Chapter 25

Scent's Point Of View

Tinulungan ako ni Apple na tanggalin ang make up sa mukha ko. Nagpupuyos ito sa galit at namumuo rin ang luha sa gilid ng mga mata.

"Napaka-feeling naman ng clout chaser na 'yon. Nakakainis!" sigaw nito.

"Maldita nga," kalmadong tango ko.

"Hindi naman siya ganiyan noon. Mabait, palangiti, at mapagkumbaba ang Denni na nakilala at nakasama namin noon. Swear, sobrang down to earth niya. Hindi ko alam kung totoo 'yon o... pagpapakitang tao lang." Napahinga ng malalim si Apple at nginitian ako. "No'ng first day, sobrang outstanding talaga ng ganda mo. Lahat ng nakakasalubong natin noon napapatingin sa 'yo. Mapa-babae man o lalaki."

"I understand Dennielle."

"Naiintindihan ko rin naman siya. But why is she acting like that? Alam namin ni Jun ang kung anong mayroon silang dalawa ni Armil noon. Kulang kasi siya sa pansin noon kaya nagpapansin, dinamay pa si Armil. Tapos ngayon, nakakairita, hindi na sana siya bumalik. Kasalanan niya 'tong lahat eh! Payapa naman 'tong school ng wala siya."

Napailing ako. Napatitig ako sa sariling repleksiyon sa salamin. Ewan ko ba, kahit saan tignan hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na maganda.

"Hindi mo siya naiintindihan, Apple. Sabi mo naiintindihan mo siya pero tinatanong mo kung bakit umaakto siya ng gano'n. Bumalik siya para kay Armil. Anong ibig sabihin no'n? Ibig sabihin mahal niya si Armil. Hindi ka naman siguro babalik para sa taong 'yon kung wala ka namang nararamdaman para sa kaniya, 'di ba? Si Armil ang dahilan kung bakit nandito siya." Sumandal ako sa sink. "At nasasaktan siya ng malaman na pumasok ako sa litrato... sa buhay ng taong gusto niya. Kaya niya nagagawa ang mga bagay na ganito. She's just plainly hurting."

"Love. Such a big word. Ang babata pa natin sa mga ganito, ano?" mahinang natawa si Apple.

Napangiti ako at tumango. Totoo naman kasi. Masyado pa kaming bata para sa mga ganitong bagay. Nasa high school pa nga. May 'teen' pa sa dulo ang edad.

"Super against ang parents namin ni Jun sa relationship naming dalawa. Imagine, fourteen years old pumunta sa bahay para manligaw."

Namilog ang mga mata ko. "Totoo?"

Tumango si Apple. "Oo. Fourteen lang si Jun no'ng pumunta siya sa amin para magpaalam sa parents ko. Ang lakas nga ng loob eh. Tibay ng kalooban, si Jun na 'yan. He was so eager to court me. My parents and grandparents interrogated him. In the end, hindi talaga sila pumayag. Kahit na gano'n niligawan niya pa rin ako. Palihim kaming nagkikita hanggang sa sinagot ko siya ng hindi nalalaman ng parents namin."

"Tignan mo nga naman at tumagal kayo. You found love and peace with each other."

"We did. And I'm thankful because Jun didn't give up on me. I don't really show my affection towards him but I really love my boyfriend. And it will stay as it is."

"Bumalik na tayo?"

"Tara. Sa canteen tayo, libre kita. You've been through so much these past weeks, Scent, and you deserve a treat from me. Nandito lang kami ni Jun para sa 'yo, okay? Don't hesitate to call us whenever you need something."

"Thank you, Apple."

LUMIPAS ang iilan pang mga buwan at nagtapos ako ng highschool. Mula sa kinauupuan ko ay tinatanaw ko si Armil at Denni na masayang nag-uusap kasama ang pamilya ni Armil. Nakasuot ng toga si Armil at yakap-yakap niya si Denni sa baywang. That place used to be mine. It used to be me.

Masakit pa rin sa pakiramdam, but over tha past months, I'm finally able to watch them with less pain. Masaya sila sa isa't isa at nakikita ko namang mahal na mahal ni Denni si Armil. She can take my place. Aalagaan niya si Armil, alam ko 'yon.

So now, I'm finally cutting my connection with him. I know my place already, at hindi iyon sa tabi ng lalaking mahal ko.

"Stop staring at them, Scent."

Napalingon ako kay Apple. Agad akong napangiti ng makita itong may dalang bulaklak. Nasa likuran niya si Jun na katulad namin ay nakasuot rin ng toga.

"This might be the last," sagot ko.

"Saan ka magc-college?"

"Sasama ako sa pinsan ko."

"Aalis ka ng bansa?" gulat niyang tanong.

"Anong aalis— hindi. Medyo malayo siya dito kaya maga-apartment ako."

"E-eh pa'no si Armil? Akala ko ba hindi mo siya susukuan?" mangiyak-iyak niyang tanong.

Natawa ako. "Hindi ito katulad ng nasa libro na palaging happy ending. Sometimes, things don't go as planned. I'm cutting my connections with him. Puppy love lang sigurong matatawag iyong nangyari sa aming dalawa."

"What if he regains his memory back?"

"Then good for him. But probably by that time... may iba na rin akong minamahal. Wish me luck, Apple. Thank you sa inyong lahat," ngiti ko.

Mahinang napaatras ako ng ngumiwi ito at mayamaya ay umiyak. Niyakap niya ako ng mahigpit at tinapik ko naman ang likod nito. Dinaluhan kami ng mga kaklase namin at sumali rin. Naging group hug na tuloy ang nangyari.

Isa-isa ko silang tinignan. Alyssa, Shaila Fate, Margaret, Jareyn, Mykee, Alexandra, at Christine.

"Ibang level ng buhay na naman ang tatahakin nating lahat. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang nag-introduce yourself pa tayo eh," tawa ko.

"Crush kaya kita no'ng first day, girl crush," ani Marga.

"Alam ko, Margaret. Sa ganda ko ba namang ito," nag-flip pa ako ng buhok.

"Feeler naman nito," aniya na ikinatawa naming lahat.

"Excuse me, nandito ba si Scent?"

Sabay ang lingon naming lahat sa likod. Nakatayo ang pogi kong pinsan na si Doblenn at may hawak na bouquet pati na rin gift.

"Ay wow, kaya naman pala," sundot ni Apple. "May love interest na pala."

"Magtigil ka nga, pinsan ko 'yan," bulong ko.

"Nandiyan ka lang pala. Hinahanap ka na nina Tita. Maghahakot pa tayo ng mga bagahe mo papunta sa apartment."

"Akala ko sa bahay ka na maghihintay," kunot noong sabi ko.

Inabot niya sa 'kin 'yong bulaklak at gift na dala. Hula ko ay pabango ang nasa loob nito. Palagi naman kasing pabango ang regalo niya sa 'kin tuwing pasko o birthday ko. Kuripot kasi.

"Hindi 'yan pabango," pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Alam ko 'yang nasa isip mo. Trust me, hindi 'yan pabango."

Mahinang hinampas ko siya sa braso kasabay ng malakas na tawa. Kilalang-kilala na talaga ako oh.

"Pa'no ba 'yan? Mauna na ako sa inyo ah. Ba-bye!"

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top