Chapter 4
Scent's Point Of View
Tuliro ako habang naglalakad sa school kinaumagahan. I searched for the meaning, and it turns out to be— oh, my God! I can't even say it.
"Good morning, Scent!" Apple waved.
Ang aga niya. Six-thirty pa lang. Inagahan ko na kasi hindi ako makatulog kagabi kakaisip do'n sa numbers na binigay niya.
"Good morning. Aga mo ah."
"Sumabay ako kay Jun, maaga kasi 'yon palagi. Mas maaga pa sa guard," she laughed.
"Ikaw bakit ang aga mo?" tanong niya.
"Maaga ako nagising e. Sa room na ako," tango ko.
"Okay. See you later!"
Hinawakan ko ang strap ng bag ko at dumiretso sa room. Malayo sa gate 'yong room ko, ang laki kasi ng fountain, kumakain ng space. Pero ang nice niya tignan ah.
"Good morning, Colina. Ang ganda mo."
Dinagsa ng kaba ang dibdib ko nang makita si Armil na nakaupo sa desk, naka-reading glasses at may binabasang libro. Basa rin ang buhok nito at nakabukas ang tatlong butones galing sa leeg. Nawawala necktie.
"Hi," simple kong bati at nilapag ang bag sa upuan.
Punyeta puso ikalma mo!
"Kamusta tulog mo?"
Natutop ko ang bibig ko nang ilapag nito ang binabasang libro at reading glasses sa desk at nakapamulsang naglakad palapit sa 'kin. What the hell beh no! Don't come near me, please lang!
"Answer me, Colina."
"A-ano... ayos lang," mahina kong sagot.
"Nakuha mo na 'yong sagot?" he grinned.
"Hindi. Tinapon ko kahapon sa daan," pagsisinungaling ko, hindi alintana ang kaunting sakit na bumalatay sa mata niya.
He licked his lower lip and swallowed hard while staring intently at me. Ako ay isang dakilang sinungaling. Nakakakaba naman kasi si Armil! Parang tanga!
"Bastos ka, Colina," paos na sabi nito.
"Gago. Diyan ka na nga!" singhal ko at akmang aalis na.
"'Wag mo 'ko tatalikuran, hindi pa tayo tapos," anito na hawak ang braso ko.
"Punyeta, De Luna!" naiinis kong sigaw.
Marahang tumawa si Armil at hinapit ako palapit sa kaniya.
"Hindi pa nga kasi tayo tapos. Iiwan mo 'ko agad? Wala pa nga tayo sa exciting part," ngisi niya.
"Mukha mo exciting part."
"What the heck, Armil! Let go of my friend, you idiot!"
Sobrang lawak ng ngiti ko pagpasok ni Apple.
"What are you doing here?" Armil asked.
"Hindi naman bawal na nandito ako ah!"
"Bawal ka muna ngayon. Labas, Apple," utos niya.
"Lalabas talaga ako, pero isasama ko si Scent! Umayos ka, Armil, ah. Malilintikan ka sa 'kin," banta ni Apple at hinuli ang isa kong kamay saka ako kiladkad.
Lumingon ako kay Armil habang hila-hila ako ni Apple palabas. There was smug smile plastered at his handsome face. He winked right before Apple closed the door.
"Ang aga nakalambitin na agad sa 'yo si De Luna."
"Anong lambitin? Nakahawak lang naman siya sa 'kin," I pouted.
"I know, I saw it. Ano nga pala pinag-usapan niyo at parang nagkakainitan kayong dalawa?"
"Binibiro niya lang ako. Ayoko sa mga biro niya. Nakakapanindig balahibo," niyakap ko ang sarili ko at umaktong nilalamig.
Tumawa si Apple.
"Saan mo 'ko dadalhin?" tanong ko.
"Sa canteen. Nagugutom ako wala akong kasama kumain."
"Bakit? Nasaan ba boyfriend mong si Jun?"
Umirap lang ito at hindi sumagot. Pagdating sa canteen ay sandamakmak na pagkain ang in-order niya. Hindi halatang gutom si Auntie niyo Apple.
"Cravings na ba 'yan, Mars?" tanong ko.
"Gutom na gutom talaga ako."
"Hindi ka ba kumain sa inyo?"
"Hindi. Sobrang aga kasi ni Jun."
"Alam ba niya na wala kang kain?"
"Hindi rin," she awkwardly laughed.
Hinayaan ko siyang kumain at paminsan-minsan ay kumukuha rin sa mga pagkain na ino-order niya. Naalala ko first day of school ang gaan na agad ng pakiramdam ko kay Apple. Meant to be siguro kami maging magkaibigan.
"Jesus, Apple!"
Nanlaki ang mata ko nang makita si Jun na malaki ang hakbang palapit sa table namin. Kasama nito si Armil na nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa at dahan-dahan lang ang paglalakad. May nakapaskil na ngisi rin sa labi nito.
"Jun Joshua! What are you doing here?" Apple gasped.
"I was looking for you. Bakit hindi mo sinabing wala ka pang kain?"
"I'm sorry. You were too busy and I just can't interfere," Apple lowered her head.
"Hi, Scent," bati ni Armil na nasa tabi ko na pala.
"Nananayo balahibo ko sa 'yo. Lumayo ka nga," nababanas kong sabi.
Tumawa si Armil at umupo sa tabi ko. Baliktad ang utak. Sinabi kong lumayo, ang ginawa umupo.
"Gusto ko rin ng ganiyan," nguso niya sa dalawa, kay Apple at Jun.
"Walang nagtanong," irap ko.
"Maldita ka talaga. Kaya kita nagugustuhan e," marahas niyang bulong sa tainga ko.
Tinulak ko ang mukha niya palayo dala na rin ng gulat. Punyeta! Tukso, lumayo ka sa 'kin. Char! Hindi ako matutukso sa kagaya niyang dugyot.
"Nahuhulog ka na ba, Scendra?" amusement danced in his eyes.
"Dream on, De Luna."
"Oh, I will," tumaas ang kaliwang sulok ng labi nito at mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko.
"Flirty ka," I bluntly said, making him chuckle a bit.
"I know."
"At ayoko sa mga malalanding kagaya mo."
Napahalakhak si Armil dahil sa sinabi ko. Shit beh! Kahit pagtawa niya ang sexy bigla sa pandinig ko.
Ay hala! Kailangan panindigan ang salitang ayaw ko sa mga malalandi, at si Armil 'yon. Ayoko sa kaniya. Feeling ko kasi red flag siya.
Some might say don't judge the book by its cover, pero hindi naman siya libro kaya huhusgahan ko siya.
"Sa 'yo nga lang lumalandi."
"Hindi ko tinatanong," malditang sabi ko.
"Oh. Para sa 'yo."
May nilapag itong paper flower sa mesa, sa mismong harap ko.
"Anong gagawin ko dito? Nakakain ba 'to?"
"You have too many questions. And yes, that's edible. You're too thin, eat more grass, will ya?" he cooly said.
"Anong grass? Gago ka ba?"
"Handa nga maging gago basta ikaw na ang usapan. Can't you see it? Green flag ako, Colina. Sobrang green flag ko. Lahat ng magandang katangian na sa 'kin. Walang labis, walang kulang. Perfect!"
"Masyado ka na, Armil. Pwede na kita ilibing."
"Kung sa katawan mo lang naman aba'y hindi ko aatrasan 'yan," he winked.
"Bastos!"
Napaatras ako nang ilapit niya ang katawan niya sa 'kin. Pilit akong lumalayo at siya rin ay sumusunod.
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong pabagsak na ako. Hindi ko namalayan nasa huling bahagi na pala ako ng upuan.
"Kung mahuhulog ka, dapat sa 'kin lang, Colina. Sa akin... lang," seryosong sabi nito, nakapulupot rin ang isang braso nito sa baywang ko habang ang isa naman ay nasa mesa, nakahawak bilang suporta para hindi kami bumagsak.
Beh, 'yong muscles, nalabas!
"'Wag niyong kalimutan na nandito pa kami."
Nag-angat ako ng tingin at nakita si Apple na naka-cross arms at nakatingin sa 'min.
"Masakit na leeg ko, Armil. Kailan mo ba ako pauupuin ng maayos?" tanong ko.
"Sorry. I was just savouring the moment. Damn, nakakatuwa pala 'yon," he blushed and chuckled.
"Anong nakakatuwa? Ang sakit-sakit ng leeg ko tapos ikinatuwa mo pa 'yon? You're too evil!" naiinis kong sabi.
"No, baby. I'm heavenly."
"Can't you just stop praising yourself? It's annoying."
"Self-love is a must, Scendra. But I can do both, self-love while also loving you. I'm a multitasker, love," he winked.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top