Chapter 7

Scent's Point Of View

"Napuntahan mo na 'yong bulletin?"

"Apple, kakadating ko lang. 'Tsaka, ano bang mayro'n sa bulletin?" tanong ko sabay lapag ng bag ko sa upuan.

"Nando'n na 'yong results kahapon. Tignan natin 'yong sa 'yo," aya niya.

Tumango ako bilang sagot. Sabay kaming lumabas at naglakad sa hallway habang nagk-kwentuhan. Wala pa masyadong estudyante, maaga pa kasi. Naging natural na sa 'kin 'yong gumising ng sobrang aga these past few weeks.

"Hindi daw ako tanggap, sabi ni Armil kahapon."

"Ikaw? Hindi tanggap? Imposible. Hindi na ako magtataka kung biglang naging leader ka na ng Music club," mahinang tumawa ito.

Minsan hindi ko talaga naiintindihan 'yong takbo ng utak ni Apple.

"Required na kapag sumali ka sa Music club, eh, magaling ka rin kumanta. I was about to tell you that before the audition, ang kaso nawala sa isip ko. Kaya nagtaka ako kahapon no'ng nag-perform ka tapos ayos lang kay Armil kahit hindi ka kumanta.

"As what I've said, Armil is picky. Isa sa rules niya na kapag hindi marunong kumanta, automatic disqualified," dagdag ni Apple.

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Apple. Ano ba 'tong mga pinaggagagawa ko sa buhay!

Pagdating sa harap ng bulletin ay may iilang estudyante na. Hinahanap rin siguro kung nakapasok ba sila sa mga clubs na sinalihan nila. Lumapit ako at hinanap 'yong Music club. Pagkakita ay hinanap ko agad ang pangalan ko. Napakamot ako sa ulo nang hindi mahanap ang pangalan ko.

"Hindi ako tanggap, Apple. Wala 'yong pangalan ko," I murmured.

"You didn't check well. Ako nga."

Tumabi ako para bigyan siya ng daan. Mas matangkad ako kay Apple kaya kailangan niya pang tumingkayad dahil nasa itaas 'yong papel ng Music Club.

"I'm going to punch Armil for putting the paper this high!" naiinis na sigaw niya.

"Wala nga 'yong pangalan mo, Scent."

"Sana pala hindi na ako nag-audition," I disappointedly remarked and walked away.

Para akong napahiya, in a low-key way. Galit nga yata sa 'kin 'yong tarantadong 'yon dahil sa ginawa ko. 

"Scent, hintay!" narinig kong sigaw ni Apple.

Tumigil ako saglit sa paglalakad. Nang nasa tabi ko na si Apple ay saka lang ako naglakad ulit. I stayed silent until we reached our classroom. Nandoon na ang ibang kaklase namin. 

"Nakapasok ka, Scent?" tanong ni Mykee.

"Hindi," walang gana kong sagot at umupo sa upuan ko.

Lumapit si Alyssa sa 'kin at umupo sa harap ko. So as Mykee and the others.

"Ha? pa'no nangyari 'yon? Akala ko ba may something kayo ni Armil?" tanong ni Marga.

"Walang something sa 'min, ano ba kayo," iling ko.

"Makiki-tsismis na nga lang Antonia Margaret, mali-mali pa," sarkastikong sabi ni Alexandra.

"Eh, 'di sorry!" tumawa si Marga.

Nanatili akong tahimik habang nag-uusap sila. Topic pa naman nila 'yong mga clubs na pinasukan nila. My God! I'm so disappointed and embarrassed. Gusto ko na tuloy mag-transfer ulit.

Mayamaya pa ay dumami na ang mga estudyante. Hindi rin nagtagal ay pumasok si Armil na may malaking ngisi sa labi. I drifted my eyes away from him and focused on my phone. May WiFi ako, naka-connect kasi ako sa pocket WiFi ng kaklase ko.

"Hina ng signal," naramdaman kong tumabi ng upo sa 'kin si Christine, 'yong kaklase ko na may-ari ng WiFi.

"Oo nga eh,"  tango ko.

"By the way, nakapasok ka sa club na sinalihan mo?" she gently asked.

Umiling ako at wala sa sariling napatingin sa gawi ni Armil. Nanlaki ang mata ko nang makitang nakatingin rin siya sa 'kin at hindi pa rin nawawala 'yong ngisi sa labi niya. Now, I'm pissed.

"Ha? What do you mean? Ilang clubs ba sinalihan mo?"

I drifted my attention back to Christine.

"Isa lang."

"Bakit isa lang? Dapat dinamihan mo."

Umiling lang ako at tinuon ang paningin sa cellphone na nagl-loading. Pagdating ni Ma'am ay umayos ako ng upo at nang magsimula ang klase ay nakinig.

"Sabay tayo pumunta sa canteen mamaya," kulbit ni Apple sa likod ko.

Hindi ako umimik at tumango lang. Pagdating ng snack break ay nakakawit ang braso ni Apple sa braso ko. 

"Ang tamlay mo bigla. Ayos ka lang ba?" tanong niya.

"Ayos lang ako. Nagugutom lang," sagot ko.

Ako ang naghanap ng upuan at si Apple naman ang nag-order ng pagkain para sa 'min. Napangiti ako dahil sa dami ng pagkain na dala nito. Agad ring napawi ang ngiti ko nang makita kung sino 'yong hinayupak na nakasunod sa kaniya.

"Here's our food! Pakilapag nalang diyan, Mil. Thank you," magiliw na sabi ni Apple.

Palihim na umirap ako. Gusto ko siya sakalin. Ang sama ng pakiramdam ko. Gusto ko siya katayin punyeta.

"Congratulations, Colina."

Nagtaas ako ng tingin at tinaasan siya ng kilay.

"Sinasabi mo?" tanong ko.

"Congrats. Pasok ka sa Music club," he smiled warmly.

"Pinaglolo-loko mo ba ako, De Luna?"

His expression changed.

"No."

"Stop, okay? Wala sa bulletin 'yong pangalan ko. Tama na, napahiya na ako. Masaya ka na? Pwede ka na siguro umalis. Nawawalan ako ng gana kumain kapag nakikita kita," litanya ko.

Apple gently touched my arm. I heaved a sigh and stood. Tinanguan ko lang si Apple at naglakad na paalis. Daming drama sa buhay, daming ganap.

"Galing ka sa canteen?" 

Nakasalubong ko si Jerick at Ryan. May mga sash dala ang dalawa at iilang folders.

"Oo. Ano 'yan?" tanong ko.

"A token of appreciation sa mga bagong leaders ng mga clubs. May sash rin kami kahit hindi kami nag-elect ng bago, hindi kami magpapatalo 'no. 'Tsaka bakit kami papalitan, eh, ang galing-galing namin. Right, Ryan?" Jerick remarked.

Wow. The design is very Jerick.

"True. Congrats nga pala, you go girl! Love you, bye!" nagmamadali sa pag-alis 'yong dalawa.

Hinabol ko sila ng tingin at naglakad palayo. Napadpad ako sa garden ng mga junior high students. Umupo ako sa isang bench at huminga ng malalim. Tangina, ang saa talaga ng loob ko. Bumaba talaga pride ko sa nangyari.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Amos na kumakain. Kumalam ang sikmura ko kaya hindi ako nagdalawang-isip na lapitan si Amos.

"Amos," tawag ko.

"Hello."

Ang bait tignan ni Amos, kasi totoo namang mabait siya. For real.

"Pahngi ako. Gutom na gutom na talaga ako, Amos. Hindi ako nakabili sa canteen, puno na kasi," pagsisinungaling ko.

"Nganga."

"Ha?" tanong ko.

"Ngumanga ka."

Ngumanga ako. Napangiti si Amos at inabot sa bibig ko 'yong kalahati ng kinakain niya. I closed my mouth and savoured the taste of the food. Beh, ang sarap.

"Hindi ka ba inaalagaan ng mabuti ni De Luna?" tanong niya.

Patuloy lang sa pagsubo sa 'kin si Amos na tinatanggap ko naman. Pagkain 'to, hindi dapat tanggihan.

"Ma-issue kayo," naiinis kong sabi.

Marahang tumawa si Amos.

"Pa'nong hindi mai-issue, eh, bukang-bibig ka palagi ni Armil John."

"Hindi totoo 'yan," tanggi ko.

Muntik na akong mapasubsob nang may humila sa 'kin patayo. Gulat na gulat ako at ang lakas pa ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Nang mahimasmasan ay sumalubong sa 'kin ang iritadong mukha ni Armil, nagtatagis rin ang bagang at mahigpit ang hawak sa pulsohan ko.

"Putangina, Amos. Ang akin ay akin lang," malamig na sabi nito.

"Woah, woah, dude. Chill out, wala akong inaagaw sa 'yo."

"You won't like it when I'm mad, Alagadmo. Stay the fuck away!"

Kinaladkad ako ni Armil matapos niyang sabihin 'yon. Napagtanto kong sa canteen kami papunta. Hindi niya pa rin ako binibitawan pagpasok sa loob.

"Stay here. Bibili ako ng pagkain," seryoso niyang sabi.

Pagbalik ay wala siyang dalang pagkain pero may nakasunod sa kaniya. Umawang ang labi ko nang makita ang limang taong nakasunod sa kaniya, nakasuot pa ng apron ang mga ito. Nilapag nila s atable 'yong mga bitbit nila at umupo naman si Armil sa tabi ko.

"A-ano 'to?" gulat kong tanong.

"Ngumanga ka, susubuan kita. Ako lang dapat ang susubo sa 'yo, tanginang 'yan," he hissed.

"Bakit ka ba nagagalit?"

"Bakit magkasama kayo? Hinanap kita kahit saan, nando'n ka pala sa dugyot na 'yon. Gusto ko siya suntukin."

"Gago mo naman, walag ginagawang masama si Amos sa 'yo."

"Mayro'n, sobrang sama. Huwag ka kasi lumalapit sa kaniya! Ang sakit sa dibdib," he reasoned.

Naguguluhan ako sa inaakto ni Armil... at kinikilig. Walang nakakakilig pero kinikilig ako. What the hell.

"Pa-billboard mo na sana," sarkastikong sabi ko.

"Ikaw ipapa-billboard ko."

"Mukha mo pa-billboard mo."

Marahang tumawa si Armil at tinapat sa mukha ko ang isang burger.

"Open your mouth, Zethadel."

Maka-Zethadel naman 'to, feeling close.

"Ayoko nga."

"Nasasaktan ako, Colina. Kainin mo na 'to."

Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha sa kamay niya 'yong burger saka kinain. Armil cleared his throat.

"Tangina, sakit. Rejection sucks, holy hell," he murmured.

*****



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top