Chapter 8

Scent's Point Of View

"Hindi ka manonood ng program?" tanong ni Apple.

Walang afternoon class kasi may program. Ayon nga, about do'n sa clubs and such.

"Pupunta ako mamaya. Dito muna ako, masakit ulo ko," sagot ko.

Ayaw ko makita si Armil. Nanggigigil ako.

"Bawal mag-stay dito sa loob. Ano ka ba, Scent. Trust Armil, he has plans," pamimilit niya.

Trust. Easy to say, hard to do. Char! Akala mo may trust issues, eh, 'no?

"Hindi mo 'ko mapipilit, Apple. Sige na, mauna ka na. Susunod ako."

"Promise? Bibigyan kita ng upuan sa tabi ko, ha? Sunod ka agad."

Tumango ako. I was the only one left. Inayos ko muna lahat ng gamit ko at pumunta sa may salamin. I tied my hair into a messy bun. Ang init kasi. Lumabas ako at pumunta sa school auditorium na walang bitbit. Nakita ko si Armil sa gate ng auditorium at parang may hinihintay.

"What took you so long?" he groaned.

"Problema mo na naman ba?" nagsalubong ang kilay ko.

"Hinihintay kita. Akala ko hindi ka pupunta, pupuntahan na sana kita sa room. By the way, you're so gorgeous in that style. Cute ka kapag hindi nakatali buhok mo, umaapaw naman ganda mo kapag nakatali. Kahit saan tignan ang ganda mo," litanya niya.

Hinampas ko siya, kunyari ay naiinis kahit na ang totoo ay nagc-celebrate na 'yong laman loob ko.

"Mainit kaya ko tinali," nakangusong sabi ko.

Napaatras ako nang hawakan niya ako sa likod. He caressed my back gently and later on clicked his tongue.

"Talikod," utos niya.

"Anong gagawin mo?" tanong ko.

"Basang-basa 'yong likod mo. Tumalikod ka," sagot niya.

Tumalikod ako. Nahigit ko ang hininga nang ipasok niya ang malaki niyang kamay sa loob ng T-shirt ko. Magp-protesta na sana ako nang ilabas niya 'yong kamay niya. Doon ko lang napagtanto na bimpo pala ang nilagay niya sa likod ko.

Uminit ang mukha ko nang mapagtantong sumayad sa bra ko 'yong kamay niya. Hindi ako mahilig sa sando kasi mainit.

"You're blushing," he stated.

"Papasok na ako."

"Sasama ako."

Hinawakan niya ang braso ko at maingat na inalalayan ako sa loob. Ang daming tao, ang init nito. Nagkakatulakan na rin. Hinahanap ng mga mata ko si Apple.

"Si Apple, nakita mo?" tanong ko.

"Nasa stage. Sa harap tayo uupo."

"What? No. 'Di ba officers sa harap? Hindi ako officer, Armil," tanggi ko.

"Sometimes, I need to take advantage of the power I hold as a Supreme Student Government Vice President to pull off some strings," he smiled.

I nodded and let him drag me in front.

"Dito ka, sa tabi ko. Tabi tayo."

Umupo ako at naupo rin siya sa tabi ko. Nasa stage sina Jun at Apple, may hawak na mic.

"Kailangan ka siguro do'n, Vice President ka 'di ba?"

"They'll going to be fine without me. Besides, mas gusto ko dito," he stretched his arms 'til it reached my chair. Para siyang naka-akbay sa 'kin kung titignan. I looked in front and waved at Apple. She smiled widely and waved back at me.

The program started with a prayer. Next is the welcome remarks. Mentioning of the school teachers, principal and staffs. Nakaramdam ako ng uhaw kaya tumayo ako.

"Where are you going?" Armil asked.

"Bibili ng tubig sa canteen, nauuhaw ako."

"No, stay here."

Napasimangot ako at umupo ulit. Napalingon ako nang tumayo siya. Bwesit. Bawal ako tumayo tapos siya ayon naka-alis na.

"Saan pupunta 'yon?"

Napahawak ako sa dibdib nang may magsalita sa kabilang gilid ko. I turned and found Amos sitting next to me.

"Hindi ko alam. Nakit nandito ka?" tanong ko.

"Maganda dito sa unahan, makakapag-video ako ng maayos," he smiled.

"What the fuck. Nawala lang ako saglit magkausap na naman kayo. Lumayas ka dito, Amos, kung ayaw mong bangasan kita," masama ang hibla ng mukha ni Armil habang nakatingin sa 'min.

"Naki-upo lang eh, madamot," nakangusong sabi ni Amos at umalis.

"Last nalang talaga, sasakalin ko na si Alagadmo," he gritted his teeth and sat next to me.

"Saan ka galing?" tanong ko.

"Kumuha ng maiinom mo. Lunod na lunod na ako, lahat gagawin ko para sa 'yo," sagot niya at inabutan ako ng tatlong strawberry juice.

Nagliwanag agad ang mata ko at napangiti ng sobrang laki. Tinanggap ko agad iyon at ininom. Nakamasid lang sa 'kin si Armil.

"Sa 'yo 'tong isa," inabot ko sa kaniya 'yong isang bottle.

Imbes na 'yong inabot ko ang kunin ay 'yong binuksan ko ang kinuha niya at ininom.

"Damn. Tasty as fuck," he cursed after gulping the last bit.

The program resumed. I was surprised when Amos was called in the stage for his intermission song. Wow. Galing.

"May headphones ka? Or earphones?" mayamaya pa ay tanong ni Armil.

"Wala, bakit?" tanong ko pabalik.

"Cover your ears, nakakairita ang boses niyan."

"Laitero. Suntukin kita diyan eh," irap ko.

Amos sang Beautiful In White by Westlife. Napapalakpak ako ng wala sa oras nang magsimula ito. Soothing 'yong voice niya, it's so nice.

"You will literally look so beautiful in white," Armil whispered behind me.

He rested his head on my shoulders. Hinayaan ko siya at nanatili ang tingin sa stage. Matapos ang kanta ay may isa pa pala. Ang ganda ng boses. Fan girl-ing muna ako ngayon.

A Thousand Years naman ang kinanta niya. Bagay na bagay sa boses niya, oh my God! Bakit puro wedding songs 'to? Char!

Hindi ko alam kung anong rason pero naiiyak ako. A Thousand Years is the song I always listen to, at palagi talaga akong naiiyak kapag naririnig ang kantang 'to. Ito rin 'yong paboritong kanta ni Mama at Papa. 

I have witnessed their love for each other. Gusto ko rin ng gano'n. I want to have that kind of relationship.Napaka-wholesome ng relationship nila kahit hindi perpekto. Nag-aaway sila minsan, but at the end of the day, they forgive each other and their love is getting stronger. 

Ang swerte ko sa Mama at Papa ko, kahit na palaging galit si Mama. Araw-araw ba naman stressed sa 'ming dalawa ni Papa. 

When Amos was singing the last part of the song, Armil moved closely to me. He made me face him and stared right directly into my eyes. 

"The day we met, I held my breath. Right from the start, I knew I had found a home for my heart. Zethadel Scendra, I'm in fucking love with you," Armil took my hand and held it tightly, as if it would hurt him if he let it go.

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top