Kapag nasa upuan ka, hindi nakakahiya. Wala kang hiyang mararamdaman. Pero kapag ikaw na 'yong tumayo at na sa 'yo na 'yong atensyon nila, mangangatog ka nalang talaga sa kaba. Hindi naman ako introverted kid o ano, ayaw ko lang talaga ng atensyon. Kapag nga may nakamasid sa 'kin habang naglalakad ako, nakakalimutan ko nalang paano maglakad ng maayos.

"Galing ka pala sa ibang school?" tanong ni Apple ng makaupo ako.

"Ah, oo. Transferee ako."

"Samahan kita libutin 'tong school?" she smiled widely.

"I would love to!"

Wala kaming ginawa masyado. Sa third week na daw kasi magsisimula 'yong official classes. Kailangan ko na talagang ihanda ang stamina ko. Pinili ko kasi 'yong strand na sinalo lahat ng lessons sa ibang mga strand.

"Ito 'yong library. Hindi masyadong malaki, hindi rin masyadong maliit. Sakto lang kumbaga. As usual, bawal mag-ingay. Kung papasok ka, dapat naka-zipper iyang bibig mo. Pati nga pagtawa bawal e," kwento niya.

Nililibot na namin ang school ngayon. Lunch kasi at pwede kami lumabas. Hindi na ako masyadong nag-worry kasi hindi lang naman ako 'yong transfer student sa room namin. Marami kami, actually.

"Ito naman 'yong computer lab. Dito ako nakatambay paminsan-minsan, nagr-research kapag bored. Yup, I know I'm weird. Nakahiligan ko na kasing gumawa ng sariling research paper kapag bored," kwento niya na ikina-atras ko.

Wow naman, ako nga puro tulog lang e. Wala na talaga akong ginawang tama sa buhay.

"Pwedeng tambayan dito? Cool," kumento ko.

"Hindi. Isa kasi 'yong Mom ko sa mga teachers dito sa school kaya nakakatambay ako. I'm handling it with care naman kaya ayos lang para sa 'kin na tumambay dito."

"Alam ba 'to ng ibang teachers?"

"Yes. Lahat sila."

Tumango nalang ako at hindi na umimik pa.

"This is the junior high classrooms. Tigd-dalawang room. Dalawa sa grade seven, eight, nine at ten. Tig-apat naman sa senior high building. Every year kasi may mga panibagong transfer students kaya dinagdagan 'yong classrom ng senior high."

"Bakit hindi dinagdagan sa junior?" tanong ko.

"Hindi kasi tumatanggap ng transfer students ang grade eight, nine at ten. Dapat 'yong estudyante dito na talaga nag-aral from grade seven. Sa grade eleven at twelve, tumatanggap sila ng transfer students. Kaya nga apat ang classrom sa grade eleven, apat rin ang sa grade twelve."

Napatango-tango ako. Nag-proceed kami sa ibang rooms. Ang ganda ng school. May malaking fountin pa sa gitna at maraming bulaklak. Nature friendly. Wala ring kalat kahit saan.

"Principal's office. Dalawang beses lang ako nakapasok diyan mula grade seven hanggang sa ngayong senior high. Bawal kasi pumasok diyan."

"Bakit?" tanong ko.

"Basta, bawal. Para kay Madame Principal lang 'yan e. Nakapasok ako diyan kasi naging witness ako ng dalawang gulo na nangyari. I was so anxious, akala ko kasi pagagalitan ako," she chuckled.

Pati pagtawa, sobrang pormal. Ano ba kasing papel ko dito sa mundo? Ang maging inggetera sa lahat? Gano'n ba?

"Ito naman 'yong faculty room, kung saan 'yong mga faculty staffs at ibang subject teachers nagt-trabaho kapag wala silang klase. Kahit kasi wala silang klase, nagt-trabaho pa rin sila like sa mga pag-check ng assignments ng mga students, projects, portfolio's, 'tsaka 'yong mga logbooks."

Kaya saludo ako sa mga teachers e, sobrang hardworking.

"This is the conference hall. Dito nagm-meeting 'yong mga teachers."

Malawak ang school, at halatang planado ang floor plan ng bawat classrooms. It just amazed me. Nakaka-entertain rin 'yong mga nakikita mong bagay-bagay sa bawat sulok ng school.

"We have the comfort room outside classrooms. May comfort room bawat classrooms. Kalimitang gumagamit nito ay 'yong mga staffs ng school. 'Yong mga tumutulong sa 'tin sa paglilinis nitong school araw-araw."

Tumango ako at pumasok saglit sa loob ng comfort room. May salamin at gripo. May apat na cubicle at may maliit rin na hanging cabinet.

"Anong nasa loob niyan?" kyoryusong tanong ko.

"Mga hand sanitizer. Napkins, wipes at marami pang iba. May sabon at shampoo nga din e. Para kapag may day camp dito sa school, hindi na kailangang magdala ng mga students. Provided na lahat."

Gaano po ba ka-yaman ang school na 'to?

"Dito naliligo ang mga students?"

"Yup! Nagkakapunuan kasi minsan sa bawat classroom kaya ang iba dito na naliligo. Kapag binuksan mo 'ayng cubicle, may toilet bowl diyan at shower na rin."

Ang galing naman. Pwede bang dito nalang ako tumira?

"May limang comfort rooms dito sa labas. Nagkalat sa bawat parte nitong school. Hindi ka mahihirapang hanapin 'yon kasi hindi naman kalakihan itong school. Lastly, we have the cafeteria, also called canteen."

Ang laki ng canteen nila. May table na may limang upuan. Tapos may led lights pa sa counter ng canteen nila, nakalagay ang malaking word na 'ORDER'.

"Mahal ba mga pagkain dito?" tanong ko.

"Hindi naman. Sakto lang."

Lumabas kami ng cafeteria at may bitbit na akong dalawang piraso ng burger. Binili ni Apple para sa 'kin. First day of school naka-libre agad. Hanep.

"Hindi ko pa nga napapakita 'tong garden. Dito 'yong garden. Located talaga siya sa likod ng senior high building. May garden din naman doon sa junior high, katulad lang din ang design no'n sa design nitong atin. Wala masyadong pumupunta dito kasi hindi naman mga nature friendly 'yong mga students dito. Just kidding. Masyadong busy ang mga senior students para mag-chill lang dito," litanya niya.

Ikinatuwa ko naman agad ang lugar na 'to. Wala masyadong estudyante ang pumupunta dito, pwede ko sigurong gawin 'to na tambayan.

"Jerick! Ryan!" sigaw niya.

Pati pag-sigaw beh malumanay.

"Si Jerick at Ryan. Kaklase natin sila. Wala nga lang sila sa room kanina kasi inutusan ng mga teachers. Ayan, deserve," tawa niya.

"Ginagawa niyo dito?"

"Scent, this is Jerick and this is Ryan. Mga unicorn ng school na 'to. Sila ang representative ng creative art club dito sa school simula grade seven hanggang ngayon. Kaklase natin, si Scent."

Binati naman nila ako. May mga ID sila, tapos ako ano lang... basta buhay.

"Next time na kita it-tour sa bawat art clubs dito sa school. Sa ngayon bumalik muna tayo sa room," aya niya.

"Sabay na kami. Tapos naman na kami sa lahat," sabi ni Jerick.

"Tara."

Palinga-linga lang ako habang naglalakad kami sa hallway. Pagdating sa room ay maingay na ang mga estudyante. Parang kanina lang sobrang tahimik a.

"Palitan daw natin 'tong bulletin sabi ni Ma'am," sabi ni Ryan.

"Kaya niyo? Or you need help? Wala naman akong gagawin, I'm free," sabi ni Apple.

"Ako din," feeling close kong sabat.

"We difinitely do. Later at four, punta kayo ni Apple sa art room. Doon natin gagawin 'yong designs. Maghanap din tayo ng templates sa Google, pero hindi natin gagayahin. Kukuha lang tayo ng idea," litanya ni Jerick na sinang-ayunan naming lahat.

They discussed about what to do. Ako naman ay tinitigan iyong bulletin. Maganda 'yong design. Ang galing ng gumawa nito a. I heaved a sigh and turned around. Sakto namang nakita ko 'yong kaklase kong lalaki na inaayos ang damit niya, nakababa ang pants at kita ang... punyeta puting brief.

"Hala! Nakahubad!" bulalas ko sa gulat.

Natahimik ng ilang segundo ang mga kaklase ko. Lahat sila nakatingin sa 'kin tapos biglang humagalpak ng tawa. Gusto ko magdabog. Punyeta bold.

"Sinigaw mo pa talaga, Zethadel," natatawang sabi ng isang kaklase ko na lalaki.

"S-sorry. Nagulat ako e!"

Pagtuloy lang sa pagtawa ang mga kaklase ko. Pumunta ako sa upuan ko at kinuha iyong cellphone ko. Uminit ang mukha ko nang maalala iyong nakita ko. Hayop!

"Anong kulay ng brief ni Armil?" tukso ng mga kaklase ko.

"A-ano... puti," nahihiya at kinakabahang sagot ko.

Humagalpak ulit sila ng tawa dahil sa sinagot ko.

"Mukhang na-trauma yata dahil sa brief mo, De Luna," tawa ulit ng mga kaklase ko.

Tumingin sa 'kin 'yong si Armil at ngumisi.

"Mas nakaka-trauma 'yong nasa loob ng brief ko."

*****


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top