Chapter 5
Scent's Point Of View
The official class started. I'm nervous and excited. Hindi ko pa naman naaalala 'yong mga past lessons no'ng junior high school ako. I'm a fast learner that forgets everything I had learned in just a snap. Makatulog lang ako 'yong utak ko makaka-move on na agad.
"Scent! May club ka na? Magt-check si Ma'am later!" Apple shouted.
Kakababa ko lang sa sasakyan ni Papa at si Apple agad ang bumungad sa 'kin. May dala nga rin itong folders.
"Five mamayang hapon, Pa. May bibilhin rin pala ako sa mall."
"Ingat, 'nak. Huwag sasama kung kani-kanino, ang angas pa naman no'ng lalaking umaaligid-aligid sa 'yo," nakangising sabi ni Papa.
Ako lang ba may ganitong tatay? The hell.
"Ano ba, Pa!" reklamo ko.
"Biro lang, 'to naman. O siya, aalis na ako."
I nodded and waved. I entered the school's gate and went to Apple.
"Required ba talaga?" tanong ko.
"Yes! Hindi pwedeng display ka lang dito sa school, galaw-galaw girl!"
"Wala pa akong maisip e."
"Dapat mag-isip ka na! Mags-start 'yong klase mamayang Eight. Just tell me if you have something in your mind, ako na bahala para mapabilis ang process."
"Sige, salamat."
"I'll go ahead! Aasikasuhin ko pa 'yong ibang clubs! Bye! See you!"
"See you."
Habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong ko 'yong boyfriend ni Apple. May dalang folders.
"Nakita mo si Apple?" tanong niya sa 'kin.
"Oo. Aasikasuhin niya daw 'yong ibang clubs," sagot ko.
"Thanks."
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Bitbit ko rin ang suklay ko at sinusuklay ang buhok. Late na kasi ako nakatuloy kagabi kaya late na rin ako nagising. Hindi na ako nag-abalang magsuklay pa sa bahay at sa kotse, tinamaan ako ng katamaran e.
Nakita ko si Armil hindi kalayuan. Gulo-gulo ang buhok at katulad ni Apple at Jun ay may dala ring iilang folders. Haggard na haggard. Biglaan ay napatingin siya sa gawi ko. I immediately looked away and walked fastly.
Pagdating sa room ay nakita ko si Apple at Jun. Inaalalayan ni Jun si Apple. Iyan ang when.
"May club ka na? Bilis, Scent! We're running out of time!"
"A-ano... sa Music club nalang!" sigaw ko.
"Sure ka ha?" paninigurado niya.
Tumango ako. Hindi ako marunong kumanta pero marunong ako tumugtog. Acoustic guitar at drums. Still learning the electric guitar.
"Here. Ito 'yong form. Sign it please."
I did what she said. Nang ibigay ko sa kaniya 'yong form ay umalis na sila Jun. Nang magsimula ang klase ay nagpakilala kami sa iba't-ibang subject teachers.
"Zethadel Scendra, tara na!" hinila ako ni Apple palabas.
"Saan?" naguguluhang tanong ko.
"Sa Music club. Nag-sign up ka doon. And you have to perform something to impress them para matanggap ka."
Pagkatapos ng klase ay bigla nalang akong hinila ni Apple. 'Tsaka ano daw? Perform? What?
"Ha?! Hindi ako marunong kumanta!"
Napatigil si Apple at nilingon ako.
"What?! Then why did you sign up for Music Club?"
"Naguluhan ako, okay? Marunong akong tumugtog, pero hindi ako marunong kumanta. Wala sa tono."
"You'll be fine! Marunong ka naman pala tumugtog e, let's go na. Don't be pressured, mababait naman sila do'n," she winked.
Ay hindi. Kahit gaano pa sila kabait map-pressure pa rin ako. Biglaan kasi! Akala ko pa naman sa susunod na araw o next week pa 'yong audition.
"Maraming tao?"
"Hindi gaano. Ano ka ba? 'Wag ka nga kasing kabahan! Marami naman kayo na magp-perform. I got you, Sis. Sa likod lang ako. I'll cheer for you," tumatawang sabi ni Apple.
Ayan ang hindi kapani-paniwala. Pagpasok sa Music club ay maraming tao. May iba nga nasa labas. Nakapasok kami agad ni Apple, special kasi siya. Special as in may katungkulan sa school, hindi special child.
"Kinakabahan ka ba? Pwede namang hindi nalang natin ituloy," she worriedly whispered.
"Let's get this done with. Desisyon ko 'to e, kailangan panindigan. Pang-ilan ako?" huminga ako ng malalim.
"Ikaw, kung anong number gusto mo. I can adjust for you."
"Gusto ko mauna."
"Game! Kukunin ko 'yong number one. Hindi pa naman sila nagbibigay ng numbers sa mga mag-o-audition."
"Hoy, joke lang! Let'd be fair. Kung sino ang nauna, dapat mauna."
"Ang bait mo naman. Hindi halata sa nagm-maldita mong kilay at mata," tumawa si Apple saka umalis.
Truth to her words, may mala-maldita nga akong kilay at mata. Walang dugo ng mga singkit si Mama or Papa pero 'yong mata ko parang natusok ng stinger ng bubuyog. Dagdag mo pa 'yong nagmamalaking eyebags.
Tapos kilay na sobrang kapal at para kang sasampalin. Char! May soft features kaya ako, lalo na kapag ngumingiti.
"Pang-twenty ka, Scent. Anong kaya mong tugtugin? Para ma-ready na."
"Acoustic guitar. Thank you ng marami, Apple."
"Welcome! I'll be back!"
Pag-alis ni Apple ay sakto namang nahagip ng mata ko si Armil na kakapasok lang. Stressed na stressed. Walang kabuhay-buhay ang mukha at sobrang gulo ng buhok pati rin ang suot nitong long sleege na uniform.
Nakamasid kang ako sa kaniya sa tabi. Kausap niya na 'yong tingin ko ay isang member ng Music club. May sinasabi siya ritong kung ano at patingin-tingin pa siya sa paligid.
"Stressed talaga ang mga SSG Officers ngayon. Tignan mo si Armil, haggard na haggard."
"Oo nga."
"Gwapo pa rin naman."
"Oo nalang ulit," irap ko.
Nanatili kami doon ng halos isang oras. Isa rin pala si Armil sa mga judges since siya ang former leader ng club at wala pang ibang nahahanap.
"Your turn, Scent. Galingan mo. Go and impress Armil De Luna. He's pucky so beware."
I heaved a sigh and nodded. Punyeta nakakahiya!
Tumuntong ako sa maliit na platform bitbit 'yong inabot na gitara ni Apple sa 'kin. Fingerstyle guitar cover ang ginawa ko at ang napili ko ay 'yong kantang Let Her Go.
"What's your name?" seryoso lang si Armil ng itanong niya 'yon, walang bahid ng pagiging maloko.
I cleared my throat and answered.
"I'm Zethadel Scendra Colina."
"Do you know how to sing?" he asked again.
"I'm not really into singing, wala ako sa tono. But I can play acoustic and drums," I honestly answered.
"Okay, you may start," he nodded.
Huminga ako ng malalim saka bumaling kay Apple. Nagtataka ang mukha nito at nakatingin rin siya sa 'kin. Kinakabahan ako, punyetang 'yan!
Inayos ko 'yong capo ng gitara. I started strumming while still looking at Apple's side. Sa kaniya lang daw ako mag-focus kapag kinakabahan ako e.
Wala sa sariling napabaling ako kay Armil. Nakausli na ang kaliwang bahagi ng labi nito. Pinapaikot-ikot rin nito ang ballpen sa kamay at sa 'kin lang nakatitig.
I closed my eyes and started humming as I strum. I opened my eyes as I strum for the last part. Nagpalakpakan sila nang matapos ako. I smiled and waited for the judges to say something.
"Impressive. I really liked your performance," Armil simply said.
"Can you sing for us? Like, just an example. Gusto ka lang namin marinig na kumanta. Your playing skills is amazing, Miss Colina," sabi ng katabi nitong lalaki.
"Damn, right," Armil chuckled.
"Kanta? Wala po talaga ako sa tono," iling ko.
"It's fine. You can go now, Miss Colina," Armil nodded at me.
Tipid na ngumiti lang ako at bumaba sa maliit na platform. Bumalik ako kay Apple na ngayon ay tuwang-tuwa.
"You did well! Canteen tayo, libre ko."
Ayan ang gusto ko.
"Tara."
Libre nga ni Apple ang lahat pagdating sa canteen. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay dumating si Jun at Armil. Umupo si Jun sa tabi ni Apple at sa tabi ko naman si Armil. Ayos na ang mukha niya, mukhang nakapag-refresh na.
"Ang galing mo kanina."
"Tanggap na ba ako?"
"Tanggap na tanggap. Hindi ka pa nga nag-audition tanggap ka na e," makahulugang sagot nito.
"Kung ano mang trip mo, Armil, itigil mo na. Hindi na ako natutuwa sa 'yo," I hissed out of annoyance.
"Anong trip?"
"Matalino ka, alam mo na kung anong ibig kong sabihin."
"No, Scent. You don't understand."
"Oh, shut up! Tantanan mo na ako, Armil. Nagmumukha kang tanga sa ginagawa mo."
His infamous smirk faded. He's now looking at me with hawk eyes.
"Scent, that was harsh," Apple said.
Hindi ako umimik at nagpatuloy sa pagkain.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top